Hindi alam ni Anastacia kung ano ang magiging reaksiyon. Naroon ang kaba pero hindi niya gustong iatras ang mga binti.
Nag-iinit ang kanyang mga mata dahil alam niyang naghihirap rin si King sa nararamdaman nito. At hindi ‘yon matapos-tapos dahil, marahil, iniisip nito siya.
Tumayo ‘to sa kinatatayuan. Pulang-pula ang mga mata nito. Nakita niya kung paano ‘to lumunok. Marahan ang mga lakad nito, kung hindi lamang siya nakatingin dito ay hindi niya maririnig o malalaman man lamang na may presensiyang iba sa kanyang paligid.
“Young Master. Nakikilala mo pa ba ‘ko?” tanong niya.
Hindi ‘to kumibo. Mas mukhang hindi siya nito nakikilala at pagkain ang tingin nito sa kanya.
Uhaw rin ‘to sa dugo, isa sa dahilan bakit ‘to lalong nagiging frustrated.
Napalunok si Anastacia nang ilahad nito ang palad sa kanya.
Hindi niya nakikita ang rekognisyon nito sa kanya kaya nag-aalala si Anastacia sa maaaring ikilos nito.
Iba ang kulay ng mga mata nito sa pangkaraniwan. Nakatatakot ang mga mata nito ngayon.
Pero siguro nga baliw siya para iabot ang palad dito.
“Young Master, ako si Anastacia.” Nginitian niya ‘to. “Ikinagagalak kong mapagsilbihan ka sa abot ng makakaya kong ibigay sa ‘yo.”
Nasaktan si Anastacia nang bigla siya nitong hilahin, pero hindi niya pinahalata at mas piniling ngitian ‘to.
Sinubukan niyang abutin ang mukha nito pero inamoy lamang nito ang kanyang palad. Tila natatakam ‘to sa kanyang dugo. Pinilit ni Anastacia na abutin ang pisngi nito at nang mapagtagumpayan niya ‘yon ay napasinghap siya dahil sa pinagkatitigan siya nito.
Kinakalma ni Anastacia ang sarili.
Nag-init ang mga mata niya dahil hindi niya ‘to gustong nahihirapan. Kung maaari niya lamang akuin ang paghihirap nito.
“Kung puwede na akin na lang ang nararamdaman mo.”
Napansin ni Anastacia na natigilan ‘to pero hindi nagbabago ang pagkakatitig sa kanya.
“Handa ‘kong ibigay sa ‘yo ang buhay ko. Alam mo bang kahit hindi ako ang babaeng pakakasalan mo, masasaktan lang ako pero tatanggapin ko ‘yon at hindi kita pahihirapan. Mahal na mahal kita, kahit buhay ko ibibigay ko sa ‘yo at palagi kong hinahangad ang kasiyahan mo.”
Nangiti si Anastacia kasabay ng pagluha niya ay ang desisyon.
Tumingkayad siya at hinalikan ‘to sa labi.
Alam niyang puwedeng maging marahas ‘to sa kanya dahil hindi siya nito nakikilala pero hindi bale na, kung maiibsan no’n ang paghihirap nito ay handa siyang gawin. Hinaplos ni Anastacia ang bahagi ng puso nito, marahan… Isa ‘yon sa madalas niyang gawin dito para pakalmahin ‘to.
Mabilis ang tibok ng puso nito, tila nagwawala at hindi mapalagay.
Naramdaman niya ang paghapit ng braso nito sa kanyang katawan. Tumugon din ‘to sa halik sa mas malalim at mainit na paraan. Nararamdaman ni Anastacia ang paghigpit lalo ng braso nito sa kanya.
Natigil sa paghalik si Anastacia. Hindi niya inaasahan na tutugon ‘to sa maayos na paraan. Walang pagmamadali at iniiwasan nitong saktan siya. Lumayo siya ng bahagya rito.
“Natatakot ka ba sa ‘kin?” tanong ni King.
Nakagat ni Anastacia ang ibabang labi. Nagsimulang magbagsakan ang mga luha niya.
Napailing siya. “Kinakabahan lamang ako, pero hindi ako matatakot sa lalaking mahal na mahal ko.”
Nangiti si King. Hinalikan siya nito sa noo.
“Kumalma ako nang masiguro kong ikaw na ‘yan, akala ko ay dinadaya lamang ako ng paningin ko.” Pinahid ni King ang luha ni Anastacia sa pisngi gamit ang likurang palad. “Lumabas ka na, matatapos din ‘tong nararamdaman ko. Huwag ka munang lalapit sa ‘kin. Magpahinga ka para sa pagpunta natin sa kasiyahan sa lugar ng mga Pureblood. Ikaw ang magiging pinakamagandang babae roon.”
Naiyak lalo si Anastacia. Totoo na kalmado ang boses nito pero naroon ang paghinga nito nang malalim, tila ‘to nahihirapang huminga. Maging ang temperatura ng katawan nito ay mataas. Nagpipigil ‘to at sinusubukang pakalmahin siya sa pamamagitan ng pagpapakitang maayos lamang ito.
“Ayokong masaktan uli kita. Nagagalit ako sa sarili ko na nasaktan kita, kahit kailan hindi kita gustong saktan. Ang gusto ko ay mahalin ka at alagaan—”
Ikinulong niya ang mukha nito sa kanyang palad.
“Hindi mo ‘ko ginustong saktan. Isa pa, gusto ko rin na iniinom mo ang dugo ko.” Namula si Anastacia, nangiti rin. “Sa pamamagitan no’n, pakiramdam ko lalo tayong nagiging isa. Isa pa, simula nang mahalin kita, naging pangarap ko rin naman na kagatin mo at makasama ka sa iisang higaan at—” lalong namula si Anastacia. “B-basta, ‘wag kang mag-alala, maayos lamang ako.”
Iniayos ni Anastacia ang kanyang buhok patungo sa kanan. Napalunok si King nang lumantad ang kanyang maputing leeg sa harapan nito. Iyon ang bahagi niyang hindi nito nakakagat pa.
“Nagtitiwala ka ba sa ‘kin?” tanong ni Anastacia.
Napalunok ‘to pero marahang tumango.
Nangiti naman si Anastacia. “Nagtitiwala rin ako sa ‘yo. Puwede bang ibahagi natin sa isa’t isa ang paghihirap ng isa’t isa? Magaling na ‘ko, kumakain din ako nang maayos, at pangako na aalagaan ko ang sarili ko pagkatapos. Magpapalakas uli ako…”
“Hindi—”
“Mahal na mahal kita.”
Napatitig sa kanya nang husto si King.
“Noon pa man, inalagaan mo na ‘ko at nag-aalala ka tuwing masasaktan mo ‘ko dahil mas malakas ang puwersa mo. Iniingatan mo na ‘ko noon pa. Magtiwala ka sa sarili mo.”
Siya ang kumabig sa likuran ng ulo nito.
Naramdaman ni Anastacia ang mainit na singaw ng katawan nito.
“Mahal na mahal kita,” ulit ni Anastacia.
Naramdaman niya ang paghalik nito sa kanyang leeg. Bumigat ang paghinga niya dahil sa pagsisimula ng dila nitong gumuhit sa kanyang leeg. Nakagat ni Anastacia ang labi nang maramdaman ang pagtusok ng pangil nito sa kanyang balat.
Ang kanang braso ni Anastacia ay nasa ulo nito. Habang ang kanang braso naman nito ay nakayakap sa kanyang kaliwang katawan. Napahawak nang matindi si Anastacia sa braso nito. Mas dumiin ang kanyang pagkakahawak nang bumaon na ang pangil nito sa kanyang leeg.
Kinakalma niya ang sarili kahit masakit ang pagbaon ng pangil nito. Lalo pa nang nagsimula ‘tong sumipsip at mas bumabaon ang pangil nito sa kanyang leeg. Nagiging hayok din ‘to sa dugo, nawawalan ng kontrol at mas humihigpit ang kapit sa kanya na tila siya biktima ng isang mabangis na hayop at pinipigil nito siyang makapiglas.
Ang mga luha ni Anastacia ay hindi maawat. Pero pigil na pigil ang kanyang paghikbi kahit nananakit ang kanyang dibdib. Hindi naman siya nagsisisi, kasiyahan sa kanyang maibigay ang dugo rito.
Samantala, alam ni King na napaparami na siya, pero hindi niya mapigil, parang sa tagal ng pagkauhaw niya na hindi matumbasan ng blood wine ay ngayon lang siya nakatikim ng tunay na inuming papawi sa kanyang nanunuyong lalamunan. Napakasarap ng sariwang dugo ni Anastacia. Malinanam ‘yon at marahil ayon na rin sa lumang kasabihan na kapag ang tao ay may labis na pagmamahal sa isang bampirang kakagat dito ay mas malinamnam ang maibibigay nitong dugo.
Nagsisimula niyang makalimutan na si Anastacia ‘yon. Parang gusto niya lang pawiin ang kanyang pagkauhaw. Gusto niya lamang punan ang sarili niyang pagkauhaw. Maging ang kakulangan niya sa seksuwal na gawain ay tila napupunan ng dugong kanyang iniinom.
Naramdaman ni King ang paghaplos sa kanyang dibdib. Habang tumatagal ang paghaplos no’n ay nakakalma siya sa nararamdaman pagkahayok.
Bumalik sa alaala niya na nakagawian ni Anastacia na gawin ‘yon tuwing galit na galit siya mula sa pakikipag-away sa eskuwelahan. At kung tutuusin, wala ‘yong naitutulong talaga sa kanya, pero kumakalma siya tuwing napapatitig siya sa mukha nito simula pa noong siyam na taong gulang sila. Para ‘tong iiyak palagi at biglang ngingiti sa kanya. Iyon ang nagpapakalma sa kanya, ang mukha nito, ang ngiti nito, lalo ang boses nito na tila maiiyak kapag kinakausap siya.
Pero habang tumatagal, kahit ang haplos na lamang na ‘yon ang nararamdaman niya’y nakakalma na siya.
Marahan niyang inalis ang pangil at dinilaan ang dugo sa iniwanan niyang marka ng kagat sa leeg nito. Ang laway nila ay makapagsasara sa sugat niyon para tumigil ang pagdurugo.
Nang balikan niya ang mukha ni Anastacia ay nakangiti ‘to.
“Hindi ba at tama ako?”
Nangiti siya rito.
Binuhat niya ‘to dahil mukhang babagsak ‘to kung bibitiwan niya.
Nang maihiga niya ‘to sa kama ay nagsimula nang pumikit ang mga mata nito.
Tinabihan niya ‘to sa kama matapos kumutan.
Pinagkatitigan niya ang mukha nito.
Nakangiting hinawakan niya ang mukha nito. “Palagi kang naniniwala at nagtitiwala sa ‘kin. Hindi ko alam kung may magpapakalma sa ‘kin kung hindi ka dumating. Sa ‘yo nabuo ang mga pangarap ko. Gusto ko nang makasama ka bilang asawa at ina ng magiging anak natin.” Hinalikan niya ‘to sa noo.
Malaki ang naitulong ng dugo nito sa kanya para makapagpahinga na siya. Pero mas malaking tulong ang presensiya at suporta nito para kayanin niya.
Sa ganoong akto sila naabutan ng magulang ni King na alalang-alala sa kalagayan ng anak. Pero kaagad ang histerikal na si Rossana ay napatahimik sa nakitang nahihimbing na ang kanyang anak habang ang braso nito ay nakayakap sa maid servant nito na kinagigiliwan.
Napatingin si Rossana sa asawa.
Ito ang lumapit sa paraan na hindi mararamdaman ng anak nila. Kaagad din ‘tong bumalik at inalalayan ang kanyang asawa na lumabas.
Nagtataka naman ang mga servant nang lumabas sila, maging ang doctor na papasok na rin sana.
“Nagpapahinga na siya,” ani Ezekiel. Bumaling ‘to kay Calixto. “Ikaw ba ang nagdala sa maid servant niya sa loob?”
Nagulat si Calixto, nawala sa isip niya si Anastacia.
“N-nasa loob siya?” Luminga ‘to sa paligid. “Paano niyang naitulak ang pintuan? Hindi ‘yan kaya ng katawan niya—”
“Maaaring lalabas si King at nakita niya si Anastacia at hinila papasok.” Iyon ang tingin ni Rosanna. “Dalhan mo ng pagkain sila at ‘wag istorbohin buong araw. Ngayon lang napahinga si King, isang linggo siyang hindi nagpahinga.” Tila may relief ‘yon sa parte ni Rosanna. Nag-aalala talaga siya nang husto sa anak. Pero alam na nilang mag-asawa nang magkatitigan sila, na isang malaking suliranin ang pagtatangi ni King sa maid servant nito.
Kaya kaagad silang tumungo sa kanilang silid para doon pag-usapan ang bumabagabag sa kanila, lalo kay Rossana.
Napaupo kaagad si Rossana sa sofa sa loob ng kanilang silid.
“Inaasahan ko naman na mayroong mangyayari sa kanila dahil kaya nga natin siya binili at pinili dahil baka maanakan siya ng anak natin paglaki niya. Pero parang iba ang tinatakbo ng pagkakagusto ni King sa kanya.”
“Bata pa sila, magbabago pa ang damdamin ni King,” ani Ezekiel. Naupo ‘to sa tapat ng asawa. “Magsasawa rin siya at masisilaw sa mga katungkulan. Sa ngayon, ang isip niya ay nakapokus pa lamang sa kanyang maid-servant. Magbabago ‘yon pag-akyat niya sa Vampire University.”
“Sana nga, sana, dahil parang nakikita ko sa anak natin ‘yong mga bampirang iisa lamang ang minahal at nabuhay ng nag-iisa pagkatapos mamatay ng babae nila!”
Natawa si Ezekiel. “Napakabihira no’n mangyari. Isa pa, hindi pa sobrang lalim ng damdamin nila, ako na ang bahalang gumawa ng paraan. Huwag ka ng mag-alala.”
Halos umikot ang mata ni Rossana sa sinabi nito.
“Sana nga ay makuha ng anak mo ‘yang pagiging mahilig mo sa babae!”
Natawa lalo nang malakas si Ezekiel.
“Anak ko siya, wala sa lahi nino man sa pamilya natin ang nagkaroon ng kakuntentuhan. Isa pa, minsan ko ring naisip na gustong-gusto ko ang isang tao, pero nang magsimulang magbago ang hitsura niya ay nawala rin ang damdamin na ‘yon.”
Umangat ang kilay ni Rosanna.
Nasa poder pa rin nila ang babaeng tinutukoy nito. Sa loob ng dalawampung taon ay kinahumalingan nito ang babaeng tao na si Marie. Pero tama ito, nagsimula rin ‘tong mawalan ng gana at humanap na ng ibang bampira o servant na nasa wastong edad na para makasiping nito.
Hindi niya dinaramdam ‘yon dahil siya ang asawa at may karapatan dito. Lahat ng babae nito ay sa dilim lamang maipakikilala nito at hanggang kama lamang ang mga ‘yon. Isa pa, pangkaraniwan sa mga bampirang lalaki ang magkaroon ng maraming babae. Umaasa siya na sana si King ay ilagay na lamang si Anastacia sa dilim habang-buhay.
Pero hangga’t hindi nagpapakasal ang kanyang anak ay hindi siya mapapalagay.
Pero hindi muna siya dapat mamili, dahil ang gusto nga nilang mag-asawa ay isang Pureblood Vampire Princess ang maging asawa nito. Iyon ang magpapataas ng kanilang disposiyon sa buhay.
Thank you for reading! Please, do rate my story kung nagustuhan mo. Thank you! <3
Nakangiti si Vince Villadiego habang inaabot ang kanyang sertipiko. Siya ang pinakabatang Vampire Hunter na nakapasok sa ‘Carolus Rex’. Labing-walong taong gulang pa lamang siya.Ang Carolus Rex ay iisa lamang sa mga samahan ng mga Vampire Hunter. Pero ito ang kinokonsidera ng gobyerno na pinakamapagkakatiwalaan. Isa pa, hindi lahat ng samahan ng mga Vampire Hunter ay para sa kabutihan ng sangkatauhan ang layunin, ang iba ay para lamang ibenta ang mga bampirang nahuhuli sa mga scientist o samahan na nag-aaral sa mga ‘to para sa mga nililikhang sandata laban sa mga ‘to.Nagpalakpakan ang nasa isangdaang bilang ng mga Vampire Hunter nang humarap siya sa mga ‘to. Tumungo siya.“Maraming salamat! Gagawin ko ang lahat para maubos ang mga bampira!”Lalong naghiyawan ang mga ‘to at nagpalakpakan.Nang makababa siya ay sinalubong siya kaagad ng mga Vampire Hunter na makakasama niya na. Isa siya sa sampung bag
“Alexandra and Alessia Bathory.” Sa ikatlong ulit ay sabi ng isang Maestra sa kambal na Alessia at Alexandra. Naroon sila sa hapagkainan para turuan ng tamang paggamit ng kubyertos at maging ang mga tamang kaasalan bilang isang Pureblood. “Simula ngayon, Bathory na ang gagamitin ninyong apelyido. Iyan ang apelyido na ibinigay sa inyo ng inyong ama. Kayong dalawa ay mga Pureblood kahit pa kayo ay kalahating tao. Gano’n pa man, hindi ninyo maaaring makuha ang apelyidong Elizabeta dahil para lamang ‘yon sa mga Pureblood na naging anak sa isang Pureblood. Pero maaari ‘yong makuha ng inyong anak kung ang magiging asawa ninyo ay isang Royal blood.” Hindi naiintindihan gaano ng dalawa ang mga pinagsasabi simula pa noong nakaraan ng kanilang Maestra. Pero si Alexandra, sa punto ng Elizabeta-Bathory ay medyo nauunawaan niya. Ang Pureblood Vampires ay mayroong dalawang apelyido, iyon ay ang ‘Elizabeta-Bathory’. Lalaki man o babae ang mula
Enggrande ang kasiyahan sa kastilyo. Pili ang mga naimbitahan at walang malinaw na kapaliwanagan bagaman mayroon ng iba’t ibang suspetsa ang bawat pamilya. Lahat ng naimbitihang kalalakihang Royal Blood ay may edad Labing-walo hanggang dalawampu’t lima. Nagsisimula ng dumating ang mga naimbitahan. May mga pinalad na dalaga dahil sa sila ang napiling kapareha ng mga imbitado. Samantala, sa silid ay magkasama ang magkapatid na Alessia at Alexandra Bathory. Pareho silang ubod ganda sa kasuotang itim na puno ng itim ring mga mamahaling bato. Lahat ‘yon ay madetalye at pinagpaguran ng limampung pribadong manggagawa ng kasuotan sa kastilyo. Ang kanilang buhok ay pinag-iba dahil sa magkamukhang-magkamukha sila. Si Alexandra ay nakalugay ang kalahating bahagi ng buhok habang napalalamutian ang tuktok niyon ng mga itim na perlas. Si Alessia naman ay buong buhok ang nakatali at napapalamutian din ng mga itim na mamahaling bato. Si Alexandra ang kaibahan lamang
“Bakit umalis tayo sa sayawan, Young Master? Hindi ba ikaw hahanapin sa loob?” tanong ni Anastacia. Dinala ni King si Anastacia sa bahagi ng balkonahe ng kastilyo. Walang katao-tao roon dahil nga pokus ang mga naroon sa mga Pureblood. Bihira lang din makasalamuha ang mga ‘to kaya magandang bagay ‘yon para sa ibang mga bampira na gusto ng koneksiyon sa mga ito. “Pumunta lang naman ako rito dahil kailangan. Pero mas gusto kitang titigan kesa manatili sa maingay na sayawan.” Hinila ni King si Anastacia sa braso at ikinulong ‘to sa bisig. Sumandal ‘to sa railing ng balkonahe. “Young Master, b-baka may makakita sa ‘tin.” Nahihiya si Anastacia pero naroon iyong kabog ng dibdib niya dahil nakulong siya sa mainit na yakap ng lalaking minamahal. “Ano naman? Karamihan naman sa bisita mga nagugustuhan nila ang dala nila.” “Pero bakit parang interesado naman ang karamihan do’n sa mga naggagandahang prinsesa?” nag-angat ng tin
ANASTACIA’S POV Apat na araw matapos naming pumunta sa kastilyo ay naging abala ang Young Master. Nasa physical examination siya nitong huling tatlong araw. Ngayon ay uuwi na siya kaya naman hindi ko mapigilang matuwa. Inayos ko pa ang uniporme ko at mas inayos ang pagkakatali ng buhok ko. Para ‘kong palaging hindi mapakali kapag alam kong parating na siya. “Anastacia, may ginagawa ka ba?” Napalingon ako sa pintuan. Si Mia ‘yon, isa sa servant. “Bakit?” tanong ko. “Wala pa rin kasi si Kaya, baka puwede mo kaming tulungan sa dinner? Marami rin kasing ibang ginagawa ‘yong iba. Pero kung may iba ka namang ginagawa ay tatawag na lang ako sa kabilang kuwarto.” “Hindi, okay lang naman. Maaga pa naman sa pagdating ni Young Master.” “Mabuti, salamat, Anastacia.” Lumabas ako ng silid para sundan si Mia. Sa kusina kami nagtungo. Lima lamang sila roon at kukulangin nga lalo at mabilisan ang gusto palagi ng m
Tumayo si King sa kinauupuan. “Iyan ba ang nakukuha mo sa babaeng ‘to? Ang maging bastos sa ‘yong mga kadugo?” maawtoridad na tanong ng lola ni King. Sa naging hitsura ni King, alam kaagad ni Rosanna na hindi magpapaawat ang kanyang anak. “Maraming servant ang nakatingin sa ‘tin. Hindi ba puwedeng kumain muna tayo at pag-usapan ‘to sa pribadong silid?” si Ezekiel ‘yon sa mababang tono. “King, maupo ka na,” marahang sabi ni Rosanna. Kilala niya ang anak, mas nadadaan ‘to sa mahinahon na boses. Isa ‘yon sa dahilan bakit din ‘to nagkagusto kay Anastacia, kalmado at may kahinaan ang boses nito. Tiningnan ni Anastacia si King, tumango siya para hudyatan ‘to na muling maupo at makinig. Naupo naman si King kahit wala na siyang ganang kumain. Hindi na kumibo si King, tahimik na rin naman na kumain ang kanyang mga kasama. Pilit na lang na itinayo ni Anastacia ng diretso ang kanyang sarili. Alam niya na at dapat siyang masanay na
Iniwanan ni King si Anastacia. Pakiramdam niya pinasisikip ng mga nasa paligid niya ang buhay nila ni Anastacia. Iniiwasan niyang magalit dahil alam niyang minsan ay nawawala siya sa sarili dahil sa galit. Kanina nasigawan niya at kinagalitan si Anastacia, samantalang isa ‘yon sa huli na gusto niyang gawin, iyong magalit dito at pagtaasan ‘to ng boses.Nasa kagubatan siya ng Forbidden Forest, isa ‘yon sa lagusan patungo sa mundo ng mga tao. Maaari silang maglabas-masok sa kanilang lugar. Marami ring bampira ang naninirahan sa lugar ng mga tao at nabubuhay na katulad ng isang tao. Isa lamang kuwentong pantasya sa karamihan ng mga tao ang tungkol sa bampira noon. Pero marami ng bampira ang gumaganti at pumapatay ng mga tao, iyon ay dahil napatay ang kanilang mga kapareha o kapamilya ng mga Vampire Hunter.No’ng napunta sa kanila si Anastacia, nagsimula na rin na magkagulo ang mga tao. Mayroong grupo ng mga bampira ang pumatay ng mga
Masama pa rin ang loob ng Young Master sa ‘kin. Hindi ko alam kung anong dapat kong gawin. Pakiramdam ko, habang tumatakbo ang araw na hindi kami nagkikibuan gaano ay palayo rin siya nang palayo sa ‘kin. “Anastacia, kunin mo na ang bulaklak at naiayos na,” tawag sa ‘kin ni Dama Apostola. Kadarating ko lang din naman sa kusina. Naroon ang isang magandang pumpon ng rosas na may iba’t ibang kulay at may magandang disenyo. Iyon ay para sa prinsesa. Ito ang unang araw na pupunta ang Young Master para magsimulang kunin ang loob ng prinsesa. Kagabi pa ‘ko nahihirapang matulog. Kahit sabihin ko talagang maayos lamang ito at magiging sapat sa ‘kin na pangalawa, hindi ko pa ring mapigilang masaktan. “Ingatan mo ‘yan, lahat ‘yan ay mga mamahaling bulaklak sa Vampire City.” Nauunawaan ko naman ang sinabi ni Dama Apostola. Ang bulaklak ay mga kasunurang uri ng mga Moonshine Roses. Iyon ay mga kamukha ng bulaklak na rosas pero wala silang tinik at m
Tuwing maaalala ko ang simula namin nang Young Master, hindi ko mapigilang mangiti. Ngayon, kasal na kami nang limang taon at paunlad na nang paunlad ang aming bayan. Reyna’t hari na kami at mas lumalawak pa ang lupain. Dahil sa yaman din ni King, madali sa ‘ming magpatayo nang mga kakailangan sa pagpapaunlad maging ang pabrika. Nagsimula na rin siyang kunin ang mga karatig isla na walang nananahan para lagyan ng mga laboratoryo. Malaking bagay na nasa amin ang poisoned-hill, dahil doon maraming dumarayo sa ‘ming turista iyon ay dahil na rin nakakulong na sa isang barrier ang mga makakamandag na hayop—safe na ang mga ito, napupuntahan pa ‘to para maging isang tourist attraction. Madalas mayroong mga antidote sa lason nang dala-dala dahil ‘di naman masasabing lahat ay naikulong na. Sa susunod, magiging malaki na rin kaming siyudad. Napakaganda nang palitan ng mga produkto at mayaman ang lupa rito para maging isang magandang lugar para sa agrikultura. Na
KingGumaling ako sa tulong ng iba’t ibang mediko. Maliban sa ‘king likuran na dadalhin ko na habang-buhay. Pero tinuruan ako ng Emperador kung paano ko makokontrol ang aking kakayahan lalo at hindi na ‘yon mapipigilan pa dahil nagkaroon na siya nang awakening.Hindi kami nakatira sa pamilya ko dahil inalagaan pa kami sa Zone 66.Si Anastacia, dito na rin nagsilang ng anak namin si ‘Darius at Remy’ na ngayon ay mag-iisang taong gulang na. Habang narito ako sa Zone 66 ay nabubuhay siya sa isla at naalagaan namang maigi. Mas pinili namin magkalayo para rin naman sa ikakabuti namin, nagkikita pa rin naman kami linggo-linggo.Marami akong natutunan sa Zone 66.Ang mga magulang ko naman ay nagpagawa na nga nang mansion sa lugar kung saan kami ang mamumuno ni Anastacia—ang twin hill of poisoned island, doon sila nakatira at paminsang doon namamalagi ang mag-ina ko.Nalaman din ni Kairus, ang purebl
Ilang linggo ring walang malay si King.Sa nakalipas na dalawang linggo ay naoperahan na rin ang tatlo nitong kapatid at ngayon ay nagpapahinga.Nagkaroon ng komplikasyon kay Dark pero kaagad din ‘yong naiayos dahil ang mismong humawak sa operasyon ay ang Emperador. Sabi ni Magareth kay Anastacia ay gusto talaga ‘yong tutukan ng Emperador.Si King, hindi pa ‘to sumasailalim sa operasyon dahil kailangan pa nitong magpalakas pagkagising.“Lumabas na ‘yong resulta ng dugo niya,” sabi ng doctor na babae.Iyon ang hinihintay nila.“Marami kaming pagsusuring ginawa pero wala kaming makitang lason sa katawan niya. Mukhang ang katawan niya talaga ay immune sa lason,” sabi nito.Nakahinga naman nang maluwag si Anastacia.“Marami lang siyang nakuhang pinsala at dahil nagpapahinga naman siya ay nakaka-recover siya. Mayroong din namang unique capability ang mga bampira for self-healing.
“Sa lahat ng pagkakataon, nakikilala mo ‘ko hindi ba?” tanong ni Anastacia.Naalala na ‘to ni King, hanggang noong mga bata sila hanggang ngayon. Malinaw na sa kanya ang lahat. Kahit paulit-ulit niya ‘tong nasasaktan, nabibigo, at hindi maaalala, hindi ‘to bumitiw sa kanya kahit minsan.”Hinawakan niya ang mukha ni Anastacia kaya nagulat ‘to.“Anastacia—“ bulong ni King.Nagulat si Anastacia at napangiti kasabay ng kanyang mga luha.Hinalikan ni King sa noo si Anastacia.“I love you.”Bumigay ang katawan nito at bumagsak. Kaagad ‘tong nasalo ni Anastacia.“King!” napasigaw si Rosanna.“Dalhin na kaagad natin siya sa mediko,” sabi ni Neo.“Sasama ako, puwede ba ‘kong sumama?” tanong ni Anastacia sa mag-asawa.“Paniguradong hahanapin ka rin niya kung wala ka,”
Mada’am, Bezarius,” nakangiti kaaagad si Edward. “Tapos na ‘kong magsukat para sa ‘yong unico hijo. Kung ano ang napag-usapan natin sa ibaba bago ‘ko umakyat ay iyon pa rin naman, maliban sa mas gusto ng Young Master ang kulay abo kesa kulay puti.”“Napakahilig niyan sa gray, hindi ko alam sa batang ‘yan,” napapailing si Rosanna.“Sukatan mo na rin si Anastacia,” nakangiting sabi ni King.“B-bakit?” tanong ni Anastacia.Hinila siya ng marahan ni King at dinala malapit kay Edward na napatingin sa ginang.Isang mananahi ng mga piling Royal Blood lang si Edward, hindi ito gagawa ng kasuotan ng isang alipin at mahal ang magiging singil nito at hindi mag-aaksaya si Rosanna para lamang sa isang alipin.“King, maid servant mo si Anastacia. Ang susuotin niya ay mula na lamang sa mga kasuotan na si Calixto na ang bahalang mamili.&r
“Anastacia talaga ang pangalan mo?” tanong niito sa kanya.Nagulat naman si Anastacia nang magsalita ‘to at kausapin siya.“Anastacia nga, Young Master. Pero p-puwede mo raw ‘yon baguhin sa gusto mo.”“Hmmm…” nag-isip ito habang pagalaw-galaw sa upuan nito. “Ano kaya kung itlog na lang ipangalan ko sa ‘yo?” ngumisi ‘to.“I-itlog?” natakot pa siya no’n dahil sa pangalan na gusto nito.“Oo, bakit? Hotdog ba gusto mo?” ngising-ngisi ‘to. “Tapos tatawagin kita, halika nga rito babaeng itlog!” Bigla ‘tong tumawa nang ubod lakas.Nag-init ang mga mata ni Anastacia, maya-maya pa ay umiiyak na siya.“Hala!” nagulat si King. “Joke lang ‘yon!” inabutan siya nito ng cookies nang tumayo ‘to para lapitan siya. “Ang iyakin mo naman, kainin mo na ‘to tapos &
“Young Master!” Pilit na pinipigilan ni Anastacia ‘to pero nakikipaglaban lang ‘to at halos lahat ay sinasaktan nito.Nagwawala na ‘to nang husto. Maging si Don Felipe na sinubukan ‘tong labanan ay napatalsik nito. Masyado ‘tong malakas na ‘di halos mapaniwalaan ni Anastacia.“Bitiwan mo siya! Huwag mo siyang hawakan!” sigaw nito.Mukhang ang nakikita ni King ay iba na sa nagaganap.Nagbagsakan ang mga luha ni Anastacia. Hindi na ‘to nakakakilala. Nagwawala ‘to at naglalabas ng mga magic circle, sinisira nito lahat habang muntikan na nitong mapaslang. Iniiwasan nila ‘to, kahit ano ring tawag niya ay hindi na siya nito naririnig. Nahila na rin siya ni Rosanna sa braso para ‘di na magpatuloy sa paglapit dito.“Anong nangyayari? Hanggang kailan siya magiging ganyan?!” umiiyak na tanong ni Anastacia.Hindi nakasagot ang mag-asawa. Lumuluha rin ang ina
“Nakita na namin siya!”Tila nagliwanag ang paligid ni Anastacia nang marinig ‘yon.“Palabas na kami, iuuwi namin kaagad siya,” anito.Hindi siya tumutol. “Mag-iingat kayo, kumusta po siya?”“Malala, sobrang lala, hindi ko alam kung aabot kami!” umiiyak ito.Parang nilamutak ang pakiramdam ni Anastacia sa kanyang puso.Nang makitang abala ang dalawa sa pagpana sa mga pumapana sakanila ay kaagad siyang humanap ng daanan pababa.Nakita niya na sa kalilingon ang mga barko nito. Gusto niyang mahawakan si King.Tumakbo siya dala ang pana at palaso.Iniiwasan niyang makipaglaban kaya hangga’t kaya niyang magtago sa mga puno at gilid-gilid ay ginagawa niya.Nagmamadali siya dahil baka maiwanan siya ng barko.Ipipilit niyang sumama sa mga ito.“Young Master…” Bagsakan nang bagsakan ang mga luha niya. Hindi niya
Madilim sa Dark Island, walang liwanag kahit galing sila sa liwanag. Marami na silang pagsabog na naririnig, marami na ring barko—malaki ang dark island pero mayroong specific place kung nasaan ang hinahanap nila. Nagulantang si Anastacia dahil patuloy ang mga pagsabog, mayroon na ring pagliliyab. Tumutunog din ang mga emergency alarm nang buong lugar.Nang huminto ang barko ay kaagad nang inatasan ni Neo ang sampung Knights, dalawa ang naiwanan sa kanya.“Huwag kang bababa, mapanganib,” bilin nito bago ‘to bumaba.Kabadong-kabado si Anastacia, malayo sa pinangyayarihan pa rin ng laban kung saan sila huminto. Nakakarinig lang siya ng mga pagsabog, tunog ng mga sandata, alarm. Marami ring umuulan na palaso pero hindi sila tinatamaan no’n kahit pa inaabot sila dahil sa shield barrier na ginawa ng isa niyang kasama sa barko.“Anastacia, Anastacia,” boses ‘yon sa ‘king isipan.Hi