Share

Chapter 11

Author: Misa_Crayola
last update Last Updated: 2021-07-24 01:36:50

Nagimbal si King nang makita niyang nanghihina si Anastacia. Mula sa sahig kung saan huling may naganap sa kanila ay binuhat niya ‘to. Para siyang nabuhusan ng tubig bigla. Nanlalamig ang   buo niyang katawan. Nanginginig maging ang kanyang palad na nang mailapag ‘to.

Napakarami nitong natamong kagat mula sa kanya. At kung iisipin niyang mabuti, kahit may pagkakataong tumigil siya, kumalma, ay babalik din siya kaagad sa ‘di mapigilang pagnanasa sa dugo’t katawan nito. Paniguradong nasaktan niya ‘to nang husto.

“Anastacia?”

Abot-abot ang takot na nararamdaman ni King.

Kahit nanghihina at bumabagsak na ang talukap ng mata, ngumiti si Anastacia at inabot ang mukha nito.

“Maayos lang ako, Young Master. K-kailangan ko lang m-magpahinga.”

“Sigurado ka ba?” puno ‘to nang pag-aalala. “Kailangan mo ng doctor—“

“Tumabi ka na lang muna sa ‘kin.”

“Hindi, paano kung makalimot uli ako?”

“Please? Mas gusto kong katabi ka.”

Hindi na napigil ni Anastacia ang pagpikit ng mga mata. Sa sobrang pagod at hirap na pinagdaanan ng kanyang katawan, bumigay na rin ang natitira niyang lakas.

Hinalikan ni King sa noo si Anastacia.

Pinilit niya ‘tong linisan kahit nagsisimula na naman ang pagkabog ng kanyang dibdib. Maging ang init ay tila bumabalik na naman. Pero dahil sa pag-aalala kay Anastacia, nalalabanan niya ‘yon. Nahiga siya sa tabi nito, pinakiramdaman, dahil wala na naman itong nagdurugong sugat nang malinisan niya. Pagpapahingahin muna niya ‘to saglit habang sinusubukan niyang kalmahin ang sarili.

Ipinikit niya ang mga mata.

Napakabigat sa pakiramdam ng heat. Hindi niya ‘yon inaasahan.

Nakaririnig siya ng ingay sa labas, tinatawag ang kanyang pangalan pero imbis na sumagot ay nanatili siyang tahimik.

Parang dahil din sa heat na ‘yon, maging ang kanyang pakiramdam ay hindi gaanong gumagana.

Mainit ang katawan ni Anastacia. Pero hindi na niya gustong saktan ‘to.

Bumibigat ang kanyang paghinga.

**

“Young Master,” pangatlong ulit na ‘yon ni Calixto.

Tahimik na sa loob at mukhang payapa na rin si King. Limang oras na rin ang lumipas  at halos dalawang oras na rin ang lumipas simula nang unti-unting humina ang mga ingay sa silid nito.

Nakahanda na ang kanyang susi maging ang tatlong babaeng kukuha kay Anastacia.

“Pumasok na tayo sa loob,” ani Calixto.

Tumango at humanda naman ang tatlo. Si Alysa, Ivana, at Diana ang mga Half-Human at Vampire Servant ng mga Bezarius. Siya naman ay bagaman tao malakas ang kanyang pangangatawan at sanay na sanay siya sa mabibigat na gawain. Kapag nasa heat ang isang bampira at unang beses, mas mainam na layuan ang mga ito dahil masyado pang mainit ang mga ito. Ang lakas ng isang bampira ay pangdalawampung tao at kung mahina ang katawan ng aawat dito ay maaaring tumilapon lamang o mamatay. Pero habang nadaragdagan naman ang edad ng isang bampira ay natututo na ang mga ‘to na kontrolin ang paparating na heat.

Katulad ng mga taong lobo ay dumaraan sa heat season ang mga bampira. Pero mas madali raw sa mga bampira na kasanayan ‘yon dahil ang mga taong lobo ay hindi ‘yon napipigilan kung dumarating.

  Sa isipin na baka nagpapahinga na si King, nagdesisyon na si Calixto na susian ang pintuan at itulak ‘yon pabukas.

Kompara sa mga taong lobo, wala namang pheromones na inilalabas na amoy ang mga bampira kaya safe ang mga kababaihan. Pero ang bampira sa bampira na may matinding attraction sa isa’t isa ay may naaamoy na nagpapataas ng kanilang libido sa katawan.

“Young M—“

Natigilan ang apat nang makitang magulo ang mga kagamitan na tila ‘yon pinasok ng ilang magnanakaw at nagkalat nang husto para hanapin ang mga mahahalagang bagay. Pero ang sitwasyon ng dalawa ay payapa sa kama.

Nakakumot ang mga ‘to. Nakaunan si Anastacia sa braso ni King at nakahawak ang palad ni King sa buhok ni Anastacia.

Parehong nagpapahinga ang dalawa. Walang saplot ang mga ito sa tingin nila.

“Kailangan natin na alamin ang kalagayan ni Anastacia. Baka marami siyang naging kagat,” ani Calixto sa tatlo.

 Lumapit si Calixto sa bahagi ni King ang tatlo naman ay sa bahagi ni Anastacia.

“Mag-ingat ka, nasa state of heat pa ang Young Master,” ani Ivana.

“Pero mukhang nakapag-isip pa siya dahil sa ayos nila.” Puna ni Diana.

Sang-ayon ang lahat sa sinabi ni Diana. Madalas sa malalang sitwasyon inaabutan ang mga katulad ni King na nasa heat. Maraming kaso ang mga bampirang nakapatay ng servant dahil sa pinagdaraanan. Pero kung nakapuwesto pa ng maayos ang dalawa sa kama, ibig sabihin lamang ay bumaba ang bugso ng heat ni King.

Hahawakan ni Calixto si King, at ganoon din si Ivana at ang dalawang kasama nito. Pero nabigla sila nang magising si King at galit nag alit ang hitsura nito sa mga babae na hahawak kay Anastacia.

Sa pagod na nararamdaman hindi nagawang gisingin ng tagpong ‘yon si Anastacia.

Napalayo ang tatlong babae, sa tingin ni King ay papatayin sila nito kapag nagkamali silang lumapit.

“Hindi niya kayo nakikilala,” ani Alysa. “Humanda kayo sa posibilidad ng pag-atake.”

Nakabangon na si King at nayakap na nito si Anastacia sa katawan nito. Dahil napansin siguro nito na napalakas ang paghawak nito kay Anastacia ay nagbago ang anyo nito, mula sa mabagsik ay tila nag-aalala habang hinahaplos ang mukha ni Anastacia. Maging ang kumot ay mas ibinalot nito rito.

Nagkatinginan ang apat.

“Young Master, kailangan niyang matingnan. Hindi namin siya sasaktan at ilalayo sa ‘yo. Kapag nagamot na namin siya ay ibabalik namin siya sa ‘yong tabi.” Mababa ang tono ni Calixto.

Mukhang hindi ‘to kumbinsido.

Mataas pa ang heat nito, sa hitsura nito at akto ay mukhang wala pa ‘tong nakikilala. May gamot na siyang hawak para mabawasan ang nararamdaman nito.

“Young Master, kung may naging malala siyang sugat o pinsala kailangan kaagad siyang magamot dahil maaari pa ‘yong maging sanhi nang mas matinding komplikasyon sa kanya.” Patuloy na dinadaan ni Calixto sa karahanan si King.

Tila naman nabigla ang apat nang tila ‘to makuha ng mga salitang ‘yon. Naging malambot ang tingin nito kay Anastacia at hinalikan pa sa noo.

“Ito ang gamot mo para medyo bumaba ang nararamdaman mo.” Iniabot ni Calixto ang tatlong tableta rito. Hindi nito ‘yon inabot kaagad dahil mas pinili nitong ituro ang roba nitong kulay itim na nakasampay sa isang upuan.

Kaagad naman ‘yong kinuha ni Diana at marahang iniabot dito.

Si King ang nagsuot ng roba kay Anastacia at nakatalikod naman ang apat dahil masama ang tingin nito sa kanila nang hindi sila tumatalikod kanina.

Tumayo rin ito at naglakad ng hubo’t hubad patungo sa paliguan. Doon nito inilagay sa bibig ang tatlong tableta.

Sa tiyansang ‘yon kinuha ng tatlong babae si Anastacia at nang makalabas ay inilapag nila ‘yon sa de-gulong na higaan para madala kaagad sa doctor of the mansion na nasa ikatlong palapag kasama ang dalawang nurse nito.

Si Calixto ang nagpalit ng sapin ni King. Pagkaalis ng kumot ay maraming mga mantiya ng dugo siyang nakita. Nang iangat si Anastacia ay may kagat ‘to sa leeg at braso, maaaring sa binti ay mayroon din ‘to.

 Samantala sa paliguan kahit anong babad ni King para pa ring sinisilaban ang kanyang katawan. Ang nangyari sa kanila ng tatlong beses ni Anastacia ay masasabi niyang pinakamasarap na pakiramdam na kanyang naabot. Sa tindi ng init at pagnanasa ay hindi niya na halos ‘’to makilala dahil sa nakabubulag na kagustuhan makaabot sa sukdulan.

Napupuwersa niya si Anastacia.

Nasaktan niya ‘to nang husto. Pero imbis na si Anastacia ang isipin niya, nagiging alalahanin pa niya ang matinding pagnanasang nararamdaman. Para siyang tinutupok no’n. Gusto niya ng mapagrarausan nang pakiramdam na ‘yon dahil kung hahayaan niya para na siyang masisiraan ang ulo.

Noon, hindi siya naninwala sa first heat at maidudulot nito, pero ngayong nasa sitwasyon na siya, alam niya na kung bakit may mga babaeng namamatay dahil lamang sa ‘di pagturing ng seryoso sa first heat.

Nasa panganib si Anastacia dahil sa kanya pero ang buo niyang katawan, sumisigaw nang kagustuhang makipagtalik.

“Young Master,” boses ‘yon mula kay Calixto. “Ipadadala ko ang babaeng bampira na pinili para sa ‘yo sa ganitong sitwasyon. Gamitin mo siya hanggang bumaba ang iyong heat. Hindi mo kailangan mag-alala kung makabuo ka sa kanya, siya ay pumirma at sang-ayon sa bagay na ‘to.”

Napalunok si King. Tama, walang makapagpapababa ngayon ng init niya kung hindi niya ‘yon mailalabas sa isang kapareha.

Kapareha na hindi si Anastacia?

“Kung wala kang naramdamang kaibahan sa nainom mo, ibig sabihin lamang ay masyadong mataas ang level ng heat mo. Tatlo lamang ang maaaring inumin mo sa isang araw. Ipadadala ko na siya sa ‘yo.”

Narinig ni King ang paghakbang ni Calixto paalis.

Kahit paano nakabawas ang ibinigay na tableta ni Calixto, pero iyong pag-aapoy ng pakiramdam, hindi no’n napawi, nakapag-isip lang siya saglit at mas nagiging frustrated pa siya habang tumatagal dahil kahit sa pagsasarili ay hindi no’n maibsan ang sarili niya. Kailangan niya ng katawan para pumawi no’n.

Kailangan niyang mas maging maayos para mapuntahan si Anastacia.

Dapat na mawala na ang pakiramdam na ‘yon para maalagaan niya si Anastacia.

Wala na bang solusyon kung hindi makipagtalik siya sa iba?

**

Dahil sanay na ay hindi naman nagulat ang babaeng doctor at dalawang nars na kasama nito nang dalhin ng tatlong half-vampire maid servant si Anastacia. Sa kabilang kama sa kaliwa ‘to nailagay kaagad. Sa bahagi ng kanan kung saan may isa pang higaan ay tila naman nakalimutan ni Kaya lahat ng sakit niyang nararamdaman nang makita si Anastacia na tila lantang-lanta.

“Anong nangyari?” Iyon kaagad ang tanong ng babaeng Doktor na si Emma. Isa ‘tong Half-Vampire rin, pero magaling ito maging sa mga karamdaman na bibihirang maramdaman ng mga Vampire.

“Ang  Young Master ay kasama niya no’ng mag first heat ito.”

Tiningnan ng doctor ang katawan ni Anastacia.

“Pero hindi pa ‘to malala kung tutuusin. May mga kagat siya at mga pasang maaari pang mas lumabas sa susunod na mga oras pero ito ay hindi pa ganoon katindi kompara sa ibang nag first heat.” Kahit paano ay natuwa ang Doktor na hindi malala ang kanyang pasyente.

Parang ganoon din ang pinagdaanan ni Kaya sa kanilang Master pero alam ni Kaya na iba ang katawan niya sa katawan ni Anastacia. Si Anastacia ay parang madaling masaktan at iinda ng mga masasakit sa katawan nito.

“Sa tingin namin ay nakontrol ng Young Master ang kanyang sarili. Nakuha namin siya kaagad dahil ibinigay siya ng Young Master para gamutin. Pero magkasama sila sa kama at kalmado na ito ng puntahan namin,” paliwanag ni Alysa.

“First heat niya ‘to at unang oras pa lamang, pero nakapag-isip na siya kaagad at nakontrol ang sarili kahit may kalapit na babae?” tanong ng Doktor.

Tumango naman ang tatlong maid servant.

“Isang linggo hanggang sampung araw tatagal ang heat niya. May babae na bang kinuha ang Master?” tanong pa uli ng Doktor.

“Mayro’n na at nakahanda na rin siya para sa Young Master,” sagot ni Diana.

“Mabuti kung gano’n. Pero hindi ko akalain na makapagpipigil pa ang Young Master, isa na ‘to sa mild case ng isang Vampire na nasa first heat. O baka dahil napakahalaga talaga nitong personal maid servant niya para sa kanya.”

Natahimik si Kaya at ang tatlong babaeng maid servant.

Noon pa man ay bali-balita na masyadong pinahahalagahan ng Young Master ang personal maid servant nito. Sa kanilang quarter ay marami ng usap-usapan na may relasyon ang dalawa at mauuwi lamang din sa isang mapait na katapusan. Kahit kailan, walang pag-ibig sa tao at bampira na tumagal dahil sa magkaibang span ng buhay ng dalawa.

**

 Ang balitang naabutan ni Calixto at ng tatlong babaeng maid servant ay nakarating din sa mag-asawa mula kay Calixto, matapos nitong malaman ang kalagayan ni Anastacia mula sa doctor.

“Kung gano’n, buhay naman ang babae?” tanong ni Rosanna kay Calixto.

“Ayon sa doctor ay lalagnatin lamang siya at ang pinsalang nakita niya lang ay ang mga kagat at pasa. Wala rin siyang butong nabali. Magiging maayos siya sa loob ng isang linggo.”

Tumango-tango si Rosanna sa nalaman.

“Ang babaeng ipinadala ko kay King?” tanong nito.

“Inihatid ko na siya sa silid ng Young Master.”

Nakahinga ng maluwag si Rosanna.

“Nakapagpigil si King sa isang sitwasyong napakahirap. Sa tingin ko talaga ay magiging malaking kapakinabangan siya sa mga Pureblood.” Nangiti si Ezekiel.

“Huwag sana tayong mahirapang kumbinsihin siya. Kung ganyan ang ipinakikita niya sa babaeng tagasilbi, ibig sabihin lamang na maaaring kinababaliwan pa niya ‘yan ngayon.”

Nangisi si Ezekiel. “Madali na nating palabasing namatay ang babae kung nag-aaral na siya sa Vampire University.”

Nabigla naman si Rosanna maging si Calixto.

“Nagbibiro lamang ako,” natawa si Ezekiel.

Hindi natawa si Rosanna. Nakikita niyang may plano na ‘tong nabubuo. Kung siya ang papipiliin gusto niya rin naman ng koneksiyon sa mga Pureblood, pero hindi sa punto na sasakalin niya ang kanyang nag-iisang anak at didiktahan ang bawat magiging galaw nito.

“Maaari naman siyang magkaro’n ng babae habang may asawang bampira,” ani Rosanna.

“Hindi isang Pureblood si King, kaya magiging mahirap sa kanyang magkaroon ng babae kung isang Pureblood Princess ang mapapangasawa niya.”

Naputol ang kanilang pag-uusap nang may tumawag kay Calixto na isang Butler. Hindi pa man ‘to nagpapaliwanag mukhang alam na nila ang sitwasyon. Lalo at kasama nito ang babaeng dinala niya sa silid ni King at walang kagalos-galos man lamang o kahit anong palatandaan na sumama ‘to sa kama sa kanilang Young Master.

“Bakit nasa labas pa ‘yan? Akala ko ay sinama mo na sa silid ni King?” tanong ni Rosanna.

“Pinalabas niya ‘ko.” Halata ang iritasyon sa babae.

Related chapters

  • The Vampire's Maid Servant (Tagalog)   Chapter 12

    Chapter 12 Nagising si Anastacia na masakit pa rin ang bawat sulok ng kanyang katawan. “Mabuti naman at nagising ka na.” Boses ‘yon ni Kaya, kahit nanlalabo ‘to sa kanyang paningin saglit ay kilalang-kilala naman niya ‘to. “Kaya,” nangiti siya. Nag-aalala siya nang husto rito dahil bigla ‘tong hindi bumalik sa kanilang silid. Ang sabi lamang sa kanya ay may ipinagagawa rito ang Master Ezekiel nila. “Paano pala ‘ko nakarating dito?” Nabigla si Anastacia at napabangon. Napaigik siya sa sakit ng kanyang likuran. Nagtaka rin siya sa basang bimpo na bumagsak mula sa kanyang noo. “Huwag ka munang kumilos baka mabinat ka. Isang linggo ka ng walang malay.” Nag-aalala si Kaya dahil sa biglaan niyang pagkilos. “M-may nangyari sa ‘min ng Young Master?” Pagkokompirma ni Anastacia. Tumango si Kaya. “Hindi naman ‘yon nakapagtataka dahil palagi kayong magkasama. Ikaw ang kasama niya nang mag f

    Last Updated : 2021-07-28
  • The Vampire's Maid Servant (Tagalog)   Chapter 13

    Hindi alam ni Anastacia kung ano ang magiging reaksiyon. Naroon ang kaba pero hindi niya gustong iatras ang mga binti. Nag-iinit ang kanyang mga mata dahil alam niyang naghihirap rin si King sa nararamdaman nito. At hindi ‘yon matapos-tapos dahil, marahil, iniisip nito siya. Tumayo ‘to sa kinatatayuan. Pulang-pula ang mga mata nito. Nakita niya kung paano ‘to lumunok. Marahan ang mga lakad nito, kung hindi lamang siya nakatingin dito ay hindi niya maririnig o malalaman man lamang na may presensiyang iba sa kanyang paligid. “Young Master. Nakikilala mo pa ba ‘ko?” tanong niya. Hindi ‘to kumibo. Mas mukhang hindi siya nito nakikilala at pagkain ang tingin nito sa kanya. Uhaw rin ‘to sa dugo, isa sa dahilan bakit ‘to lalong nagiging frustrated. Napalunok si Anastacia nang ilahad nito ang palad sa kanya. Hindi niya nakikita ang rekognisyon nito sa kanya kaya nag-aalala si Anastacia sa maaaring ikilos nito. Iba ang kulay ng

    Last Updated : 2021-07-29
  • The Vampire's Maid Servant (Tagalog)   Chapter 14

    Nakangiti si Vince Villadiego habang inaabot ang kanyang sertipiko. Siya ang pinakabatang Vampire Hunter na nakapasok sa ‘Carolus Rex’. Labing-walong taong gulang pa lamang siya.Ang Carolus Rex ay iisa lamang sa mga samahan ng mga Vampire Hunter. Pero ito ang kinokonsidera ng gobyerno na pinakamapagkakatiwalaan. Isa pa, hindi lahat ng samahan ng mga Vampire Hunter ay para sa kabutihan ng sangkatauhan ang layunin, ang iba ay para lamang ibenta ang mga bampirang nahuhuli sa mga scientist o samahan na nag-aaral sa mga ‘to para sa mga nililikhang sandata laban sa mga ‘to.Nagpalakpakan ang nasa isangdaang bilang ng mga Vampire Hunter nang humarap siya sa mga ‘to. Tumungo siya.“Maraming salamat! Gagawin ko ang lahat para maubos ang mga bampira!”Lalong naghiyawan ang mga ‘to at nagpalakpakan.Nang makababa siya ay sinalubong siya kaagad ng mga Vampire Hunter na makakasama niya na. Isa siya sa sampung bag

    Last Updated : 2021-07-29
  • The Vampire's Maid Servant (Tagalog)   Chapter 15

    “Alexandra and Alessia Bathory.” Sa ikatlong ulit ay sabi ng isang Maestra sa kambal na Alessia at Alexandra. Naroon sila sa hapagkainan para turuan ng tamang paggamit ng kubyertos at maging ang mga tamang kaasalan bilang isang Pureblood. “Simula ngayon, Bathory na ang gagamitin ninyong apelyido. Iyan ang apelyido na ibinigay sa inyo ng inyong ama. Kayong dalawa ay mga Pureblood kahit pa kayo ay kalahating tao. Gano’n pa man, hindi ninyo maaaring makuha ang apelyidong Elizabeta dahil para lamang ‘yon sa mga Pureblood na naging anak sa isang Pureblood. Pero maaari ‘yong makuha ng inyong anak kung ang magiging asawa ninyo ay isang Royal blood.” Hindi naiintindihan gaano ng dalawa ang mga pinagsasabi simula pa noong nakaraan ng kanilang Maestra. Pero si Alexandra, sa punto ng Elizabeta-Bathory ay medyo nauunawaan niya. Ang Pureblood Vampires ay mayroong dalawang apelyido, iyon ay ang ‘Elizabeta-Bathory’. Lalaki man o babae ang mula

    Last Updated : 2021-07-30
  • The Vampire's Maid Servant (Tagalog)   Chapter 16

    Enggrande ang kasiyahan sa kastilyo. Pili ang mga naimbitahan at walang malinaw na kapaliwanagan bagaman mayroon ng iba’t ibang suspetsa ang bawat pamilya. Lahat ng naimbitihang kalalakihang Royal Blood ay may edad Labing-walo hanggang dalawampu’t lima. Nagsisimula ng dumating ang mga naimbitahan. May mga pinalad na dalaga dahil sa sila ang napiling kapareha ng mga imbitado. Samantala, sa silid ay magkasama ang magkapatid na Alessia at Alexandra Bathory. Pareho silang ubod ganda sa kasuotang itim na puno ng itim ring mga mamahaling bato. Lahat ‘yon ay madetalye at pinagpaguran ng limampung pribadong manggagawa ng kasuotan sa kastilyo. Ang kanilang buhok ay pinag-iba dahil sa magkamukhang-magkamukha sila. Si Alexandra ay nakalugay ang kalahating bahagi ng buhok habang napalalamutian ang tuktok niyon ng mga itim na perlas. Si Alessia naman ay buong buhok ang nakatali at napapalamutian din ng mga itim na mamahaling bato. Si Alexandra ang kaibahan lamang

    Last Updated : 2021-07-31
  • The Vampire's Maid Servant (Tagalog)   Chapter 17

    “Bakit umalis tayo sa sayawan, Young Master? Hindi ba ikaw hahanapin sa loob?” tanong ni Anastacia. Dinala ni King si Anastacia sa bahagi ng balkonahe ng kastilyo. Walang katao-tao roon dahil nga pokus ang mga naroon sa mga Pureblood. Bihira lang din makasalamuha ang mga ‘to kaya magandang bagay ‘yon para sa ibang mga bampira na gusto ng koneksiyon sa mga ito. “Pumunta lang naman ako rito dahil kailangan. Pero mas gusto kitang titigan kesa manatili sa maingay na sayawan.” Hinila ni King si Anastacia sa braso at ikinulong ‘to sa bisig. Sumandal ‘to sa railing ng balkonahe. “Young Master, b-baka may makakita sa ‘tin.” Nahihiya si Anastacia pero naroon iyong kabog ng dibdib niya dahil nakulong siya sa mainit na yakap ng lalaking minamahal. “Ano naman? Karamihan naman sa bisita mga nagugustuhan nila ang dala nila.” “Pero bakit parang interesado naman ang karamihan do’n sa mga naggagandahang prinsesa?” nag-angat ng tin

    Last Updated : 2021-08-02
  • The Vampire's Maid Servant (Tagalog)   Chapter 18

    ANASTACIA’S POV Apat na araw matapos naming pumunta sa kastilyo ay naging abala ang Young Master. Nasa physical examination siya nitong huling tatlong araw. Ngayon ay uuwi na siya kaya naman hindi ko mapigilang matuwa. Inayos ko pa ang uniporme ko at mas inayos ang pagkakatali ng buhok ko. Para ‘kong palaging hindi mapakali kapag alam kong parating na siya. “Anastacia, may ginagawa ka ba?” Napalingon ako sa pintuan. Si Mia ‘yon, isa sa servant. “Bakit?” tanong ko. “Wala pa rin kasi si Kaya, baka puwede mo kaming tulungan sa dinner? Marami rin kasing ibang ginagawa ‘yong iba. Pero kung may iba ka namang ginagawa ay tatawag na lang ako sa kabilang kuwarto.” “Hindi, okay lang naman. Maaga pa naman sa pagdating ni Young Master.” “Mabuti, salamat, Anastacia.” Lumabas ako ng silid para sundan si Mia. Sa kusina kami nagtungo. Lima lamang sila roon at kukulangin nga lalo at mabilisan ang gusto palagi ng m

    Last Updated : 2021-08-05
  • The Vampire's Maid Servant (Tagalog)   Chapter 19

    Tumayo si King sa kinauupuan. “Iyan ba ang nakukuha mo sa babaeng ‘to? Ang maging bastos sa ‘yong mga kadugo?” maawtoridad na tanong ng lola ni King. Sa naging hitsura ni King, alam kaagad ni Rosanna na hindi magpapaawat ang kanyang anak. “Maraming servant ang nakatingin sa ‘tin. Hindi ba puwedeng kumain muna tayo at pag-usapan ‘to sa pribadong silid?” si Ezekiel ‘yon sa mababang tono. “King, maupo ka na,” marahang sabi ni Rosanna. Kilala niya ang anak, mas nadadaan ‘to sa mahinahon na boses. Isa ‘yon sa dahilan bakit din ‘to nagkagusto kay Anastacia, kalmado at may kahinaan ang boses nito. Tiningnan ni Anastacia si King, tumango siya para hudyatan ‘to na muling maupo at makinig. Naupo naman si King kahit wala na siyang ganang kumain. Hindi na kumibo si King, tahimik na rin naman na kumain ang kanyang mga kasama. Pilit na lang na itinayo ni Anastacia ng diretso ang kanyang sarili. Alam niya na at dapat siyang masanay na

    Last Updated : 2021-08-07

Latest chapter

  • The Vampire's Maid Servant (Tagalog)   EPILOGUE

    Tuwing maaalala ko ang simula namin nang Young Master, hindi ko mapigilang mangiti. Ngayon, kasal na kami nang limang taon at paunlad na nang paunlad ang aming bayan. Reyna’t hari na kami at mas lumalawak pa ang lupain. Dahil sa yaman din ni King, madali sa ‘ming magpatayo nang mga kakailangan sa pagpapaunlad maging ang pabrika. Nagsimula na rin siyang kunin ang mga karatig isla na walang nananahan para lagyan ng mga laboratoryo. Malaking bagay na nasa amin ang poisoned-hill, dahil doon maraming dumarayo sa ‘ming turista iyon ay dahil na rin nakakulong na sa isang barrier ang mga makakamandag na hayop—safe na ang mga ito, napupuntahan pa ‘to para maging isang tourist attraction. Madalas mayroong mga antidote sa lason nang dala-dala dahil ‘di naman masasabing lahat ay naikulong na. Sa susunod, magiging malaki na rin kaming siyudad. Napakaganda nang palitan ng mga produkto at mayaman ang lupa rito para maging isang magandang lugar para sa agrikultura. Na

  • The Vampire's Maid Servant (Tagalog)   Chapter 105.3

    KingGumaling ako sa tulong ng iba’t ibang mediko. Maliban sa ‘king likuran na dadalhin ko na habang-buhay. Pero tinuruan ako ng Emperador kung paano ko makokontrol ang aking kakayahan lalo at hindi na ‘yon mapipigilan pa dahil nagkaroon na siya nang awakening.Hindi kami nakatira sa pamilya ko dahil inalagaan pa kami sa Zone 66.Si Anastacia, dito na rin nagsilang ng anak namin si ‘Darius at Remy’ na ngayon ay mag-iisang taong gulang na. Habang narito ako sa Zone 66 ay nabubuhay siya sa isla at naalagaan namang maigi. Mas pinili namin magkalayo para rin naman sa ikakabuti namin, nagkikita pa rin naman kami linggo-linggo.Marami akong natutunan sa Zone 66.Ang mga magulang ko naman ay nagpagawa na nga nang mansion sa lugar kung saan kami ang mamumuno ni Anastacia—ang twin hill of poisoned island, doon sila nakatira at paminsang doon namamalagi ang mag-ina ko.Nalaman din ni Kairus, ang purebl

  • The Vampire's Maid Servant (Tagalog)   Chapter 105.2

    Ilang linggo ring walang malay si King.Sa nakalipas na dalawang linggo ay naoperahan na rin ang tatlo nitong kapatid at ngayon ay nagpapahinga.Nagkaroon ng komplikasyon kay Dark pero kaagad din ‘yong naiayos dahil ang mismong humawak sa operasyon ay ang Emperador. Sabi ni Magareth kay Anastacia ay gusto talaga ‘yong tutukan ng Emperador.Si King, hindi pa ‘to sumasailalim sa operasyon dahil kailangan pa nitong magpalakas pagkagising.“Lumabas na ‘yong resulta ng dugo niya,” sabi ng doctor na babae.Iyon ang hinihintay nila.“Marami kaming pagsusuring ginawa pero wala kaming makitang lason sa katawan niya. Mukhang ang katawan niya talaga ay immune sa lason,” sabi nito.Nakahinga naman nang maluwag si Anastacia.“Marami lang siyang nakuhang pinsala at dahil nagpapahinga naman siya ay nakaka-recover siya. Mayroong din namang unique capability ang mga bampira for self-healing.

  • The Vampire's Maid Servant (Tagalog)   Chapter 105

    “Sa lahat ng pagkakataon, nakikilala mo ‘ko hindi ba?” tanong ni Anastacia.Naalala na ‘to ni King, hanggang noong mga bata sila hanggang ngayon. Malinaw na sa kanya ang lahat. Kahit paulit-ulit niya ‘tong nasasaktan, nabibigo, at hindi maaalala, hindi ‘to bumitiw sa kanya kahit minsan.”Hinawakan niya ang mukha ni Anastacia kaya nagulat ‘to.“Anastacia—“ bulong ni King.Nagulat si Anastacia at napangiti kasabay ng kanyang mga luha.Hinalikan ni King sa noo si Anastacia.“I love you.”Bumigay ang katawan nito at bumagsak. Kaagad ‘tong nasalo ni Anastacia.“King!” napasigaw si Rosanna.“Dalhin na kaagad natin siya sa mediko,” sabi ni Neo.“Sasama ako, puwede ba ‘kong sumama?” tanong ni Anastacia sa mag-asawa.“Paniguradong hahanapin ka rin niya kung wala ka,”

  • The Vampire's Maid Servant (Tagalog)   Flashback scenes Pt. 2

    Mada’am, Bezarius,” nakangiti kaaagad si Edward. “Tapos na ‘kong magsukat para sa ‘yong unico hijo. Kung ano ang napag-usapan natin sa ibaba bago ‘ko umakyat ay iyon pa rin naman, maliban sa mas gusto ng Young Master ang kulay abo kesa kulay puti.”“Napakahilig niyan sa gray, hindi ko alam sa batang ‘yan,” napapailing si Rosanna.“Sukatan mo na rin si Anastacia,” nakangiting sabi ni King.“B-bakit?” tanong ni Anastacia.Hinila siya ng marahan ni King at dinala malapit kay Edward na napatingin sa ginang.Isang mananahi ng mga piling Royal Blood lang si Edward, hindi ito gagawa ng kasuotan ng isang alipin at mahal ang magiging singil nito at hindi mag-aaksaya si Rosanna para lamang sa isang alipin.“King, maid servant mo si Anastacia. Ang susuotin niya ay mula na lamang sa mga kasuotan na si Calixto na ang bahalang mamili.&r

  • The Vampire's Maid Servant (Tagalog)   Flash back scenes in King's mind

    “Anastacia talaga ang pangalan mo?” tanong niito sa kanya.Nagulat naman si Anastacia nang magsalita ‘to at kausapin siya.“Anastacia nga, Young Master. Pero p-puwede mo raw ‘yon baguhin sa gusto mo.”“Hmmm…” nag-isip ito habang pagalaw-galaw sa upuan nito. “Ano kaya kung itlog na lang ipangalan ko sa ‘yo?” ngumisi ‘to.“I-itlog?” natakot pa siya no’n dahil sa pangalan na gusto nito.“Oo, bakit? Hotdog ba gusto mo?” ngising-ngisi ‘to. “Tapos tatawagin kita, halika nga rito babaeng itlog!” Bigla ‘tong tumawa nang ubod lakas.Nag-init ang mga mata ni Anastacia, maya-maya pa ay umiiyak na siya.“Hala!” nagulat si King. “Joke lang ‘yon!” inabutan siya nito ng cookies nang tumayo ‘to para lapitan siya. “Ang iyakin mo naman, kainin mo na ‘to tapos &

  • The Vampire's Maid Servant (Tagalog)   Chapter 104

    “Young Master!” Pilit na pinipigilan ni Anastacia ‘to pero nakikipaglaban lang ‘to at halos lahat ay sinasaktan nito.Nagwawala na ‘to nang husto. Maging si Don Felipe na sinubukan ‘tong labanan ay napatalsik nito. Masyado ‘tong malakas na ‘di halos mapaniwalaan ni Anastacia.“Bitiwan mo siya! Huwag mo siyang hawakan!” sigaw nito.Mukhang ang nakikita ni King ay iba na sa nagaganap.Nagbagsakan ang mga luha ni Anastacia. Hindi na ‘to nakakakilala. Nagwawala ‘to at naglalabas ng mga magic circle, sinisira nito lahat habang muntikan na nitong mapaslang. Iniiwasan nila ‘to, kahit ano ring tawag niya ay hindi na siya nito naririnig. Nahila na rin siya ni Rosanna sa braso para ‘di na magpatuloy sa paglapit dito.“Anong nangyayari? Hanggang kailan siya magiging ganyan?!” umiiyak na tanong ni Anastacia.Hindi nakasagot ang mag-asawa. Lumuluha rin ang ina

  • The Vampire's Maid Servant (Tagalog)   Chapter 103.3

    “Nakita na namin siya!”Tila nagliwanag ang paligid ni Anastacia nang marinig ‘yon.“Palabas na kami, iuuwi namin kaagad siya,” anito.Hindi siya tumutol. “Mag-iingat kayo, kumusta po siya?”“Malala, sobrang lala, hindi ko alam kung aabot kami!” umiiyak ito.Parang nilamutak ang pakiramdam ni Anastacia sa kanyang puso.Nang makitang abala ang dalawa sa pagpana sa mga pumapana sakanila ay kaagad siyang humanap ng daanan pababa.Nakita niya na sa kalilingon ang mga barko nito. Gusto niyang mahawakan si King.Tumakbo siya dala ang pana at palaso.Iniiwasan niyang makipaglaban kaya hangga’t kaya niyang magtago sa mga puno at gilid-gilid ay ginagawa niya.Nagmamadali siya dahil baka maiwanan siya ng barko.Ipipilit niyang sumama sa mga ito.“Young Master…” Bagsakan nang bagsakan ang mga luha niya. Hindi niya

  • The Vampire's Maid Servant (Tagalog)   Chapter 103.2

    Madilim sa Dark Island, walang liwanag kahit galing sila sa liwanag. Marami na silang pagsabog na naririnig, marami na ring barko—malaki ang dark island pero mayroong specific place kung nasaan ang hinahanap nila. Nagulantang si Anastacia dahil patuloy ang mga pagsabog, mayroon na ring pagliliyab. Tumutunog din ang mga emergency alarm nang buong lugar.Nang huminto ang barko ay kaagad nang inatasan ni Neo ang sampung Knights, dalawa ang naiwanan sa kanya.“Huwag kang bababa, mapanganib,” bilin nito bago ‘to bumaba.Kabadong-kabado si Anastacia, malayo sa pinangyayarihan pa rin ng laban kung saan sila huminto. Nakakarinig lang siya ng mga pagsabog, tunog ng mga sandata, alarm. Marami ring umuulan na palaso pero hindi sila tinatamaan no’n kahit pa inaabot sila dahil sa shield barrier na ginawa ng isa niyang kasama sa barko.“Anastacia, Anastacia,” boses ‘yon sa ‘king isipan.Hi

DMCA.com Protection Status