"SIR, kailangan na po nating umalis dahil baka- " Hindi natapos ni Jasmin ang sasabihin niya dahil nakarinig kami ng mga yapak ng paa na paparating sa kinaroonan namin kaya napalingon kami sa may gate.
Napakunot ang noo ko nang makita sina Sam at Sebastian na tumatakbo papunta sa kinaroroonan namib.
"Bilisan niyo! Pumasok tayo sa loob dahil ang dami nila sa labas!" sigaw ni Sam habang tumatakbo. Kaagad naman kaming kumilos at pumasok sa loob ng bahay. Sinara namin agad ang pinto ng bahay.
Inikot ko ang tingin ko sa buong paligid. Bumungad sa akin ang magandang mga kasangkapan sa paligid. Magara ang mga kasangkapan at halatang mamahalin ang mga iyon. May chandelier din dito sa sala nila at may naaninag akong hagdan na kung hindi ako nagkakamali ay papunta sa ikalawang palapag ng bahay.
Napatingin naman ak
"WHAT do you mean na kasalanan mo kung bakit kumalat ang virus?" tanong ni Jasmin kay Vhon. Mabuti naman, at may nagsalita na sa kanila.Nasa sala pa rin kaming lahat. Ganoon pa rin ang posisyon namin. Naging seryoso rin ang mga aura nila nang marinig ang sinabi kanina ni Vhon na may kinalaman siya sa pagkalat ng virus."Seryoso ka ba? What the hell? Bakit mo nagawa iyon!" matigas na sabi ni Sebastian. Nakita ko naman ang paghawak ni Samantha sa kamay nila. Napahinto naman si Sebastian, at hinawakan din sa kamay si Samantha."Okay, explain it yourself. Do you know who is Ferdinan Remidez?" tanong naman ni Davin."Ferdinan Remidez? Sino siya?" tanong ni Justin. Nakikinig lang ako sa mga pinagsasabi nila.Nakaupo sila sa sahig habang ako ay nasa couch naman nakaupo. Si Davin ay nasa tabi ko - sa ibaba ng couch."Yes, he is my Boss. I am an engineer. May humahawak na Age
"ZYN Team, mabuti at ligtas kayong lahat. Isang karangalan na makasama kayo sa amin. Masaya akong makita kayo nang harapan ngayon. Naniniwala kaming wala kayong natamong sugat o infection kaya dumeretso na kayo sa meeting room dahil kakausapin kayo ng Senior." Isang sundalo ang bumungad sa amin nang makababa kami sa helicopter, hindi ko siya kilala pero base sa suot niya ay mukhang mataas ang rank niya dito sa base. Wala talaga akong kakilala na sundalo dito sa base. Ang Senior naman na sinasabi niya ay ang pinuno nila at tempraryong namumuno dito sa base. Hindi ko rin ito kilala pero baka makilala ko na ngayon. "Salamat. Ano ang kailangan ng Senior sa amin?" nagtatakang tanong ko. "Mahalaga raw ang pag-uusapan ninyo. Labas kami doon kaya hindi namin alam. Pumunta na lang kayo sa meeting room," magalang at pormal na sabi nito. "Sige, pupunta na kami ngayon kaagad," sabi naman ni Jasmin. Hinila n
ANG mission na tinutukoy ko ay ang pagprotekta sa isang business man sa Paris, natapos rin naman namin iyon. Wala kaming closure dahil trabaho lang ang iniisip namin noon. Sinunod lang namin ang pinautos sa amin at pagkatapos ng mission na iyon ay umuwi kami na parang wala lang at hindi na nagkita pa. Ngayon ko lang ulit siya nakita sa kabila ng mahigit isang taon. Interesado ako sa mga professional solo agents pero hindi iyon magiging dahilan para isama ko siya sa team ko. Bukod sa pagiging Leader ko sa Zyn Team ay professional solo private agent din ako. May kumukuha sa akin na ako lang mag-isa para gawin ang isang mission o request ng customer. Tumatanggap ako pero depende sa trabaho kung makakaya ko ba. "I resigned as a solo private agent dahil dito. Dad gave me some reasons kaya napapayag niya ako sa bagong mission na ito." He was a half British and a half Australian. Marunong siyang
"TANGGAPIN mo si Davin sa team mo, babantayan ka niya. This is not just for your own good, ikaw ang may hawak sa cure ng Pilipinas. Be safe Miss Rodriguez."Biglang nawala ang video matapos ko itong buksan. Hinanap ko ulit ito sa gallery pero hindi ko na makita kaya inihagis ko ito sa may pinto.Oo, gusto kong mahanap ang cure pero ngayong nahanap at nalaman ko na, parang ayoko nang mabuhay sa mundo. Alam kong kapag nalaman nila na nasa akin ang cure, siguradong hahabulin nila ako. Wala namang problema sa akin iyon. Ang ayoko lang doon ay baka kapag nahuli ako ay pag-aagawan nila ako. They will do experiments to me for sure. Kailangan kong mag-ingat sa bawat kilos ko.Gusto kong makita si Dr. Madrigal. Gusto ko siyang murahin at bugbugin pero hindi iyon makakatulong. Wala na akong magagawa, kailangan kong magtiwala sa kanya pero saka na ako magtitiwala ng lubusan kapag tama nga ang sinabi niya tungkol sa cure. Susubukan ko ang ibinigay niyang asul na likido pero
MULA sa bintana ay kitang-kita ko ang mga sundalo na naglalakad, natataranta at tumatakbo. Napakunot naman ang noo ko dahilan para mas sundan ko ng tingin ang mga sundalo. Rinig din mula dito sa kinaroroonan ko ang kanilang ginagawang ingay at may boses din akong naririnig mula sa baba. Natuon ang atensiyon ko sa isang sundalo na tumatakbo papunta sa isang sundalo rin na kung hindi ako nagkakamali ay Leader ng mga sundalo dahil sa suot nito.Marami na akong nakaharap na mga sundalo at alam ko ang mga palatandaan ng posisyon nila. Hindi naman medyo malayo ang kinaroroonan nila at may mga ilaw sa baba kaya kitang-kita ko sila."Sir, may mga taong gustong pumasok dito but they are all wounded." I heard one of the security saying those words to their Leader."Don't let them in, if they really want to get in, then kill them all," maawtoridad at seryoso namang sagot ng kanilang Leader.Napapikit ako at pinakiramdaman an
UNGOL at mga hakbang ng paa ang naririnig ko sa labas. Inikot ko ang mata ko sa loob ng comfort room dahil baka may makita akong butas na puwedeng madaanan. Hindi naman ako nabigo. May nakita akong sa itaas ng kisame, wala itong harang at mukhang kasya naman ako sa butas. Ang problema na lang ngayon ay kung paano ako makakaakyat. Wala akong makitang puwede kong patungan para makapasok sa may butas.Kaagad na hinalukat ko ang backpack na hawak-hawak ko na. Hinanap ko ang mga darts, nakita ko naman iyon agad. Isinara ko agad ang backpack at isinabit sa dalawang balikat ko. Limang darts...sapat na ito para makaabot ako sa butas na nasa may kisame ng comfort room.Binuksan ko ang zipper ng jacket ko para malaya akong makagalaw. Inilagay ko muna ang darts sa ilalim ng jacket ko at kumuha ng dalawa. Ibinaon ko ang isa sa dingding ng comfort room, at isa naman sa itaas pa kung saan ko ibinaon ang unang dart. Kumuha na naman ako
MGA ilang minuto lang ang lumipas ay may nakita na akong labasan. Hindi ako sure kung ligtas ba talaga doon. Gumapang ako nang gumapang."We are here. Hindi ka pa ba nakaabot sa labasan? We are wating here," rinig kong sabi ni Davin."Malapit na ako," sabi ko at inilagay sa loob ng jacket ko ang maliit na cellphone para hindi ako mahirapan na gumapang.Ilang minuto lang ang lumipas ay nakarating din ako sa may labasan. May nakaharang na malalaking grills sa pabilog na labasan. Kinuha ko ang lazer sa backpack at ginamit iyon para buksan ang nakaharang. Pagbukas ko ay nahulog ang backpack sa baba kaya napamura ako at napatingin sa ibaba.Mukhang nasa likod ito ng base. Ang ginapangan ko ay papunta sa likod ng gate ng base at ang end point nito ay sa labas ng gate kung saan may mga puno sa may 'di kalayuan. Tiningnan ko ang langit, kung hindi ako nagkakamali ay pass two o'clock na ng hapon ngayon. Binalik ko ul
NAPATINGIN ako sa may likuran ko nang may maramdamang mga matang nakatingin sa akin. Nakita ko si Aira na nakatingin sa akin. Nabaling ang atensiyon ko sa katabi niyang si Vhon na natutulog."Sorry kanina, hindi talaga kita nakilala. Sinabi sa akin ni Vhon na ikaw si Xanthea—ang kaibigan niya na tumulong sa amin kaya nagulat ako. You've change a lot, ibang-iba ka sa mga pictures na ipinapakita sa akin ni Vhon. I didn't really recognize you. Sorry kung naitulak kita," sincere na sabi ni Aira sa akin."Ayos lang, hindi ko rin naman naipakilala ang sarili ko. Tapos na rin naman iyon. Bakit nga pala kayo napasama sa team? Hindi ba't dapat ay nasa safe place na kayo kasama sina Vin? Nasaan siya?" tanong ko sa kanya. Nilingon ko naman ang team ko."Si Vincent, Belle, at ang mag-asawa ay naunang ipinadala sa safe place. Apat ang inuna, isusunod na sana sina Vhon, at Aira kaso nangyari ang nangyari sa base. May nakapasok n
FINALLY!I'M VERY GLAD AND HAPPY FOR EVERYONE WHO SUPPORTS AND READ THIS STORY 'TILL THE END. I REALLY APPRECIATE IT GUYS!THANK YOU SO MUCH FOR YOUR PATIENCE, SUPPORT, AND COMPLIMENTS. MANATILI SANA KAYONG LOYAL SA AKIN! :)SEE YOU IN MY NEXT STORIES!THE Z-VIRUS: SEEKING FOR CURE IS NOW AVAILABLE ON SHOPEE! GRAB A COPY NOW!!!HERE'S THE LINK! ENJOY!https://shopee.ph/The-Z-Virus-Seeking-for-Cure-P.I.R.M-Paperback-i.264837039.11802283424You can also visit the 8letters page or their bookshop to avail it. Thank you for reading this story 'til the end! I really appreciate it! Have a blessed day everyone! :)You may also follow me or interact with me with my social media accounts:IG: itz_pirmWATTPAD: Itz_PirmFACEBOOK: Itz Pirm WPGMAIL: PerfectionInRedzMystery@gmail.com
"SALAMAT sa lahat, Davin. I am thankful for everything. No matter what happen, our memories together will remain forever," mahinang sambit ko habang nakatingin sa puntod na nasa harap ko.Tiningnan ko ang white rose na hawak-hawak ko. Lumuhod ako at inilagay ang puting rosas sa harap ng puntod."Salamat dahil binuhay mo ang isang Davin. I know, you are proud of him," sabi ko ulit habang nakangiting tiningnan ang puntod."She's happy to meet you. Finally, may naipakilala rin akong babae sa Mom ko — babaeng alam kong hindi ako iiwan kailanman.""Korni masyado, Davin," sabi ko habang hindi siya tinitingnan.Aliana Fernandez — ang nakalagay na pangalan sa puntod na nasa harap ko. Siya ang Mom ni Davin. Namatay siya dahil pinatay ng kaaway ng Dad niya pero nabigyan naman iyon ng hustisiya."Si Justin ang nagturo sa akin no'n. Sabi ko na nga ba, masyado
"ANG virus na kumalat sa Pilipinas ay naagapan na. Ang mga infected ay nabigyan na ng lunas. May lunas para sa mga infected at mayroon ding bakuna para sa hindi infected—para hindi sila makagat o lapitan ng infected. Ang taong nagnakaw at nagpakalat ng virus na si Terace Wright ay napatay ng mga sundalo matapos nitong tangkaing patayin ang dalawang Private Agent. Sinasabing ang dahilan ng pagpapakalat ng virus ni Terace Wright ay dahil gusto niya na pag-ekspermintuhan ang tao. Ninais nitong patayin ang buhay at buhayin ang patay. Natagpuan ng mga sundalo ang bangkay ni Ferdinan Remidez na sinasabing kapatid ni Wright na unang nagpakalat ng virus sa Pilipinas. Ang bangkay nilang dalawa ay nasa pangangalaga na ng nga awtoridad. Nasa pangangalaga na rin ng international hospital ang dalawang nasabing Agent na may malaking naitulong sa paghahanap ng cure. May isang grupo ang isa sa mga Agent na tinuturing nang bayani ng lahat. Nanatiling pribado ang kanilang pagkatao. Makikilala r
NAGSIMULA na kaming maglakad. Alam naman ni Mr. Fernandez ang daan palabas dahil ilang beses na siyang nakalabas-pasok dito. Mabuti naman dahil kung hindi ay mahihirapan kaming makalabas at matatagalan din kami.Sa bawat infected na humaharang at sumusugod sa amin ay binabaril naman namin iyon ni Mr. Fernandez. Marami-rami rin ang sumugod sa amin dahilan para maubusan kami ng bala ng baril. Agad na tinapon ko ang baril na hawak ko dahil wala na itong bala.Bigla naman akong napayuko nang mawalan ng balanse si Davin. Agad na nilingon ko siya. Kitang-kita ko ang unti-unting pagtaas ng lila na may kasamang itim na ugat papunta sa leeg at mukha niya."D-Davin..." tawag ko sa pangalan niya nang unti-unti niyang pinikit ang mata niya."I'm o-kay. L-Leave me... n-now," mahina at nakpikit niyang sabi."We don't have some time for your dramatic words, Davin. Tumayo ka, walang
TININGNAN ko ang naghihingalong si Evhon. Naikuyom ko ang kamao ko kasabay no'n ang pagpatak ng luha sa mata ko. Napailing-iling ako nang makita ang isang ngiti sa labi ni Evhon."T-Tama na ang ikalawang buhay na n-naibigay mo sa akin noon. M-Masaya ako sa lahat-lahat ng nangyari, Xanthea. I-Ipinapaubaya ko na ang lahat sa'yo."Humakbang ako palapit sa kanya at lumuhod sa harap niya."Mabubuhay ka—" Pinutol niya ang sasabihin ko."K-Kailangan ka n-nilang lahat. T-Tulungan mo s-sila..."Sunod-sunod na pumatak ang luha ko nang hawakan niya ang kamay ko kung nasaan ang cure. Nakita ko ang bibig niya na may lumalabas ng itim na dugo. Napahikbi na lamang ako. Dahan-dahan niyang iniangat ang kamay niya na nakahawak sa kamay ko at itinutok iyon sa braso ko."I'm sorry..." tanging sabi ko bago mahigpit na hinawakan ang injection at mabilis na itinarak sa leeg ni Evhon. Ang m
"I have no other choice," pabulong na sabi ko. Inangat ko ang dalawang kamay ko na may hawak na baril at itinutok iyon sa padlock ng kulungan ng mga infected. Mahigpit na hinawakan ko ang baril na hawak ko bago pinaputukan ang padlock ng kulungan. Hindi naman ako nabigo—nabaril ko ang tatlong may kalakihang padlock ng kulungan.Nagsilabasan lahat ng mga infected. Bago pa sila tuluyang makalabas sa kulungan ay kaagad na binuksan ko ang pinto ng kwarto. Hinigpitan ko ang hawak ko sa doorknob at hinila ito papalapit sa akin para maitago ko ang sarili sa likod ng pinto.Ungol, sigaw, at putok ng baril ang narinig ko pero nanatili lang ako sa posisyon ko. Ilang sandali lang ay nakarinig ako ng malakas na tunog ng alarm. Agad na umalis ako sa posisyon ko at mabilis na lumabas ng kwarto.Bumungad sa akin sa hallway ang mga sundalong namimilipit sa sakit dahil kinakagat sila ng mga infected. May ibang sundalo r
"ANY last words, Xanthea?" nakangisi na namang sabi ni Wright. Tiningnan ko naman ni Davin. Nanatili siyang nakatitig sa akin hanggang sa bumaba ang tingin niya.Dahan-dahan ko namang sinundan ang tingin niya. Binaba ko rin ang tingin ko hanggang sa paanan ko. Ilang sandali lang ay medyo nagulat naman ako sa nakita ko mula sa kinatatayuan ko pero binawi ko agad ang pagkagulat ko. Sa ibaba ng kinatatayuan ko ay kitang-kita ko ang nakagapos na Dad ni Davin. Made of glass ang sahig na kinatatayuan ko kaya kitang-kita ko sa baba ang Dad niya. Nakaupo ito sa isang upuan at nakatali ang mga kamay at paa nito. Nakita ko rin na nagpupumiglas itong para makawala pero mukhang matibay ang taling nakagapos sa kanya."May huling habilin pa sana ako sa'yo, Terace Wright," seryosong sabi ko. Itinaas ko ang tingin ko at tinitigan ang nakangisi pa rin na si Wright. Kita ko naman ang kaunting pagtatakang gumuhit sa mukha niya nang magkatitigan kami ngunit bin
TUMAKBO naman ako papunta sa likuran ng base kung saan may daanan daw papasok ayon kay Mr. Fernandez. Binilisan ko ang kilos ko. Hindi naman ako nahirapan dahil mabilis akong kumilos at walang infected sa paligid. Nababalutan ng damo ang gilid at likuran ng base.Nang makarating sa likuran ng base ay agad na inikot ko ang paningin sa pader. Ilang sandali lang ay may nakita akong daanan na may grills. Agad na tiningnan ko iyon. Hindi ako nabigong tanggalin ang grills dahil bukas ito. Dito dumaan ang Dad ni Davin kaya malamang bukas ito.Kasya naman ako sa butas kaya mabilis din akong nakalusot doon. Nakapasok ako sa loob at bumungad sa akin ang likuran ng isang katamtamang tent.Dahan-dahan akong naglakad nang makakita ng hallway sa may 'di kalayuan. Maingat ngunit mabilis ang mga hakbang na ginawa ko para makapasok agad sa isang may kalakihang building na kung hindi ako nagkakamali ay ang sentro ng base nila.&nbs
"OO nga pala, Dr. Madrigal. Ano ang epekto ng isang cure na ibinigay ko sa akin? 'Yong dumadaloy sa dugo ko?" tanong ko kay Dr. Madrigal. Tiningnan lang niya ako ng ilang minuto bago ngumiti at sumagot sa tanong ko."Siguro... hahayaan kita na ikaw mismo ang tumuklas kung anong klaseng cure ba iyon, at kung bakit iyon napakahalaga," nakangiti niya sabi.NAPAAWANG ang bibig ko nang maalala ang pag-uusap namin ni Dr. Madrigal tungkol sa pinakamahalagang cure na nasa akin.Gulat kong iniangat ang dalawang kamay ko at mariin itong tinitigan."Hindi sila lumalapit sa akin... dahil sa cure na dumadaloy sa katawan ko," pabulong na sambit ko.Napabalik ako sa reyalidad nang may maramdamang humila sa akin at dinala ako sa isang madilim na parte ng kalsada. Hindi agad ako nakagalaw kaya madali niya akong nahila."Sino ka?!" mariin na tanong ko. Akmang magpupumiglas na