Kinabukasan, dala-dala pa ni Xyza ang sobrahang kasiyahan dahil sa mga bonding moments nila ni Wendy nitong mga nakaraang araw.Kaya naman pagmulat niya ng mata, isang malawak na ngiti ang binungad niya sa umaga. Ang gaan-gaan ng pakiramdam ng bata ng umagang iyon. Na sa sobrang ganda ng mood niya, naisip ni Xyza ang kaniyang inang si Trixie. Yakap-yakap ang paborito niyang rag doll, masigla itong tumakbo papunta sa master bedroom para gisingin ito. "Mom! Mommy!"Nang makarating sa labas ng pinto ng master's, bukas naman iyon pero kita ni Xyza na walang tao sa loob. Biglang lumungkot ang mukha ng bata. Nasaan ang kaniyang ina? Nasa kusina ba? Pipihit na sana ang bata para tumakbo papuntang kusina nang sakto namang lumabas si Sebastian mula sa walk-in-closet matapos magbihis.Mabilis siyang nagtanong sa ama."Daddy, nasaan po si Mommy?"Habang nagkakabit ng kurbata si Sebastian, kalmado niyang sinagot ang anak."She's not here.""Po? Bakit po? Where is she?""If you really want t
Nang makabalik sa kani-kanilang cubicle, ipinili na ni Trixie si Nathalia ng ilang mga librong puwedeng magamit nito sa trabaho at tiyak madaling maintindihan. Nang makita ni Nathalia ang listahan, halos malula siya. May 40 hanggang 50 na libro lang naman ang ang binigay ni Trixie sa listahan! “Uh… hehe. Ang dami po pala ano? Matatandaan ko kaya ang mga ito lahat?” "Oo naman. Ako nga nagawa ko, ikaw pa kaya?” "Hehe. Tama. Salamat dito, Ate Trixie.” "Walang anuman.” Nang dumating ang ika-tatlo ng hapon, nagkaroon ng bisita si Sebastian sa kaniyang opisina. Agad sinabihan ni Calix si Trixie na gumawa ng ilang tasa ng kape. Sinigurado rin ng lalaki na siya ang magdadala nito dahil ayaw na niyang maulit pa ang insidente noong nakaraan. Doon napagtanto ni Nathalia na si Trixie pala ang gumagawa ng kape ng kanilang boss. Pero... Naisip ni Nathalia na baka ito ay isang paraan ni Sebastian para maiwasan na may masyadong lumapit sa kanya. Introvert ba ang boss niyang gwapo
Kinuha ni Xyza ang telepono at humihikbi niyang kinausap ang kaniyang ama sa kabilang linya."Daddy..." hihikbi-hikbing bungad niya dito."Just eat what's prepared for you."“Pero Daddy, luto lang po ni Mommy ang gusto ko! Bring her here, please!”Pinahid ni Xyza ang luha niya pero nanatiling matigas ang kaniyang ulo.Hindi na nagsalita si Sebastian dahil nagtitimpi na ito sa pagka-spoiled ng anak. Dahil dito, lalo pang humagulgol si Xyza.Makalipas ang ilang sandali, kalmado ngunit malamig na nagsalita si Sebastian:"I'll bring you to a trip this coming weeked. Ikaw ang pipili ng pupuntahan."Biglang huminto sa pag-iyak si Xyza sa narinig."Really?""Oo, pero kumain ka muna.""Are you done eating na po ba, Daddy?""I'm already having dinner with a client.""Ah...""Go ahead, kumain ka na. Don't cause your butler any more headache, alright?""I understand po..."Kahit nakasimangot si Xyza, gumaan naman ang pakiramdam niya sa pangako ng ama. Ibinaba niya ang telepono at dumiretso na sa
Akala ni Trixie, tuluyan na siyang nawalan ng pakialam.Pero matapos ng mahabang taon ng pagmamahalan, paano nga ba niya tuluyang makakalimutan ang lalaki?Parang tinusok ang puso niya ng mga salitang iyon, kaya mabilis niyang iniwas ang kaniyang tingin.Nang makita ni Sebastian ang lungkot sa mga mata ni Trixie, kalmado niyang sinagot ang tawag na parang walang nararamdamang konsensiya. Malambing pa nga ang tono niyang sinagot ang tawag."What's the matter?"Pati si Xyza ay napansin ang sitwasyon.Sa alaala niya, si Sebastian ay ganito lang kalambing kapag si Wendy ang kausap. Dahil dito, saglit niyang nakalimutang nandoon din si Trixie at masiglang nagtanong sa ama."Daddy, si Tita Mommy po ba 'yan?"Kahit mababa ang boses, malinaw pa rin sa pandinig ni Trixie ang sagot ni Sebastian. "Oo."Gusto sanang sabihin ni Xyza na gusto rin niyang makausap si Wendy, pero nang maalala niyang nandoon pa si Trixie, at alam niyang hindi gusto ni Trixie si Wendy, agad na lang niyang kinagat ang d
Mabilis lumipas ang dalawang araw para kay Trixie. Marahil naging abala ang kaniyang anak kay Wendy kaya hindi siya nakatanggap ng tawag o mensahe mula dito. Nasa bahay lang tuloy siya maghapon simula ng umalis sa Valderama Group. Hatinggabi ng pangalawang araw niya mula mag-resign, nakatanggap si Trixie ng tawag mula sa bestfriend niyang si Racey Andrada. [May lagnat ako bff. Can you come over? Grabe, wala talaga akong lakas kahit bumangon man lang. Help this dying pretty lady. Juseyo.] Napailing na lang si Trixie dahil may sakit na nga ang kaibigan, nakukuha pa nitong magbiro. Wala na rin siyang hinintay na sandali at agad isinara ang binabasang libro, saka kinuha ang susi ng kotse para puntahan ang kaibigan. Buong araw naulan ng araw na iyon kaya inaasahan na niyang hanggang ngayong hatinggabi ay malakas pa rin ang buhos niyon. Maingat niyang binaybay ang daan dahil madukas ang kalsada. Hindi siya maaaring magmadali kahit pa nga nag-aalala na siya sa kaibigan at baka nagd
Nakauwi lang si Trixie matapos tuluyang mawala ang lagnat ni Racey. Wala pa siyang naihahandang damit para sa dinner banquet kinabukasan ng gabi kaya lumabas siya ng hapon na iyon para mamili. Pagdating niya sa isang kilalang high-end dress shop, napansin niyang abala ang manager at mga empleyado sa pag-aayos ng isang damit. "Pasensya na po, Miss. Medyo busy lang kami sa pag-aayos ng display. Ano po ba ang hanap nila?" "Titingin-tingin lang muna ako." "Sige po." Kahit kasal na si Trixie sa pamilya Valderama, halos hindi naman siya sumasama sa mga dinner party o mahahalagang okasyon mula nang ikasal siya kay Sebastian. Hindi siya isinasama sa mga pagtitipon, lalo naman ni Sebastian. Kahit giliw sa kaniya ang matandang Valderama, matagal na itong nagretiro at madalang nang makisalamuha sa kasiyahan o kagandahan. It all boils down na hindi ganoon kalalim ang kaalaman ni Trixie sa mga damit. Si Racey lang ang nagtuturo sa kaniya ng ilang basic aesthetic sense dahil nasa fas
Agad nanlaki ang mga mata ni Casper, at itinabi muna sa gilid ng kalsada ang sasakyan. Nang matagumpay niyang magawa iyon, saka niya binalingan si Trixie. "H-how— M-may—" Napansin ni Trixie na walang tamang masabi si Casper sa kaniya kaya umiling na lang siya rito. "Ayos lang ako." Kalmado rin ang mukha niya habang nagsasalita. "It's just that, kahit pa sabihin mo ngayong inaabuso ko ang posisyon ko, hinding-hindi ako papayag na makapasok siya sa kumpanya natin.” Kumalma na rin ang mukha ni Casper at walang pag-aalinlangang sumang-ayon kay Trixie. "Hindi, sinasang-ayunan ko rin ang desisyon mo. I'm sure, the rest will also agree with me." Matapos sabihin ni Casper iyon, naramdaman ni Trixie ang init sa puso niya. "Salamat." Pagkaraan ng ilang saglit, ibinalik na ni Casper ang kotse sa gitna ng kalsada, dahil kung hindi ay tiyak na male-late na sila. "C-Casper… alam kong malaking pabor itong hinihingi ko, pero… nagu-guilty ako. Mawawalan kayo mg isang henyo dahi
Ang maganda at eleganteng damit na iyon, nang isuot ni Wendy ay lalo nagpa-sexy sa kaniya at elegante. Lalong naging intimidating ang aura nito na parang hindi na siya maabot ng kahit sino."Si Sebastian, Helios, at Ysabel 'yan! Hindi ba bihira silang pumunta sa mga ganitong klaseng party? Bakit nandito sila ngayon?""Oo nga! Anong nangyayari?""Sino 'yung magandang babaeng kasama nila? Siya na ba ang girlfriend ni Sebastian? Ang sexy, ang ganda, at parang ang hirap abutin! Grabe, talagang big boss siya, kahit sa pagpili ng babae, ang lupit ng mata niya! Kung ako ang may ganiyang babae, okay lang na mabawasan ng sampung taon ang buhay ko!""Pero mas gusto ko 'yung babaeng naka-beige na dress kanina. Malinis ang dating, tahimik, mahinhin, at maganda. Para sa akin, mas bihira ang mga babaeng may ganoong klaseng aura. Sayang at may kasama na siya. Wrong timing...""Sus! Nagsasalita na naman ang torpe! Hahanga na ako sa'yo kung—” Hindi na napakinggan ni Trixie ng diretso ang dalawang lal
Saglit na nagtagpo ang kanilang mga mata."You're still clumsy, I see," bulong ni Sebastian, may halong biro sa tinig ngunit may mas matindi pang bagay sa ilalim ng tingin niya, isang bagay na hindi kayang itago ng magaan na ngiti.Napasinghap si Trixie, parang biglang may humila sa kanya pabalik sa mga panahong ayaw na niyang alalahanin. Halos automatic ang reaksyon niya, itinulak niya si Sebastian palayo."Relax," aniya ni Sebastian, mapanatag ang tinig na parang kabisado na ang ugali niya. Hindi siya gumalaw palayo, sa halip, mas lalo pang humigpit ang pagkakahawak niya sa bewang ni Trixie. Isang iglap na tila walang ibang tao sa paligid, kundi silang dalawa lang."Ikaw!" Mariing bulong ni Trixie, pilit na pinipigilan ang sarili. Ayaw niyang gumawa ng eksena. Hindi siya makawala, pero mas ayaw niyang mapansin sila ng mga taong nagmamasid. Kahit alam niyang nasa kanila na ngayon ang mga tingin, lalo na ni Wendy.Napakagat siya ng labi. Hindi siya lalapit sa 'yo nang walang dahila
Inilahad ni Trixie ang kamay niya kay Angelo, at marahan itong tinanggap ng binata.Bahagyang hindi komportable si Trixie nang ilagay niya ang kanyang kamay sa kamay ng isang estrangherong lalaki, lalo na nang mailapat ito sa kanyang katawan. Hindi niya alam kung dahil lang ba ito sa biglaang palit ng kapareha o dahil sa mismong presensiya ni Angelo, na bagamat hindi niya kilala nang lubusan ay may taglay na mahinahong aura.Ngunit si Angelo, bilang isang tunay na ginoo, ay marahang kumilos at maingat sa paghawak sa kanya, hindi agresibo, hindi rin pabaya. Sa bawat hakbang ng sayaw ay dama ni Trixie ang respeto sa galaw nito, na para bang sinasadya nitong huwag lumampas sa limitasyon ng pagkakaibigan.Nang mapansin niyang tila hindi komportable si Trixie, saglit na napatingin si Angelo sa kanyang mukha. Parang may naisip. Maybe she's never had a boyfriend before. Ang kanyang mga mata ay saglit na nagtagal sa maamong mukha ni Trixie, bago siya nagpakilala."Angelo. Iyan ang pangala
Tumigil ang musika. Ilan sa mga panauhin ay pumalakpak habang umaakyat sa entablado ang isa sa mga honorary speaker. Sa harapan ng karamihan, tumayo si Casper. Bago pa man magsimula, sinulyapan niya na si Trixie, bahagyang tumango, saka nagsimulang bigkasin ang pambungad na pananalita.Samantala, mula sa gilid, hindi na nagtangkang magtanong pa si Helios. Kaunti na lamang ang mga taong nakapaligid sa pwesto kanina nina Trixie kaya doon ang tungo niya ngayon. “I’ll go greet them,” sabi niya, habang inilalagay nang maayos ang coat. “Sebastian, are you sure you don’t want to join me? I thought Astranexis was your target.”“I’m not in a rush,” sagot ni Sebastian. “Go ahead.”Tumango si Helios at lumapit kina Casper at Trixie. “Mr. Yu, Ms. Salvador,” magalang niyang bati.Nang makita siya, bahagyang naglaho ang ngiti ni Casper. “Ah, Mr. Cuevillas.”Nagpakita rin ng magalang na ngiti si Trixie. “Mr. Cuevillas,” bati niya.Hindi naman kalayuan, lumapit din si Michael. Ngunit hindi siya na
Hindi napigilan ni Michael ang tumagal ang tingin niya sa direksyon ni Trixie, na kasalukuyang kausap ng isang matandang negosyante. Wala sa ayos ang nararamdaman niya. May mga bagay na hindi nababanggit ngunit tahimik na kumikilos sa paligid.Kahit anong kintab sa labas, bulok pa rin sa loob, 'yan ang sumagi sa isipan niya. Sa isip niya, parang bang nakamasid siya sa isang maselang palabas kung saan may nakatago sa likod ng bawat ngiti.Napabuntong-hininga si Michael at ibinaling na lang ang tingin sa iba.Kasabay nito, nagpatuloy ang pag-uusap nina Felix at Angelo.“She’s something, though,” ani Felix, tinutukoy si Trixie habang sinusundan ito ng tingin. “I mean, I didn’t expect her to be... this composed.”“You like her?” tanong ni Angelo habang iniikot ang wine sa baso.“No. Just impressed.”Napatingin si Michael sa kanila, at sa mahina ngunit mariing tono ay sinabi, “She might be impressive to you, but the way she handled that confrontation in Astranexis, unprofessional. Manipu
Biyernes ng hapon nang bumalik si Casper sa bansa. Mas maaga ito kaysa sa inaasahan. Dahil sa paparating na dinner party ng mga alta kinabukasan, kailangan niyang dumalo bilang representative ng Astranexis. Ngunit hindi iyon ang dahilan ng pamumula ng kanyang tainga.Pagkarating pa lamang niya sa private villa, agad na binalita ni Trixie ang tungkol kay Michael.Tahimik siyang nakinig habang sinasalaysay ni Trixie ang naging pagtanggap ng mga ito sa opisina, kung paano si Michael ay piniling pakinggan sina Wendy at Mateo ngunit ni Trixie ay hindi.Nang matapos ang kwento, mapait na napangisi si Casper at malamig na bumigkas, “If that's the kind of petty politics Michael wants to play, then fine. We don’t need him. I refuse to work with someone na kaiinisan ko sa tuwing makikita ko siya.”Tumango si Trixie habang nililigpit ang mga papeles sa ibabaw ng coffee table. “Ayos yan. Alam mo namang ayaw ko rin na ang ipinapaliwanag ang sarili.”“Let’s just focus on the firms that respect pr
Pagkauwi ni Wendy sa kanyang condo, agad siyang bumagsak sa malambot niyang sofa.Matapos ang maghapong tensyon sa Astranexis, ang gusto na lang niya ngayon ay magpahinga.Sa kabila ng kanyang mahinahong panlabas na kilos kanina, hindi niya maitatangging may bahaging inis na inis siya, lalo na nang makita niyang mukhang matatag pa rin si Trixie. Pero kahit papaano, nakabawi naman siya. Hindi lang siya ang binalewala ni Trixie, kundi pati ang ama niya. Mas magiging madali ang mga susunod kong plano kung si Daddy mismo ang makakaramdam ng insulto.Inabot niya ang may batok at marahang hinilot ang kanyang balikat. Aabutin niya na sana ang basong nakapatong sa lamesita nang biglang tumunog ang kanyang cellphone.Hindi rehistradong numero ang naka-flash ngayon sa screen niya.Napakunot-noo siya.Sino ito?Nag-atubili siyang sagutin, pero sa huli, pinindot niya ang answer button at dahan-dahang inilapit ang cellphone sa kanyang tainga.Sa isang iglap, nanlaki ang kanyang mga mata, at napu
Nang marinig ni Michael ang pangalan ni Mateo Bolivar, agad siyang naging magalang sa kanyang tono. "Ah, kayo po pala si President Bolivar. It’s a pleasure to meet you."Matapos ang maikling pagpapakilala, lumingon si Wendy kay Michael at diretsong nagtanong, "President Camero, nandito ka rin ba to discuss a potential collaboration kay President Yu?""Yes," sagot ni Michael, kaswal na ipinasok ang mga kamay sa bulsa ng kanyang suot na slacks. "And you? Nandito ka rin ba for the same reason?""Oo," sagot ni Wendy, walang pagbabago sa ekspresyon. "Did you get to meet President Yu?"Michael raised a brow. "Hindi. They told me he’s on a business trip."Bahagyang ngumiti si Mateo, pero may halong pag-aalinlangan ang kanyang tono. "Ah, so totoo pala. Akala namin gawa-gawa na naman iyon ng sekretarya niya para hindi kami papuntahin sa itaas."Napakunot ang noo ni Michael. Tiningnan niya ang dalawa, saka ibinaling ang tingin sa reception area ng Astranexis. "You weren’t invited upstairs?"Umi
Bandang alas-singko ng hapon, natapos na ni Sebastian ang kanyang trabaho at agad na tinawagan si Helios."Where are you guys?"Ibinigay ni Helios ang kanilang lokasyon, at hindi na nagdalawang-isip si Sebastian na puntahan sila.Pagdating niya sa lugar, kaagad siyang nakita ni Xyza. Nagliwanag ang mukha ng bata at halos mapatalon sa tuwa."Daddy!" sigaw niya, sabay takbo papunta kay Sebastian.Bagamat mabait sa kanya si Helios at nag-enjoy siya kasama ito at si Yanyan, iba pa rin ang saya na makita ang kanyang ama.Nakasuot pa rin ng business suit si Sebastian, pero iniwan na niya ang kanyang makapal na coat sa sasakyan.Yumuko siya at agad na binuhat si Xyza, pinisil nang bahagya ang kanyang maliit na pisngi."Did you have fun with Tito Helios and Yanyan?"Mas magaan na ang pakiramdam ni Xyza ngayon. Masayang tumango ito. "Opo! Super saya!"Napahalakhak si Yanyan. "Super duper saya namin, Tito Seb! We ate ice cream po, and then we went to the arcade, and then we rode the roller coas
Bandang alas-singko ng hapon, abala pa rin si Trixie sa kanyang trabaho nang biglang tumunog ang kanyang cellphone.Isang pangalan ang lumitaw sa screen, [Xyza calling…]Napatingin siya rito nang ilang segundo bago binalik ang atensyon sa laptop. Hinayaan lang niyang patuloy na tumunog ang telepono hanggang sa tuluyang tumigil.Dalawang araw ang lumipas.Biyernes ng umaga, maaga pa lang ay muling tumawag si Xyza.Tumingin lang si Trixie sa kanyang cellphone, saka ito inilapag sa mesa. Hindi niya ito pinansin at dumiretso na lang sa kusina upang maghanda ng almusal.Sa kabilang banda, sa bahay nina Xyza, halos maitapon na ng bata ang kanyang cellphone sa sama ng loob. Pinipigilan niya ang sarili, pero kitang-kita kay Sebastian ang lungkot sa mukha ng anak. Namumula na ang mga mata nito, tila nagpipigil ng luha habang nakayuko sa kanyang plato."It's been four days..." mahina niyang bulong habang inikot ang kutsara sa kanyang cereal. "Since Saturday, apat na araw ko nang tinatawagan si