Share

Chapter 5

"Z-VIRUS, a virus that can also be an abnormal disease. The symptoms of this are, eating part of human bodies, drinking human blood, and the eyes will become all white. If someone would be bitten or eaten, they wouldn't die. Instead of dying, they will become one of these creatures. They must be called Zombies but we are in reality so the authorities called it the Z-Virus — a virus that will slowly eat humans on the earth. And, the first target of this virus was the people in the Philippines. There is still no cure, and remedy of this so called virus. As for safety, always be alert, wise, and brave to face those creatures. To beat those things, you have to destroy their brains so they would totally die and can never go back to destroy humanity. Keep safe everyone and don't be scared to seek help."

Napasandal ako nang mabasa ang ang nasa document na ipinadala ni Jasmin sa akin.

"Sa kagagawa nila ng movie na zombies, nagkakatotoo na ang mga kathang-isip na iyon!" 

"Totoo ba iyan, Xan?" tanong ni Vincent.

"Oo pero hindi ito ang oras para matakot, Vin. Natapos mo na ba ang ginagawa mo sa cellphone ko, Vhon?" Ibinaling ko ang tingin kay Vhon na busy sa ginagawa niya sa cellphone ko.

"Malapit na, teka lang."

Matapos ang ilang sandali ay ibinigay niya iyon sa akin.

"Para saan ba 'yan?" tanong ni Vin.

"Para malaman kung nasa safe place ba ang family niyo. Si Jasmin ang tutulong sa atin na malaman ang kalagayan ng pamilya niyo. May lists sila sa mga nailikas, at naihatid sa safe place."

"Ano ang plano ngayon?" tanong ni Vhon. 

"Kailangan nating makauwi agad." Tiningnan ko ang orasan sa laptop ko. 

"We don't have much time, kapag nakauwi tayo, hindi natin sila maabutan. Kailangan nating lumikas na tayo lang," seryoso kong sagot kay Vin.

"Saan ba iyong ang safe place na sinasabi mo?" tanong ni Vin habang nagmamaneho.

"The safe place is located at the center of the ocean. There is a big ship where the safe people are being evacuated there," basa ko sa information galing kay Jasmin. Walang specific na place ang nakalagay kung saan talaga ang safe place.

"May susundo ba sa atin papunta doon?" tanong na naman ni Vhon.

"Wala."

Hindi ko na muna sila pinansin, at itinuon muna ang atensiyon sa cellphone ko nang tumunog iyon. May reply galing kay Jasmin. Ang bilis niya talagang kumilos.

"Safe lahat ng pangalan na ipinadala mo," pagbasa ko sa message ni Jasmin. Tiningnan ko naman sina Vin, at Vhon na nakatingin din sa akin.

"Babalik tayo doon pero wala na sila. May nakahandang helicopter sa isa sa mga lugar doon. Gagamitin natin iyon para makalayo dito at para makapunta sa ligtas na lugar. Vin, itabi mo muna ang kotse."

"Bakit?" naguguluhang tanong ni Vin.

"Gawin mo na lang!" utos ko. Itinabi niya naman agad ito at nakipagpalit ako ng posisyon sa kanya. Ako naman ngayon ang nasa driver's seat.

"Close your eyes, fasten your seatbelts, and get ready," nakangisi kong sabi at kaagad na pinaandar nang mabilis ang kotse. Hindi na ako nag-abala pa na tingnan ang reaksiyon nina Vhon at Vin dahil bukod sa naiinis ako sa Z-Virus na iyon, galit rin ako dahil hindi natuloy ang road trip sana namin. At mas galit ako dahil ang bakasyon ko ay masisira dahil lang sa isang virus!

Hinayaan kong ang kaliwang kamay ko ang magkaroon ng kontrol sa manubela samantalang ang kanang kamay ko naman ay hinalukat ang cellphone ko para tawagan si Jasmin. Inilagay ko sa tenga ko ang headset para hindi ako mahirapang magkipag-usap sa kabilang linya. Matapos ang ilang ring ay sinagot din naman niya.

"Kulang ang impormasyon na ipinadala mo. Where did the virus came from? Paano ito nagsimula and who the hell is that crazy person na gumawa ng virus na iyon na wala man lang antidote o cure?" may pagkainis na bungad ko sa kabilang linyang nang sagutin niya ito.

"We will discuss it when you arrived here Xan, may map sa helicopter. Sundan mo lang iyon dahil map iyon papunta dito sa kinaroroonan namin. Jasmin was busy here so mamaya na lang. Keep safe and make sure na makakapunta ka dito dahil kailangan ka namin." Pinatay niya ang tawag. Kung hindi ako nagkakamali ay si Justin iyon, ang kapatid ni Jasmin. Pabagsak na tinanggal ko ang headseat sa tainga ko.

Itinuon ko na lang ako sa harap at seryosong nagmaneho. Pasalamat ang gumawa ng virus dahil buhay ang pamilya ko at wala ni isang nasaktan dahil kung mayroon man, dadalhin ko talaga siya sa kabilang buhay.

"BILISAN niyo na diyan, kailangan na nating magmadali dahil kalat na ang virus. Ayaw niyo naman sigurong kainin ng mga iyon hindi ba?" Hindi nila ako sinagot kaya hinayaan ko na lang sila sa ginagawa nila.

Halos isang oras at kalahati lang ang biyahe namin dahil sa sobrang bilis ko magmaneho ng kotse. Ang dalawa naman ay nasusuka at nahihilo kaya hinayaan ko muna saglit. Mukhang napabilis yata siguro ang pagmaneho ko kanina. 

Pansin ko rin kanina, habang nagmamaneho ako ay wala akong makitang tao sa dinadaanan namin. Ang mga bahay na nasa paligid ay parang walang tao? Nailikas na kaya nila lahat ng tao sa mindanao? Sa pagkakaalam ko ay inilikas ang iba pang tao sa iba't-ibang bahagi ng Pilipinas na hindi na naapektuhan ng virus pero mas marami ang mga awtoridad na naglikas sa mga tao sa Mindanao dahil malayo ito sa Luzon kung saan nagsimula ang virus.

Inikot ko ang mata ko sa paligid. Nasa oval kami ng isang elementary school at nasa harap namin ang helicopter. Walang katao-tao dito at sobrang tahimik ng paligid. Mukhang nailikas na nila ang mga tao sa lugar namin.

Naglakad ako papalapit sa helicopter at pumasok doon. Tiningnan ko kung ano-ano ang mga nasa loob. Itim ang helicopter at kung susuriin ay maganda ang pagkakagawa nito. May dalawang upuan sa likuran at dalawa rin sa harap kung saan may magmamaneho. Matapos ang ilang minutong pagtingin ay lumabas ako at tinungo ang kinaroroonan nina Vin at Vhon.

Ngayon ko lang namalayan na nagdidilim na ang kalangitan kahit tanghali pa. Hindi naman mukhang uulan. Napatingin ako sa relo ko, lunch time na pala. Nilingon ko ang dalawa na nasusuka pa rin. Nasusuka sila sa kotse, ano pa kaya sa helicopter?

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status