Share

Chapter 12

Author: Misa_Crayola
last update Huling Na-update: 2021-07-28 06:10:03

Chapter 12

Nagising si Anastacia na masakit pa rin ang bawat sulok ng kanyang katawan.

“Mabuti naman at nagising ka na.”

Boses ‘yon ni Kaya, kahit nanlalabo ‘to sa kanyang paningin saglit ay kilalang-kilala naman niya ‘to.

“Kaya,” nangiti siya. Nag-aalala siya nang husto rito dahil bigla ‘tong hindi bumalik sa kanilang silid. Ang sabi lamang sa kanya ay may ipinagagawa rito ang Master Ezekiel nila.

“Paano pala ‘ko nakarating dito?” Nabigla si Anastacia at napabangon.

Napaigik siya sa sakit ng kanyang likuran.

Nagtaka rin siya sa basang bimpo na bumagsak mula sa kanyang noo.

“Huwag ka munang kumilos baka mabinat ka. Isang linggo ka ng walang malay.”

Nag-aalala si Kaya dahil sa biglaan niyang pagkilos.

“M-may nangyari sa ‘min ng Young Master?” Pagkokompirma ni Anastacia.

Tumango si Kaya. “Hindi naman ‘yon nakapagtataka dahil palagi kayong magkasama. Ikaw ang kasama niya nang mag first heat siya. Pero masuwerte ka na nabuhay ka dahil iba ang lakas ng mga bampira kapag nasa kanilang first year heat.”

“Kumusta na siya? Maayos lang ba ang Young Master? Nasugatan o nasaktan ba siya? Maraming gamit ang nasira, baka nagkaroon siya ng sugat o—”

“Huminahon ka nga,” ani Kaya na natatawa. “Iba ang katawan ng bampira sa ‘tin. Kung sa pagbalibag niya ay nagkapasa-pasa ka, sila ay wala lamang ‘yon. Alam ko ay nagkagalos lamang siya. At nasa heat pa rin siya ngayon kaya hindi mo siya puwedeng lapitan.”

Nayakap ni Anastacia ang sarili. Totoo ay nasaktan siya sa maraming pagkakataon pero alam niyang sa bawat pagkakataong ‘yon nagpipigil si King. Hindi ‘to nagpapadala nang husto sa nararamdaman.

“Kailangan mong magpagaling, magpahinga at magpalakas. Ikaw ang kasama niya sa lugar ng mga Pureblood Vampire, kung hindi mo siya masasamahan doon ay hahanap ang magulang niya ng ibang ipapareha sa kanya at hindi mo ‘yon gusto hindi ba?”

Namula si Anastacia. Sa totoo lamang ay marami nang nakakaramdam na may gusto talaga siya sa Young Master nila. Hindi niya rin alam kung paano itatanggi, para bang kapag may nagtanong no’n o humuli sa kanya ay mapapaamin talaga kaagad siya, kung hindi man ay mahahalata siya kaagad ng mga ito dahil pamumulahan siya.

“Ikukuha kita ng makakain.”

Tumango-tango si Anastacia. “Salamat, Kaya.”

Napatitig siya kay Kaya kaya napansin niya ang leeg nito na may magkasunurang pasa na tila kinagat.

Nakapa ni Anastacia ang sariling leeg. May nakapa rin siyang ganoon ang dating. Nang makaalis si Kaya ay kinumpirma niya ‘yon sa salamin na nakuha niya sa tabing mesa.

“Bakit si Kaya ay may—”

“Gising ka na pala,” si Estella ‘yon nang magbukas ng pintuan.

Naibaba naman ni Anastacia ang salamin.

“K-kagigising ko lang.”

“Nasabi na ba sa ‘yo ni Kaya na hindi ka puwedeng lumapit ngayon sa Young Master?”

Tumango naman si Anastacia. Nalulungkot siya na hindi niya ‘to mapupuntahan.

“At naiintindihan mo naman ‘yon?”

Tumango uli si Anastacia.

“Mabuti naman, lalo ngayon, mas mapanganib kung lalapit ka sa kanya. Baka iyon pa ang ikamatay mo.”

“H-hindi naman ako papatayin ng Young M—”

“Hindi ka niya papatayin kung wala ‘yong nararamdaman niyang heat. Bukod do’n sa heat pa niya, nagiging ganap ng bampira ang katawan niya kaya maging ang dugo mo ay magiging mabango na sa kanya. Hindi siya nakakapag-isip ng maayos ngayon dahil sa nararamdaman niya.”

Naiintindihan naman ‘yon ni Anastacia. Pero umaasa siyang masamahan niya si King sa ganoong pakiramdam nito.

“Maraming babae ang pumapasok sa silid niya at mga bampira ‘yon. Mas kaya nila ang lakas ng kalahi nila.”

Sa narinig ni Anastacia ay pinanlamigan siya.

“Ano naman ang sinasabi mo kay Anastacia? Baka mabinat ‘yan.” Si Kaya ‘yon dala ang tray ng mainit na sopas at tubig.

“Baka lang gusto niyang magpakabayani at puntahan ang Young Master, kaya sinabi ko na sa kanya na maraming babaeng bampira ang pumapasok sa silid niya para pawiin ang nararamdaman niya.”

Maging si Kaya ay nabigla sa sinabi ni Estella.

“Estella!” saway ni Kaya.

Nabigla ang dalawa nang makitang nagbabagsakan ang luha ni Anastacia.

Kaagad binaba ni Kaya ang dala-dala sa mesa at naupo sa gilid ng kama.

“Anastacia—”

“O-okay lang ako, n-napuwing lang ako.”

“Hindi mo naman kailangan maging ma-drama, ang s*x ay pangkaraniwang bagay sa mga bampira. Parang pagkain lamang nila ang pagiging normal no’n. At hindi mo kayang maging sapat sa katulad nila.” Tumalikod na si Estella at lumabas ng silid.

Napahinga naman nang malalim si Kaya. Alam niyang nag-aalala lamang si Estella kay Anastacia pero ang paraan nito ng pananalita ay makakasakit lalo kay Anastacia na may pagka-balat-sibuyas.

“Binibiro ka lamang ni Estella—”

“Naiintindihan ko naman na mangyayari ‘yon,” ani Anastacia. Pero hindi pa rin matigil ang kanyang luha.

“Mahal na mahal mo talaga ang Young Master, ‘no?”

Tumango si Anastacia. “Siya ang buhay ko, kung mawawala siya ikamamatay ko nga,” anito.

“Paano kung dumating ang panahon na kailangan mo siyang pakawalan? O maging babae ka na lamang niya? Mag-asawa siya ng katulad niya at maiwanan katulad ng ibang babae na nagkaedad—”

“Madalas ko na ‘yang isipin at isa lamang ang nakukuha kong sagot. Masasaktan ako. Pero hindi ako ang babaeng maaari siyang samahan habang-buhay niya kaya iyong pansamantalang kaya niya ‘kong mahalin, kukunin ko na ‘yong oportunidad.” Ngumiti si Anastacia. “Pero lolokohin ko ang sarili ko kung sasabihin kong hindi ako natatakot, natatakot din ako sobra.”

Nangiti si Kaya.

“Uulitin ko, hindi totoo ang sinabi ni Estella.”

Napatitig dito si Anastacia. Iniangat ni Kaya ang sopas at iniabot sa kanya.

“Tumanggi ang Young Master sa ibang babae, hindi nagpapapasok ng babae sa kanyang silid. Mas lamang ang galit niya kapag may pumapasok sa kanyang silid. Sa ngayon, naroon siya sa taas kung saan mga Butlers ang nagsisilbi sa kanya.”

Hindi alam ni Anastacia kung matutuwa siya lalo at alam niyang nahihirapan ‘to. Naranasan niya at nakita ang nangyayaring kakaiba rito habang nasa heat, ano pa ngayon na nag-iisa ‘to?

“Kumusta na siya?”

Parang gusto na kaagad tumayo ni Anastacia at puntahan ‘to.

“Ganoon pa rin, isang linggo pa siyang magkakagano’n sa tantiya nila. Pero maaaring tumagal din daw lalo at wala nga siyang kapareha sa panahon na ‘to. May doctor din sila, lalo at ang nagiging singil kapag walang kapareha ang katulad nila sa first heat ay ang pagbabago ng kanilang mood. Maaari ‘yon makaapekto sa magiging ugali niya lalo at mas madalas siyang galit dahil sa frustration.”

Tumayo na si Kaya.

“Ubusin mo na ‘yan, marami pa ‘kong gagawin. Magpahinga ka na lamang muna.”

**

Sinunod ni Anastacia ang bilin ni Kaya na hindi puntahan si King. Nagpalakas siya sa pamamagitan ng pagkain at pagpapaaraw sa umaga. Ginawa niya ‘yon sa loob ng magakakasunod na araw. Naging maayos naman ang kanyang kalagayan. Walang gabi na gusto niyang puntahan si King. Pero natatakot siyang mas mapalala ang nararamdaman nito.

Tutulong sana sa si Anastacia sa kusina pero natigilan siya nang makitang nag-uusap sa pasilyo si Calixto at Apostola.

“Hindi pa rin bumubuti ang kalagayan niya. Nag-aaalala ang doctor dahil mas nagiging mahirap na siyang kausapin.”

Napailing si Apostola.

“Iyon ang mahirap talaga sa first heat.”

“Mahirap dahil baka maapektuhan no’n ang ugali niya pagkatapos. Hindi nagsasarili ang katulad nilang bampira, mababang-gawain ‘yon para sa kanila. Kung sana ay nagagawa man niya lang ‘yon para maibsan ang nararamdaman niya.”

Sa naririnig ay nag-alala nang husto si Anastacia.

“Ilang beses namin siyang inalok ng babae baka magbago ang isip niya pero lalo lang siyang nagagalit. Para ngang hindi na rin siya nakakakilala,” sabi ni Calixto.

“Sinbukan ninyo na bang tao ang ialok sa kanya?” tanong ni Apostola.

Umiling si Calixto.

“Hindi pa sa ngayon, pero mukhang nagbabalak na ang mag-asawa na tao ang ibigay sa kanya. Pero mapanganib ‘yon para sa tao.”

“Baka mamatay ang taong ‘yon lalo at mas marahas na siya.” Napapailing si Apostola.

Hindi na nakinig pa si Anastacia at kaagad siyang umiba ng daanan. Kahit kinakabahan sa madilim na pasilyo patungo sa isang daanan na bihirang madaanan ay naglakas loob siya.

Doon lamang may tiyansa na walang makapansin sa kanya.

Muntik na siyang mapasigaw nang mabunggo siya. Nakahinga siya nang maluwag nang malamang hindi ‘yon tao kundi isa lamang baluting palamuti.

Nang marating niya ang daaanan na pang-isahan lamang ay kaagad ng umakyat si Anastacia.

Tiniis niya ang pagtitindigan ng balahibo. Madilim din. Parang kahit anong tagal, hindi makaka-adjust ang kanyang mga mata.

Binilisan niya ang pag-akyat dahil mas lumalaki lamang ang takot niya habang nagtatagal siya. Para rin kasing nabibingi ang kanyang pakiramdam.

Nang makaakyat siya’y kaagad siyang nakahinga ng maluwag.

Marami sa mga Butler ang Half-Vampire kaya maaaring malaman kaagad ng mga ‘to na naroon siya. Mabuti na lamang ay mayroon siyang safety collar para hindi maamoy ng mga ‘to. Pero kung ang pamilya Bezarius, madali kaagad matutukoy ng mga ‘to na naroon siya. Kaya umaasa siyang wala ang mag-asawa.

Panigurado rin na sa silid na pinaglalagyan sa Young Master nila ay hindi nito siya mararamdaman. Iyon ang safe room ng mga bampira. Doon, hindi naririnig ng mga ‘to ang ingay sa labas. Doon kinulong si King dahil maaari ‘tong makapatay sakaling makarinig ‘to ng ingay lalo sa estado nito ngayon.

 Wala gaanong nagbabantay katulad ng inaasahan niya.

Madalas ang ganito ay lihim ng pamilya kaya mga tiwalang Butler lamang ang mga naroon.

Napasandal si Anastacia nang makita si Calixto. Nagkasunuran pala sila. Mabuti at hindi siya nito napansin.

Pumalakpak si Calixto.

“Palitan na, paakyatin ninyo na ang kasunod ninyong grupo.”

Tumungo ang mga Butlers dito bago nagbabaan sa kabilang daanan.

Hihinga sana si Anastacia nang malalim pero natigil ‘yon nang makita niyang nasa harapan niya na si Calixto. Kumabog nang husto ang kanyang dibdib sa takot.

“Anong ginagawa mo rito?” nanunukat ang tanong nito.

“G-gusto ko lang malaman ang k-kalagayan—”

“Narinig mo na kami ni Apostola, hindi ba?”

Nakagat ni Anastacia ang ibabang labi. “Pero lalo akong nag-alala.”

“Hindi ka niya puwedeng makita.”

“Pero gusto ko siyang tulungan!”

“Paano kung mapatay ka niya?”

“Kesa naman iba ang masaktan niya—”

“Mas pipiliin niyang iba ang masaktan kaysa ikaw.”

“Pero hindi ako matatahimik kung ‘di ko siya natutulungan.” Nagbagsakan ang mga luha ni Anastacia.

“Sumunod ka sa ‘kin, ipakikita ko sa ‘ yo ang kalagayan niya.”

Nabigla man ay sumunod pa rin dito si Anastacia.

Imbis na sa pintuan ay tumungo ‘to sa isang painting. Iniatras nito ‘yon at may pinindot na red button.

Bumukas ang batong bahagi no’n at tumambad kay Anastacia ang babasaging harang. Dahil do’n nakita niya ang silid kung nasaan si King.

“Dito kami nagpapadala ng impormasyon sa kanya.”

Hinahanap ng mata ni Anastacia si King. May kadiliman ang silid. Sa bahagi ng kama kung nasaan malapit ang maliit na pulang liwanag ng lampshade ay wala ito.

Maging si Calixto ay hinanap ‘to. Dahil maliit lamang ang salamin na 12inches lamang ang bawat sulok kaya nahirapan silang aninagin ‘to sa malaking silid.

“Young Master.”

Nabigla si Anastacia nang makitang nasa baba ‘to ng kama, nakasandal sa pader at kagat-kagat ang sariling braso na duguan.

Nabigla rin si Calixto.

“Doktor! Doktor!” sunod-sunod na sabi ni Anastacia sa pagkabigla.

Maging si Calixto ay naramdaman ang sense of urgency ng pangyayari kaya naiwanan nito si Anastacia.

“Young Mater, Young Master!” Hindi alam ni Anastacia paano siya nito maririnig dahil may password na hinihingi ang screen para marinig siya sa loob. Tap siya nang tap pero puro lamang ‘yon ‘Enter the Right Code’ .

“Mas dumarami ang dugo nito sa lapag at mas natakot siya nang makita ang matulis nitong kuko na nakalagay sa sarili nitong leeg at mukhang i-scratch nito ang sarili.

Napatakbo si Anastacia sa takot. Kaagad siyang pumunta sa pintuan. Pagpihit niya no’n nabigla siya na hindi ‘yon locked. Lakas loob niya ‘yong tinulak. Napakabigat na pintuan. Pero sa tindi siguro nang kanyang takot ay naitulak niya ‘yon hanggang makapasok siya.

Humihingal si Anastacia nang magsara ang pintuan at nasa loob na siya.

Nabigla siya nang magkatitigan sila ni King na pulang-pula ang mga mat ana tila nagbabaga sa dilim.

Misa_Crayola

Hello! If you like this novel, you can share your thoughts and rate this novel! I hope, mag-comment kayo kung binabasa ninyo 'to. It will be a great help lalo sa katulad ko for more inspiration and motivation. <3 Misa_Crayola

| 4
Mga Comments (3)
goodnovel comment avatar
Pellie Puro
kawawa namn si king at anastasia
goodnovel comment avatar
Allan Cambay Española
naawa ako sa Inyo ng dalawa
goodnovel comment avatar
Allan Cambay Española
king anjn na SI Anastasia Sana maibsan Niya ang pangangailangan mo
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

  • The Vampire's Maid Servant (Tagalog)   Chapter 13

    Hindi alam ni Anastacia kung ano ang magiging reaksiyon. Naroon ang kaba pero hindi niya gustong iatras ang mga binti. Nag-iinit ang kanyang mga mata dahil alam niyang naghihirap rin si King sa nararamdaman nito. At hindi ‘yon matapos-tapos dahil, marahil, iniisip nito siya. Tumayo ‘to sa kinatatayuan. Pulang-pula ang mga mata nito. Nakita niya kung paano ‘to lumunok. Marahan ang mga lakad nito, kung hindi lamang siya nakatingin dito ay hindi niya maririnig o malalaman man lamang na may presensiyang iba sa kanyang paligid. “Young Master. Nakikilala mo pa ba ‘ko?” tanong niya. Hindi ‘to kumibo. Mas mukhang hindi siya nito nakikilala at pagkain ang tingin nito sa kanya. Uhaw rin ‘to sa dugo, isa sa dahilan bakit ‘to lalong nagiging frustrated. Napalunok si Anastacia nang ilahad nito ang palad sa kanya. Hindi niya nakikita ang rekognisyon nito sa kanya kaya nag-aalala si Anastacia sa maaaring ikilos nito. Iba ang kulay ng

    Huling Na-update : 2021-07-29
  • The Vampire's Maid Servant (Tagalog)   Chapter 14

    Nakangiti si Vince Villadiego habang inaabot ang kanyang sertipiko. Siya ang pinakabatang Vampire Hunter na nakapasok sa ‘Carolus Rex’. Labing-walong taong gulang pa lamang siya.Ang Carolus Rex ay iisa lamang sa mga samahan ng mga Vampire Hunter. Pero ito ang kinokonsidera ng gobyerno na pinakamapagkakatiwalaan. Isa pa, hindi lahat ng samahan ng mga Vampire Hunter ay para sa kabutihan ng sangkatauhan ang layunin, ang iba ay para lamang ibenta ang mga bampirang nahuhuli sa mga scientist o samahan na nag-aaral sa mga ‘to para sa mga nililikhang sandata laban sa mga ‘to.Nagpalakpakan ang nasa isangdaang bilang ng mga Vampire Hunter nang humarap siya sa mga ‘to. Tumungo siya.“Maraming salamat! Gagawin ko ang lahat para maubos ang mga bampira!”Lalong naghiyawan ang mga ‘to at nagpalakpakan.Nang makababa siya ay sinalubong siya kaagad ng mga Vampire Hunter na makakasama niya na. Isa siya sa sampung bag

    Huling Na-update : 2021-07-29
  • The Vampire's Maid Servant (Tagalog)   Chapter 15

    “Alexandra and Alessia Bathory.” Sa ikatlong ulit ay sabi ng isang Maestra sa kambal na Alessia at Alexandra. Naroon sila sa hapagkainan para turuan ng tamang paggamit ng kubyertos at maging ang mga tamang kaasalan bilang isang Pureblood. “Simula ngayon, Bathory na ang gagamitin ninyong apelyido. Iyan ang apelyido na ibinigay sa inyo ng inyong ama. Kayong dalawa ay mga Pureblood kahit pa kayo ay kalahating tao. Gano’n pa man, hindi ninyo maaaring makuha ang apelyidong Elizabeta dahil para lamang ‘yon sa mga Pureblood na naging anak sa isang Pureblood. Pero maaari ‘yong makuha ng inyong anak kung ang magiging asawa ninyo ay isang Royal blood.” Hindi naiintindihan gaano ng dalawa ang mga pinagsasabi simula pa noong nakaraan ng kanilang Maestra. Pero si Alexandra, sa punto ng Elizabeta-Bathory ay medyo nauunawaan niya. Ang Pureblood Vampires ay mayroong dalawang apelyido, iyon ay ang ‘Elizabeta-Bathory’. Lalaki man o babae ang mula

    Huling Na-update : 2021-07-30
  • The Vampire's Maid Servant (Tagalog)   Chapter 16

    Enggrande ang kasiyahan sa kastilyo. Pili ang mga naimbitahan at walang malinaw na kapaliwanagan bagaman mayroon ng iba’t ibang suspetsa ang bawat pamilya. Lahat ng naimbitihang kalalakihang Royal Blood ay may edad Labing-walo hanggang dalawampu’t lima. Nagsisimula ng dumating ang mga naimbitahan. May mga pinalad na dalaga dahil sa sila ang napiling kapareha ng mga imbitado. Samantala, sa silid ay magkasama ang magkapatid na Alessia at Alexandra Bathory. Pareho silang ubod ganda sa kasuotang itim na puno ng itim ring mga mamahaling bato. Lahat ‘yon ay madetalye at pinagpaguran ng limampung pribadong manggagawa ng kasuotan sa kastilyo. Ang kanilang buhok ay pinag-iba dahil sa magkamukhang-magkamukha sila. Si Alexandra ay nakalugay ang kalahating bahagi ng buhok habang napalalamutian ang tuktok niyon ng mga itim na perlas. Si Alessia naman ay buong buhok ang nakatali at napapalamutian din ng mga itim na mamahaling bato. Si Alexandra ang kaibahan lamang

    Huling Na-update : 2021-07-31
  • The Vampire's Maid Servant (Tagalog)   Chapter 17

    “Bakit umalis tayo sa sayawan, Young Master? Hindi ba ikaw hahanapin sa loob?” tanong ni Anastacia. Dinala ni King si Anastacia sa bahagi ng balkonahe ng kastilyo. Walang katao-tao roon dahil nga pokus ang mga naroon sa mga Pureblood. Bihira lang din makasalamuha ang mga ‘to kaya magandang bagay ‘yon para sa ibang mga bampira na gusto ng koneksiyon sa mga ito. “Pumunta lang naman ako rito dahil kailangan. Pero mas gusto kitang titigan kesa manatili sa maingay na sayawan.” Hinila ni King si Anastacia sa braso at ikinulong ‘to sa bisig. Sumandal ‘to sa railing ng balkonahe. “Young Master, b-baka may makakita sa ‘tin.” Nahihiya si Anastacia pero naroon iyong kabog ng dibdib niya dahil nakulong siya sa mainit na yakap ng lalaking minamahal. “Ano naman? Karamihan naman sa bisita mga nagugustuhan nila ang dala nila.” “Pero bakit parang interesado naman ang karamihan do’n sa mga naggagandahang prinsesa?” nag-angat ng tin

    Huling Na-update : 2021-08-02
  • The Vampire's Maid Servant (Tagalog)   Chapter 18

    ANASTACIA’S POV Apat na araw matapos naming pumunta sa kastilyo ay naging abala ang Young Master. Nasa physical examination siya nitong huling tatlong araw. Ngayon ay uuwi na siya kaya naman hindi ko mapigilang matuwa. Inayos ko pa ang uniporme ko at mas inayos ang pagkakatali ng buhok ko. Para ‘kong palaging hindi mapakali kapag alam kong parating na siya. “Anastacia, may ginagawa ka ba?” Napalingon ako sa pintuan. Si Mia ‘yon, isa sa servant. “Bakit?” tanong ko. “Wala pa rin kasi si Kaya, baka puwede mo kaming tulungan sa dinner? Marami rin kasing ibang ginagawa ‘yong iba. Pero kung may iba ka namang ginagawa ay tatawag na lang ako sa kabilang kuwarto.” “Hindi, okay lang naman. Maaga pa naman sa pagdating ni Young Master.” “Mabuti, salamat, Anastacia.” Lumabas ako ng silid para sundan si Mia. Sa kusina kami nagtungo. Lima lamang sila roon at kukulangin nga lalo at mabilisan ang gusto palagi ng m

    Huling Na-update : 2021-08-05
  • The Vampire's Maid Servant (Tagalog)   Chapter 19

    Tumayo si King sa kinauupuan. “Iyan ba ang nakukuha mo sa babaeng ‘to? Ang maging bastos sa ‘yong mga kadugo?” maawtoridad na tanong ng lola ni King. Sa naging hitsura ni King, alam kaagad ni Rosanna na hindi magpapaawat ang kanyang anak. “Maraming servant ang nakatingin sa ‘tin. Hindi ba puwedeng kumain muna tayo at pag-usapan ‘to sa pribadong silid?” si Ezekiel ‘yon sa mababang tono. “King, maupo ka na,” marahang sabi ni Rosanna. Kilala niya ang anak, mas nadadaan ‘to sa mahinahon na boses. Isa ‘yon sa dahilan bakit din ‘to nagkagusto kay Anastacia, kalmado at may kahinaan ang boses nito. Tiningnan ni Anastacia si King, tumango siya para hudyatan ‘to na muling maupo at makinig. Naupo naman si King kahit wala na siyang ganang kumain. Hindi na kumibo si King, tahimik na rin naman na kumain ang kanyang mga kasama. Pilit na lang na itinayo ni Anastacia ng diretso ang kanyang sarili. Alam niya na at dapat siyang masanay na

    Huling Na-update : 2021-08-07
  • The Vampire's Maid Servant (Tagalog)   Chapter 20

    Iniwanan ni King si Anastacia. Pakiramdam niya pinasisikip ng mga nasa paligid niya ang buhay nila ni Anastacia. Iniiwasan niyang magalit dahil alam niyang minsan ay nawawala siya sa sarili dahil sa galit. Kanina nasigawan niya at kinagalitan si Anastacia, samantalang isa ‘yon sa huli na gusto niyang gawin, iyong magalit dito at pagtaasan ‘to ng boses.Nasa kagubatan siya ng Forbidden Forest, isa ‘yon sa lagusan patungo sa mundo ng mga tao. Maaari silang maglabas-masok sa kanilang lugar. Marami ring bampira ang naninirahan sa lugar ng mga tao at nabubuhay na katulad ng isang tao. Isa lamang kuwentong pantasya sa karamihan ng mga tao ang tungkol sa bampira noon. Pero marami ng bampira ang gumaganti at pumapatay ng mga tao, iyon ay dahil napatay ang kanilang mga kapareha o kapamilya ng mga Vampire Hunter.No’ng napunta sa kanila si Anastacia, nagsimula na rin na magkagulo ang mga tao. Mayroong grupo ng mga bampira ang pumatay ng mga

    Huling Na-update : 2021-08-08

Pinakabagong kabanata

  • The Vampire's Maid Servant (Tagalog)   EPILOGUE

    Tuwing maaalala ko ang simula namin nang Young Master, hindi ko mapigilang mangiti. Ngayon, kasal na kami nang limang taon at paunlad na nang paunlad ang aming bayan. Reyna’t hari na kami at mas lumalawak pa ang lupain. Dahil sa yaman din ni King, madali sa ‘ming magpatayo nang mga kakailangan sa pagpapaunlad maging ang pabrika. Nagsimula na rin siyang kunin ang mga karatig isla na walang nananahan para lagyan ng mga laboratoryo. Malaking bagay na nasa amin ang poisoned-hill, dahil doon maraming dumarayo sa ‘ming turista iyon ay dahil na rin nakakulong na sa isang barrier ang mga makakamandag na hayop—safe na ang mga ito, napupuntahan pa ‘to para maging isang tourist attraction. Madalas mayroong mga antidote sa lason nang dala-dala dahil ‘di naman masasabing lahat ay naikulong na. Sa susunod, magiging malaki na rin kaming siyudad. Napakaganda nang palitan ng mga produkto at mayaman ang lupa rito para maging isang magandang lugar para sa agrikultura. Na

  • The Vampire's Maid Servant (Tagalog)   Chapter 105.3

    KingGumaling ako sa tulong ng iba’t ibang mediko. Maliban sa ‘king likuran na dadalhin ko na habang-buhay. Pero tinuruan ako ng Emperador kung paano ko makokontrol ang aking kakayahan lalo at hindi na ‘yon mapipigilan pa dahil nagkaroon na siya nang awakening.Hindi kami nakatira sa pamilya ko dahil inalagaan pa kami sa Zone 66.Si Anastacia, dito na rin nagsilang ng anak namin si ‘Darius at Remy’ na ngayon ay mag-iisang taong gulang na. Habang narito ako sa Zone 66 ay nabubuhay siya sa isla at naalagaan namang maigi. Mas pinili namin magkalayo para rin naman sa ikakabuti namin, nagkikita pa rin naman kami linggo-linggo.Marami akong natutunan sa Zone 66.Ang mga magulang ko naman ay nagpagawa na nga nang mansion sa lugar kung saan kami ang mamumuno ni Anastacia—ang twin hill of poisoned island, doon sila nakatira at paminsang doon namamalagi ang mag-ina ko.Nalaman din ni Kairus, ang purebl

  • The Vampire's Maid Servant (Tagalog)   Chapter 105.2

    Ilang linggo ring walang malay si King.Sa nakalipas na dalawang linggo ay naoperahan na rin ang tatlo nitong kapatid at ngayon ay nagpapahinga.Nagkaroon ng komplikasyon kay Dark pero kaagad din ‘yong naiayos dahil ang mismong humawak sa operasyon ay ang Emperador. Sabi ni Magareth kay Anastacia ay gusto talaga ‘yong tutukan ng Emperador.Si King, hindi pa ‘to sumasailalim sa operasyon dahil kailangan pa nitong magpalakas pagkagising.“Lumabas na ‘yong resulta ng dugo niya,” sabi ng doctor na babae.Iyon ang hinihintay nila.“Marami kaming pagsusuring ginawa pero wala kaming makitang lason sa katawan niya. Mukhang ang katawan niya talaga ay immune sa lason,” sabi nito.Nakahinga naman nang maluwag si Anastacia.“Marami lang siyang nakuhang pinsala at dahil nagpapahinga naman siya ay nakaka-recover siya. Mayroong din namang unique capability ang mga bampira for self-healing.

  • The Vampire's Maid Servant (Tagalog)   Chapter 105

    “Sa lahat ng pagkakataon, nakikilala mo ‘ko hindi ba?” tanong ni Anastacia.Naalala na ‘to ni King, hanggang noong mga bata sila hanggang ngayon. Malinaw na sa kanya ang lahat. Kahit paulit-ulit niya ‘tong nasasaktan, nabibigo, at hindi maaalala, hindi ‘to bumitiw sa kanya kahit minsan.”Hinawakan niya ang mukha ni Anastacia kaya nagulat ‘to.“Anastacia—“ bulong ni King.Nagulat si Anastacia at napangiti kasabay ng kanyang mga luha.Hinalikan ni King sa noo si Anastacia.“I love you.”Bumigay ang katawan nito at bumagsak. Kaagad ‘tong nasalo ni Anastacia.“King!” napasigaw si Rosanna.“Dalhin na kaagad natin siya sa mediko,” sabi ni Neo.“Sasama ako, puwede ba ‘kong sumama?” tanong ni Anastacia sa mag-asawa.“Paniguradong hahanapin ka rin niya kung wala ka,”

  • The Vampire's Maid Servant (Tagalog)   Flashback scenes Pt. 2

    Mada’am, Bezarius,” nakangiti kaaagad si Edward. “Tapos na ‘kong magsukat para sa ‘yong unico hijo. Kung ano ang napag-usapan natin sa ibaba bago ‘ko umakyat ay iyon pa rin naman, maliban sa mas gusto ng Young Master ang kulay abo kesa kulay puti.”“Napakahilig niyan sa gray, hindi ko alam sa batang ‘yan,” napapailing si Rosanna.“Sukatan mo na rin si Anastacia,” nakangiting sabi ni King.“B-bakit?” tanong ni Anastacia.Hinila siya ng marahan ni King at dinala malapit kay Edward na napatingin sa ginang.Isang mananahi ng mga piling Royal Blood lang si Edward, hindi ito gagawa ng kasuotan ng isang alipin at mahal ang magiging singil nito at hindi mag-aaksaya si Rosanna para lamang sa isang alipin.“King, maid servant mo si Anastacia. Ang susuotin niya ay mula na lamang sa mga kasuotan na si Calixto na ang bahalang mamili.&r

  • The Vampire's Maid Servant (Tagalog)   Flash back scenes in King's mind

    “Anastacia talaga ang pangalan mo?” tanong niito sa kanya.Nagulat naman si Anastacia nang magsalita ‘to at kausapin siya.“Anastacia nga, Young Master. Pero p-puwede mo raw ‘yon baguhin sa gusto mo.”“Hmmm…” nag-isip ito habang pagalaw-galaw sa upuan nito. “Ano kaya kung itlog na lang ipangalan ko sa ‘yo?” ngumisi ‘to.“I-itlog?” natakot pa siya no’n dahil sa pangalan na gusto nito.“Oo, bakit? Hotdog ba gusto mo?” ngising-ngisi ‘to. “Tapos tatawagin kita, halika nga rito babaeng itlog!” Bigla ‘tong tumawa nang ubod lakas.Nag-init ang mga mata ni Anastacia, maya-maya pa ay umiiyak na siya.“Hala!” nagulat si King. “Joke lang ‘yon!” inabutan siya nito ng cookies nang tumayo ‘to para lapitan siya. “Ang iyakin mo naman, kainin mo na ‘to tapos &

  • The Vampire's Maid Servant (Tagalog)   Chapter 104

    “Young Master!” Pilit na pinipigilan ni Anastacia ‘to pero nakikipaglaban lang ‘to at halos lahat ay sinasaktan nito.Nagwawala na ‘to nang husto. Maging si Don Felipe na sinubukan ‘tong labanan ay napatalsik nito. Masyado ‘tong malakas na ‘di halos mapaniwalaan ni Anastacia.“Bitiwan mo siya! Huwag mo siyang hawakan!” sigaw nito.Mukhang ang nakikita ni King ay iba na sa nagaganap.Nagbagsakan ang mga luha ni Anastacia. Hindi na ‘to nakakakilala. Nagwawala ‘to at naglalabas ng mga magic circle, sinisira nito lahat habang muntikan na nitong mapaslang. Iniiwasan nila ‘to, kahit ano ring tawag niya ay hindi na siya nito naririnig. Nahila na rin siya ni Rosanna sa braso para ‘di na magpatuloy sa paglapit dito.“Anong nangyayari? Hanggang kailan siya magiging ganyan?!” umiiyak na tanong ni Anastacia.Hindi nakasagot ang mag-asawa. Lumuluha rin ang ina

  • The Vampire's Maid Servant (Tagalog)   Chapter 103.3

    “Nakita na namin siya!”Tila nagliwanag ang paligid ni Anastacia nang marinig ‘yon.“Palabas na kami, iuuwi namin kaagad siya,” anito.Hindi siya tumutol. “Mag-iingat kayo, kumusta po siya?”“Malala, sobrang lala, hindi ko alam kung aabot kami!” umiiyak ito.Parang nilamutak ang pakiramdam ni Anastacia sa kanyang puso.Nang makitang abala ang dalawa sa pagpana sa mga pumapana sakanila ay kaagad siyang humanap ng daanan pababa.Nakita niya na sa kalilingon ang mga barko nito. Gusto niyang mahawakan si King.Tumakbo siya dala ang pana at palaso.Iniiwasan niyang makipaglaban kaya hangga’t kaya niyang magtago sa mga puno at gilid-gilid ay ginagawa niya.Nagmamadali siya dahil baka maiwanan siya ng barko.Ipipilit niyang sumama sa mga ito.“Young Master…” Bagsakan nang bagsakan ang mga luha niya. Hindi niya

  • The Vampire's Maid Servant (Tagalog)   Chapter 103.2

    Madilim sa Dark Island, walang liwanag kahit galing sila sa liwanag. Marami na silang pagsabog na naririnig, marami na ring barko—malaki ang dark island pero mayroong specific place kung nasaan ang hinahanap nila. Nagulantang si Anastacia dahil patuloy ang mga pagsabog, mayroon na ring pagliliyab. Tumutunog din ang mga emergency alarm nang buong lugar.Nang huminto ang barko ay kaagad nang inatasan ni Neo ang sampung Knights, dalawa ang naiwanan sa kanya.“Huwag kang bababa, mapanganib,” bilin nito bago ‘to bumaba.Kabadong-kabado si Anastacia, malayo sa pinangyayarihan pa rin ng laban kung saan sila huminto. Nakakarinig lang siya ng mga pagsabog, tunog ng mga sandata, alarm. Marami ring umuulan na palaso pero hindi sila tinatamaan no’n kahit pa inaabot sila dahil sa shield barrier na ginawa ng isa niyang kasama sa barko.“Anastacia, Anastacia,” boses ‘yon sa ‘king isipan.Hi

DMCA.com Protection Status