Share

Chapter 19

Author: Misa_Crayola
last update Last Updated: 2021-08-07 02:26:21

Tumayo si King sa kinauupuan.

“Iyan ba ang nakukuha mo sa babaeng ‘to? Ang maging bastos sa ‘yong mga kadugo?” maawtoridad na tanong ng lola ni King.

Sa naging hitsura ni King, alam kaagad ni Rosanna na hindi magpapaawat ang kanyang anak.

“Maraming servant ang nakatingin sa ‘tin. Hindi ba puwedeng kumain muna tayo at pag-usapan ‘to sa pribadong silid?” si Ezekiel ‘yon sa mababang tono.

“King, maupo ka na,” marahang sabi ni Rosanna. Kilala niya ang anak, mas nadadaan ‘to sa mahinahon na boses. Isa ‘yon sa dahilan bakit din ‘to nagkagusto kay Anastacia, kalmado at may kahinaan ang boses nito.

Tiningnan ni Anastacia si King, tumango siya para hudyatan ‘to na muling maupo at makinig.

Naupo naman si King kahit wala na siyang ganang kumain.

Hindi na kumibo si King, tahimik na rin naman na kumain ang kanyang mga kasama.

Pilit na lang na itinayo ni Anastacia ng diretso ang kanyang sarili. Alam niya na at dapat siyang masanay na mababa ang tingin sa mga tao ng mga bampira. Lalo ang mga pamilyang nasa mataas na uri katulad ng mga Bezarius.

Ang mahalaga sa kanya, alam niya na totoo ang nararamdaman sa kanya ng kanyang Young Master. Kung sana bumilis na lamang ang panahon at makaalis na sila sa lugar na ‘yon.

Nag-usap ang pamilya ng pribado. Ang naroon lamang para magsilbi sa mga ‘to ay si Calixto. Sa lahat, ito ang palaging kasama ng kanilang mga amo.

“Maayos ka lamang ba?” tanong ni Estella sa kanya.

Sila lamang dalawa ang nasa silid.

“Maayos lang, hindi naman ako nasaktan,” sagot ni Anastacia.

“Pero kanina ka pa buntong-hininga nang buntong-hininga,” anito pa.

Naupo sa gilid ng kanyang kama si Anastacia.

“Iniisip mo nang husto kung ano ang pinag-uusapan ng pamilya nila, ‘di ba?”

Hindi na nagkaila pa si Anastacia.

“Iniisip mo kung magagawa bang kumbinsihin ng pamilya niya ang Young Master para maging isang asawa ng Pureblood.”

Nakagat ni Anastacia ang ilalim na labi. Tama ang mga sinabi ni Estella.

Naupo ‘to sa higaan ni Kaya para makaharap siya. Marahan naman ‘tong makipag-usap sa kanya ngayon.

“Hindi ako tumututol sa nararamdaman mo. Pero bilang may pamilya akong nanilbihan sa pamilyang ‘to sa mahabang-panahon, sasabihin ko sa ‘yo kung bakit kailangan mong tanggapin na hindi kayo magiging habang-buhay dalawa.”

Nakuyom ni Anastacia ang kanyang palda. Napatungo at humanda sa paulit-ulit niya ng naririnig sa iba. Iyong mga pangungusap na pilit niyang isinasantabi dahil umaasa siya na hindi naman lahat ay may pare-parehong karanasan at patutunguhan.

“Ang pamilya ng mga Royal Blood ay para sa mga katulad lamang nila. Kahit ang mababang uri ng bampira, hindi sila puwedeng pakasalan basta-basta. Maaari lamang silang maging pangalawa, pangatlo, o pang-apat, pero ang titulo ng pagiging asawa nasa kapantay lamang nila o higit sa kanila.”

Alam ni Anastacia ‘yon noon pa man. Nasabi na rin sa kanya ni Kaya ang mga ‘yon.

“Hindi sila kasing-bilis ng buhay natin. Maaaring mahal na mahal ka niya ngayon, pero darating din ‘yong oras na lilipasan tayo ng panahon at hindi na magiging maganda sa paningin nila. Ganoon din naman sa ‘tin, gusto mo ba ng kaparehang magiging higit na bata ang hitsura sa ‘yo pagkalipas ng ilang dekada? Maging si Marie, sa haba ng panahon na ginusto at pinaglaban siya ng Young Master para lamang maging pangalawang babae niya, dumating pa rin sa punto na tinalikuran siya nito dahil sa kanyang edad.” Tumayo si Estella. “Kung mahal mo siya, hayaan mo na siyang maikasal sa isang Pureblood. Kung gusto mo siyang mahalin, ‘wag na sa komplikadong paraan na maaaring magdulot sa inyo ng trahedya. Hindi sila tututol kung magiging pangalawa ka lamang o pangatlo. Pero kung ang layunin mo ay maging natatangi sa Young Master, maging siya, inilalagay mo ang buhay sa peligro.”

Iyon ang mga salitang iniwanan sa kanya ni Estella.

Nagsimulang magbagsakan ang kanyang mga luha.

Hindi niya gustong mapahamak ang kanyang Young Master.

Kahit kailan hindi niya gustong masaktan ‘to.

Natatakot din siya na talikuran nito kung sakaling ang edad nila ay maging malayo sa isa’t isa.

**

Nagimbal si King sa sinabi ng kanyang lola.

Nakaupo sila sa magkatapatang sofa. Kasama nito ang kanyang ama sa kanan at sa kaliwa silang mag-ina.

“Kung hindi ka pipiliin ng Pureblood princess, hindi ko ipipilit sa ‘yo. Pero kung pipiliin ka niya at pinakitaan mo siya ng ‘di maganda at ipahiya ang angkan natin, sinasabi ko sa ‘yo na hindi mo na makikitang buhay ang babae mo. At wala akong pakialam kung samahan mo pa siya sa kamatayan. Mas mahalaga sa ‘kin ang pangalan ng angkan na iniingatan natin.”

Hindi makapaniwala si Rossana sa narinig.

“Hindi kayo dapat nagbibiro ng ganyan kay King—”

“Kaya lumalaki ang anak mong ganyan dahil sa pagkunsinti mo! Kung una pa lang ay pinigilan mo na ‘yan, hindi na ‘yan aabot sa pambabastos sa ‘tin!”

Naikuyom ni King ang mga palad. Nagtiim-bagang siya. Galit na galit ang hitsura.

“Tingnan mo, Ezekiel, nakikita mo kung paano ako tingnan ng anak mo?” malakas ang boses na tanong ni Margarita sa anak.

 “Bakit mo ipinipilit ang gusto mo sa ‘kin?!”

Nagitla si Rossana sa anak. “King, that’s your gradmom!”

“Tingnan mo? Maging kayo hindi pinakikinggan niyan! Kung sana pumayag kayong ako ang nag-alaga sa batang ‘yan! Sinabi ko na hindi ninyo siya kayang palakihin, lalo na no’ng bata siya na puro kaso ang ginagawa niya sa eskuwelahan. Kung maaga pa lang putol na ang sungay niyan!”

Hindi nagugustuhan ni Rosanna ang paraan ng ina ng kanyang asawa sa pakikipag-usap sa kanilang anak. At naiirita pa siya na hindi makakibo ang asawa niya. Maging siya rin naman ay takot sa ina nito.

“Mom, mas nakikinig siya kung mahinahon—”

“Rossana, hindi na bata ang anak mo! Nag heat na ‘yan, ano mang oras magkakaanak ‘yan sa alipin niya! At hihintayin mo pa bang mangyari ‘yon? Hindi lahat ng Pureblood gusto ng may kahati. Napakagandang oportunidad sa mga pamilya natin kung makakapasok tayo sa mga pamilya ng Pureblood!”

Tatayo si King pero hinawakan ‘to ni Rossana.

“Huwag mo nang lalong gawing komplikado ang lahat,” may pakiusap na sabi niya sa anak.

Tumayo si Margarita.

“Sinasabi ko sa ‘yo, ipapapatay ko ang babaeng alipin sa pinakamasakit na paraan kung hindi ka pupunta sa lugar ng mga Pureblood para maging isa sa lalaking pagpipilian. Kung ipahihiya mo rin ang pamilya natin at gagawa ka ng bagay para hindi ka gustuhin ng isa sa mga prinsesa, sinasabi ko sa ‘yo na wala akong sinabi na hindi ko ginawa. Hindi ba, Ezekiel?”

Hindi nakakibo si Ezekiel.

Alam ni Rossana kung paano kinontrol ni Margarita ang anak, kaya nga sila nagpakasal nito. Kahit pareho nilang hindi gusto ang isa’t isa. Sa kanyang parte, hindi naman naging mahirap ‘yon lalo at wala siyang minamahal no’n kompara kay Ezekiel.

“Kung sinuway ako ng ama mo, hindi sana ay patay na ngayon ang matandang si Marie,” ngumisi ang babae.

Iyon ang servant ng mga ‘to na kinahumalingan nito nang husto.

“Magpapahinga na ‘ko, gusto ko ng magandang resulta ng usapan na ‘to.”

Inihatid na ni Calixto si Margarita palabas hanggang silid nito.

Galit na galit si King. Kitang-kita ni Rossana ang kamay nitong kuyom na kuyom. Maging ang mga mata nitong nanlilisik at pulang-pula.

 Hinawakan niya ang palad nito.

“Puntahan mo na si Anastacia, matulog na lang muna kayo sa tree house para makahinga ka ng maluwag.”

Tumayo si King at lumabas ng silid na walang paalam.

“Hindi mo rin siya pinipigilan talaga sa pagkakabaliw kay Anastacia,” pun ani Ezekiel.

“Si Anastacia ang pinakikinggan niya. Kung gagawin ko ang ginagawa ng ‘yong ina, nasisiguro kong lalayo ang loob niya sa ‘kin. Nag-iisa natin siyang anak. Noon pa man, malaking problema na natin ang ugali ni King, ang sabi ng Maestro ay maaaring may inner demon siya kaya gusto nila siyang ilipat sa Leviathan. Pero hindi ko gusto, hindi Demon Vampire si King. Dala lang ‘yon ng kabataan niya. Bakit ko siya pag-aaralin sa lugar na hindi ko alam kung uuwi siyang buhay pa at kilala ako?” Sumandal si Rossana sa upuan. “Nang dumating si Anastacia, nagsimula siyang magkaroon ng pakialam sa paligid niya. Natatakot siyang masira si Anastacia katulad ng mga laruan niya kaya unti-unti natutunan niyang maging mahinahon. Malaki ang naitulong ni Anastacia kay King. At magiging malaking komplikasyon sa kanya kung masasaktan ang taong ‘yon. Hindi kailanman eepekto kay King ang paraan ng iyong ina.”

**

Palabas na si Estella nang mabigla siya nang makita sa likuran ng pintuan si King.

“Young Master, bakit ka narito? Sana ay nagsabi ka na lamang—”

Dumiretso ‘to sa loob ng silid. Lumabas na lamang siya at isinara ‘yon.

Binalikan ng tingin ni Estella ang nakasaradong pintuan.

Napansin niya na nanlilisik ang mata ng Young Master at maging ang hitsura ito ay mukhang hindi gusto ng konbersasyon mula sa kanya. Mukhang sa ibang silid siya matutulog pansamantala.

Si Anastacia may ay nabigla nang makita si King.

Lumuhod ‘to sa kanya at niyakap siya sa katawan.

Hindi na kumibo si Anastacia, sa hitsura pa lamang nito at gawi na ihiga ang ulo sa kanyang hita ay alam na niyang may dinaramdam ‘to.

Hinawakan niya ang buhok nito at hinaplos ‘yon.

“Maayos lang ako, alam kong minamahal mo ‘ko. Hindi mo ‘ko kailangan na isipin nang husto. Sundin mo sila, ayokong nakikitang nahihirapan ka. Ano man ang maging puwesto ko basta hindi ka mawawala sa ‘kin ay tatanggapin ko.”

Nag-angat ng mukha si King, galit ‘to.

“Hindi! Ikaw lang ang gusto ko, ikaw ang pakakasalan ko! Bakit tinatanggap mo ang desisyon ng iba para sa ‘tin?!”

Nagulat si Anastacia, hindi ‘to nagalit ng ganoon o sinigawan man siya.

Nakita ni King ang pagkabigla ni Anastacia. Alam niyang naging sobra ang kanyang pagsigaw. Tumayo na lamang siya at planong umalis para kalmahin ang kanyang sarili.

Tumayo rin si Anastacia para pigilin ‘to sa braso.

“Mahal na mahal kita kaya ayokong mahirapan ka pang mamili! Alam ko naman na magkaiba tayong dalawa, at masuwerte na ‘ko na minahal mo ‘ko. Naging masaya ako sa ‘yo kaya—”

Galit na lumingon si King.

“Kung mahal na mahal mo ‘ko bakit kakayanin mong magkaroon ako ng iba?! Kung ako nga, hindi ko maisip na magkaroon ka ng iba dahil baka makapatay ako, pero ikaw pumapayag? O dahil hindi mo ‘ko ganoon kagusto katulad ng iniisip ko at sinasabi mo!”

Nabigla muli si Anastacia. Ang galit nito ay alam niyang hihigit pa kung magpapatuloy siya. Pero sa kung ano mang dahilan hindi niya magawang matakot dito.

“Mahal na mahal kita kaya ayokong mahirapan ka! Maging ang maliitin ka ng iba, ayokong mangyari ‘yon dahil ako ang pinili mo! Ayoko rin ng komplikasyon sa pagitan mo at ng pamilya mo.” Sa unang pagkakataon lumakas ang boses ni Anastacia. Pero pigil na pigil nito ang luha.

“Anong pakialam natin sa iba?! Anong karapatan nilang diktahan tayo?!”

“Young Master, gawin mo na lang akong pangalawa. Pakiusap,hindi mo kailangan isipin ang nararamdaman ko dahil tanggap ko ang posisyon na ‘yon sa ‘yong buhay.”

Lalong nagngitngit si King.

“Alam mo bang napakabihira sa Pureblood ang pumayag na may pangalawa ang asawa nila?”

Natigilan si Anastacia.

“Sa palagay mo ba gugustuhin ko ring mag-asawa ng babaeng hindi ko gusto?”

Hindi makakibo si Anastacia. Mula sa galit nitong hitsura ay mukhang nasaktan niya ‘to.

“Kung hindi mo ‘ko gustong ilaban ka, wala ‘kong magagawa. Pero ‘wag kang sumama sa mga gustong diktahan ako.” Binawi nito ang braso sa kanya.

“Young Master—”

Misa_Crayola

Thank you sa gems! Thank you for reading this story. Much appreciated din po kung i-rate ninyo siya or even leave comment! Thank you sooooomuch!

| Like

Related chapters

  • The Vampire's Maid Servant (Tagalog)   Chapter 20

    Iniwanan ni King si Anastacia. Pakiramdam niya pinasisikip ng mga nasa paligid niya ang buhay nila ni Anastacia. Iniiwasan niyang magalit dahil alam niyang minsan ay nawawala siya sa sarili dahil sa galit. Kanina nasigawan niya at kinagalitan si Anastacia, samantalang isa ‘yon sa huli na gusto niyang gawin, iyong magalit dito at pagtaasan ‘to ng boses.Nasa kagubatan siya ng Forbidden Forest, isa ‘yon sa lagusan patungo sa mundo ng mga tao. Maaari silang maglabas-masok sa kanilang lugar. Marami ring bampira ang naninirahan sa lugar ng mga tao at nabubuhay na katulad ng isang tao. Isa lamang kuwentong pantasya sa karamihan ng mga tao ang tungkol sa bampira noon. Pero marami ng bampira ang gumaganti at pumapatay ng mga tao, iyon ay dahil napatay ang kanilang mga kapareha o kapamilya ng mga Vampire Hunter.No’ng napunta sa kanila si Anastacia, nagsimula na rin na magkagulo ang mga tao. Mayroong grupo ng mga bampira ang pumatay ng mga

    Last Updated : 2021-08-08
  • The Vampire's Maid Servant (Tagalog)   Chapter 21

    Masama pa rin ang loob ng Young Master sa ‘kin. Hindi ko alam kung anong dapat kong gawin. Pakiramdam ko, habang tumatakbo ang araw na hindi kami nagkikibuan gaano ay palayo rin siya nang palayo sa ‘kin. “Anastacia, kunin mo na ang bulaklak at naiayos na,” tawag sa ‘kin ni Dama Apostola. Kadarating ko lang din naman sa kusina. Naroon ang isang magandang pumpon ng rosas na may iba’t ibang kulay at may magandang disenyo. Iyon ay para sa prinsesa. Ito ang unang araw na pupunta ang Young Master para magsimulang kunin ang loob ng prinsesa. Kagabi pa ‘ko nahihirapang matulog. Kahit sabihin ko talagang maayos lamang ito at magiging sapat sa ‘kin na pangalawa, hindi ko pa ring mapigilang masaktan. “Ingatan mo ‘yan, lahat ‘yan ay mga mamahaling bulaklak sa Vampire City.” Nauunawaan ko naman ang sinabi ni Dama Apostola. Ang bulaklak ay mga kasunurang uri ng mga Moonshine Roses. Iyon ay mga kamukha ng bulaklak na rosas pero wala silang tinik at m

    Last Updated : 2021-08-09
  • The Vampire's Maid Servant (Tagalog)   Chapter 22

    “Kumusta ang pinuntahan ninyo?” Iyon kaagad ang tanong ni Rossana sa anak. Pareho silang naghihintay ni Margarita, ang lola ni King sa magandang balita. “Si Calix na lang ang tanungin ninyo. Pagod ako,” sagot ni King. “Anast—” “Anastacia, umakyat ka na may ipagagawa pa ‘ko sa ‘yo.” Putol ni King sa sasabihin ng ina. Tumungo si Anastacia sa harapan ng dalawang babae at sumunod kay King. Sinundan niya ‘to hanggang sa silid nito. Halatang napagod talaga ‘to dahil pasalampak itong naupo sa paanan ng kama. Kaagad kumilos si Anastacia para luwagan at alisin ang necktie nito. “Ipaghahanda ba kita ng hot bath, Young Master?” Hindi ito kumibo kaya pinagpatuloy na lang muna ni Anastacia ang pag-aalis naman ng butones nito. Sumisikip ang kanyang dibdib na marami ‘tong marka ng pagsipsip sa balat nito. Halatang-halata ‘yon dahil maputi ‘to at sensitibo ang balat. Hanggang tuluyan na niyang maibaba ang palad at huling

    Last Updated : 2021-08-10
  • The Vampire's Maid Servant (Tagalog)   Chapter 23

    “Young Master—”Nilapitan ni Anastacia si King na nasa bahagi ng bintana. Nagpapahangin ‘to. Pilit kinokontrol ang sarili.“Tawagan mo ang quarter para makapagpakuha ka ng kasuotan at makalabas na. Magpapahinga na rin ako.” Malamig na sabi nito.“Pero—”“Anastacia, sinusubukan kong kumalma at hind imaging bayolente. Sundin mo ‘ko bago ‘ko may magawang pagsisisihan ko. Sa oras na ‘to, gulong-gulo ang isipan ko. Kaya mas mabuti pang bumalik ka na sa ‘yong silid.“Young Master, pag-usapan na natin ‘to. Marahil mas magiging maayos ang—”“Lumabas ka na muna!” sigaw nito.Nagulat si Anastacia. Nakagat niya ang ibabang labi dahil sa pagsigaw nito. Hindi siya sanay na sinisigawan nito.Tumawag siya sa Maid’s quarter at kung sino man ang sumagot ay ‘di na niya nabosesan. Nagpadala na lamang siya ng kasuotan

    Last Updated : 2021-08-11
  • The Vampire's Maid Servant (Tagalog)   Chapter 24

    Para kay Anastacia mahalaga na nagkakaintindihan sila ni King. Sumasama pa rin siya rito kahit kailangan nitong umakto na nakikisama ‘to sa prinsesa. Kung ano man ang dahilan, napalitan din si Calix na kasama niya. Si Calixto na pinagkakatiwalaan ng Mistress nila ang ipinasama sa kanila bilang kapalit nito. Ibinilin na kay Anastacia ni King na kailangan na makumbinsi nila si Calixto dahil higit itong mapagmatyag. “Mukhang malapit sa isa’t isa ang Young Master at ang prinsesa,” puna ni Calixto. Alam ng lahat na higit kanino man ay siya ang pinaka-apektado kaya pinalungkot ni Anastacia ang hitsura. “Mukhang gusto rin ng Young Master ang prinsesa. Sa tingin ko ay nagkakasundo sila sa maraming bagay.” Nangiti naman si Calixto. “Mabuti naman kung gano’n, mabuti rin at hindi siya nagmatigas.” “Marahil napag-isipan din itong mabuti ng Young Master.” “Mabuti rin at hindi mo na pinahirapan ang Young Master.” “Mas gusto ko ang ik

    Last Updated : 2021-08-12
  • The Vampire's Maid Servant (Tagalog)   Chapter 25

    Nag-aalala si Anastacia dahil ilang beses ininda ng kanyang Young Master ang likuran nitong may marka. Kasalukuyan ‘tong nakaupo sa paanan ng kama habang nakaluhod naman siya sa kama para tingnan ang likuran nito. “Ano pang nararamdaman mo?” tanong niya. “Mainit, masakit, parang nananakit ‘yong buo kong katawan pero nagpopokus ang pinakamasakit sa marka.” “Kung sabihin na natin ‘to sa doctor, baka may alam sila para—” “Hindi! Sinabi ko sa ‘yo na tayo lang ang dapat makaalam nito!” Napabuntong-hininga si Anastacia. Kasunod nang madalas na pananakit ng likuran nito ay ang pagbabago ng ugali nito. Nagiging magagalitin ‘to, pero sa tingin niya dahil lang din sa sakit na pinagdaraanan nito. Sobra siyang nag-aalala pero wala siyang mahingian ng tulong tungkol doon. Hindi niya rin magawang magsimulang magtanong dahil baka makakutob ang mga nasa paligid niya na mayroong marka si King. “Ngayon ka dadalaw sa palasyo, anong sasabihin ko pa

    Last Updated : 2021-08-13
  • The Vampire's Maid Servant (Tagalog)   Chapter 26

    “ “Hindi ko naman siya tinatakot!” Natawa ng alanganin si Gavin. “Isa pa, dinala ko nga siya sa ‘yo. Hindi niya kasama ‘yong Royal Blood na Bezarius.” Hahawakan uli ni Gavin si Anastacia sa balikat pero tinabig na ‘yon ni Kairus at masamang tiningnan ang pinsan. “Alam mong hindi siya puwedeng basta hawakan.” Matalim ang tingin na ipinukol ni Kairus kay Gavin. “But we are Pureblood! We can touch the untouchable as long as it’s not a pureblood’s property.” Tiningnan ni Kairus si Anastacia. Medyo naroon pa rin ang takot sa mata ng dalaga pero nagawa na nitong tingnan siya. Sinubukan niya ‘tong ngitian. Maya-maya bumunghalit ng tawa si Gavin. “Kairus, para ka namang ngumiwi niyan!” Pero nangiti si Anastacia, alam niya kasing sinusubukan nitong pagaanin ang nararamdaman niya. Iyong takot niya rito ay unti-unti ng bumababa. “Nasaan ang Royal Blood?” “Hindi maganda ang pakiramdam niya,” sagot ni Anastacia. “Bak

    Last Updated : 2021-08-14
  • The Vampire's Maid Servant (Tagalog)   Chpater 27

    Pagbalik nila Anastacia at Calix ay kaagad lumapit sa kanila si Calixto.“Puntahan mo na ang Young Master bago pa siya magising. Mukhang mahaba ang tulog din niya ngayon.”Nakahinga nang maluwag si Anastacia nang malaman na hindi pa nagigising si King.Hindi niya ‘to gustong paglihiman kaya sasabihin niya pa rin dito ang mga nangyari.Nilingon niya si Calix, “Salamat.” Nginitian niya ‘to.“Wala ‘yon, ipaliwanag mo sa kanya nang maayos.”Tumango naman si Anastacia.Pumunta muna siya sa kanilang quarter para maligo at makapagpalit ng kasuotan. Halos isang oras din siya bago nakabalik sa mansion. Pagdating naman niya sa mansion ay kaagad din siyang umakyat sa ikalawang palapag para puntahan si King.Nakasalubong niya ang isang lalaking hindi pamilyar ang hitsura sa kanya. Alam niya na marami silang Butler pero parang hindi niya talaga kilala ang bagong lalaki. Marahil bago ito.

    Last Updated : 2021-08-16

Latest chapter

  • The Vampire's Maid Servant (Tagalog)   EPILOGUE

    Tuwing maaalala ko ang simula namin nang Young Master, hindi ko mapigilang mangiti. Ngayon, kasal na kami nang limang taon at paunlad na nang paunlad ang aming bayan. Reyna’t hari na kami at mas lumalawak pa ang lupain. Dahil sa yaman din ni King, madali sa ‘ming magpatayo nang mga kakailangan sa pagpapaunlad maging ang pabrika. Nagsimula na rin siyang kunin ang mga karatig isla na walang nananahan para lagyan ng mga laboratoryo. Malaking bagay na nasa amin ang poisoned-hill, dahil doon maraming dumarayo sa ‘ming turista iyon ay dahil na rin nakakulong na sa isang barrier ang mga makakamandag na hayop—safe na ang mga ito, napupuntahan pa ‘to para maging isang tourist attraction. Madalas mayroong mga antidote sa lason nang dala-dala dahil ‘di naman masasabing lahat ay naikulong na. Sa susunod, magiging malaki na rin kaming siyudad. Napakaganda nang palitan ng mga produkto at mayaman ang lupa rito para maging isang magandang lugar para sa agrikultura. Na

  • The Vampire's Maid Servant (Tagalog)   Chapter 105.3

    KingGumaling ako sa tulong ng iba’t ibang mediko. Maliban sa ‘king likuran na dadalhin ko na habang-buhay. Pero tinuruan ako ng Emperador kung paano ko makokontrol ang aking kakayahan lalo at hindi na ‘yon mapipigilan pa dahil nagkaroon na siya nang awakening.Hindi kami nakatira sa pamilya ko dahil inalagaan pa kami sa Zone 66.Si Anastacia, dito na rin nagsilang ng anak namin si ‘Darius at Remy’ na ngayon ay mag-iisang taong gulang na. Habang narito ako sa Zone 66 ay nabubuhay siya sa isla at naalagaan namang maigi. Mas pinili namin magkalayo para rin naman sa ikakabuti namin, nagkikita pa rin naman kami linggo-linggo.Marami akong natutunan sa Zone 66.Ang mga magulang ko naman ay nagpagawa na nga nang mansion sa lugar kung saan kami ang mamumuno ni Anastacia—ang twin hill of poisoned island, doon sila nakatira at paminsang doon namamalagi ang mag-ina ko.Nalaman din ni Kairus, ang purebl

  • The Vampire's Maid Servant (Tagalog)   Chapter 105.2

    Ilang linggo ring walang malay si King.Sa nakalipas na dalawang linggo ay naoperahan na rin ang tatlo nitong kapatid at ngayon ay nagpapahinga.Nagkaroon ng komplikasyon kay Dark pero kaagad din ‘yong naiayos dahil ang mismong humawak sa operasyon ay ang Emperador. Sabi ni Magareth kay Anastacia ay gusto talaga ‘yong tutukan ng Emperador.Si King, hindi pa ‘to sumasailalim sa operasyon dahil kailangan pa nitong magpalakas pagkagising.“Lumabas na ‘yong resulta ng dugo niya,” sabi ng doctor na babae.Iyon ang hinihintay nila.“Marami kaming pagsusuring ginawa pero wala kaming makitang lason sa katawan niya. Mukhang ang katawan niya talaga ay immune sa lason,” sabi nito.Nakahinga naman nang maluwag si Anastacia.“Marami lang siyang nakuhang pinsala at dahil nagpapahinga naman siya ay nakaka-recover siya. Mayroong din namang unique capability ang mga bampira for self-healing.

  • The Vampire's Maid Servant (Tagalog)   Chapter 105

    “Sa lahat ng pagkakataon, nakikilala mo ‘ko hindi ba?” tanong ni Anastacia.Naalala na ‘to ni King, hanggang noong mga bata sila hanggang ngayon. Malinaw na sa kanya ang lahat. Kahit paulit-ulit niya ‘tong nasasaktan, nabibigo, at hindi maaalala, hindi ‘to bumitiw sa kanya kahit minsan.”Hinawakan niya ang mukha ni Anastacia kaya nagulat ‘to.“Anastacia—“ bulong ni King.Nagulat si Anastacia at napangiti kasabay ng kanyang mga luha.Hinalikan ni King sa noo si Anastacia.“I love you.”Bumigay ang katawan nito at bumagsak. Kaagad ‘tong nasalo ni Anastacia.“King!” napasigaw si Rosanna.“Dalhin na kaagad natin siya sa mediko,” sabi ni Neo.“Sasama ako, puwede ba ‘kong sumama?” tanong ni Anastacia sa mag-asawa.“Paniguradong hahanapin ka rin niya kung wala ka,”

  • The Vampire's Maid Servant (Tagalog)   Flashback scenes Pt. 2

    Mada’am, Bezarius,” nakangiti kaaagad si Edward. “Tapos na ‘kong magsukat para sa ‘yong unico hijo. Kung ano ang napag-usapan natin sa ibaba bago ‘ko umakyat ay iyon pa rin naman, maliban sa mas gusto ng Young Master ang kulay abo kesa kulay puti.”“Napakahilig niyan sa gray, hindi ko alam sa batang ‘yan,” napapailing si Rosanna.“Sukatan mo na rin si Anastacia,” nakangiting sabi ni King.“B-bakit?” tanong ni Anastacia.Hinila siya ng marahan ni King at dinala malapit kay Edward na napatingin sa ginang.Isang mananahi ng mga piling Royal Blood lang si Edward, hindi ito gagawa ng kasuotan ng isang alipin at mahal ang magiging singil nito at hindi mag-aaksaya si Rosanna para lamang sa isang alipin.“King, maid servant mo si Anastacia. Ang susuotin niya ay mula na lamang sa mga kasuotan na si Calixto na ang bahalang mamili.&r

  • The Vampire's Maid Servant (Tagalog)   Flash back scenes in King's mind

    “Anastacia talaga ang pangalan mo?” tanong niito sa kanya.Nagulat naman si Anastacia nang magsalita ‘to at kausapin siya.“Anastacia nga, Young Master. Pero p-puwede mo raw ‘yon baguhin sa gusto mo.”“Hmmm…” nag-isip ito habang pagalaw-galaw sa upuan nito. “Ano kaya kung itlog na lang ipangalan ko sa ‘yo?” ngumisi ‘to.“I-itlog?” natakot pa siya no’n dahil sa pangalan na gusto nito.“Oo, bakit? Hotdog ba gusto mo?” ngising-ngisi ‘to. “Tapos tatawagin kita, halika nga rito babaeng itlog!” Bigla ‘tong tumawa nang ubod lakas.Nag-init ang mga mata ni Anastacia, maya-maya pa ay umiiyak na siya.“Hala!” nagulat si King. “Joke lang ‘yon!” inabutan siya nito ng cookies nang tumayo ‘to para lapitan siya. “Ang iyakin mo naman, kainin mo na ‘to tapos &

  • The Vampire's Maid Servant (Tagalog)   Chapter 104

    “Young Master!” Pilit na pinipigilan ni Anastacia ‘to pero nakikipaglaban lang ‘to at halos lahat ay sinasaktan nito.Nagwawala na ‘to nang husto. Maging si Don Felipe na sinubukan ‘tong labanan ay napatalsik nito. Masyado ‘tong malakas na ‘di halos mapaniwalaan ni Anastacia.“Bitiwan mo siya! Huwag mo siyang hawakan!” sigaw nito.Mukhang ang nakikita ni King ay iba na sa nagaganap.Nagbagsakan ang mga luha ni Anastacia. Hindi na ‘to nakakakilala. Nagwawala ‘to at naglalabas ng mga magic circle, sinisira nito lahat habang muntikan na nitong mapaslang. Iniiwasan nila ‘to, kahit ano ring tawag niya ay hindi na siya nito naririnig. Nahila na rin siya ni Rosanna sa braso para ‘di na magpatuloy sa paglapit dito.“Anong nangyayari? Hanggang kailan siya magiging ganyan?!” umiiyak na tanong ni Anastacia.Hindi nakasagot ang mag-asawa. Lumuluha rin ang ina

  • The Vampire's Maid Servant (Tagalog)   Chapter 103.3

    “Nakita na namin siya!”Tila nagliwanag ang paligid ni Anastacia nang marinig ‘yon.“Palabas na kami, iuuwi namin kaagad siya,” anito.Hindi siya tumutol. “Mag-iingat kayo, kumusta po siya?”“Malala, sobrang lala, hindi ko alam kung aabot kami!” umiiyak ito.Parang nilamutak ang pakiramdam ni Anastacia sa kanyang puso.Nang makitang abala ang dalawa sa pagpana sa mga pumapana sakanila ay kaagad siyang humanap ng daanan pababa.Nakita niya na sa kalilingon ang mga barko nito. Gusto niyang mahawakan si King.Tumakbo siya dala ang pana at palaso.Iniiwasan niyang makipaglaban kaya hangga’t kaya niyang magtago sa mga puno at gilid-gilid ay ginagawa niya.Nagmamadali siya dahil baka maiwanan siya ng barko.Ipipilit niyang sumama sa mga ito.“Young Master…” Bagsakan nang bagsakan ang mga luha niya. Hindi niya

  • The Vampire's Maid Servant (Tagalog)   Chapter 103.2

    Madilim sa Dark Island, walang liwanag kahit galing sila sa liwanag. Marami na silang pagsabog na naririnig, marami na ring barko—malaki ang dark island pero mayroong specific place kung nasaan ang hinahanap nila. Nagulantang si Anastacia dahil patuloy ang mga pagsabog, mayroon na ring pagliliyab. Tumutunog din ang mga emergency alarm nang buong lugar.Nang huminto ang barko ay kaagad nang inatasan ni Neo ang sampung Knights, dalawa ang naiwanan sa kanya.“Huwag kang bababa, mapanganib,” bilin nito bago ‘to bumaba.Kabadong-kabado si Anastacia, malayo sa pinangyayarihan pa rin ng laban kung saan sila huminto. Nakakarinig lang siya ng mga pagsabog, tunog ng mga sandata, alarm. Marami ring umuulan na palaso pero hindi sila tinatamaan no’n kahit pa inaabot sila dahil sa shield barrier na ginawa ng isa niyang kasama sa barko.“Anastacia, Anastacia,” boses ‘yon sa ‘king isipan.Hi

DMCA.com Protection Status