Enggrande ang kasiyahan sa kastilyo. Pili ang mga naimbitahan at walang malinaw na kapaliwanagan bagaman mayroon ng iba’t ibang suspetsa ang bawat pamilya. Lahat ng naimbitihang kalalakihang Royal Blood ay may edad Labing-walo hanggang dalawampu’t lima. Nagsisimula ng dumating ang mga naimbitahan. May mga pinalad na dalaga dahil sa sila ang napiling kapareha ng mga imbitado.
Samantala, sa silid ay magkasama ang magkapatid na Alessia at Alexandra Bathory.
Pareho silang ubod ganda sa kasuotang itim na puno ng itim ring mga mamahaling bato. Lahat ‘yon ay madetalye at pinagpaguran ng limampung pribadong manggagawa ng kasuotan sa kastilyo. Ang kanilang buhok ay pinag-iba dahil sa magkamukhang-magkamukha sila.
Si Alexandra ay nakalugay ang kalahating bahagi ng buhok habang napalalamutian ang tuktok niyon ng mga itim na perlas. Si Alessia naman ay buong buhok ang nakatali at napapalamutian din ng mga itim na mamahaling bato.
Si Alexandra ang kaibahan lamang ay may katapangan ang hugis ng mga mata nito. Pareho namang kulay lila ang mata ng dalawa na nakuha ng mga ito sa ina. Ang kanilang matangos na ilong at manipis na labi ay nakuha naman nila sa mga Pureblood, maging ang kanilang clef chin.
“Sigurado ka ba na akuin ang pag-aasawa?” nag-aalalang tanong ni Alessia sa kakambal.
“Oo naman, wala namang kaso sa ‘kin kung mag-asawa ako kaagad. Wala rin naman akong nagugustuhang lalaki. Isa pa, may karapatan naman akong mamili,”walang gatol na sagot ni Alexandra.
Napabuntong-hininga si Alessia.
“Alexandra, hindi ko gusto ang buhay rito. Gusto kong bumalik kay nanay, pakiramdam ko nasasakal ako sa lugar na ‘to,” malungkot na sabi ni Alessia.
“Pero hindi naman ako nasasakal? Maraming nagsisilbi sa ‘tin at maging kasuotan natin ay magaganda at mamahalin. Estado lamang ng pag-iisip mo ang dahilan kung bakit mo naiisip yan. Masasanay ka rin.”
Nang bumukas ang pintuan ay ngumiti sila dahil iyon ang bilin sa kanila ng kanilang Maestra.
Dahil hindi pa nila alam gaano kung ano ang bumubuo sa mga Pureblood, iyong basic lamang na natutunan nila ang tanda nila. Mayroong labing-limang Pureblood Vampire, at ang nagmamay-ari ng Elizabeta-Bathory na apelyido ay sampu lamang. Dahil nadagdag sila sa bilang ng mga Pureblood, labimpito na ang mga ito at sa pagdating nila naging pito naman ang Pureblood na ‘Bathory’ lamang ang dinadalang apelyido.
At kinakailangan na isang Royal Blood ang mapangasawa nila para magkaroon ng karapatan ang magiging anak ng katulad nilang mga Bathory lamang ang apelyido na Elizabeta-Bathory. Pero kung mag-aasawa sila ng tao, o mababang uri ng bampira, iyon ay hindi ikokonsidera’t tatanggapin bilang Elizabeta-Bathory, o kahit Bathory man lamang dahil sa mahinang dugo at paniniwalang mahina sa pakikipaglaban.
Tatlumpung minuto ang lumipas simula nang magdatingan ang mga bisita. Nagkausap na ang ilan sa mga ito at nakapag-set na ng mood sa magiging pagtitipon. May mga kababaihan dahil kapares iyon ng mga Royal Blood. Pero kahit pa ang pinakamatagal na kasintahan ng mga ‘to ay walang magagawa kung mapipili ng dalawang prinsesa.
Nagsimulang tumugtog ang musiko. Napokus ang atensiyon ng lahat sa mahabang hagdanan sa gitnang bahagi. Mayroong tatlong hagdanan, ang mga tagisilbi ang dumaraan sa kaliwang bahagi ang mga head servant and butler maging mga Knights naman sa kanan. At ang pamilya ng mga Pureblood ay sa gitna. Kaya nangangahulugan na ang nakikita nilang naggagandahang dilay ay mula sa pamilya ng mga Pureblood.
Napokus ang atensiyon nang lahat sa bumababang kambal.
Ang mga may kagustuhang magkaroon ng mapapangasawang Pureblood ay hindi malaman kung paano itatago ang labis na kasiyahan. Ang makakita ng Pureblood ay parang pagbubukas ng daanan para sa kanilang mga angkan.
Napansin kaagad ng dalawa ang naggagandahang hitsura ng mga bisita. Hindi ‘yon sobrang dami, marahil ay wala pang isangdaan ang bilang ng bisita. Mas marami pa ang tagasilbi na nakaalalay sa pagtitipon.
Pero para kay Alessia, ano man ang hitsura ng mga ito, hindi pa rin niya gustong makatuluyan ang isa man sa mga ito.
Pero para kay Alexandra na may mataas na ambisyon at mga plano, hindi na masama ang mag-asawa ng isa sa mga lalaki. Lalo pa at walang itulak kabigin sa mga ‘to. Nawala tuloy ang interes niya sa lalaking pinag-uusapan nila kahapon.
Samantala, kung lahat ang tutok ay sa dalawa, si King ay nakatitig lang kay Anastacia. Abala naman si Anastacia sa paghanga sa dalawang prinsesang bumababa.
Nilingon ni Anastacia si King para alamin ang reaksiyon nito sa mga prinsesa pero nagulat siyang sa kanya pala ‘to nakatingin.
“Bakit?” nag-aalalang tanong ni Anastacia.
Nangiti lang si King. “Naisip ko lang na hindi sana kita nilabas, mas marami na tuloy ang makakakita sa ‘yo.”
Namula si Anastacia at pinanlakihan ‘to ng mata para sawayin.
“Napakaraming magandang babae, nakakahiya kung maririnig nila, Young Master,” pabulong na sabi ni Anastacia.
Nangiti lalo si King.
“Tingnan mo, napakaganda no’ng dalawang prinsesa,” ani Anastacia.
Dumiretso naman ng tingin si King.
Si Anastacia naman ay nagsisi na pinatingin pa ito roon, dahil no’ng tumatagal ‘to sa pagkakatitig ay kinakain ng selos ang kanyang puso.
Bumalik ang tingin nito sa kanya at pinagkatitigan siya.
Nangamba si Anastacia dahil mukhang may pinag-iisipan ‘to habang nakatitig sa kanya.
“Pero wala silang sinabi sa hitsura mo, Anastacia.”
Namula si Anastacia, napalingon sa paligid dahil baka may makarinig dito.
Hindi na lang siya kumibo dahil baka makaagaw pa sila ng atensiyon.
Bumabang kasunod ng prinsesa ang ama ng mga ito na si Rafael Elizabeta- Bathory, kasama ang Pureblood Vampire na asawa nito na si Kasandra Elizabeta-Bathory.
Ang ibang mga Pureblood ay nakababa na at nauna sa dalawang prinsesa.
Ang huling bumaba ay ang hari ng mga bampira na si Grimoire Elizabeta-Bathory.
Nagsalita ang tagapagsalita ng palatuntunan na isang babaeng Royal Blood at bahagi ng Vampire Council.
Hindi malaman ni Anastacia paaano maitatanim sa isipan ang mga naririnig kung masyado siyang namumula dahil ayaw pa rin tumigil ni King sa pagtitig sa kanya.
Napabaling si Anastacia kay King sa huling narinig sa tagapagsalita. Hindi niya talaga matutukan kaya gusto niyang malaman kung ano uli ang sinabi ng tagapagsalita tungkol sa pagpili ng mapapangasawa ng dalawang prinsesa na tila kaedaran lamang nila.
“Ano ang sinabi no’ng tagapagsalita, Young Master?” mahinang tanong ni Anastacia kay King.
Nagkibit-balikat si King at mahinang natawa. “Hindi ko naintindihan.”
Sinimangutan ‘to ni Anastacia pero nangiti rin siya.
“Ang guwapo mo lalo ngayon,” nahihiyang sabi ni Anastacia nang dumiretso siya ng tingin.
“Anong sabi mo?” tanong nito.
“Wala, sabi ko makinig ka dahil baka may recitation mamaya.”
Natawa si King, pero nagseryoso na ‘to sa pakikinig o nagkunwaring nakikinig.
Nararamdaman ni Anastacia ang paghawak nito sa kanyang beywang. Walang ganoon kalapit sa isa’t isa pero ito halos yakapin na siya.
“Naalala mo ba no’ng una tayong magsayaw?” tanong ni King.
Napaangat ng tingin si Anastacia sa mukha nito at natawa ng mahina.
Labing-dalawa sila nang maging magkapareha sa isang pag-eensayo ng sayaw. Dahil may kaalaman na si King, hindi na ‘to mahirap turuan. Samantalang siya, ilang tapak sa paa nito, at pagkakabuhol-buhol ng mga braso nila ang inabot dahil sa talagang hindi yata siya pinalad sa pagsasayaw. Simpleng step na nga raw ayon sa maestra ay namamali pa niya.
“Hindi ko talaga alam bakit kapag kanan, iyong kaliwang paa ko sumasabay.” Natatawang sabi ni Anastacia. “Pero kayang-kaya ko na ‘yong iba kasi anim na taon ko ‘yong pinag-aralan.” Napahagikgik si Anastacia.
Natahimik siya sa kahihiyan nang may ilang napalingon sa kanila.
Mabuti na lamang at nagtabihan na rin dahil mukhang magkakaroon na ng sayawan.
Hiyang-hiya si Anastacia nang makatabi sila.
“Sasabihin mo pang ako ang hindi nakikinig,” tukso ni King kay Anastacia.
“Ikaw naman kasi talaga, Young Master.”
“Tawagin mo na ‘ko sa pangalan ko, tayo lang naman dalawa ang narito.”
Namula si Anastacia. Pero tumango siya ng marahan bilang pagsang-ayon dito.
May lumapit sa kanilang isang Butler na tagasilbi sa kastilyo.
“Young Master, Bezarius. Magpapakilala isa-isa ang mga imbitadong kalalakihan sa dalawang may-ari ng pagtitipon ngayong gabi.” Tumungo ito bago umalis at sa iba naman tumungo.
“Hihintayin kita rito,” ani Anastacia na nakangiti.
Ayaw mang iwanan ni King si Anastacia ay wala siyang magagawa.
Nang maiwanan si Anastacia katulad ng ibang babaeng may kapareha ay nakarinig si Anastacia ng mga bulungan sa kababaihan.
May nag-abot sa kanila ng inumin at kinuha ni Anastacia ang juice kesa sa wine. Ayaw man niyang makinig sa mga kababaihan ay malapit siya sa mga ito at nagkaroon na rin ng curiosity lalo at mukhang halos lahat ay iisa ang pinag-uusapan.
“Kaya mga lalaki ang imbitado dahil namimili sila ng ipakakasal pala. Tingnan mo nga at wala silang pakialam sa ‘ting mga babae, kahit ang magpakilala sa mga prinsesa nila ay hindi nila tayo isinama,” wika ng isa sa mga babae.
“Pumili talaga sila ng mga may matataas na posisyong Royal Blood,” singit ng isa.
“Napakasuwerte ng mga kababaihang Pureblood talaga, sila ang mamimili ng lalaking gusto nila. Kahit pa nalalapit na ang pagpapakasal ng isang lalaki pero siya ang napili ng prinsesa, ang desisyon ng mga pureblood ang papaboran dahil nakalagay ‘yon sa batas.”
Hindi alam ni Anastacia kung bakit nagtindigan ang balahibo niya sa narinig. Para bang may malamig na hangin ang umihip sa kanya para panginigin ang buo niyang katawan.
“Tama ka ron, kung ang lalaking napili nila ay tumutol buong angkan nila ang parurusahan kaya wala silang magagawa kung hindi ang sumang-ayon. Pero may tututol bang lalaki kung magiging malaking bagay rin naman kung mapili sila ng isang prinsesa?”
Marahang lumayo si Anastacia para hindi na marinig ang pag-uusap ng mga naroon. Nalapit siya sa isang lalaking naka-formal din. Pero hindi ‘to kasama sa mga kalalakihang lumapit sa mga prinsesa.
Napatingin din ‘to sa kanya.
“Ahm, h-hindi ka ba kasama sa mga pupunta roon?” tanong ni Anastacia.
“Hindi, isa ‘kong personal servant ni Gabriel Richardson.”
Napakurap si Anastacia. Kung gano’n, ang kaparehang dinala ng Royal Blood ay isang lalaki?
Sa anyo ng lalaking nasa tabi niya ay mataas ito, balingkinitan ang katawan, maputi, at may magandang hitsura. Papasa ito sa mga Androgynous na lalaki.
“Isa rin akong personal maid servant, Anastacia ang pangalan ko. Ikaw si?”
“Zein,” matipid nitong sagot, pero ngumiti ito.
“Hindi halata na isa kang maid-servant sa kasuotan mong suot, alam ko na kaagad na malaki ang halaga niyan,” sabi nito.
“Hindi ko rin naman naisip na hindi ka isang Young Master,” nangingiting sabi ni Anastacia.
Hindi siya maalam sa kasuotan pero sa anyo kasi ng kasuotan nitong kulay abo ay mukhang mamahalin ‘yon.
Nakatingin sila pareho na sa harapan kung saan nakatipon ang mga kalalakihan.
Sumisikip ang dibdib ni Anastacia nang makita si King na nagpapakilala na. Maraming lalaki, pero alam niya na kahit nagagandahan ang hitsura ng mga kalalakihang kasama nito, mayroong malakas na dating ang kanyang Young Master. Kaya nga ito ang first choice ng mga babaeng Royal Blood na isasabak sa isang political marriage.
Hindi talaga siya komportable na makitang humahalik si King sa ibang palad ng babae. Sa kanya nito ‘yon madalas ginagawa.
Maging ang pakikipagtitigan nito sa isang prinsesa na tila titig na titig din dito ay nagbibigay kay Anastacia ng pagkaligalig. Alam niyang ang titig ni King, kaya no’ng dalhin ang kahit na sino sa mahabang pag-iisip dito.
Humihiling siyang huwag ‘tong mapili.
Maraming kalalakihan, marahil hindi ito ang pipiliin.
Pero kinakabahan siya at natatakot dahil nginitian ‘to ng isang prinsesa, iyong tinatawag ng mga ‘tong Prinsesa Alexandra.
Nagkaroon din ng sayawan na ekslusibo para sa dalawang prinsesa.
Ang dalawa lamang ang nasa sayawan kasayaw ang mga kalalakihan at tig-isa ang mga ito. Mayroong nagaganap na usapan na tila kinikilala ang isa’t isa. Maraming gusto talagang mapili. Pero ang hindi lang yata nakangiti sa pagsasayaw na ‘yon ay si King dahil mukhang naiinip ‘to. Sa lahat ng lalaking nakasayaw ng dalawa kapansin-pansin na walang interes si King at iyong lalaking may pulang buhok.
Nang matapos ang sayawan na tumagal ng halos dalawang oras ay nagpahinga sa magandang upuan ang mga prinsesa. Nagkaroon na ng tiyansa ang ibang kababaihan para sa isang sayaw.
Unang lumapit ang may pulang buhok sa bahagi nila at noon lang nalaman ni Anastacia na iyon ang kasama ni Zein, iyon siguro si Gabriel Richardson. Hindi ‘to ngumingiti sa mga prinsesa pero iyong laki nang pagngiti nito kay Zein ay tila kakaiba.
Pero nawala na ang pokus niya ro’n nang may humarang sa kanyang harapan.
Nakangiti rin sa kanya si King.
“Natagalan ako, sumayaw na tayong dalawa.” Inilahad nito ang palad sa kanya.
Kaagad naman ‘yong tinanggap ni Anastacia.
Nagkatinginan pa sila ni Zein at nagkangitian bago naghiwalay ng tuluyan.
Samantala, sa lahat ng lalaking nagpakilala may isang nangibabaw kay Alexandra Barthory.
Ito iyong tumitig sa kanya na tila hinahalukay ang kanyang buong pagkatao.
May mga mata ‘yon na kulay ruby at may matipid na ngiti lamang para sa kanilang magkapatid.
May isang katulad nito pero mas mukhang walang interes ang lalaking ‘yon sa kanila at tila madaling-madaling iwanan sila sa sayawan.
Hinanap nang paningin ni Alexandra ang lalaki at isa ‘to sa nagsasayaw.
Hindi niya alam kung bakit kumabog ang kanyang dibdib nang makitang nakangiti ‘to kasayaw ang isang babaeng nakatalikod sa kanya. Iyong ngiti nito ay iba sa ngiti nito sa kanila.
“May napupusuan ka na ba sa kanila?” tanong ng ama kay Alexandra.
Tumango si Alexandra at hindi man lamang tiningnan ang amang nakatayo sa kanyang gilid.
“Palagay ko ama, mayroon na ‘kong napagpipilian.”
Mali, wala siyang napagpipilian, mayroon na talaga siyang napili.
Nangiti naman ang ama.
“Kung gano’n, sino sa kanila ang sa tingin mo ay gusto mong imbitahan ko pa sa mga susunod na araw para sa ‘yo?”
Nangiti si Alexandra at tiningnan ang kapatid na si Alessia.
Alam ni Alessia kung sino ang nagugustuhan ni Alexandra, lalo at madaling-madali ‘tong makipagpalit ng kasayaw kanina sa kanya.
“Parang gusto ko munang subukan iyong dalawa, ama. Si King at Gabriel.”
Parehong mababa ang interes ng dalawa sa kanya. Para bang may relasyon ang mga ‘tong magandang sirain.
Pinalapit ng ama ang Maestra at Maestro ng dalawa.
“Mula saang pamilya si King at Gabriel?” tanong ng ama ni Alexandra.
“Si Gabriel Richardson ay mula sa isa sa pinakamataas na Royal Blood. Mula siya sa second mansion,”masayang sabi ng Maestro.
“Si King Bezarius naman ay mula sa Third mansion.”
Natuwa ang ama sa narinig.
“Magaling kang mamili, Alexandra.”
“Sayang at wala ang Royal Blood sa first mansion, kasalukuyan siyang nasa first heat. Baka isa rin siya sa napili,” sabi ng Maestro.
“Bigyan natin siya ng pagkakataon, tatlo silang magiging bisita madalas ng kastilyo. Padadalhan natin silang tatlo ng liham bilang pagpipilian ng prinsesa Alexandra.”
Natuwa si Alexandra sa narinig. Mukhang ang kanyang ama rin ay natuwa sa naging pagpili niya. Hindi niya akalain na ang ‘Bezarius’ na naging sanhi ng pagtatalo ng dalawang nagtuturo sa kanila, ay siya rin pala talagang pupukaw sa kanyang interes.
Para kay Anastacia, ang araw na ‘yon ay isa sa pinakamagandang araw. Nakasayaw niya si King, suot ang isang maganda’t magarbong kasuotan. Walang nakatingin sa kanilang pagbabawalan sila. Maging ang pagiging maid-servant niya ay hindi naging isyu sa mga oras na ‘yon.
Mahal na mahal niya talaga si King.
Kahit buhay niya ay handa niyang ibigay rito.
Si King ang nagbibigay sa kanya ng pinakamagagandang mga alaala.
Isinantabi niya ang takot na makuha ito ng prinsesa sa kanya. Napakaraming pagpipilian, marahil hindi naman gugustuhin ng prinsesa ang lalaking hindi ‘to nginingitian at kinakausap habang kasayaw.
Sa mata ni King, palagi niyang nakikita na siya lamang ang pinakamaganda sa paningin nito.
Simula rin nang may mangyari sa kanila, parang mas naging bukas sila sa isa’t isa. Mas naging malaya sila sa pagpapakita na ng damdamin nila.
Hindi alam ni Anastacia na iyon na ang huling gabing mapapanatag pa siya.
Thank you for sending me gems! I truly appreciate it! Lalo na kung magcomment din kayo sa 'king story! Thank you so much! <3 Misa_Crayola
“Bakit umalis tayo sa sayawan, Young Master? Hindi ba ikaw hahanapin sa loob?” tanong ni Anastacia. Dinala ni King si Anastacia sa bahagi ng balkonahe ng kastilyo. Walang katao-tao roon dahil nga pokus ang mga naroon sa mga Pureblood. Bihira lang din makasalamuha ang mga ‘to kaya magandang bagay ‘yon para sa ibang mga bampira na gusto ng koneksiyon sa mga ito. “Pumunta lang naman ako rito dahil kailangan. Pero mas gusto kitang titigan kesa manatili sa maingay na sayawan.” Hinila ni King si Anastacia sa braso at ikinulong ‘to sa bisig. Sumandal ‘to sa railing ng balkonahe. “Young Master, b-baka may makakita sa ‘tin.” Nahihiya si Anastacia pero naroon iyong kabog ng dibdib niya dahil nakulong siya sa mainit na yakap ng lalaking minamahal. “Ano naman? Karamihan naman sa bisita mga nagugustuhan nila ang dala nila.” “Pero bakit parang interesado naman ang karamihan do’n sa mga naggagandahang prinsesa?” nag-angat ng tin
ANASTACIA’S POV Apat na araw matapos naming pumunta sa kastilyo ay naging abala ang Young Master. Nasa physical examination siya nitong huling tatlong araw. Ngayon ay uuwi na siya kaya naman hindi ko mapigilang matuwa. Inayos ko pa ang uniporme ko at mas inayos ang pagkakatali ng buhok ko. Para ‘kong palaging hindi mapakali kapag alam kong parating na siya. “Anastacia, may ginagawa ka ba?” Napalingon ako sa pintuan. Si Mia ‘yon, isa sa servant. “Bakit?” tanong ko. “Wala pa rin kasi si Kaya, baka puwede mo kaming tulungan sa dinner? Marami rin kasing ibang ginagawa ‘yong iba. Pero kung may iba ka namang ginagawa ay tatawag na lang ako sa kabilang kuwarto.” “Hindi, okay lang naman. Maaga pa naman sa pagdating ni Young Master.” “Mabuti, salamat, Anastacia.” Lumabas ako ng silid para sundan si Mia. Sa kusina kami nagtungo. Lima lamang sila roon at kukulangin nga lalo at mabilisan ang gusto palagi ng m
Tumayo si King sa kinauupuan. “Iyan ba ang nakukuha mo sa babaeng ‘to? Ang maging bastos sa ‘yong mga kadugo?” maawtoridad na tanong ng lola ni King. Sa naging hitsura ni King, alam kaagad ni Rosanna na hindi magpapaawat ang kanyang anak. “Maraming servant ang nakatingin sa ‘tin. Hindi ba puwedeng kumain muna tayo at pag-usapan ‘to sa pribadong silid?” si Ezekiel ‘yon sa mababang tono. “King, maupo ka na,” marahang sabi ni Rosanna. Kilala niya ang anak, mas nadadaan ‘to sa mahinahon na boses. Isa ‘yon sa dahilan bakit din ‘to nagkagusto kay Anastacia, kalmado at may kahinaan ang boses nito. Tiningnan ni Anastacia si King, tumango siya para hudyatan ‘to na muling maupo at makinig. Naupo naman si King kahit wala na siyang ganang kumain. Hindi na kumibo si King, tahimik na rin naman na kumain ang kanyang mga kasama. Pilit na lang na itinayo ni Anastacia ng diretso ang kanyang sarili. Alam niya na at dapat siyang masanay na
Iniwanan ni King si Anastacia. Pakiramdam niya pinasisikip ng mga nasa paligid niya ang buhay nila ni Anastacia. Iniiwasan niyang magalit dahil alam niyang minsan ay nawawala siya sa sarili dahil sa galit. Kanina nasigawan niya at kinagalitan si Anastacia, samantalang isa ‘yon sa huli na gusto niyang gawin, iyong magalit dito at pagtaasan ‘to ng boses.Nasa kagubatan siya ng Forbidden Forest, isa ‘yon sa lagusan patungo sa mundo ng mga tao. Maaari silang maglabas-masok sa kanilang lugar. Marami ring bampira ang naninirahan sa lugar ng mga tao at nabubuhay na katulad ng isang tao. Isa lamang kuwentong pantasya sa karamihan ng mga tao ang tungkol sa bampira noon. Pero marami ng bampira ang gumaganti at pumapatay ng mga tao, iyon ay dahil napatay ang kanilang mga kapareha o kapamilya ng mga Vampire Hunter.No’ng napunta sa kanila si Anastacia, nagsimula na rin na magkagulo ang mga tao. Mayroong grupo ng mga bampira ang pumatay ng mga
Masama pa rin ang loob ng Young Master sa ‘kin. Hindi ko alam kung anong dapat kong gawin. Pakiramdam ko, habang tumatakbo ang araw na hindi kami nagkikibuan gaano ay palayo rin siya nang palayo sa ‘kin. “Anastacia, kunin mo na ang bulaklak at naiayos na,” tawag sa ‘kin ni Dama Apostola. Kadarating ko lang din naman sa kusina. Naroon ang isang magandang pumpon ng rosas na may iba’t ibang kulay at may magandang disenyo. Iyon ay para sa prinsesa. Ito ang unang araw na pupunta ang Young Master para magsimulang kunin ang loob ng prinsesa. Kagabi pa ‘ko nahihirapang matulog. Kahit sabihin ko talagang maayos lamang ito at magiging sapat sa ‘kin na pangalawa, hindi ko pa ring mapigilang masaktan. “Ingatan mo ‘yan, lahat ‘yan ay mga mamahaling bulaklak sa Vampire City.” Nauunawaan ko naman ang sinabi ni Dama Apostola. Ang bulaklak ay mga kasunurang uri ng mga Moonshine Roses. Iyon ay mga kamukha ng bulaklak na rosas pero wala silang tinik at m
“Kumusta ang pinuntahan ninyo?” Iyon kaagad ang tanong ni Rossana sa anak. Pareho silang naghihintay ni Margarita, ang lola ni King sa magandang balita. “Si Calix na lang ang tanungin ninyo. Pagod ako,” sagot ni King. “Anast—” “Anastacia, umakyat ka na may ipagagawa pa ‘ko sa ‘yo.” Putol ni King sa sasabihin ng ina. Tumungo si Anastacia sa harapan ng dalawang babae at sumunod kay King. Sinundan niya ‘to hanggang sa silid nito. Halatang napagod talaga ‘to dahil pasalampak itong naupo sa paanan ng kama. Kaagad kumilos si Anastacia para luwagan at alisin ang necktie nito. “Ipaghahanda ba kita ng hot bath, Young Master?” Hindi ito kumibo kaya pinagpatuloy na lang muna ni Anastacia ang pag-aalis naman ng butones nito. Sumisikip ang kanyang dibdib na marami ‘tong marka ng pagsipsip sa balat nito. Halatang-halata ‘yon dahil maputi ‘to at sensitibo ang balat. Hanggang tuluyan na niyang maibaba ang palad at huling
“Young Master—”Nilapitan ni Anastacia si King na nasa bahagi ng bintana. Nagpapahangin ‘to. Pilit kinokontrol ang sarili.“Tawagan mo ang quarter para makapagpakuha ka ng kasuotan at makalabas na. Magpapahinga na rin ako.” Malamig na sabi nito.“Pero—”“Anastacia, sinusubukan kong kumalma at hind imaging bayolente. Sundin mo ‘ko bago ‘ko may magawang pagsisisihan ko. Sa oras na ‘to, gulong-gulo ang isipan ko. Kaya mas mabuti pang bumalik ka na sa ‘yong silid.“Young Master, pag-usapan na natin ‘to. Marahil mas magiging maayos ang—”“Lumabas ka na muna!” sigaw nito.Nagulat si Anastacia. Nakagat niya ang ibabang labi dahil sa pagsigaw nito. Hindi siya sanay na sinisigawan nito.Tumawag siya sa Maid’s quarter at kung sino man ang sumagot ay ‘di na niya nabosesan. Nagpadala na lamang siya ng kasuotan
Para kay Anastacia mahalaga na nagkakaintindihan sila ni King. Sumasama pa rin siya rito kahit kailangan nitong umakto na nakikisama ‘to sa prinsesa. Kung ano man ang dahilan, napalitan din si Calix na kasama niya. Si Calixto na pinagkakatiwalaan ng Mistress nila ang ipinasama sa kanila bilang kapalit nito. Ibinilin na kay Anastacia ni King na kailangan na makumbinsi nila si Calixto dahil higit itong mapagmatyag. “Mukhang malapit sa isa’t isa ang Young Master at ang prinsesa,” puna ni Calixto. Alam ng lahat na higit kanino man ay siya ang pinaka-apektado kaya pinalungkot ni Anastacia ang hitsura. “Mukhang gusto rin ng Young Master ang prinsesa. Sa tingin ko ay nagkakasundo sila sa maraming bagay.” Nangiti naman si Calixto. “Mabuti naman kung gano’n, mabuti rin at hindi siya nagmatigas.” “Marahil napag-isipan din itong mabuti ng Young Master.” “Mabuti rin at hindi mo na pinahirapan ang Young Master.” “Mas gusto ko ang ik
Tuwing maaalala ko ang simula namin nang Young Master, hindi ko mapigilang mangiti. Ngayon, kasal na kami nang limang taon at paunlad na nang paunlad ang aming bayan. Reyna’t hari na kami at mas lumalawak pa ang lupain. Dahil sa yaman din ni King, madali sa ‘ming magpatayo nang mga kakailangan sa pagpapaunlad maging ang pabrika. Nagsimula na rin siyang kunin ang mga karatig isla na walang nananahan para lagyan ng mga laboratoryo. Malaking bagay na nasa amin ang poisoned-hill, dahil doon maraming dumarayo sa ‘ming turista iyon ay dahil na rin nakakulong na sa isang barrier ang mga makakamandag na hayop—safe na ang mga ito, napupuntahan pa ‘to para maging isang tourist attraction. Madalas mayroong mga antidote sa lason nang dala-dala dahil ‘di naman masasabing lahat ay naikulong na. Sa susunod, magiging malaki na rin kaming siyudad. Napakaganda nang palitan ng mga produkto at mayaman ang lupa rito para maging isang magandang lugar para sa agrikultura. Na
KingGumaling ako sa tulong ng iba’t ibang mediko. Maliban sa ‘king likuran na dadalhin ko na habang-buhay. Pero tinuruan ako ng Emperador kung paano ko makokontrol ang aking kakayahan lalo at hindi na ‘yon mapipigilan pa dahil nagkaroon na siya nang awakening.Hindi kami nakatira sa pamilya ko dahil inalagaan pa kami sa Zone 66.Si Anastacia, dito na rin nagsilang ng anak namin si ‘Darius at Remy’ na ngayon ay mag-iisang taong gulang na. Habang narito ako sa Zone 66 ay nabubuhay siya sa isla at naalagaan namang maigi. Mas pinili namin magkalayo para rin naman sa ikakabuti namin, nagkikita pa rin naman kami linggo-linggo.Marami akong natutunan sa Zone 66.Ang mga magulang ko naman ay nagpagawa na nga nang mansion sa lugar kung saan kami ang mamumuno ni Anastacia—ang twin hill of poisoned island, doon sila nakatira at paminsang doon namamalagi ang mag-ina ko.Nalaman din ni Kairus, ang purebl
Ilang linggo ring walang malay si King.Sa nakalipas na dalawang linggo ay naoperahan na rin ang tatlo nitong kapatid at ngayon ay nagpapahinga.Nagkaroon ng komplikasyon kay Dark pero kaagad din ‘yong naiayos dahil ang mismong humawak sa operasyon ay ang Emperador. Sabi ni Magareth kay Anastacia ay gusto talaga ‘yong tutukan ng Emperador.Si King, hindi pa ‘to sumasailalim sa operasyon dahil kailangan pa nitong magpalakas pagkagising.“Lumabas na ‘yong resulta ng dugo niya,” sabi ng doctor na babae.Iyon ang hinihintay nila.“Marami kaming pagsusuring ginawa pero wala kaming makitang lason sa katawan niya. Mukhang ang katawan niya talaga ay immune sa lason,” sabi nito.Nakahinga naman nang maluwag si Anastacia.“Marami lang siyang nakuhang pinsala at dahil nagpapahinga naman siya ay nakaka-recover siya. Mayroong din namang unique capability ang mga bampira for self-healing.
“Sa lahat ng pagkakataon, nakikilala mo ‘ko hindi ba?” tanong ni Anastacia.Naalala na ‘to ni King, hanggang noong mga bata sila hanggang ngayon. Malinaw na sa kanya ang lahat. Kahit paulit-ulit niya ‘tong nasasaktan, nabibigo, at hindi maaalala, hindi ‘to bumitiw sa kanya kahit minsan.”Hinawakan niya ang mukha ni Anastacia kaya nagulat ‘to.“Anastacia—“ bulong ni King.Nagulat si Anastacia at napangiti kasabay ng kanyang mga luha.Hinalikan ni King sa noo si Anastacia.“I love you.”Bumigay ang katawan nito at bumagsak. Kaagad ‘tong nasalo ni Anastacia.“King!” napasigaw si Rosanna.“Dalhin na kaagad natin siya sa mediko,” sabi ni Neo.“Sasama ako, puwede ba ‘kong sumama?” tanong ni Anastacia sa mag-asawa.“Paniguradong hahanapin ka rin niya kung wala ka,”
Mada’am, Bezarius,” nakangiti kaaagad si Edward. “Tapos na ‘kong magsukat para sa ‘yong unico hijo. Kung ano ang napag-usapan natin sa ibaba bago ‘ko umakyat ay iyon pa rin naman, maliban sa mas gusto ng Young Master ang kulay abo kesa kulay puti.”“Napakahilig niyan sa gray, hindi ko alam sa batang ‘yan,” napapailing si Rosanna.“Sukatan mo na rin si Anastacia,” nakangiting sabi ni King.“B-bakit?” tanong ni Anastacia.Hinila siya ng marahan ni King at dinala malapit kay Edward na napatingin sa ginang.Isang mananahi ng mga piling Royal Blood lang si Edward, hindi ito gagawa ng kasuotan ng isang alipin at mahal ang magiging singil nito at hindi mag-aaksaya si Rosanna para lamang sa isang alipin.“King, maid servant mo si Anastacia. Ang susuotin niya ay mula na lamang sa mga kasuotan na si Calixto na ang bahalang mamili.&r
“Anastacia talaga ang pangalan mo?” tanong niito sa kanya.Nagulat naman si Anastacia nang magsalita ‘to at kausapin siya.“Anastacia nga, Young Master. Pero p-puwede mo raw ‘yon baguhin sa gusto mo.”“Hmmm…” nag-isip ito habang pagalaw-galaw sa upuan nito. “Ano kaya kung itlog na lang ipangalan ko sa ‘yo?” ngumisi ‘to.“I-itlog?” natakot pa siya no’n dahil sa pangalan na gusto nito.“Oo, bakit? Hotdog ba gusto mo?” ngising-ngisi ‘to. “Tapos tatawagin kita, halika nga rito babaeng itlog!” Bigla ‘tong tumawa nang ubod lakas.Nag-init ang mga mata ni Anastacia, maya-maya pa ay umiiyak na siya.“Hala!” nagulat si King. “Joke lang ‘yon!” inabutan siya nito ng cookies nang tumayo ‘to para lapitan siya. “Ang iyakin mo naman, kainin mo na ‘to tapos &
“Young Master!” Pilit na pinipigilan ni Anastacia ‘to pero nakikipaglaban lang ‘to at halos lahat ay sinasaktan nito.Nagwawala na ‘to nang husto. Maging si Don Felipe na sinubukan ‘tong labanan ay napatalsik nito. Masyado ‘tong malakas na ‘di halos mapaniwalaan ni Anastacia.“Bitiwan mo siya! Huwag mo siyang hawakan!” sigaw nito.Mukhang ang nakikita ni King ay iba na sa nagaganap.Nagbagsakan ang mga luha ni Anastacia. Hindi na ‘to nakakakilala. Nagwawala ‘to at naglalabas ng mga magic circle, sinisira nito lahat habang muntikan na nitong mapaslang. Iniiwasan nila ‘to, kahit ano ring tawag niya ay hindi na siya nito naririnig. Nahila na rin siya ni Rosanna sa braso para ‘di na magpatuloy sa paglapit dito.“Anong nangyayari? Hanggang kailan siya magiging ganyan?!” umiiyak na tanong ni Anastacia.Hindi nakasagot ang mag-asawa. Lumuluha rin ang ina
“Nakita na namin siya!”Tila nagliwanag ang paligid ni Anastacia nang marinig ‘yon.“Palabas na kami, iuuwi namin kaagad siya,” anito.Hindi siya tumutol. “Mag-iingat kayo, kumusta po siya?”“Malala, sobrang lala, hindi ko alam kung aabot kami!” umiiyak ito.Parang nilamutak ang pakiramdam ni Anastacia sa kanyang puso.Nang makitang abala ang dalawa sa pagpana sa mga pumapana sakanila ay kaagad siyang humanap ng daanan pababa.Nakita niya na sa kalilingon ang mga barko nito. Gusto niyang mahawakan si King.Tumakbo siya dala ang pana at palaso.Iniiwasan niyang makipaglaban kaya hangga’t kaya niyang magtago sa mga puno at gilid-gilid ay ginagawa niya.Nagmamadali siya dahil baka maiwanan siya ng barko.Ipipilit niyang sumama sa mga ito.“Young Master…” Bagsakan nang bagsakan ang mga luha niya. Hindi niya
Madilim sa Dark Island, walang liwanag kahit galing sila sa liwanag. Marami na silang pagsabog na naririnig, marami na ring barko—malaki ang dark island pero mayroong specific place kung nasaan ang hinahanap nila. Nagulantang si Anastacia dahil patuloy ang mga pagsabog, mayroon na ring pagliliyab. Tumutunog din ang mga emergency alarm nang buong lugar.Nang huminto ang barko ay kaagad nang inatasan ni Neo ang sampung Knights, dalawa ang naiwanan sa kanya.“Huwag kang bababa, mapanganib,” bilin nito bago ‘to bumaba.Kabadong-kabado si Anastacia, malayo sa pinangyayarihan pa rin ng laban kung saan sila huminto. Nakakarinig lang siya ng mga pagsabog, tunog ng mga sandata, alarm. Marami ring umuulan na palaso pero hindi sila tinatamaan no’n kahit pa inaabot sila dahil sa shield barrier na ginawa ng isa niyang kasama sa barko.“Anastacia, Anastacia,” boses ‘yon sa ‘king isipan.Hi