Share

Chapter 6

"HALI na kayo, baka maabutan pa tayo ng mga infected dito. Wala tayong armas para kalabanin ang mga infected lalo na kung marami sila. Kapag hindi pa tayo umalis, baka iwanan ko kayo, " pananakot ko sa kanila kaya agad naman silang lumapit sa akin.

"Ayos na ako, tayo na," sabi ni Vhon.

"Ayos na rin ako, teka...walang driver ang helicopter? Sino ang magmamaneho?" nagtatakang sabi ni Vin. Ngumisi naman ako habang nakatingin sa kanilang dalawa.

"Don't tell me..." may gulat na sabi ni Vhon.

Tinalikuran ko na sila at nauna nang maglakad papunta sa helicopter. Kakaiba ng helicopter na ito, kaya nitong lumipad kahit isang tao lang ang nagpapalipad at hindi rin ito maingay na helicopter. Naramdaman ko namang sumunod sa akin sina Vin at Vhon.

"May pagkain dito, kumuha lang kayo at kumain," sabi ko. Mabuti naman at si Jasmin talaga ang naghanda ng mga ito. Kapag siya kasi ay talagang complete preparation palagi ang mga gamit.

Kinuha ko ang isang baon at nagtungo sa driver's seat. "Kumain muna tayo for ten minutes dahil hindi tayo puwedeng kumain habang lumilipad ang helicopter," sabi ko sa kanilang dalawa habang sumusubo ng bacon.

"Bakit naman? Mas better iyon, saka kakasuka lang namin," biglang sambit ni Vin.

"That's the point, baka hindi niyo masikmura ang makikita niyo sa baba kapag nakalipad na ito." Kahit sabihin nilang hindi sila titingin ay alam kong titingin pa rin sila sa baba. Hindi maiiwasan iyon kapag nakasakay ng helicopter.

Hindi naman umimik si Vin at kumain na lang din. Napatingin ako kay Vhon na kanina pa tahimik.

"May problema ba? Vhon?" tanong ko sa kanya. Kumakain siya pero ang tahimik niya. Tumingin siya sa akin at ngumiti ng tipid.

"Hindi ko makontak sina Aira," may bahid na lungkot sa boses niyang sabi.

"Gagawan natin ng paraan iyan kapag nakarating na tayo sa Base. Hindi mo ba nilagay ang list of members ng family ni Aira kanina sa cellphome ko? Pati na rin ang pangalan mismo ni Aira?" tanong ko sa kanya at tanging iling lang ang sagot niya. Napabuntong hininga naman ako.

"Hahanapan natin ng paraan 'yan," seryoso kong sabi sa kanya para kahit papaano ay hindi siya mag-alala.

"Sana, ayos lang sila," bigla namang sabi ni Vin.

"Ayos na ayos lang sila Vin. Don't worry," sabi ko.

"Bakit ba kasi ito nangyayari sa atin? Virus? Infected? Zombies? Cool ito kung iisipin pero hindi ito cool kapag nangyari na," may lungkot na sabi ni Vin. Stressed na siya tapos dinagdagan pa ng mga nangyayari sa amin ngayon.

"Wala na tayong magagawa, nangyayari na," sabi naman ni Vhon.

"Pupunta pa tayo sa safe place?" tanong ni Vin.

"Dadaan muna sa base bago makapunta sa safe place," sagot ko naman. Hindi naman sila nagsalita pa. Mabuti na lang at hindi nila ako kinulit o tinanong. Hindi sila nagtanong kung sino si Jasmin, at kung bakit ako marunong magpalipad ng helicopter.

"Matatapos din ang lahat ng ito," pabulong na sabi ko at isinubo ang burger na kinakain ko. Hindi magiging madali pero matatapos din ito. May katapusan sa lahat ng bagay.

Pagkatapos ng sampung minuto ay natapos rin kaming kumain. Pumuwesto na ako para mapaandar ang helicopter. Hindi naman ako nabigo dahil napaandar ko nga ito at unti-unti na itong lumilipad paitaas.

Tiningnan ko ang mapa sa may gilid ko. Mapa ito patungo sa base kung nasaan sina Jasmin. Hindi kami puwedeng pumunta sa safe place dahil kailangan muna kaming tingnan kung infected ba kami o hindi kaya sa base na muna kami pupunta.

Wala rin naman akong balak pumunta sa safe place dahil tutulong akong ayusin ang issue tungkol sa virus. Sa pagkakaalam ko ay nasa gitnang Visayas yata ang base pero hindi ko alam ang specific place kung saan ito nakatayo. Secured and base na ito at nandoon ang mga awtoridad at ibang scientists para gumawa ng cure sa virus at para makagawa ng eksperimento sa mga taong infected ng virus.

Sinusundan ko lang ang mapa hanggang sa nakarinig ako ng nasusuka sa may bandang likuran ko. Si Vin ang sumusuka.

"Huwag ka kasing tumingin, pumikit ka para hindi mo makita," sabi ni Vhon sa kanya.

Napatingin naman ako sa ibaba ng helicopter. Nagkakagulo ang mga kotse sa kalsada. Nagkalat ang dugo, patay na katawan at lamang loob. May mga infected din na naglalakad sa kalsada at talagang amoy na amoy ang masangsang na dugo ng tao.

Hindi masyadong mataas ang lipad ng helicopter kaya kitang-kita ang mga nasa ibaba. Sobrang laki nang nagbago sa paligid. Ang bilis naman kumalat ng virus. Mukhang ilang days pa lang naman yata itong nalaman, at binalita bago makarating sa akin.

Hindi na bago sa akin ang patay na tao at masangsang na dugo dahil na sanay na ako. Kasama iyon sa trabaho ko kaya wala lang sa akin ang nakikita ko. Pero, umeepekto pa rin ang baho ng mga ito sa ilong ko. Masakit sa ulo dahil halo-halo ang amoy ng dugo at lamang loob ng tao. Pumapasok ang amoy nito sa sikmura kaya hindi talaga maiiwasan minsan na masuka.

Binilisan ko na lang ang pagpapalipad ng helicopter dahil baka ano pa ang mangyari sa dalawang kasama ko. Sana nga ligtas lang sa base. Ayokong mapahamak ang dalawang kasama ko. Inaalala ko talaga sila dahil baka manghina sila kapag nakakita ng mga infected. May ipinasa na video si Jasmin kanina sa laptop ko, video ng mga infected. Hindi ko ito ipinakita sa dalawa dahil hindi ko alam kung ano ang magiging reaksiyon nila. Kahit ganyan sila, mahalaga pa rin sila sa akin saka hindi matutumbasan ang buhay ng tao.

Pero kailan? Kailan ko makakayang iligtas ang gusto kong iligtas? Hindi ko hawak ang buhay nila. Hindi ko rin hawak ang buhay ko kaya hindi ko alam kung kaya kong magligtas nang marami. Magligtas? Bakit sumagi sa isip ko ang magligtas? 

Napailing-iling ako dahil sa mga naiisip ng utak ko. Mula sa kinaroroonan namin ay nakikita ko na ang base sa ibaba. Hindi ko alam kung ano ang naghihintay sa amin sa base. Hindi panatag ang loob ko na ligtas ang base kahit gaano pa ito ka-secured. Maraming possibleng mangyari.

Tumingin ako sa ibaba at dahan-dahang ibinaba ang helicopter. Ilang sandali lang ay nailaag ko rin naman ng maayos ang helicopter. Bumaba na ako at bumaba rin naman sina Vin at Vhon. Nakita kong marami ang nakaabang sa pagdating namin. Sa may 'di kalayuan ay nakita ko naman ang paparating na sina Jasmin at Justin.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status