Home / Romance / The Virgin Writer / Ang Unang Pagtatagpo

Share

The Virgin Writer
The Virgin Writer
Author: missfriees

Ang Unang Pagtatagpo

Author: missfriees
last update Last Updated: 2022-08-02 16:40:55

Kabanata 1: Ang Unang Pagtatagpo

PAGPASOK pa lamang ni Isla sa office ay agad siyang pinatawag ng kan’yang boss. Abot-langit ang kaba niya dahil doon. Nang makapasok siya ay agad siyang dumiretso sa upuan na nando’n. Pinagsalikop niya ang kamay niya at saka tumingin sa boss niya.

“This is the worst novel I’ve ever read. I’m so disappointed, Isla. You used to be our company’s greatest pride, ikaw ang tinaguriang top-grossing author! But this novel is indeed a disaster and a trash.” Ani ng boss niya saka inilapag ang novel na ipinasa niya no’ng makalawa.

Bahagya siyang napayuko dahil sa sinabi ng kan’yang boss. Pakiramdam niya rin ay tutulo na ang luha niya dahil doon. She used to be the top-selling author ngunit napalitan siya sa pwesto niya ng isang baguhang writer.

“Hindi kasi ako gaanong maalam sa pagsusulat ng mga s*x scenes,” nahihiyang sagot ni Isla. Sa katotohanan, sa edad na 22 no boyfriend since birth pa rin siya. Kaya naman kahit simpleng halik lang ay never niya pang naranasan. Kaya naman masyadong mahirap para sakan’ya ang sumulat ng nobela na may halong mga gano’n.

“A writer’s imagination must be wide, Isla. Must be wide!”

Muli siyang napayuko dahil doon. ‘Yan din kasi ang unang beses na napuna ang kan’yang gawa. Pakiramdam niya ay isa siyang kahihiyan.

“’Yung last release mo na novel? Ayun, nilangaw! You’re slowly losing your readers. Do something. Alam mo ang patakaran sa publishing house natin, Isla. If you became useless, then you’ll be fired.”

Para namang nagtambol ang puso niya nang marinig ‘yon. “Hindi niyo pa naman ako tatanggalin, hindi ba?” halos nanginginig na tanong niya. Hindi siya pupwedeng matanggal ngayon lalo pa’t siya ang bumubuhay sa pamilya niya sa probinsiya. She’s the breadwinner of their family dahil ipinangako niya sa nanay at tatay niya na siya na ang bahala. Isa pa, ang kuya-kuyahan niya ay maliit lamang ang kinikita mula sa pagdedeliver ng mga kung ano-ano sa palengke.

“Masyado kang maraming nacontribute sa kumpanya natin, Isla. You know how much we treasure you. You are our pride. Kung hindi dahil sa’yo, hindi magiging successful ang publishing company natin. Pero, Isla, hindi pupwedeng gan’to na palagi. Kelangan ulit natin bumangon. For the meantime, find some motivation hanggang sa makapagsulat ka na ulit.”

Bahagyang umayos sa pagkakaupo ang kan’yang boss saka muling nagsalita, “Hindi na bumebenta ang mga hopeless romantic stories mo. It’s time for you to change your writing style. It’s time for you para magsulat ng mature and er*tic contents. It’s time for you to grow. I’ve been suggesting you that ever since. At tignan mo, tama nga ako. Ang katunggali mo ay bihasa sa pagsusulat ng gan’yan.”

Tumango naman si Isla sa sinabi ng boss niya. Lumunok siya ng laway bago magtanong, “Sabi mo maghanap ako ng motivation ko, does it mean kelangan ko muna ng break?”

Tumango naman ang boss niya bilang sagot kaya naman lakas loob na nagtanong muli si Isla, “Kahit ba nakabreak ako mayroon pa rin akong sasahurin?”

“No work, no pay. But I’ll give you money para mayroon kang panggastos habang nakabreak ka. Hindi ko ‘to ginagawa sa lahat ng tauhan ko. It’s just that you’re special and precious to us.” Matapos noon ay inilabas ng kan’yang boss ang sobre. Mangiyak-ngiyak na iniabot ni Isla ang envelope na ‘yon saka siya tumayo.

“Maraming salamat, boss.”

MABIBILIS ang hakbang ni Cohen papasok sa publishing house kung saan nagtatrabaho si Isla. Kilala si Cohen dahil isa siyang anak ng isa sa kilalang businessman sa Pilipinas kung kaya naman kahit saan siya pumunta, mataas ang tingin at respeto sa kan’ya ng mga tao. Palinga-linga siya sa paligid habang hinahanap ang babaeng pinakamamahal niya. Mabilis siyang pumihit at pumunta sa kinaroroonan ni Isla nang mamataan niya ito.

“Are you okay? I heard what happened,” nag-aalalang tanong ni Cohen dito. Bumuntong-hininga naman si Isla saka ipinahid ang mga luha niya sa kan’yang mata.

“Did he fire you? Ha, that bastard!”

Mabilis na hinawakan ni Isla ang braso ni Cohen dahil akmang aalis ito at mukhang didiretso sa opisina ng kan’yang boss.

“Hindi niya naman ako sinisante. Binigyan niya lang ako ng oras para magbreak.”

Tumango naman si Cohen at saka hinawakan ang kamay niya. “Tara, ice cream tayo, libre ko,” nakangiting anyaya nito.

Si Cohen ay isang masugid na manliligaw ni Isla. They’ve known each other ever since they are 12 years old. At magmula nang makilala siya ni Cohen, nagustuhan na agad siya nito. Sa kabila ng sampung taon nilang pagiging magkaibigan – ni minsan ay hindi sumagi sa isipan niya na maging boyfriend ito. Para sakan’ya, hanggang kaibigan lang talaga si Cohen.

KASALUKUYAN silang nasa ice cream shop. Tahimik na kumakain ng ice cream si Isla habang si Cohen naman ay malungkot na nakatitig dito. Ilang saglit pa ay dumating na si Maya – ang best friend ni Isla. Umupo siya sa tabi ni Isla at saka inilapag ang dala-dala niya sa lamesa.

“Eto ang novel nung top-grossing author ngayon. I suggest basahin mo ‘to,” ani Maya. The three of them known each other for 10 years. Sakanilang tatlo, tanging si Isla lang ang galing sa lower class. Si Maya ay makukunsidera rin na mayaman pero hindi ganoon kayaman katulad ng pamilya ni Cohen. Ngunit sa kabila ng estado sa buhay ay nagkasundo-sundo pa rin sila.

“Gusto kasi nila magsulat na ako ng mga romance stories na may s*x scenes,” walang kagatol-gatol na wika ni Isla. Si Cohen naman ay napaubo dahil sa binitiwan niyang salita.

“Ha! Bakit ka nila kelangang pilitin sa baga---“

Hindi na natapos pa ni Cohen ang nais niyang sabihin dahil agad na nagsalita si Maya, “I guess kelangan mo na talagang humanap ng p’wedeng maging boyfriend mo, Isla. Para naman magkaroon ka ng motivation," suhestiyon nito.

“Ano?! Hindi pupwede ‘yang sinasabi mo, Maya,” inis na sagot ni Cohen. “Isla, hindi naman pupwedeng magboboyfriend ka for the sake of that! Quit your job. Marami pang publishing company ang nand’yan.”

“I just need some rest,” tila napapagod na wika ni Isla. Matapos noon ay agad siyang tumayo at kinuha ang bag niya. Mabilis ding tumayo si Cohen.

“Hatid na kita.”

“Ah, so pinapunta niyo ako rito para iwan?” inis na tanong ni Maya.

“No need. Samahan at ihatid mo si Maya. Make sure she gets home safe,” utos ni Isla kay Cohen.

“Kaya niya naman sarili niya, eh,” kamot-ulong sagot nito. Si Maya naman ay lihim na napairap sa sinabi nito.

“Just do that for me. Gusto kong mapag-isa.” And with that, tumalikod na ito at saka naglakad palabas ng shop. Hindi na siya nag-abala pang tumawag ng sasakyan. Bagkus ay hinayaan niya lang ang sarili niyang maglakad.

NANG makauwi si Isla sa munting apartment niya ay agad siyang dumiretso sa kwarto. Inilabas niya ang sobre na ibinigay sakan’ya ng boss niya. Sampung libo ang laman noon. Mahigpit ang hawak niya sa sobre na ‘yon saka siya bumuntong-hininga. Alam niya sa sarili niyang kulang ‘yon. Matapos noon ay bumaling siya sa nobelang nasa harap niya. Marahan niyang binuksan iyon at saka masinsing binasa ang ilang kabanata noon.

Ilang saglit pa ay tumunog ang cellphone nito dahil tumatawag ang kan’yang ina na nasa probinsya. Mabilis niyang pinahid ang luhang pumapatak sakan’ya saka niya sinagot iyon.

“’Nay, napatawag ka?”

“Nakakaabala ba ako? Oo nga pala, nasa trabaho ka. Sige mamaya na lang ako tatawag, anak.”

“Okey lang, ‘nay. Siya nga pala magpapadala ako mamaya para sa panggamot niyo.”

“Salamat, anak. Sa akinse pa kasi ang sahod ng kuya mo. Nasaktuhan kasi na ubos na ang gamot ni tatay mo. Pasensya ka na, anak ha.”

“Ano ka ba ‘nay? Okay lang ‘yon. Sabi ko nga sainyo ‘diba babawi ako? Sige na ‘nay, mamaya nalang. Nasa office kasi ako, baka makita ako ni boss. Ingat kayo palagi d’yan.”

Matapos noon ay pinatay ni Isla ang tawag. Ramdam niya ang pagtulo ng mga luha niya dahil doon. Mabilis siyang kumilos at saka kinuha ang limang libo na nasa sobre. Matapos noon ay pumunta siya sa remittance para ipadala ‘yon sa pamilya niya sa probinsya.

KAKARATING lang ni Maya sa apartment ni Isla. Nang makauwi kasi si Isla ay agad niyang itinext ito para papuntahin sa kan’yang apartment. Problemadong umupo si Isla sa tabi ng kaibigan niya.

“Hindi ko na alam ang gagawin ko. Hindi ako pupwedeng masisante sa trabaho ko. Kailangan sa lalong madaling panahon, makabalik ako sa trabaho ko,” malungkot na wika ni Isla.

“I told you. Why don’t you try hooking up? Si Cohen? What do you think?”

“Alam mong hanggang kaibigan lang ang tingin ko sakan’ya, Maya. Ayoko ring gamitin si Cohen para lang sa gan’tong bagay.”

“Then let’s go for some stranger,” masayang sagot nito. “Come on, magbihis ka. Pupunta tayo sa bar.”

TAHIMIK na nagmamasid si Isla. Kasalukuyan silang nasa bar. Maingay, magulo at amoy alak – ‘yan ang mga bagay na ayaw nito. Ngunit wala siyang choice kung ‘di ang tiisin ‘yon. Sa isip-isip niya ay para sa pamilya niya. Bahagya siyang sumimsim sa alak na binigay sakan’ya ng bestfriend niyang si Maya. Bahagya namang napangisi si Maya nang makita niya ang reaksyon ng kaibigan nang lagukin nito ang alak.

“Sa wakas, napainom ko na rin ang isang Isla Adelaide Austria!” Abot-langit ang ngiti ni Maya habang sinasabi niya ‘yon matapos noon ay iwinagayway pa ang kamay niya na may hawak na alak.

Halos mapahalukipkip naman siya nang lumakas ang tugtog. Kasunod noon ay ang sigawan ng mga tao. The party is at its peak siguro ay dahil alas-diyes na ng gabi. Lumapit naman ang kaibigan nito sakan’ya at saka bumulong.

“Dance floor muna ako. Try approaching some guys out there, malay mo ‘diba?” Matapos noon ay lumagok pang muli ng alak ang kan’yang kaibigan saka tuluyan nang pumunta sa dance floor.

SA kabilang banda, tahimik na nag-aayos ng mga papeles ang acting CEO na si Ezra Miller nang makatanggap siya ng tawag mula sa magulang niya na nasa California. Ano na naman kaya ang ibabalita ng mga ito sakan’ya, sa isip isip niya.

“Hello, son!”

“Hello, dad. What’s with sudden call?”

“We’re going home within two months. I would like to meet the woman that you’ve been talking about. After that, we can start settling things.”

“Sure. Is that all?”

“You sounded confident, son. I’m sure you really love her. Anyway, I need to end this call. I still have an appointment. Take care always.”

“Take care, too.”

Sumulyap siya sa relo niya, alas kwatro pa lamang ng hapon pero agad siyang tumayo. Mabilis siyang pumunta sa parking lot at saka dumiretso sa jewelry shop. Walang pag-aatubiling binili niya ang pinakamahal na kwintas doon. Matapos noon ay pinaharurot niya ang sasakyan niya patungo sa condo unit ng kan’yang girlfriend. Gusto niyang surpresahin ang dalaga dahil sa magandang balita na natanggap niya. Sa totoo lamang, matagal nang pangarap ng kan’yang nobya na makilala ang pamilya niya.

Abot-langit ang ngiti nya nang makarating siya sa harap ng pinto ng condo nito. Mabilis niyang itinype ang passcode doon. Marahan siyang pumasok sa condo ng dalaga, sinisiguradong wala siyang malilikhang ingay. Nang makarating siya sa kwarto ng dalaga ay agad niya iyong binuksan. Ngunit para siyang napako sa nakita.

Her girlfriend on top of some guy.

Mabilis siyang tumalikod at saka naglakad palabas. Dinig niya pa na sumigaw ang kan’yang nobya ngunit hindi na siya nag-abala pang pansinin iyon. Nang makarating siya sa parking lot ay agad niyang hinampas ang manibela. Kitang-kita sa mga mata niya ang sakit at galit. Hindi niya matanggap ang nakita niya. Hindi siya makapaniwala na magagawa ‘yon ng nobya niya sakan’ya.

Dahil doon ay agad niyang pinaandar ang sasakyan niya hanggang sa matagpuan niya ang sarili niya sa harap ng bar. Kasalukuyan pang sarado iyon pero pinakiusapan niya ang tauhan sa naturang bar para payagan siyang makapasok. Ang tanging gusto niya lamang gawin ngayon ay magpakalunod sa alak.

NAPABUNTONG hininga si Isla nang makitang ubos na ang alak na iniinom niya. Nakakadalawang baso pa lamang siya pero ubos na agad ‘yon kaya naman agad siyang pumunta sa counter para manghingi pa ng alak. Walang pakundangan siyang umupo doon. Magsasalita na sana siya nang mapalingon siya sa katabi. Namilog ang mata niya nang makita ang anim na bote ng alak sa harap nito.

“What’s with that look?”

Napapitlag si Isla nang magsalita ang estrangherong lalaki na katabi niya. Bahagya niyang ipinilig ang ulo niya para ituon ang tingin sa mga bartender na naroon. Ramdam niyang lasing na ang lalaki na katabi niya base sa tono ng pagsasalita noon kaya naman pinili na lamang nitong hindi sumagot.

“What’s your order, ma’am?”

Natigilan naman si Isla dahil sa tanong ng waiter. Pinagsalikop niya ang palad niya at saka luminga-linga sa paligid. Magsasalita na sana siya nang magsalita ang katabi niya.

“Scotch whisky for her.”

“Right away,” nakangiting sagot ng bartender dito.

“It seems like this is your first time here. You have no idea what to order.” Mahabang litanya ng lalaki at saka tinungga ang baso niya na naglalamang-alak. Samantalang si Isla naman ay tila ba naging pipi. Ika nga nila, the guy stunned her.

Ilang saglit pa ay dumating ang bartender at inilapag sa harap niya ang scotch whisky. Tipid na ngiti lang ang isinukli ni Isla doon. Hindi niya malaman kung iinumin niya ba ‘yon.

“That’s my favorite. I’m pretty sure you’ll enjoy it.”

Tila ba naging senyales iyon para kay Isla dahil nang sabihin iyon ng lalaki ay agad niyang kinuha iyon at saka tinikman. Ang inaasahan niya ay mapait ang lasa noon pero manamis-namis iyon.

“How was it?”

“It’s good,” simpleng sagot ni Isla sa lalaki. Bahagya namang napangiti ang lalaki dahil doon kasabay noon ay ang pagtungga nitong muli ng alak.

“What brings you here?”

Tanong ng binata dito na tila ba hinihintay niyang sabihin ang pangalan ng dalaga. Dahil dito ay muling uminom si Isla. Nagdadalawang-isip siya kung sasabihin niya ba ang pangalan niya sa isang estrangherong lalaki. Nanatiling tahimik ito habang iniisip kung sasagutin niya ba ang tanong ng binata sakan’ya.

“I’m Ezra,” pagpapakilala ng binata.

Napalingon naman si Isla sa binata nang magpakilala ito. Bahagyang nakayuko ang binata habang nilalaro laro ang baso kung kaya naman hindi niya mas’yadong makita ang kabuuan ng mukha nito. Bumuntong-hininga si Isla dahil dito.

“Isla.”

Related chapters

  • The Virgin Writer   Ang Kasunduan

    “MAGTAPAT ka nga, Isla. Sino ‘yong lalaki na ‘yun?” nakapameywang na tanong sakan’ya ni Maya.Maaga pa lamang ay dumiretso na agad ang kan’yang kaibigan sa apartment niya. Dahil matapos nilang magpunta sa bar ng gabi na ‘yon ay hindi na niya nakausap pa si Isla dahil sa sobrang kalasingan nito.“Ano ba kasi ‘yon?” Tanong ni Isla sa kaibigan habang hinihilot ang sintido niya saka siya sumimsim ng kape na nasa harap niya.“Sino ‘yung lalaking naghatid sa’tin kagabi?”Namilog ang mata ni Isla dahil sa tanong nito tapos noon ay napabuga siya sa kape niya. Hindi panaginip ang lahat ng iyon ani Isla sa isip niya.MAKALIPAS ang ilang minuto, naramdaman ni Isla na bahagya na silang nakakapagpalagayan ng loob. Tahimik lamang siyang sumisimsim ng whisky na inorder ng lalaki sa kan’ya. Halos gawing juice ni Isla ang whisky na iniinom niya, marahil ay dahil sa lasa nitong manamis-namis.“I was asking you what brought you here,” panimula ng binata. Mabilis namang umayos sa pagkakaupo si Isla at sa

    Last Updated : 2022-08-04
  • The Virgin Writer   Ang Pakikipagkasundo

    KATATAPOS lamang ni Isla sa kan’yang labahin. Pagod siyang umupo sa upuan na nakalagay sa kan’yang kusina. Marahas niyang pinahid ang pawis na tumatagaktak sakan’ya. Kasunod nito ay ang malalim na buntong-hininga niya. Bahagya siyang dumukdok sa mesa at saka sinubukang ipinikit ang kan’yang mga mata. Sa totoo lamang ay tila ba gusto niya na lamang sumuko dahil sa mga nangyayari sa buhay niya ngayon. Pakiramdam niya ay pinagsakluban siya ng langit at lupa sa mga oras na ‘yon. Ngunit hindi pa man humihimbing ang kan’yang pagkakatulog ay nakatanggap siya ng tawag.Sino naman kaya itong istorbo na ‘to, sa isip isip niya. Matamlay niyang sinilip ang kan’yang cellphone at saka binasa ang pangalang rumehistro dito. Mabilis naman siyang napaayos sa pagkakaupo nang mabasa ang pangalan. Department head – ‘yan ang tumatawag sakan’ya sa mga oras na ‘yon.“Good morning po, napatawag po kayo?” magalang na tanong nito.“Magandang umaga, hija. I know I shouldn’t say this to you, but it feels like I h

    Last Updated : 2022-08-04

Latest chapter

  • The Virgin Writer   Ang Pakikipagkasundo

    KATATAPOS lamang ni Isla sa kan’yang labahin. Pagod siyang umupo sa upuan na nakalagay sa kan’yang kusina. Marahas niyang pinahid ang pawis na tumatagaktak sakan’ya. Kasunod nito ay ang malalim na buntong-hininga niya. Bahagya siyang dumukdok sa mesa at saka sinubukang ipinikit ang kan’yang mga mata. Sa totoo lamang ay tila ba gusto niya na lamang sumuko dahil sa mga nangyayari sa buhay niya ngayon. Pakiramdam niya ay pinagsakluban siya ng langit at lupa sa mga oras na ‘yon. Ngunit hindi pa man humihimbing ang kan’yang pagkakatulog ay nakatanggap siya ng tawag.Sino naman kaya itong istorbo na ‘to, sa isip isip niya. Matamlay niyang sinilip ang kan’yang cellphone at saka binasa ang pangalang rumehistro dito. Mabilis naman siyang napaayos sa pagkakaupo nang mabasa ang pangalan. Department head – ‘yan ang tumatawag sakan’ya sa mga oras na ‘yon.“Good morning po, napatawag po kayo?” magalang na tanong nito.“Magandang umaga, hija. I know I shouldn’t say this to you, but it feels like I h

  • The Virgin Writer   Ang Kasunduan

    “MAGTAPAT ka nga, Isla. Sino ‘yong lalaki na ‘yun?” nakapameywang na tanong sakan’ya ni Maya.Maaga pa lamang ay dumiretso na agad ang kan’yang kaibigan sa apartment niya. Dahil matapos nilang magpunta sa bar ng gabi na ‘yon ay hindi na niya nakausap pa si Isla dahil sa sobrang kalasingan nito.“Ano ba kasi ‘yon?” Tanong ni Isla sa kaibigan habang hinihilot ang sintido niya saka siya sumimsim ng kape na nasa harap niya.“Sino ‘yung lalaking naghatid sa’tin kagabi?”Namilog ang mata ni Isla dahil sa tanong nito tapos noon ay napabuga siya sa kape niya. Hindi panaginip ang lahat ng iyon ani Isla sa isip niya.MAKALIPAS ang ilang minuto, naramdaman ni Isla na bahagya na silang nakakapagpalagayan ng loob. Tahimik lamang siyang sumisimsim ng whisky na inorder ng lalaki sa kan’ya. Halos gawing juice ni Isla ang whisky na iniinom niya, marahil ay dahil sa lasa nitong manamis-namis.“I was asking you what brought you here,” panimula ng binata. Mabilis namang umayos sa pagkakaupo si Isla at sa

  • The Virgin Writer   Ang Unang Pagtatagpo

    Kabanata 1: Ang Unang PagtatagpoPAGPASOK pa lamang ni Isla sa office ay agad siyang pinatawag ng kan’yang boss. Abot-langit ang kaba niya dahil doon. Nang makapasok siya ay agad siyang dumiretso sa upuan na nando’n. Pinagsalikop niya ang kamay niya at saka tumingin sa boss niya.“This is the worst novel I’ve ever read. I’m so disappointed, Isla. You used to be our company’s greatest pride, ikaw ang tinaguriang top-grossing author! But this novel is indeed a disaster and a trash.” Ani ng boss niya saka inilapag ang novel na ipinasa niya no’ng makalawa.Bahagya siyang napayuko dahil sa sinabi ng kan’yang boss. Pakiramdam niya rin ay tutulo na ang luha niya dahil doon. She used to be the top-selling author ngunit napalitan siya sa pwesto niya ng isang baguhang writer.“Hindi kasi ako gaanong maalam sa pagsusulat ng mga s*x scenes,” nahihiyang sagot ni Isla. Sa katotohanan, sa edad na 22 no boyfriend since birth pa rin siya. Kaya naman kahit simpleng halik lang ay never niya pang naranas

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status