"Anong nangyari at wala ka nang trabaho apo?" napabuntong hininga ako sa sinabi niya.
"Dumating na ho ang asawa ko, siya pala ang bago naming boss," nakita ko ang pagkagulat sa kaniyang muka. Kilalang-kilala ako nang mamang dahil sa kaniya ko sinabi lahat nang tungkol saakin noong magising ako.
"Edi maganda! Sumama kana sa asawa mo!"
"Ayoko nga po!" agad na sigaw ko na ikinagulat nito kaya natawa ako.
"Ay sorry mamang hehe, ayoko po. Kailanman ay hindi kami magkakasama at hinding hindi ko siya tatanggapin bilang asawa ko,"
Napangiti siya sa sinabi ko at napailing pagkatapos ay sumubo nang pagkain.
"Bakit po mamang?" kunot noo kong tanong.
"Mag-ingat ka sa pananalita apo dahil baka balang araw kainin mo yang sinasabi mo,"
"Sus mamang naman, nasa 21st century napo tayo," iling na sabi ko sa kaniya na ikinailing lang din nito.
"Bahala ka,"
Totoo naman sinasa
AIDEN "ANONG nangyari sir?" Napalingon ako kay Raymond dahil sa sinabi niya. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko dahil sa galit mula sa mga narinig kong sinabi ni Sabrina. Hindi kona napigilan ang sarili ko at inilaglag ang lahat ng meron sa lamesa ko. "Aiden ano ba?!" tinignan ko ng masama si Raymond dahil doon na ikinaatras naman nito. "T-Tumigil ka nga nasa opisina ka!" matapang na sabi nito saakin. "Ako tumigil? Ayaw lang naman saakin ng asawa ko anong gusto mong reaction ko?!" sigaw ko pabalik na ikinatahimik nito. Napahawak ako sa aking buhok at napaupo sa aking upuan. "Matagal ko na siyang hinahanap Raymond, sobrang tagal! At ngayon na nandito na siya sasabihin niya lang saakin na hindi niya ako itinuring na asawa gayong ako ito nagpapakahirap hanapin siya at nag-aalala?!" Tahimik lang na nakikinig saakin si Raymond dahil alam niya na kapag sumabat siya saakin ay katapusan na niya. Hindi ko maintindihan, ang gusto ko lang naman ay makita siya at ngayon na nakita kona si
"Grabe iba talaga ang tama kay Sabby," sinamaan ko siya nang tingin dahil sa sinabi niya at napataas ang kaniyang kamay."Sabi ko nga Mrs.Devaux dapat ang itawag ko sa kaniya,"Muli kong ibinalik ang aking paningin sa resume ngunit napahinto ako sumandali at biglang napatayo."Why?" takang tanong niya saakin."Bakit single ang status niya samantalang kasal kami?!"Napatingin siya sa resume dahil sa sinabi ko at napatango. Nakaramdam akong muli ng galit sa katawan dahil doon. Ganoon niya ba talaga ako kaayaw kaya hindi niya ginagamit ang apilyido ko gayong kasal naman talaga kaming dalawa?"Sa tingin ko hindi niya talaga tanggap na kasal kayo," napatingin ako ng masama kay Raymond dahil sa sinabi nito."Kailangan ko siyang kausapin!"Mabilis akong naglakad paalis doon at pinuntahan ang isang taong alam kong alam niya kung saan maaaring makita si Sabrina. Kada daanan namin ay nagbib
"Duguan?! Bakit?!" gulat kong sabi na ikinakunot ng noo nito."Hindi mo alam? Ah naalala ko sabi nga pala niya ay arrange lamang ang inyong kasal. Pero tama ang iyong narinig, punong-puno ng sugat ang kaniyang katawan at ilang linggo bago ito gumaling habang ang iba naman ay hindi na gumaling at naging pilat sa kaniyang likuran,"Napakuyom ako ng aking kamao dahil sa aking mga naririnig at gustong gusto kong bugbugin kung sino man ang taong gumawa niyon sa asawa ko. Hinding-hindi ko mapapatawad kung sino man iyon at sisiguraduhin ko na ibabalik ko sa kanila ang sakit na dinanas ng aking asawa."Hindi niyo ho ba alam kung sino ang may gawa niyon?" nag-aalalang tanong ni Raymond dito na ikinailing ng matanda."Hindi ko alam dahil wala siyang nasabi saakin," napaisip ako dahil doon. Ano ba talaga ang nangyari matapos umalis ni Sabrina sa gabi ng kasal namin?"Ngunit sinabi niya saakin na malaki ang takot niya sa lalaking iyon a
Napahiwalay siya sa pagkakayakap saakin. Alam kong sinisisi niya ang sarili niya magmula ng mawala ang asawa ko dahil ito ang huling kausap bago ito mawala. Alam ko rin na kahit sa maiksing oras ay naging close na sila ni Sabrina. "Nakita mo narin siya kuya?!" napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. "Anong nakita? Sandali nakita mona ba ang asawa ko? Alam mong doon siya nagtatrabaho sa bago nating kumpanya?!" Napayuko si Addi dahil sa sinabi ko na ikinabuga ko ng hangin sa bibig. Alam na niya ang totoo at hindi niya manlang sinabi saakin! "Sorry kuya, sabi kasi ni At Sabby na wag daw sabihin sayo. Alam din ng kambal pwera lang kay Keon na nawawala naman palagi," Napabuntong hininga ako dahil sa sinabi ni Addi, wala naman akong magagawa kung hindi nila sinabi saakin at least alam kona ang totoo. "It's okay, tapos na naman ang mahalaga ay ngayon. Galit saakin ang ate mo," Napatango siya dahi
SABRINA Nagtatrabaho ako ngayon sa restaurant ni France at dahil masyadong maraming customer ngayon ay kanina pa ako galaw ng galaw. Sinubukan akong pigilan ni France kanina pero tumanggi ako dahil trabaho ko ito at para narin sulit ang binabayad niya saakin kada oras. Mahal ang bayad niya saakin kaya dapat lang na ipakita ko sa kanilang lahat na karapat-dapat ako para sa sweldo ko na iyon. Alam ko na hindi maiiwasan ang pagkainggit nila saakin pero isinasakilos ko naman ang lahat ng iyon kaya wala silang reklamo saakin. "Waitress," napalingon ako sa tumawag saakin at nakangiti akong pinuntahan sila. Ganito kapag ang trabaho mo ay palaging kausap ang customer, you have to smile always para ipakita mo sa customer na mababait at maganda nag service ng restaurant at para balik-balikan nila since masasarap ang luto ng pagkain dito. "Right away sir," Naglakad na ako paalis doon at kinuha ang hindi ko natapos na gawain kung saan iniipon ko ang pinagkainan ng umalis na customer. Ng
"Ayoko nga kasi Aiden ano ba!" sabi ko ng hawakan niyang muli ang kamay ko at napatingin ito saakin sandali. Maya-maya ay lumabas ang ngisi sa kaniyang mga labi at bigla akong hinila palabas ng kotse. "Aray! Ano ba?!" Sabi ko sa kaniya at pilit na hinihila ang kamay ko ngunit mahigpit ang pagkakakapit nito sa aking kamay. "Good morning sir, ma'am" bati saamin ng guard na ikinakunot ng aking noo dahil iba na ang nagbabantay hindi si mang nestor. "Nasaan si Mang Nestor?" tanong ko habang hila-hila parin niya ako. "Hindi ko kilala yun," walang lingon na sabi niya saakin. "Yung matandang tagabantay! Yung matagal ng guard!" "Ah yun ba? Tinanggal ko na, masyado na siyang matanda para maging guard ng kumpanya," "Nang dahil lang doon tinanggal mo siya?! You're unbelievable!" "Pwede ba wag kang sumigaw rinig ka nila," Napatahimik ako
"SABBY!" Nagulat si Sabrina sa kaniyang pagpasok sa loob dahil agad na sumigaw si Sophia at Lyn. Nakuha din ni Mica at Janice ang kanilang attention dahil doon at kaniya-kaniya silang tayuan. "Hoy Sabby!" Akala ni Sabrina ay tatanungin siya ng mga ito kung bakit matagal siyang wala sa trabaho ngunit akala lang pala iyon dahil hinila siya ng mga ito papunta sa loob at isinara ang pinto pwera kay Mica na naka cross arms lang sa kaniya sa table nito. "Ikaw yun diba?! Ikaw yung kasama ni sir Aiden kanina!" Napangiwi si Sabrina dahil sa sinabi ni Sophia lalo na at napansin siya nito kanina. Wala siyang ibang nagawa kung di ang tumango dahil huli narin naman siya ang kailangan niya lang ay maayos na paliwanag. "Sabi kona eh! May nalalaman ka pang hindi ikaw yun ah!" "Mali kasi ang iniisip mo, hiyang-hiya na ako kanina kaya ko nagawa yun ang ingay mopa naman!" Palusot nito na ikinataas ng kilay ng dalawa. "Palusot! Anong meron sa inyo ni sir Aiden! Ikaw ah kunwari kapa may gust
Bilang tanong ni Mica ng maglalakad nanaman si Sabrina paalis. "Mag-CCR bawal naba akong umihi?" ngising sagot nito na ikinatawa ng mga kasamahan nila kaya napasimangotn nalang si Mica na napabalik sa inuupuan niya. Alam nito na hindi talaga CR ang punta nito. Sa isang taon na nilang magkasama sa trabaho ay alam na niya ang ugali nito at kapag mayroong hindi tama ay talagang isinasaayos niya kaya madalas siyang mag-over time dahil may napapansin itong mali sa report nila. Yes, si Sabrina nag taga ayos ng report ng kanilang team bago ipasa sa itaas kaya malaki ang pasasalamat nila kay Sabby dahil kung hindi dahil dito ay baka maging sila ay wala ng trabaho. Napailing nalang si Mica at bumalik sa kaniyang trabaho, alam niyang kaya na ni Sabrina iyon. Sa paglabas ni Sabrina ay marami ang napapatingin sa kaniya lalo na at masyadong kalat pa sa ngayon ang issue tungkol sa paghila sa kaniya ni Aiden. Hindi ito pinapansin ng dal