Gusto kong magpasalamat kay @Geraldin De Jesus, @Norie Arban Morgad and @Heejin Kim sa walang sawang pagsuporta ng story ko! Sobrang thank you dahil hindi kayo bumitaw kahit puro pahirap ang story ko! Marami salamat lalo na at hindi kayo tumigil sa pag inspired saakin huhu kayong tatlo ang inspiration ko para matapos ang libro ni Aiden at Sabrina kaya maraming salamat! Sana ay masuportahan niyo ako sa susunod o mga susunod ko pa na kwentong gagawin! Love lots Kimmie's! ~B.NICOLAY/Ms.Ash
“S-SALAMAT! Maraming salamat po!” nauutal at umiiyak na sabi ni Jonathan De Guzman kay Mr.Keiron Kent Devaux habang siya ay nakaluhod. Paulit-ulit niya itong sinasabi dahil alam niyang hindi sasapat ang pasasalamat sa kabutihang ginawa nito sa kaniya. “Huwag mo akong basta pasalamatan lamang Mr.De Guzman dahil iyon ay may kapalit,” natigilan ang lalaki sa kaniyang pag-iyak at unti-unti siyang napatingin sa kaniyang kausap. Sumalubong sa kaniya ang mga matang ma-awtoridad pero kita parin niya ang lungkot sa mga mata nito. “Get up.” Agad na nagmadaling tumayo ang lalaki dahil sa sinabi nito at pinunasan ang kaniyang luha. “I want your daughter to marry my first son,” napatayo nang maayos ang lalaki dahil sa sinabi nito sa kaniya, nagsimula nang gumulo ang utak niya dahil sa kundisyon nito sa kaniya. “B-but I want my daughter to live a life she wants,” “I know,” napakunot ang noo niya dahil sa sinabi nito. “Ano po ang ibig niyong sabihin?” “Alam ko ang nararamdaman mo, pero
SABRINA Mabilis akong tumatakbo papunta sa aking pinapasukang opisina dahil malelate na ako. Ayong ma mark as late ako sa attendance. Nakakainis na jeep kasi yun ngayon pa nasiraan kaya eto ako nakikipagmarathon sa hininga ko. "O-Ouch! Saglit!" napahinto ako dahil sa sobrang sakit na nang paa ko. Natatanaw kona ang building pero medyo malayong takbuhan to. Inalis kona ang heels ko at tumakbong muli. *BEEP!* "Kyahh!" Nagulat ako nang biglang mayroong bumusina saakin habang papatawid ako kaya tinignan ko ang kotse na tinted at nag F hand doon sa driver. Seriously bubusinahan niya ako eh naka red light. Napairap pa ako dahil doon at tumakbo nang muli. Tatlong minuto nalang. Sa abot nang aking makakaya ay nakarating ako agad at iniscan ang ID ko. "Better luck next time Sabby, four days strait ah!" napasimangot ako sa gaurd dahil sa sinabi niya dahil nagka attendance nga ako color red naman it means late ako nang 1sec! Kainis. "Tumakbo na nga ako nang mabilis kainis naman oh!" rek
HINDI ako makakilos sa aking kinauupuan dahil sa sobrang takot at sa pagtulo nang luha ko. "Nakita niyo ba?! Kyah! Ang pogi ni sir Aiden!" sabi ni Lyn na rinig na rinig ko. "Tapos isa pala siyang Devaux?! OMG napakaswrte natin! Sigurado akong tataas ang sweldo natin! Mababait ang mga Devaux!" Doon napaangat ang aking paningin dahil sa sinabi ni Sophia. Pinahiran ko ang luha ko at nagtanong dito. "Paano mo nasabing mababait huh?" taas kilay kong sabi. "Like duh?! Saaang planeta kaba galing at dimo alam ang kwento niya?" pangtataray na sagot din saakin ni Sophia. "Dakilang marites ka naman kaya mag kwento ka," sama nang tingin kong sabi sa kaniya. "Ang pamilya Devaux ay kilala sa buong mundo. Si Mr.Devaux ang siyang ama nang dalawang kambal at nag-iisang babae na kanilang princessa si Addison Devaux na siyang kakambal ni Sir Aiden. Ang sumunod kay sir Aiden ay si Keon Devaux, isa siyang writer and sadly lahat nang libro niya ay sad ending naalala ko nung nabasa ko ang mga l
"BAKIT ganiyan ang itsura mo?" Nagulat ako sa nagsalita at napatingin ako sa aking likuran at doon ay nakita ko France kaya nakahinga ako nang maluwag doon, ang akala ko ay kung sino na. "Ngayon naman gulat na gulat ka, ano bang nangyari sayo para kang binagyo," natatwa nitong sabi saakin na ikinailing ko nalang sa kaniya at naupo ako sa isang upuan na nasa labas. "Sandali kukuha ako nang wives," nawala sandali si France at pagbalik nito ay dala na niya ang sinabi niya. "Oh gamitin mo," nag thank you ako sa kaniya at naupo ito sa harapan ko. "Wala may nakita lang akong kakilala ko na ayokong makita," napatango naman ito saakin. "Sino ba yun?" napatingin ako sa kaniya at muling umiling dito. "Hindi mona kailangang malaman," sabi ko na ikinasimangot nito saakin. Siya si France Rios, mayaman siya kaya nga may restaurant siya eh pero sariling sikap niya ang restaurant na ito hindi niya hiningi sa magulang niya. Nagkakilala kami noon nung iligtas ko siya sa mga masasamang lala
“NEGATIVE sir,” “What?! Hindi pwede! Find her anywhere! Find my wife!” Galit na inihagis ni Aiden ang ang envelope na ibinigay sa kaniya nang private investigator niya. Walang nagawa ang tauhan nito kugdi ang kunin nalamang ang papel at muling bumalik sa trabaho. Ang hanapin ang asawa nitong si Sabrina De Guzman Devaux. Tatlong taon narin ang nakakaraan nang huli silang mag kita nang asawa. “Sir ilang taon mo nang pinapahanap si Mrs. Devaux ngunit wala parin tayong nakikita kahit anino niya manlang,” Sabi nang kaniyang kanang kamay na si Raymond simula nang turuan si Aiden nang kaniyang ama upang pumalit dito ay si Raymond na ang kasa-kasama at katu-katulong nito sa bawat gawain nito. “Hindi ako titigil sa paghahanap sa asawa ko Raymond,” “What if ayaw niya talagang magpakita sayo?” natigilan si Aiden dahil sa sinabi nito sa kaniya ngunit agad ding ipinilig ang kaniyang ulo. “Alam kong may nangyaring Raymond o kung totoo ‘man alam kong may rason.” Ibinalik nalamang ni Aiden
TAHIMIK akong nakatayo sa harapan nang table ni Aiden habang siya naman ay nakatingin sa glass wall nang kaniyang opisina. Pinagpapawisan na ako nang malamig at hindi mapakali sa aking kinatatayuan. Gustong-gusto ko nang umalis doon, tumakbo at wag nang magpakita sa kaniya pero wala akong magawa. "So, you've been hidding with a different name for a long time huh wife?" Napapitlag ako sa aking kinatatayuan dahil doon lalo na at humarap ito saakin at nagtagpo ang mata namin ngunit ang sa kaniya ay napakalamig niyon. "A-Ah t-teka," "Did you know that you're daddy are finding you for a long time? At halos hindi na siya kumakain noong mga unang araw na nawala ka," Natigilan ako dahil sa sinabi niya at napayuko kasabay nang pagtulo nang aking luha. "Paano mong nagawang iwan ang papa mo gayong nag-iisa nalang siya?" Muli ay hindi ako nakasagot dahil sa sinabi nito habang ang mga luha ko ay sunod-sunod na tumutulo. "Paano mo naatim na umalis at mawala nang parang bula? Hindi mo
Nagising ako nang makaramdam ako nang gutom. Naupo ako at napahawak sa aking ulo, mukang natuloy ang sinasabi kong masakit ang aking ulo. Para na itong binibiyak ngayon. Napatingin ako sa paligid at tanging lampshade nalamang ang bukas sa aking tabi, mukang nanggaling dito si France.Tumayo na ako at lumabas. Wala si France sa office niya kaya sigurado akong andoon ito sa cashier dahil doon madalas ang kaniyang tambayan kapag walang trabaho sa office."Sabby gising kana pala!" nakangiting tawag nito saakin ngunit hindi ko siya pinansin at pumunta ako sa pinakang restaurant at naupo sa isang table doon. Alam kong susunod si France kaya naghintay lang ako nang ilang segundo at hindi nga ako nagkamali dahil andoon na ito."What do you want? Libre ko," nakangiting sabi nito saakin kaya napangiti nalang din ako. Si France talaga palagi ang nasa tabi ko kapag mayroon ang problema sa office o financially. Kaya din malaki ang pasahod saakin ni France a
Pilit akong tumatakbo kahit na nahihirapan na ako dahil sa maraming sugat sa aking katawan. Kahit saang parte ay mayroong sugat at ginugusto na nang katawan ko ang sumuko ngunit hindi ko ito hinahayaan basta takbo ako nang takbo malayo lang sa lugar na ito.Hindi ako pwedeng sumigaw nang tulong dahil kapag ginawa ko yun magagaya nanaman ako dati na sila ang nakapulot saakin.Sa gitna nang aking pagtakbo ay nadapa ako dahil sa isang sanga at tumama ang aking ulo sa isang bato na siyang ikinalabo nang aking paningin."A-Argh,"Napahawak ako sa aking ulo at nakapa ko ang mainit at malapot na tubig doon. Pagkatingin ko ay dugo pala ito kaya napaiyakako at hinayaan ang sarili ko na mahiga. Kung ito na ang katapusan ko tatanggapit ko. Napapikit ako at ninamnam ang sakit na dumadaloy sa aking katawan."Miss!"Maya-maya ay idinilat ko ang aking mata ngunit natuluan na iyon nang dugo kaya hindi kona maaninag kung sino iy