KATATAPOS lamang ni Isla sa kan’yang labahin. Pagod siyang umupo sa upuan na nakalagay sa kan’yang kusina. Marahas niyang pinahid ang pawis na tumatagaktak sakan’ya. Kasunod nito ay ang malalim na buntong-hininga niya. Bahagya siyang dumukdok sa mesa at saka sinubukang ipinikit ang kan’yang mga mata. Sa totoo lamang ay tila ba gusto niya na lamang sumuko dahil sa mga nangyayari sa buhay niya ngayon. Pakiramdam niya ay pinagsakluban siya ng langit at lupa sa mga oras na ‘yon. Ngunit hindi pa man humihimbing ang kan’yang pagkakatulog ay nakatanggap siya ng tawag.
Sino naman kaya itong istorbo na ‘to, sa isip isip niya. Matamlay niyang sinilip ang kan’yang cellphone at saka binasa ang pangalang rumehistro dito. Mabilis naman siyang napaayos sa pagkakaupo nang mabasa ang pangalan. Department head – ‘yan ang tumatawag sakan’ya sa mga oras na ‘yon.
“Good morning po, napatawag po kayo?” magalang na tanong nito.
“Magandang umaga, hija. I know I shouldn’t say this to you, but it feels like I have to.” Matapos noon ay bumuntong hininga ang kan’yang kausap sa telepono. Dahil din sa sinabi noon, nakaramdam ng kaba si Isla. Pakiramdam niya ay hindi maganda ang ibabalita nito.
“Our boss hired a temporary writer.”
Para naming nagtambol ang puso ni Isla nang mga oras na ‘yon. Alam niya ang dahilan kung bakit tumatanggap ang boss niya ng temporary writer – ‘yun ay kapag may empleyado siya na nasa bingit nang pagkatanggal. At alam niya sa sarili niya na siya ‘yon. Humigpit ang hawak niya sa mantel ng kan’yang lamesa.
“I suggest pumunta ka rito to personally confirm it.”
Matapos noon ay natapos na ang tawag. Tila naman nanghihinang napabitaw si Isla sa kan’yang cellphone dahil sa naging usapan nila na ‘yon. Bahagya siyang tumingala dahil pakiramdam niya ay anumang oras ay tutulo ang kan’yang mga luha. Ngunit kahit anong gawin niya ay patuloy pa rin sa pagtulo ang mga ito. Marahas niyang pinahid iyon at saka mabilis siyang kumilos at nag-ayos.
HINIHINGAL si Isla nang makarating siya sa publishing company na pinagtatrabahuhan niya. Humugot muna siya ng hininga at saka marahang pumasok sa entrance. Bahagyang ngumiti pa sakan’ya ang guwardiya na nando’n ngunit masyadong occupied ang kan’yang utak para mapansin pa ‘yon. Mabilis siyang dumiretso paitaas upang mapuntahan ang kan’yang working area.
Tila naman sinampal siya ng katotohanan nang makitang may isang dalagitang nakaupo sa kan’yang working place. Makikita sa dalagang iyon ang saya sa kan’yang mga mata. Sino ba naming hindi sasaya kung magkaroon ka ng trabaho, hindi ba, sa isip isip niya.
Inilinga niya ang paningin niya at saka namataan ang department head na tumawag sakan’ya. Bahagyang yumuko iyon kaya naman tumalikod na siya mula rito. Matapos noon ay humahangos siyang pumunta sa opisina ng kan’yang boss. Halos ibalibag nito ang pinto noon sa sobrang galit at inis. Tila naman nagulat ang kan’yang boss sa inasal nito. Dire-diretsong pumasok si Isla dito. Sumasabay sa mga hakbang niya ang bawat pagpatak ng luha niya.
“Bakit mayroon tayong temporary writer? Siya ba ang ipapalit mo sa’kin? Hindi ba may usapan tayo? Hindi ba sabi mo you’ll just give me a time to think? What if sabihin kong I already made up my mind and I’m going to take my seat?”
Umayos naman sa pagkakaupo ang kan’yang boss.
“Of course I will allow you. Gaya nga ng sinabi mo, temporary writer lang siya.”
“Pero kumukuha ka ng gan’yan kapag alam mong delikado na ang papalitan niyang writer. Is this your way of saying na matatanggal na ako?” naghihysterical na tanong ni Isla.
“Honestly saying, yes. Maraming tsansa na ang ibinigay ko sa’yo. Pero matigas ang ulo mo, Isla. You’re not taking our advices. Kung anong gusto mo, iyon ang gagawin mo.”
Kumabog naman ang puso ni Isla sa sinabi ng kan’yang boss. Humugot muli siya ng hininga bago nagsalita.
“Then I’ll prove you wrong,” desididong sagot ng dalaga.
“You should or else, you will lose this job.”
HINDI matigil sa pag-iyak si Isla sa kan’yang apartment. Matapos lahat lahat ng naging kontribusyon niya sa kompanya, tila ba nabalewala iyon lahat dahil sa pagkakamali niya. Totoo naman na siya ang naging dahilan kung bakit nakilala ang publishing house na ‘yon. Noong mga nakaraang taon, kahit saang dyaryo, radio at kung ano-ano pa man, mababasa mo ang kan’yang penname – KOJIMA.
Kilala siya sa kan’yang penname na KOJIMA na ang ibig sabihin ay island. Ito ay galing sa kan’yang pangalan na Isla. Tatlong aklat niya ang kumasikat-sikat. Kung kaya naman ang dating hanggang dalawang palapag lang na publishing house, naging apat na palapag pa iyon. Kung kaya’t totoong siya ang naging dahilan kung bakit naging matagumpay ang publishing house na kan’yang pinagtatrabahuhan. Ngunit sa kabila ng kan’yang naging kontribusyon, tila ba lahat ng iyon ay babalewalain ng kan’yang boss.
Masama ang loob niya sa mga oras na ‘yon. Pakiramdam niya, lahat ng effort niya noon ay binabalewala nang kan’yang boss dahil sa humina ang sales ng kan’yang mga libro. Napasulyap siya sa mga CDs na nasa mesa niya. Isa-isa niya ‘yong tinitigan matapos noon ay isinalpak niya ang isa noon sa DVD at saka nagsimulang panoorin.
Para sakan’ya, kailangan niya ng ideya kung paano makakapagsulat ng mga ganoong uri ng nobela. Kung kaya naman nais niyang manood ng mga st*eamy romance.
NAGISING si Isla nang um*ngol ang dalagitang bida sa kan’yang pinapanood. Hindi niya namalayan na nakatulog na pala siya sa kakapanood nito. Umayos siya sa pagkakaupo at saka mabilis na pinatay iyon. It’s not really her thing kung kaya naman wala siyang kahilig-hilig sa mga ganoong usapan at panoorin.
Napapitlag naman siya nang marinig ang kulog sa labas kaya naman dali-dali siyang lumabas upang isilong ang mga damit na kan’yang nilaban. Nagbabadya na kasi ng ulan kung kaya naman mabilis siyang kumilos. Sa sobrang pagmamadali niya ay nabagsak pa ang isang pantalon niya kung kaya naman mabilis siyang kumilos para pulutin iyon. Nang may maramdaman siya sa bulsa nito.
Mabilis niyang hinugot iyon at dahil doon, bumungad sakan’ya ang calling card. Napabuntong hininga siya nang maalala na ang card na ‘yon ay galing sa binatang nakilala niya sa bar.
KUNOT-NOONG tinitigan niya ang binata nang maglabas ito ng calling card galing sa coat na suot niya. Matapos noon ay inilapag nito iyon sa lamesa.
“Ano ‘yan?”
“Calling card.”
“Alam ko,” pabalang na sagot niya sa binata. “Anong gagawin ko d’yan?”
“Call me just in case you change your mind.”
Napaismid naman ito sa binata at saka mabilis na hinablot ang calling card at saka inilagay iyon sa bulsa ng kan’yang pantalon. As if I will need your help, sa isip isip nito.
SA KABILANG BANDA, malayo ang tingin ni Ezra habang ang kan’yang nobya naman na si Hadleigh ay matamang nakatitig sakan’ya. Kasalukuyan silang nasa isang mamahaling restaurant. Gusto raw kasing makipag-usap ng dalaga rito kung kaya naman kahit masakit sa kalooban ni Ezra ay pumayag pa rin siya.
“I’m sorry,” panimula ni Hadleigh.
“Kelan pa?”
“I did it multiple times.”
Napakuyom naman sa kamao ang binata sa sagot ng dalaga. Hindi siya makapaniwala na pinagtaksilan na pala siya nito, hindi lamang isa o dalawang beses kundi napakaraming beses na pala.
“I’m sorry, babe. I’m sorry. I didn’t me---”
Napahalakhak naman ang binata sa sinabi ng kan’yang nobya, “You didn’t mean? But you did it multiple times? Matatanggap ko pa kung isang beses,” halos dumagundong ang boses nito.
Bahagya namang napayuko ang dalaga, “Calm down, babe. Pinagtitinginan tayo,” nahihiyang pakiusap nito.
Bumuntong-hininga si Ezra, tila ba pinapakalma ang kan’yang sarili, “Why?”
Nabalot sila nang katahimikan dahil doon. Tila ba walang balak sumagot ang dalaga kung kaya naman akmang tatayo na si Ezra nang muling magsalita ang dalaga.
“Hindi mo kayang ibigay ang kelangan ko, Ezra. We never did it. Never. Sa ilang taon nating pagsasama, you never did it to me. Ni minsan, hindi ka nakipags*x sa’kin! Yet you did that to all of your flings.”
Napalunok naman ang binata dahil sa sinabi ng dalaga. Tama ang dalaga, sa loob ng tatlong taong relasyon nila, ni minsan ay hindi niya ginalaw ang dalaga. Pero may dahilan siya doon, may dahilan siya kung bakit hindi niya ‘yon ginagawa sa dalaga. Not this time.
“Bakit, Ezra? Huh? Bakit hindi mo sa’kin ginagawa ‘yon? Is it because I’m not hot? I’m not sexy? Ano, Ezra. Tell me!”
“Because you’re different from them! You are not my fling, Hadleigh! For Pete’s sake, you’re my girlfriend! You are my girlfriend yet you are comparing yourself to them. I told you, ever since I met you I’m not the guy whom I used to be. Hindi na ako ‘yung lalaking basura, Hadleigh. I changed because I want to be a good man for you!”
Tila naman natameme ang dalaga sa sinabi ng binata.
“I never did that because I respect you, Hadleigh. I respect you because I love you,” nanghihinang paliwanag ng binata.
Dahil doon, pumatak ang mga luha ng dalaga. Ni minsan ay hindi sumagi sa isip niya na ganoon pala ang dahilan ng kan’yang nobyo. Akala niya kaya ganoon ang nobyo niya sakan’ya ay dahil hindi siya attractive.
Tumayo naman si Ezra at saka tinapunan ng tingin ang dalaga, “I’m breaking up with you.” Kasunod noon ay mabilis siyang naglakad palabas ng restaurant at saka sumakay sa kan’yang kotse. Mabilis niya itong pinaandar. Mahigpit ang hawak niya sa manibela, pakiramdam niya anumang oras ay sasab*g siya.
Tumunog naman ang kan’yang cellphone hudyat na may tumatawag dito. Hindi na lamang siya nag-abalang tignan pa iyon dahil alam niyang si Hadleigh ang tumatawag na ‘yon. Mabilis siyang nagmaneho patungo sa bar na pinuntahan niya noon. Matapos noon ay pinatay niya ang makina ng sasakyan maging ang cellphone niya.
ALAS-DOS na ng hatinggabi nang makauwi siya sa kan’yang rest house. Matamlay siyang pumasok sa kwarto at saka dumiretso sa kama. Kasunod noon ay binuksan niya ang cellphone niya. Sunod-sunod naman na pumasok ang text at tawag galing sa kan’yang dating nobya. Pipikit n asana siya nang mapansin ang isang number na tumawag sa kan’ya. Hindi ito nakarehistro kung kaya naman napabalikwas siya mula sa pagkakahiga. Nagbrowse siya sa kan’yang inbox at doon natagpuan niya ang isang mensahe mula sa numero na ‘yon.
Call me if you have time. This is Isla, by the way.
Halos mapamura naman siya nang mapansing kaninang hapon pa ang mensahe na ‘yon. Hindi niya alam ngunit natagpuan niya nalang ang sarili niya na tinatawagan ang dalaga. Halos matapos na ang tawag ngunit wala pa ring sumasagot. Marahil ay tulog ang babaeng ‘yon, sa isip isip niya. Pap*tayin na niya sana ang tawag nang biglang sumagot iyon.
“Hello,” bati ni Isla. Halata sa boses nito na kagigising lang niya.
“Did I wake you up?” tanong naman niya rito.
“Oo. Sana bukas ng umaga ka nalang tumawag. Anong oras na, oh.”
Bahagya naming napatawa ang binata sa sinabi ng dalaga.
“Ngayon ko lang nabasa ang text mo. That’s why I called you. So, bakit mo nga ba ako pinapatawag?”
Nabalot naman nang katahimikan ang kabilang linya marahil ay dahil sa tanong niya na ‘yon. Napangisi naman siya nang may maalala siya.
“Ah. Don’t tell me papayag ka na sa deal? Well, sino ba naman kasing makakatanggi sa isang tulad ko? Gwapo, mayaman at higit sa lahat maganda ang pangangatawan. I got it all. Hindi kana lugi,” mahabang litanya nito. Ngunit wala pa rin siyang narinig na sagot mula sa dalaga kaya naman bumuntong-hininga siya.
“Alright, maybe you’ve fallen asleep. I’ll just call you tomorrow.”
Matapos noon ay pinatay niya na ang tawag. Muli siyang humiga para sana matulog na nang magvibrate ang kan’yang cellphone. Mabilis niyang tinignan iyon. Napabalikwas muli siya nang makita na galing sa dalaga ang mensahe.
Yes. Let’s seal that deal.
Napangisi naman siya at saka muling nagtipa ng mensahe.
Let’s seal it with a kiss.
Pilyong sagot niya sa dalaga.
Mukha mo! M*nyak!
Napahalakhak naman siya dahil sa reply ng dalaga. Umayos siya sa pagkakaupo at saka muling nagtext dito.
Okay then, it’s a deal, Ms. Virgin Writer.
Kabanata 1: Ang Unang PagtatagpoPAGPASOK pa lamang ni Isla sa office ay agad siyang pinatawag ng kan’yang boss. Abot-langit ang kaba niya dahil doon. Nang makapasok siya ay agad siyang dumiretso sa upuan na nando’n. Pinagsalikop niya ang kamay niya at saka tumingin sa boss niya.“This is the worst novel I’ve ever read. I’m so disappointed, Isla. You used to be our company’s greatest pride, ikaw ang tinaguriang top-grossing author! But this novel is indeed a disaster and a trash.” Ani ng boss niya saka inilapag ang novel na ipinasa niya no’ng makalawa.Bahagya siyang napayuko dahil sa sinabi ng kan’yang boss. Pakiramdam niya rin ay tutulo na ang luha niya dahil doon. She used to be the top-selling author ngunit napalitan siya sa pwesto niya ng isang baguhang writer.“Hindi kasi ako gaanong maalam sa pagsusulat ng mga s*x scenes,” nahihiyang sagot ni Isla. Sa katotohanan, sa edad na 22 no boyfriend since birth pa rin siya. Kaya naman kahit simpleng halik lang ay never niya pang naranas
“MAGTAPAT ka nga, Isla. Sino ‘yong lalaki na ‘yun?” nakapameywang na tanong sakan’ya ni Maya.Maaga pa lamang ay dumiretso na agad ang kan’yang kaibigan sa apartment niya. Dahil matapos nilang magpunta sa bar ng gabi na ‘yon ay hindi na niya nakausap pa si Isla dahil sa sobrang kalasingan nito.“Ano ba kasi ‘yon?” Tanong ni Isla sa kaibigan habang hinihilot ang sintido niya saka siya sumimsim ng kape na nasa harap niya.“Sino ‘yung lalaking naghatid sa’tin kagabi?”Namilog ang mata ni Isla dahil sa tanong nito tapos noon ay napabuga siya sa kape niya. Hindi panaginip ang lahat ng iyon ani Isla sa isip niya.MAKALIPAS ang ilang minuto, naramdaman ni Isla na bahagya na silang nakakapagpalagayan ng loob. Tahimik lamang siyang sumisimsim ng whisky na inorder ng lalaki sa kan’ya. Halos gawing juice ni Isla ang whisky na iniinom niya, marahil ay dahil sa lasa nitong manamis-namis.“I was asking you what brought you here,” panimula ng binata. Mabilis namang umayos sa pagkakaupo si Isla at sa
KATATAPOS lamang ni Isla sa kan’yang labahin. Pagod siyang umupo sa upuan na nakalagay sa kan’yang kusina. Marahas niyang pinahid ang pawis na tumatagaktak sakan’ya. Kasunod nito ay ang malalim na buntong-hininga niya. Bahagya siyang dumukdok sa mesa at saka sinubukang ipinikit ang kan’yang mga mata. Sa totoo lamang ay tila ba gusto niya na lamang sumuko dahil sa mga nangyayari sa buhay niya ngayon. Pakiramdam niya ay pinagsakluban siya ng langit at lupa sa mga oras na ‘yon. Ngunit hindi pa man humihimbing ang kan’yang pagkakatulog ay nakatanggap siya ng tawag.Sino naman kaya itong istorbo na ‘to, sa isip isip niya. Matamlay niyang sinilip ang kan’yang cellphone at saka binasa ang pangalang rumehistro dito. Mabilis naman siyang napaayos sa pagkakaupo nang mabasa ang pangalan. Department head – ‘yan ang tumatawag sakan’ya sa mga oras na ‘yon.“Good morning po, napatawag po kayo?” magalang na tanong nito.“Magandang umaga, hija. I know I shouldn’t say this to you, but it feels like I h
“MAGTAPAT ka nga, Isla. Sino ‘yong lalaki na ‘yun?” nakapameywang na tanong sakan’ya ni Maya.Maaga pa lamang ay dumiretso na agad ang kan’yang kaibigan sa apartment niya. Dahil matapos nilang magpunta sa bar ng gabi na ‘yon ay hindi na niya nakausap pa si Isla dahil sa sobrang kalasingan nito.“Ano ba kasi ‘yon?” Tanong ni Isla sa kaibigan habang hinihilot ang sintido niya saka siya sumimsim ng kape na nasa harap niya.“Sino ‘yung lalaking naghatid sa’tin kagabi?”Namilog ang mata ni Isla dahil sa tanong nito tapos noon ay napabuga siya sa kape niya. Hindi panaginip ang lahat ng iyon ani Isla sa isip niya.MAKALIPAS ang ilang minuto, naramdaman ni Isla na bahagya na silang nakakapagpalagayan ng loob. Tahimik lamang siyang sumisimsim ng whisky na inorder ng lalaki sa kan’ya. Halos gawing juice ni Isla ang whisky na iniinom niya, marahil ay dahil sa lasa nitong manamis-namis.“I was asking you what brought you here,” panimula ng binata. Mabilis namang umayos sa pagkakaupo si Isla at sa
Kabanata 1: Ang Unang PagtatagpoPAGPASOK pa lamang ni Isla sa office ay agad siyang pinatawag ng kan’yang boss. Abot-langit ang kaba niya dahil doon. Nang makapasok siya ay agad siyang dumiretso sa upuan na nando’n. Pinagsalikop niya ang kamay niya at saka tumingin sa boss niya.“This is the worst novel I’ve ever read. I’m so disappointed, Isla. You used to be our company’s greatest pride, ikaw ang tinaguriang top-grossing author! But this novel is indeed a disaster and a trash.” Ani ng boss niya saka inilapag ang novel na ipinasa niya no’ng makalawa.Bahagya siyang napayuko dahil sa sinabi ng kan’yang boss. Pakiramdam niya rin ay tutulo na ang luha niya dahil doon. She used to be the top-selling author ngunit napalitan siya sa pwesto niya ng isang baguhang writer.“Hindi kasi ako gaanong maalam sa pagsusulat ng mga s*x scenes,” nahihiyang sagot ni Isla. Sa katotohanan, sa edad na 22 no boyfriend since birth pa rin siya. Kaya naman kahit simpleng halik lang ay never niya pang naranas