ANG mission na tinutukoy ko ay ang pagprotekta sa isang business man sa Paris, natapos rin naman namin iyon. Wala kaming closure dahil trabaho lang ang iniisip namin noon. Sinunod lang namin ang pinautos sa amin at pagkatapos ng mission na iyon ay umuwi kami na parang wala lang at hindi na nagkita pa. Ngayon ko lang ulit siya nakita sa kabila ng mahigit isang taon. Interesado ako sa mga professional solo agents pero hindi iyon magiging dahilan para isama ko siya sa team ko.
Bukod sa pagiging Leader ko sa Zyn Team ay professional solo private agent din ako. May kumukuha sa akin na ako lang mag-isa para gawin ang isang mission o request ng customer. Tumatanggap ako pero depende sa trabaho kung makakaya ko ba.
"I resigned as a solo private agent dahil dito. Dad gave me some reasons kaya napapayag niya ako sa bagong mission na ito." He was a half British and a half Australian. Marunong siyang
"TANGGAPIN mo si Davin sa team mo, babantayan ka niya. This is not just for your own good, ikaw ang may hawak sa cure ng Pilipinas. Be safe Miss Rodriguez."Biglang nawala ang video matapos ko itong buksan. Hinanap ko ulit ito sa gallery pero hindi ko na makita kaya inihagis ko ito sa may pinto.Oo, gusto kong mahanap ang cure pero ngayong nahanap at nalaman ko na, parang ayoko nang mabuhay sa mundo. Alam kong kapag nalaman nila na nasa akin ang cure, siguradong hahabulin nila ako. Wala namang problema sa akin iyon. Ang ayoko lang doon ay baka kapag nahuli ako ay pag-aagawan nila ako. They will do experiments to me for sure. Kailangan kong mag-ingat sa bawat kilos ko.Gusto kong makita si Dr. Madrigal. Gusto ko siyang murahin at bugbugin pero hindi iyon makakatulong. Wala na akong magagawa, kailangan kong magtiwala sa kanya pero saka na ako magtitiwala ng lubusan kapag tama nga ang sinabi niya tungkol sa cure. Susubukan ko ang ibinigay niyang asul na likido pero
MULA sa bintana ay kitang-kita ko ang mga sundalo na naglalakad, natataranta at tumatakbo. Napakunot naman ang noo ko dahilan para mas sundan ko ng tingin ang mga sundalo. Rinig din mula dito sa kinaroroonan ko ang kanilang ginagawang ingay at may boses din akong naririnig mula sa baba. Natuon ang atensiyon ko sa isang sundalo na tumatakbo papunta sa isang sundalo rin na kung hindi ako nagkakamali ay Leader ng mga sundalo dahil sa suot nito.Marami na akong nakaharap na mga sundalo at alam ko ang mga palatandaan ng posisyon nila. Hindi naman medyo malayo ang kinaroroonan nila at may mga ilaw sa baba kaya kitang-kita ko sila."Sir, may mga taong gustong pumasok dito but they are all wounded." I heard one of the security saying those words to their Leader."Don't let them in, if they really want to get in, then kill them all," maawtoridad at seryoso namang sagot ng kanilang Leader.Napapikit ako at pinakiramdaman an
UNGOL at mga hakbang ng paa ang naririnig ko sa labas. Inikot ko ang mata ko sa loob ng comfort room dahil baka may makita akong butas na puwedeng madaanan. Hindi naman ako nabigo. May nakita akong sa itaas ng kisame, wala itong harang at mukhang kasya naman ako sa butas. Ang problema na lang ngayon ay kung paano ako makakaakyat. Wala akong makitang puwede kong patungan para makapasok sa may butas.Kaagad na hinalukat ko ang backpack na hawak-hawak ko na. Hinanap ko ang mga darts, nakita ko naman iyon agad. Isinara ko agad ang backpack at isinabit sa dalawang balikat ko. Limang darts...sapat na ito para makaabot ako sa butas na nasa may kisame ng comfort room.Binuksan ko ang zipper ng jacket ko para malaya akong makagalaw. Inilagay ko muna ang darts sa ilalim ng jacket ko at kumuha ng dalawa. Ibinaon ko ang isa sa dingding ng comfort room, at isa naman sa itaas pa kung saan ko ibinaon ang unang dart. Kumuha na naman ako
MGA ilang minuto lang ang lumipas ay may nakita na akong labasan. Hindi ako sure kung ligtas ba talaga doon. Gumapang ako nang gumapang."We are here. Hindi ka pa ba nakaabot sa labasan? We are wating here," rinig kong sabi ni Davin."Malapit na ako," sabi ko at inilagay sa loob ng jacket ko ang maliit na cellphone para hindi ako mahirapan na gumapang.Ilang minuto lang ang lumipas ay nakarating din ako sa may labasan. May nakaharang na malalaking grills sa pabilog na labasan. Kinuha ko ang lazer sa backpack at ginamit iyon para buksan ang nakaharang. Pagbukas ko ay nahulog ang backpack sa baba kaya napamura ako at napatingin sa ibaba.Mukhang nasa likod ito ng base. Ang ginapangan ko ay papunta sa likod ng gate ng base at ang end point nito ay sa labas ng gate kung saan may mga puno sa may 'di kalayuan. Tiningnan ko ang langit, kung hindi ako nagkakamali ay pass two o'clock na ng hapon ngayon. Binalik ko ul
NAPATINGIN ako sa may likuran ko nang may maramdamang mga matang nakatingin sa akin. Nakita ko si Aira na nakatingin sa akin. Nabaling ang atensiyon ko sa katabi niyang si Vhon na natutulog."Sorry kanina, hindi talaga kita nakilala. Sinabi sa akin ni Vhon na ikaw si Xanthea—ang kaibigan niya na tumulong sa amin kaya nagulat ako. You've change a lot, ibang-iba ka sa mga pictures na ipinapakita sa akin ni Vhon. I didn't really recognize you. Sorry kung naitulak kita," sincere na sabi ni Aira sa akin."Ayos lang, hindi ko rin naman naipakilala ang sarili ko. Tapos na rin naman iyon. Bakit nga pala kayo napasama sa team? Hindi ba't dapat ay nasa safe place na kayo kasama sina Vin? Nasaan siya?" tanong ko sa kanya. Nilingon ko naman ang team ko."Si Vincent, Belle, at ang mag-asawa ay naunang ipinadala sa safe place. Apat ang inuna, isusunod na sana sina Vhon, at Aira kaso nangyari ang nangyari sa base. May nakapasok n
"ITATABI ko na ang van," sabi ni Justin. Binuksan ni Davin ang bintana ng van kaya sumilip ako. May nakita naman akong malaking mansiyon sa harap namin. Kulay puti iyon at kung titingnan ng mabuti ay may dalawang palapag ang bahay. May kulay itim din itong gate."Papasok kami, dito lang kayo," sabi ni Davin bago lumabas ng van. Hindi naman ako umangal pa, at nanatili na lang sa van. Sina Sebastian, Justin, at Davin ang pumasok sa loob ng bahay para tingnan kung wala bang infected.Naghintay lang kami sa van. Lumipas ang ilang minuto ay bumalik rin naman ang boys, at saka kami pumasok sa loob ng mansiyon. Walang daw tao sa loob kaya safe kaming magpalipas ng gabi doon.Sabay kaming lahat na naglakad papasok sa mansiyon habang ang van naman namin ay nasa harap lang ng gate. Medyo malayo ang kinaroroonan namin sa siyudad. Parang nasa gitna kami ng malawak na palayan. Mukhang ligtas naman dito.
"A-ANO? Bakit hindi mo sinabi kaagad sa akin?" medyo may pagkainis kong tanong. Kumawala ako sa yakap niya, at hinarap niya."D-dahil baka patayin n-niyo siya agad.""Sige...ganito na lang. Pumunta ka sa kusina. Nandoon sina Sebastian, at Sam. Huwag kang magpapahalata sa kanilang dalawa. Kumuha ka ng isang boteng may lamang tubig. Basta may tubig, iyong tubig na inumin ang kunin mo. Aakyat ako sa itaas kung nasaan si Vhon. Sumunod ka agad," utos ko kay Aira. Pinahiran naman niya ang luha niya, at tumango.Tumayo ako, at kinuha ang backpack na nasa katabi ko. Hinintay ko muna si Aira na makapunta sa kusina bago ko tinungo ang hagdanan paakyat sa pangalawang palapag ng bahay. Napahinto naman ako sa gitna ng hagdan nang may maalala, hindi ko nga pala alam kung saan ang kwarto ni Vhon.Napailing-iling na lang ako. Tumakbo ako sa itaas, at hinanap sa nga kwarto si Vhon. Bawat kwarto na makikita ko ay binubuksan ko iyon. Nakakalimang
"ANONG nangyari?" bungad na tanong sa akin ni Justin, kasama niya si Jasmin."Wala, nagutom lang si Vhon kaya nagwala siya. Iba kaso siya magutom, mabuti nga at hindi siya nangangain. Hindi pa ba tapos maghain sina Sam?" pabalik na tanong ko."Hindi namin alam, hindi pa kami pumunta sa kusina," sagot naman ni Jasmin."Sigurado ka ba talaga na ayos lang ang nasa loob ng kwartong iyan?" tanong ni Justin."Oo, pinapakalma na siya ni Aira. Check Sam, and Sebastian kung tapos na ba sila sa kusina. Tawagin niyo sina Aira kapag may nakahanda ng pagkain. Sa labas lang ako." Hindi ko na hinintay pa na sumagot sina Justin at Jasmin. Iniwan ko na sila, at bumaba na.Dala ko ang back pack ko habang tinutungo ang labas ng bahay. Nang makalabas ako sa mansiyon ay bumungad sa akin ang isang garden at ang mga halaman na buhay pa sa paligid. Kahit gabi na ay kitang-kita ko pa rin ang mga kulay ng mga ito dahil sa buwan na nagsisilbing ilaw sa paligid.