Akala ni Trixie, tuluyan na siyang nawalan ng pakialam.Pero matapos ng mahabang taon ng pagmamahalan, paano nga ba niya tuluyang makakalimutan ang lalaki?Parang tinusok ang puso niya ng mga salitang iyon, kaya mabilis niyang iniwas ang kaniyang tingin.Nang makita ni Sebastian ang lungkot sa mga mata ni Trixie, kalmado niyang sinagot ang tawag na parang walang nararamdamang konsensiya. Malambing pa nga ang tono niyang sinagot ang tawag."What's the matter?"Pati si Xyza ay napansin ang sitwasyon.Sa alaala niya, si Sebastian ay ganito lang kalambing kapag si Wendy ang kausap. Dahil dito, saglit niyang nakalimutang nandoon din si Trixie at masiglang nagtanong sa ama."Daddy, si Tita Mommy po ba 'yan?"Kahit mababa ang boses, malinaw pa rin sa pandinig ni Trixie ang sagot ni Sebastian. "Oo."Gusto sanang sabihin ni Xyza na gusto rin niyang makausap si Wendy, pero nang maalala niyang nandoon pa si Trixie, at alam niyang hindi gusto ni Trixie si Wendy, agad na lang niyang kinagat ang d
Mabilis lumipas ang dalawang araw para kay Trixie. Marahil naging abala ang kaniyang anak kay Wendy kaya hindi siya nakatanggap ng tawag o mensahe mula dito. Nasa bahay lang tuloy siya maghapon simula ng umalis sa Valderama Group. Hatinggabi ng pangalawang araw niya mula mag-resign, nakatanggap si Trixie ng tawag mula sa bestfriend niyang si Racey Andrada. [May lagnat ako bff. Can you come over? Grabe, wala talaga akong lakas kahit bumangon man lang. Help this dying pretty lady. Juseyo.] Napailing na lang si Trixie dahil may sakit na nga ang kaibigan, nakukuha pa nitong magbiro. Wala na rin siyang hinintay na sandali at agad isinara ang binabasang libro, saka kinuha ang susi ng kotse para puntahan ang kaibigan. Buong araw naulan ng araw na iyon kaya inaasahan na niyang hanggang ngayong hatinggabi ay malakas pa rin ang buhos niyon. Maingat niyang binaybay ang daan dahil madukas ang kalsada. Hindi siya maaaring magmadali kahit pa nga nag-aalala na siya sa kaibigan at baka nagd
Nakauwi lang si Trixie matapos tuluyang mawala ang lagnat ni Racey. Wala pa siyang naihahandang damit para sa dinner banquet kinabukasan ng gabi kaya lumabas siya ng hapon na iyon para mamili. Pagdating niya sa isang kilalang high-end dress shop, napansin niyang abala ang manager at mga empleyado sa pag-aayos ng isang damit. "Pasensya na po, Miss. Medyo busy lang kami sa pag-aayos ng display. Ano po ba ang hanap nila?" "Titingin-tingin lang muna ako." "Sige po." Kahit kasal na si Trixie sa pamilya Valderama, halos hindi naman siya sumasama sa mga dinner party o mahahalagang okasyon mula nang ikasal siya kay Sebastian. Hindi siya isinasama sa mga pagtitipon, lalo naman ni Sebastian. Kahit giliw sa kaniya ang matandang Valderama, matagal na itong nagretiro at madalang nang makisalamuha sa kasiyahan o kagandahan. It all boils down na hindi ganoon kalalim ang kaalaman ni Trixie sa mga damit. Si Racey lang ang nagtuturo sa kaniya ng ilang basic aesthetic sense dahil nasa fas
Agad nanlaki ang mga mata ni Casper, at itinabi muna sa gilid ng kalsada ang sasakyan. Nang matagumpay niyang magawa iyon, saka niya binalingan si Trixie. "H-how— M-may—" Napansin ni Trixie na walang tamang masabi si Casper sa kaniya kaya umiling na lang siya rito. "Ayos lang ako." Kalmado rin ang mukha niya habang nagsasalita. "It's just that, kahit pa sabihin mo ngayong inaabuso ko ang posisyon ko, hinding-hindi ako papayag na makapasok siya sa kumpanya natin.” Kumalma na rin ang mukha ni Casper at walang pag-aalinlangang sumang-ayon kay Trixie. "Hindi, sinasang-ayunan ko rin ang desisyon mo. I'm sure, the rest will also agree with me." Matapos sabihin ni Casper iyon, naramdaman ni Trixie ang init sa puso niya. "Salamat." Pagkaraan ng ilang saglit, ibinalik na ni Casper ang kotse sa gitna ng kalsada, dahil kung hindi ay tiyak na male-late na sila. "C-Casper… alam kong malaking pabor itong hinihingi ko, pero… nagu-guilty ako. Mawawalan kayo mg isang henyo dahi
Ang maganda at eleganteng damit na iyon, nang isuot ni Wendy ay lalo nagpa-sexy sa kaniya at elegante. Lalong naging intimidating ang aura nito na parang hindi na siya maabot ng kahit sino."Si Sebastian, Helios, at Ysabel 'yan! Hindi ba bihira silang pumunta sa mga ganitong klaseng party? Bakit nandito sila ngayon?""Oo nga! Anong nangyayari?""Sino 'yung magandang babaeng kasama nila? Siya na ba ang girlfriend ni Sebastian? Ang sexy, ang ganda, at parang ang hirap abutin! Grabe, talagang big boss siya, kahit sa pagpili ng babae, ang lupit ng mata niya! Kung ako ang may ganiyang babae, okay lang na mabawasan ng sampung taon ang buhay ko!""Pero mas gusto ko 'yung babaeng naka-beige na dress kanina. Malinis ang dating, tahimik, mahinhin, at maganda. Para sa akin, mas bihira ang mga babaeng may ganoong klaseng aura. Sayang at may kasama na siya. Wrong timing...""Sus! Nagsasalita na naman ang torpe! Hahanga na ako sa'yo kung—” Hindi na napakinggan ni Trixie ng diretso ang dalawang lal
"Bakit?" tanong ni Casper nang mapansin ang reaksyon niya. Umiling si Trixie at ngumiti sa nakakunot-noong lalaki. "Wala naman." Nang mga oras na iyon, nakabalik na si Wendy, kaya hindi na sila muling tinapunan ng tingin ng grupo ni Sebastian. Nagpatuloy na lang si Trixie sa pakikipag-usap kay Professor Soma. Nang umalis si Professor Soma, uminom na lang ulit ng kaunti si Trixie. Ilang saglit pa ay kinailangan siyang iwan ni Casper dahil may kailangan itong sagutin na tawag. Dahil walang magawa sa isang sulok, habang abala ang lahat sa kani-kanilang pag-uusap, lumabas si Trixie sa hardin ng bulwagan para lumanghap ng sariwang hangin. Mula sa kinatatayuan niya, tanaw niya ang mga kumikinang na ilaw ng lungsod, mga ilaw na para bang kayang itago ang kadiliman ng mga lihim na ikinukubli sa likod ng magagarang damit at pormal na ngiti ng mga tao sa kasiyahan na ito. Napapikit siya saglit. Akala ni Trixie ay tapos na siya dito. Ngunit hindi. Sa kabila ng lahat, na
Bumalik? Bakit siya pinapabalik ni Sebastian? Anong kailangan sa kaniya ng lalaki? "Kung may sasabihin ka, sabihin mo na lang nang direkta. Wala akong oras bumalik sa bahay mo." "Xyza is sick. Hinahanap ka niya." May sakit ang anak nila? Kaya pala ito tumawag sa kaniya kahit napakatagal nang panahon ng huli niya itong ginawa. Iyon pala ang ibig sabihin ng lalaki na bumalik siya. Akala niya kailangan siya ni… ‘No! Trixie stop there’ anang isang bahagi ng utak niya. Mariin si Trixie na pumikit at pinapakalma ang sarili at puso na kanina lang ay ang lakas-lakas ng kabog. Bago pa siya muling makapagsalita, wala na si Trixie ibang narinig sa kabilang linya kundi isang matinis na tunog, tanda na ibinaba na ni Sebastian ang tawag. Saglit natigilan si Trixie. Kahit nag-aalimpuyos pa siya sa sarili dahil dalawang salita lang ni Sebastian halos gumuho na ang mga pader na itinayo niya, hindi naman niya pwedeng pabayaan ang anak. Matapos pakalmahin ang sarili ng ilang segundo,
Nagluluto pa siya ng lugaw, kaya pagkatapos ng ilang minutong pagpahinga, bumaba na si Trixie para ituloy iyon Nasa kusina si Nana Sela at abala sa pagtuloy ng niluluto niya. Bumaba rin kasi ito agad mapunasan ng maayos si Xyza."Ako na ang bahala rito, hija. Siguradong pagod ka na rin. Umupo ka na lang doon at mamahinga."Iniwan ni Trixie si Nana Sela kusina at naupo sa sofa sa sala.Nahulog siya sa isang malalim na pag-iisip. Nang nga oras na iyon, tila nagbalik sa kaniya ang mga alaala ng mg nakaraang araw na nagdaan. Mula sa duguang estrangherong lalaki, sa may lamang tingin ni Ysabel, sa pagbabalik niya sa sariling kumpanya, at maging ang divorce nila ni Sebastian. Sabay-sabay nitong inatake ang isip ni Trixie na hindi niya namalayang natulala na pala siya.At sa katahimikan, isang mababang boses ang nagpabalik sa ulirat niya."What aee you doing?"Sebastian's voice took her from her own reverie. Lumingon si Trixie at napansin niyang bumaba na pala si Sebastian at ngayon ay n
Tumayo si Sebastian, mata'y singkipot ng karayom. "Helios, one last question. Do you even remember that we're friends?" malamig niyang tanong.Ngumiti si Helios, isang ngising hindi mo malaman kung pikon o arogante. "And do you even remember that you have a wife waiting for you at home when you are going on dates with Wendy?"Biglang nanahimik sa loob ng opisina. Maliban sa mahinang ugong ng aircon, tanging tensyon na lang ang pumupuno sa paligid.Sinabi na ni Helios noong una pa lang na hindi siya sasagot ng tungkol sa kanilang personal na buhay, but Sebastian insisted. And this is it. Sebastian tasting his own medicine. Nawala ang ngisi sa mukha ni Helios at ibinalik ito sa pagiging seryoso.“Bro–” “Don't call me that when you are doing all these.” Putol nang tila napipikon nang si Sebastian. Hindi kumurap si Helios. Hindi siya nagpadala sa init ng ulo ng lalaki.Ngumisi lang siya, waring lalong nang-aasar. "Sebastian," aniya, kalmado pero mabigat, "it's a personal matter to me
Nang marinig niya ang sinabi ng anak, aalala niyang nalaman niya nga pala ang lahat kay Helios. Siguro ay noong tumambay ito doon. "Is that so?" tanong ni Trixie, pinipilit manatiling kalmado kahit ramdam niyang lumalambot ang puso niya sa tuwa habang pinapakinggan si Xyza. Pagkatapos magsalita ni Xyza, bigla nitong napagtanto na baka hindi pa kilala ng mommy niya si Yanyan, kaya agad niyang ipinaliwanag, "Niece po siya ni Tito Helios. I don't know if you know her po eh." "Oo," sagot ni Trixie, pilit na pinapawi ang bigat sa dibdib niya. Nakita niya ang saya sa mukha ng anak kaya agad siyang nagtanong, "Then? Ano namang ginawa n'yo?" "Naglaro po kami ng maze, then doll house!" "Woah, ano pa?" Tahimik na nakinig si Trixie habang kinukuwento ng anak ang mga kaganapan, ngunit sa bawat tawa at kwento ni Xyza, may halo itong kirot sa kanyang puso. Sa isang banda, masaya siyang masaya ang anak. Sa kabilang banda, hindi niya mapigilang sisihin ang sarili sa mga panahong hindi niya i
Nagising si Trixie na parang binibiyak ang ulo sa sakit. Halos hindi pa niya maidilat ang mga mata nang tumunog ang cellphone niya sa tabi ng kama.Pilit siyang umabot dito, pikit pa ang isa niyang mata, ay sinagot niya ang tawag."Bata ka, hindi ba't nabusy sa ospital nitong nakaraan si Sebastian dahil sa pagkakaospital ni Thallia, tapos ikaw naman ay abala rin. Nasaan na lang ang anak niyo?" Boses iyon ni Lola Angelina, may halong pag-aalala at pagsaway, na tuluyang nagpabalik sa ulirat ni Trixie.Napaupo siya sa kama, hawak ang sentido habang nilalabanan ang pagkahilo. Dahan-dahang sumingit sa isip niya ang mga salita ng matanda, ang anak niya. Si Xyza.Napapikit si Trixie at pilit na inalala kung kailan niya huling nakita ang anak. Sa mga nakaraang araw, puro trabaho, meeting, at obligasyon ang inatupag niya. Samantalang si Sebastian, abala rin sa ospital kasama si Lola Thallia.Naalala ni Trixie kung paano madalas naisin ni Xyza na makipaglaro o sumama sa kaniya. Napakagat-labi
Samantala, ang eksenang iniwan nina Helios at Trixie sa parking lot ng party na iyon ay matagal na umukit sa isip ni Sebastian. Hindi siya mapakali. May kung anong gumugulo sa loob niya. Hindi man siya sigurado kung guilt ba iyon o ano, pero isa ang malinaw, ang pagkakabanggit ni Trixie kay Wendy bilang dahilan ng paghihirap nito, ay parang punyal na bumaon sa dibdib niya.Maging sa pagbabalik niya sa opisina nang gabing iyon, dala-dala pa rin niya ang bigat ng gabing iyon. Hindi siya nakapagsalita nang matagal. Ang mga ilaw ng opisina ay tila mas maliwanag kaysa sa dati, ngunit ang isipan niya ay mas magulo, mas malabo. Sa opisina kasi siya mas nakakaisip nang maayos. Doon siya nakakahanap ng kaunting linaw, kahit pa nga ang problema ay tungkol sa puso at hindi sa negosyo.Ngunit hindi niya inaasahan na susundan siya ni Wendy.Pagkarating niya sa loob ay ilang segundo pa lang siyang nauupo, narinig na niya ang pamilyar na stilettos nito sa labas. Napa-iling siya. Hindi pa siya
"Hey, woman! Where's the water? Alam mo kung may sakit lang ang tao, patay na siya sa'yo!" singhal ni Helios habang bahagyang nilingon si Racey.Napapitlag si Racey sa sigaw na iyon. Naalimpungatan siya mula sa pagtitig sa pagitan ni Helios at Trixie. Hindi niya inaasahang magmumula sa lalaki ang ganoong singhal. Akala pa naman niya ay nonchalant type ito. "Oo na! Atat lang?" sagot niya, pilit tinatakpan ang kaba sa dibdib."Get your ass here if you're not going to get her water. Ako na ang gagawa! You are all talk!" muli pa nitong sabi."Alright, alright!" hiyaw ni Racey, sabay padabog na umalis. Pakiramdam niya'y nayayapakan ang pride niya kahit hindi siya nito hinahawakan.Ilang minuto ang lumipas at bumalik siyang may dalang bottled water, na para bang bigat na bigat siyang buhatin iyon. Padarag niya itong iniabot sa lalaki.Matalim siyang tiningnan ng lalaki. Hindi niya tinanggap agad ang bote, sa halip, binuksan niya ito at maingat na tinapik si Trixie sa pisngi.“Trixie… her
Mayamaya, nagpaalam si Trixie na mag-CR. “CR lang ako, Ray,” aniya habang pinupunasan ang pawis sa kanyang sentido. “Ay sasamahan na kita—” alok ni Racey pero tinabig siya ni Trixie, sabay ngisi. “Kaya ko 'to. Hindi pa ako ganun kalasing,” sabay tikhim at naglakad palayo, bagama’t halatang hindi na matuwid ang lakad. “Alright. Be careful, ‘kay?” tugon ni Racey, pero bago pa siya makabalik sa couch, may isang kilalang kaibigan ang biglang tumapik sa kanya. Dahil nga social butterfly si Racey, hindi na niya ito naiwasan. Lumapit siya para makipagbeso. Habang nagkukuwentuhan sila, panakaw ang tingin niya sa CR para siguraduhing okay lang ang kaibigan. Nakita pa niya si Trixie na pumasok sa banyo, kaya medyo panatag siya kahit papaano. “Malapit lang naman,” bulong niya sa sarili. Hindi alam ni Racey, pagkabalik ni Trixie mula sa CR, may kakaibang nangyari. Sa pagbukas ng pinto, mabigat pa rin ang ulo ng babae. Hindi niya alam kung dahil ba sa ilaw, sa tunog ng bass na
Tumingin si Trixie kay Helios. “Let’s go.” Paglingon niya, hindi na siya ang Trixie na dating sumusuko. Siya na ang Trixie na handang lumaban para sa anak niya, at hindi siya magpapaapak muli kay Wendy o sa sinuman sa pamilya nito. Tahimik silang naglakad palayo. At habang naglalakad, ramdam niya ang kamay ni Helios sa kanyang likod, hindi para akayin siya, kundi para ipaalala na hindi na siya nag-iisa. Sa loob ng sasakyan, hindi pa rin siya umiiyak. Ngunit sa bawat segundo, tila unti-unting humuhupa ang apoy sa kanyang dibdib. Tahimik ang paligid, ang tanging maririnig ay ang mahinang paghinga nila at ang ticking ng dashboard clock. Sa wakas, may ginawa siya. Sa wakas, hindi na siya nanahimik at nagsawalang-kibo na lang. Nilingon siya ni Helios habang naka-idle ang sasakyan. “I’m proud of you,” aniya. Napatingin si Trixie sa bintana. Hindi siya sumagot agad. Tahimik lang siya, pinagmamasdan ang mga ilaw ng lungsod sa labas. Pero ang bibig niya’y bahagyang gumalaw. “Thanks fo
“Trixie—” “No. I’ll handle this.” “I’ll go with you.” “Hindi na. Kaya kong mag-isa ito.” “Trixie, you’re not in the right state of mind. I don’t want you driving like this.” “I said I’m—” “I insist,” putol ni Helios, matigas ang boses. “If anything happens to you, I’ll never forgive myself.” Napatitig si Trixie sa kanya, ang mga mata’y punong-puno ng galit, sakit, at pagod. Parang gusto niyang sumigaw, gusto niyang itulak ang lahat ng nagpapabigat sa kanya. Pero sa harap ni Helios, wala siyang lakas. Wala siyang ibang kayang gawin kundi tumango. Sa loob ng sasakyan, walang nagsasalita. Tahimik si Helios habang minamaneho ang kotse. Sa kanyang peripheral vision, ramdam niya ang tensyon kay Trixie. Nanginginig ang balikat nito, hindi sa takot, kundi sa galit na pilit niyang kinikimkim. “Breathe, Trix,” bulong ni Helios, halos parang dasal. “Please, just breathe.” Napapikit si Trixie. Hindi siya umiiyak. Hindi siya kailanman iiyak sa harap ng kahit sinong hind
Tahimik ang silid nang mga sandaling iyon, tanging mahinang hilik ni Xyza ang maririnig habang nakahiga sa kama ni Yanyan. Magkatabi ang dalawang bata matapos mapagod sa maghapong pagtawa, pagtakbo, at walang katapusang kwentuhan habang naglalaro ng mga manika at doll house. Sa liwanag ng maliit na lamp shade sa tabi ng kama, masusing tinitigan ni Helios ang batang walang kamuwang-muwang sa bigat ng kanyang mga sinabi. Masuyo niyang hinaplos ang noo ni Xyza, hindi upang gisingin ito, kundi upang damhin ang sakit na hindi masabi sa salita. Parang may pumiga sa kaniyang puso sa hindi niya inakalang kailanman ay maririnig mula sa isang batang musmos na gaya nito. He's exposed to violence but not to this extent involving a child's innocence. Malinaw na malinaw pa sa kaniyang alaala ang mga salitang binitiwan ng bata ilang oras lang ang nakalilipas. “Tita mommy also told me po that mommy’s too selfish. Na mommy doesn't really love me, she just wants me to be her trophy. Kas