“Young Master—”
Nilapitan ni Anastacia si King na nasa bahagi ng bintana. Nagpapahangin ‘to. Pilit kinokontrol ang sarili.
“Tawagan mo ang quarter para makapagpakuha ka ng kasuotan at makalabas na. Magpapahinga na rin ako.” Malamig na sabi nito.
“Pero—”
“Anastacia, sinusubukan kong kumalma at hind imaging bayolente. Sundin mo ‘ko bago ‘ko may magawang pagsisisihan ko. Sa oras na ‘to, gulong-gulo ang isipan ko. Kaya mas mabuti pang bumalik ka na sa ‘yong silid.
“Young Master, pag-usapan na natin ‘to. Marahil mas magiging maayos ang—”
“Lumabas ka na muna!” sigaw nito.
Nagulat si Anastacia. Nakagat niya ang ibabang labi dahil sa pagsigaw nito. Hindi siya sanay na sinisigawan nito.
Tumawag siya sa Maid’s quarter at kung sino man ang sumagot ay ‘di na niya nabosesan. Nagpadala na lamang siya ng kasuotan
Para kay Anastacia mahalaga na nagkakaintindihan sila ni King. Sumasama pa rin siya rito kahit kailangan nitong umakto na nakikisama ‘to sa prinsesa. Kung ano man ang dahilan, napalitan din si Calix na kasama niya. Si Calixto na pinagkakatiwalaan ng Mistress nila ang ipinasama sa kanila bilang kapalit nito. Ibinilin na kay Anastacia ni King na kailangan na makumbinsi nila si Calixto dahil higit itong mapagmatyag. “Mukhang malapit sa isa’t isa ang Young Master at ang prinsesa,” puna ni Calixto. Alam ng lahat na higit kanino man ay siya ang pinaka-apektado kaya pinalungkot ni Anastacia ang hitsura. “Mukhang gusto rin ng Young Master ang prinsesa. Sa tingin ko ay nagkakasundo sila sa maraming bagay.” Nangiti naman si Calixto. “Mabuti naman kung gano’n, mabuti rin at hindi siya nagmatigas.” “Marahil napag-isipan din itong mabuti ng Young Master.” “Mabuti rin at hindi mo na pinahirapan ang Young Master.” “Mas gusto ko ang ik
Nag-aalala si Anastacia dahil ilang beses ininda ng kanyang Young Master ang likuran nitong may marka. Kasalukuyan ‘tong nakaupo sa paanan ng kama habang nakaluhod naman siya sa kama para tingnan ang likuran nito. “Ano pang nararamdaman mo?” tanong niya. “Mainit, masakit, parang nananakit ‘yong buo kong katawan pero nagpopokus ang pinakamasakit sa marka.” “Kung sabihin na natin ‘to sa doctor, baka may alam sila para—” “Hindi! Sinabi ko sa ‘yo na tayo lang ang dapat makaalam nito!” Napabuntong-hininga si Anastacia. Kasunod nang madalas na pananakit ng likuran nito ay ang pagbabago ng ugali nito. Nagiging magagalitin ‘to, pero sa tingin niya dahil lang din sa sakit na pinagdaraanan nito. Sobra siyang nag-aalala pero wala siyang mahingian ng tulong tungkol doon. Hindi niya rin magawang magsimulang magtanong dahil baka makakutob ang mga nasa paligid niya na mayroong marka si King. “Ngayon ka dadalaw sa palasyo, anong sasabihin ko pa
“ “Hindi ko naman siya tinatakot!” Natawa ng alanganin si Gavin. “Isa pa, dinala ko nga siya sa ‘yo. Hindi niya kasama ‘yong Royal Blood na Bezarius.” Hahawakan uli ni Gavin si Anastacia sa balikat pero tinabig na ‘yon ni Kairus at masamang tiningnan ang pinsan. “Alam mong hindi siya puwedeng basta hawakan.” Matalim ang tingin na ipinukol ni Kairus kay Gavin. “But we are Pureblood! We can touch the untouchable as long as it’s not a pureblood’s property.” Tiningnan ni Kairus si Anastacia. Medyo naroon pa rin ang takot sa mata ng dalaga pero nagawa na nitong tingnan siya. Sinubukan niya ‘tong ngitian. Maya-maya bumunghalit ng tawa si Gavin. “Kairus, para ka namang ngumiwi niyan!” Pero nangiti si Anastacia, alam niya kasing sinusubukan nitong pagaanin ang nararamdaman niya. Iyong takot niya rito ay unti-unti ng bumababa. “Nasaan ang Royal Blood?” “Hindi maganda ang pakiramdam niya,” sagot ni Anastacia. “Bak
Pagbalik nila Anastacia at Calix ay kaagad lumapit sa kanila si Calixto.“Puntahan mo na ang Young Master bago pa siya magising. Mukhang mahaba ang tulog din niya ngayon.”Nakahinga nang maluwag si Anastacia nang malaman na hindi pa nagigising si King.Hindi niya ‘to gustong paglihiman kaya sasabihin niya pa rin dito ang mga nangyari.Nilingon niya si Calix, “Salamat.” Nginitian niya ‘to.“Wala ‘yon, ipaliwanag mo sa kanya nang maayos.”Tumango naman si Anastacia.Pumunta muna siya sa kanilang quarter para maligo at makapagpalit ng kasuotan. Halos isang oras din siya bago nakabalik sa mansion. Pagdating naman niya sa mansion ay kaagad din siyang umakyat sa ikalawang palapag para puntahan si King.Nakasalubong niya ang isang lalaking hindi pamilyar ang hitsura sa kanya. Alam niya na marami silang Butler pero parang hindi niya talaga kilala ang bagong lalaki. Marahil bago ito.
Nagimbal si Rosanna nang makuha ang liham nang pakikipagtunggali sa isang Pureblood. Hindi lang ‘yon, isa pa ‘yong Pureblood na nasa True Blood! Parang bigla gusto niyang mawalan ng malay. Kaagad siyang inalalayan ng kanyang asawa. “Anong dahilan? King, did you offend him?!” tanong ni Rosanna. “I’ll try to talk to him, I’ll try to offer what we can! Hindi ‘to puwede, you are too young for them!” Hindi naman kumibo si King. Alam niya naman na titigil din ang ina dahil kahit sino ay walang magagawa kung Pureblood ang nagdesisyon. Pababa ang lola ni King sa hagdanan nang mapansin ang komosyon. “Anong problema ninyong pamilya?” tanong nito. “Gustong labanan ni Prince Kairus si King. Tinatanong ko pa si King kung may nagawa ba siya para padalhan ng ganito—“ “Oh?” mukhang natuwa ang lola ni King. “Mukhang napipiga ka talaga ng mga Pureblood. Mukhang susubukin na nila ang kakayahan mo.” Masayang-masaya ‘to. Hindi makapaniwala
Malaking balita ang tungkol sa isang laban sa pagitan ng Pureblood at Royal Blood. Maraming haka-haka tungkol sa posibleng dahilan, pero pinakamarami ang dahilan na isa ‘yong pagsusulit dahil ito na ang napili ng prinsesa. Mukhang sinusubukan din si King ng ibang Pureblood kung karapat-dapat ito. Dahil nagkaroon ng imbitasyon, maraming manonood ng kaganapan sa arena kung saan nagaganap ang mga labanan at palaro ng mga Pureblood. Nasa kaliwang bahagi ‘yon ng kastilyo. Madalas din ‘yong lugar kung saan pinarurusahan ang mga bampirang ang hatol ay kamatayan. May iba rin namang haka-haka na maaaring na-offend ni King ang isang Pureblood. Kilala si King ng mga Royal Blood bilang isa sa masakit sa ulong mag-aaral sa akademiya. Lumipas ang tatlong araw, ganapan na rin ng paligsahan. Si Alexandra, pakiramdam niya dahil hindi sila gustong magkapatid ng mga True Blood sa kanilang pamilya kaya binu-bully ng mga ‘to si King. Nagsabi na rin siya sa kanyang a
Nag-alala nang husto si Anastacia nang makitang natigilan si King. Tuwing kikirot ang marka nito gusto niyo ‘yong hawakan para mabawasan ang sakit na nararamdaman. Sa paghinto nito at tila paghawak patungo sa likuran nito, nakumpirma ni Anastacia na tama ang kanyang hinala. “Young Master!” Hindi maipaliwanag ni Anastacia kung bakit ang ‘safe’ na laban na tinutukoy ay mukhang mapanganib. Bakit mayroong harang na may malakas na kuryente? Bakit parang pipilitin ng Pureblood na kalaban ni King ang paslangin ‘to o may gustong makita ito? “Young Master!” Napasigaw nang malakas si Anastacia nang masakal ‘to ni Kairus at malakas ang puwersang ibinalya ‘to sa harang dahilan para sumigaw nang malakas si King sa tindi nang boltahe ng kuryente na tumama sa buong katawan nito. Kung tao ang dumanas ng kuryenteng ‘yon paniguradong hindi na mabubuhay pa. Gusto ng takbuhin ni Anastacia si King pero hindi siya puwedeng lumapit.
Mabilis ang mga sugod ng dalawa sa isa’t isa. Halos hindi na makita ng katulad ni Anastacia na walang abilidad na katulad ng isang bampira. Maging ang mga Pureblood ay naging mas mapagmasid kay King. Labing-walo, labing-walo pa lamang ito para makipagsabayan kay Kairus. Hindi pa man ipinakikita ni Kairus ang buong lakas, isa pa ring malaking bagay na nakasasabay ‘to. Ibig sabihin lamang ang level nito ay maaari ng hasain bilang isang magaling na Knight. Samantala, si King nagsisimula nang mag-init ang kanyang katawan. Ang marka sa kanyang likuran ay nagsisimula ng lasunin ang kanyang katawan at isipan. Ang galit na nararamdaman niya’y tumataas, lumalala at nagiging mahirap kontrolin. Ang mga mata ni King ay nagsisimulang makita na lamang ang kanyang kalaban. Nawawala na ang iba sa kanyang pandinig at paningin. Napapansin na rin ‘yon ni Kairus. Mukhang nabuhay niya ang demon side ni King. Ang tanong na lamang doon ay makokontrol
Tuwing maaalala ko ang simula namin nang Young Master, hindi ko mapigilang mangiti. Ngayon, kasal na kami nang limang taon at paunlad na nang paunlad ang aming bayan. Reyna’t hari na kami at mas lumalawak pa ang lupain. Dahil sa yaman din ni King, madali sa ‘ming magpatayo nang mga kakailangan sa pagpapaunlad maging ang pabrika. Nagsimula na rin siyang kunin ang mga karatig isla na walang nananahan para lagyan ng mga laboratoryo. Malaking bagay na nasa amin ang poisoned-hill, dahil doon maraming dumarayo sa ‘ming turista iyon ay dahil na rin nakakulong na sa isang barrier ang mga makakamandag na hayop—safe na ang mga ito, napupuntahan pa ‘to para maging isang tourist attraction. Madalas mayroong mga antidote sa lason nang dala-dala dahil ‘di naman masasabing lahat ay naikulong na. Sa susunod, magiging malaki na rin kaming siyudad. Napakaganda nang palitan ng mga produkto at mayaman ang lupa rito para maging isang magandang lugar para sa agrikultura. Na
KingGumaling ako sa tulong ng iba’t ibang mediko. Maliban sa ‘king likuran na dadalhin ko na habang-buhay. Pero tinuruan ako ng Emperador kung paano ko makokontrol ang aking kakayahan lalo at hindi na ‘yon mapipigilan pa dahil nagkaroon na siya nang awakening.Hindi kami nakatira sa pamilya ko dahil inalagaan pa kami sa Zone 66.Si Anastacia, dito na rin nagsilang ng anak namin si ‘Darius at Remy’ na ngayon ay mag-iisang taong gulang na. Habang narito ako sa Zone 66 ay nabubuhay siya sa isla at naalagaan namang maigi. Mas pinili namin magkalayo para rin naman sa ikakabuti namin, nagkikita pa rin naman kami linggo-linggo.Marami akong natutunan sa Zone 66.Ang mga magulang ko naman ay nagpagawa na nga nang mansion sa lugar kung saan kami ang mamumuno ni Anastacia—ang twin hill of poisoned island, doon sila nakatira at paminsang doon namamalagi ang mag-ina ko.Nalaman din ni Kairus, ang purebl
Ilang linggo ring walang malay si King.Sa nakalipas na dalawang linggo ay naoperahan na rin ang tatlo nitong kapatid at ngayon ay nagpapahinga.Nagkaroon ng komplikasyon kay Dark pero kaagad din ‘yong naiayos dahil ang mismong humawak sa operasyon ay ang Emperador. Sabi ni Magareth kay Anastacia ay gusto talaga ‘yong tutukan ng Emperador.Si King, hindi pa ‘to sumasailalim sa operasyon dahil kailangan pa nitong magpalakas pagkagising.“Lumabas na ‘yong resulta ng dugo niya,” sabi ng doctor na babae.Iyon ang hinihintay nila.“Marami kaming pagsusuring ginawa pero wala kaming makitang lason sa katawan niya. Mukhang ang katawan niya talaga ay immune sa lason,” sabi nito.Nakahinga naman nang maluwag si Anastacia.“Marami lang siyang nakuhang pinsala at dahil nagpapahinga naman siya ay nakaka-recover siya. Mayroong din namang unique capability ang mga bampira for self-healing.
“Sa lahat ng pagkakataon, nakikilala mo ‘ko hindi ba?” tanong ni Anastacia.Naalala na ‘to ni King, hanggang noong mga bata sila hanggang ngayon. Malinaw na sa kanya ang lahat. Kahit paulit-ulit niya ‘tong nasasaktan, nabibigo, at hindi maaalala, hindi ‘to bumitiw sa kanya kahit minsan.”Hinawakan niya ang mukha ni Anastacia kaya nagulat ‘to.“Anastacia—“ bulong ni King.Nagulat si Anastacia at napangiti kasabay ng kanyang mga luha.Hinalikan ni King sa noo si Anastacia.“I love you.”Bumigay ang katawan nito at bumagsak. Kaagad ‘tong nasalo ni Anastacia.“King!” napasigaw si Rosanna.“Dalhin na kaagad natin siya sa mediko,” sabi ni Neo.“Sasama ako, puwede ba ‘kong sumama?” tanong ni Anastacia sa mag-asawa.“Paniguradong hahanapin ka rin niya kung wala ka,”
Mada’am, Bezarius,” nakangiti kaaagad si Edward. “Tapos na ‘kong magsukat para sa ‘yong unico hijo. Kung ano ang napag-usapan natin sa ibaba bago ‘ko umakyat ay iyon pa rin naman, maliban sa mas gusto ng Young Master ang kulay abo kesa kulay puti.”“Napakahilig niyan sa gray, hindi ko alam sa batang ‘yan,” napapailing si Rosanna.“Sukatan mo na rin si Anastacia,” nakangiting sabi ni King.“B-bakit?” tanong ni Anastacia.Hinila siya ng marahan ni King at dinala malapit kay Edward na napatingin sa ginang.Isang mananahi ng mga piling Royal Blood lang si Edward, hindi ito gagawa ng kasuotan ng isang alipin at mahal ang magiging singil nito at hindi mag-aaksaya si Rosanna para lamang sa isang alipin.“King, maid servant mo si Anastacia. Ang susuotin niya ay mula na lamang sa mga kasuotan na si Calixto na ang bahalang mamili.&r
“Anastacia talaga ang pangalan mo?” tanong niito sa kanya.Nagulat naman si Anastacia nang magsalita ‘to at kausapin siya.“Anastacia nga, Young Master. Pero p-puwede mo raw ‘yon baguhin sa gusto mo.”“Hmmm…” nag-isip ito habang pagalaw-galaw sa upuan nito. “Ano kaya kung itlog na lang ipangalan ko sa ‘yo?” ngumisi ‘to.“I-itlog?” natakot pa siya no’n dahil sa pangalan na gusto nito.“Oo, bakit? Hotdog ba gusto mo?” ngising-ngisi ‘to. “Tapos tatawagin kita, halika nga rito babaeng itlog!” Bigla ‘tong tumawa nang ubod lakas.Nag-init ang mga mata ni Anastacia, maya-maya pa ay umiiyak na siya.“Hala!” nagulat si King. “Joke lang ‘yon!” inabutan siya nito ng cookies nang tumayo ‘to para lapitan siya. “Ang iyakin mo naman, kainin mo na ‘to tapos &
“Young Master!” Pilit na pinipigilan ni Anastacia ‘to pero nakikipaglaban lang ‘to at halos lahat ay sinasaktan nito.Nagwawala na ‘to nang husto. Maging si Don Felipe na sinubukan ‘tong labanan ay napatalsik nito. Masyado ‘tong malakas na ‘di halos mapaniwalaan ni Anastacia.“Bitiwan mo siya! Huwag mo siyang hawakan!” sigaw nito.Mukhang ang nakikita ni King ay iba na sa nagaganap.Nagbagsakan ang mga luha ni Anastacia. Hindi na ‘to nakakakilala. Nagwawala ‘to at naglalabas ng mga magic circle, sinisira nito lahat habang muntikan na nitong mapaslang. Iniiwasan nila ‘to, kahit ano ring tawag niya ay hindi na siya nito naririnig. Nahila na rin siya ni Rosanna sa braso para ‘di na magpatuloy sa paglapit dito.“Anong nangyayari? Hanggang kailan siya magiging ganyan?!” umiiyak na tanong ni Anastacia.Hindi nakasagot ang mag-asawa. Lumuluha rin ang ina
“Nakita na namin siya!”Tila nagliwanag ang paligid ni Anastacia nang marinig ‘yon.“Palabas na kami, iuuwi namin kaagad siya,” anito.Hindi siya tumutol. “Mag-iingat kayo, kumusta po siya?”“Malala, sobrang lala, hindi ko alam kung aabot kami!” umiiyak ito.Parang nilamutak ang pakiramdam ni Anastacia sa kanyang puso.Nang makitang abala ang dalawa sa pagpana sa mga pumapana sakanila ay kaagad siyang humanap ng daanan pababa.Nakita niya na sa kalilingon ang mga barko nito. Gusto niyang mahawakan si King.Tumakbo siya dala ang pana at palaso.Iniiwasan niyang makipaglaban kaya hangga’t kaya niyang magtago sa mga puno at gilid-gilid ay ginagawa niya.Nagmamadali siya dahil baka maiwanan siya ng barko.Ipipilit niyang sumama sa mga ito.“Young Master…” Bagsakan nang bagsakan ang mga luha niya. Hindi niya
Madilim sa Dark Island, walang liwanag kahit galing sila sa liwanag. Marami na silang pagsabog na naririnig, marami na ring barko—malaki ang dark island pero mayroong specific place kung nasaan ang hinahanap nila. Nagulantang si Anastacia dahil patuloy ang mga pagsabog, mayroon na ring pagliliyab. Tumutunog din ang mga emergency alarm nang buong lugar.Nang huminto ang barko ay kaagad nang inatasan ni Neo ang sampung Knights, dalawa ang naiwanan sa kanya.“Huwag kang bababa, mapanganib,” bilin nito bago ‘to bumaba.Kabadong-kabado si Anastacia, malayo sa pinangyayarihan pa rin ng laban kung saan sila huminto. Nakakarinig lang siya ng mga pagsabog, tunog ng mga sandata, alarm. Marami ring umuulan na palaso pero hindi sila tinatamaan no’n kahit pa inaabot sila dahil sa shield barrier na ginawa ng isa niyang kasama sa barko.“Anastacia, Anastacia,” boses ‘yon sa ‘king isipan.Hi