Ang batang si Tantan ay napaka-sweet at cute. May bilugan itong mukha at malalim na biloy sa mga pisngi kaya naman lahat ng nakakakita sa kanya ay hindi mapigilang manggigil sa bata. Bukod pa doon, bibo rin ito at palangiti kaya kilalang-kilala ito ng mga tao sa subdivision na tinitirahan ni Trixie.Kahit saan mo tingnan, hindi mo masasabi na pangit o nakakairita ang bata. Kaya naman lumaki itong laging pinupuri ng mga tao.Nang marinig sa kauna-unahang pagkakataon ang ganitong pang-aalispusta mula sa iba, biglang gusto na lang ni Tantan na lamunin ng lupa. Hindi niya matanggap na sa kabila ng pagiging mabait at masunurin niya, sasabihan lang siya ng ibang bata ng ganoon.Hindi na napigilan ni Tantan ang sama ng loob na nararamdaman kaya lalo pang kumapit ito kay Trixie at doon pumalahaw ng iyak.Agad naman siyang niyakap ni Trixie para aluin."Hush, Tantan, hindi… hindi totoo ang sinabi niya. ‘Wag ka nang umiyak. Hindi ka pangit, walang pangit na nilikha si Jesus, okay? Ang totoo ni
Alam ni Trixie na matalino ang anak niya.Baka kung ang ibang bata ang kausap niya ngayon, ay hindi maiintindihan ng mga ito ang sinabi niya, pero natitiyak niyang maiintindihan ito ni Xyza.At tama nga siya.Alam din ni Xyza na mali ang sinabi niya.Kanina kasi, hindi niya lang talaga matanggap na makita si Trixie na yakap ang ibang bata at mabait dito. Pero nang marinig ang pangaral ng ina, she somewhat get her point. Kung ibang bata siguro ang nagsabi sa kaniya ng mga sinabi niya kay Tantan, tiyak na iiyak din siya.She's just blinded by jealousy that's all. Pero kaysa direktang aminin ang kamalian, hindi na lang siya nagsalita ngunit tumango sa tanong ni Trixie. Kita niyang maliit na napangiti si Trixie sa kaniyang tugon. Kumuha ito ng panyo, at dahan-dahang pinunasan ang mga hindi natuyong luha ng anak.Nagmukmok siya at hindi nagsalita.Haplos ni Trixie ang buhok niya, kumuha ng panyo, at dahan-dahang pinunasan ang mga luha ng anak."Ayos lang magkamali, basta alam rin natin
“Hello? Xyza?" Napukaw ang atensiyon ni Xyza nang tawagin siya ni Wendy. Napatulala pala siya ng sandali nang maalala ang pagkasabik niya kanina sa luto ni Trixie.Na-guilty tuloy siya dahil si Trixie ang iniisip niya gayong ang kaniyang tita mommy ang kaharap niya ngayon. Para makabawi, mas naging naging masiyahin siya sa harap ng camera. Inisa-isa na rin niya ang paborito niyang pagkain kay Wendy. Tahimik namang nakikinig si Sebastian. Pinapanood niya na lang kung paano mag-bonding ang katabi niya at ang anak niyang si Xyza. Sanay na siya sa kulitan ng mga ito. Bihirang makisali si Sebastian sa usapan ng nga ito Tahimik lang siyang kumakain gamit ang kutsilyo at tinidor.Nang matapos si Xyza sa pagbanggit ng mga pinaka-paborito niyang pagkain, nangingiti na lang si Wendy sa kadaldalan nito. Napansin ni Wendy na ang suot ng bata ay ang minsang pinili niya para rito na cool na damit ng minsan silang magkakasamang mag-shopping tatlo. "Ang ganda ng damit mo, Xyza! Bagay na bagay sa
Tiningnan ni Trixie ang address, kumunot ang noo niya nang mapagtanto kung saan iyon. Ang nakasaad sa address ay isang kilalang racing track sa labas ng siyudad. Guess she will not sleep early tonight. Agad na siyang nag-book ng grab papunta sa nasabing lugar. Pagkatapos, hinarap niya si Nathalia at humingi ng paumanhin rito. "Pasensya na, mauuna na ako sa'yo. May kailangan lang akong asikasuhin. Kailangan ko nang umalis. Get home safe, alright?" Aangal pa sana si Nathalia pero hindi na niya hinayaan ito at tumalikod na sa babae. Nang ilang hakbang na ang layo nila, narinig niya pang may isinigaw ito. “Palalampasin kita ngayon, Ate Trixie! Pero sa susunod hindi mo na ako matatakasan! See you tomorrow po!" Nangingiti na lang siya sa kakulitan nito. Mahigit isang oras ang lumipas bago nakarating si Trixie sa kaniyang destinasyon. Bumungad sa kaniya ang maingay at masigla ang paligid. Kilala talaga ang racing track sa laki nito, kaya naman talagang dinarayo ng mga tao ka
Kinuha ulit ni Simone ang telescope at tumingin. Ilang segundo pa, excited nitong iniaabot muli iyon sa babae. Waring bata ito na ipinapakita kay Trixie ang mga kayang gawin ng kaniyang laruan para mahikayat din siya na magustuhan iyon. "Ate, tingnan mo! Panoorin mong maigi ang goddess ko. Sobrang tapang at swabe niya talaga mag-drive! Super cool, see it yourself!!!" Kinuha ni Trixie ang telescope at muling hinanap si Wendy. Hindi nagtagal, isang matapang na galaw ang ginawa ni Wendy. Sinamantala niya ang pagkakataon at sobrang precise na nag-overtake sa pinakadelikadong kurbada ng track. Napahanga ang lahat ng audience sa lakas ng loob niya. Sabay-sabay ang mga itong suminghap at kalaunan ay isinigaw ang paghanga sa kaniyang ginawa. Kaunti lang ang alam ni Trixie sa racing dahil hindi naman ito kaniyang interes. Pero sa mga oras na iyon, maging siya ay napahanga sa tapang at skills ni Wendy. Matagal siyang hindi nakagalaw. Napantingin din si Trixie kay Sebastian. Na k
Matagal nang kilala ni Trixie si Helios. Gaya ito ni Ysabel na kasabay na niyang lumaki. Sebastian and Helios grew fond of each other, kaya naman sobrang lapit ng relasyon ng dalawa. Bilang social butterfly ng circle nila noon, napalapit na rin si Trixie sa lahat ng napapalapit kay Sebastian. Hanggang sa sumasama na siya sa mga kaibigan nito mapa-sa eskwelahan man o paglalaro. Pagtuntong ng kolehiyo, madalas pa rin silang magkakasama tuwing group study, gimik sessions, maging sa iyakan tuwing midterms at finals. Pero ang lahat ng iyon ay mananatili na lang sa memorya ni Trixie matapos silang ikasal ni Sebastian. Mula nang araw na iyon, palaging nang iniiwas ni Sebastian si Trixie sa kanyang grupo. Due to that, ni kahit simpleng pagtango na lang tuwing sila ay magkakasalubong, hindi na nila magawa kay Trixie.Gaya ni Seb, hindi rin siya binigyan ng mga ito ng kahit anong pagkakataon na magpaliwanag. Palaging inuuna ang malamig na pagtrato sa kaniya.Nitong nakaraan may minsan pa s
Kinabukasan, dala-dala pa ni Xyza ang sobrahang kasiyahan dahil sa mga bonding moments nila ni Wendy nitong mga nakaraang araw.Kaya naman pagmulat niya ng mata, isang malawak na ngiti ang binungad niya sa umaga. Ang gaan-gaan ng pakiramdam ng bata ng umagang iyon. Na sa sobrang ganda ng mood niya, naisip ni Xyza ang kaniyang inang si Trixie. Yakap-yakap ang paborito niyang rag doll, masigla itong tumakbo papunta sa master bedroom para gisingin ito. "Mom! Mommy!"Nang makarating sa labas ng pinto ng master's, bukas naman iyon pero kita ni Xyza na walang tao sa loob. Biglang lumungkot ang mukha ng bata. Nasaan ang kaniyang ina? Nasa kusina ba? Pipihit na sana ang bata para tumakbo papuntang kusina nang sakto namang lumabas si Sebastian mula sa walk-in-closet matapos magbihis.Mabilis siyang nagtanong sa ama."Daddy, nasaan po si Mommy?"Habang nagkakabit ng kurbata si Sebastian, kalmado niyang sinagot ang anak."She's not here.""Po? Bakit po? Where is she?""If you really want t
Nang makabalik sa kani-kanilang cubicle, ipinili na ni Trixie si Nathalia ng ilang mga librong puwedeng magamit nito sa trabaho at tiyak madaling maintindihan. Nang makita ni Nathalia ang listahan, halos malula siya. May 40 hanggang 50 na libro lang naman ang ang binigay ni Trixie sa listahan! “Uh… hehe. Ang dami po pala ano? Matatandaan ko kaya ang mga ito lahat?” "Oo naman. Ako nga nagawa ko, ikaw pa kaya?” "Hehe. Tama. Salamat dito, Ate Trixie.” "Walang anuman.” Nang dumating ang ika-tatlo ng hapon, nagkaroon ng bisita si Sebastian sa kaniyang opisina. Agad sinabihan ni Calix si Trixie na gumawa ng ilang tasa ng kape. Sinigurado rin ng lalaki na siya ang magdadala nito dahil ayaw na niyang maulit pa ang insidente noong nakaraan. Doon napagtanto ni Nathalia na si Trixie pala ang gumagawa ng kape ng kanilang boss. Pero... Naisip ni Nathalia na baka ito ay isang paraan ni Sebastian para maiwasan na may masyadong lumapit sa kanya. Introvert ba ang boss niyang gwapo
Tumayo si Sebastian, mata'y singkipot ng karayom. "Helios, one last question. Do you even remember that we're friends?" malamig niyang tanong.Ngumiti si Helios, isang ngising hindi mo malaman kung pikon o arogante. "And do you even remember that you have a wife waiting for you at home when you are going on dates with Wendy?"Biglang nanahimik sa loob ng opisina. Maliban sa mahinang ugong ng aircon, tanging tensyon na lang ang pumupuno sa paligid.Sinabi na ni Helios noong una pa lang na hindi siya sasagot ng tungkol sa kanilang personal na buhay, but Sebastian insisted. And this is it. Sebastian tasting his own medicine. Nawala ang ngisi sa mukha ni Helios at ibinalik ito sa pagiging seryoso.“Bro–” “Don't call me that when you are doing all these.” Putol nang tila napipikon nang si Sebastian. Hindi kumurap si Helios. Hindi siya nagpadala sa init ng ulo ng lalaki.Ngumisi lang siya, waring lalong nang-aasar. "Sebastian," aniya, kalmado pero mabigat, "it's a personal matter to me
Nang marinig niya ang sinabi ng anak, aalala niyang nalaman niya nga pala ang lahat kay Helios. Siguro ay noong tumambay ito doon. "Is that so?" tanong ni Trixie, pinipilit manatiling kalmado kahit ramdam niyang lumalambot ang puso niya sa tuwa habang pinapakinggan si Xyza. Pagkatapos magsalita ni Xyza, bigla nitong napagtanto na baka hindi pa kilala ng mommy niya si Yanyan, kaya agad niyang ipinaliwanag, "Niece po siya ni Tito Helios. I don't know if you know her po eh." "Oo," sagot ni Trixie, pilit na pinapawi ang bigat sa dibdib niya. Nakita niya ang saya sa mukha ng anak kaya agad siyang nagtanong, "Then? Ano namang ginawa n'yo?" "Naglaro po kami ng maze, then doll house!" "Woah, ano pa?" Tahimik na nakinig si Trixie habang kinukuwento ng anak ang mga kaganapan, ngunit sa bawat tawa at kwento ni Xyza, may halo itong kirot sa kanyang puso. Sa isang banda, masaya siyang masaya ang anak. Sa kabilang banda, hindi niya mapigilang sisihin ang sarili sa mga panahong hindi niya i
Nagising si Trixie na parang binibiyak ang ulo sa sakit. Halos hindi pa niya maidilat ang mga mata nang tumunog ang cellphone niya sa tabi ng kama.Pilit siyang umabot dito, pikit pa ang isa niyang mata, ay sinagot niya ang tawag."Bata ka, hindi ba't nabusy sa ospital nitong nakaraan si Sebastian dahil sa pagkakaospital ni Thallia, tapos ikaw naman ay abala rin. Nasaan na lang ang anak niyo?" Boses iyon ni Lola Angelina, may halong pag-aalala at pagsaway, na tuluyang nagpabalik sa ulirat ni Trixie.Napaupo siya sa kama, hawak ang sentido habang nilalabanan ang pagkahilo. Dahan-dahang sumingit sa isip niya ang mga salita ng matanda, ang anak niya. Si Xyza.Napapikit si Trixie at pilit na inalala kung kailan niya huling nakita ang anak. Sa mga nakaraang araw, puro trabaho, meeting, at obligasyon ang inatupag niya. Samantalang si Sebastian, abala rin sa ospital kasama si Lola Thallia.Naalala ni Trixie kung paano madalas naisin ni Xyza na makipaglaro o sumama sa kaniya. Napakagat-labi
Samantala, ang eksenang iniwan nina Helios at Trixie sa parking lot ng party na iyon ay matagal na umukit sa isip ni Sebastian. Hindi siya mapakali. May kung anong gumugulo sa loob niya. Hindi man siya sigurado kung guilt ba iyon o ano, pero isa ang malinaw, ang pagkakabanggit ni Trixie kay Wendy bilang dahilan ng paghihirap nito, ay parang punyal na bumaon sa dibdib niya.Maging sa pagbabalik niya sa opisina nang gabing iyon, dala-dala pa rin niya ang bigat ng gabing iyon. Hindi siya nakapagsalita nang matagal. Ang mga ilaw ng opisina ay tila mas maliwanag kaysa sa dati, ngunit ang isipan niya ay mas magulo, mas malabo. Sa opisina kasi siya mas nakakaisip nang maayos. Doon siya nakakahanap ng kaunting linaw, kahit pa nga ang problema ay tungkol sa puso at hindi sa negosyo.Ngunit hindi niya inaasahan na susundan siya ni Wendy.Pagkarating niya sa loob ay ilang segundo pa lang siyang nauupo, narinig na niya ang pamilyar na stilettos nito sa labas. Napa-iling siya. Hindi pa siya
"Hey, woman! Where's the water? Alam mo kung may sakit lang ang tao, patay na siya sa'yo!" singhal ni Helios habang bahagyang nilingon si Racey.Napapitlag si Racey sa sigaw na iyon. Naalimpungatan siya mula sa pagtitig sa pagitan ni Helios at Trixie. Hindi niya inaasahang magmumula sa lalaki ang ganoong singhal. Akala pa naman niya ay nonchalant type ito. "Oo na! Atat lang?" sagot niya, pilit tinatakpan ang kaba sa dibdib."Get your ass here if you're not going to get her water. Ako na ang gagawa! You are all talk!" muli pa nitong sabi."Alright, alright!" hiyaw ni Racey, sabay padabog na umalis. Pakiramdam niya'y nayayapakan ang pride niya kahit hindi siya nito hinahawakan.Ilang minuto ang lumipas at bumalik siyang may dalang bottled water, na para bang bigat na bigat siyang buhatin iyon. Padarag niya itong iniabot sa lalaki.Matalim siyang tiningnan ng lalaki. Hindi niya tinanggap agad ang bote, sa halip, binuksan niya ito at maingat na tinapik si Trixie sa pisngi.“Trixie… her
Mayamaya, nagpaalam si Trixie na mag-CR. “CR lang ako, Ray,” aniya habang pinupunasan ang pawis sa kanyang sentido. “Ay sasamahan na kita—” alok ni Racey pero tinabig siya ni Trixie, sabay ngisi. “Kaya ko 'to. Hindi pa ako ganun kalasing,” sabay tikhim at naglakad palayo, bagama’t halatang hindi na matuwid ang lakad. “Alright. Be careful, ‘kay?” tugon ni Racey, pero bago pa siya makabalik sa couch, may isang kilalang kaibigan ang biglang tumapik sa kanya. Dahil nga social butterfly si Racey, hindi na niya ito naiwasan. Lumapit siya para makipagbeso. Habang nagkukuwentuhan sila, panakaw ang tingin niya sa CR para siguraduhing okay lang ang kaibigan. Nakita pa niya si Trixie na pumasok sa banyo, kaya medyo panatag siya kahit papaano. “Malapit lang naman,” bulong niya sa sarili. Hindi alam ni Racey, pagkabalik ni Trixie mula sa CR, may kakaibang nangyari. Sa pagbukas ng pinto, mabigat pa rin ang ulo ng babae. Hindi niya alam kung dahil ba sa ilaw, sa tunog ng bass na
Tumingin si Trixie kay Helios. “Let’s go.” Paglingon niya, hindi na siya ang Trixie na dating sumusuko. Siya na ang Trixie na handang lumaban para sa anak niya, at hindi siya magpapaapak muli kay Wendy o sa sinuman sa pamilya nito. Tahimik silang naglakad palayo. At habang naglalakad, ramdam niya ang kamay ni Helios sa kanyang likod, hindi para akayin siya, kundi para ipaalala na hindi na siya nag-iisa. Sa loob ng sasakyan, hindi pa rin siya umiiyak. Ngunit sa bawat segundo, tila unti-unting humuhupa ang apoy sa kanyang dibdib. Tahimik ang paligid, ang tanging maririnig ay ang mahinang paghinga nila at ang ticking ng dashboard clock. Sa wakas, may ginawa siya. Sa wakas, hindi na siya nanahimik at nagsawalang-kibo na lang. Nilingon siya ni Helios habang naka-idle ang sasakyan. “I’m proud of you,” aniya. Napatingin si Trixie sa bintana. Hindi siya sumagot agad. Tahimik lang siya, pinagmamasdan ang mga ilaw ng lungsod sa labas. Pero ang bibig niya’y bahagyang gumalaw. “Thanks fo
“Trixie—” “No. I’ll handle this.” “I’ll go with you.” “Hindi na. Kaya kong mag-isa ito.” “Trixie, you’re not in the right state of mind. I don’t want you driving like this.” “I said I’m—” “I insist,” putol ni Helios, matigas ang boses. “If anything happens to you, I’ll never forgive myself.” Napatitig si Trixie sa kanya, ang mga mata’y punong-puno ng galit, sakit, at pagod. Parang gusto niyang sumigaw, gusto niyang itulak ang lahat ng nagpapabigat sa kanya. Pero sa harap ni Helios, wala siyang lakas. Wala siyang ibang kayang gawin kundi tumango. Sa loob ng sasakyan, walang nagsasalita. Tahimik si Helios habang minamaneho ang kotse. Sa kanyang peripheral vision, ramdam niya ang tensyon kay Trixie. Nanginginig ang balikat nito, hindi sa takot, kundi sa galit na pilit niyang kinikimkim. “Breathe, Trix,” bulong ni Helios, halos parang dasal. “Please, just breathe.” Napapikit si Trixie. Hindi siya umiiyak. Hindi siya kailanman iiyak sa harap ng kahit sinong hind
Tahimik ang silid nang mga sandaling iyon, tanging mahinang hilik ni Xyza ang maririnig habang nakahiga sa kama ni Yanyan. Magkatabi ang dalawang bata matapos mapagod sa maghapong pagtawa, pagtakbo, at walang katapusang kwentuhan habang naglalaro ng mga manika at doll house. Sa liwanag ng maliit na lamp shade sa tabi ng kama, masusing tinitigan ni Helios ang batang walang kamuwang-muwang sa bigat ng kanyang mga sinabi. Masuyo niyang hinaplos ang noo ni Xyza, hindi upang gisingin ito, kundi upang damhin ang sakit na hindi masabi sa salita. Parang may pumiga sa kaniyang puso sa hindi niya inakalang kailanman ay maririnig mula sa isang batang musmos na gaya nito. He's exposed to violence but not to this extent involving a child's innocence. Malinaw na malinaw pa sa kaniyang alaala ang mga salitang binitiwan ng bata ilang oras lang ang nakalilipas. “Tita mommy also told me po that mommy’s too selfish. Na mommy doesn't really love me, she just wants me to be her trophy. Kas