"Grabe iba talaga ang tama kay Sabby," sinamaan ko siya nang tingin dahil sa sinabi niya at napataas ang kaniyang kamay.
"Sabi ko nga Mrs.Devaux dapat ang itawag ko sa kaniya,"
Muli kong ibinalik ang aking paningin sa resume ngunit napahinto ako sumandali at biglang napatayo.
"Why?" takang tanong niya saakin.
"Bakit single ang status niya samantalang kasal kami?!"
Napatingin siya sa resume dahil sa sinabi ko at napatango. Nakaramdam akong muli ng galit sa katawan dahil doon. Ganoon niya ba talaga ako kaayaw kaya hindi niya ginagamit ang apilyido ko gayong kasal naman talaga kaming dalawa?
"Sa tingin ko hindi niya talaga tanggap na kasal kayo," napatingin ako ng masama kay Raymond dahil sa sinabi nito.
"Kailangan ko siyang kausapin!"
Mabilis akong naglakad paalis doon at pinuntahan ang isang taong alam kong alam niya kung saan maaaring makita si Sabrina. Kada daanan namin ay nagbib
"Duguan?! Bakit?!" gulat kong sabi na ikinakunot ng noo nito."Hindi mo alam? Ah naalala ko sabi nga pala niya ay arrange lamang ang inyong kasal. Pero tama ang iyong narinig, punong-puno ng sugat ang kaniyang katawan at ilang linggo bago ito gumaling habang ang iba naman ay hindi na gumaling at naging pilat sa kaniyang likuran,"Napakuyom ako ng aking kamao dahil sa aking mga naririnig at gustong gusto kong bugbugin kung sino man ang taong gumawa niyon sa asawa ko. Hinding-hindi ko mapapatawad kung sino man iyon at sisiguraduhin ko na ibabalik ko sa kanila ang sakit na dinanas ng aking asawa."Hindi niyo ho ba alam kung sino ang may gawa niyon?" nag-aalalang tanong ni Raymond dito na ikinailing ng matanda."Hindi ko alam dahil wala siyang nasabi saakin," napaisip ako dahil doon. Ano ba talaga ang nangyari matapos umalis ni Sabrina sa gabi ng kasal namin?"Ngunit sinabi niya saakin na malaki ang takot niya sa lalaking iyon a
Napahiwalay siya sa pagkakayakap saakin. Alam kong sinisisi niya ang sarili niya magmula ng mawala ang asawa ko dahil ito ang huling kausap bago ito mawala. Alam ko rin na kahit sa maiksing oras ay naging close na sila ni Sabrina. "Nakita mo narin siya kuya?!" napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. "Anong nakita? Sandali nakita mona ba ang asawa ko? Alam mong doon siya nagtatrabaho sa bago nating kumpanya?!" Napayuko si Addi dahil sa sinabi ko na ikinabuga ko ng hangin sa bibig. Alam na niya ang totoo at hindi niya manlang sinabi saakin! "Sorry kuya, sabi kasi ni At Sabby na wag daw sabihin sayo. Alam din ng kambal pwera lang kay Keon na nawawala naman palagi," Napabuntong hininga ako dahil sa sinabi ni Addi, wala naman akong magagawa kung hindi nila sinabi saakin at least alam kona ang totoo. "It's okay, tapos na naman ang mahalaga ay ngayon. Galit saakin ang ate mo," Napatango siya dahi
SABRINA Nagtatrabaho ako ngayon sa restaurant ni France at dahil masyadong maraming customer ngayon ay kanina pa ako galaw ng galaw. Sinubukan akong pigilan ni France kanina pero tumanggi ako dahil trabaho ko ito at para narin sulit ang binabayad niya saakin kada oras. Mahal ang bayad niya saakin kaya dapat lang na ipakita ko sa kanilang lahat na karapat-dapat ako para sa sweldo ko na iyon. Alam ko na hindi maiiwasan ang pagkainggit nila saakin pero isinasakilos ko naman ang lahat ng iyon kaya wala silang reklamo saakin. "Waitress," napalingon ako sa tumawag saakin at nakangiti akong pinuntahan sila. Ganito kapag ang trabaho mo ay palaging kausap ang customer, you have to smile always para ipakita mo sa customer na mababait at maganda nag service ng restaurant at para balik-balikan nila since masasarap ang luto ng pagkain dito. "Right away sir," Naglakad na ako paalis doon at kinuha ang hindi ko natapos na gawain kung saan iniipon ko ang pinagkainan ng umalis na customer. Ng
"Ayoko nga kasi Aiden ano ba!" sabi ko ng hawakan niyang muli ang kamay ko at napatingin ito saakin sandali. Maya-maya ay lumabas ang ngisi sa kaniyang mga labi at bigla akong hinila palabas ng kotse. "Aray! Ano ba?!" Sabi ko sa kaniya at pilit na hinihila ang kamay ko ngunit mahigpit ang pagkakakapit nito sa aking kamay. "Good morning sir, ma'am" bati saamin ng guard na ikinakunot ng aking noo dahil iba na ang nagbabantay hindi si mang nestor. "Nasaan si Mang Nestor?" tanong ko habang hila-hila parin niya ako. "Hindi ko kilala yun," walang lingon na sabi niya saakin. "Yung matandang tagabantay! Yung matagal ng guard!" "Ah yun ba? Tinanggal ko na, masyado na siyang matanda para maging guard ng kumpanya," "Nang dahil lang doon tinanggal mo siya?! You're unbelievable!" "Pwede ba wag kang sumigaw rinig ka nila," Napatahimik ako
"SABBY!" Nagulat si Sabrina sa kaniyang pagpasok sa loob dahil agad na sumigaw si Sophia at Lyn. Nakuha din ni Mica at Janice ang kanilang attention dahil doon at kaniya-kaniya silang tayuan. "Hoy Sabby!" Akala ni Sabrina ay tatanungin siya ng mga ito kung bakit matagal siyang wala sa trabaho ngunit akala lang pala iyon dahil hinila siya ng mga ito papunta sa loob at isinara ang pinto pwera kay Mica na naka cross arms lang sa kaniya sa table nito. "Ikaw yun diba?! Ikaw yung kasama ni sir Aiden kanina!" Napangiwi si Sabrina dahil sa sinabi ni Sophia lalo na at napansin siya nito kanina. Wala siyang ibang nagawa kung di ang tumango dahil huli narin naman siya ang kailangan niya lang ay maayos na paliwanag. "Sabi kona eh! May nalalaman ka pang hindi ikaw yun ah!" "Mali kasi ang iniisip mo, hiyang-hiya na ako kanina kaya ko nagawa yun ang ingay mopa naman!" Palusot nito na ikinataas ng kilay ng dalawa. "Palusot! Anong meron sa inyo ni sir Aiden! Ikaw ah kunwari kapa may gust
Bilang tanong ni Mica ng maglalakad nanaman si Sabrina paalis. "Mag-CCR bawal naba akong umihi?" ngising sagot nito na ikinatawa ng mga kasamahan nila kaya napasimangotn nalang si Mica na napabalik sa inuupuan niya. Alam nito na hindi talaga CR ang punta nito. Sa isang taon na nilang magkasama sa trabaho ay alam na niya ang ugali nito at kapag mayroong hindi tama ay talagang isinasaayos niya kaya madalas siyang mag-over time dahil may napapansin itong mali sa report nila. Yes, si Sabrina nag taga ayos ng report ng kanilang team bago ipasa sa itaas kaya malaki ang pasasalamat nila kay Sabby dahil kung hindi dahil dito ay baka maging sila ay wala ng trabaho. Napailing nalang si Mica at bumalik sa kaniyang trabaho, alam niyang kaya na ni Sabrina iyon. Sa paglabas ni Sabrina ay marami ang napapatingin sa kaniya lalo na at masyadong kalat pa sa ngayon ang issue tungkol sa paghila sa kaniya ni Aiden. Hindi ito pinapansin ng dal
"RAYMOND gusto kong kontakin mo lahat ng natanggal natin dito sa kumpanya at pabalikin and then yung mga pinalit natin ay pabalikin sa main company,"Nagulat si Raymond dahil sa sinabi ng kaniyang amo. Sa pagkakaalala niya ay bago paman sila pumunta sa kumpanya na iyon at habang kausap palang nito ang daddy niya ay sinabi na nitong magtatanggal siya ng empleyado ngunit bakit biglang nagbago ang isip nito."Bakit sir? May problema ba?" napatingin si Aiden kay Raymond dahil sa tinanong nito."My wife diddn't agree with my desission so yeah," nakangiting sabi ni Aiden na ikinangiti nalang din ni Raymond at napailing."Ano ng status niyo ng asawa mo sir?""Ganon pa rin, pero konti nalang gugustuhin narin niyang maging asawa ko," nakangising sabi nito na ikinailing ng lalaki. Sa ikinikilos palang ni Sabrina ay duda na ito lal
"Yes dad, ako po ang bahala," napangiti si Keiron dahil sa sinabi ng anak."Yan ang gusto ko sayo, treat your wife as your Queen not a toy," pagkasabi nito ay umalis na ito sa loob at naiwan si Aiden na napabuntong hininga. Ang dami talagang alam ng daddy niya na hindi niya alam.***UUWI si Sabrina na nakangiti dahil walang asungot habang siya ay lumabas ng opisina. Kaya't habang siya ay naglalakad palabas ay kumakanta-kanta pa siya."Hoy Sabby!"Nawala ang ngiti niya dahil sa tumawag sa kaniya at nakita niya si Mica na tumatakbo sa gawi niya kaya napangiwi ito. Akala niya ay masaya siyang uuwi hindi pala. Mabilis na tumakbo palayo si Sabrina sa babae na ikinalaki ng mata ni Mica at sinundan ito.Hindi nila pinansin ang mga tao na napapatingin sa kanila lalo na at iniiwasan nila na mayroon silang makakabunggo. Nataka si Mica dahil sa pagtakbo ng dalaga kakausapin niya lang naman ito about sa nangayari sa kaniya
Paano kapag nagkakilala kayo sa maling lugar, maling oras at maling panahon? Malalaman niyo nalang na mag-kaiba ang mundo na inyong ginagalawan. Maraming sikreto ngunit iisang kwento, kwento patungo sa happy ending. ‘Yun ay kung may happy ending nga ba di tulad ng kaniyang librong isinisulat na pawang walang magandang katapusan dahil sa huli ay namamatay ang babae at naiiwan na mag-isa ang lalaki. Paano kung dumating ang babaeng para sa kaniya at dinadalangin na hindi matulad sa kaniyang sinusulat na libro ang katapusan ng kanilang kwento. Ang iwan siya at mawala ito, iyan ang kinatatakutan niya ni Keon Devaux. *** “Sabrina! Sabrina, Aiden!” Nabulabog ang gabi nila Sabrina at Aiden maging ng kaniyang mga anak na mahibing na natutulog sa kuna ay nagising dahil sa malakas na pagsigaw ng taong nasa labas dis-oras ng gabi. “Sino ‘yun?” kunot noong sabi ni Sabrina at binuhat ang anak na si Atasha dahil nagising ito. “Wife, amina muna si Atasha, puntahan na natin ang tumatawag sa l
“HELLO hija,”Napatingin sa salamin si Sabrina dahil sa nagsalita at nakita niya ang pumasok na apat na matatandang babae ngunit halata mo parin ang kagandahan sa mga ito kahit na ganoon. Napangiti siya sa mga ito at tumayo ngunit agad siyang pinigilan ng isang babae. “Wag ka ng tumayo Sabrina, sandali lamang kami.” Nakangiting sabi nito kaya wala siyang nagawa kung di ang bumalik mula sa pag-kakaupo.“Tama si Ally, gusto ka lang namin makita sandali bago ka ikasal sa inaanak naming si Aiden,” nakangiting sabi ng isa. Doon niya naalala ang mga ito, sila ang binabanggit ni Aiden nan as aibang bansa kaya hindi nakarating sa pilipinas ay dahil sa sobrang busy. “Kilala mo ba kami hija?” nakangiting tanong ng isang babae na ikinangiti niya ng pilit at umiling.“Nabanggit po kayo saakin ng asawa ko pero hindi ko pa ho kayo nakikita,” napangiti sila dahil doon. “It’s okay, palagi mo na kaming makikita dahil dito na ulit kami titira, ako ng apala si tita Salem mo. Ako ang in ani France, palagi
Natigilan si Raymond dahil sa sinabi ni Sabrina ngunit agad na nagsalita si Angeline na ikinainis ni Sabrina. “H’wag kang maniwala sa kaniya doc! Inuuto ka lang niya para hindi matuloy ang plano natin!” tinignan ng masama ni Sabrina si Angeline. “Pag nakatakas lang talaga ako dito kakalbuhin kita!” sigaw niya na sabi dito. “Tama na! Simulan na natin ang operasyon!” Agad na kinabahan si Sabrina dahil sa sinigaw ni Raymond lalo na ng mamatay ang ilaw sa paligid at tanging ilaw pang operasyon nalamang ang buhay. “Anong gagawin mo sa puso ko kapag nakuha mo?!” tanong ni Sabrina dito. “Itatapon para wala ng makinabang pa.” parang baliw na sabi ni Raymond na ikinadasal talaga ni Sabrina. ‘Aiden nasaan kana?!’ Sakto na pagsigaw ni Sabrina ay may naramdaman siyang mga presesnya sa paligid. ‘Andito na sila!’ agad siyang dumilat at tinignan si Angeline. “Tingin mob a mamahalin ka ng asawa ko?! Never!” sigaw na sabi niya sa babae at dinadalangin na kumagat ito upang mabigyan ng konting or
Kasabay ng pagkakatuklas ni Sabrina kay Raymond na mastermind ay nalaman din ito ni Aiden ng makita si Angeline na kumuha sa anak niya. Matapos niyang makausap si Raymond ay sakto na nagtext si Sabrina na nagsasabi na si Raymond ang may pakana ng lahat kaya nabuo agad ang plano sa isip ni Aiden. Sinakyan niya lahat ng gustong mangyari ni Raymond at sumabay sa agos at inintay si Sabrina na makarating sa secret room. Nag desisyon silang dalawa na gamitin ang babae bilang pain papunta sa lugar na kinalalagyan ni Raymond at hindi naman sila nagkamali ng desisyon dahil kinuha nga siya ni Raymond. “Paano niyo nagawa saamin ito?!” umiiyak na sabi ni Addison na ikinangisi ni Aiden sa kambal. “Anong inaasahan niyo sa dalawang pinuno ng organization mauuto? Never, kaya humanda na kayo para sa gyera.” *** NAGISING si Sabrina ng marinig niya ang tunog ng isang makita sa kaniyang tabi, makina ng isang heartbeat. Pagdilat niya ay putting kisame ang sumalubong sa kaniya at pagtingin niya sa kani
Nanggaling si Sabrina sa Tagaytay at sina Hannah, Aichan at ang daddy niya ang nagsabi na nasa maynila ang mg auto dahil sa pag-launch ng bagong libro ni Keon kaya dumeretsyo siya sa bahay nila Aiden at ng wala siyang maabutan sa baba ngunit ang sabi ng mga maid ay andoon naman sila alam na niya kung nasaan ang mga ito, nasa secret room. “A-Ate Sabby!” Imbes na matuw sila sa pagbabalik ni Sabrina ay mas natakot pa sila dahil siguradong magwawala ang dalaga sa oras na malaman na nawawala si Jared. Si Aiden ay hindi alam ang gagawin ngunit ang ending ay agad siyang tumakbo sa babae at mahigpit itong niyakap. “W-Wife! I miss you so much!” hindi na napigilan ni Aiden ang kaniyang luha dahil doon bukod sa masaya siya at dumating na si Sabrina ay mas naiyak siya dahil napabayaan niya ang anak nila. Ngayon hindi niya alam kung paano sasabihin sa dalaga ang katotohanan. “I miss you too, Aiden. Sorry kung natagalan ako, wag kang mag-alala dahil inalagaan ko ng mabuti ang anak natin.” Humiwa
“KAILANGAN mong maniwala Karina dahil ito ang katotohanan!” sigaw na sabi ni Sabrina kay Karina na hindi makatingin sa kaniya dahil kakaiyak at umiiling na umaatras sa kinatatayuan nila. “H-Hindi totoo ‘yan Sabrina, nagsisinungaling ka lang!” naguguluhan na sabi ni Karina dahil hindi niya matanggap ang katotohanan. Agad na lumapit si Sabrina kay Karina at hinawakan ito sa magkabila niyang balikat. “Makinig ka saakin Karina, gusto ko na bumalik sa ayos ang buhay mo. Tanggapin mo ang katotohanan at babalik sa ayos ang lahat maging ang organization! S-Si Papang! Si Papang siya ang magpapatunay!” mas lalong umiyak si Karina dahil sa sinabing iyon ni Sabrina at sabay silang napatingin sa pinto ng mayroong tumawag kay Karina. “A-Apo,” napabitaw si Sabrina sa pagkakahawak niya kay Karina lalo na ng maglakad ito papunta sa papang nilang si Nestor. “T-Totoo ba ang sinabi ni Sabrina papang?” hindi nakasagot si Nestor dahil sa tanong ni Karina at napayuko. “Totoo ba iyon papang?!” muling sigaw
NGAYON na ang araw na pinakanghihintay ni Sabrina. Ang araw kung kalian niya iiwan ang pamilya niya para isa-alang-alang ang kanilang organization. Nag-request siya kay Aiden na pumunta sila sa palawan upang magbakasyon ngunit ang totoo ay nag book siya ng ibang flight papunta sa Japan. Nasabihan na niya sila Karina kagabi na mauuna na siyang pumunta sa Japan at ang mga ito ay isasakay niya sa isang private plain na nakahanda para sa mga ito. Habang papalapit sila ng papalapit sa airport ay nanlalamig na ang kamay niya. Hindi nila sinama si Jared dahil nag request din siya dito na sila lang sanang dalawa pero ang totoo ay ayaw niya lang makita ng anak ang pagkawala niya sa airport. Naisip niya na pabilhin ito ng pagkain at isasakto niya s abording ng kaniyang flight at iiwan ito ng mag-isa doon. Lahat na ng lakas ng loob na mayroon siya ay inilabas na niya upang magawa ang plano na iyon. Alam niya na mag-aalala ang lahat sa pag-alis niya kaya nag-iwan na siya ng sulat sa mga ito at
NAKAUPO si Sabrina sa ginta ng mahabang mesa sa isang pavilion sa hotel na nasa resort nila Aiden habang katabi niya rin ang lalaki na masayang nakikipag-usap sa mga kasama nila sa mesa. Nakapalibot sa kanila ang mga kakilala, friends at pamilya nila. Pawang masasaya sa muling pagka-engaged nila ni Aiden ngunit si Sabrina ay lutang at wala sa hapagkainan ang kaniyang isip.Noong makita niyang lumuhod si Aiden sa harapan niya at alukin ito ng kasal ay nagdadalawang isip siya. Napatingin siya sa sing-sing na nasa kaniyang palasingsingan, isa itong diamond na alam niyang mamahalin dahil sa kinang nito. Gusto niyang tumanggi sa lalaki ngunit pinapanalangin niya ang sandalling iyon, ang mag-propose ulit sa kaniya si Aiden sa unang pagkakataon na mahal na nila ang isa’t-isa ngunit hindi naman niya akalain na sasabay ito kung kalian kailangan niyang umalis at pangalagaan ang organization nila.Nakita niya na mayroong humawak sa kamay niya at pagkatingin niya sa taong iyon ay si Aiden pala it
“Hoy! Anong pinag-uusapan niyo?!” nakangiting sabi ni Addison at lumapit sa kambal niya at niyakap ito. “I miss you kuya,” sabi nito kay Aiden na ikinahalik ng lalaki sa noo ng kambal. “I miss you too, Addi. Kamusta ang pagbubuntis?” humiwalay ito sa pagkakayakap at sumimangot sa kaniya. “Ang tagal kamo ng asawa ko hanapin ang gusto ko.” sabi ni Addison. “Kaya nga pati kami inistorbo ng asawa mo ate Addi!” reklamong sabi ni Allard na ikinatawa ni Aiden. “Mukang kailangan ko narin maghanda diba?” napangiti sila dahil doon. “Kailangan talaga kuya! Malayo kami sayo hahahha!” sagot ni Allistair na ikinangiwi ng Aiden ngunit napatingin sa asawa kaya bigla iyong nawala. “Basta makita ko lang siyang masaya ayos na ako.” Nakangiting sabi ni Aiden. “Kailan ka mag po-propose kuya?” tanong ni Keon na ikinatingin dito ng lalaki. “This Sunday,” ngiting malaki ni Aiden dito. “Kaya wag muna kayong aalis dito, sa resort muna kayong lahat.” Dugtong pa niyang sabi. *** “Excuse me lang po muna,”