"RAYMOND gusto kong kontakin mo lahat ng natanggal natin dito sa kumpanya at pabalikin and then yung mga pinalit natin ay pabalikin sa main company,"
Nagulat si Raymond dahil sa sinabi ng kaniyang amo. Sa pagkakaalala niya ay bago paman sila pumunta sa kumpanya na iyon at habang kausap palang nito ang daddy niya ay sinabi na nitong magtatanggal siya ng empleyado ngunit bakit biglang nagbago ang isip nito.
"Bakit sir? May problema ba?" napatingin si Aiden kay Raymond dahil sa tinanong nito.
"My wife diddn't agree with my desission so yeah," nakangiting sabi ni Aiden na ikinangiti nalang din ni Raymond at napailing.
"Ano ng status niyo ng asawa mo sir?"
"Ganon pa rin, pero konti nalang gugustuhin narin niyang maging asawa ko," nakangising sabi nito na ikinailing ng lalaki. Sa ikinikilos palang ni Sabrina ay duda na ito lal
"Yes dad, ako po ang bahala," napangiti si Keiron dahil sa sinabi ng anak."Yan ang gusto ko sayo, treat your wife as your Queen not a toy," pagkasabi nito ay umalis na ito sa loob at naiwan si Aiden na napabuntong hininga. Ang dami talagang alam ng daddy niya na hindi niya alam.***UUWI si Sabrina na nakangiti dahil walang asungot habang siya ay lumabas ng opisina. Kaya't habang siya ay naglalakad palabas ay kumakanta-kanta pa siya."Hoy Sabby!"Nawala ang ngiti niya dahil sa tumawag sa kaniya at nakita niya si Mica na tumatakbo sa gawi niya kaya napangiwi ito. Akala niya ay masaya siyang uuwi hindi pala. Mabilis na tumakbo palayo si Sabrina sa babae na ikinalaki ng mata ni Mica at sinundan ito.Hindi nila pinansin ang mga tao na napapatingin sa kanila lalo na at iniiwasan nila na mayroon silang makakabunggo. Nataka si Mica dahil sa pagtakbo ng dalaga kakausapin niya lang naman ito about sa nangayari sa kaniya
"Sabby!"Napangiwi si Sabrina ng marinig niya ang boses ni Mica na tumatawag sa kaniya sa hallway habang papuntabsila sa department nila. Wala na siuang ibang magagawa p at matatakbuhan kaya hinayaan na niya itong makausap siya."Bakit ka tumakbo kahapon?! Saan ka nagpunta at hindi ka namin nakita?!"Sunod-sunod na tanong nito sa kaniya."Tumakbo ako kasi ayokong kausapin mo ako, nagpunta ako sa lugar kung saan wala kayo. Hindi niyo ako nakita kasi di kayo marunong mag hanap okay na?"Irap na sabi ni Sabrina dito na ikinatingin ng seryoso ni Mica dito."Sino kaba talaga Sabrina?"Napatingin si Sabrina dito at natawa. "Ano to ibabalik mo saakin ang tanong ko sayo dati?" Kahit na natatawa si Sabrina ay hindi natatawa si Mica na siyang ikinatigil niya sa pag tawa.&
"What 250? Napaka liit naman niyon samantalaang ten hours ang pasok nila," seryosong sabi nito habang naglalakad. "Wala tayong magagawa sir, ganoon ang pasahod ng dating may-ari nitong kumpanya," Napailing si Aiden dahil sa sinabi ng kaniya g sekretarya. Talagang maghahanap ng ibang trabaho ang matanda dahil sa maliit na pasahod nito. "Okay, make it 500," Nanlaki ang mata ni Raymond dahil sa sinabi nito. "Ang laki naman sir!" "He deserve it, after all matagal na siya sa kumpanya kaya sagot kona siya," Napangiti nalang si Raymond dahil sa sinabi ng kaniyang amo. Malaki na ang pinagbabago nito magmula ng dumating si Sabrina na siyang ikinatutuwa ng lalaki. Biglang napangiti si Aiden ng makita ang naglalakad na si Sabrina kasama si Mica kaya binilisan niya ang paglalakad na ikinataka ni Raymond pero ng makita ang babae ay napatango nalamang. Hindi makapaniwala si Raymond dahil sa pagbulong ni Aiden sa babae at paglingon niya ay sumunod naman si Sabrina na masama ang ting
SABRINA NAGLALAKAD ako pauuwi sa bahay ng magtaka ako dahil maraming tao sa labas niyon at mayroon pang ambulansya. Bakit may mabulansya? Bigla akong napatakbo ng maalala si mamang. Sana mali ang iniisip ko. "Tabi! Tabi anong nangyayari?!" Sigaw ko at agad na nakisiksik. Nakita ko si France na umiiyak sa may pintuan habang kausap ng isang pulis kaya lumapit ako dito. "Anong nangyari?! Bakit may pulis?! Bakit may ambulansya?!" "Miss sandali, ikaw ba si Sabby Reyes?" tanong saakin ng pulis na ikinatango ko naman sa kaniya. Mag-sasalita na ito sanang muli ng mayroong isang hospital bed na papalabas sa loob ng bahay at mayroong puting tela na nakatakip sa isang katawan. "T-Teka sino yan?! Nasaan ang mamang ko?!" Bigla akong kinabahan dahil doon at napatigil ang mga nurses sa pagtulak ng hospital bed kaya napatingin ako sa pulis habang naririnig ko parin ang malakas na iyak ni France. "I'm sorry Miss pero patay na ang mamang mo," Natigilan ako sa sinabi niya at agad na nang
Sigaw na tanong ko ng sagutin niya ito."Huh? Bakit anong nangyari?""Sabihin mo nalang!" sigaw ko muling sabi habang pumapara ng masasakyan."Makasigaw naman oo na isesend ko sayo,"Binaba kona ang tawag at sakto ng pagpasok ko sa napara kong taxi ay nag text ito saakin kaya ipinakita ko ito sa driver at nagmaneho na ito. Wala akong ibang nararamdaman ngayon kung di sakit at galit.Sakit dahil sa nangyari sa mamang ko at galit para kay Aiden. Anong ginagawa niya sa bahay namin?! Bakit niya pinatay ang mamang ko?! Hinihingal ako dahil sa sobrang galit habang ang luha ko ay tumutulo nanaman ngunit agad ko rin itong pinupunasan."Ma'am hindi po tayo makakapasok hangga't walang permisyo ng nakatira sa loob,"Binuksan ko ang bintana ko dahil sa sinabi ng driver at kinausap ang guard."Tawagan mo si Aiden Devaux at sabihin mo na nandito si Sabrina," plain na sabi ko sa guard na ikinata
pagdating nila."Ate Sabby hindi namin hahayaan na mag-isa ka lang dito," sabi ni Allard saakin."Tama ang kambal ko, wait ito nga pala si kuya Keon ate Sabby. Alam ko na nagkita na kayo noon," napatingin ako sa lalaking sinabi ni Allistair at nagulat ako ng yakapin ako nito."You will never be alone ate Sabby. Noon pa man ay hindi ka nag-iisa. Tumingin ka lang sa paligid mo at papasukin ang mga taong nagmamahal sayo," nakangiti siyang sabi saakin kaya napatingin akong muli sa kanilang lahat.Lahat sila ay kapwa nakangiti habang nakatingin saakin at makikita mo talaga ang sinseridad sa mga ito kaya hindi kona napigilan ang mapaiyak."S-Salamat!"Niyakap ako ni Keon at hinagod ang aking likod kaya lalo akong naiyak. Hindi ko alam pero dahil sa sinabi niya saakin ay parang nalinawagan ako kahit papaan. Ang dami nang nangyari saakin simula ng umalis ako sa araw ng kasal namin at ngayon na nagkita na kaming mu
Napatahimik ako dahil sa sinabi ni Addison. Naniniwala naman ako kay Aiden na hindi siya ang may gawa eh. Pero bakit may nag-uudyok saakin na dapat kong panoorin ang CCTv footage?"Pwede ko bang mapanood?""Oo naman ate pwedeng pwede! Dala namin halika!"Tumango ako sa kaniya at naglakad na kami papunta sa kinalalagyan ng mga ito."Ito na ang pagkain," ngiting sabi ko sa mga ito na ikinatuwa naman nila."Finally! Ang tagal niyo gutom na ako eh!" sabi ni Allard na ikinabatok sa kaniya ni Allistair."Takaw mo talaga kambal!" natatawang sabi nito pagkatapos batukan."Keon where is the CCTV footage?"Natigilan ang mga ito sa pagkuha ng pagkain at maging si Mica na nainom ng juice ay napatigil at napaupo ng maayos."Here ate,"Mayroong iniabot si Keon kay Addison na USB at ibinigay naman ito saakin ng dalaga."Kukunin ko lang laptop ko,"&nbs
HINDI ako makapaniwalang nakatingin kay Aiden. Tinaasan ko sila ng kilay at agad na tumalikod sa mga ito. "Hoy saan ka pupunta?!" Sigaw ni Mica pero hindi ko siya pinansin. "Ate Sabby saglit lang naman," napahinto ako dahil sa tawag saakin ni Addison. Hindi ko talag magawang humindi kay Addison dahil siya ang unang nagparamdam saakin na belong ako sa pamilya nila. Siya ang unang nag approach saakin noong kinasal ako. Although nakausap ko naman ang daddy nila ay hindi ako nakikinig sa sinasabi nito kaya hindi ko ito nakausap ng maayos. Nanguna si Addison sa aking harapan at doon ay tinignan ako nito na parang nag-mamakaawa. "Ate naman eh, sumama kana saamin. Para sayo to eh, hinanda namin para naman may bakasyon ka kasama kami kasi isang family tayo hindi ba?" "Oo naman!" Sabay-sabay na sabi ng mga nasa likuran namin na ikinaliit ko ng mata. "Nanjan si Aiden ayoko," Mahilis kong sabi na ikinatawa ni Addison. "Ayaw moba talaga sa kambal ko?" Napaisip ako sa sinabi
Paano kapag nagkakilala kayo sa maling lugar, maling oras at maling panahon? Malalaman niyo nalang na mag-kaiba ang mundo na inyong ginagalawan. Maraming sikreto ngunit iisang kwento, kwento patungo sa happy ending. ‘Yun ay kung may happy ending nga ba di tulad ng kaniyang librong isinisulat na pawang walang magandang katapusan dahil sa huli ay namamatay ang babae at naiiwan na mag-isa ang lalaki. Paano kung dumating ang babaeng para sa kaniya at dinadalangin na hindi matulad sa kaniyang sinusulat na libro ang katapusan ng kanilang kwento. Ang iwan siya at mawala ito, iyan ang kinatatakutan niya ni Keon Devaux. *** “Sabrina! Sabrina, Aiden!” Nabulabog ang gabi nila Sabrina at Aiden maging ng kaniyang mga anak na mahibing na natutulog sa kuna ay nagising dahil sa malakas na pagsigaw ng taong nasa labas dis-oras ng gabi. “Sino ‘yun?” kunot noong sabi ni Sabrina at binuhat ang anak na si Atasha dahil nagising ito. “Wife, amina muna si Atasha, puntahan na natin ang tumatawag sa l
“HELLO hija,”Napatingin sa salamin si Sabrina dahil sa nagsalita at nakita niya ang pumasok na apat na matatandang babae ngunit halata mo parin ang kagandahan sa mga ito kahit na ganoon. Napangiti siya sa mga ito at tumayo ngunit agad siyang pinigilan ng isang babae. “Wag ka ng tumayo Sabrina, sandali lamang kami.” Nakangiting sabi nito kaya wala siyang nagawa kung di ang bumalik mula sa pag-kakaupo.“Tama si Ally, gusto ka lang namin makita sandali bago ka ikasal sa inaanak naming si Aiden,” nakangiting sabi ng isa. Doon niya naalala ang mga ito, sila ang binabanggit ni Aiden nan as aibang bansa kaya hindi nakarating sa pilipinas ay dahil sa sobrang busy. “Kilala mo ba kami hija?” nakangiting tanong ng isang babae na ikinangiti niya ng pilit at umiling.“Nabanggit po kayo saakin ng asawa ko pero hindi ko pa ho kayo nakikita,” napangiti sila dahil doon. “It’s okay, palagi mo na kaming makikita dahil dito na ulit kami titira, ako ng apala si tita Salem mo. Ako ang in ani France, palagi
Natigilan si Raymond dahil sa sinabi ni Sabrina ngunit agad na nagsalita si Angeline na ikinainis ni Sabrina. “H’wag kang maniwala sa kaniya doc! Inuuto ka lang niya para hindi matuloy ang plano natin!” tinignan ng masama ni Sabrina si Angeline. “Pag nakatakas lang talaga ako dito kakalbuhin kita!” sigaw niya na sabi dito. “Tama na! Simulan na natin ang operasyon!” Agad na kinabahan si Sabrina dahil sa sinigaw ni Raymond lalo na ng mamatay ang ilaw sa paligid at tanging ilaw pang operasyon nalamang ang buhay. “Anong gagawin mo sa puso ko kapag nakuha mo?!” tanong ni Sabrina dito. “Itatapon para wala ng makinabang pa.” parang baliw na sabi ni Raymond na ikinadasal talaga ni Sabrina. ‘Aiden nasaan kana?!’ Sakto na pagsigaw ni Sabrina ay may naramdaman siyang mga presesnya sa paligid. ‘Andito na sila!’ agad siyang dumilat at tinignan si Angeline. “Tingin mob a mamahalin ka ng asawa ko?! Never!” sigaw na sabi niya sa babae at dinadalangin na kumagat ito upang mabigyan ng konting or
Kasabay ng pagkakatuklas ni Sabrina kay Raymond na mastermind ay nalaman din ito ni Aiden ng makita si Angeline na kumuha sa anak niya. Matapos niyang makausap si Raymond ay sakto na nagtext si Sabrina na nagsasabi na si Raymond ang may pakana ng lahat kaya nabuo agad ang plano sa isip ni Aiden. Sinakyan niya lahat ng gustong mangyari ni Raymond at sumabay sa agos at inintay si Sabrina na makarating sa secret room. Nag desisyon silang dalawa na gamitin ang babae bilang pain papunta sa lugar na kinalalagyan ni Raymond at hindi naman sila nagkamali ng desisyon dahil kinuha nga siya ni Raymond. “Paano niyo nagawa saamin ito?!” umiiyak na sabi ni Addison na ikinangisi ni Aiden sa kambal. “Anong inaasahan niyo sa dalawang pinuno ng organization mauuto? Never, kaya humanda na kayo para sa gyera.” *** NAGISING si Sabrina ng marinig niya ang tunog ng isang makita sa kaniyang tabi, makina ng isang heartbeat. Pagdilat niya ay putting kisame ang sumalubong sa kaniya at pagtingin niya sa kani
Nanggaling si Sabrina sa Tagaytay at sina Hannah, Aichan at ang daddy niya ang nagsabi na nasa maynila ang mg auto dahil sa pag-launch ng bagong libro ni Keon kaya dumeretsyo siya sa bahay nila Aiden at ng wala siyang maabutan sa baba ngunit ang sabi ng mga maid ay andoon naman sila alam na niya kung nasaan ang mga ito, nasa secret room. “A-Ate Sabby!” Imbes na matuw sila sa pagbabalik ni Sabrina ay mas natakot pa sila dahil siguradong magwawala ang dalaga sa oras na malaman na nawawala si Jared. Si Aiden ay hindi alam ang gagawin ngunit ang ending ay agad siyang tumakbo sa babae at mahigpit itong niyakap. “W-Wife! I miss you so much!” hindi na napigilan ni Aiden ang kaniyang luha dahil doon bukod sa masaya siya at dumating na si Sabrina ay mas naiyak siya dahil napabayaan niya ang anak nila. Ngayon hindi niya alam kung paano sasabihin sa dalaga ang katotohanan. “I miss you too, Aiden. Sorry kung natagalan ako, wag kang mag-alala dahil inalagaan ko ng mabuti ang anak natin.” Humiwa
“KAILANGAN mong maniwala Karina dahil ito ang katotohanan!” sigaw na sabi ni Sabrina kay Karina na hindi makatingin sa kaniya dahil kakaiyak at umiiling na umaatras sa kinatatayuan nila. “H-Hindi totoo ‘yan Sabrina, nagsisinungaling ka lang!” naguguluhan na sabi ni Karina dahil hindi niya matanggap ang katotohanan. Agad na lumapit si Sabrina kay Karina at hinawakan ito sa magkabila niyang balikat. “Makinig ka saakin Karina, gusto ko na bumalik sa ayos ang buhay mo. Tanggapin mo ang katotohanan at babalik sa ayos ang lahat maging ang organization! S-Si Papang! Si Papang siya ang magpapatunay!” mas lalong umiyak si Karina dahil sa sinabing iyon ni Sabrina at sabay silang napatingin sa pinto ng mayroong tumawag kay Karina. “A-Apo,” napabitaw si Sabrina sa pagkakahawak niya kay Karina lalo na ng maglakad ito papunta sa papang nilang si Nestor. “T-Totoo ba ang sinabi ni Sabrina papang?” hindi nakasagot si Nestor dahil sa tanong ni Karina at napayuko. “Totoo ba iyon papang?!” muling sigaw
NGAYON na ang araw na pinakanghihintay ni Sabrina. Ang araw kung kalian niya iiwan ang pamilya niya para isa-alang-alang ang kanilang organization. Nag-request siya kay Aiden na pumunta sila sa palawan upang magbakasyon ngunit ang totoo ay nag book siya ng ibang flight papunta sa Japan. Nasabihan na niya sila Karina kagabi na mauuna na siyang pumunta sa Japan at ang mga ito ay isasakay niya sa isang private plain na nakahanda para sa mga ito. Habang papalapit sila ng papalapit sa airport ay nanlalamig na ang kamay niya. Hindi nila sinama si Jared dahil nag request din siya dito na sila lang sanang dalawa pero ang totoo ay ayaw niya lang makita ng anak ang pagkawala niya sa airport. Naisip niya na pabilhin ito ng pagkain at isasakto niya s abording ng kaniyang flight at iiwan ito ng mag-isa doon. Lahat na ng lakas ng loob na mayroon siya ay inilabas na niya upang magawa ang plano na iyon. Alam niya na mag-aalala ang lahat sa pag-alis niya kaya nag-iwan na siya ng sulat sa mga ito at
NAKAUPO si Sabrina sa ginta ng mahabang mesa sa isang pavilion sa hotel na nasa resort nila Aiden habang katabi niya rin ang lalaki na masayang nakikipag-usap sa mga kasama nila sa mesa. Nakapalibot sa kanila ang mga kakilala, friends at pamilya nila. Pawang masasaya sa muling pagka-engaged nila ni Aiden ngunit si Sabrina ay lutang at wala sa hapagkainan ang kaniyang isip.Noong makita niyang lumuhod si Aiden sa harapan niya at alukin ito ng kasal ay nagdadalawang isip siya. Napatingin siya sa sing-sing na nasa kaniyang palasingsingan, isa itong diamond na alam niyang mamahalin dahil sa kinang nito. Gusto niyang tumanggi sa lalaki ngunit pinapanalangin niya ang sandalling iyon, ang mag-propose ulit sa kaniya si Aiden sa unang pagkakataon na mahal na nila ang isa’t-isa ngunit hindi naman niya akalain na sasabay ito kung kalian kailangan niyang umalis at pangalagaan ang organization nila.Nakita niya na mayroong humawak sa kamay niya at pagkatingin niya sa taong iyon ay si Aiden pala it
“Hoy! Anong pinag-uusapan niyo?!” nakangiting sabi ni Addison at lumapit sa kambal niya at niyakap ito. “I miss you kuya,” sabi nito kay Aiden na ikinahalik ng lalaki sa noo ng kambal. “I miss you too, Addi. Kamusta ang pagbubuntis?” humiwalay ito sa pagkakayakap at sumimangot sa kaniya. “Ang tagal kamo ng asawa ko hanapin ang gusto ko.” sabi ni Addison. “Kaya nga pati kami inistorbo ng asawa mo ate Addi!” reklamong sabi ni Allard na ikinatawa ni Aiden. “Mukang kailangan ko narin maghanda diba?” napangiti sila dahil doon. “Kailangan talaga kuya! Malayo kami sayo hahahha!” sagot ni Allistair na ikinangiwi ng Aiden ngunit napatingin sa asawa kaya bigla iyong nawala. “Basta makita ko lang siyang masaya ayos na ako.” Nakangiting sabi ni Aiden. “Kailan ka mag po-propose kuya?” tanong ni Keon na ikinatingin dito ng lalaki. “This Sunday,” ngiting malaki ni Aiden dito. “Kaya wag muna kayong aalis dito, sa resort muna kayong lahat.” Dugtong pa niyang sabi. *** “Excuse me lang po muna,”