“NEGATIVE sir,”
“What?! Hindi pwede! Find her anywhere! Find my wife!”
Galit na inihagis ni Aiden ang ang envelope na ibinigay sa kaniya nang private investigator niya. Walang nagawa ang tauhan nito kugdi ang kunin nalamang ang papel at muling bumalik sa trabaho. Ang hanapin ang asawa nitong si Sabrina De Guzman Devaux. Tatlong taon narin ang nakakaraan nang huli silang mag kita nang asawa.
“Sir ilang taon mo nang pinapahanap si Mrs. Devaux ngunit wala parin tayong nakikita kahit anino niya manlang,”
Sabi nang kaniyang kanang kamay na si Raymond simula nang turuan si Aiden nang kaniyang ama upang pumalit dito ay si Raymond na ang kasa-kasama at katu-katulong nito sa bawat gawain nito.
“Hindi ako titigil sa paghahanap sa asawa ko Raymond,”
“What if ayaw niya talagang magpakita sayo?” natigilan si Aiden dahil sa sinabi nito sa kaniya ngunit agad ding ipinilig ang kaniyang ulo. “Alam kong may nangyaring Raymond o kung totoo ‘man alam kong may rason.” Ibinalik nalamang ni Aiden ang sarili sa pagtatrabaho at hindi pinansin ang sinabi sa kaniya ni Raymond.
Magmula nang maikasal siya at mawala ang asawa nito ay palagi na itong subsob sa trabaho kahit na nag aaral palamang ito. Mas gusto niya na isubsob ang sarili sa pagtatrabaho o pag-aaral kesa ang tumunganga at isipin ang kaniyang mga isipin.
***
"Raymond, nasabihan mona ba silang lahat na magtatanggal tayo nang empleyado?"
Napatingin di Raymond sa kaniyang amo at tumango. "Yes sir, they all agree with that," napatango si Aiden sa bagay na iyon at naupo na sa kaniyang upuan.
"I need to study their weekly progress, kada isang department ay pag-aaralan ko at aalisin ang mga taong mababa ang progress sa work in that way we can recruit form our company in here para mas mapalago pa ang kumpanya understand?"
"Yes sir,"
"Good give me their folders,"
Mabilis na kumilos si Raymond dahil alam niyang mainitin ang ulo nang kaniyang amo at kapag nagkamali ka ay talagang ibabato sayo ang trabaho mo.
Matapos nitong mareview ang mga papel ay hindi nito namalayan na gabi na pala kaya naisipan nang umuwi ni Aiden ngunit tumunog ang kaniyang telepono at pagtingin niya ay si Allistair iyon isa sa bunso nilang kapatid.
"Why Allistair?"
Sakto na pumasok si Raymond para sana sabihan ang boss na 7pm na at kailangan na nilang umuwi ngunit nakatayo na ito at sinenyasan siya na sandali lamang.
"Help us kuya, ate Addi gave us a mission but my twin brother is already drunk! That idiot! Alam na may mission kami nagpakalasing!"
Napakunot ang noo ni Aiden dahil sa kaniyang narinig lalo na at naririnig niya rin sa background ng kapatid ay ang malakas na tugtog na parang nasa isang club ito.
"Kapag nalaman ito nang kambal ko you're dead,"
Kilala ni Aiden ang kakambal, oo masiyahin at kikay ito pero pagdating sa mga mission nila sa organisation ay seryoso at mahigpit ito.
"Don't tell her kuya! Hindi kasi pwede si kuya Keon kaya ikaw nalang please? Hindi ko kaya nang mag-isa to!"
"Tsk," naisagot nalamang ni Aiden at napatingin kay Reymond na natunugan na kung ano ang pinag-uusapan nang magkapatid.
"You need to learn to fight alone Allistair, hindi habang buhay magkasama kayo ni Allard,"
"Yeah, yeah I know that kuya! Are you gonna help us or not?!"
"Fine,"
"Yes! I'll send you the adress and our mission,"
Ibinaba na ni Allistair ang tawag at napatingin si Aiden dito.
"We have a mission,"
Napangisi si Raymond at inalis ang salamin na soot niya at inilagay sa kaniyang damit pagkatapos ay niluwagan ang kaniyang necktie.
"Finally! It's been a while magmula nang mag streching ako," sabi nito ay inunat pa ang mga braso pagkatapos ay pinatunog ang daliri.
Isa si Raymond sa pinakang magagaling na grupo nang Devaux Organisation. Ibinigay nang daddy niya si Raymond sa kaniya dahil bata pa lamang ito ay sinanay na ito sa kanilang organisation at nang makagraduate ay isinama sa kaniya upang maging kanang kamay niya.
Kaya sa lahat nang nakakasalamuha ni Aiden ay si Raymond ang pinakang pinagkakatiwalaan niya. Nagsimula siya sa high school nang makilala niya ito at kahit nag-aaral sila ay madalas silang nag-uusap dahil narin isa si Raymond sa nagsanay sa kaniya.
Naglakad na si Aiden palabas at sumunod naman si Raymond dito at dahil gabi na ay wala nang ibang employees pa doon kaya mabilis silang nakasakay sa sasakyan at nagmaneho si Raymond.
Nakatanggap si Aiden nang text mula sa kapatid at binasa ito.
"Mission: Patayin ang isang drug pusher na si Mr.Talledo, idamay niyo na din ang mga drug dealer kapag nanlaban. Paalala na himdi basta-basta ang kalaban niyo kaya mag-iingat kayo Twins! Love ate Addi muwah!
Yan ang binigay ni ate kuya ang location ay sa Jinx Bar sa Sampaloc Manila,"
Napailing si Aiden dahil sa nabasa niyang sulat nang kapatid. Si Addison kasi in-charge sa pagbibigay nang mission sa kanila at kapag sa kanilang mag-kakapatid ay talagang ganoon ang sulat na ipinapadala nito hindi gaya sa iba formal at detalyado.
Gusto niya kasi na mas masanay ang mga ito sa pakikipaglaban kaya hindi na niya ibinibigay ang ibang information na kakailanganin nang taong sasabak sa bakbakan.
"Jinx Bar, Sampaloc Manila,"
Plain na sabi ni Aiden na ikinatango ni Raymond at mas binilisan ang kaniyang pagmamaneho tutal at malapit lang yun sa kanila.
Ilang minuto ang lumipas ay nakarating na sila doon at pumasok na agad si Aiden kasunod si Raymond. Kapwa inalis nila ang soot na suit at polo nalamang ang natira.
Pagpasok palang nila sa bar ay agad na nagsitinginan ang mga babae na andodoon at hindi na maalis ang mata sa mga ito.
"Kuya Aiden! Kuya Reymond!"
Napalingon sila sa tumawag at nakita nila si Allistair sa isang table kaya lumapit ang mga ito roon.
"Where's Allard?" Tanong ni Aiden nang makaupo ito sa upuan.
"Pinasok ko sa kotse mahirap nang maging sagabal sa mission,"
Tumango si Aiden at mayroon nang ibinigay na isang folder si Allistair sa kanila nang palihim upang walang makapansin.
"Siya si Mr.Talledo, marami siyang koneksyon sa pagbebenta nang mga drugs at itong bar na ito ay sa kaniya kung saan ginagamit niyang hide out upang hindi mapansin ang transaction nila. Sa araw na ito mayroon siyang dalawang customer, si Mr.Lite at si Ms.Khet,"
Inilipat nila ang ang folder at nakita nila ang mga larawan nang tinutukoy ni Allistair.
"Isang business man si Mr.Lite samantalang si Ms.Khet naman ay isang bank owner, parehong matunog ang kanilan pangalan sa industriya dahil sa may kalakihan ang kumpanya nila ang kaso magtatapos na ang buhay nila sa gabing ito," nakangising huling sabi ni Allistair habang si Aiden naman ay nirereview ang folder na hawak niya.
"How about the place?" Tanong ni Aiden na ikinaalala ni Allistair sa impormasyon.
"Right! Mayroong fifty body guards ngayon dito kabilang na doon ang tig-sampong gwardya nang dalawang bibili nang drugs. Dalawa ang exit sa main door and sa staff door which is located at the west, merong fifteen CCTV camera's na na hack na ko na kaya all goods na tayo doon at pwede nang sumabak sa laban!"
Mahabang lintaya ni Allistair na ikinatango ni Aiden.
"Good then this is what we gonna do, ako nang bahala sa tatlong drug dealers at kayong bahala sa mga body guards. Gagawin ako ang lahat para makalabas agad since malayo ang pintuan palabas sa kinalalagyan nang mga ito. Kung walang daanan gagawa ako nang sariling daan,"
Nakangising sabi ni Aiden na ikinangiti nang dalawa. Kilala nila si Aiden, kapareho ito nang daddy nila na magaling humawak nang mga tauhan, may paninindigan, matapang at walang pakiramdam na tao pero iisang bagay lang ang pinagkaiba nila. Mahilig si Aiden sa torture, masyadong mabigat ang kamay nang binata lalo na sa mga taong mga lalang ang kaluluwa.
"Wear this," mayroong ibinigay si Allistair sa kanila na maliliit na earpods na maaaring magkarinigan silang tatlo.
"Now,"
Pagkasabi ni Aiden nun ay naunang tumayo si Allistair pagkatapos nang ilang segundo ay sumunod si Raymond ngunit uminom muna nang alak bago tumayo at pumunta sa kaniyang pwesto. Panghuli ay si Aiden.
Maingay sa paligid na mas okay kay Aiden dahil hindi siya mahihirapan na kumilos at pumatay nang kalaban. Kapag mga masasamang tao ay walang hinayang na pumapatay silang magkakapatid kaya pinag-aaralan muna nila nang mabuti bago sila gumawa nang aksyon.
Sa pagiikot ni Aiden nang kaniyang paningin ay natigilan siya nang mayroon siyang maaninigan na isang babaeng sumasayaw sa dance floor. Tila nakita na niya ang babaeng iyon apat na taon na ang nakalilipas.
"Sir Aiden!"
Napakurap siya dahil sa tumawag sa kaniya at doon at napalingon. Nakita niya ang isang grupo nang mga babae na nag-iinom.
"Sir Aiden andito ka pala! Halika samahan mo ho kami!"
Sabi nang isang babae nang makalapit ito agad sa kaniya. Wala siyang nagawa nang hilahin na siya nito at iniupo doon.
"Sakto andiro ka Sir tagay tayo!" Sabi nang isang babae na namukaan niya. Iyon ang babaeng head nang marketing department.
"Kayo pala, pasensya na pero nagmamadali ako eh,"
Sagot niya dito na ikinailing nang isang babae si Lyn.
"Sige na sir inom ka muna!" Wala siyang nagawa kungdi inumin ang alak na iniabot sa kaniya at tumama ang kaniyang paningin kay Mica na ikinaiwas nito nang tingin.
"Alam mo ba sir masaya kami na ikaw na ang bagong boss namin! Sana naman ho tumaas na ang sahod namin dahil sobrang baba! Lalo na kami ang marketing department so we deserve better!"
Sabi ni Sophia na halatang lasing na. Sumangayosn din ai Janice dito at maging si Lyn ngunit napahinto sila nang dumating ang isang babaeng gulo-gulo ang make-up.
"Sir! Ito na pala si Sabby eh! Sabi si sir oh!"
Napatingin si Aiden sa babae at napakunot ang kaniyang noo. Sa pangalan nito ay mayroon siyang naaalala ngunit iba ang apilyido, ang kaniyang asawa.
"H-Hi sir! Sorry po lasing na ako natapon yung inumin ko saakin haha,"
"Anong lasing eh di ka pa nga namin nakikita na malasing?!" Biglang sabi ni Mica na ikinatingin ni Aiden sa babae ngunit umiwas lang ulit ito nang tingin.
"Mauuna na ako sa inyo aalis na ako," nabaling muli ang attention ni Aiden sa babae at sa di malamang dahilan ay naging mabilis ang kaniyang kilos at hinawakan ang braso nito.
"Sandali,"
Napatingin naman sa kaniya ang babae ngunit naging mabilis lamang iyon dahil agad siyang umiwas nang tingin.
"Sumabay kana saakin, I'll drive you home,"
'Woah! First time dumamoves Aiden ah!' bulong na sabi ni Raymond sapat na upang marinig nilang tatlo dahil kahit anong usapan ay maririnig nila kahit sino pa iyon.
'Lagot ka kay ate Sabby! Oh? Pareho sila nang name ang hilig mo sa Sabby kuya hahaha' dagdag na sabi pa ni Allistair at gusto na niyang bugbugin ang mga ito pero pinipigilan niya lang ang sarili.
"No!" Nagulat sila pare-pareho sa biglaang pagsigaw nang babae.
"I-I mean thank you sir but no thanks kaya kona ho sarili ko," agad na tumakbo ang babae kaya nawala na iyon sa paningin nila.
Nang matapos iyon ay agad na nagpaalam na ang lalaki sa mga katrabaho at mabilis na naglakad papunta sa target.
'Bat mo hinayaang umalis!' reklamo ni Raymond.
'Wag ka nga jan kuya Raymond lagot ka sa asawa niyan,'
'Get back to work,' malamig na sabi ni Aiden sa mga ito kaya agad silang napatahimik dahil alam nilang naiinis na ang lalaki sa kanila.
Sa pagpasok ni Aiden sa isang kwarto ay sumalubong sa kaniya ang dalawang guard.
"Restricted area po ito sir,"
"I know," pagkasabi niya nun ay sinuntok niya sa muka ang dalawa na ikinatulog nito agad.
Pinatunog niya ang kaniyang daliri dahil doon at nagpatuloy na sa paglalakad papasok. Alam niyang wala nang bantay doon dahil karamihan nasa labas at iilan lang ang nasa loob nang kwartong mismong pinagdadaluyan nang kanilang transaksyon.
Marami na siyang mission na ganito kaya gamay na gamay na niya ang drug transaction. Nang makarating siya sa pinakang dulong pinto ay sinipa niya ito na ikinatayo nang mga nasa loob at naalerto.
Agad niyang binaril ang dalawang bumibili nang drugs si Mr.Lite at Ms.Khet na ikinamatay nito agad habang nanlaki ang mata ni Mr.Talledo.
"M-Mr.Devaux,"
Pagkabanggit nang lalaki sa apilyido niya ay agad na nagpaputok ang tatlong bantay na nasa loob ngunit naging mabilis ang kilos ni Aiden at pinagbabaril niya ang mga ito na ikinamatay naman nila agad
"Now, it's you and me," nakangising sabi ni Aiden dito.
"S-sandali, h-hindi kona ho uulitin wag niyo lang akong patayin!" Nanginginig na sabi nito ngunit ang hindi alam nito ay mayroon nang pinindot ang lalaki sa ilalim nang kaniyang lamesa na siyang ikapapahamak ni Aiden.
"Tingin mo maniniwala ako sayo?" Seryosong sabi ni Aiden dito at napayuko ang lalaki ngunit nagulat siya nang tumawa ito.
"Alam ko," nag-angat ito nang tingin habang nakangisi. "Kaya tinawag ko sila," nagtaka pa noong una si Aiden ngunit nang marinig niya ang maraming yapak sa labas nang silid ay naalerto siya agad at binaril ang lalaki.
"Nagtawag kapa," inis na sabi ni Aiden nang binaril niya ito na siyang ikinamatay nang lalaki.
'Kuya umalis kana jan! Nadagdagan pa ang kalaban!'
'Sh*t ang dami nila!'
Sabi nang dalawa sa earpiece nang mga ito.
'Leave now, mission accomplished na tayo,' banggit niya dito sakto na nagsipasukan na ang mga kalaban niya at nagpaputok na siya nang baril.
'Kuya lumabas kana!' sigaw na sabi ni Allistair ilang minuto matapos niyang makalabas nang bar, nakikita narin niya na nagsisilabasan na mga tao sa bar at naririnig niya ang sunod-sunod na putok nang baril sa kinalalagyan nang kuya niya.
Samantalang si Aiden ay seryoso na bumabaril sa mga kalaban niya at nang maubusan nang bala ay gumulong siya papunta sa isang kalaban na nabaril niya at kinuha ang baril nito para patayin ang iba.
'Kuya Aiden!' nag-aalalang tawag ni Allistair dito ngunit nagulat siya nang may umakbay sa kaniya at pagtingin niya ay si Raymond ito.
"Calm down Alli, did you forget that he's Aiden Devaux? The Heir of Devaux family and our organization,"
Unti-unting inuubos ni Aiden ang mga kalaban na kaniyang nakakasalubong sa hallway. Wala siyang pinapalagpas kada isa basta baril lang siya nang baril hanggang sa maubos na niya ito.
Hinihingal pa siya nang matapos silang lahat at napatingin siya sa paligid.
'Kuya lumabas kana anjan na ang mga pulis!'
Agad na naghanap si Aiden nang malalabasan pagkasabi niyon nang kaniyang kapatid ngunit malayo sa kaniya ang daan palabas kaya siya nalang ang gagawa nang sarili niyang daan.
"Meet me on the north faster," plain na sabi nito at mayroong kinuhang bomba sa isang napatay niya at itinapon ito sa pader na siyang ikinabutas niyon.
Nagulat ang marami dahil doon pero naging mabilis ang kilos ni Aiden at lumabas sa butas.
"Sakay na kuya!" Saktong dating ni Allistair habang nakabukas ang pinto sa likod kaya mabilis siya sumakay at pinaharurot ni Raymond ang sasakyan.
"Nag-alala ako sayo kuya!"
Sumandal lamang si Aiden sa upuan at pumikit.
"Piece of cake, mission accomplished."
***
"WAIT! Ate Mica, Ate Sabby!"
Sigaw ni Addison sa hallway nang makita niyang tumatakbo ang dalawang babae na kilalang kilala niya. Ang tagal na nilang hinahanap ang dalawnag babae at ngayon na nakita na niya ito ay siguradong maraming matutuwa.
Habang si Sabrina naman ay abot-abot ang kabang kaniyang nararamdaman at maging ganoon din si Mica. Kapwa sila nagtataka kung paano nakilala ni Addison ang isa't-isa ngunit hindi iyon ang tamang oras para kausapin ang isa't-isa dahil kapag nahuli sila ay katapusan na nang kanialang pagtatago.
"Tabi!" malakas na sigaw ni Mica sa mga taong nakaharang sa kanilang daan.
"Sandali! Argh!" nainis na si Addison dahil sa heels na soot niya kaya huminto muna siya bago muling hinabol ang dalawa.
"Pigilan niyo sila!" sigaw ni Addison sa mga tao na andodoon ngunit dahil nga hindi pa siya kilala nang mga ito ay hindi siya sinusunod.
Pagkaliko nang dalawa ay elevator na ang andoon kaya agad na pinindot ni Sabrina ang bukasan.
"Bakit ka tumatakbo?!" sabi ni Mica kay Sabrina habang nakatingin sa likuran nila kung andoon naba si Addison.
"Ikaw bat ka tumatakbo?!" balik na tanong ni Sabrina ngunit sakto pagbukas nang elevator ay ang siyang pagdating ni Addison.
"Ate Mica, ate Sabrina!"
Agad na humarap ang dalawa sa elevator upang pumasok ngunit napahinto sila nang makita kung sino ang andoon.
"Ate Mica, Ate Sabby?" sabay na sabi nang kambal na si Allistair at Allard, ang bunsong anak ni Keiron Kent Devaux.
Sabay na napaatras ang dalawa at humaharap sa likuran ngunit andoon na si Addison.
"Hay sawakas!" hingal na sabi nang dalaga at napahawak sa kaniyang dalawang tuhod. "Pinahirapan niyo akong tumakbo!" dagdag nito habang hinihingal.
"Ate Addi?" takang tanong ni Allistair.
"Mabuti at nanjan na kayo, pinahirapan ako nitong dalawa!" napalunok si Sabrina dahil doon at hindi na alam ang gagawin.
"Teka sila ba talagang dalawa yan?" sabi ni Allard na hindi makapaniwala at tinitigan silang dalawa nang maigi.
"Tsk. Oo ako na to, bat pa kasi lumipat yang magaling niyong kuya dito nananahimik buhay ko eh," irap na sabi ni Mica at nag-cross arms.
Habang si Sabrina ay nagulat dahil sa sinabi nang kaibigan at napatingin dito.
"Well daddy is always right, akalain mo yun dalawa kayong nahanap ni daddy!" natatawang sabi ni Addison sa kanilang dalawa.
"T-Teka kilala ka nila?" nabaling ang attention nila kay Sabrina dahil sa itinanong niya habang si Mica naman ay doon lamang naalala ang babae kaya nanliliit ang matang tumingin dito.
"Yes they know me, anak ako nang kapatid nang mommy nila na si Vandee Selry. Ikaw Sabby bakit kilala ka nila?"
"Kaya madami kang alam tungkol sa pamilya Devaux," natatauhan na sabi ni Sabrina.
"Ate Sabby!" nagulat si Sabrina nang yakapin siyang bigla ni Addison at sobrang higpit niyon.
"Na-miss kita ate! I'm so sorry! Kasalanan ko kung bakit ka umalis!" nagulat si Sabrina nang maramdaman niyang umiiyak ito.
"T-Teka umiiyak kaba?"
"Sinisisi niya ang sarili niya mag-mula nang umalis ka sa gabi nang kasal niyo ate Sabby, masaya ako at nakita kana ulit namin," nakangiting sabi ni Allistair.
"Me too! Yayayain pa naman sana kitang sumayaw nun ate tapos bigla kang nawala," dugtong na sabi ni Allard.
"Sandali kasal? Ikaw yung misterious na asawa ni Aiden?!" napatingin si Sabrina kay Mica dahil sa sinabi nito at binigyan lamang niya ito nang pilit na ngiti at muling tumingin kay Addison at inalo ito habang si Mica naman ay hindi makapaniwala.
"Shh, Addi wala kang kasalanan," umiling sa kaniya si Addison at humiwalay sa pagkakayakap niya dito bago nagsalita.
"Dahil sa sinabi ko kaya ka umalis ate,"
"No, noong gabing yun nakita ko ang asawa ko kasama ang sinasabi mo na girlfriend niya. I was so broken that time, hindi ko inaasahan na ikakasal kami pero pumayag ako pero seeing him kissing that girl? It hurts,"
Nagulat ang mag-kakapatid dahil sa sinabi ni Sabrina. "That bi*ch! Kapag talaga nakita ko yun kakalbuhin ko siya!" mabilis na nagbago ang emosyon ni Addison at napalitan nang inis dahil sa sinabi nito.
"Hayaan mona addi, wag niyong sasabihin sa kuya niyo na nakita niyo ako. Ayokong magkagulo nang relasyon nang iba mag-reresign nalang ako sa trabaho,"
"Anong mag-reresign ka jan?! Matagal nang wala si Aiden at yung Angelina na yun," kunot noong sabi ni Mica nang marinig ang sinabi ni Sabrina na aalis ito doon.
"Tama si ate Mica, days later nang mawala ka ay nalaman namin na naghiwalay si Kuya at Angel-"
"Wag mo ngang tawaging Angel yun dahil hindi sa kaniya bagay demonyo pwede pa," irap na sabi ni Mica nang putulin niya ang sinasabi ni Allistair at napailing nalang ang lalaki dahil sa sinabi nang pinsan niya.
Hindi makapaniwala si Sabrina sa kaniyang nalalaman at sumasakit ang ulo niya dahil sa mga isipin. Paano niya bang ipapaliwanag nang maayos sa mga ito ang mga bagay na hindi dapat nangyayari. Masyadong magulo ang lahat.
***
SABRINA
Pagpasok ko sa opisina ay sumalubong saakin ang nakaklokong ngiti ni Mica na deretsyo ang tingin sa aking mga mata. Hindi ko nalamang siya pinansin at agad na bumalik palabas upang dumeretsyo sa banyo.
Kahapon nang mahuli kami nang mga kapatid ni Aiden ay hindi nila ako tinantanan lalo na si Addison dahil maging sa bahay ay hindi sinundan niya ako kaya nakilala tuloy si ni Mamang.
(Flashback)
"Ito pala ang bahay mo ate Sabby?" nagulat ako nang mayroong biglang nagsalita sa likuran ko nang buksan ko ang munting pinto nang aking tinitirhan.
Inabot ako nang anong oras sa labas dahil sa kakulitan nang mga kapatid ni Aiden at samahan mopa nang isang Mica na pinsan pala nila. Sobrang liit nga naman nang mundo para pagtagpu-tagpuin kaming lima.
"Anong ginagawa mo dito?!"
"Edi sinusundan ka, papasok." napanganga ako nang hinawi niya ako at basta-basta itong pumasok sa loob.
"Sandali!" sabi ko nang maalala ko si Mamang na siyang tumaguyod saakin ngunit huli na ang lahat dahil kaharap na ito ni Addison.
"Kay ganda mo namang bata, sino ka hija kaibigan ka rin ba nang aking apo nasi Karina?"
Napabuntong hininga ako dahil sa tinawag saakin ni Lola, nakakalimot na siya at ang tangi niyang naaalala ay ang paborito niyang apo na si Karina ngunit diko naman ito kilala. Napatingin saakin sandali si Addison at muling humarap kay lola at nagsalita.
"Ako po si Addison, but you can call me Addi,"
(End of Flashback)
Sumasakit ang ulo ko sa tuwing naaalala ko ang nangyari kagabi. Hindi lang si Addison ang nanggulo saakin kung di pati si Mica!
(Flashback)
Nagising ako dahil sa pagtunog nang aking telepono. Kaaalis lang ni Addison dito sa bahay kaya inaantok na ako ngunit panira itong tumatawag.
"H-hello? Istorbo ka," deretsyo kong sabi dito.
"Samahan mo akong uminom Sabby! Andito ako sa isa bar," napadilat ako dahil sa narinig kong boses ni Mica at napatingin ako sa orasan 11PM na iyon.
"Nasisiraan kana ba Mica maghahating gabi na! Kung ayaw mong magpahinga edi pagpahingahin mo ako! May pasok tayo bukas!" panenermon ko sa kaniya sa mahinang paraan dahil maaaring magising ang mamang.
"Subukan mong hindi pumunta, talagang isusumbong kita kay Aiden," agad nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi nito at mabilis na tumayo.
"Ito na! Ito na! Makakaganti din ako syaong babae ka!"
(End os flashback)
Kita niyo? Hindi ako pinatulog nang maayos nang dalawang yun mabuti nalang at hindi ako nalate sa trabaho. Dumeretsyo nalang ako sa banyo dahil hindi pa ako nakakapagayos nang maayos para lang hindi malate sa trabaho.
Pagdating ko sa banyo ay napatingin ako sa refleksyon ko sa salamin. "Act normal Sabrina, kung mahuhuli ka man ni Aiden wag kang papayag na sumama sa kaniyan maliwanag?!" napabuntong hininga ako at inilabas ang make-up ko sa bag at nag-ayos nang sarili. Nang matapos ay lumabas na ako doon ngunit sakto na paglabas ko ay ang paglabas ni Bernard sa katapat na banyo nang mga lalaki.
"Sabby!" nakangiti nitong sabi pero naglakad na ako pauna sa kaniya at dahil makulit siya ay sunod parin ito nang sunod saakin.
"Natanggap moba yung bulaklak kanina?" nakangiti niyang sabi pero deretsyo parin sa daan ang tingin ko.
"Oo tinapon ko sa basurahan," sabi ko na hindi parin siya tinitignan. Syempre kunwari lang yun dahil hindi pa ako napasok nang tuluyan sa department, sinabi ko lang yun para tigilan niya ako.
"Ayos lang may bukas pa naman! Bukas bibilhan kita nang paborito mong ice cream,"
Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi nito at huminto ako sa paglalakad ganon din siya kaya hinarap ko ito.
"Pwede ba Bernard tigilan mo na nga ito! Ang tagal ko nang sinabing hindi nga pwede na ligawan mo ako!" sigaw ko sa kaniya na ikinatigil nito at ako naman ay natauhan dahil doon. Parang natauhan din ako dahil sa bigla kong pag-sigaw.
Ilang minutong walang nagsalita saamin hanggang sa nagsalita ito.
"Bakit bawal?" seryosong sabi ni Bernard na ikinabagsak nang balikat ko dahil akala ko titigil na siya. Magsasalita na sana ako nang magulat ako dahil may biglang sumabat.
"Because she's my wife," nanlaki ang mata ko doon at mabilis na nagtambulan ang pintig nang aking puso.
"Sir Aiden?" nanigas ako sa aking kinatatayuan dahil sa sinabi ni Bernard na nakatingin sa unahan namin.
"You heard me right? She's my wife so back off,"
Mas nagulat ako nang mayroong humawak sa aking kamay na siyang naging sanhi ng libo-libong bultahe sa aking katawan at hinila ako paalis doon. Napatingin ako sa likuran niya at nakasoot ito nang isang business suit.
Hindi ba ako nananaginip? si Aiden ang humihila saakin, ang asawa ko!
TAHIMIK akong nakatayo sa harapan nang table ni Aiden habang siya naman ay nakatingin sa glass wall nang kaniyang opisina. Pinagpapawisan na ako nang malamig at hindi mapakali sa aking kinatatayuan. Gustong-gusto ko nang umalis doon, tumakbo at wag nang magpakita sa kaniya pero wala akong magawa. "So, you've been hidding with a different name for a long time huh wife?" Napapitlag ako sa aking kinatatayuan dahil doon lalo na at humarap ito saakin at nagtagpo ang mata namin ngunit ang sa kaniya ay napakalamig niyon. "A-Ah t-teka," "Did you know that you're daddy are finding you for a long time? At halos hindi na siya kumakain noong mga unang araw na nawala ka," Natigilan ako dahil sa sinabi niya at napayuko kasabay nang pagtulo nang aking luha. "Paano mong nagawang iwan ang papa mo gayong nag-iisa nalang siya?" Muli ay hindi ako nakasagot dahil sa sinabi nito habang ang mga luha ko ay sunod-sunod na tumutulo. "Paano mo naatim na umalis at mawala nang parang bula? Hindi mo
Nagising ako nang makaramdam ako nang gutom. Naupo ako at napahawak sa aking ulo, mukang natuloy ang sinasabi kong masakit ang aking ulo. Para na itong binibiyak ngayon. Napatingin ako sa paligid at tanging lampshade nalamang ang bukas sa aking tabi, mukang nanggaling dito si France.Tumayo na ako at lumabas. Wala si France sa office niya kaya sigurado akong andoon ito sa cashier dahil doon madalas ang kaniyang tambayan kapag walang trabaho sa office."Sabby gising kana pala!" nakangiting tawag nito saakin ngunit hindi ko siya pinansin at pumunta ako sa pinakang restaurant at naupo sa isang table doon. Alam kong susunod si France kaya naghintay lang ako nang ilang segundo at hindi nga ako nagkamali dahil andoon na ito."What do you want? Libre ko," nakangiting sabi nito saakin kaya napangiti nalang din ako. Si France talaga palagi ang nasa tabi ko kapag mayroon ang problema sa office o financially. Kaya din malaki ang pasahod saakin ni France a
Pilit akong tumatakbo kahit na nahihirapan na ako dahil sa maraming sugat sa aking katawan. Kahit saang parte ay mayroong sugat at ginugusto na nang katawan ko ang sumuko ngunit hindi ko ito hinahayaan basta takbo ako nang takbo malayo lang sa lugar na ito.Hindi ako pwedeng sumigaw nang tulong dahil kapag ginawa ko yun magagaya nanaman ako dati na sila ang nakapulot saakin.Sa gitna nang aking pagtakbo ay nadapa ako dahil sa isang sanga at tumama ang aking ulo sa isang bato na siyang ikinalabo nang aking paningin."A-Argh,"Napahawak ako sa aking ulo at nakapa ko ang mainit at malapot na tubig doon. Pagkatingin ko ay dugo pala ito kaya napaiyakako at hinayaan ang sarili ko na mahiga. Kung ito na ang katapusan ko tatanggapit ko. Napapikit ako at ninamnam ang sakit na dumadaloy sa aking katawan."Miss!"Maya-maya ay idinilat ko ang aking mata ngunit natuluan na iyon nang dugo kaya hindi kona maaninag kung sino iy
"Anong nangyari at wala ka nang trabaho apo?" napabuntong hininga ako sa sinabi niya."Dumating na ho ang asawa ko, siya pala ang bago naming boss," nakita ko ang pagkagulat sa kaniyang muka. Kilalang-kilala ako nang mamang dahil sa kaniya ko sinabi lahat nang tungkol saakin noong magising ako."Edi maganda! Sumama kana sa asawa mo!""Ayoko nga po!" agad na sigaw ko na ikinagulat nito kaya natawa ako."Ay sorry mamang hehe, ayoko po. Kailanman ay hindi kami magkakasama at hinding hindi ko siya tatanggapin bilang asawa ko,"Napangiti siya sa sinabi ko at napailing pagkatapos ay sumubo nang pagkain."Bakit po mamang?" kunot noo kong tanong."Mag-ingat ka sa pananalita apo dahil baka balang araw kainin mo yang sinasabi mo,""Sus mamang naman, nasa 21st century napo tayo," iling na sabi ko sa kaniya na ikinailing lang din nito."Bahala ka,"Totoo naman sinasa
AIDEN "ANONG nangyari sir?" Napalingon ako kay Raymond dahil sa sinabi niya. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko dahil sa galit mula sa mga narinig kong sinabi ni Sabrina. Hindi kona napigilan ang sarili ko at inilaglag ang lahat ng meron sa lamesa ko. "Aiden ano ba?!" tinignan ko ng masama si Raymond dahil doon na ikinaatras naman nito. "T-Tumigil ka nga nasa opisina ka!" matapang na sabi nito saakin. "Ako tumigil? Ayaw lang naman saakin ng asawa ko anong gusto mong reaction ko?!" sigaw ko pabalik na ikinatahimik nito. Napahawak ako sa aking buhok at napaupo sa aking upuan. "Matagal ko na siyang hinahanap Raymond, sobrang tagal! At ngayon na nandito na siya sasabihin niya lang saakin na hindi niya ako itinuring na asawa gayong ako ito nagpapakahirap hanapin siya at nag-aalala?!" Tahimik lang na nakikinig saakin si Raymond dahil alam niya na kapag sumabat siya saakin ay katapusan na niya. Hindi ko maintindihan, ang gusto ko lang naman ay makita siya at ngayon na nakita kona si
"Grabe iba talaga ang tama kay Sabby," sinamaan ko siya nang tingin dahil sa sinabi niya at napataas ang kaniyang kamay."Sabi ko nga Mrs.Devaux dapat ang itawag ko sa kaniya,"Muli kong ibinalik ang aking paningin sa resume ngunit napahinto ako sumandali at biglang napatayo."Why?" takang tanong niya saakin."Bakit single ang status niya samantalang kasal kami?!"Napatingin siya sa resume dahil sa sinabi ko at napatango. Nakaramdam akong muli ng galit sa katawan dahil doon. Ganoon niya ba talaga ako kaayaw kaya hindi niya ginagamit ang apilyido ko gayong kasal naman talaga kaming dalawa?"Sa tingin ko hindi niya talaga tanggap na kasal kayo," napatingin ako ng masama kay Raymond dahil sa sinabi nito."Kailangan ko siyang kausapin!"Mabilis akong naglakad paalis doon at pinuntahan ang isang taong alam kong alam niya kung saan maaaring makita si Sabrina. Kada daanan namin ay nagbib
"Duguan?! Bakit?!" gulat kong sabi na ikinakunot ng noo nito."Hindi mo alam? Ah naalala ko sabi nga pala niya ay arrange lamang ang inyong kasal. Pero tama ang iyong narinig, punong-puno ng sugat ang kaniyang katawan at ilang linggo bago ito gumaling habang ang iba naman ay hindi na gumaling at naging pilat sa kaniyang likuran,"Napakuyom ako ng aking kamao dahil sa aking mga naririnig at gustong gusto kong bugbugin kung sino man ang taong gumawa niyon sa asawa ko. Hinding-hindi ko mapapatawad kung sino man iyon at sisiguraduhin ko na ibabalik ko sa kanila ang sakit na dinanas ng aking asawa."Hindi niyo ho ba alam kung sino ang may gawa niyon?" nag-aalalang tanong ni Raymond dito na ikinailing ng matanda."Hindi ko alam dahil wala siyang nasabi saakin," napaisip ako dahil doon. Ano ba talaga ang nangyari matapos umalis ni Sabrina sa gabi ng kasal namin?"Ngunit sinabi niya saakin na malaki ang takot niya sa lalaking iyon a
Napahiwalay siya sa pagkakayakap saakin. Alam kong sinisisi niya ang sarili niya magmula ng mawala ang asawa ko dahil ito ang huling kausap bago ito mawala. Alam ko rin na kahit sa maiksing oras ay naging close na sila ni Sabrina. "Nakita mo narin siya kuya?!" napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. "Anong nakita? Sandali nakita mona ba ang asawa ko? Alam mong doon siya nagtatrabaho sa bago nating kumpanya?!" Napayuko si Addi dahil sa sinabi ko na ikinabuga ko ng hangin sa bibig. Alam na niya ang totoo at hindi niya manlang sinabi saakin! "Sorry kuya, sabi kasi ni At Sabby na wag daw sabihin sayo. Alam din ng kambal pwera lang kay Keon na nawawala naman palagi," Napabuntong hininga ako dahil sa sinabi ni Addi, wala naman akong magagawa kung hindi nila sinabi saakin at least alam kona ang totoo. "It's okay, tapos na naman ang mahalaga ay ngayon. Galit saakin ang ate mo," Napatango siya dahi