Share

Chapter 18

Author: Misa_Crayola
last update Huling Na-update: 2021-08-05 03:42:24

ANASTACIA’S POV

Apat na araw matapos naming pumunta sa kastilyo ay naging abala ang Young Master. Nasa physical examination siya nitong huling tatlong araw. Ngayon ay uuwi na siya kaya naman hindi ko mapigilang matuwa. Inayos ko pa ang uniporme ko at mas inayos ang pagkakatali ng buhok ko. Para ‘kong palaging hindi mapakali kapag alam kong parating na siya.

“Anastacia, may ginagawa ka ba?”

Napalingon ako sa pintuan. Si Mia ‘yon, isa sa servant.

“Bakit?” tanong ko.

“Wala pa rin kasi si Kaya, baka puwede mo kaming tulungan sa dinner? Marami rin kasing ibang ginagawa ‘yong iba. Pero kung may iba ka namang ginagawa ay tatawag na lang ako sa kabilang kuwarto.”

“Hindi, okay lang naman. Maaga pa naman sa pagdating ni Young Master.”

“Mabuti, salamat, Anastacia.”

Lumabas ako ng silid para sundan si Mia. Sa kusina kami nagtungo.

Lima lamang sila roon at kukulangin nga lalo at mabilisan ang gusto palagi ng mas matandang Bezarius.

“May kailangan kasi kaming iluto, biglaan na papunta raw ang ina ng Master. Kaya kailangan kita talaga,” ani Mia.

“Wala namang problema.”

Tumulong na ‘ko sa pag-aangat ng mga pagkain patungo sa dining table ng pamilya.

Ngayon ko lang makikita ang lola ng Young Master. Mayroon siyang malaking larawan sa pasilyo at istrikta ang kanyang hitsura. Para siyang nasa edad na apatnapu kung titingnan. Sa labas raw ng Vampire City nakatira ang lola ng Young Master kaya hindi siya naliligaw. Pero may ilang pagkakataon na rin naman siyang nadalaw, iyon lamang ay hindi nagtatagal at palaging oras ng tulog o pahinga ko.

Ang head ng mga servant na si Apostola ay abala pala sa pagpapapalit sa mga Butler ng mga kurtina. Naging kulay asul ‘yon na matingkad.

Si Calixto naman ay wala, pero alam ko ay siya ang sumusundo sa lola ng Young Master.

Nang matapos ako sa paglalapag ay nakihanay rin ako sa ibang tagasilbi. Lima kaming naroon. Pero pababa na rin ‘yong iba at paayos na rin. Iyon ‘yong may iba talagang toka na ginagawa sa mansion.

Si Mistress Rossana ay patungo na sa lamesa.

“Apostola, nasaan na ba ang Master ninyo?” mataas ang boses nito.

“Mistress, titingnan ko sa itaas.”

“Sinabi ko na sa kanyang darating ang kanyang ina. Inuuna pa niya ang makipaglandian sa tagasilbing si Kaya,” mariing sabi ni Mistress Rossana.

Noon ko naalala na wala nga pala si Kaya. Kumabog ang dibdib ko. Si Kaya, siya ba ang bagong babae ng ama ng Young Master?

Biglang bumalik sa alaala ko ang mga pasa niya minsan na nakikita ko.

Paano ko naman malalaman kung kahit kailan hindi naman siya nagkuwento sa ‘kin. Parang gusto ko tuloy pabilisin ang oras at para makompirma ko ‘yon kay Kaya.

“Nariyan na pala siya,” sabi ni Mistress Rossana na mukhang nakahinga ng maluwag.

Pababa ang Master sa hagdanan.

“Nasaan na si King?” tanong ni Master Ezekiel.

“Kanina ko pa siya ipinasundo sa Butler natin. Parating na rin ‘yon.”

“Bakit pabigla-biglang dumalaw si mommy?” tanong ni Master Ezekiel.

“Hindi ko alam, pero ang tingin ko ay may nakapagbalita na sa kanya tungkol sa dalawang prinsesa ng mga Pureblood, maging ang imbitasyon na natanggap ni King,” sagot ni Mistress Rosanna.

Nauna silang naupo sa kanilang puwesto.

“Kung gano’n, oras niya namang makialam sa buhay ni King?” sarkastikong tanong ni Ezekiel.

“Mas mabuti ‘yon, mas magaling naman ang mommy mo sa pagkumbinsi.”

Parang nanghihina ang tuhod ko sa mga naririnig ko. Pakiramdam ko gusto nilang ipilit ang Young Master sa isa sa mga prinsesa.

“Anastacia, you’re here,” puna sa ‘kin ni Mistress Rossana.

Alam kong hindi man ako nilingon ng mga kasama ko ay nakahanda ang tainga nila para marinig ang sasabihin sa ‘kin ni Mistress Rossana.

“Maganda ang magiging buhay ni King kapag Pureblood ang napangasawa niya. Mabuti pa ay kumbinsihin mo rin siya. Sumusunod din siya sa ‘yo,”anito.

Hindi ko alam pero napatango ako.

“O-opo, Mistress Rossana.”

Nangiti si Master Ezekiel. “Puwede ka naman maging babae pa rin ni King.”

Iyong tingin ni Mistress Rossana sa asawa ay tila may kahulugan.

“Anastacia, pilitin mo siyang mas piliin ang magandang kinabukasan niya.” Nginitian ako ni Mistress Rossana.

Tila tinutusok nang maraming karayom ang puso ko.

“Umaasa ako na hindi ako nagkamali sa pagpili sa ‘yo para kay King,” dagdag pa niya.

Tumango naman ako. Nagpipigil akong maluha. Parang sinasakal ang pakiramdam ko.

Dumating na ang bisita kaya napatayo ang mag-asawa at ngiting-ngiting sinalubong ang babaeng maganda pero matapang ang hitsura. Nakasuot ‘to ng itim na bestida at maraming suot-suot na mamahaling alahas.

“Maligayang pagdating, mommy,”sabi ni Mistress Rosanna. Hinalikan niya sa pisngi ang bisita.

“Mommy, mas maganda sana ang inihanda namin sa ‘yo kung nagpasabi ka kaagad.” Hinalikan ni Master Ezekiel ang ina sa pisngi.

“Where’s my grandson, King?” maging ang boses ng lola ni King ay mataas, at mukhang istrikta.

“Parating na rin siya, maupo tayo habang hinihintay siya, mommy,” nakangiting aya ni Mistress Rosanna sa kanyang ina.

Binati namin nang sabay-sabay ang bisita.

“Maligayang pagdating, Mada’am Margarita.”

Tiningnan niya kami isa-isa at napatitig sa ‘kin.

“Isa ka siguro sa babae ni Ezekiel.”

Nabigla ako sa sinabi niya.

Napatikhim si Ezekiel. “Bakit mo naman nasabi ‘yon, mommy?”

Naupo na ang mga ‘to.

“Dahil maganda ang hitsura at katawan niya. Hindi ba at iyan ang mga gusto mong tagasilbi? Iyong may magagandang hitsura.”

Nagkatinginan ang mag-asawa.

“H-hindi—”

Umiling si Mistress Rossana para pigilin ako.

“May bago ba sa anak ninyo?”

Gusto ba nitong mas paniwalaan ‘yon kesa sabihin na ako ang personal maid servant ng Young Master?

“Mistress Rossana may liham mula sa mga Pureblood,” sabi ng isang lumapit na Butler.

Halatang napokus na sa liham na may emblem ang tatlo. Si Mistress Rosanna ang nagbukas no’n dahil siya ang napag-abutan.

Ibinukas muna nito ang liham at binasa ‘yon ng tahimik. Unti-unting ngumiti ‘to at nasiyahan.

“Ang palasyo ay bukas kay King para maging candidate na asawa ni Alexandra Bathory.”

Halata ang kasiyahan ng tatlo.

“May dalawa pang pangalan pero mukhang pumili sila sa 1st, 2nd, and 3rd mansion,” dagdag ni Mistress Rossana.

“Kung gano’n, mukhang magtatagal ako rito para gabayan ang aking apo.”

Nagkatuwaan na sila. Habang unti-unting tila nabibingi ako. Nanlalamig ang katawan ko. Habang nanginginig naman ang tuhod ko. Pero hindi ako nagpahalata.

Kung aalalahanin ko ay halata sa prinsesang si Alexandra ang pagkakagusto sa Young Master. Iba ang ngiti niya. Hindi ako nagkakamali nang mapansin kong isa na siya sa napili niya. At kinakabahan, mas lalong natatakot ako dahil alam ko na sa lahat ng nakasayaw niya sa Young Master makikita ang kanyang buong atensiyon.

Nang dumating ang Young Master ay sinalubong siya ng masasayang mukha ng kanyang pamilya. Nakangiti rin naman siya. Pero napabaling siya sa ‘kin at nginitian din ako.

“King, napakalaki mo na kaagad.” Tuwang-tuwa ang lola niya at napatayo pa para yakapin ang Young Master. “Kumusta naman ang pag-aaral mo? Palagi ka pa rin bang napagagalitan dahil nananakit ka ng kaklase mo?” tila natutuwa pa ‘to.

Natawa ang Young Master.

Naupo na sila para simulan ang pagkain.

Nagsisimula na silang mag-angat ng kubyertos nang magsimulang buksan ni Mistress Rossana ang tungkol sa liham.

“King, may liham ang kastilyo para sa ‘ting pamilya.”

“Tungkol saan, mom?” tanong ng Young Master.

“Isa ka sa tatlong pagpipilian na asawa ni Prinsesa Alexandra,” masayang balita ni Mistress Rossana sa anak.

Kailangan kong idiretso ang tingin ko dahil baka magbagsakan ang mga luha ko.

“Pero hindi ako interesado sa kanya.”

Natigilan ang lahat sa naging kaswal niyang sagot.

“King, naiintindihan mo ba ang sinasabi mo?” hindi makapaniwala ang ina.

Nag-angat ng mukha ang Young Master.

“Hindi ko siya gusto. May dalawa pa siyang pagpipilian. Mas maganda iyong mapunta siya sa lalaking gusto siya,” sagot ng Young Master.

“Ano ang dahilan bakit parang hindi mo siya magugustuhan?” nakangiting tanong ng lola ni Young Master King.

“May iba ‘kong gusto at alam naman nila ‘yon.”

“King!” may babala si Mistress Rosanna.

Nag-angat ng kamay ang Mada’am Margarita.

“Sino ang nagugustuhan mo?” nakangiti pa rin si Mada’am Margarita.

“Si Anastacia, siya lang ang gusto ko.”

Halatang nabigla ang mag-asawa. Maging ako at ang mga servants ay gano’n din.

“At sino naman si Anastacia? Saang pamilya ba siya naroon?”

“Mom, ‘wag mo na siyang tanungin. Si Anastacia ay isang Royal—”

Nangunot ang noo ng Young Master at napabaling sa kanyang ama at ina. Nasa hitsura ng Mistress Rosanna na nagbibigay babala siya sa anak na ‘wag itong magsasabi.

“King?” si Mada’am Margarita.

“Si Anastacia ‘yong nasa likuran ni dad,” sabi ni Young Master.

Nabigla kaming lahat sa naging pagsagot niya.

Pinagkatitigan naman ako ni Mada’am Margarita, isinunod nito ang Master and Mistress. Iba ang ipinalabas ng mga ‘to kanina.

“Sinasabi mo na ang babaeng ito ay si Anastacia?” turo sa ‘kin ng Mada’am Margarita.

Nangiti ang Young Master.

“Siya si Anastacia, grandma.”

“Isa siyang servant, hindi ba?” tanong ni Mada’am Margarita sa Young Master.

“Sa ‘kin lang siya, tumutulong lamang siya kung gusto niya.”

Tumango-tango ang Mada’am Margarita.

“Ibig mong sabihin isa siyang personal maid servant?”

Ngumiti ang Young Master bilang pagsangayon.

Nangiti ang Mada’am Margarita. “Walang problema kung gusto mo siya. Ang babaeng servant ay maaari mong kunin at itapon kung kailan mo gustuhin.”

Nabigla ang Young Master, ako naman ay hindi na dahil kanina pa ‘ko nakararamdam ng kakaiba sa tatlo.

“King, ang babaeng ‘to ay isa lamang alipin. Bayad ang kanyang buhay, katawan, at kahit mag-asawa ka ng marami ay wala siyang karapatang pigilan ka.” Tumayo si Mada’am Margarita at lumapit sa ‘kin.

Sa pagtitig pa lamang niya ay para na ‘kong babagsak sa tindi nang tensiyon.

Lumapit siya sa ‘kin bago humarap sa Young Master.

“Maganda siya sa ngayon. Pero tatanda rin siya kaagad. Iyong pagkakagusto mo sa kanya ay dala lamang ng hitsura’t katawan niya. Maaari mo siyang gamitin sa kahit na anong paraan.” Nilingon niya ‘ko. “Tama ako, hindi ba? Anastacia?”

Napadiretso ako ng tayo.

Marahan akong tumango.

Nangiti siya lalo. “May plano ka bang pigilan siyang mag-asawa ng iba?”

Umiling ako. Nakagat ko ang ibaba kong labi. Nanginginig na maging ang kamay ko.

Lumingon siya sa Young Master. “Kahit mag-asawa ka, maaari mo pa rin siyang gamitin hangga’t gusto mo. Makukuha mo siya ng madali lamang kaya hindi niya kailangan na seryosohin mo. Nadadala ka lang ng kabataan mo. Sinasabi ko ‘to sa ‘yo dahil magiging malaking pagsisisi mo kung palalagpasin mo ang oportunidad na magka-asawa ng isang Pureblood.”

“King,” untag ni Mada’am Margarita sa Young Master. Marahil napapaisip na siya.

“Grandma, ang pinagsasalitaan mo ay si Anastacia. Buhay ko ang minamaliit mo. Hindi ninyo maiintindihan kahit kailan kung gaano ko siya kagusto, handa akong mamatay para sa kanya.”

Misa_Crayola

Thank you for sending me gems! Lovelots!

| Like

Kaugnay na kabanata

  • The Vampire's Maid Servant (Tagalog)   Chapter 19

    Tumayo si King sa kinauupuan. “Iyan ba ang nakukuha mo sa babaeng ‘to? Ang maging bastos sa ‘yong mga kadugo?” maawtoridad na tanong ng lola ni King. Sa naging hitsura ni King, alam kaagad ni Rosanna na hindi magpapaawat ang kanyang anak. “Maraming servant ang nakatingin sa ‘tin. Hindi ba puwedeng kumain muna tayo at pag-usapan ‘to sa pribadong silid?” si Ezekiel ‘yon sa mababang tono. “King, maupo ka na,” marahang sabi ni Rosanna. Kilala niya ang anak, mas nadadaan ‘to sa mahinahon na boses. Isa ‘yon sa dahilan bakit din ‘to nagkagusto kay Anastacia, kalmado at may kahinaan ang boses nito. Tiningnan ni Anastacia si King, tumango siya para hudyatan ‘to na muling maupo at makinig. Naupo naman si King kahit wala na siyang ganang kumain. Hindi na kumibo si King, tahimik na rin naman na kumain ang kanyang mga kasama. Pilit na lang na itinayo ni Anastacia ng diretso ang kanyang sarili. Alam niya na at dapat siyang masanay na

    Huling Na-update : 2021-08-07
  • The Vampire's Maid Servant (Tagalog)   Chapter 20

    Iniwanan ni King si Anastacia. Pakiramdam niya pinasisikip ng mga nasa paligid niya ang buhay nila ni Anastacia. Iniiwasan niyang magalit dahil alam niyang minsan ay nawawala siya sa sarili dahil sa galit. Kanina nasigawan niya at kinagalitan si Anastacia, samantalang isa ‘yon sa huli na gusto niyang gawin, iyong magalit dito at pagtaasan ‘to ng boses.Nasa kagubatan siya ng Forbidden Forest, isa ‘yon sa lagusan patungo sa mundo ng mga tao. Maaari silang maglabas-masok sa kanilang lugar. Marami ring bampira ang naninirahan sa lugar ng mga tao at nabubuhay na katulad ng isang tao. Isa lamang kuwentong pantasya sa karamihan ng mga tao ang tungkol sa bampira noon. Pero marami ng bampira ang gumaganti at pumapatay ng mga tao, iyon ay dahil napatay ang kanilang mga kapareha o kapamilya ng mga Vampire Hunter.No’ng napunta sa kanila si Anastacia, nagsimula na rin na magkagulo ang mga tao. Mayroong grupo ng mga bampira ang pumatay ng mga

    Huling Na-update : 2021-08-08
  • The Vampire's Maid Servant (Tagalog)   Chapter 21

    Masama pa rin ang loob ng Young Master sa ‘kin. Hindi ko alam kung anong dapat kong gawin. Pakiramdam ko, habang tumatakbo ang araw na hindi kami nagkikibuan gaano ay palayo rin siya nang palayo sa ‘kin. “Anastacia, kunin mo na ang bulaklak at naiayos na,” tawag sa ‘kin ni Dama Apostola. Kadarating ko lang din naman sa kusina. Naroon ang isang magandang pumpon ng rosas na may iba’t ibang kulay at may magandang disenyo. Iyon ay para sa prinsesa. Ito ang unang araw na pupunta ang Young Master para magsimulang kunin ang loob ng prinsesa. Kagabi pa ‘ko nahihirapang matulog. Kahit sabihin ko talagang maayos lamang ito at magiging sapat sa ‘kin na pangalawa, hindi ko pa ring mapigilang masaktan. “Ingatan mo ‘yan, lahat ‘yan ay mga mamahaling bulaklak sa Vampire City.” Nauunawaan ko naman ang sinabi ni Dama Apostola. Ang bulaklak ay mga kasunurang uri ng mga Moonshine Roses. Iyon ay mga kamukha ng bulaklak na rosas pero wala silang tinik at m

    Huling Na-update : 2021-08-09
  • The Vampire's Maid Servant (Tagalog)   Chapter 22

    “Kumusta ang pinuntahan ninyo?” Iyon kaagad ang tanong ni Rossana sa anak. Pareho silang naghihintay ni Margarita, ang lola ni King sa magandang balita. “Si Calix na lang ang tanungin ninyo. Pagod ako,” sagot ni King. “Anast—” “Anastacia, umakyat ka na may ipagagawa pa ‘ko sa ‘yo.” Putol ni King sa sasabihin ng ina. Tumungo si Anastacia sa harapan ng dalawang babae at sumunod kay King. Sinundan niya ‘to hanggang sa silid nito. Halatang napagod talaga ‘to dahil pasalampak itong naupo sa paanan ng kama. Kaagad kumilos si Anastacia para luwagan at alisin ang necktie nito. “Ipaghahanda ba kita ng hot bath, Young Master?” Hindi ito kumibo kaya pinagpatuloy na lang muna ni Anastacia ang pag-aalis naman ng butones nito. Sumisikip ang kanyang dibdib na marami ‘tong marka ng pagsipsip sa balat nito. Halatang-halata ‘yon dahil maputi ‘to at sensitibo ang balat. Hanggang tuluyan na niyang maibaba ang palad at huling

    Huling Na-update : 2021-08-10
  • The Vampire's Maid Servant (Tagalog)   Chapter 23

    “Young Master—”Nilapitan ni Anastacia si King na nasa bahagi ng bintana. Nagpapahangin ‘to. Pilit kinokontrol ang sarili.“Tawagan mo ang quarter para makapagpakuha ka ng kasuotan at makalabas na. Magpapahinga na rin ako.” Malamig na sabi nito.“Pero—”“Anastacia, sinusubukan kong kumalma at hind imaging bayolente. Sundin mo ‘ko bago ‘ko may magawang pagsisisihan ko. Sa oras na ‘to, gulong-gulo ang isipan ko. Kaya mas mabuti pang bumalik ka na sa ‘yong silid.“Young Master, pag-usapan na natin ‘to. Marahil mas magiging maayos ang—”“Lumabas ka na muna!” sigaw nito.Nagulat si Anastacia. Nakagat niya ang ibabang labi dahil sa pagsigaw nito. Hindi siya sanay na sinisigawan nito.Tumawag siya sa Maid’s quarter at kung sino man ang sumagot ay ‘di na niya nabosesan. Nagpadala na lamang siya ng kasuotan

    Huling Na-update : 2021-08-11
  • The Vampire's Maid Servant (Tagalog)   Chapter 24

    Para kay Anastacia mahalaga na nagkakaintindihan sila ni King. Sumasama pa rin siya rito kahit kailangan nitong umakto na nakikisama ‘to sa prinsesa. Kung ano man ang dahilan, napalitan din si Calix na kasama niya. Si Calixto na pinagkakatiwalaan ng Mistress nila ang ipinasama sa kanila bilang kapalit nito. Ibinilin na kay Anastacia ni King na kailangan na makumbinsi nila si Calixto dahil higit itong mapagmatyag. “Mukhang malapit sa isa’t isa ang Young Master at ang prinsesa,” puna ni Calixto. Alam ng lahat na higit kanino man ay siya ang pinaka-apektado kaya pinalungkot ni Anastacia ang hitsura. “Mukhang gusto rin ng Young Master ang prinsesa. Sa tingin ko ay nagkakasundo sila sa maraming bagay.” Nangiti naman si Calixto. “Mabuti naman kung gano’n, mabuti rin at hindi siya nagmatigas.” “Marahil napag-isipan din itong mabuti ng Young Master.” “Mabuti rin at hindi mo na pinahirapan ang Young Master.” “Mas gusto ko ang ik

    Huling Na-update : 2021-08-12
  • The Vampire's Maid Servant (Tagalog)   Chapter 25

    Nag-aalala si Anastacia dahil ilang beses ininda ng kanyang Young Master ang likuran nitong may marka. Kasalukuyan ‘tong nakaupo sa paanan ng kama habang nakaluhod naman siya sa kama para tingnan ang likuran nito. “Ano pang nararamdaman mo?” tanong niya. “Mainit, masakit, parang nananakit ‘yong buo kong katawan pero nagpopokus ang pinakamasakit sa marka.” “Kung sabihin na natin ‘to sa doctor, baka may alam sila para—” “Hindi! Sinabi ko sa ‘yo na tayo lang ang dapat makaalam nito!” Napabuntong-hininga si Anastacia. Kasunod nang madalas na pananakit ng likuran nito ay ang pagbabago ng ugali nito. Nagiging magagalitin ‘to, pero sa tingin niya dahil lang din sa sakit na pinagdaraanan nito. Sobra siyang nag-aalala pero wala siyang mahingian ng tulong tungkol doon. Hindi niya rin magawang magsimulang magtanong dahil baka makakutob ang mga nasa paligid niya na mayroong marka si King. “Ngayon ka dadalaw sa palasyo, anong sasabihin ko pa

    Huling Na-update : 2021-08-13
  • The Vampire's Maid Servant (Tagalog)   Chapter 26

    “ “Hindi ko naman siya tinatakot!” Natawa ng alanganin si Gavin. “Isa pa, dinala ko nga siya sa ‘yo. Hindi niya kasama ‘yong Royal Blood na Bezarius.” Hahawakan uli ni Gavin si Anastacia sa balikat pero tinabig na ‘yon ni Kairus at masamang tiningnan ang pinsan. “Alam mong hindi siya puwedeng basta hawakan.” Matalim ang tingin na ipinukol ni Kairus kay Gavin. “But we are Pureblood! We can touch the untouchable as long as it’s not a pureblood’s property.” Tiningnan ni Kairus si Anastacia. Medyo naroon pa rin ang takot sa mata ng dalaga pero nagawa na nitong tingnan siya. Sinubukan niya ‘tong ngitian. Maya-maya bumunghalit ng tawa si Gavin. “Kairus, para ka namang ngumiwi niyan!” Pero nangiti si Anastacia, alam niya kasing sinusubukan nitong pagaanin ang nararamdaman niya. Iyong takot niya rito ay unti-unti ng bumababa. “Nasaan ang Royal Blood?” “Hindi maganda ang pakiramdam niya,” sagot ni Anastacia. “Bak

    Huling Na-update : 2021-08-14

Pinakabagong kabanata

  • The Vampire's Maid Servant (Tagalog)   EPILOGUE

    Tuwing maaalala ko ang simula namin nang Young Master, hindi ko mapigilang mangiti. Ngayon, kasal na kami nang limang taon at paunlad na nang paunlad ang aming bayan. Reyna’t hari na kami at mas lumalawak pa ang lupain. Dahil sa yaman din ni King, madali sa ‘ming magpatayo nang mga kakailangan sa pagpapaunlad maging ang pabrika. Nagsimula na rin siyang kunin ang mga karatig isla na walang nananahan para lagyan ng mga laboratoryo. Malaking bagay na nasa amin ang poisoned-hill, dahil doon maraming dumarayo sa ‘ming turista iyon ay dahil na rin nakakulong na sa isang barrier ang mga makakamandag na hayop—safe na ang mga ito, napupuntahan pa ‘to para maging isang tourist attraction. Madalas mayroong mga antidote sa lason nang dala-dala dahil ‘di naman masasabing lahat ay naikulong na. Sa susunod, magiging malaki na rin kaming siyudad. Napakaganda nang palitan ng mga produkto at mayaman ang lupa rito para maging isang magandang lugar para sa agrikultura. Na

  • The Vampire's Maid Servant (Tagalog)   Chapter 105.3

    KingGumaling ako sa tulong ng iba’t ibang mediko. Maliban sa ‘king likuran na dadalhin ko na habang-buhay. Pero tinuruan ako ng Emperador kung paano ko makokontrol ang aking kakayahan lalo at hindi na ‘yon mapipigilan pa dahil nagkaroon na siya nang awakening.Hindi kami nakatira sa pamilya ko dahil inalagaan pa kami sa Zone 66.Si Anastacia, dito na rin nagsilang ng anak namin si ‘Darius at Remy’ na ngayon ay mag-iisang taong gulang na. Habang narito ako sa Zone 66 ay nabubuhay siya sa isla at naalagaan namang maigi. Mas pinili namin magkalayo para rin naman sa ikakabuti namin, nagkikita pa rin naman kami linggo-linggo.Marami akong natutunan sa Zone 66.Ang mga magulang ko naman ay nagpagawa na nga nang mansion sa lugar kung saan kami ang mamumuno ni Anastacia—ang twin hill of poisoned island, doon sila nakatira at paminsang doon namamalagi ang mag-ina ko.Nalaman din ni Kairus, ang purebl

  • The Vampire's Maid Servant (Tagalog)   Chapter 105.2

    Ilang linggo ring walang malay si King.Sa nakalipas na dalawang linggo ay naoperahan na rin ang tatlo nitong kapatid at ngayon ay nagpapahinga.Nagkaroon ng komplikasyon kay Dark pero kaagad din ‘yong naiayos dahil ang mismong humawak sa operasyon ay ang Emperador. Sabi ni Magareth kay Anastacia ay gusto talaga ‘yong tutukan ng Emperador.Si King, hindi pa ‘to sumasailalim sa operasyon dahil kailangan pa nitong magpalakas pagkagising.“Lumabas na ‘yong resulta ng dugo niya,” sabi ng doctor na babae.Iyon ang hinihintay nila.“Marami kaming pagsusuring ginawa pero wala kaming makitang lason sa katawan niya. Mukhang ang katawan niya talaga ay immune sa lason,” sabi nito.Nakahinga naman nang maluwag si Anastacia.“Marami lang siyang nakuhang pinsala at dahil nagpapahinga naman siya ay nakaka-recover siya. Mayroong din namang unique capability ang mga bampira for self-healing.

  • The Vampire's Maid Servant (Tagalog)   Chapter 105

    “Sa lahat ng pagkakataon, nakikilala mo ‘ko hindi ba?” tanong ni Anastacia.Naalala na ‘to ni King, hanggang noong mga bata sila hanggang ngayon. Malinaw na sa kanya ang lahat. Kahit paulit-ulit niya ‘tong nasasaktan, nabibigo, at hindi maaalala, hindi ‘to bumitiw sa kanya kahit minsan.”Hinawakan niya ang mukha ni Anastacia kaya nagulat ‘to.“Anastacia—“ bulong ni King.Nagulat si Anastacia at napangiti kasabay ng kanyang mga luha.Hinalikan ni King sa noo si Anastacia.“I love you.”Bumigay ang katawan nito at bumagsak. Kaagad ‘tong nasalo ni Anastacia.“King!” napasigaw si Rosanna.“Dalhin na kaagad natin siya sa mediko,” sabi ni Neo.“Sasama ako, puwede ba ‘kong sumama?” tanong ni Anastacia sa mag-asawa.“Paniguradong hahanapin ka rin niya kung wala ka,”

  • The Vampire's Maid Servant (Tagalog)   Flashback scenes Pt. 2

    Mada’am, Bezarius,” nakangiti kaaagad si Edward. “Tapos na ‘kong magsukat para sa ‘yong unico hijo. Kung ano ang napag-usapan natin sa ibaba bago ‘ko umakyat ay iyon pa rin naman, maliban sa mas gusto ng Young Master ang kulay abo kesa kulay puti.”“Napakahilig niyan sa gray, hindi ko alam sa batang ‘yan,” napapailing si Rosanna.“Sukatan mo na rin si Anastacia,” nakangiting sabi ni King.“B-bakit?” tanong ni Anastacia.Hinila siya ng marahan ni King at dinala malapit kay Edward na napatingin sa ginang.Isang mananahi ng mga piling Royal Blood lang si Edward, hindi ito gagawa ng kasuotan ng isang alipin at mahal ang magiging singil nito at hindi mag-aaksaya si Rosanna para lamang sa isang alipin.“King, maid servant mo si Anastacia. Ang susuotin niya ay mula na lamang sa mga kasuotan na si Calixto na ang bahalang mamili.&r

  • The Vampire's Maid Servant (Tagalog)   Flash back scenes in King's mind

    “Anastacia talaga ang pangalan mo?” tanong niito sa kanya.Nagulat naman si Anastacia nang magsalita ‘to at kausapin siya.“Anastacia nga, Young Master. Pero p-puwede mo raw ‘yon baguhin sa gusto mo.”“Hmmm…” nag-isip ito habang pagalaw-galaw sa upuan nito. “Ano kaya kung itlog na lang ipangalan ko sa ‘yo?” ngumisi ‘to.“I-itlog?” natakot pa siya no’n dahil sa pangalan na gusto nito.“Oo, bakit? Hotdog ba gusto mo?” ngising-ngisi ‘to. “Tapos tatawagin kita, halika nga rito babaeng itlog!” Bigla ‘tong tumawa nang ubod lakas.Nag-init ang mga mata ni Anastacia, maya-maya pa ay umiiyak na siya.“Hala!” nagulat si King. “Joke lang ‘yon!” inabutan siya nito ng cookies nang tumayo ‘to para lapitan siya. “Ang iyakin mo naman, kainin mo na ‘to tapos &

  • The Vampire's Maid Servant (Tagalog)   Chapter 104

    “Young Master!” Pilit na pinipigilan ni Anastacia ‘to pero nakikipaglaban lang ‘to at halos lahat ay sinasaktan nito.Nagwawala na ‘to nang husto. Maging si Don Felipe na sinubukan ‘tong labanan ay napatalsik nito. Masyado ‘tong malakas na ‘di halos mapaniwalaan ni Anastacia.“Bitiwan mo siya! Huwag mo siyang hawakan!” sigaw nito.Mukhang ang nakikita ni King ay iba na sa nagaganap.Nagbagsakan ang mga luha ni Anastacia. Hindi na ‘to nakakakilala. Nagwawala ‘to at naglalabas ng mga magic circle, sinisira nito lahat habang muntikan na nitong mapaslang. Iniiwasan nila ‘to, kahit ano ring tawag niya ay hindi na siya nito naririnig. Nahila na rin siya ni Rosanna sa braso para ‘di na magpatuloy sa paglapit dito.“Anong nangyayari? Hanggang kailan siya magiging ganyan?!” umiiyak na tanong ni Anastacia.Hindi nakasagot ang mag-asawa. Lumuluha rin ang ina

  • The Vampire's Maid Servant (Tagalog)   Chapter 103.3

    “Nakita na namin siya!”Tila nagliwanag ang paligid ni Anastacia nang marinig ‘yon.“Palabas na kami, iuuwi namin kaagad siya,” anito.Hindi siya tumutol. “Mag-iingat kayo, kumusta po siya?”“Malala, sobrang lala, hindi ko alam kung aabot kami!” umiiyak ito.Parang nilamutak ang pakiramdam ni Anastacia sa kanyang puso.Nang makitang abala ang dalawa sa pagpana sa mga pumapana sakanila ay kaagad siyang humanap ng daanan pababa.Nakita niya na sa kalilingon ang mga barko nito. Gusto niyang mahawakan si King.Tumakbo siya dala ang pana at palaso.Iniiwasan niyang makipaglaban kaya hangga’t kaya niyang magtago sa mga puno at gilid-gilid ay ginagawa niya.Nagmamadali siya dahil baka maiwanan siya ng barko.Ipipilit niyang sumama sa mga ito.“Young Master…” Bagsakan nang bagsakan ang mga luha niya. Hindi niya

  • The Vampire's Maid Servant (Tagalog)   Chapter 103.2

    Madilim sa Dark Island, walang liwanag kahit galing sila sa liwanag. Marami na silang pagsabog na naririnig, marami na ring barko—malaki ang dark island pero mayroong specific place kung nasaan ang hinahanap nila. Nagulantang si Anastacia dahil patuloy ang mga pagsabog, mayroon na ring pagliliyab. Tumutunog din ang mga emergency alarm nang buong lugar.Nang huminto ang barko ay kaagad nang inatasan ni Neo ang sampung Knights, dalawa ang naiwanan sa kanya.“Huwag kang bababa, mapanganib,” bilin nito bago ‘to bumaba.Kabadong-kabado si Anastacia, malayo sa pinangyayarihan pa rin ng laban kung saan sila huminto. Nakakarinig lang siya ng mga pagsabog, tunog ng mga sandata, alarm. Marami ring umuulan na palaso pero hindi sila tinatamaan no’n kahit pa inaabot sila dahil sa shield barrier na ginawa ng isa niyang kasama sa barko.“Anastacia, Anastacia,” boses ‘yon sa ‘king isipan.Hi

DMCA.com Protection Status