HINDI ako makakilos sa aking kinauupuan dahil sa sobrang takot at sa pagtulo nang luha ko.
"Nakita niyo ba?! Kyah! Ang pogi ni sir Aiden!" sabi ni Lyn na rinig na rinig ko.
"Tapos isa pala siyang Devaux?! OMG napakaswrte natin! Sigurado akong tataas ang sweldo natin! Mababait ang mga Devaux!"
Doon napaangat ang aking paningin dahil sa sinabi ni Sophia. Pinahiran ko ang luha ko at nagtanong dito.
"Paano mo nasabing mababait huh?" taas kilay kong sabi.
"Like duh?! Saaang planeta kaba galing at dimo alam ang kwento niya?" pangtataray na sagot din saakin ni Sophia.
"Dakilang marites ka naman kaya mag kwento ka," sama nang tingin kong sabi sa kaniya.
"Ang pamilya Devaux ay kilala sa buong mundo. Si Mr.Devaux ang siyang ama nang dalawang kambal at nag-iisang babae na kanilang princessa si Addison Devaux na siyang kakambal ni Sir Aiden. Ang sumunod kay sir Aiden ay si Keon Devaux, isa siyang writer and sadly lahat nang libro niya ay sad ending naalala ko nung nabasa ko ang mga libro niya iyak ako nang iyak.
So back to the topic ang sumunod naman kay Keon ay ang kambal sina Allistair at Allard Devaux. They we're born in a miracle. Nayanig ang news dahil sa kanilang pagkabuhay alam mo ba yun?"
Napanganga ako dahil sa nagsalita si Mica, saaming lahat si Mica ang tahimik pero nakikisabay saamin.
"Paano mo nalaman lahat yan?" gulat kong sabi sa kaniya na ikinairap nito saakin.
"Hello nilalamon na ang society nang internet subukan mo namang gamitin phone mo!" sungit talaga nitong babaeng to.
"Nakakalungkot lang dahil namatay ang mommy nila, ang asawa ni Mr.Devaux pero kahit na ganon ay nagawa niya parin isilang sina Allistair at Allard," napakunot ang noo ko dahil sa sinabi ni Ms.Janice.
"Edi namatay ito nung nanganak?" kaya pala walang pinakilala saaking Mrs.Devaux nang gabing yun dahil si Mr.Devaux nalang ang nagpapalaki sa kanila. Pareho pala sila ni daddy.
"Hindi ah! Patay na si Mrs.Devaux nung ipinanganak niya ang kambal!" biglang singit ni Lyn.
"Mali ka naman eh pero parang ganon narin kasi brain dead na si Mrs.Devaux nang ipanganak niya ang kambal tyaka palang siya na confirm na patay na,"
Mas lalong nagulo ang utak ko dahil sa sinabi ni Ms.Janice wala akong maintindihan anong brain dead? Edi paano yun?
"Wag kang magtanong kung paano dahil walang nakakaalam. Lahat nang nasa ospital ay napagutusan na wag ilabas ang nangyari, kahit sa press wala silang nakuha kahit kaunti basta ang alam namin amraming doctor,"
Basa ni Mica sa utak ko at naupo na ito sa table niya. "Mag-siayos na kayo dahil ano mang oras ay maaaring dumating si si Aiden," muli akong napaupo sa upuan ko at napuno nang katanungan ang aking isip.
Paano namatay si Mrs.Devaux at paano niya naipanganak ang kambal, naalala ko sila ata yung dalawang lalaki na magkamuka noon. Si Keon, si Keon lang ang hindi ko napansin nang araw na iyon si Addison kasi nakausap ko na eh.
Napatingin ako sa computer na nasa harapan ko, tama! Isesearch ko si Mrs.Devaux. Nang mapindot ko ang pangalan niya sa keyboard ay napakunot ang aking noo sa nakita.
Isa siyang magandang babae habang nakangiti sila pareho ni Mr.Devaux sa camera, ngayon ko lang nakita na totoong masaya ang ngiti ni Mr.Devaux kahit pa na ngumingiti ito saakin noong gabing iyon ay hindi ganiyan kaaliwalas. Isa lang ang ibig sabihin dahil mahal na mahal niya talaga ang asawa.
Ngunit hindi yun ang gumugulo saakin eh, si Mrs.Devaux kamuka ni Addison! Hinding-hindi ko makakalimutan ang muka ni Addison dahil sa kanilang lahat si Addi ang nakausap ko nang malapitan at mas seryosohan.
Kamuka ni Aiden ang daddy niya habang si Addison naman ay mama niya, ang galing kambal nga pala sila.
"Huy tama na yan! Nasa kabila na si sir Aiden!"
Nanlaki ang aking mata dahil sa sinabi ni Mica at bumilis ang tibok nang aking puso.
"Ano bang anngyayari sayo? Nakita ko ang reaction mo kanina nang makita mo si sir Aiden tapos ngayon interesado kana sa pamilya nila?"
Agad kong pinatay ang computer dahil sa sinabi ni Mica at tumayo kaya napatingin silang lahat saakin.
"Eto nanaman kami," nakasimangot na sabi ni Mica.
"C-C-Cr lang ako," mahina kong sabi at utal-utal pa kaya napalunok ako dahil feeling ko wala nang tubig ang lalamunan ko.
"Anong Cr ka jan eh malapit na si sir Aiden mapapagalitan tayo!" sabi saakin ni Ms.Janice pero diko yun pinansin.
"Saglit lang ako promise!" sabi ko at tumakbo palabas nang pinto ngunit nagulat ako nang pagtingin ko sa kabilang department ay mayroon doon isang lalaki na naka uniporme tulad namin at napakunot ang noo noo nito nang makita ako.
Nanlaki pa ang mata ko at sobra sobra na ang kaba ko lalo na nang marinig ko ang pamamaalam nang nasa kabilang department kaya agad-agad akong pumasok sa loob at bumalik sa pwesto ko.
"Ano bang nangyayari sayo?" sabi saakin ni Mica at diko na siya napansin dahil sa ibaba nalamang ako nakatingin at unti-unti kong inalis ang heels ko upang hindi ako nito makita kaso bakit ba kasi ang tangkad ko?! For the first time kinainisan ko ang pagiging matangkad ko.
Narinig ko ang pagbukas nang pinto. "Good morning sir," sabay-sabay naming sabi ngunit ang akin ay pabulong lamang.
"Good morning too, you may start," sabi ni Aiden sa head namin kaya lalo akong kinabahan dahil ipapakilala ako nito iba man ang pangalan ko ngunit baka makilala ako nito sa muka!
"Good morning again sir we are the Marketing Department. I'm Janice Gillian the market head and this is my team. Sophia Santiago,"
"Hello po sir!" masayang sabi ni Sophia habang ako ay parang hihimatayin na sa sobrnag nerbyos hanggang sa narinig ko ang pangalan ko.
"And lastly Sabby Reyes," mas nanginig ang kamay ko dahil doon at unti-unti itiningin ang aking mata kay Aiden ngunit natuwa ako nang kinausap siya nung lalaking nakita ko sa labas kanina kaya nag hello na din ako agad at yumuko din anng mabilis.
"That's all sir Aiden, we are glad that you are our boss now,"
"Thank you Ms.Head, so the whole company is basing for the all of you. I want you to work hard since kayo ang Marketing Department, nakasalalay sa inyo ang buong kumpanya. At masaya din ako na kayo ang workers ko,"
Mahabang sabi nito na feeling ko konti nalang bibigay na ang paa ko sa panginginig. Umalis kana kasi Aiden!
"That would be all good bye for now, see you around!"
Pagkatalikod palang nito ay agad na akong napaupo sa upuan ako at napahawak sa dibdib ko dahil sa sobrang kaba niyon.
"Kyah! Nakita niyo tumango siya saakin!" masayang sabi ni Sophia.
"Tumigil ka nga jan lahat naman tinanguan niya," simangot na sabi ni Lyn dito.
"Ang cold naman niya," biglang sabi ni Ms.Janice, cold talaga sa cold gaya ni Mr.Devaux.
"Ano ba ang nangyayari sayo Sabby?" biglang sabi ni Mica saakin na ikinatahimik nila at alam kong nakatingin na ang mga ito saakin.
Nag-anagat ako nang tingin at nakatingin nga ang mga ito saakin.
"Wala ang sakit kasi nang tiyan ko kailangan ko nang mag CR!" pagkasabi ko nun ay agad na akong tumakbo palabas kasi alam ko naman na nasa loob sila Aiden sa kabilang department.
Dumeretsyo ako sa CR at naghilamos kailangan ko talaga nang malamig na tubig. Pagkatapos ko ay napatingin ako sa salamin, bakit nga ba ako takot na takot makita siya? Dahil ayokong makagulo pa, alam ko na hindi na nila ako kailangan at kung ano man ang naging utang ni Daddy sa kanila ay pinag-iipunan ko at babayaran ko.
Pagkatapos kong mahimasmasan ay lumabas na ako nang CR at demeretsyo sa department ngunit dahil nga naglalakad ako nang nakayuko ay nagulat ako nang mayroon akong makabungo.
"Hala sorry!" sabi ko at yumuko ulit dito. Bakit ba kasi naisip ko pang nakayuko habang naglalakad?! Nakakahiya tuloy!
"No it's okay," nanlaki ang mata ko nang marinig ko ang boses niya at kilalang-kilala ko yun! Si Aiden ang napangasawa ko.
"S-Sige po sir mauna na ako," sabi ko at agad na tumakbo papunta sa department naman ngunti mas kinabahan ako nang tinawag ako nito.
"Wait! Miss saglit!" hindi ko na siya nilingon dahil siguradong patay ako kapag nagkataon.
Pagkadating ko sa kwarto namin ay napalakas ang sara ko nang pinto at sobrang bilis nang tibok nang puso ko.
"Huy ano may galit kailangan pabalang isara ang pinto?" nakataas kilay na sabi ni Lyn saakin.
"Bat ka naman pagod na pagod tumakbo ka?" tanong ni Sophia.
"Ay hindi gumapang ako!" pampipiloposo ko na ikinatawa nila at bumalik ako sa pwesto ko.
"Bumalik na nga kayo sa trabaho puro kayo kalokohan, hoy ikaw Sabby siguraduhin mong tatapusin mo trabaho mo at wag matutulog lagot ka kay si Aide,"
Napaupo ako nang maayos nang dahil doon, marinig ko lang ang pangalan ni Aiden kinakabahan na ako eh. Bakit ba kasi siya pa ang boss ko?!
***
MAAGA kong natapos ang aking paper works na ikinapuri nang mga ito saakin dahil first time ko daw na magawa yun. Kung sila nasa sitwasyon ko baka nag resign pa sila akso di ako pwedeng magresign kainis naman eh!
"Tara na sa bar!" masayang sabi ni Sophia na ikinangiti ko, mahilig ako sa party. I'm a party girl at mahilig din ako sa alak malakas akong uminom at bibihira lang ako malasing kaya pag nanglilibre sila ay tumba na ang mga ito ako nainom pa.
5PM nang lumabas kami at sumakay sa isang uber, napaka sosyal talaga nitong mga kasama ko eh pwede naman mag jeep. Nang makarating kami sa bar ay si Ms.Janice ang nagbayad sa uber libre niya eh.
Pagpasok namin sa bar ay rinig na rinig ang malakas na tugtog doon na ikinangiti ko.
"Party party na!" nanguna ako sa pagpunta sa counter at umorder. Kilala na ako ako dito dahil palagi akong nainom at suki nila ako.
"Here come the party girl," sabi ni Lyn saakin na ikinangiti ko nang malaki.
"Pake mo ba! Ito na ngalang kasiyahan ko mangongontra ka jan," sabi ko at uminom nang beer na hawak ko.
"Hayaan niyo na yang si Sabby pag nakainom parang hindi si Sabby eh,"
Napangiti ako nang mapait dahil sa sinabi ni Mica, tama siya. Kapag umiinom ako ay hindi ako si Sabby, ako si Sabrina. Dati nung magkasama pa kami ni Daddy sa States meron kaming bar room at ako ang pumaparty mag-isa. Bawal pa akong lumabas nang mga ganong edad pero marunong na akong uminom diba galing ko?
Si daddy kasi hinayaan ako sa third floor kaya ito ako mahilig pumarty. I miss him, ilang taon na kaming hindi nagkikita. I'm sorry daddy, malaki na ang pinagbago nang princessa mo. Hindi na ako yung Sabby na nakilala mo noon.
"Oh?! Ikaw ba ang broken at malungkot ka jan?!" nakangiting sabi ni Sophia kaya umiling ako at ngumiti. Alam ko na sanay din sila na makita akong masaya kaya ayaw nilang nakikita akong malungkot.
Isang taon ko palang sila nakakasama pero ang approachable nila at ang bait saakin kaya mabilis kong naging close ang mga ito. Kinalimutan ko na lamang ang nakaraan at nakisaya na sa dance floor.
ILANG oras ang lumipas at ansa bar parin kami, mga 8 na nang gabi. Mabuti at wala akong pasok ngayon kasi libre naman kahit anong oras ako pumasok sabi saakin ni France, siya ang may-ari nang pinapasukan kong resto. hanggang 11PM ang sarado niyon kaya kailangan ko nang pumasok sayang ang kita.
Papaalis na sana ako sa dance floor nang manlaki ang aking mata dahil nakita ko na kasama nila sa table si Aiden, paanong nanjan yan?!
Kaagad akong kinabahan dahil doon at hindi alam ang gagawin. Mas lalong nanlaki ang mata ko nang makitang itinuro ako ni Sophia! Patay na lasing na yung mga yun siguradong kukulitin ako nun.
Tumingin ako sa likuran para hindi ako mapansin at nag-isip nang paraan. Hindi pwedeng makilala niya ako. Mas lalong hindi pwedeng maiwan ko ang bag ko sa kanila! Tama ang mak-up ko! Nag make up kasi ako kanina sa banyo.
Nakita ko ang isang babae na mayroong hawak na tubig at lumapit ako dito at ibinuhos iyon sa sarili ko.
"Oh my God!" gulat nitong sabi. "Miss sorry kailangan ko talaga yang tubig," sabi ko at ikinalat ang make-up sa muka ko.
"OMG yung make-up mo!" gulat niyang sabi na ikinangisi ko dito.
"Yun ang ang plano ko Miss eh,"
Mas ikinalat kopa ang make-up at nang masigurado kong hindi na ako makikilala ay naglakad ako papunta sa kanila. Nakita ko na nakatayo na si Aiden at wala manlang itong reaction kahit konti at mukang napipilitan pa dahil sa mga kaibigan ko.
"Sir! Ito na pala si Sabby eh! Sabi si sir oh!"
Napatingin saakin si Aiden lalo na at ganito ang itsura ko, nagpanggap akong lasing sa harap niya.
"H-Hi sir! Sorry po lasing na ako natapon yung inumin ko saakin haha," awkward na sabi ko at kinuha ang aking bag.
"Anong lasing eh di ka pa nga namin nakikita na malasing?!" biglang sabi ni Mica na ikinalaki ko nang mata kaya agad ko nang kinuha ang bag ko at umalis doon.
"Mauuna na ako sa inyo aalis na ako," ngunit nagulat ako nang mayroong humawak sa braso ko.
"Sandali," napatingin ako at si Aiden pala yun! Parang may kuryente akong naramdaman sa aking katawan sa oras na hawakan niya ako ano ba ito?! Kaya napapaso kong inalis iyon.
"Sumabay kana saakin, I'll drive you home," nagulat ako sa sinabi nito at iisa lang ang nasa isip ko.
"No!" bigla kong naisabi na halos ikapukpok kona sa sarili ko dahil hindi tama ang sinabi ko.
"I-I mean thank you sir but no thanks kaya kona ho sarili ko," pagkasabi ko nun ay agad na akong tumakbo paalis doon upang hindi narin ako kulitin ni Aiden kainis paano napunta yun doon?!
"BAKIT ganiyan ang itsura mo?" Nagulat ako sa nagsalita at napatingin ako sa aking likuran at doon ay nakita ko France kaya nakahinga ako nang maluwag doon, ang akala ko ay kung sino na. "Ngayon naman gulat na gulat ka, ano bang nangyari sayo para kang binagyo," natatwa nitong sabi saakin na ikinailing ko nalang sa kaniya at naupo ako sa isang upuan na nasa labas. "Sandali kukuha ako nang wives," nawala sandali si France at pagbalik nito ay dala na niya ang sinabi niya. "Oh gamitin mo," nag thank you ako sa kaniya at naupo ito sa harapan ko. "Wala may nakita lang akong kakilala ko na ayokong makita," napatango naman ito saakin. "Sino ba yun?" napatingin ako sa kaniya at muling umiling dito. "Hindi mona kailangang malaman," sabi ko na ikinasimangot nito saakin. Siya si France Rios, mayaman siya kaya nga may restaurant siya eh pero sariling sikap niya ang restaurant na ito hindi niya hiningi sa magulang niya. Nagkakilala kami noon nung iligtas ko siya sa mga masasamang lala
“NEGATIVE sir,” “What?! Hindi pwede! Find her anywhere! Find my wife!” Galit na inihagis ni Aiden ang ang envelope na ibinigay sa kaniya nang private investigator niya. Walang nagawa ang tauhan nito kugdi ang kunin nalamang ang papel at muling bumalik sa trabaho. Ang hanapin ang asawa nitong si Sabrina De Guzman Devaux. Tatlong taon narin ang nakakaraan nang huli silang mag kita nang asawa. “Sir ilang taon mo nang pinapahanap si Mrs. Devaux ngunit wala parin tayong nakikita kahit anino niya manlang,” Sabi nang kaniyang kanang kamay na si Raymond simula nang turuan si Aiden nang kaniyang ama upang pumalit dito ay si Raymond na ang kasa-kasama at katu-katulong nito sa bawat gawain nito. “Hindi ako titigil sa paghahanap sa asawa ko Raymond,” “What if ayaw niya talagang magpakita sayo?” natigilan si Aiden dahil sa sinabi nito sa kaniya ngunit agad ding ipinilig ang kaniyang ulo. “Alam kong may nangyaring Raymond o kung totoo ‘man alam kong may rason.” Ibinalik nalamang ni Aiden
TAHIMIK akong nakatayo sa harapan nang table ni Aiden habang siya naman ay nakatingin sa glass wall nang kaniyang opisina. Pinagpapawisan na ako nang malamig at hindi mapakali sa aking kinatatayuan. Gustong-gusto ko nang umalis doon, tumakbo at wag nang magpakita sa kaniya pero wala akong magawa. "So, you've been hidding with a different name for a long time huh wife?" Napapitlag ako sa aking kinatatayuan dahil doon lalo na at humarap ito saakin at nagtagpo ang mata namin ngunit ang sa kaniya ay napakalamig niyon. "A-Ah t-teka," "Did you know that you're daddy are finding you for a long time? At halos hindi na siya kumakain noong mga unang araw na nawala ka," Natigilan ako dahil sa sinabi niya at napayuko kasabay nang pagtulo nang aking luha. "Paano mong nagawang iwan ang papa mo gayong nag-iisa nalang siya?" Muli ay hindi ako nakasagot dahil sa sinabi nito habang ang mga luha ko ay sunod-sunod na tumutulo. "Paano mo naatim na umalis at mawala nang parang bula? Hindi mo
Nagising ako nang makaramdam ako nang gutom. Naupo ako at napahawak sa aking ulo, mukang natuloy ang sinasabi kong masakit ang aking ulo. Para na itong binibiyak ngayon. Napatingin ako sa paligid at tanging lampshade nalamang ang bukas sa aking tabi, mukang nanggaling dito si France.Tumayo na ako at lumabas. Wala si France sa office niya kaya sigurado akong andoon ito sa cashier dahil doon madalas ang kaniyang tambayan kapag walang trabaho sa office."Sabby gising kana pala!" nakangiting tawag nito saakin ngunit hindi ko siya pinansin at pumunta ako sa pinakang restaurant at naupo sa isang table doon. Alam kong susunod si France kaya naghintay lang ako nang ilang segundo at hindi nga ako nagkamali dahil andoon na ito."What do you want? Libre ko," nakangiting sabi nito saakin kaya napangiti nalang din ako. Si France talaga palagi ang nasa tabi ko kapag mayroon ang problema sa office o financially. Kaya din malaki ang pasahod saakin ni France a
Pilit akong tumatakbo kahit na nahihirapan na ako dahil sa maraming sugat sa aking katawan. Kahit saang parte ay mayroong sugat at ginugusto na nang katawan ko ang sumuko ngunit hindi ko ito hinahayaan basta takbo ako nang takbo malayo lang sa lugar na ito.Hindi ako pwedeng sumigaw nang tulong dahil kapag ginawa ko yun magagaya nanaman ako dati na sila ang nakapulot saakin.Sa gitna nang aking pagtakbo ay nadapa ako dahil sa isang sanga at tumama ang aking ulo sa isang bato na siyang ikinalabo nang aking paningin."A-Argh,"Napahawak ako sa aking ulo at nakapa ko ang mainit at malapot na tubig doon. Pagkatingin ko ay dugo pala ito kaya napaiyakako at hinayaan ang sarili ko na mahiga. Kung ito na ang katapusan ko tatanggapit ko. Napapikit ako at ninamnam ang sakit na dumadaloy sa aking katawan."Miss!"Maya-maya ay idinilat ko ang aking mata ngunit natuluan na iyon nang dugo kaya hindi kona maaninag kung sino iy
"Anong nangyari at wala ka nang trabaho apo?" napabuntong hininga ako sa sinabi niya."Dumating na ho ang asawa ko, siya pala ang bago naming boss," nakita ko ang pagkagulat sa kaniyang muka. Kilalang-kilala ako nang mamang dahil sa kaniya ko sinabi lahat nang tungkol saakin noong magising ako."Edi maganda! Sumama kana sa asawa mo!""Ayoko nga po!" agad na sigaw ko na ikinagulat nito kaya natawa ako."Ay sorry mamang hehe, ayoko po. Kailanman ay hindi kami magkakasama at hinding hindi ko siya tatanggapin bilang asawa ko,"Napangiti siya sa sinabi ko at napailing pagkatapos ay sumubo nang pagkain."Bakit po mamang?" kunot noo kong tanong."Mag-ingat ka sa pananalita apo dahil baka balang araw kainin mo yang sinasabi mo,""Sus mamang naman, nasa 21st century napo tayo," iling na sabi ko sa kaniya na ikinailing lang din nito."Bahala ka,"Totoo naman sinasa
AIDEN "ANONG nangyari sir?" Napalingon ako kay Raymond dahil sa sinabi niya. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko dahil sa galit mula sa mga narinig kong sinabi ni Sabrina. Hindi kona napigilan ang sarili ko at inilaglag ang lahat ng meron sa lamesa ko. "Aiden ano ba?!" tinignan ko ng masama si Raymond dahil doon na ikinaatras naman nito. "T-Tumigil ka nga nasa opisina ka!" matapang na sabi nito saakin. "Ako tumigil? Ayaw lang naman saakin ng asawa ko anong gusto mong reaction ko?!" sigaw ko pabalik na ikinatahimik nito. Napahawak ako sa aking buhok at napaupo sa aking upuan. "Matagal ko na siyang hinahanap Raymond, sobrang tagal! At ngayon na nandito na siya sasabihin niya lang saakin na hindi niya ako itinuring na asawa gayong ako ito nagpapakahirap hanapin siya at nag-aalala?!" Tahimik lang na nakikinig saakin si Raymond dahil alam niya na kapag sumabat siya saakin ay katapusan na niya. Hindi ko maintindihan, ang gusto ko lang naman ay makita siya at ngayon na nakita kona si
"Grabe iba talaga ang tama kay Sabby," sinamaan ko siya nang tingin dahil sa sinabi niya at napataas ang kaniyang kamay."Sabi ko nga Mrs.Devaux dapat ang itawag ko sa kaniya,"Muli kong ibinalik ang aking paningin sa resume ngunit napahinto ako sumandali at biglang napatayo."Why?" takang tanong niya saakin."Bakit single ang status niya samantalang kasal kami?!"Napatingin siya sa resume dahil sa sinabi ko at napatango. Nakaramdam akong muli ng galit sa katawan dahil doon. Ganoon niya ba talaga ako kaayaw kaya hindi niya ginagamit ang apilyido ko gayong kasal naman talaga kaming dalawa?"Sa tingin ko hindi niya talaga tanggap na kasal kayo," napatingin ako ng masama kay Raymond dahil sa sinabi nito."Kailangan ko siyang kausapin!"Mabilis akong naglakad paalis doon at pinuntahan ang isang taong alam kong alam niya kung saan maaaring makita si Sabrina. Kada daanan namin ay nagbib