Home / Romance / The Virgin Writer / Ang Kasunduan

Share

Ang Kasunduan

Author: missfriees
last update Huling Na-update: 2022-08-04 11:59:14

“MAGTAPAT ka nga, Isla. Sino ‘yong lalaki na ‘yun?” nakapameywang na tanong sakan’ya ni Maya.

Maaga pa lamang ay dumiretso na agad ang kan’yang kaibigan sa apartment niya. Dahil matapos nilang magpunta sa bar ng gabi na ‘yon ay hindi na niya nakausap pa si Isla dahil sa sobrang kalasingan nito.

“Ano ba kasi ‘yon?” Tanong ni Isla sa kaibigan habang hinihilot ang sintido niya saka siya sumimsim ng kape na nasa harap niya.

“Sino ‘yung lalaking naghatid sa’tin kagabi?”

Namilog ang mata ni Isla dahil sa tanong nito tapos noon ay napabuga siya sa kape niya. Hindi panaginip ang lahat ng iyon ani Isla sa isip niya.

MAKALIPAS ang ilang minuto, naramdaman ni Isla na bahagya na silang nakakapagpalagayan ng loob. Tahimik lamang siyang sumisimsim ng whisky na inorder ng lalaki sa kan’ya. Halos gawing juice ni Isla ang whisky na iniinom niya, marahil ay dahil sa lasa nitong manamis-namis.

“I was asking you what brought you here,” panimula ng binata. Mabilis namang umayos sa pagkakaupo si Isla at saka humarap sa lalaki.

“Ikaw ba, what brings you here?”

“I broke up with my girlfriend,” malamlam na sagot ng lalaki sakan’ya. “Siya lang ‘yung babaeng sineryoso ko. I’ve never been into serious relationship other than her.”

“Ikaw pala nakipagbreak eh tapos nag-eemote ka d’yan.”

“I caught her cheating.”

Tila naman natameme ito sa sagot ng binata sakan’ya.

“I was going to tell her some good news. Within two months, uuwi rito ang parents ko. They want to meet my girlfriend before transferring their business to me. They want to assure na maitutuloy ko ang bloodline namin.”

Napahalakhak naman si Isla sa sinabi ng binata, “May gan’yan din pala sa totoong buhay! Akala ko sa mga nobela at teleserye lang meron niyan.”

“How about you?”

“Edi eto, nasa bingit nang pagiging unemployed,” sa tono pa lamang ng boses ni Isla ay mahahalatang lasing na ito. “Sa edad kong ‘to, aakalain mo ba na never pa akong nagkaroon ng nobyo?”

“No boyfriend since birth,” natatawang sagot naman ni Ezra dito. “May gan’yan din pala sa totoong buhay! Akala ko sa mga nobela at teleserye lang meron niyan,” dagdag pa ng binata na tila ba nang-aasar.

“Oo naman ‘no! Never been k*ssed, never been t*uched.”

“Ano namang kinalaman niyan sa trabaho mo?”

“I’m a writer. A great one,” mayabang na sagot nito. Samantalang si Ezra naman ay patuloy na nilalaro ang baso habang matamang nakikinig sa dalaga.

“But I suck when it comes to writing novels with er*tic scenes. And that’s what I need. Kapag writer ka, ikaw ang dapat magpeplease sa audience. Kelangan sila ang susundin mo. Kung ano ang trend, you have to go with it. You have to go with the flow.” Mahabang litanya nito kasunod noon ay ang muli niyang paghigop sa alak. Dalawang bote, ‘yan na ang naiinom niya kung kaya talagang wala na siya sa sarili niya.

“I can’t afford losing that job. Ako ang breadwinner sa pamilya namin. Hindi ako pupwedeng maging unemployed.” Kasunod noon ay ang paghalakhak nito kasabay noon ay ang pagtulo ng luha niya na agad niya namang pinunasan.

“A virgin writer who wants to write er*tic scenes.”

Napaismid naman si Isla dahil sa sinabing iyon ng lalaki. Kasunod noon ay ang pagtungga niyang muli ng alak, tila ba walang pakealam sa sinabi ng lalaki.

“You know what, I have an idea.”

Napalingon naman si Isla nang magsalita muli ang lalaki.

“I need a girlfriend. You need that job so bad. Our lives are both on the edge. Why don’t you pretend as my girlfriend and I’ll help you write those kind of scenes? I used to be a playboy. I told you, I never had a serious relationship not until my ex-girlfriend came,” wala sa sariling suhestiyon ng lalaki.

Saglit na napatigil si Isla dahil doon. Bahagya rin siyang napaisip dahil doon. Ilang saglit pa ay pumihit siya sa binata. Nakayuko pa rin ang binata habang bahagyang nilalaro ang baso niya. Dahil doon ay dahan-dahang hinawakan ni Isla ang mukha ng lalaki saka mabilis iyong iniangat kaya naman bumungad sakan’ya ang mukha ng lalaki.

Makapal na kilay, mapilantik na pilikmata, matangos na ilong at mayroon pang kissable lips. In short gwapo. Sa isip-isip ni Isla nang mga sandaling iyon. Dahil sa ginawa niyang iyon ay sumilay ang ngiti sa labi ng binata.

“I bet your answer is yes,” mahanging wika ng binata. Dahil doon ay mabilis na bumitiw si Isla sa lalaki at saka muling tinungga ang alak na nasa harapan niya.

Ngumiti naman ang dalaga saka bumuga ng hangin, “No, definitely not with a stranger that I met in the bar.”

NABALIK si Isla sa reyalidad nang alugin siya ng kaibigan. Dahil doon ay muling hinilot ni Isla ang sintido niya.

“Tinatanong kita, Isla. Sino ‘yung lalaki na ‘yon?”

“Ezra. ‘Yan daw ang pangalan niya,” mahinang sagot nito sa kaibigan.

“Anong meron sainyo? At talagang nagpahatid ka pa sakan’ya kagabi! Alam mo ba kung gaano ka kalasing kagabi?”

“He offered me a deal.”

“Anong deal?”

“I’ll be his girlfriend.”

“Pumayag ka?” ‘di makapaniwalang tanong ng kan’yang kaibigan. Lumapit ito sakan’ya at saka bahagya siyang hinawakan sa balikat at saka inalog-alog siya, “Did you agree? Did you?”

Inalis ni Isla ang kamay ng kaibigan sakan’ya at saka umayos mula sa pagkakaupo. Matapos noon ay nagsimula siyang magkwento tungkol sa nangyari noong gabi na ‘yon.

“KAYA mo pa bang magmaneho?”

Tanong ni Maya sa binata nang maihatid sila sa apartment ni Isla. Tumango naman si Ezra at saka kumaway. Matapos noon ay binuhay agad niya ang makina ng sasakyan at saka nagsimulang magmaneho.

Napalingon naman siya sa kan’yang cellphone na patuloy ang pagtunog. Ilang beses na tumatawag si Hadleigh – ang ex-girlfriend niya. Ilang saglit pa ay itinigil niya ang sasakyan sa madilim na parte ng kalye. Matapos noon ay kinuha niya ang cellphone niya. Maraming mensahe galing sa babae kung kaya naman hindi na siya nag-abalang basahin pa ‘yon. P*natay niya na lamang iyon at saka nagpatuloy sa pagmamaneho. Mabilis niyang iniliko ang sasakyan niya at saka dumiretso sa rest house niya – ang lugar na never pang napuntahan ni Hadleigh. Malalim ang paghinga niya nang makapasok sa nasabing rest house. Padabog niyang binuksan ang pinto at saka mabilis na dumiretso sa higaan.

Kelangan niya munang mag-isip-isip, ani niya sa sarili. Matapos noon ay dahan-dahan siyang tumayo para magtimpla ng kape. Iniisip niya kung makikipagbalikan pa ba siya sa babae. Talagang mahal niya ang babae. Sa lahat lahat ng babaeng nakilala niya, si Hadleigh lamang ang minahal niya. At sa lahat lahat ng babaeng nakilala niya, si Hadleigh lang ang nanloko sakan’ya. Mariin siyang napapikit dahil doon. Kasunod noon ay padabog niyang binuhay ang cellphone niya at saka tinawagan ang number ng kan’yang nobya.

“Babe,” panimula ng kan’yang nobya. Bakas sa boses nito na kagagaling lamang niya sa pag-iyak. “Let’s fix this.”

Bahagyang umawang ang kan’yang labi dahil doon. Nagporma ito ng “O” pero walang lumabas na boses sa kan’yang bibig.

“Mahal na mahal kita. You know that. It’s just that…”

Hindi na pinatapos pa ng binata ang sasabihin ng kan’yang nobya, bagkus ay pinat*yan niya ito ng tawag at saka tinurn off na rin ang kan’yang cellphone. Galit na inihagis niya ang cellphone niya sa sofa at saka napalunok nang mariin. Hindi pa siya handang marinig ang rason ng nobya niya, sa isip isip niya.

Matapos noon ay dumiretso siya sa kwarto at saka padabog na tinanggal ang coat niya. Kaya naman naglalaglagan ang mga calling cards niya. Dahil doon, tila ba nagbalik sa isipan niya ang pangyayari kanina.

“YOU know what, I have an idea,” suhestiyon niya sa dalaga na siya namang ikinalingon nito.

“I need a girlfriend. You need that job so bad. Our lives are both on the edge. Why don’t you pretend as my girlfriend and I’ll help you write those kind of scenes? I used to be a playboy. I told you, I never had a serious relationship not until my ex-girlfriend came.”

Kapansin-pansin naman na tila ba natigilan ang dalaga. Matapos noon ay pumihit siya sa binata. Nakayuko pa rin siya habang bahagyang nilalaro ang baso. Bahagya naman siyang natigilan ng hinawakan ng dalaga ang kan’yang mukha at dahan-dahang iniangat iyon. Napangisi naman ang lalaki sa kan’yang isipan. Bakas sa mukha ng dalaga ang pagkahanga sa mukha ng lalaki.

“I bet your answer is yes,” mahanging wika ng binata. Kaya naman mabilis na bumitaw ang dalaga at saka tumungga ng alak. Dahil doon ay lihim na napangisi ang binata.

Ngumiti naman ang dalaga saka bumuga ng hangin, “No, definitely not with a stranger that I met in the bar.”

Dahil doon, tila ba nawala ang ngisi sa mukha ng binata. Sa halip ay tumango-tango lamang siya. Ngunit sa totoo lamang, bahagya siyang nakaramdam ng pagkadismaya. How can she resist a guy like him, ani niya sa isip niya. Ngunit ikinimkim na lamang niya iyon sa kan’yang isipan at saka bumunot sa kan’yang coat ng calling card at saka inilagay iyon sa lamesa.

“Ano ‘yan?”

“Calling card.”

“Alam ko,” pabalang na sagot ng dalaga. “Anong gagawin ko d’yan?” dagdag pa nito.

“Call me just in case you change your mind.”

NAPAHILOT ng sintido ang binata nang maalala ang pangyayari na ‘yon. Dahan-dahan siyang umupo at saka pinulot ang mga calling card na nalaglag. Matapos noon ay naglakad siya patungo sa bathroom para maglinis ng katawan. Bahagya siyang napangiti dahil sa naalala.

“That woman is a conservative one. Talagang hindi siya magkakaroon ng nobyo kung ang isang tulad ko, nireject niya,” ani sa sarili niya.

Habang nakaharap siya sa salamin ay mataman niyang tinignan ang sarili niya.

“How come she didn’t drool all over me? Aish, that virgin writer!” wala sa sariling wika nito.

Kaugnay na kabanata

  • The Virgin Writer   Ang Pakikipagkasundo

    KATATAPOS lamang ni Isla sa kan’yang labahin. Pagod siyang umupo sa upuan na nakalagay sa kan’yang kusina. Marahas niyang pinahid ang pawis na tumatagaktak sakan’ya. Kasunod nito ay ang malalim na buntong-hininga niya. Bahagya siyang dumukdok sa mesa at saka sinubukang ipinikit ang kan’yang mga mata. Sa totoo lamang ay tila ba gusto niya na lamang sumuko dahil sa mga nangyayari sa buhay niya ngayon. Pakiramdam niya ay pinagsakluban siya ng langit at lupa sa mga oras na ‘yon. Ngunit hindi pa man humihimbing ang kan’yang pagkakatulog ay nakatanggap siya ng tawag.Sino naman kaya itong istorbo na ‘to, sa isip isip niya. Matamlay niyang sinilip ang kan’yang cellphone at saka binasa ang pangalang rumehistro dito. Mabilis naman siyang napaayos sa pagkakaupo nang mabasa ang pangalan. Department head – ‘yan ang tumatawag sakan’ya sa mga oras na ‘yon.“Good morning po, napatawag po kayo?” magalang na tanong nito.“Magandang umaga, hija. I know I shouldn’t say this to you, but it feels like I h

    Huling Na-update : 2022-08-04
  • The Virgin Writer   Ang Unang Pagtatagpo

    Kabanata 1: Ang Unang PagtatagpoPAGPASOK pa lamang ni Isla sa office ay agad siyang pinatawag ng kan’yang boss. Abot-langit ang kaba niya dahil doon. Nang makapasok siya ay agad siyang dumiretso sa upuan na nando’n. Pinagsalikop niya ang kamay niya at saka tumingin sa boss niya.“This is the worst novel I’ve ever read. I’m so disappointed, Isla. You used to be our company’s greatest pride, ikaw ang tinaguriang top-grossing author! But this novel is indeed a disaster and a trash.” Ani ng boss niya saka inilapag ang novel na ipinasa niya no’ng makalawa.Bahagya siyang napayuko dahil sa sinabi ng kan’yang boss. Pakiramdam niya rin ay tutulo na ang luha niya dahil doon. She used to be the top-selling author ngunit napalitan siya sa pwesto niya ng isang baguhang writer.“Hindi kasi ako gaanong maalam sa pagsusulat ng mga s*x scenes,” nahihiyang sagot ni Isla. Sa katotohanan, sa edad na 22 no boyfriend since birth pa rin siya. Kaya naman kahit simpleng halik lang ay never niya pang naranas

    Huling Na-update : 2022-08-02

Pinakabagong kabanata

  • The Virgin Writer   Ang Pakikipagkasundo

    KATATAPOS lamang ni Isla sa kan’yang labahin. Pagod siyang umupo sa upuan na nakalagay sa kan’yang kusina. Marahas niyang pinahid ang pawis na tumatagaktak sakan’ya. Kasunod nito ay ang malalim na buntong-hininga niya. Bahagya siyang dumukdok sa mesa at saka sinubukang ipinikit ang kan’yang mga mata. Sa totoo lamang ay tila ba gusto niya na lamang sumuko dahil sa mga nangyayari sa buhay niya ngayon. Pakiramdam niya ay pinagsakluban siya ng langit at lupa sa mga oras na ‘yon. Ngunit hindi pa man humihimbing ang kan’yang pagkakatulog ay nakatanggap siya ng tawag.Sino naman kaya itong istorbo na ‘to, sa isip isip niya. Matamlay niyang sinilip ang kan’yang cellphone at saka binasa ang pangalang rumehistro dito. Mabilis naman siyang napaayos sa pagkakaupo nang mabasa ang pangalan. Department head – ‘yan ang tumatawag sakan’ya sa mga oras na ‘yon.“Good morning po, napatawag po kayo?” magalang na tanong nito.“Magandang umaga, hija. I know I shouldn’t say this to you, but it feels like I h

  • The Virgin Writer   Ang Kasunduan

    “MAGTAPAT ka nga, Isla. Sino ‘yong lalaki na ‘yun?” nakapameywang na tanong sakan’ya ni Maya.Maaga pa lamang ay dumiretso na agad ang kan’yang kaibigan sa apartment niya. Dahil matapos nilang magpunta sa bar ng gabi na ‘yon ay hindi na niya nakausap pa si Isla dahil sa sobrang kalasingan nito.“Ano ba kasi ‘yon?” Tanong ni Isla sa kaibigan habang hinihilot ang sintido niya saka siya sumimsim ng kape na nasa harap niya.“Sino ‘yung lalaking naghatid sa’tin kagabi?”Namilog ang mata ni Isla dahil sa tanong nito tapos noon ay napabuga siya sa kape niya. Hindi panaginip ang lahat ng iyon ani Isla sa isip niya.MAKALIPAS ang ilang minuto, naramdaman ni Isla na bahagya na silang nakakapagpalagayan ng loob. Tahimik lamang siyang sumisimsim ng whisky na inorder ng lalaki sa kan’ya. Halos gawing juice ni Isla ang whisky na iniinom niya, marahil ay dahil sa lasa nitong manamis-namis.“I was asking you what brought you here,” panimula ng binata. Mabilis namang umayos sa pagkakaupo si Isla at sa

  • The Virgin Writer   Ang Unang Pagtatagpo

    Kabanata 1: Ang Unang PagtatagpoPAGPASOK pa lamang ni Isla sa office ay agad siyang pinatawag ng kan’yang boss. Abot-langit ang kaba niya dahil doon. Nang makapasok siya ay agad siyang dumiretso sa upuan na nando’n. Pinagsalikop niya ang kamay niya at saka tumingin sa boss niya.“This is the worst novel I’ve ever read. I’m so disappointed, Isla. You used to be our company’s greatest pride, ikaw ang tinaguriang top-grossing author! But this novel is indeed a disaster and a trash.” Ani ng boss niya saka inilapag ang novel na ipinasa niya no’ng makalawa.Bahagya siyang napayuko dahil sa sinabi ng kan’yang boss. Pakiramdam niya rin ay tutulo na ang luha niya dahil doon. She used to be the top-selling author ngunit napalitan siya sa pwesto niya ng isang baguhang writer.“Hindi kasi ako gaanong maalam sa pagsusulat ng mga s*x scenes,” nahihiyang sagot ni Isla. Sa katotohanan, sa edad na 22 no boyfriend since birth pa rin siya. Kaya naman kahit simpleng halik lang ay never niya pang naranas

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status