Share

Chapter 1

"STILL the same," bulong ko nang makalabas sa NAIA. Bumungad kaagad sa akin ang mga matataas na building sa paligid, ang mga taong naglalakad kung saan-saan, at ang katamtamang klima ng Pilipinas. Everything's good and fine.

"Sasakay ka ba, Miss?" Tiningnan ko ang taxi na nakapara sa harap ko. Ngumiti naman ako at tumango. Mukhang mahaba ang biyahe ko ngayon dahil sa Mindanao ang punta ko. Atleast, I can enjoy the views everywhere.

For years, ngayon lang ulit ako nakabalik sa Pilipinas. Ang dami ko kasing inasikaso sa pinagtatrabahuan ko. Aside from getting a good salary, nakakatulong rin ako — kami sa iba. Hindi madali ang trabaho pero worth it naman.

Kinapa ko sa bulsa ko ang cellphone nang tumunog iyon. Sinagot ko naman agad ang tumawag.

"Hello? Anak, nasaan ka na?" tanong ni Mama sa kabilang linya.

"I'll be home soon, Mama. Don't worry too much, I can handle myself," sabi ko.

"Sige, mag-iingat ka," paalala ni Mama.

"I will," sabi ko naman, at pinatay na ang tawag.

Isinandal ko ang sarili ko sa backseat at pinikit ang mata. 

"ANAK, mabuti't nakauwi ka na." Isang yakap kaagad ni Mama ang bumungad sa akin. Niyakap ko siya pabalik at inilagay sa tabi ang maletang dala ko na may lamang kaunting damit. 

"Mahigit dalawang taon kang nawala mula nang pumasok ka sa trabaho mo." Napatingin naman ako kay Papa na kakalabas lang ng kwarto. Nasa sala kami ngayon ng bahay. Hindi naman ganoon kalaki at kagara ang bahay namin, katamtaman lang ito at kumpleto sa gamit.

Ngumiti naman ako at lumapit sa kanya para yakapin siya. "Oo nga po e, saka baka dalawang buwan lang din ang bakasyon ko dito sa atin. Babalik din kaagad ako dahil marami pa ang trabahong naghihintay sa akin."

"Ano ba kasi talaga ang trabaho mo?" tanong ni Papa at kumawala sa yakap.

"Oo nga, hindi kami naniniwala na simpleng pagharap sa computer lang ang ginagawa mo," dugtong naman ni Mama sa sinabi ni Papa.

"Basta Mama, nakaharap po ako lagi sa computer. Depende sa request ng mga costumer."

"Naku, Xanthea. Baka lumala 'yang mata mo," paalala naman ni Papa sa akin. Malabo kasi ang mata ko.

"Ayos lang, Papa. May contact lense naman akong ginagamit e. Oo nga pala, nasaan si Kate?" pag-iiba ko ng topic.  

Si Kate ang bunso kong kapatid. Dalawa lang kaming magkapatid. Nag-aaral pa siya habang ako naman ay may trabaho na. Saka about sa trabaho ko, ayoko munang sabihin sa kanila. Baka hindi nila ako payagan at hindi na nila ako pabalikin pa sa Japan.

Oo, sa Japan nga ako nagtatrabaho. I am an Information Technology graduate student. Mahilig ako sa computer. IT graduate lang ako pero huwag niyong maliitin ang kakayahan ko. I am good at descovering things in computer, and that's the point kung bakit mas na-expand ang knowledge ko about computers especially sa software, and content nito.

"Ate!" Bigla namang sumulpot si Kate sa kung saan at dinambahan kaagad ako ng yakap.

"Oh ayan na ang hinahanap mo, sige magluluto muna ako ng pagkain," sabi ni Mama. Si Papa naman ay nagpaalam dahil may bibilhin daw muna siya sa labas.

"Ate, may chocolate ka?" tanong ni Kate, at nagpacute pa. Pinisil ko naman ang pisngi niya, at saka inilabas ang chocolate na dala ko galing Japan.

"Huwag mong ubusin 'yan, mamigay ka sa iba. Marami rin naman 'yan," sabi ko, at ginulo ang buhok niya saka kinuha ang maleta. Hinila ko iyon, at tinungo ang kwarto ko.

"Salamat ng marami, Ate!" rinig kong sigaw ni Kate bago ako nakapasok ng kwarto.

"You're welcome!" sigaw ko naman pabalik.

Pumasok ako sa kwarto, at naupo sa kama. Inikot ko ang paningin ko sa paligid bago napagdesisyunan na mag-ayos ng gamit. Inayos ko ibang mga gamit ko sa kwarto. Matagal din akong hindi nakauwi kaya medyo nakakapanibago ang kwarto ko. Inilapag ko ang maletang dala ko sa may gilid ng kama. Konti lang ang dala kong gamit dahil plano ko na bumili na lang dito dahil ang mga gamit ko ay nasa Japan. Mahirap, at mabigat kapag nagdala pa ako ng maraming damit pauwi dito, may pera rin naman akong pambili.

Humikab ako, at saka inihiga ang katawan ko sa malambot na kama. Hindi ganito kaganda ang bahay namin noon pero dahil sa naging trabaho ko, napaayos ko ito, at napaganda. Medyo malaki rin naman ang kinikita ko sa trabaho ko pero depende pa rin 'yon. Lahat naman yata nakadepende.

Sabi sa akin ni Mama, marami raw ang nagtatanong kung ano ba talaga ang trabaho ko dahil umaasenso na kami. Hindi ko sinabi kay Mama kaya wala siyang naisagot sa mga nagtatanong sa kanya. Mabuti na rin iyon, ayokong magkaroon ng issue ang pamilya ko dahil lang sa trabaho ko. Hindi naman ilegal ang trabaho ko.

Hindi rin naman ako pinipilit ni Mama, o kaya ni Papa na sabihin sa kanila kung ano ang trabaho ko dahil nire-respeto raw nila iyon. Maghihintay na lang daw sila kung kailan ko sasabihin. Saka malaki na ako kaya naniniwala sila na tama at kaya kong pangatawanan ang mga desisyon ko. Sasabihin ko rin naman sa kanila pero hindi muna ngayon. May tamang panahon para sa mga bagay-bagay.

Habang nakahiga ay bigla namang tumunog ang cellphone ko. Kinapa ko ito sa bulsa ng jeans na suot ko, at tiningnan kung ano ang mayro'n.

"One message received from Evhon."

Napaupo naman ako sa kama. Aba-aba, mabuti at nagparamdam siya. May himala yata ngayon. 

"Did you already arrived home, Xan? Bonding daw tayong tatlo ni Vincent," pagbabasa ko sa text niya. Bonding? Magandang idea nga iyon.

"Sige ba! Kailan?" basa ko naman sa reply ko sa text niya. Maganda ang timing niya ngayon. Hindi ko pa napupuntahan ang ibang lugar dito sa Pilipinas.

Gusto ko sanang hintayin ang reply niya kaso inaantok na ako. Tiningnan ko ang oras sa cellphone ko, twelve na pala ng hapon.  Itinabi ko ang cellphone sa may drawer — sa gilid ng kama, at napahiga sa kama. 

Tumingin ako sa kisame. Ilang sandali lang ay napapikit ako at unti-unti nang hinila ng antok.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status