Share

Chapter 3

"Z-VIRUS, a virus that can also be an abnormal disease. The symptoms of this are, eating part of human bodies, drinking human blood, and the eyes will become all white. If someone would be bitten or eaten, they wouldn't die. Instead of dying, they will become one of these creatures. They must be called Zombies but we are in reality so the authorities called it the Z-Virus — a virus that will slowly eat humans on the earth. And, the first target of this virus was the people in the Philippines. There is still no cure, and remedy of this so called virus. As for safety, always be alert, wise, and brave to face those creatures. To beat those things, you have to destroy their brains so they would totally die and can never go back to destroy humanity. Keep safe everyone and don't be scared to seek help."

Napasandal ako nang mabasa ang ang nasa document na ipinadala ni Jasmin sa akin.

"Sa kagagawa nila ng movie na zombies, nagkakatotoo na ang mga kathang-isip na iyon!"

"Totoo ba iyan, Xan?" tanong ni Vincent.

"Oo pero hindi ito ang oras para matakot, Vin. Natapos mo na ba ang ginagawa mo sa cellphone ko, Vhon?" Ibinaling ko ang tingin kay Vhon na busy sa ginagawa niya sa cellphone ko.

"Malapit na, teka lang."

Matapos ang ilang sandali ay ibinigay niya iyon sa akin.

"Para saan ba 'yan?" tanong ni Vin.

"Para malaman kung nasa safe place ba ang family niyo. Si Jasmin ang tutulong sa atin na malaman ang kalagayan ng pamilya niyo. May lists sila sa mga nailikas, at naihatid sa safe place."

"Ano ang plano ngayon?" tanong ni Vhon.

"Kailangan nating makauwi agad." Tiningnan ko ang orasan sa laptop ko.

"We don't have much time, kapag nakauwi tayo, hindi natin sila maabutan. Kailangan nating lumikas na tayo lang," seryoso kong sagot kay Vin.

"Saan ba iyong ang safe place na sinasabi mo?" tanong ni Vin habang nagmamaneho.

"The safe place is located at the center of the ocean. There is a big ship where the safe people are being evacuated there," basa ko sa information galing kay Jasmin. Walang specific na place ang nakalagay kung saan talaga ang safe place.

"May susundo ba sa atin papunta doon?" tanong na naman ni Vhon.

"Wala."

Hindi ko na muna sila pinansin, at itinuon muna ang atensiyon sa cellphone ko nang tumunog iyon. May reply galing kay Jasmin. Ang bilis niya talagang kumilos.

"Safe lahat ng pangalan na ipinadala mo," pagbasa ko sa message ni Jasmin. Tiningnan ko naman sina Vin, at Vhon na nakatingin din sa akin.

"Babalik tayo doon pero wala na sila. May nakahandang helicopter sa isa sa mga lugar doon. Gagamitin natin iyon para makalayo dito at para makapunta sa ligtas na lugar. Vin, itabi mo muna ang kotse."

"Bakit?" naguguluhang tanong ni Vin.

"Gawin mo na lang!" utos ko. Itinabi niya naman agad ito at nakipagpalit ako ng posisyon sa kanya. Ako naman ngayon ang nasa driver's seat.

"Close your eyes, fasten your seatbelts, and get ready," nakangisi kong sabi at kaagad na pinaandar nang mabilis ang kotse. Hindi na ako nag-abala pa na tingnan ang reaksiyon nina Vhon at Vin dahil bukod sa naiinis ako sa Z-Virus na iyon, galit rin ako dahil hindi natuloy ang road trip sana namin. At mas galit ako dahil ang bakasyon ko ay masisira dahil lang sa isang virus!

Hinayaan kong ang kaliwang kamay ko ang magkaroon ng kontrol sa manubela samantalang ang kanang kamay ko naman ay hinalukat ang cellphone ko para tawagan si Jasmin. Inilagay ko sa tenga ko ang headset para hindi ako mahirapang magkipag-usap sa kabilang linya. Matapos ang ilang ring ay sinagot din naman niya.

"Kulang ang impormasyon na ipinadala mo. Where did the virus came from? Paano ito nagsimula and who the hell is that crazy person na gumawa ng virus na iyon na wala man lang antidote o cure?" may pagkainis na bungad ko sa kabilang linyang nang sagutin niya ito.

"We will discuss it when you arrived here Xan, may map sa helicopter. Sundan mo lang iyon dahil map iyon papunta dito sa kinaroroonan namin. Jasmin was busy here so mamaya na lang. Keep safe and make sure na makakapunta ka dito dahil kailangan ka namin." Pinatay niya ang tawag. Kung hindi ako nagkakamali ay si Justin iyon, ang kapatid ni Jasmin. Pabagsak na tinanggal ko ang headseat sa tainga ko.

Itinuon ko na lang ako sa harap at seryosong nagmaneho. Pasalamat ang gumawa ng virus dahil buhay ang pamilya ko at wala ni isang nasaktan dahil kung mayroon man, dadalhin ko talaga siya sa kabilang buhay.

"BILISAN niyo na diyan, kailangan na nating magmadali dahil kalat na ang virus. Ayaw niyo naman sigurong kainin ng mga iyon hindi ba?" Hindi nila ako sinagot kaya hinayaan ko na lang sila sa ginagawa nila.

Halos isang oras at kalahati lang ang biyahe namin dahil sa sobrang bilis ko magmaneho ng kotse. Ang dalawa naman ay nasusuka at nahihilo kaya hinayaan ko muna saglit. Mukhang napabilis yata siguro ang pagmaneho ko kanina.

Pansin ko rin kanina, habang nagmamaneho ako ay wala akong makitang tao sa dinadaanan namin. Ang mga bahay na nasa paligid ay parang walang tao? Nailikas na kaya nila lahat ng tao sa mindanao? Sa pagkakaalam ko ay inilikas ang iba pang tao sa iba't-ibang bahagi ng Pilipinas na hindi na naapektuhan ng virus pero mas marami ang mga awtoridad na naglikas sa mga tao sa Mindanao dahil malayo ito sa Luzon kung saan nagsimula ang virus.

Inikot ko ang mata ko sa paligid. Nasa oval kami ng isang elementary school at nasa harap namin ang helicopter. Walang katao-tao dito at sobrang tahimik ng paligid. Mukhang nailikas na nila ang mga tao sa lugar namin.

Naglakad ako papalapit sa helicopter at pumasok doon. Tiningnan ko kung ano-ano ang mga nasa loob. Itim ang helicopter at kung susuriin ay maganda ang pagkakagawa nito. May dalawang upuan sa likuran at dalawa rin sa harap kung saan may magmamaneho. Matapos ang ilang minutong pagtingin ay lumabas ako at tinungo ang kinaroroonan nina Vin at Vhon.

Ngayon ko lang namalayan na nagdidilim na ang kalangitan kahit tanghali pa. Hindi naman mukhang uulan. Napatingin ako sa relo ko, lunch time na pala. Nilingon ko ang dalawa na nasusuka pa rin. Nasusuka sila sa kotse, ano pa kaya sa helicopter?

"Hali na kayo, baka maabutan pa tayo ng mga infected dito. Wala tayong armas para kalabanin ang mga infected lalo na kung marami sila. Kapag hindi pa tayo umalis, baka iwanan ko kayo, " pananakot ko sa kanila kaya agad naman silang lumapit sa akin.

"Ayos na ako, tayo na," sabi ni Vhon.

"Ayos na rin ako, teka...walang driver ang helicopter? Sino ang magmamaneho?" nagtatakang sabi ni Vin. Ngumisi naman ako habang nakatingin sa kanilang dalawa.

"Don't tell me..." may gulat na sabi ni Vhon.

Tinalikuran ko na sila at nauna nang maglakad papunta sa helicopter. Kakaiba ng helicopter na ito, kaya nitong lumipad kahit isang tao lang ang nagpapalipad at hindi rin ito maingay na helicopter. Naramdaman ko namang sumunod sa akin sina Vin at Vhon.

"May pagkain dito, kumuha lang kayo at kumain," sabi ko. Mabuti naman at si Jasmin talaga ang naghanda ng mga ito. Kapag siya kasi ay talagang complete preparation palagi ang mga gamit.

Kinuha ko ang isang baon at nagtungo sa driver's seat. "Kumain muna tayo for ten minutes dahil hindi tayo puwedeng kumain habang lumilipad ang helicopter," sabi ko sa kanilang dalawa habang sumusubo ng bacon.

"Bakit naman? Mas better iyon, saka kakasuka lang namin," biglang sambit ni Vin.

"That's the point, baka hindi niyo masikmura ang makikita niyo sa baba kapag nakalipad na ito." Kahit sabihin nilang hindi sila titingin ay alam kong titingin pa rin sila sa baba. Hindi maiiwasan iyon kapag nakasakay ng helicopter.

Hindi naman umimik si Vin at kumain na lang din. Napatingin ako kay Vhon na kanina pa tahimik.

"May problema ba? Vhon?" tanong ko sa kanya. Kumakain siya pero ang tahimik niya. Tumingin siya sa akin at ngumiti ng tipid.

"Hindi ko makontak sina Aira," may bahid na lungkot sa boses niyang sabi.

"Gagawan natin ng paraan iyan kapag nakarating na tayo sa Base. Hindi mo ba nilagay ang list of members ng family ni Aira kanina sa cellphome ko? Pati na rin ang pangalan mismo ni Aira?" tanong ko sa kanya at tanging iling lang ang sagot niya. Napabuntong hininga naman ako.

"Hahanapan natin ng paraan 'yan," seryoso kong sabi sa kanya para kahit papaano ay hindi siya mag-alala.

"Sana, ayos lang sila," bigla namang sabi ni Vin.

"Ayos na ayos lang sila Vin. Don't worry," sabi ko.

"Bakit ba kasi ito nangyayari sa atin? Virus? Infected? Zombies? Cool ito kung iisipin pero hindi ito cool kapag nangyari na," may lungkot na sabi ni Vin. Stressed na siya tapos dinagdagan pa ng mga nangyayari sa amin ngayon.

"Wala na tayong magagawa, nangyayari na," sabi naman ni Vhon.

"Pupunta pa tayo sa safe place?" tanong ni Vin.

"Dadaan muna sa base bago makapunta sa safe place," sagot ko naman. Hindi naman sila nagsalita pa. Mabuti na lang at hindi nila ako kinulit o tinanong. Hindi sila nagtanong kung sino si Jasmin, at kung bakit ako marunong magpalipad ng helicopter.

"Matatapos din ang lahat ng ito," pabulong na sabi ko at isinubo ang burger na kinakain ko. Hindi magiging madali pero matatapos din ito. May katapusan sa lahat ng bagay.

Pagkatapos ng sampung minuto ay natapos rin kaming kumain. Pumuwesto na ako para mapaandar ang helicopter. Hindi naman ako nabigo dahil napaandar ko nga ito at unti-unti na itong lumilipad paitaas.

Tiningnan ko ang mapa sa may gilid ko. Mapa ito patungo sa base kung nasaan sina Jasmin. Hindi kami puwedeng pumunta sa safe place dahil kailangan muna kaming tingnan kung infected ba kami o hindi kaya sa base na muna kami pupunta.

Wala rin naman akong balak pumunta sa safe place dahil tutulong akong ayusin ang issue tungkol sa virus. Sa pagkakaalam ko ay nasa gitnang Visayas yata ang base pero hindi ko alam ang specific place kung saan ito nakatayo. Secured and base na ito at nandoon ang mga awtoridad at ibang scientists para gumawa ng cure sa virus at para makagawa ng eksperimento sa mga taong infected ng virus.

Sinusundan ko lang ang mapa hanggang sa nakarinig ako ng nasusuka sa may bandang likuran ko. Si Vin ang sumusuka.

"Huwag ka kasing tumingin, pumikit ka para hindi mo makita," sabi ni Vhon sa kanya.

Napatingin naman ako sa ibaba ng helicopter. Nagkakagulo ang mga kotse sa kalsada. Nagkalat ang dugo, patay na katawan at lamang loob. May mga infected din na naglalakad sa kalsada at talagang amoy na amoy ang masangsang na dugo ng tao.

Hindi masyadong mataas ang lipad ng helicopter kaya kitang-kita ang mga nasa ibaba. Sobrang laki nang nagbago sa paligid. Ang bilis naman kumalat ng virus. Mukhang ilang days pa lang naman yata itong nalaman, at binalita bago makarating sa akin.

Hindi na bago sa akin ang patay na tao at masangsang na dugo dahil na sanay na ako. Kasama iyon sa trabaho ko kaya wala lang sa akin ang nakikita ko. Pero, umeepekto pa rin ang baho ng mga ito sa ilong ko. Masakit sa ulo dahil halo-halo ang amoy ng dugo at lamang loob ng tao. Pumapasok ang amoy nito sa sikmura kaya hindi talaga maiiwasan minsan na masuka.

Binilisan ko na lang ang pagpapalipad ng helicopter dahil baka ano pa ang mangyari sa dalawang kasama ko. Sana nga ligtas lang sa base. Ayokong mapahamak ang dalawang kasama ko. Inaalala ko talaga sila dahil baka manghina sila kapag nakakita ng mga infected. May ipinasa na video si Jasmin kanina sa laptop ko, video ng mga infected. Hindi ko ito ipinakita sa dalawa dahil hindi ko alam kung ano ang magiging reaksiyon nila. Kahit ganyan sila, mahalaga pa rin sila sa akin saka hindi matutumbasan ang buhay ng tao.

Pero kailan? Kailan ko makakayang iligtas ang gusto kong iligtas? Hindi ko hawak ang buhay nila. Hindi ko rin hawak ang buhay ko kaya hindi ko alam kung kaya kong magligtas nang marami. Magligtas? Bakit sumagi sa isip ko ang magligtas?

Napailing-iling ako dahil sa mga naiisip ng utak ko. Mula sa kinaroroonan namin ay nakikita ko na ang base sa ibaba. Hindi ko alam kung ano ang naghihintay sa amin sa base. Hindi panatag ang loob ko na ligtas ang base kahit gaano pa ito ka-secured. Maraming possibleng mangyari.

Tumingin ako sa ibaba at dahan-dahang ibinaba ang helicopter. Ilang sandali lang ay nailaag ko rin naman ng maayos ang helicopter. Bumaba na ako at bumaba rin naman sina Vin at Vhon. Nakita kong marami ang nakaabang sa pagdating namin. Sa may 'di kalayuan ay nakita ko naman ang paparating na sina Jasmin at Justin.

MGA ilang minuto lang ay narating ko rin ang lugar kung nasaan ang bahay ni Evhon. Hindi na ako magtataka pa kung malaki ang bahay nila, ano pa ang silbi ng pagiging engineer niya 'di ba? Iba talaga kapag yumaman na, lumalaki talaga ang improvement. Ayos lang atleast, ganoon pa rin ang ugali niya, walang nagbago.

Gaya rin ng dati, dito pa rin sila nakatira. Sa isang maliit lang na lugar. Hindi niya talaga ito ipagpapalit, dito siya lumaki kaya dito rin siya tatanda, sabi niya noon. Inikot ko ang paningin ko sa paligid at napangiti. May mga batang naglalaro at naghahabulan sa daan. May mga naglalaro ng basketball at mayroon din na nag-uusap sa labas. Masasaya ang mga tao sa ginagawa nila.

Parang isang simpleng village lang ang lugar nila na ito at hindi karamihan ang mga sasakyan na napapadaan dito. Simple lang din ang mga bahay sa paligid. At mukhang nagkakasundo talaga ang mga tao dito.

"Ate? Saan po ba dito ang bahay nina Vhon?" tanong ko sa isang Tindera sa may tindahan. Alam ko 'yong lugar pero nakalimutan ko kung saan banda. Matagal na akong hindi nakakapunta dito.

"Sundan mo lang ang daan na ito tapos kumaliwa ka. May makikita kang pink na gate, iyon na ang bahay nila," sabi naman ng Tindera. Tumango naman ako at nagpasalamat agad.

Nang makalayo sa tindahan ay napatawa naman ako ng mahina. Pink na gate? Pink pa rin ang favorite color niya? Napailing-iling naman ako habang naglalakad. Sinundan ko naman ang daan na sinabi niya at kumaliwa. Mabuti na lang at kilala siya dito sa kanila.

Nang makarating ako sa tapat ng bahay nina Evhon ay pinindot ko ang doorbell. Ang sosyal niya na talaga. Si Vincent kaya? Hindi ko pa nakikita ang bahay niya. Palagi na lang kasi kaming nagkikita sa bahay ni Evhon kaya hindi ako nakakapunta sa bahay niya. Alam kong may ibubuga rin ang pagiging Marine ni Vincent.

"Xan!" bungad sa akin ni Vincent. Sumulpot lang siya bigla sa may gilid ko.

"Vin? Buti buhay ka pa?"

"Grabe ka naman sa akin. May mansion ka na, may kotse ka na, sumexy at gumanda ka na tapos hindi pa rin nagbabago ang trato mo sa akin?"

"Ano ba ang trato ko sa'yo?"

"Iniinis, iniinsulto, at ini —" Hindi niya naituloy ang sasabihin niya nang putulin iyon ni Evhon.

"Tuloy ka, Xan." Hindi ko napansin ang pagbukas niya ng pinto.

"Uy, Vhon-Vhon? Kamusta ang buhay?" tanong ko sa kanya at pumasok sa loob.

"Grabe kayo, dahil ganito lang ako? Hindi niyo na ako pinapansin? Ang sama niyo," sabi naman ni Vincent na ikinatawa namin.

"Hindi ka na nasanay," natatawa kong saad.

"Ang saya mo no? Tigilan mo na kaya ang pagtawag ng Vhon-Vhon sa akin, puwede namang Vhon na lang. Ginawa mo pang dalawa e."

"Bakit ba? Xan-Xan nga rin ang tawag mo sa akin."

"Minsan lang kaya," depensa niya.

Pumasok kami sa loob ng bahay niya, at inikot ko agad ang paningin ko sa paligid. Gaya nga nang inaasahan ko, magara pero simple lang. Malinis din ang bawat sulok ng bahay niya.

"Adik ka pa rin sa color pink?" natatawa kong tanong kay Vhon.

"Ano naman ngayon? May masama ba? Puwede namang maging favorite lahat ng kulay na gusto mo."

"Oo na, alam ko naman iyon — pink guy," pang-aasar ko sa kanya. Tiningnan niya naman ako ng masama.

"Umupo muna kayo, maghahanda lang ako," sabi ni Vhon, at iniwan kami ni Vin sa may sala. Umupo naman ako sa couch habang si Vin naman ay nakaupo rin sa couch sa harap ko.

"Ang ganda ng bahay niya hindi ba?" tanong ni Vin.

"Oo, lalo na iyong kulay pink na gate."

"Ikaw talaga, puro ka kalokohan." Natawa naman ako sa sinabi niya.

"Maganda rin naman siguro ang bahay mo. Hindi mo ako pinapapunta doon."

"Saka na, pagkatapos ng road trip natin, ipaalala mo sa akin."

"Totoo 'yan ah?" paninigurado ko. Tumango naman siya. Hindi na ako nagsalita pa at ganoon din siya.

Tumayo ako, at naisipang mag-ikot sa paligid. May nakita akong mga frames kung saan may mga pictures ni Vhon at ng family niya. They are a happy family. Sigurado akong proud na proud ang family niya sa achievements niya ngayon. I am family for them.

Sa wakas ay natupad na rin ang pangarap niya, at ang pangarap ni Vin na makaahon sa hirap. Lahat talaga nang pinaghihirapan ay nagbubunga ng maganda.

"HINDI pa ba tayo aalis?" Tumingin naman kami kay Vin, at napailing-iling naman ako.

"Alis na tayo, baka bumuga ng apoy si Vin," natatawang sabi ko kay Vhon.

"Mabuti pa nga," natatawang sabi rin ni Vhon. Mukhang, inip na inip na si Vin. Matagal kasing natapos si Vhon sa paghahanda at habang kumakain si Vhon ay nag-usap din kami.

Bago umalis ay nagpaalam muna kami kay Tita—Mama ni Vhon. Hindi kami masyadong close ng Mama niya pero kilala na ako ng Mama niya noon. Mabuti nga at naalala pa niya ako kahit ilang taon na rin akong hindi nakakapunta dito sa kanila. Wala ang Papa niya dahil may pinuntahan yata. Mabait ang Papa niya noon sa amin ni Vin. Welcome kami palagi dito sa bahay nila.

"Mag-iingat kayo sa biyahe," paalala ng Mama ni Vhon. Ang bait talaga ng Mama niya.

"Sige po Tita, alis na kami," pagpapaalam ko. Nagpaalam na rin ang dalawa.

Backpack din ang dala nina Vin, at Vhon. If ever na magkulang kami sa damit, puwede naman kaming bumili sa mga makikita naming stores. Kapag marami ang dadalhin namin, baka mahirapan kami kaya bibili na lang kapag kinakailangan na.

Lumabas na kami sa bahay ni Vhon at nauna naman naglakad si Vin sa amin.

"Kamusta na pala kayo ni Aira?" tanong ko kay Vhon.

"Complicated but getting stronger, maybe I need some time kaya naisipan kong magroad trip muna," sagot naman niya.

"Buti hindi nagalit si Aira? Lalo na iyong girlfriend ni Vin? Sino nga iyon? Si Aisy?"

"Yeah, and kahit na magalit sila hindi nila kami mapipigilan. Minsan lang kaya tayo magkaroon ng bonding, saka stressed si Vin kaya 'yan ganyan. Para makalanghap ng sariwang hangin, sumama talaga siya."

"Ganoon ba? Ang lungkot naman ng mga lovelife niyo."

"Atleast kami merong lovelife, e ikaw? Kailan ka magkakaroon?" tanong niya.

"I have mine Vhon, and he was so protective, possessive, and strict but he was the most loving, caring, and respectful man I've ever meet."

"Really? Ipakilala mo naman sa amin!"

"Makikilala mo rin siya soon."

"Kailan pa ang soon na iyan?" tanong niya dahilan para tumawa ako.

"Bakit? Excited ka ba na makilala siya?"

"Bakit naman hindi? Matagal ka na rin na hindi nagkakaroon ng boyfriend."

"Concern ka ba o nang-iinsulto dahil wala akong boyfriend?"

"Puwedeng both," natatawang sabi niya.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status