Share

Chapter 14

Author: Misa_Crayola
last update Last Updated: 2021-07-29 07:28:55

Nakangiti si Vince Villadiego habang inaabot ang kanyang sertipiko. Siya ang pinakabatang Vampire Hunter na nakapasok sa ‘Carolus Rex’. Labing-walong taong gulang pa lamang siya.

Ang Carolus Rex ay iisa lamang sa mga samahan ng mga Vampire Hunter. Pero ito ang kinokonsidera ng gobyerno na pinakamapagkakatiwalaan. Isa pa, hindi lahat ng samahan ng mga Vampire Hunter ay para sa kabutihan ng sangkatauhan ang layunin, ang iba ay para lamang ibenta ang mga bampirang nahuhuli sa mga scientist o samahan na nag-aaral sa mga ‘to para sa mga nililikhang sandata laban sa mga ‘to.

Nagpalakpakan ang nasa isangdaang bilang ng mga Vampire Hunter nang humarap siya sa mga ‘to. Tumungo siya.

“Maraming salamat! Gagawin ko ang lahat para maubos ang mga bampira!”

Lalong naghiyawan ang mga ‘to at nagpalakpakan.

Nang makababa siya ay sinalubong siya kaagad ng mga Vampire Hunter na makakasama niya na. Isa siya sa sampung bagong napili. Lahat sila ay dumaan sa VH Exam. Pisikal, emosyonal, maging ispiritwal nilang katatagan ay sinukat.

“Napakabata mo sa larangang ‘to!” Namamanghang sabi ng isa sa mga may katandaang lalaki. “Hindi ko akalain na may ganoon ka na kaagad na kakayahan.”

“Iyong mga katulad niya ay may matinding pinagdaraanan. Mayroon ka bang masamang experience sa mga bampira?” tanong ng babaeng lumapit sa kanya.

Ang edad ng mga naroon ay nasa dalawampu’t walo hanggang animnapu.  

Binalikan ni Vince kung ano ang pinagmumulan ng kagustuhan niyang maging isang Vampire Hunter.

Siyam na taong gulang siya nang may humablot sa kanya sa pamilihan. Nagulat ang kanyang magulang at pilit siyang binawi pero binaril ‘to ng isa sa mga armadong lalaki. Dahil lahat ‘to ay may armas natakot ang mga tao. Pinagtulakan siya ng mga ‘to patungo sa malapit na sasakyan at nagpaulan pa ng bala bago isinara ang pintuan ng sasakyan. Nagwawala siya at pilit tinatawag ang mga magulang. Dinala siya ng mga ‘to sa isang madilim na lugar kung saan may kasama siyang ibang mga bata na halos kaedaran niya. Nasa sampu sila no’n. Pinepresyuhan sila ng isang lalaking dumating do’n para pumili ng mga bibilhin nito.

“Kung hindi mapipili ay gagawin nating taga-palimos.” Sabi ng malaking lalaking driver ng sasakyang kumuha sa kanya.

Napili siya at nakita niya ang tunay na mga bampira. Ipinagbibili sila marahil para kainin ng mga halimaw na bampira. Sigaw siya nang sigaw at nagwawala. Halos lahat ng batang katulad niya’y ganoon ang reaksiyon. Pero hindi sila sinasaktan ng mga ‘to kahit anong ingay ang gawin nila. Marahil dahil hindi sila maibebenta ng mahal kung magkakasugat sila.

Pero natigil siya sa pagwawala nang makita ang isang batang babae, mayroon collar, kasama ang babae’t lalaking bampira. Hindi ‘to umiiyak pero nasa mga mata nito ang sobrang takot. Mukhang nabili na ‘to at nauna sa kanilang dumating doon.

Napabaling ang atensiyon nito sa kanila at nagkatama pa ang paningin nila.

“Maganda ang batang babae na ‘to kaya kinuha ko.” Mataas ang tono ng pananalita ng babae.

“Mada’am, maganda talaga ang batang ‘yan. Kaya hindi mo pagsisisihan kung malahian siya ng iyong anak.” Tuwang-tuwa ang lalaking nakikipag-usap dito.

“Saan ninyo siya dadalhin?!” malakas na sigaw ni Vince.

Pero hindi siya pinansin ng mga ‘to.

Hinabol niya ng tingin ang batang babaeng ‘yon. Nauna lamang ‘to sa kanila pero pare-pareho silang naibenta. Pero sa kabutihang palad, nailigtas siya ng Vampire Hunter sa kamay ng bumili sa kanya. Napatay nito ang lalaking bumili sa kanya.

Nang ibalik siya nito sa magulang niya’y wala na pala siyang mauuwian. Patay na ang mga ‘to. Ang mabuting Vampire Hunter ang umasikaso sa paglilibingan sa kanyang magulang. Isinama na rin siya nito sa bahay nito ng asawa nito na walang anak. Malaki ang kinikita ng isang Vampire Hunter, hindi rin naman biro ang trabaho nito. Dahil sa mga ‘to nagkaroon siya ng magandang edukasyon at buhay. Ang nagpalaki sa kanyang ama na isang Vampire Hunter na si Rafael ang nagturo sa kanya ng maaga kaya napaaga rin ang pagkabihasa niya.

Sa ngayon, tumigil na ‘to sa pagiging isang Vampire Hunter matapos ang misyon na muntikan na nitong ikamatay. Naputulan ‘to ng kaliwang binti, at kaliwang braso. Ang ‘Ashes and Blood’ ang pinakamasamang kriminal na kalaban nilang mga Vampire Hunter. Bukod do’n, malalakas ang mga ‘tong bampira dahil karamihan daw sa mga ‘yon ay mga Royal Blood Vampire.

Naipatawag na siya para sa pagpili ng sandatang gusto niya kaya iniwanan na muna niya ang mga kasamang Hunter. Nagtuloy siya sa pasilyo kasama si Esmeralda, ang isa sa senior na Vampire Hunter.

“Kilala ko ang ‘yong ama na si Rafael, palagi ka niyang ibinibida. Akala ko ay nagmamalaki lamang siya pero tingnan mo nga at ikaw pa ang nakapasok na pinakabata rito.” Nangingiti ‘to.

Nangiti rin naman si Vince. “Magaling ang nagturo sa ‘kin, kaya maaga akong namulat.”

“Hindi naman niya ipinilit sa ‘yo ‘to? Ito ba ay gusto mo talaga? Mahirap na kung hindi, dahil sa larangan na ‘to, hindi mo masasabi kung bukas ba ay buhay pa tayo o hindi na. Mahirap ang pagpapamilya sa larangan na ‘to.”

“Gusto ko, isa pa, umaasa ako na buhay pa ang batang babaeng ‘yon.” Nangiti si Vince.

Lumingon sa kanya si Esmeralda at nangisi.

“Mukhang mayroon kang matinding motibasyon.”

Nangiti si Vince. Sa totoo lang, ang batang hindi umiiyak na ‘yon ang naging kauna-unahang batang pag-ibig niya. Sa taon-taon naiisip niya kung ano na kaya ang hitsura nito? Buhay pa rin ba ‘to?

“Dahil nasabi mong buhay, at Vampire Hunter ka ngayon, ang bata bang tinutukoy mo ay nasa lugar na ng mga bampira?” tanong nito.

Tumuloy sila sa paglalakad at nagsabay na.

“Naibenta siya sa Black Market. Nakita ko siya roon, maganda ang hitsura niya at hindi umiiyak, kahit damang-dama ko na takot na takot na siya no’n.”

Huminga nang malalim si Esmeralda.

“Uunahan na kita, malaking bilang ng mga nabibili sa Black Market ay napapaslang, pinapatay, o napaglalaruan ng mga bampira. Maaaring ang batang ‘yon ay dumanas na nang sobra-sobrang paghihirap sa kamay ng mga bampira. Pero may tiyansa naman na naging alipin lamang siya at nagsisilbi. Pero para bilhin sa isang Black Market pa sa malaking halaga?” Napailing ‘to at halatang nalungkot nang husto.

Sa narinig nakaramdam ng labis na kaba si Vince.

Bumalik sa alaala niya ang maamong mukha ng batang babae. Hindi niya lubos maisip na pinahirapan ‘to. Kung maaalala niya sinabi rin na aanakan ‘to.

Nagtagis ang bagang ni Vince. Naikuyom niya ang mga palad sa galit.

**

“Masaya ka na?” imbiyernang tanong ni Edward kay King.

Nangiti si King at nagpasalamat.

Halos umikot ang mata ni Edward.

Inikutan pa ni King ang mannequin na may nakasuot na cocktail dress na mahaba ang likuran. Para ‘yong may mga paro-parong nakadapo at kulay light pink. Maganda ang rose pattern ng tela. Sinunod din ni Edward na walang masyadong balat na ipakikita si Anastacia.

Mukhang tuwang-tuwa naman si King.

Tiningnan ni Edward si Ezekiel at Rosanna, malaki ang presyong inalok ng mga ‘to para lamang igawa niya ang maid-servant ni King. Nilapitan niya ang mag-asawa.

“Mukhang gustong-gusto niya.” Nakahinga nang maluwag si Rosanna. “Huwag kang mag-alala, kung magkano ang presyong sinabi ko sa ‘yo ay ibibigay ko. Hindi ko rin ipagsasabi na gumawa ka para sa isang maid-servant para hindi ka masira sa iba.”

Nangiti naman si Edward. “Mabuti at nagkasundo tayo sa bagay na ‘yon, Mistress Rosanna.”

“Tatawagin ko lang si Anastacia,” ani King.

Lumabas na si King.

“Siya nga pala, may impormasyon na ‘ko kung para saan ang party,” nangisi si Edward.

Nanlaki ang mata ni Rossana.

“Mabuti pa sa baba natin ‘yan pag-usapan,” ani Rosanna.

“Pero kailangan ko ng information fee,” ani Edward na sumunod kay Rosanna.

“Hindi mo na kailangan sabihin, awtomatiko ko ‘yong idaragdag sa ibabayad ko sa ‘yo.”

“Iyan naman ang gusto ko sa mga Bezarius!”

Sa pavilion sa labas ng mansion sila nag-usap.

“Nalaman ko sa isang tagasilbi sa mga Pureblood na mayroong anak na dalawang babae ang mga Pureblood at kaedaran sila ng mga ipinatawag sa pagtitipon.”

Nanlaki ang mata ni Rosanna.

“Pero iyon nga, mukhang anak sila sa isang tao. Pero dahil may dugo sila ng Pureblood Vampire, kaya tinatawag silang Pureblood Vampire Princess.”

“Pero paanong hindi sila ipinakilala?” Nagtatakang tanong ni Rosanna.

“Dahil sa lugar ng mga tao sila lumaking magkapatid. Iyong ina nila ay dating servant ng mga Pureblood. Dahil nag eighteen na sila, lumabas na ang amoy nila, at alam naman nating lahat kung ano ang amoy ng dugo ng mga Pureblood, hindi ba? Iyon bang kahit mag-anak sila sa tao, ganoon pa rin ang kalalabasan ng amoy ng mga dugo ng lahat sa kanilang lahi.”

Nangiti si Rossana.

“At balita ko ay dalawa ang pipiliin nila para sa tig-isa ‘yong dalawa. Ito pa nga, lahat ng mapipili sa ayaw at sa gusto ng Royal Blood family ay kinakailangan sumunod. Alam naman natin kung gaano kahirap sa ‘tin ang magpadami kaya mahalaga sa kanila ang linya ng mga susunod sa kanilang angkan. Namimili na sila dahil ayaw nilang mabuntis pa ng tao ang dalawang ‘yon, kaya umaasa sila sa susunod na lahi kaya mga lalaking Royal ang pinili nila.”

Napapalakpak si Rossana sa sobrang kasiyahan.

“At nasisiguro ko na isa sa matinding pagpipilian ang mga may pinakamatataas na katungkulang pamilyang Royal. Kaya malaki ang tiyansa ng anak ninyo.”

Nangiti rin si Ezekiel. Nasisiguro niyang lumaki ang kanyang anak na may malakas na pangangatawang pisikal. Wala silang lahing tao na mag-asawa kaya si King ay naging isang perpektong dugo para sa kanila. Ang mga babaeng bampira ay hirap magbuntis, kaya malaking bagay na nakabuo silang mag-asawa kaya pinahahalagahan nila ng sobra si King.

Ngayon na nag first heat na si King at nakainom ng dugo, magbabago na lalo ang katawan nito. Nasa panahon na ‘to kung saan maaari na ‘tong gumamit ng sandata at matuto na gumamit ng itim na salamangka na ginagamit nilang mga bampira.

**

“Handa ka na ba?” tanong ni King kay Anastacia.

Takip-takip ni King ang mat ani Anastacia.

“Kanina pa ‘ko handang-handa, saka sampung tanong mo na ‘yan!” natatawang pun ani Anastacia.

Natawa rin si King. Marahan nitong inalis ang palad.

Si Anastacia, alam niya namang maganda ‘yon pero humigit sa inaasahan niya ang nakikita. Lalo pa nang lapitan niya ‘yon. Sa malayo mukhang simple ‘yon pero sa malapitan, makikita kung gaano kaganda ang detalye no’n.

“P-puwede kong suotin ‘yan?”

“Sa ‘yo na ‘yan mismo, hindi mo lang ‘yan susuotin.”

Nilingon ni Anastacia si King.

“Totoo ba?”

“Oo naman, kung gusto mo ipahiram mo sa ‘kin.”

Natawa si Anastacia.

Hinawakan ni King ang mukha niya at hinalikan siya sa noo.

“Mas maganda ang pangkasal natin na isusuot mo.”

Nakagat ni Anastacia ang ibaba niyang labi. Hindi na naman niya mapigilang mapaluha.

“Nagiging iyakin na ‘ko dahil sa ‘yo.”

Nangiti naman si King. “Paiiyakin kita sa kasiyahan,” kumindat ‘to.

“Iiyak ako kapag nasaktan ka rin, kaya mag-iingat ka palagi. Lalo at mayroon ka ng mga training na makasasakit sa ‘yo.”

Nalaman ni Anastacia na mas magiging pisikal ang pagdaraanan nitong pagsasanay. Nanghihina nga siya kapag nalalamang nasaktan ‘to habang nakikipagtalo sa eskuwelahan. Ano pa kung uuwi na ‘to na may mga pinsala sa katawan? Lalo na mga sugat lalo at mga sandatang makasasakit na sa mga ‘to ang hawak ng mga nasa paligid nito.

“Nag-aalala ka masyado, hindi naman Vampire Hunter ang kahaharapin ko.”

Napasimangot si Anastacia.

Nangiti si King. “Lalo kang gumaganda sa paningin ko. Siguro nagayuma mo ‘ko sa dugo mo.”

“Heh! Matagal ka na kayang gandang-ganda sa ‘kin, ‘no. Palagi kang titig na titig sa ‘kin, sasabihin mo pang nagayuma ka.”

Natawa si King dahil totoo ang sinasabi ni Anastacia.

Noon pa man na una niya ‘tong makita ay gandang-ganda na siya rito.

Related chapters

  • The Vampire's Maid Servant (Tagalog)   Chapter 15

    “Alexandra and Alessia Bathory.” Sa ikatlong ulit ay sabi ng isang Maestra sa kambal na Alessia at Alexandra. Naroon sila sa hapagkainan para turuan ng tamang paggamit ng kubyertos at maging ang mga tamang kaasalan bilang isang Pureblood. “Simula ngayon, Bathory na ang gagamitin ninyong apelyido. Iyan ang apelyido na ibinigay sa inyo ng inyong ama. Kayong dalawa ay mga Pureblood kahit pa kayo ay kalahating tao. Gano’n pa man, hindi ninyo maaaring makuha ang apelyidong Elizabeta dahil para lamang ‘yon sa mga Pureblood na naging anak sa isang Pureblood. Pero maaari ‘yong makuha ng inyong anak kung ang magiging asawa ninyo ay isang Royal blood.” Hindi naiintindihan gaano ng dalawa ang mga pinagsasabi simula pa noong nakaraan ng kanilang Maestra. Pero si Alexandra, sa punto ng Elizabeta-Bathory ay medyo nauunawaan niya. Ang Pureblood Vampires ay mayroong dalawang apelyido, iyon ay ang ‘Elizabeta-Bathory’. Lalaki man o babae ang mula

    Last Updated : 2021-07-30
  • The Vampire's Maid Servant (Tagalog)   Chapter 16

    Enggrande ang kasiyahan sa kastilyo. Pili ang mga naimbitahan at walang malinaw na kapaliwanagan bagaman mayroon ng iba’t ibang suspetsa ang bawat pamilya. Lahat ng naimbitihang kalalakihang Royal Blood ay may edad Labing-walo hanggang dalawampu’t lima. Nagsisimula ng dumating ang mga naimbitahan. May mga pinalad na dalaga dahil sa sila ang napiling kapareha ng mga imbitado. Samantala, sa silid ay magkasama ang magkapatid na Alessia at Alexandra Bathory. Pareho silang ubod ganda sa kasuotang itim na puno ng itim ring mga mamahaling bato. Lahat ‘yon ay madetalye at pinagpaguran ng limampung pribadong manggagawa ng kasuotan sa kastilyo. Ang kanilang buhok ay pinag-iba dahil sa magkamukhang-magkamukha sila. Si Alexandra ay nakalugay ang kalahating bahagi ng buhok habang napalalamutian ang tuktok niyon ng mga itim na perlas. Si Alessia naman ay buong buhok ang nakatali at napapalamutian din ng mga itim na mamahaling bato. Si Alexandra ang kaibahan lamang

    Last Updated : 2021-07-31
  • The Vampire's Maid Servant (Tagalog)   Chapter 17

    “Bakit umalis tayo sa sayawan, Young Master? Hindi ba ikaw hahanapin sa loob?” tanong ni Anastacia. Dinala ni King si Anastacia sa bahagi ng balkonahe ng kastilyo. Walang katao-tao roon dahil nga pokus ang mga naroon sa mga Pureblood. Bihira lang din makasalamuha ang mga ‘to kaya magandang bagay ‘yon para sa ibang mga bampira na gusto ng koneksiyon sa mga ito. “Pumunta lang naman ako rito dahil kailangan. Pero mas gusto kitang titigan kesa manatili sa maingay na sayawan.” Hinila ni King si Anastacia sa braso at ikinulong ‘to sa bisig. Sumandal ‘to sa railing ng balkonahe. “Young Master, b-baka may makakita sa ‘tin.” Nahihiya si Anastacia pero naroon iyong kabog ng dibdib niya dahil nakulong siya sa mainit na yakap ng lalaking minamahal. “Ano naman? Karamihan naman sa bisita mga nagugustuhan nila ang dala nila.” “Pero bakit parang interesado naman ang karamihan do’n sa mga naggagandahang prinsesa?” nag-angat ng tin

    Last Updated : 2021-08-02
  • The Vampire's Maid Servant (Tagalog)   Chapter 18

    ANASTACIA’S POV Apat na araw matapos naming pumunta sa kastilyo ay naging abala ang Young Master. Nasa physical examination siya nitong huling tatlong araw. Ngayon ay uuwi na siya kaya naman hindi ko mapigilang matuwa. Inayos ko pa ang uniporme ko at mas inayos ang pagkakatali ng buhok ko. Para ‘kong palaging hindi mapakali kapag alam kong parating na siya. “Anastacia, may ginagawa ka ba?” Napalingon ako sa pintuan. Si Mia ‘yon, isa sa servant. “Bakit?” tanong ko. “Wala pa rin kasi si Kaya, baka puwede mo kaming tulungan sa dinner? Marami rin kasing ibang ginagawa ‘yong iba. Pero kung may iba ka namang ginagawa ay tatawag na lang ako sa kabilang kuwarto.” “Hindi, okay lang naman. Maaga pa naman sa pagdating ni Young Master.” “Mabuti, salamat, Anastacia.” Lumabas ako ng silid para sundan si Mia. Sa kusina kami nagtungo. Lima lamang sila roon at kukulangin nga lalo at mabilisan ang gusto palagi ng m

    Last Updated : 2021-08-05
  • The Vampire's Maid Servant (Tagalog)   Chapter 19

    Tumayo si King sa kinauupuan. “Iyan ba ang nakukuha mo sa babaeng ‘to? Ang maging bastos sa ‘yong mga kadugo?” maawtoridad na tanong ng lola ni King. Sa naging hitsura ni King, alam kaagad ni Rosanna na hindi magpapaawat ang kanyang anak. “Maraming servant ang nakatingin sa ‘tin. Hindi ba puwedeng kumain muna tayo at pag-usapan ‘to sa pribadong silid?” si Ezekiel ‘yon sa mababang tono. “King, maupo ka na,” marahang sabi ni Rosanna. Kilala niya ang anak, mas nadadaan ‘to sa mahinahon na boses. Isa ‘yon sa dahilan bakit din ‘to nagkagusto kay Anastacia, kalmado at may kahinaan ang boses nito. Tiningnan ni Anastacia si King, tumango siya para hudyatan ‘to na muling maupo at makinig. Naupo naman si King kahit wala na siyang ganang kumain. Hindi na kumibo si King, tahimik na rin naman na kumain ang kanyang mga kasama. Pilit na lang na itinayo ni Anastacia ng diretso ang kanyang sarili. Alam niya na at dapat siyang masanay na

    Last Updated : 2021-08-07
  • The Vampire's Maid Servant (Tagalog)   Chapter 20

    Iniwanan ni King si Anastacia. Pakiramdam niya pinasisikip ng mga nasa paligid niya ang buhay nila ni Anastacia. Iniiwasan niyang magalit dahil alam niyang minsan ay nawawala siya sa sarili dahil sa galit. Kanina nasigawan niya at kinagalitan si Anastacia, samantalang isa ‘yon sa huli na gusto niyang gawin, iyong magalit dito at pagtaasan ‘to ng boses.Nasa kagubatan siya ng Forbidden Forest, isa ‘yon sa lagusan patungo sa mundo ng mga tao. Maaari silang maglabas-masok sa kanilang lugar. Marami ring bampira ang naninirahan sa lugar ng mga tao at nabubuhay na katulad ng isang tao. Isa lamang kuwentong pantasya sa karamihan ng mga tao ang tungkol sa bampira noon. Pero marami ng bampira ang gumaganti at pumapatay ng mga tao, iyon ay dahil napatay ang kanilang mga kapareha o kapamilya ng mga Vampire Hunter.No’ng napunta sa kanila si Anastacia, nagsimula na rin na magkagulo ang mga tao. Mayroong grupo ng mga bampira ang pumatay ng mga

    Last Updated : 2021-08-08
  • The Vampire's Maid Servant (Tagalog)   Chapter 21

    Masama pa rin ang loob ng Young Master sa ‘kin. Hindi ko alam kung anong dapat kong gawin. Pakiramdam ko, habang tumatakbo ang araw na hindi kami nagkikibuan gaano ay palayo rin siya nang palayo sa ‘kin. “Anastacia, kunin mo na ang bulaklak at naiayos na,” tawag sa ‘kin ni Dama Apostola. Kadarating ko lang din naman sa kusina. Naroon ang isang magandang pumpon ng rosas na may iba’t ibang kulay at may magandang disenyo. Iyon ay para sa prinsesa. Ito ang unang araw na pupunta ang Young Master para magsimulang kunin ang loob ng prinsesa. Kagabi pa ‘ko nahihirapang matulog. Kahit sabihin ko talagang maayos lamang ito at magiging sapat sa ‘kin na pangalawa, hindi ko pa ring mapigilang masaktan. “Ingatan mo ‘yan, lahat ‘yan ay mga mamahaling bulaklak sa Vampire City.” Nauunawaan ko naman ang sinabi ni Dama Apostola. Ang bulaklak ay mga kasunurang uri ng mga Moonshine Roses. Iyon ay mga kamukha ng bulaklak na rosas pero wala silang tinik at m

    Last Updated : 2021-08-09
  • The Vampire's Maid Servant (Tagalog)   Chapter 22

    “Kumusta ang pinuntahan ninyo?” Iyon kaagad ang tanong ni Rossana sa anak. Pareho silang naghihintay ni Margarita, ang lola ni King sa magandang balita. “Si Calix na lang ang tanungin ninyo. Pagod ako,” sagot ni King. “Anast—” “Anastacia, umakyat ka na may ipagagawa pa ‘ko sa ‘yo.” Putol ni King sa sasabihin ng ina. Tumungo si Anastacia sa harapan ng dalawang babae at sumunod kay King. Sinundan niya ‘to hanggang sa silid nito. Halatang napagod talaga ‘to dahil pasalampak itong naupo sa paanan ng kama. Kaagad kumilos si Anastacia para luwagan at alisin ang necktie nito. “Ipaghahanda ba kita ng hot bath, Young Master?” Hindi ito kumibo kaya pinagpatuloy na lang muna ni Anastacia ang pag-aalis naman ng butones nito. Sumisikip ang kanyang dibdib na marami ‘tong marka ng pagsipsip sa balat nito. Halatang-halata ‘yon dahil maputi ‘to at sensitibo ang balat. Hanggang tuluyan na niyang maibaba ang palad at huling

    Last Updated : 2021-08-10

Latest chapter

  • The Vampire's Maid Servant (Tagalog)   EPILOGUE

    Tuwing maaalala ko ang simula namin nang Young Master, hindi ko mapigilang mangiti. Ngayon, kasal na kami nang limang taon at paunlad na nang paunlad ang aming bayan. Reyna’t hari na kami at mas lumalawak pa ang lupain. Dahil sa yaman din ni King, madali sa ‘ming magpatayo nang mga kakailangan sa pagpapaunlad maging ang pabrika. Nagsimula na rin siyang kunin ang mga karatig isla na walang nananahan para lagyan ng mga laboratoryo. Malaking bagay na nasa amin ang poisoned-hill, dahil doon maraming dumarayo sa ‘ming turista iyon ay dahil na rin nakakulong na sa isang barrier ang mga makakamandag na hayop—safe na ang mga ito, napupuntahan pa ‘to para maging isang tourist attraction. Madalas mayroong mga antidote sa lason nang dala-dala dahil ‘di naman masasabing lahat ay naikulong na. Sa susunod, magiging malaki na rin kaming siyudad. Napakaganda nang palitan ng mga produkto at mayaman ang lupa rito para maging isang magandang lugar para sa agrikultura. Na

  • The Vampire's Maid Servant (Tagalog)   Chapter 105.3

    KingGumaling ako sa tulong ng iba’t ibang mediko. Maliban sa ‘king likuran na dadalhin ko na habang-buhay. Pero tinuruan ako ng Emperador kung paano ko makokontrol ang aking kakayahan lalo at hindi na ‘yon mapipigilan pa dahil nagkaroon na siya nang awakening.Hindi kami nakatira sa pamilya ko dahil inalagaan pa kami sa Zone 66.Si Anastacia, dito na rin nagsilang ng anak namin si ‘Darius at Remy’ na ngayon ay mag-iisang taong gulang na. Habang narito ako sa Zone 66 ay nabubuhay siya sa isla at naalagaan namang maigi. Mas pinili namin magkalayo para rin naman sa ikakabuti namin, nagkikita pa rin naman kami linggo-linggo.Marami akong natutunan sa Zone 66.Ang mga magulang ko naman ay nagpagawa na nga nang mansion sa lugar kung saan kami ang mamumuno ni Anastacia—ang twin hill of poisoned island, doon sila nakatira at paminsang doon namamalagi ang mag-ina ko.Nalaman din ni Kairus, ang purebl

  • The Vampire's Maid Servant (Tagalog)   Chapter 105.2

    Ilang linggo ring walang malay si King.Sa nakalipas na dalawang linggo ay naoperahan na rin ang tatlo nitong kapatid at ngayon ay nagpapahinga.Nagkaroon ng komplikasyon kay Dark pero kaagad din ‘yong naiayos dahil ang mismong humawak sa operasyon ay ang Emperador. Sabi ni Magareth kay Anastacia ay gusto talaga ‘yong tutukan ng Emperador.Si King, hindi pa ‘to sumasailalim sa operasyon dahil kailangan pa nitong magpalakas pagkagising.“Lumabas na ‘yong resulta ng dugo niya,” sabi ng doctor na babae.Iyon ang hinihintay nila.“Marami kaming pagsusuring ginawa pero wala kaming makitang lason sa katawan niya. Mukhang ang katawan niya talaga ay immune sa lason,” sabi nito.Nakahinga naman nang maluwag si Anastacia.“Marami lang siyang nakuhang pinsala at dahil nagpapahinga naman siya ay nakaka-recover siya. Mayroong din namang unique capability ang mga bampira for self-healing.

  • The Vampire's Maid Servant (Tagalog)   Chapter 105

    “Sa lahat ng pagkakataon, nakikilala mo ‘ko hindi ba?” tanong ni Anastacia.Naalala na ‘to ni King, hanggang noong mga bata sila hanggang ngayon. Malinaw na sa kanya ang lahat. Kahit paulit-ulit niya ‘tong nasasaktan, nabibigo, at hindi maaalala, hindi ‘to bumitiw sa kanya kahit minsan.”Hinawakan niya ang mukha ni Anastacia kaya nagulat ‘to.“Anastacia—“ bulong ni King.Nagulat si Anastacia at napangiti kasabay ng kanyang mga luha.Hinalikan ni King sa noo si Anastacia.“I love you.”Bumigay ang katawan nito at bumagsak. Kaagad ‘tong nasalo ni Anastacia.“King!” napasigaw si Rosanna.“Dalhin na kaagad natin siya sa mediko,” sabi ni Neo.“Sasama ako, puwede ba ‘kong sumama?” tanong ni Anastacia sa mag-asawa.“Paniguradong hahanapin ka rin niya kung wala ka,”

  • The Vampire's Maid Servant (Tagalog)   Flashback scenes Pt. 2

    Mada’am, Bezarius,” nakangiti kaaagad si Edward. “Tapos na ‘kong magsukat para sa ‘yong unico hijo. Kung ano ang napag-usapan natin sa ibaba bago ‘ko umakyat ay iyon pa rin naman, maliban sa mas gusto ng Young Master ang kulay abo kesa kulay puti.”“Napakahilig niyan sa gray, hindi ko alam sa batang ‘yan,” napapailing si Rosanna.“Sukatan mo na rin si Anastacia,” nakangiting sabi ni King.“B-bakit?” tanong ni Anastacia.Hinila siya ng marahan ni King at dinala malapit kay Edward na napatingin sa ginang.Isang mananahi ng mga piling Royal Blood lang si Edward, hindi ito gagawa ng kasuotan ng isang alipin at mahal ang magiging singil nito at hindi mag-aaksaya si Rosanna para lamang sa isang alipin.“King, maid servant mo si Anastacia. Ang susuotin niya ay mula na lamang sa mga kasuotan na si Calixto na ang bahalang mamili.&r

  • The Vampire's Maid Servant (Tagalog)   Flash back scenes in King's mind

    “Anastacia talaga ang pangalan mo?” tanong niito sa kanya.Nagulat naman si Anastacia nang magsalita ‘to at kausapin siya.“Anastacia nga, Young Master. Pero p-puwede mo raw ‘yon baguhin sa gusto mo.”“Hmmm…” nag-isip ito habang pagalaw-galaw sa upuan nito. “Ano kaya kung itlog na lang ipangalan ko sa ‘yo?” ngumisi ‘to.“I-itlog?” natakot pa siya no’n dahil sa pangalan na gusto nito.“Oo, bakit? Hotdog ba gusto mo?” ngising-ngisi ‘to. “Tapos tatawagin kita, halika nga rito babaeng itlog!” Bigla ‘tong tumawa nang ubod lakas.Nag-init ang mga mata ni Anastacia, maya-maya pa ay umiiyak na siya.“Hala!” nagulat si King. “Joke lang ‘yon!” inabutan siya nito ng cookies nang tumayo ‘to para lapitan siya. “Ang iyakin mo naman, kainin mo na ‘to tapos &

  • The Vampire's Maid Servant (Tagalog)   Chapter 104

    “Young Master!” Pilit na pinipigilan ni Anastacia ‘to pero nakikipaglaban lang ‘to at halos lahat ay sinasaktan nito.Nagwawala na ‘to nang husto. Maging si Don Felipe na sinubukan ‘tong labanan ay napatalsik nito. Masyado ‘tong malakas na ‘di halos mapaniwalaan ni Anastacia.“Bitiwan mo siya! Huwag mo siyang hawakan!” sigaw nito.Mukhang ang nakikita ni King ay iba na sa nagaganap.Nagbagsakan ang mga luha ni Anastacia. Hindi na ‘to nakakakilala. Nagwawala ‘to at naglalabas ng mga magic circle, sinisira nito lahat habang muntikan na nitong mapaslang. Iniiwasan nila ‘to, kahit ano ring tawag niya ay hindi na siya nito naririnig. Nahila na rin siya ni Rosanna sa braso para ‘di na magpatuloy sa paglapit dito.“Anong nangyayari? Hanggang kailan siya magiging ganyan?!” umiiyak na tanong ni Anastacia.Hindi nakasagot ang mag-asawa. Lumuluha rin ang ina

  • The Vampire's Maid Servant (Tagalog)   Chapter 103.3

    “Nakita na namin siya!”Tila nagliwanag ang paligid ni Anastacia nang marinig ‘yon.“Palabas na kami, iuuwi namin kaagad siya,” anito.Hindi siya tumutol. “Mag-iingat kayo, kumusta po siya?”“Malala, sobrang lala, hindi ko alam kung aabot kami!” umiiyak ito.Parang nilamutak ang pakiramdam ni Anastacia sa kanyang puso.Nang makitang abala ang dalawa sa pagpana sa mga pumapana sakanila ay kaagad siyang humanap ng daanan pababa.Nakita niya na sa kalilingon ang mga barko nito. Gusto niyang mahawakan si King.Tumakbo siya dala ang pana at palaso.Iniiwasan niyang makipaglaban kaya hangga’t kaya niyang magtago sa mga puno at gilid-gilid ay ginagawa niya.Nagmamadali siya dahil baka maiwanan siya ng barko.Ipipilit niyang sumama sa mga ito.“Young Master…” Bagsakan nang bagsakan ang mga luha niya. Hindi niya

  • The Vampire's Maid Servant (Tagalog)   Chapter 103.2

    Madilim sa Dark Island, walang liwanag kahit galing sila sa liwanag. Marami na silang pagsabog na naririnig, marami na ring barko—malaki ang dark island pero mayroong specific place kung nasaan ang hinahanap nila. Nagulantang si Anastacia dahil patuloy ang mga pagsabog, mayroon na ring pagliliyab. Tumutunog din ang mga emergency alarm nang buong lugar.Nang huminto ang barko ay kaagad nang inatasan ni Neo ang sampung Knights, dalawa ang naiwanan sa kanya.“Huwag kang bababa, mapanganib,” bilin nito bago ‘to bumaba.Kabadong-kabado si Anastacia, malayo sa pinangyayarihan pa rin ng laban kung saan sila huminto. Nakakarinig lang siya ng mga pagsabog, tunog ng mga sandata, alarm. Marami ring umuulan na palaso pero hindi sila tinatamaan no’n kahit pa inaabot sila dahil sa shield barrier na ginawa ng isa niyang kasama sa barko.“Anastacia, Anastacia,” boses ‘yon sa ‘king isipan.Hi

DMCA.com Protection Status