Home / Romance / The ruthless CEO's second chance / Chapter Three: Addison

Share

Chapter Three: Addison

"BAKIT ganiyan ang itsura mo?" 

Nagulat ako sa nagsalita at napatingin ako sa aking likuran at doon ay nakita ko France kaya nakahinga ako nang maluwag doon, ang akala ko ay kung sino na. 

"Ngayon naman gulat na gulat ka, ano bang nangyari sayo para kang binagyo," natatwa nitong sabi saakin na ikinailing ko nalang sa kaniya at naupo ako sa isang upuan na nasa labas. 

"Sandali kukuha ako nang wives," nawala sandali si France at pagbalik nito ay dala na niya ang sinabi niya. 

"Oh gamitin mo," nag thank you ako sa kaniya at naupo ito sa harapan ko. 

"Wala may nakita lang akong kakilala ko na ayokong makita," napatango naman ito saakin. 

"Sino ba yun?" napatingin ako sa kaniya at muling umiling dito. "Hindi mona kailangang malaman," sabi ko na ikinasimangot nito saakin. Siya si France Rios, mayaman siya kaya nga may restaurant siya eh pero sariling sikap niya ang restaurant na ito hindi niya hiningi sa magulang niya. 

Nagkakilala kami noon nung iligtas ko siya sa mga masasamang lalaki. Naglalakad ako noon isang gabi dahil galing ako sa isang racket na kailangang-kailangan ko at nakarinig ako nang sigaw si France minomulestiya na pala nang apat na adik na lalaki. 

Hindi ako nagdalawnag isip na talunin silang lahat na nagawa ko naman and that was one year ago bago ako matanggap sa trabaho. Inalok niya ako nang trabaho kaso sabi ko mayroon akong inaantay na tawag at hindi nga ako nagkamali dahil tanggap ako sabi ko kung pwedeng extra-extra nalang tutal kailangang kailangan ko nang pera. 

"Napaka daya mo Sabby para naman akong iba sayo," naging sobrang close kami ni France magmula yun at pinasalamatan din ako nang magulang niya. 

"Nako France tigilan mo nga ako, papasok ana ko," tumayo na ako at pumasok sa loob, hanggat maaari ay ayoko na munag pag-usapan ang mga nangyari dahil kinakabahan lang ako. 

***

KINABUKASAN ay maaga na akong pumasok dahil ayoko nang ma late noh baka awardan pa ako.

"Aba ang aga mo ngayon Sabby!" nakangiting sabi ni kuya Nestor saakin. 

"Syempre alas tres palang nang umaga gising na ako," pagmamalaki ko sa kaniya na ang totoo ay hindi talaga ako makatulog kaya ganon. 

Pumasok na ako sa loob at marami naring napasok sa opisina. Pagdating ko sa silid namin ay napatingin sila saakin at nanlaki ang mga mata kaya napatawa ako dahil doon. 

"Himala ang aga mo!" sabi ni Sophia

"Tinakasan mo kami kagabi!" duro pa saakin ni Lyn kaya inilayo ko ang daliri niya. 

"Hindi ko kayo tinakasan umalis lang ako sa kahihiyan noh mga lasing, alam niyo bang hinila niyo si sir Aiden sa table natin at halatang napipilitan si sir!" 

"Ano?!" sabay-sabay na sabi nila na ikinatawa ko at dumeretsyo ako sa aking upuan at hinayaan sila na mag-isip kung ano ang nangyari kagabi. 

"Ginawa namin yun? Paano?!" gulat na sabi ni Ms.Janice saakin habang si Sophia naman ay nananalangin nang diko alam haha. 

"Jusko anong kahihiyan ang ginawa natin?!" sabi ni Mica at sinabunutan ang sarili kaya napailing ako sa kanila. 

"Yan lasing pa di naman kaya ang sarili," pangiinis kopa sa kanila na lalo nilang ikinalugmok at nagsibalikan sa kani-kanilang mga upuan. 

"Marketing Department pinapatawag kayong lahat ni sir Aiden," napatingin kami sa nagsalita at nakita ko doon yung lalaking kasama ni Aiden kahapon mukang siya ang sekretarya nito. Lalaki pa ah galing. 

Pero sabay-sabay kaming napatingin sa isat-isa dahil doon at kinabahan. May kinalaman kaya ito doon sa kagabi at baka sisantihin na kami?! Hindi pwede kailangan ko tong trabaho ko!

"B-Bakit daw?" tanong ni Ms.Janice na alam kong kinakabahan din ngunit nagkibit balikat lamang yung lalaki at lumabas kaya lalo kaming kinabahan. 

"B-Bakit naman kaya tayo pinapatawag nang ganito kaaga?" nauutal na sabi ni Sophia kasi alam niyang saaming lahat siya ang pinakang madaldal lalo na kapag lasing. 

Natahimik kaming lahat habang ako naman ay agad na kinuha ang salamin sa may drawer ko at isinuot iyon pagkatapos ay ginulo ko ang aking fake bangs na kasama nang supil na sinoot ko at mas ibinagsak pa yun para hindi ako nito agad makilala. 

"Anong ginagawa mo?" takang tanong ni Mica saakin. "Obvious ba? Edi nagpapapangit!" napangiwi ito saakin dahil doon. 

"Baka tibo ka talaga Sabby sa ganda mong yan ayaw mong magka boyfriend," napatingin sila saamin dahil doon. 

"Speaking of boyfriend here comes your suitor," nakita namin ang anino nito at sakto na bumukas ang pinto at nagulat pa ito nang makita ako doon. 

"Good morning Sabby aga mo ngayon ah!" nakangiti nitong sabi habang may bitbit na roses nanaman. "For you, new look mo? bagay sayo!" sabi niya at iniabot saakin kaya no choice ako kungdi tanggapin. 

"Thanks, but kailangan na naming umalis! Tara na guys!" itinulak kona sila palabas para lang maiwasan ko si Bernard. Ang kulit-kulit niya kasi sinabihan kona siya na tigilan niya ako dahil bawal nga eh lalo na at nanjan ang asawa ko. 

"Bakit mo naman iniiwasan si Bernard ang gwapo kaya!" sabi ni Lyn saakin na ikinairap ko. 

"Edi sayo na!" napasimangot lang ito sa sinabi ko at natahimik kami lima dahil nasa tapat na kami nang office ni Aiden. 

"Pasok na kayo," sabi saamin nung lalaki kaya si Ms.Janice na ang unang sumunod doon sa sekretarya. 

"Sir ito napo ang marketing team," 

"You may take you seats," plain na sabi saamin ni Aiden at nagkaniya-kaniya na kaming upo sa upuan habang ako ay nasapinakang dulo dahil ayokong mapansin niya ako. 

"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa, nakikita ko na magaganda ang wokrs niyo Marketing team but this month? Worst, walang progress," sabi nito habang tinitignan ang papers na hawak niya. Pinagpapawisan na ang kamay ko dahil sa sobrnag kabang nararamdaman. 

"Sir, about that we're still working about it this week we promise you to give progress this week," sabi ni Ms.Janice. Mabuti nalang talaga at magaling makipag talk to talk si Ms.Janice. 

"Okay I'll accept that, since you all need to be rewarded. Maganda ang bacground niyong lima out of all department," pagkasabi ni Aiden nun ay nakita ko na napangiti ang mga kasama ko at nagdiwang habang ako ay yukong-yuko at pilit na nagtatago sa katawan ni Mica. 

"But meron daw kayong isang member na laging late?" bila akong nanigas sa aking kinauupuan dahil doon at ramdam kona ang mga titig nang kasamahan ko saakin. 

"Actually nagbabawas ako nang empleyado since kumukuha ako sa main company namin upang ilagay dito, so ayos lang ba sayo miss na matanggal ka?" 

Ako tatanggalin? Napatingin ako kay Aiden dahil doon at nakita ko na umusog ang apat para makita ako ni nito. Magsasalita sana ako ngunit biglang naudlot nang magtagpo ang mga mata namin. 

Hindi ko alam pero nung magtagpo ang mata namin ay nanumbalik nanaman ang naramdaman ko sa kaniya noong araw na ikasal kami. Ang mga matang iyon, hindi ko alam pero parang hinahatak ako nito palaging tumingin sa kaniya. Kinain na ako nang kaba kaya napaiwas ako nang tingin at nakagat ang aking labi. 

"Miss?" ulit pa niyang tawag saakin. 

"She's Sabby Reyes sir Aiden. Mayroon pa kasi siyang ibang work bukod dito sa trabaho natin kaya palagi siyang late," narinig kong ipinagtatanggol ako ni Ms.Janice kaya sobrang pasasalamat ko sa kaniya lalo na at hindi ko mahanap ang aking dila sa ngayon. 

"Sabby?" napaupo ako nang maayos dahil sa pagtawag niya sa palayaw ko. Alam kong narinig niya ang palayaw ko noong gabing ikasal kami kaya baka nanghihinala na ito saakin!

"Mayroon ka daw ibang trabaho, why? Our company don't need someone like you, ang hinahanap namin ay ang buong focus nasa kumpanya hindi nahahati sa ibang bagay," 

Napakunot ang noo ko dahil doon at hindi kona naiwasang magsalita. 

"Well yang pinagmamalaki mong kumpanya ay ang baba magpasweldo, you see we are marketing team and why do we have the same salary as others since we should be on the prioritize list," 

Natahimik ang paligid dahil sa pagsasalita ko at napanganga ang aking mga ka-team dahil doon. Maging si Aiden ay natahimik dahil sa sinabi ko ngunit maya-maya ay nagsalita din ito. 

"What a brave and clever lady," biglang sabi ni Aiden at mayroong pagkamangha sa mga mata nito kaya napalunok naman ako. Anong sinasbai niya ngayon?

"P-Po?" ulit ko pa para sure. 

"Okay sige this is the deal, tataasan ko ang sahod niyo but I want to make sure na itong trabaho nalang ang meron ka. How much do you earn on you part time job?" hindi ako makapaniwala dahil sa sinasabi nito saakin at nalulutang ako. 

"Ano?" muli kong ulit na ikinatawa nito saakin. 

"Sabi ni sir magkano daw yung sahod mo sa part time job mo sa gabi!" bulong saakin ni Mica at may pagkurot pang kasama kaya napadaing ako mahina lang naman eh. 

"Ah yun ba, 1,500 per hour," napanganga ang mga kasama ko sa trabaho dahil doon, mas mataas talaga ang sweldo ko kay France malamang kaibigan ko yun eh, tyaka minsan five hours lang work ko kaya sabi niya gagawin na niya 1,500per hour syempre dina ako tumanggi need ko nang pera. 

"Okay so how many hours do you work there?" napakunot ang noo ko dahil doon dami niyang tanong eh. 

"Seven to Five hours," plain kong sabi dahil naiirita na ako kakatanong niya. 

"Okay deal, seven hours, 1,500 ang dagdag sa sweldo niyo yun ay kung aalis ka sa trabahong yun," nanlaki ang mata namin dahil sa sinabi nito at napatingin sila saaking lahat. 

"Pumayag kana!" bulong saakin ni Mica. 

"Girl ang laki nun pumayag kana bilis!" bulong din ni Sophia at Lyn habang si Ms.Janice naman ay nanlalaki ang mata saakin. 

"Hindi kopa alam-"

"Oo sir! Oo sir pimapayag si Sabby diba sabby?!" nanlaki ang mata ko nang kurutin ako ni Mica at agad na napa-oo dahil doon. 

"A-Aw! Oo pumapayag na ako!" sigaw ko na ikina-yes nang mga kasamahan ko at nakita ko ang pag ngiti ni Aiden, sarap punitin nang ngiti niya! 

"Okay deal, pwede na kayong bumalik sa department niyo," pagkasabi niya nun ay ako pa ang naunang tumayo habang sina ay nagpapasalamat, di kailangang pasalamatan yan tsk. 

"Nga pala Sabby!" napahinto ako sa paglalakad dahil tinawag nanaman ako nung Aiden na epal. Ang init nang dugo ko sa kaniya siguro dahil sa dahilan na siya ang rason kung bat biglang nagbago ang buhay ko sa isang iglap. 

"Ano nanaman?" inis kong tanong dito. 

"Galit agad, pwede mo bang alisin yang salamin mo?" sabi niya saakin na ikinatigil ko at muli akong kinabahan. Parang bigla kong nakain muli ang aking dila dahil doon. Naging matapang lang ako dahil sa nakakainis na sinabi niya saakin kanina kaya bumalik na ngayon ang kaba ko!

"Sa totoo lang sir wala naman-" agad kong tinakpan ang bibig ni Mica dahil doon at hinarap si Aiden. 

"Kapag ba sinabi kong alisin mo yang mga soot mo gagawin mo? Hindi diba? Then same, halina nga kayo!" mabilis kong sabi at pinagtutulak na sila paalis doon sa office. At nakahinga ako nang maluwag nang nasa labas na kami. 

"What was that Sabby?!" biglang sabi ni Sophia nang makalabas kaming lahat habang ako ay hindi sila pinansin at nagpatuloy ako sa paglalakad papunta sa department namin since mag ta-time na. 

"Huy Sabby! Paano mo nasasagot nang ganon lang si sir?!" sabi ni Lyn at gaya ni Sophia hindi ko siya pinansin. Hanggang sa makarating na kami sa department namin. 

"OMG tumaas na ang sahod natin! Nagdilang anghel ang masungit! Mukang nagustuhan pa ni sir kainis," napantig ang tenga ko dahil sa sinabi ni Sophia. 

"Anong nagustuhan? NEVER! Kung siya nalang natitirang lalaki sa mundo wag na!" nagulat sila sa pagsigaw ko at napatingin saakin na hindi makapaniwala. 

"Sinong kaaway mo?" sabi ni Ms.Janice saakin. 

"Sabi ko nagustuhan KA ATA ni sir, hindi IKAW ang MAY gusto kay sir!" diniin pa ni Sophia ang sinabi niya kaya napairap ako doon. 

"Oo nga girl nakita mo ba tumawa siya! First time yun dahil sa pagkakaalam ko ay si Aiden kasing cold nang daddy niya!" napataas ang kilay ko dahil sa sinabi Lyn. 

"Tama si Lyn, sa kanilang magkakapatid si Addison at ang huling kambal lamang ang palangiti hindi tulad ni sir Aiden at Keon," napatingin akong muli kay Mica dahil sa sinabi niya. 

"Bakit ang dami mong alam tungkol sa kanila Mica?" nagkibit balikat lang ito saakin at bumalik sa kaniyang trabaho. 

"Ah basta happy na ako mataas na ang sahod natin!" Sabi ni Ms.Janice na ikinatuwa din nila samantalang ako ay nakatingin lang kay Mica. Sino kaba talaga Mica? 

***

"Mica naman eh sabihin mona kasi kung sino ka, bakit ang dami mong alam tungkol sa mga Devaux," 

Kanina pa ako nangungulit kay Mica na sabihin saakin ang totoo. Sinubukan kong mag search kanina pero wala naman sa internet ang ibang nasasabi niya saamin kaya nanghinala ako sa kaniya at nang sabihin ko sa kaniya ang bagay na iyon ay hindi na ito makatingin saakin. 

"Hindi ko sasabihin hanggat hindi mo rin sinasabi saakin kung bakit ka interesado sa mga Devaux," napangiwi ako dahil sa sinabi niyang iyon hindi ko pwedeng sabihin kahit kanino ang totoo dahil magkakagulo. 

"Tyaka alisin mo nga yang peke mong bangs muntang* ka," inirapan ko siya sa sinabi niya at agad an inalis iyon. Napilitan lang naman ako kanina kasi kailangan iyon para hindi ako makilala ni Aiden. 

"Bilis na sabihin mona kasi saakin!" 

"Ate Sabby? Ate Mica?" 

Sabay kaming napalingon sa nagsalita at nanlaki ang mata ko dahil sa nakita ko at iyon ay si Addison! Agad akong tumalikod upang ibalik ang bangs ko na ikinatigil ko dahil tumalikod din si Mica at nagkatinginan kami.

"Ate Mica pala huh sino kaba talaga Mica?" nanliliit mata kong sabi sa kaniya. 

"Ikaw nga jan Ate Sabby daw-wait kilala mo si Addi?!" gulat na sabi ni Mica na ikinatigil ko rin. 

"Kayo ba yang dalawa? OMG!" nanlaki muli ang mata ko dahil sa boses ni Addison at nagkatinginan kaming dalawa at sabay na nagsabi nang. 

"TAKBO!" 

Mga Comments (3)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
sino nga ba si micah,exvited sa next chapter
goodnovel comment avatar
Madgerey Vallejo
may next chapter pa po ba ito?
goodnovel comment avatar
Sandylyn Cajilog
wala n po bang karugtong???............
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status