The Vampire's Maid Servant (Tagalog)
Sa edad na siyam, naging kapalit si Anastacia ng malaking pagkakautang ng kanyang ama sa isang mayamang ginang. Pumayag din ang kanyang ama dahil sinabi nitong pag-aaralin siya sa ibang bansa at magkakaroon ng magandang buhay. Pero lingid sa kaalaman ni Anastacia at ng kanyang ama na ipagbibili pala siya nito sa isang Black Market.
Sa Black Market na 'yon pula ang mga mata ng mga nanonood. Para 'tong mga halimaw na nagpapanggap na tao. Sa ibang lengguwahe at kurensiya ipinagbili si Anastacia sa isang subastahan.
Mag-asawang bampira ang nakabili sa kanya at may dugong Royal.
Ang buhay na tila isang bangungot ang inaasahan ni Anastacia sa piling ng mga 'to, pero hindi 'yon nangyari, lalo at iniregalo siya ng mag-asawa sa anak ng mga ito na kaedaran niya, si King. Si King ang bampirang itatangi niya at suwerteng katugon ng kanyang damdamin. Nagmamahalan silang dalawa at maraming pangako sa isa't isa nang nasa wastong edad na.
Pero ang pangako na 'yon ay mabibigo dahil ang lalaking minamahal niya ay pinatay. Katumbas ng kamatayan nito ang kanyang kalayaan na kahit kailan ay hindi niya hinahangad.
Pinatay raw si King ng isang organisasyon ng mga bampira. Kung ano man ang dahilan, hindi niya 'yon masasagot kung isa lamang siyang tao at isang alipin.
Sa paglaya niya sa lugar ng mga bampira, binago niya ang sarili at naging isang kilalang Vampire Hunter. Ang layunin niya'y maubos ang nasa organisasyon na pumatay sa lalaking minamahal at malaman ang dahilan bakit 'to pinaslang. Bago siya lumagay sa tahimik kasama ang bagong nobyo, papatayin niya muna ang mga kalaban niya, para sa ikatatahimik niya.
Pero paano kung ang inaakala niyang namatay ay magbalik?
Basahin
Chapter: EPILOGUE Tuwing maaalala ko ang simula namin nang Young Master, hindi ko mapigilang mangiti. Ngayon, kasal na kami nang limang taon at paunlad na nang paunlad ang aming bayan. Reyna’t hari na kami at mas lumalawak pa ang lupain. Dahil sa yaman din ni King, madali sa ‘ming magpatayo nang mga kakailangan sa pagpapaunlad maging ang pabrika. Nagsimula na rin siyang kunin ang mga karatig isla na walang nananahan para lagyan ng mga laboratoryo. Malaking bagay na nasa amin ang poisoned-hill, dahil doon maraming dumarayo sa ‘ming turista iyon ay dahil na rin nakakulong na sa isang barrier ang mga makakamandag na hayop—safe na ang mga ito, napupuntahan pa ‘to para maging isang tourist attraction. Madalas mayroong mga antidote sa lason nang dala-dala dahil ‘di naman masasabing lahat ay naikulong na. Sa susunod, magiging malaki na rin kaming siyudad. Napakaganda nang palitan ng mga produkto at mayaman ang lupa rito para maging isang magandang lugar para sa agrikultura. Na
Huling Na-update: 2021-11-30
Chapter: Chapter 105.3KingGumaling ako sa tulong ng iba’t ibang mediko. Maliban sa ‘king likuran na dadalhin ko na habang-buhay. Pero tinuruan ako ng Emperador kung paano ko makokontrol ang aking kakayahan lalo at hindi na ‘yon mapipigilan pa dahil nagkaroon na siya nang awakening.Hindi kami nakatira sa pamilya ko dahil inalagaan pa kami sa Zone 66.Si Anastacia, dito na rin nagsilang ng anak namin si ‘Darius at Remy’ na ngayon ay mag-iisang taong gulang na. Habang narito ako sa Zone 66 ay nabubuhay siya sa isla at naalagaan namang maigi. Mas pinili namin magkalayo para rin naman sa ikakabuti namin, nagkikita pa rin naman kami linggo-linggo.Marami akong natutunan sa Zone 66.Ang mga magulang ko naman ay nagpagawa na nga nang mansion sa lugar kung saan kami ang mamumuno ni Anastacia—ang twin hill of poisoned island, doon sila nakatira at paminsang doon namamalagi ang mag-ina ko.Nalaman din ni Kairus, ang purebl
Huling Na-update: 2021-11-30
Chapter: Chapter 105.2Ilang linggo ring walang malay si King.Sa nakalipas na dalawang linggo ay naoperahan na rin ang tatlo nitong kapatid at ngayon ay nagpapahinga.Nagkaroon ng komplikasyon kay Dark pero kaagad din ‘yong naiayos dahil ang mismong humawak sa operasyon ay ang Emperador. Sabi ni Magareth kay Anastacia ay gusto talaga ‘yong tutukan ng Emperador.Si King, hindi pa ‘to sumasailalim sa operasyon dahil kailangan pa nitong magpalakas pagkagising.“Lumabas na ‘yong resulta ng dugo niya,” sabi ng doctor na babae.Iyon ang hinihintay nila.“Marami kaming pagsusuring ginawa pero wala kaming makitang lason sa katawan niya. Mukhang ang katawan niya talaga ay immune sa lason,” sabi nito.Nakahinga naman nang maluwag si Anastacia.“Marami lang siyang nakuhang pinsala at dahil nagpapahinga naman siya ay nakaka-recover siya. Mayroong din namang unique capability ang mga bampira for self-healing.
Huling Na-update: 2021-11-30
Chapter: Chapter 105“Sa lahat ng pagkakataon, nakikilala mo ‘ko hindi ba?” tanong ni Anastacia.Naalala na ‘to ni King, hanggang noong mga bata sila hanggang ngayon. Malinaw na sa kanya ang lahat. Kahit paulit-ulit niya ‘tong nasasaktan, nabibigo, at hindi maaalala, hindi ‘to bumitiw sa kanya kahit minsan.”Hinawakan niya ang mukha ni Anastacia kaya nagulat ‘to.“Anastacia—“ bulong ni King.Nagulat si Anastacia at napangiti kasabay ng kanyang mga luha.Hinalikan ni King sa noo si Anastacia.“I love you.”Bumigay ang katawan nito at bumagsak. Kaagad ‘tong nasalo ni Anastacia.“King!” napasigaw si Rosanna.“Dalhin na kaagad natin siya sa mediko,” sabi ni Neo.“Sasama ako, puwede ba ‘kong sumama?” tanong ni Anastacia sa mag-asawa.“Paniguradong hahanapin ka rin niya kung wala ka,”
Huling Na-update: 2021-11-30
Chapter: Flashback scenes Pt. 2 Mada’am, Bezarius,” nakangiti kaaagad si Edward. “Tapos na ‘kong magsukat para sa ‘yong unico hijo. Kung ano ang napag-usapan natin sa ibaba bago ‘ko umakyat ay iyon pa rin naman, maliban sa mas gusto ng Young Master ang kulay abo kesa kulay puti.”“Napakahilig niyan sa gray, hindi ko alam sa batang ‘yan,” napapailing si Rosanna.“Sukatan mo na rin si Anastacia,” nakangiting sabi ni King.“B-bakit?” tanong ni Anastacia.Hinila siya ng marahan ni King at dinala malapit kay Edward na napatingin sa ginang.Isang mananahi ng mga piling Royal Blood lang si Edward, hindi ito gagawa ng kasuotan ng isang alipin at mahal ang magiging singil nito at hindi mag-aaksaya si Rosanna para lamang sa isang alipin.“King, maid servant mo si Anastacia. Ang susuotin niya ay mula na lamang sa mga kasuotan na si Calixto na ang bahalang mamili.&r
Huling Na-update: 2021-11-30
Chapter: Flash back scenes in King's mind “Anastacia talaga ang pangalan mo?” tanong niito sa kanya.Nagulat naman si Anastacia nang magsalita ‘to at kausapin siya.“Anastacia nga, Young Master. Pero p-puwede mo raw ‘yon baguhin sa gusto mo.”“Hmmm…” nag-isip ito habang pagalaw-galaw sa upuan nito. “Ano kaya kung itlog na lang ipangalan ko sa ‘yo?” ngumisi ‘to.“I-itlog?” natakot pa siya no’n dahil sa pangalan na gusto nito.“Oo, bakit? Hotdog ba gusto mo?” ngising-ngisi ‘to. “Tapos tatawagin kita, halika nga rito babaeng itlog!” Bigla ‘tong tumawa nang ubod lakas.Nag-init ang mga mata ni Anastacia, maya-maya pa ay umiiyak na siya.“Hala!” nagulat si King. “Joke lang ‘yon!” inabutan siya nito ng cookies nang tumayo ‘to para lapitan siya. “Ang iyakin mo naman, kainin mo na ‘to tapos &
Huling Na-update: 2021-11-30
Chapter: C11: Kristine Del CastilloMabilis ang mga pangyayari parang nagmamadali si Greyson. Hindi pa ako pumapayag kitain ang pamilya niya, sinabi ko sa kanya na hindi pa ako mentally ready lalo pa at nasa force-marriage ang dating namin ngayong dalawa. Itinuring naman niya ako ng tama, babae, at may respeto naman siya kompara sa iniiisip ko sa kanya. Though, hindi naman ganoon kabilis makikilala ang isang tao. Maaaring ganito lamang siya dahil hindi pa kami kasal, hindi pa niya nakukuha ang kanyang gusto, at kung ano man ang tunay niyang anyo ay bahala na. Wala na akong pakialam kung lumabas siyang demonyo pagtapos ng kasal. Kung maging mapanakit siyang lalaki sa ‘kin, wala na rin akong pakialam. Bagsak na bagsak na ang pakiramdam ko at wala na akong makakapitan. Gusto ko na lang mabuhay ang batang ito at maging masaya ang magulang ko. Hindi na bale kung anong danasin ko, sumuko na rin naman ako. Katulad nang sinabi ko sa kanya ay gusto kong maging pri
Huling Na-update: 2022-04-03
Chapter: C10: Greyson AndersonWeird. That’s all I can say kapag naaalala ko kung paanong wala halos naging tanong sa ‘kin ang magulang ni Kristine at nakinig lang sila sa ‘kin na para bang lahat nang sasabihin ko ay ayos lamang sa kanila. Weird, but a good kind of weird dahil nga pumayag naman sila na pakasalan ko ang anak nila.“Sir, bumalik na si Ms. Del Castillo,” sabi ni Mr. Cruz.Napasandal ako sa swivel chair.“What do you think? Nagkaroon kaya nang magandang outcome ang pagpunta ko sa kanila?”“Hindi ako sigurado, sir, pero gusto ka niyang makausap mamayang lunch break.”Nangiti ako.“Okay, cancel my lunch appointment.” Ito ang importante sa ‘kin ngayon dahil ang career ko ay matatapos depende sa sagot ni Kristine.“Saan kita i-reserve for lunch, sir?”“The usual.”“Sir, kaninang umaga bago ka makarating hinahanap ka ng Directress at gusto niy
Huling Na-update: 2022-03-09
Chapter: C9: Kristine Del CastilloKung gaano kahirap ang bumangon sa araw-araw iba ang araw ng linggo na sumunod. Pakiramdam ko ay nagkaroon ako ng pag-asa lalo at sinabi ni nanay na gusto akong makausap ni tatay at sa tingin niya ay hindi para magalit o saktan ako. Napatawad na kaya niya ako? Makakasama ko na kaya uli si nanay? Pero paano ito? May dinadala na ‘kong bata baka kahit patawarin ako ni tatay ngayon ay baka magalit pa rin siya sa ‘kin kapag nalaman niyang nabuo ang kahihiyan na nagawa kong iakyat sa pamilya namin. Pero bahala na, miss na miss ko na talaga ang mga magulang ko. Umuwi ako sa maynila para bumalik sa amin. Kumakabog pa ang dibdib ko habang bumababa sa tricycle na nasakyan ko. May mga taong napatitingin sa akin at tinatawag ako, kiming ngiti lamang ang tugon ko sa kanila. Palabas si nanay noon at nagulat siya nang makita ako sa gate. “Tine!” “Nanay!” Naiyak kaagad ako. Pagbukas niya ng gate ay kaagad ko siyang niyakap. Mainit ang naging pagyakap namin, t
Huling Na-update: 2022-03-08
Chapter: C8: Kristine Del Castillo“Kumain ka muna kaysa titigan mo ako na parang gusto mo akong patayin.”Naglalaro ang ngiti sa labi ng demonyong lalaking kausap ko. Gusto kong sampalin siya nang kaliwa’t kanan kung puwede ay mag-anak na sampal pa. Chill na chill siya na parang wala lang sa kanya ang lahat, iyon bang nakikipaglaro lang ako sa kanya at wala itong malaking epekto pareho sa aming dalawa.“Sir, sumama ako sa iyo dahil gusto kong umalis na sa company. Hindi ko gustong maging malapit sa iyo dahil mas lumalala lang ang mental health issue ko. I hope na mapagbigyan mo ako.” Kinuha ko sa bag ang resignation ko at inilapag ko sa mesa bago marahang iniusog sa kanya.Tiningnan niya lang iyon pero hindi pinansin.“Sir, kung iniisip mo na gagamitin ko sa iyo ang bata o hihingi ako sa iyo para sa kanya, huwag kang mag-alala hindi ko iyon gagawin. Ipinapangako ko rin na iiwasan ko nang husto na makatagpo ka pa ulit.” Sinusubukan kong kumalma. Un
Huling Na-update: 2022-03-03
Chapter: C7: Kristine Del CastilloPinagbubulungan na ako dahil sa mga bulaklak at regalo na ibinibigay ng boss namin. Hindi nila alam na boss namin mismo ang nagpapadala nito. Mabuti na lamang at walang notes ang mga iyon na galing sa kanya. Nalaman ko lang dahil mismong si Secretary Cruz ang lumapit sa akin at sinabing padala iyon ni Mr. Greyson Anderson! “May iuuwi ka na naman na bagong bulaklak,” sabi ni Flori, bago lang siya at isang linggo pa lamang pero close na kaagad sa lahat. “Ikaw ang laman ng usapan kapag wala ka sa pantry,” dugtong niya pa. Huminga ako nang malalim. “Ano pang sinasabi nila?” “Pinaghihinalaan nila iyong matatandang higher sa atin ang nagbibigay. Iyong iba naman sinasabing sa mga engineer galing iyan.” Lalo akong nairita kay Greyson. Sinugod ko na siya kanina dahil hindi ko na matiis. Pero hindi ko naman magawang labanan siya dahil boss ko pa rin siya at mayaman pa rin siyang tao. Nag-aalala rin ako sa batang nasa sinapupunan ko, kahit pa nga hindi ko alam k
Huling Na-update: 2022-03-02
Chapter: C6: Greyson AndersonGREYSON’S POV “Lola, look, hindi naman tamang ipakasal mo kami. Hindi nga natin alam ang background niya.” Sunod ako nang sunod kay lola sa kahit saang parte siya ng mansion pumunta. Sa patio kami natigil dalawa. “Greyson, tapos ko nang gawin iyon.” “What? Paano mo ba siya nakilala? O humingi ba siya ng pera sa inyo nang hindi ko alam?” Naiirita ako lalo dahil naisip kong nakulangan pa yata sa akin ang babaeng iyon. “Greyson, hindi ko na uulitin pa, pakasalan mo siya o aalisin kita sa kompanya. Hindi kita pipilitin pero hindi rin ako magiging madaling kalaban, Greyson.” Sa titig pa lang niya at diin nang pananalita ay alam ko na hindi na magbabago ang kanyang isipan. Pero sinubukan ko pa rin na pilitin siya sa loob nang ilang araw hanggang mapagod ako. “Mr. Cruz, pumasok na ba siya?” Mula sa pagpipirma sa office ay naalala ko ang babaeng puno’t dulo ng lahat ng problema ko. “Yes, sir, pumasok na siya pero narinig
Huling Na-update: 2022-03-01