SABRINA
Mabilis akong tumatakbo papunta sa aking pinapasukang opisina dahil malelate na ako. Ayong ma mark as late ako sa attendance. Nakakainis na jeep kasi yun ngayon pa nasiraan kaya eto ako nakikipagmarathon sa hininga ko.
"O-Ouch! Saglit!" napahinto ako dahil sa sobrang sakit na nang paa ko. Natatanaw kona ang building pero medyo malayong takbuhan to. Inalis kona ang heels ko at tumakbong muli.
*BEEP!*
"Kyahh!" Nagulat ako nang biglang mayroong bumusina saakin habang papatawid ako kaya tinignan ko ang kotse na tinted at nag F hand doon sa driver. Seriously bubusinahan niya ako eh naka red light.
Napairap pa ako dahil doon at tumakbo nang muli. Tatlong minuto nalang. Sa abot nang aking makakaya ay nakarating ako agad at iniscan ang ID ko.
"Better luck next time Sabby, four days strait ah!" napasimangot ako sa gaurd dahil sa sinabi niya dahil nagka attendance nga ako color red naman it means late ako nang 1sec! Kainis.
"Tumakbo na nga ako nang mabilis kainis naman oh!" reklamo kong sabi na tinawanan niya naman.
"Haha ingat ka may bago tayong boss baka magtanggal yun masama ka,"
Nakuha niya ang aking attention at napatingin dito.
"Anong ibig mong sabihin na bagong boss?" curious kong tanong dito.
"Mayroon nang bagong may-ari nito. Kailangan ko ngang magpaimpress para hindi ako tanggalin, baka magtanggal yun lalo at bago,"
Bigla naman akong napaseryoso dahil sa sinabi niya. May bagong boss pala.
"Sabby pasok na! Nakikita kona ang kotse nang bagong boss!"
Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabing iyon nang gaurd, nga pala ang pangalan niya ay Kuya Nestor. Matanda na siya at matagal nang gaurd dito kaya sigurado akong hindi siya matatanggal. Kabisadong-kabisado na niya ang pasikot-sikot dito. Minsan ngang nalock ako sa office namin dahil kaka overtime ko nakattulog ako ayun nagising ako wala nang tao kaya nagkakalampag ako sa pinto sakto na nagroronda si Kuya Nestor.
Mabalik tayo agad na akong tumakbo upang sumakay sa elevator. Lahat nang mga kapwa ko nagtatrabaho ay papaakyat sa taas mukang nainform sila na may bagong boss samantalang ako hindi ang galing.
Pagkabukas nang elevator ay deretsyo ako agad sa department namin.
"The late Sabby! Mabuti at hindi ka nasermonan nang bagong boss!"
Yan ang bungad saakin nang mga katrabaho ko kaya napasimangot nalamang ako at tumuloy sa table ko.
"Wala manlang nagsabi saakin na may bago pala tayong boss!"
"Excuse me, nag announce ako kahapon sadyang tulog ka lang!" sabi saakin nang head namin sa department kaya napa peace sign nalang ako.
"Alam kasi naming pagod ka kaya hinayaan ka nalang namin, ewan koba sayo maayos naman ang sweldo natin dito pero todo kayod ka parin," si Sophia yun. Siya ang pinakang madaldal saakin. Apat lang kami panglima ang head namin si Ms. Janice wala pa yang asawa sabi niya may boyfriend siya pero wala namang maiharap saamin.
Nginitian ko nalang si Sophia dahil sa sinabi niya at humarap na sa table ko na muli kong ikinasimangot.
"Yiee sagutin mona kasi!" pang-aasar saakin ni Honelyn, Lyn for short at literel na short kasi maliit siya.
"Ilang buwan nang ganiyan sayo si Bernard pero hindi mo parin sinasagot," dugtong pa ni Mica na katabi ko sa lamesa.
Ganito kasi ang pwesto namin, nasa pinakang unahan ang head namin nasa may pintuan siya nakaharap para siya ang unang matawag samantalang nasa likuran niya si Sophia at Lyn at sa likuran nilang dalawa ay table namin ni Mica.
"Hindi ako magsasawang basteden siya, sabi nang hindi pwede eh!" sabi ko at tinapon ang flowers sa basurahan ko.
"Ouch sakit nun! Ako magbabalita kay Bernard haha,"
Napailing nalamang ako dahil doon at naupo na sa table ko. It's been four years, apat na taon na ang nakalilipas magmula nang tumakas ako sa puder nang napangasawa ko si Aiden Devaux.
(Flashback)
Matapos ang kasal na hindi ko inaasahan ay dumeretso kami sa isang hotel na hindi ko alam at doon kumain. Marami ang bumabati saamin at ang sabi ni Daddy lahat daw nang andoon ay kamag-anak nang napangasawa ko. Kanina ay iyak ako nang iyak pero ngayon ay tumigil narin ako dahil magang-maga na ang aking mga mata.
"Are you okay princess?" nakangiting sabi ni Daddy habang katabi ang papa ni Aiden ang aking napangasawa. Ngumiti lamang ako nang pilit at tumango dito.
"Hija wag kang mahiya sa pamilya namin ngayon ay kabilang kana saamin," nakangiting sabi saakin nang papa ni Aiden na ikinatango ko nalang dito habang nakangiti. Humarap nalamang ako sa aking pagkain at napatitig dito.
Kabilang eh wala nga dito sa tabi ko ang napangasawa ko, nagpaalam ito saamin kanina na may pupuntahan lang saglit at hanggang ngayon ay wala pa ito. tumakas na kaya yun? Mabuti pa nga, pero kasal kaming dalawa.
Napapikit ako dahil doon at feeling ko hindi na ako makahinga. Parang nagsasama-sama sa isip ko ang ingay sa paligid unti-unti silang nag-eeco.
Bigla akong tumayo dahil doon na siyang ikinatingin nila saaking lahat. Nakita ko na nagtataka silang nakatingin saakin, nasa isang mahabang table kasi kami at nasa gitna ako na dapat katabi ko ay ang asawa ko ngunit wala.
"M-Magpapahangin lang po ako," hinihingal ko na sabi sa kanila at hindi na inantay ang pagpayag nila dahil basta-basta na akong tumakbo palabas. Sa may terrace nang hotel room na pinasukan namin ako pumwesto at nakahinga ako nang maluwag dahil doon.
"Ayos ka lang ba?" napatingin ako sa aking likuran nang mayroong nagsalita at nakita ko ang isang babae na sobrang ganda. Nakita kona siya kanina siya yung kakambal ni Aiden si Addison!
"I-I'm okay," kinakabahan kong sabi sa kaniya. Hindi ko naman kasi kilala at hindi ko alam ang ugali nilang lahat kaya kinakabahan ako kapag may kakausap saakin.
"Wag kang matakot saaki please, mabait ako. I'm Addison but you can call me pretty Addison!" nakangiting sbai nito saakin na ikinatitig ko sa kaniya, nag jojoke ba siya?
Unti-unting nawala ang ngiti niya sa labi at napairap. "Just forget what I have said," naglakad siya papunta sa may railings at humawak doon upang pagmasdan ang magandang tanawin nang Canada.
"I know gulat na gulat ka sa mga nangyayari, well nakuna ko kung paano ka umiyak at magmakaawa sa papa mo," napasama ang tingin ko kay Addison dahil sa sinabi niya.
"Kung ako nasa posisyon mo magwawala ako," ngunit agad ding iyon nawala nang magsalita itong muli.
"Magwawala ako dahil sa walang kwentang kasal na ito!" inis na sabi niya at napabuntong hininga. Tama siya, ganiyan din sana ang gagawin ko kanina kaso nang marinig ko ang sinabi ni Daddy na mababankrupt ang negosyo namin ay hindi kona ginawa pinaghirapan ni mommy at daddy ang pagtatayo nang bussiness namin ngayon kaya hindi ko hahayaan na mawala ito saamin.
"You know what I like you, mas gusto kita kesa doon sa girlfriend nang kuya kong peke!" natigilan ako sa sinabi niya at maging siya ay napatakip sa kaniyang bibig at napatingin saakin.
"Oh My God! Wala akong nasabi! Wala akong sinabi hindi ba?" nanlalaking matang sabi nito saakin.
"M-May girlfriend ang a-asawa ko?" tanong ko sa kaniya na ikinailing niya agad saakin.
"H-Huh? May sinabi ba akong ganiyan wala!" maang-maangan na sabi nito at tumingin sa paligid.
"Tell me the truth Addison!" sigaw kong sabi sa kaniya na ikinagulat niya at tumingin saakin mukang natakot ko ata siya.
"O-Oo meron Sabby, three years na sila ni kuya," napatakip nalamang ako nang aking muka at muling napaiyak.
"I'm sorry Sabby pero ikaw na naman ang kasal kay Kuya kaya wala na siyang karapatan," napatingin ako s akaniyang habang umiiyak.
"Walang karapatan?! Sa tingin mo ba makakatulog ako tuwing gabi na alam kong mayroon akong nasirang relasyon?! Sa tingin mo ba mamahalin ako nang kuya mo gayong may ibang girlfriend pala ito?! Sa tingin mo magagawa niya akong makatabi gayong hindi naman namin mahal ang isa't-isa?"
Hindi kona talaga napigilan ang aking mga luha sa kanilang pag-agos samantalang si Addison naman ay napayuko dahil sa sinabi ko. Tumalikod na ako sa kaniya at tumakbo palabas.
"Sabby sandali!"
Hindi ko pinansin ang pagtawag saakin ni Addison at dumeretsyo ako palabas nang hotel room at umakyat sa rooftop. Gusto kong ilabas ang sakit na nararamdaman ko. Masyadong maraming nangyari lalo na at kaarawan kopa. Feeling ko pagkatapos nito ay tuluyan na akong mababaliw.
Pagbukas ko nang pinto sa rooftop ay dumeretso ako sa railings at umiyak sandali pagkatapos ay hinanda ang sarili sa pagsigaw upang mailabas ko ang sakit na aking nararamdaman. Ngunit ang lahat nang iyon ay napigil nang mayroon akong marinig na sigawan.
"Hindi Aiden eh, paano ka nakakasigurado?!"
Natigilan ako nang marinig ko ang pangalan ni Aiden kaya naglakad ako papunta sa may gawi na nagsisigawan at doon ay nakita ko ang isang babaeng maputi at maganda kasama ang asawa ko, si Aiden.
Lumapit si Aiden sa babae at niyakap ito samantalang yung babae ay nagpupumiglas sa kaniya.
"Please maniwala ka saakin, I love you! Mahal na mahal kita!" napaatras ako dahil sa sinabing iyon ni Aiden at muling nagsituluan ang aking mga luha. Hindi kona kinaya pa ang mga sumunod na nagyari dahil nakita ko na biglang hinalikan ni Aiden yung babae kaya agad na akong tumakbo palabas doon.
Mas nadagdagan ang bigat na nararamdaman ko dahil doon. Feeling ko wala na akong ilulugar pa sa lugar na ito. Feeling ko lahat nang tao dito ay pakitang tao at nagpapanggap na masaya lalo na ako. Sino ba ang magiging masaya gayong hindi naman talaga kami magkasintahan ni Aiden nang ikasal kami. Ni hindi ko nga siya kilala nagyon lang!
Lumabas ako nang hotel at tumakbo papunta sa kung saang hindi ko alam. Namalayan ko nalamang na nasa isang gubat na ako at takbo anng takbo na tila ba'y may humahabol saakin/ Ilang beses na akong nadapa pero patuloy parin akong bumabangon dahil buo na ang desisyon ko at gusto ko nang lumayo sa lugar na ito.
Ayoko na silang makita pang muli kahit si Daddy, pinagkatiwalaan ko siya at ang buong akala ko na mahal na mahal niya ako ay magagawa niya akong ipagbili nang dahil lang sa pera. Ang asawa ko, kakakasal palang namin ay nagkakasala na ito. Sabagay bakit nga ba hindi dahil isa lamang arrange marrige ang aming kasal sino nga ba ako para pagalayan niya nang kaniyang oras at attention.
(End of flashback)
Napabuntong hininga nalamang ako nang mabalikan ko ang nakaraan. Apat na taon na ang lumipas at hindi na ako ang Sabrina De Guzman na pinakasalan ni aiden Devaux dahil ako na ngayon si Sabby Reyes.
"Anjan na ang boss! Halikayo lumabas na tayo para magbigay nang galang pagkatapos nun ay mag-iisa isa nang department para makilala tayo."
Nagulat ako nang tumili si Sophia at Lyn na ikinataka namin samantalang sinaway naman sila ni Ms. Janice. Kaya tinawanan namin sila at nagtabi-tabi kami sa tapat nang department. Napatingin ako sa may dulong department nang floor namin at napangiwi ako nang makita doon si Bernard na nakangiti saakin at kumaway pa.
"Sagutin mona kasi sayang ang kagwapuhan ni Bernanard! Kung ako yan sasagutin kona, siya kaya ang pinakang pogi sa lahat nang department dito sa company!" bulong saakin ni Mica na ikinangiwi ko.
Totoo na gwapo si Bernard pero hindi talaga pwede dahil kasal na ako. Oo umalis ako noon pero sa mata nang diyos ay kasal kami at ayokong magkasala kahit siya ay nagkasala saakin.
"Alam niyo ba?! Pogi daw yung bagong boss!" bulong ni Sophia saamin.
"Tama nabalitaan ko rin sa first floor dahil nakita nila kahapon! Kyahh! Excited na ako!" gatong na sabi ni Lyn.
"Ano ba ang nangyari kay Mr.Chua at nabili itong kumpanya?" taka kong tanong na ikinalingon saamin ni Ms.Janice.
"Nag migrate na kasi sila sa states kaya binenta, balita ko single pa daw ang bagong boss kaya pipila ako kyah!"
Napanganga kaming apat dahil sa naging reaction nang head namin, sa totoo lang ay bata pa si Ms.Janice kaso 30 na siya this year.
"Akala ko ba may boyfriend ka Ms.Janice?!" gulat na sabi ni Lyn na ikinasimangot nito.
"Yun nang ah! Naghiwalay kami kahapon kasi nakabuntis sa ibang bansa kainis!" napangiti ako dahil sa sinabi niyo.
"Uyy nangangamoy painom game ako jan!" masaya kong sabi.
"Yan sa inuman present na present pero kapag sa trabaho natutulog!" napakamot ako sa batok ko dahil sa sinabi ni Ms.Janice pero natatapos ko din naman trabaho ko nag oovertime nga lang ako.
"Pero sige iinom tayo mamaya! Sige na umayos na kayo kailangan maimpress siya sa department natin!"
Nagsibalikan na kami s apwesto namin samantalang ako ay yumuko lamang at tinignan ang aking paa. Sino kaya ang bagong boss? Sana mabait kasi kung hindi baka mahirapan ako, mas lalo nang wag niya sana kong tanggalin hindi ko mapapagamot si lola.
"Good morning sir," nagulat ako dahil bumati sila kaya yumuko nalang ako para hindi mapansin na hindi ako nakabati dito nakakahiya naman hehe. Sabi ko magpapaimpress din ako para dia ko tanggalin tapos unang bati diko pa nagawa hay Sabrina!
"Good morning too everyone, ako ang magiging bago niyo boss and I want you all to work hard dahil magkakaroon nang bunga ang inyong pagtatrabaho nang mabuti,"
Nanindig ang aking balahibo sa oras na nagsalita ang boss namin dahil napaka pogi nang boses nito. Naalala ko single daw siya so ano yun wala pa siyang asawa eh sa pagkakaalam ko matatanda na ang nagiging boss hindi ba?
"OMG! Ang pogi niya!" impit na tili ni Sophia.
"Tignan niyo ang ganda nang adams apple!" sabi pa ni Mica na ikinagulat ko dahil bibihira lang yan pumuri nang lalaki at adams apple pa kaya napailing ako.
Iniangat ko ang aking paningin upang makita ang sinasabi nang mga ito kung totoo nga bang pogi ngunit sa oras na makita ko ang lalaki ay nanglaki ang aking mga mata at agad na napayuko pabalik.
Hindi basta-basta lalaki o boss ko lang ang nasa harapan kungdi ang asawa ko yun! Si Aiden!
"Sir ano pong pangalan niyo?!" malakas na sabi ni Sophia na ikinasangayon nilang lahat.
Habang ako ay napahawak nang mahigpit sa kamay ko at nanginginig na ito lalo na ang paa ko kasabay niyon ang pag-tulo nang luha ko.
"I'm Aiden, Aiden Devaux,"
Narinig ko ang pagsinghap nang mga babae dahil kilalang-kilala ang Devaux sa buong mundo sino bang hindi. Agad kong pinahiran ang luha ko.
"Sige na bumalik na kayo sa loob at maglilibot na kami," sabi nang ibang boses na lalaki kaya ako pa ang naunang pumasok saaming lahat at yumuko sa table ko.
Anong gagawin ko?! Nandito ang asawa ko at magiging boss kopa siya! Hindi pwede! Hindi talaga pwede to!
HINDI ako makakilos sa aking kinauupuan dahil sa sobrang takot at sa pagtulo nang luha ko. "Nakita niyo ba?! Kyah! Ang pogi ni sir Aiden!" sabi ni Lyn na rinig na rinig ko. "Tapos isa pala siyang Devaux?! OMG napakaswrte natin! Sigurado akong tataas ang sweldo natin! Mababait ang mga Devaux!" Doon napaangat ang aking paningin dahil sa sinabi ni Sophia. Pinahiran ko ang luha ko at nagtanong dito. "Paano mo nasabing mababait huh?" taas kilay kong sabi. "Like duh?! Saaang planeta kaba galing at dimo alam ang kwento niya?" pangtataray na sagot din saakin ni Sophia. "Dakilang marites ka naman kaya mag kwento ka," sama nang tingin kong sabi sa kaniya. "Ang pamilya Devaux ay kilala sa buong mundo. Si Mr.Devaux ang siyang ama nang dalawang kambal at nag-iisang babae na kanilang princessa si Addison Devaux na siyang kakambal ni Sir Aiden. Ang sumunod kay sir Aiden ay si Keon Devaux, isa siyang writer and sadly lahat nang libro niya ay sad ending naalala ko nung nabasa ko ang mga l
"BAKIT ganiyan ang itsura mo?" Nagulat ako sa nagsalita at napatingin ako sa aking likuran at doon ay nakita ko France kaya nakahinga ako nang maluwag doon, ang akala ko ay kung sino na. "Ngayon naman gulat na gulat ka, ano bang nangyari sayo para kang binagyo," natatwa nitong sabi saakin na ikinailing ko nalang sa kaniya at naupo ako sa isang upuan na nasa labas. "Sandali kukuha ako nang wives," nawala sandali si France at pagbalik nito ay dala na niya ang sinabi niya. "Oh gamitin mo," nag thank you ako sa kaniya at naupo ito sa harapan ko. "Wala may nakita lang akong kakilala ko na ayokong makita," napatango naman ito saakin. "Sino ba yun?" napatingin ako sa kaniya at muling umiling dito. "Hindi mona kailangang malaman," sabi ko na ikinasimangot nito saakin. Siya si France Rios, mayaman siya kaya nga may restaurant siya eh pero sariling sikap niya ang restaurant na ito hindi niya hiningi sa magulang niya. Nagkakilala kami noon nung iligtas ko siya sa mga masasamang lala
“NEGATIVE sir,” “What?! Hindi pwede! Find her anywhere! Find my wife!” Galit na inihagis ni Aiden ang ang envelope na ibinigay sa kaniya nang private investigator niya. Walang nagawa ang tauhan nito kugdi ang kunin nalamang ang papel at muling bumalik sa trabaho. Ang hanapin ang asawa nitong si Sabrina De Guzman Devaux. Tatlong taon narin ang nakakaraan nang huli silang mag kita nang asawa. “Sir ilang taon mo nang pinapahanap si Mrs. Devaux ngunit wala parin tayong nakikita kahit anino niya manlang,” Sabi nang kaniyang kanang kamay na si Raymond simula nang turuan si Aiden nang kaniyang ama upang pumalit dito ay si Raymond na ang kasa-kasama at katu-katulong nito sa bawat gawain nito. “Hindi ako titigil sa paghahanap sa asawa ko Raymond,” “What if ayaw niya talagang magpakita sayo?” natigilan si Aiden dahil sa sinabi nito sa kaniya ngunit agad ding ipinilig ang kaniyang ulo. “Alam kong may nangyaring Raymond o kung totoo ‘man alam kong may rason.” Ibinalik nalamang ni Aiden
TAHIMIK akong nakatayo sa harapan nang table ni Aiden habang siya naman ay nakatingin sa glass wall nang kaniyang opisina. Pinagpapawisan na ako nang malamig at hindi mapakali sa aking kinatatayuan. Gustong-gusto ko nang umalis doon, tumakbo at wag nang magpakita sa kaniya pero wala akong magawa. "So, you've been hidding with a different name for a long time huh wife?" Napapitlag ako sa aking kinatatayuan dahil doon lalo na at humarap ito saakin at nagtagpo ang mata namin ngunit ang sa kaniya ay napakalamig niyon. "A-Ah t-teka," "Did you know that you're daddy are finding you for a long time? At halos hindi na siya kumakain noong mga unang araw na nawala ka," Natigilan ako dahil sa sinabi niya at napayuko kasabay nang pagtulo nang aking luha. "Paano mong nagawang iwan ang papa mo gayong nag-iisa nalang siya?" Muli ay hindi ako nakasagot dahil sa sinabi nito habang ang mga luha ko ay sunod-sunod na tumutulo. "Paano mo naatim na umalis at mawala nang parang bula? Hindi mo
Nagising ako nang makaramdam ako nang gutom. Naupo ako at napahawak sa aking ulo, mukang natuloy ang sinasabi kong masakit ang aking ulo. Para na itong binibiyak ngayon. Napatingin ako sa paligid at tanging lampshade nalamang ang bukas sa aking tabi, mukang nanggaling dito si France.Tumayo na ako at lumabas. Wala si France sa office niya kaya sigurado akong andoon ito sa cashier dahil doon madalas ang kaniyang tambayan kapag walang trabaho sa office."Sabby gising kana pala!" nakangiting tawag nito saakin ngunit hindi ko siya pinansin at pumunta ako sa pinakang restaurant at naupo sa isang table doon. Alam kong susunod si France kaya naghintay lang ako nang ilang segundo at hindi nga ako nagkamali dahil andoon na ito."What do you want? Libre ko," nakangiting sabi nito saakin kaya napangiti nalang din ako. Si France talaga palagi ang nasa tabi ko kapag mayroon ang problema sa office o financially. Kaya din malaki ang pasahod saakin ni France a
Pilit akong tumatakbo kahit na nahihirapan na ako dahil sa maraming sugat sa aking katawan. Kahit saang parte ay mayroong sugat at ginugusto na nang katawan ko ang sumuko ngunit hindi ko ito hinahayaan basta takbo ako nang takbo malayo lang sa lugar na ito.Hindi ako pwedeng sumigaw nang tulong dahil kapag ginawa ko yun magagaya nanaman ako dati na sila ang nakapulot saakin.Sa gitna nang aking pagtakbo ay nadapa ako dahil sa isang sanga at tumama ang aking ulo sa isang bato na siyang ikinalabo nang aking paningin."A-Argh,"Napahawak ako sa aking ulo at nakapa ko ang mainit at malapot na tubig doon. Pagkatingin ko ay dugo pala ito kaya napaiyakako at hinayaan ang sarili ko na mahiga. Kung ito na ang katapusan ko tatanggapit ko. Napapikit ako at ninamnam ang sakit na dumadaloy sa aking katawan."Miss!"Maya-maya ay idinilat ko ang aking mata ngunit natuluan na iyon nang dugo kaya hindi kona maaninag kung sino iy
"Anong nangyari at wala ka nang trabaho apo?" napabuntong hininga ako sa sinabi niya."Dumating na ho ang asawa ko, siya pala ang bago naming boss," nakita ko ang pagkagulat sa kaniyang muka. Kilalang-kilala ako nang mamang dahil sa kaniya ko sinabi lahat nang tungkol saakin noong magising ako."Edi maganda! Sumama kana sa asawa mo!""Ayoko nga po!" agad na sigaw ko na ikinagulat nito kaya natawa ako."Ay sorry mamang hehe, ayoko po. Kailanman ay hindi kami magkakasama at hinding hindi ko siya tatanggapin bilang asawa ko,"Napangiti siya sa sinabi ko at napailing pagkatapos ay sumubo nang pagkain."Bakit po mamang?" kunot noo kong tanong."Mag-ingat ka sa pananalita apo dahil baka balang araw kainin mo yang sinasabi mo,""Sus mamang naman, nasa 21st century napo tayo," iling na sabi ko sa kaniya na ikinailing lang din nito."Bahala ka,"Totoo naman sinasa
AIDEN "ANONG nangyari sir?" Napalingon ako kay Raymond dahil sa sinabi niya. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko dahil sa galit mula sa mga narinig kong sinabi ni Sabrina. Hindi kona napigilan ang sarili ko at inilaglag ang lahat ng meron sa lamesa ko. "Aiden ano ba?!" tinignan ko ng masama si Raymond dahil doon na ikinaatras naman nito. "T-Tumigil ka nga nasa opisina ka!" matapang na sabi nito saakin. "Ako tumigil? Ayaw lang naman saakin ng asawa ko anong gusto mong reaction ko?!" sigaw ko pabalik na ikinatahimik nito. Napahawak ako sa aking buhok at napaupo sa aking upuan. "Matagal ko na siyang hinahanap Raymond, sobrang tagal! At ngayon na nandito na siya sasabihin niya lang saakin na hindi niya ako itinuring na asawa gayong ako ito nagpapakahirap hanapin siya at nag-aalala?!" Tahimik lang na nakikinig saakin si Raymond dahil alam niya na kapag sumabat siya saakin ay katapusan na niya. Hindi ko maintindihan, ang gusto ko lang naman ay makita siya at ngayon na nakita kona si