NAALIMPUNGATAN ako dahil sa ingay na nagmumula sa labas ng pinto. Itinakip ko ang unan ko sa tenga ko. Gusto ko pang matulog.
"Ate! Kain na!" rinig kong sigaw ni Kate mula sa labas ng pinto. Napabangon naman ako, ang ingay niya talaga. "Oo na, lalabas na ako. Huwag ka nang sumigaw."
Narinig ko naman ang pagtawa niya mula sa labas kaya napailing-iling na lang ako. Nakalimutan ko ba na sabihin na si Kate ay sixteen years old na pero para pa rin siyang bata kung umasta. Well, mabuti na iyon kaysa puro crush o lovelife ng inaatupag. Pinagsasabihan din naman namin siya kapag sumusobra na ang pagiging childish niya.
Kinuha ko ang cellphone ko bago lumabas ng kwarto. May reply na si Evhon. Evhon ang nakasave sa contacts ko pero Vhon-Vhon talaga ang tawag ko sa kanya. May isa pa, si Vincent, pero Vin ang tawag ko sa kanya.
Close kami since I was in Senior High but slowly, nawala ang communication namin when I graduated in College, and nabalik lang ulit ito this year. Last month ang huli naming communication ni Evhon. Alam niyang uuwi ako this month kaya siguro nagparamdam.
"Bukas, punta ka dito sa bahay. Bring your precious car, and some things na rin. Road trip tayo," pagbabasa ko sa message niya na may kasama pa na tumatawang emoji. Seriously? Precious car talaga? Dapat ako ang magsabi n'on dahil mas asenso siya sa akin.
Napailing-iling na lang ako.
"Mamaya na 'yang cellphone Xanthea, kumain ka na," biglang sabi ni Mama.
Itinabi ko naman ang cellphone ko at tumingin sa may bintana ng kusina. Madilim na pala? Ang bilis naman. Lunch time nang dumating ako dito kanina. Natulog lang ako, may nagbago na.
"Mama, may road trip po kami nina Vhon, at Vincent bukas. Dadalhin ko iyong pulang kotse." May pula kaming kotse, at may van rin kami dito sa bahay. May sasakyan din ako na nasa Japan. Upgraded ang mga kotse sa Japan kaya maganda talagang gamitin iyon.
"At kailan naman kayo uuwi?" tanong ni Papa.
"Ewan, basta hindi rin po kami aabot ng isang taon sa road trip namin."
"Oh sige basta mag-iingat lang kayo. Magulo ang mga nangyayari ngayon. May balita na may nangyayaring hindi maipaliwanag sa bandang Luzon. Hindi masabi kung saan sa Luzon," paalala ni Papa. Tumango lang ako.
"Saan niyo naman po nakuha ang balit?" tanong ko.
"Sa telebisyon kanina lang. Pinaiingat ang mga tao. Huwag na lang kayang ituloy ang gala niyo?"
"Pumayag na ako Papa e. Don't worry, mag-iingat naman ako," paninigurado ko para hindi na sila mag-alala.
"Mamaya na kayo mag-usap. Kumain muna kayo," sabi naman ni Mama. Hindi na kami nagsalita pa ni Papa.
Ano kayang meron? Hindi ako nakapanood ng balita simula noong bumiyahe ako papunta dito.
"Kate, hugasan mo ang mga pinggan pagkatapos kumain," sabi ni Mama dahilan para tumawa ako ng mahina.
"Ang daya, ako na naman? Si Ate kaya ang pahugasin niyo, matagal na rin siyang hindi nakahugas e," pagmamaktol ni Kate.
"Ano ka ba bunso, Ate mo ako. Saka napagod talaga ako sa biyahe e. Ikaw na ang bahala ah? Sige good night." Tumayo ako at dumeretso sa kwarto. Napatawa naman ako sa reaksiyon ni Kate nang sabihin ko iyon.
Hinanap ko ang laptop ko sa maleta at umupo sa kama. Nilo-locate ko sina Justin, at Jasmin, magkapatid silang dalawa. Nagtext kasi sa akin si Jasmin na nasa Pilipinas daw sila. Kasama ko sila sa trabaho at gusto ko sanang malaman kung bakit sila nandito sa Pilipinas. Sa pagkakaalam ko ay may trabaho pa sila sa Japan kaya bakit sila nandito sa Pilipinas?
Mga ilang minuto lang ay napahiga ako sa kama dahil hindi ko sila mahanap. Sa mga ganitong sitwasyon ay baka nga may nangyayaring hindi maganda. Posibleng naputol ang linya kaya hindi ko sila mahanap.
Hindi ko rin sila matawagan sa cellphone. Nakapagtataka naman. Siguro, iba lang talaga ang signal dito sa Pilipinas kesa sa Japan. Napabuntong hininga na lang ako. Bukas ko na lang ulit gagawin ito dahil lumalalim na rin ang gabi. Ipapahinga ko na muna ang katawan ko. Nabitin talaga ako sa tulog ko kanina e. Ipinikit ko ang mata ko at tuluyan na akong hinila ng kadiliman.
NAGISING ako dahil sa sinag ng araw na nagmumula sa labas. Tiningnan ko ang orasan na nakadikit sa may dingding ng kwarto. Alas-otso na ng umaga. Bumangon ako, at lumabas na ng kwarto. Nakita ko ang kapatid ko sa sala na nanonood ng korean movie. Napailing-iling na lang ako at saka tinungo ang kusina. May nakahanda ng almusal doon.
"Ate! Umalis sina Mama at Papa. Sabi nila mag-ingat ka raw sa road trip niyo!" sigaw ni Kate mula sa sala. Oo nga pala, may road trip kami nina Vin at Vhon. Tiningnan ko ang orasan sa may dingding ng kusina, mahaba pa ang oras.
Umupo ako sa may upuan at kinain ko ang egg and bacon na nasa mesa. Mukhang si Mama ang nagluto nito.
"Alam mo ba kung saan nagpunta sina Mama at Papa?" tanong ko kay Kate. Maririnig niya ako dahil hindi naman gaano kalayo ang sala sa kusina.
"Bumili yata ng groceries Ate," rinig ko namang sagot niya. Tumango ako at nagpatuloy na sa pagkain.
Pagkatapos kong kumain ay bumalik agad sa kwarto para mag-ayos ng sarili at mag-ayos ng gamit na dadalhin ko sa road trip. Saan kaya puwedeng pumunta?
BACKPACK lang ang dinala ko. May konting gamit at dala ko rin ang laptop ko. Hindi ko iniiwan ang laptop ko dahil kailangan ko ito sa kahit anong oras o lugar. Pagkatapos magbihis ay kinuha ko ang backpack ko at tinungo ang garahe. Hindi na ako nagpaalam sa bunso kong kapatid dahil busy siya sa panonood ng korean drama. Mabuti na iyon kaysa gumala siya kung saan-saan.
Binuksan ko ang garage namin, at sumakay sa pulang kotse. Bago ako umalis ay sinara ko muna ang gate saka pinaandar na naman ang kotse papalayo sa bahay namin.
Hindi masyadong nag-aalala sina Mama at Papa kapag umaalis ako dahil may tiwala sila sa akin. Malaki na ako kaya alam nila na alam ko kung ano ang pinaggagawa ko sa buhay. Hindi rin naman ako gumagawa ng mga bagay na ikakasira ko... depende.
For many years, makikita ko na naman ang dalawang kaibigan ko. Ano na kayang mga hitsura ng mga iyon? Mas lalo kaya silang pumangit? Nakita ko na ang mga pictures nila sa social media. Iba pa rin sa pictures kapag kaharap mo na.
"Z-VIRUS, a virus that can also be an abnormal disease. The symptoms of this are, eating part of human bodies, drinking human blood, and the eyes will become all white. If someone would be bitten or eaten, they wouldn't die. Instead of dying, they will become one of these creatures. They must be called Zombies but we are in reality so the authorities called it the Z-Virus — a virus that will slowly eat humans on the earth. And, the first target of this virus was the people in the Philippines. There is still no cure, and remedy of this so called virus. As for safety, always be alert, wise, and brave to face those creatures. To beat those things, you have to destroy their brains so they would totally die and can never go back to destroy humanity. Keep safe everyone and don't be scared to seek help." Napasandal ako nang mabasa ang ang nasa document na ipinadala ni Jasmin sa akin."Sa kagagawa nila ng movie na zom
PAGKALAPAG ng helicopter ay may lumapit sa aming mga sundalo at nakasuot na mask na mga scientists at doctors. Inilalayan nila sina Vhon at Vin. Dinala nila ang dalawa sa kung saan. "May gagawin kaming test sa inyo Ma'am dahil baka infected kayo, para na rin po ito sa kaligtasan ng lahat dito sa base," paliwanag ng isang babae na sundalo."Required ba talaga? I am not infected.""Yes, Ma'am. Don't worry, it will not take long," sabi naman niya. "Ako na ang bahala sa kanya." Napatingin naman ako sa lalaking nakasuot ng mask at nakasuot ng damit na gaya ng doctor. Tumango ang sundalo at inalalayan akong maglakad kasama ang lalaking kung hindi ako nagkakamali ay isang doctor o scientist. Sumama na lang ako sa kanila, ayoko nang kumontra dahil para rin naman ito sa kaligtasan ng lahat. Nakita ko naman sina Jasmin at Justin na gusto akong lapitan pero hindi sila makalapit dahil hinaharangan sila ng mga
"Z-VIRUS, a virus that can also be an abnormal disease. The symptoms of this are, eating part of human bodies, drinking human blood, and the eyes will become all white. If someone would be bitten or eaten, they wouldn't die. Instead of dying, they will become one of these creatures. They must be called Zombies but we are in reality so the authorities called it the Z-Virus — a virus that will slowly eat humans on the earth. And, the first target of this virus was the people in the Philippines. There is still no cure, and remedy of this so called virus. As for safety, always be alert, wise, and brave to face those creatures. To beat those things, you have to destroy their brains so they would totally die and can never go back to destroy humanity. Keep safe everyone and don't be scared to seek help." Napasandal ako nang mabasa ang ang nasa document na ipinadala ni Jasmin sa akin. "Sa kagagawa nila ng movie na zombie
"HALI na kayo, baka maabutan pa tayo ng mga infected dito. Wala tayong armas para kalabanin ang mga infected lalo na kung marami sila. Kapag hindi pa tayo umalis, baka iwanan ko kayo, " pananakot ko sa kanila kaya agad naman silang lumapit sa akin. "Ayos na ako, tayo na," sabi ni Vhon. "Ayos na rin ako, teka...walang driver ang helicopter? Sino ang magmamaneho?" nagtatakang sabi ni Vin. Ngumisi naman ako habang nakatingin sa kanilang dalawa. "Don't tell me..." may gulat na sabi ni Vhon. Tinalikuran ko na sila at nauna nang maglakad papunta sa helicopter. Kakaiba ng helicopter na ito, kaya nitong lumipad kahit isang tao lang ang nagpapalipad at hindi rin ito maingay na helicopter. Naramdaman ko namang sumunod sa akin sina Vin at Vhon.
PAGKALAPAG ng helicopter ay may lumapit sa aming mga sundalo at nakasuot na mask na mga scientists at doctors. Inilalayan nila sina Vhon at Vin. Dinala nila ang dalawa sa kung saan. "May gagawin kaming test sa inyo Ma'am dahil baka infected kayo, para na rin po ito sa kaligtasan ng lahat dito sa base," paliwanag ng isang babae na sundalo. "Required ba talaga? I am not infected." "Yes, Ma'am. Don't worry, it will not take long," sabi naman niya. "Ako na ang bahala sa kanya." Napatingin naman ako sa lalaking nakasuot ng mask at nakasuot ng damit na gaya ng doctor. Tumango ang sundalo at inalalayan akong maglakad kasama ang lalaking kung hindi ako nagkakamali ay isang doctor o scientist. Sumama na lang ako sa kanila, ayoko nang kumontra dahil para rin naman ito sa kaligtasan ng lahat. Nakita ko naman sina Ja
"JAS? Kilala mo ba ang scientist na iyon?" pagtatanong ko kay Jasmin. Nagpaiwan si Justin sa may mga tent dahil may aasikasuhin daw siya kaya si Jasmin na lang ang sumama sa akin papunta sa magiging kwarto ko dito sa base. "Hindi mo ba naaalala? Siya ang scientist na niligtas mo five months before, doon sa Paris. He almost died because he wants to commit suicide but you came and save him." Naalala ko na. Siya pala iyong nakita kong magpapakamatay sana sa isang building sa Paris. Tatalon sana siya sa pinakamataas na building but I saw him kaya hindi niya naituloy ang gagawin niya dahil pinigilan ko agad siya. Napunta ako noon sa Paris dahil may misyon ako doon. Hindi ko naman inaasahan na magkikita kami ng scientist na iyon doon. "Ano ang full name niya?" "Hindi ko alam Xan, basta nagmakaawa lang siya na siya ang aasikaso sayo dahil may importante raw siyang sasabihin sa'
NAGISING ako sa katok ng pinto na nagmumula sa mismong pintuan ng kwarto ko. I yawned and stand up to check kung sino ang kumakatok. Binuksan ko ang pinto at bumungad sa akin sina Vin at Vhon. Nakita ko naman ang pag-aalala sa mukha ni Vhon kaya napakunot ang noo ko. "Ano ang ginagawa niyo dito?" agad na tanong ko. Agad silang pumasok sa kwarto ko kaya mas lalo naman akong nagtaka. Isinara ni Vin ang pinto at hinarap naman ako ni Vhon. "Hindi kami puwede dito, tumakas lang kami Xan. We need your help," hindi mapakaling sabi ni Vhon. "Bakit? Anong problema? Madaling araw pa lang at madilim pa sa labas. Puwede namang mamaya na kapag sumikat na ang araw," medyo naiinis kong sabi ako dahil sinira nila ang mahimbing kong pagtulog. "I'm sorry Xan. Si Aira kasi..." may lungkot na sabi ni Vhon. Napakamot naman ako ng ulo. "Oh? Anong meron kay Aira? Hindi mo pa rin nakokontak? Bukas na lang Vh
MGA ilang minuto lang ang lumipas ay may nakita na akong labasan. Hindi ako sure kung ligtas ba talaga doon. Gumapang ako nang gumapang. "We are here. Hindi ka pa ba nakaabot sa labasan? We are wating here," rinig kong sabi ni Davin."Malapit na ako," sabi ko at inilagay sa loob ng jacket ko ang maliit na cellphone para hindi ako mahirapan na gumapang. Ilang minuto lang ang lumipas ay nakarating din ako sa may labasan. May nakaharang na malalaking grills sa pabilog na labasan. Kinuha ko ang lazer sa backpack at ginamit iyon para buksan ang nakaharang. Pagbukas ko ay nahulog ang backpack sa baba kaya napamura ako at napatingin sa ibaba. Mukhang nasa likod ito ng base. Ang ginapangan ko ay papunta sa likod ng gate ng base at ang end point nito ay sa labas ng gate kung saan may mga puno sa may 'di kalayuan. Tiningnan ko ang langit, kung hindi ako nagkakamali ay pass two o'clock na ng hapon ngayon.