Nabigla si Anastacia sa pagdiin sa kanya ni King sa kama. Hindi ‘to kailanman naging ganoon kaagresibo.
“Young Master,” hinawakan niya ang mukha nito. Hindi man gusto ni Anastacia na matakot ay pinanginginigan siya at pinanlalamigan ng palad.
Ang mga mata nitong pula ay naging mas matingkad, matapang, at kahit ang pangil nito’y kitang-kita niya ngayon ang katulisan. May paghingal ‘to, tila nagpipigil ng kung ano.
“Young Master, ako ‘to, si A-Anastacia.” Hindi niya alam pero parang ‘di siya nito nakikilala.
Napapaso si Anastacia sa init na inilalabas ng katawan nito. Tila ‘to lalagnatin samantalang hindi naman ‘to nagkakasakit kahit kailan.
Hinalikan siya nito sa labi, halos dumugo ang labi ni Anastacia dahil pero nadadala siya ng sensuwal na halik nito lalo na ang paglilikot ng dila nito sa loob ng kanyang bibig. Ibang-iba ‘yon sa halik na kanilang pinagsasaluhan.
Pero kusa ‘tong tumigil at tumungo sa kanyang balikat.
Mabilis ang tibok ng puso nito.
“N-nasa heat na yata ‘ko.”
Umangat ‘to kaagad at lumayo sa kanya. Halatang nagpipigil si King.
“Sabihin mo kay Calixto na kailangan ko ng gamot,” anito sa paos na boses.
“Young Master.” Napabangon si Anastacia.
“Don’t come near me!” sigaw nito.
Napahinto naman si Anastacia.
“Please, I don’t wanna hurt you.”
Hindi alam ni Anastacia ang gagawin. Kung iiwanan ba niya ‘to sa panahon na ‘yon o hindi?
Kung nag-heat na ‘to ibig sabihin na mataas ang seksuwal na pangangailangan nito kaya hindi rin ‘to mapakali.
Nabigla si Anastacia nang kagatin nito ang sariling braso.
“Young Master!”
Binalewala ni Anastacia ang bilin nito na lumayo siya at nagmamadali siyang nilapitan ‘to. Hindi siya sanay na makitang masaktan ‘to ng harapan.
Nang-alisin nito sa sariling braso ang pangil nito, alam na kaagad ni Anastacia na halos hindi na siya nito nakikilala. Noon pa man, sinabihan na siya tungkol sa maaari niyang gawin kapag dumating na si King sa panahon ng heat nito. Naalala niya na tatawag daw ang mga ito ng babaeng bampira sakaling dumating ang first heat ni King dahil mas kaya ng bampira ring katulad nito ang pakikipagtalik sa katulad nito. At masyadong mapanganib ang first heat ng bampira para sa isang taong katulad niya.
Pero maramot na siya kung maramot, pero hindi niya gustong ibang babae ang humawak dito.
“Kakayanin ko,” aniya rito. Buo ang loob ni Anastacia.
Hinawakan niya ang mukha nito at tumingkayad para kintalan ‘to ng halik sa labi.
Dahil wala ng kontrol si King ay niyakap nito ang katawan ni Anastacia at inangkin ang labi nito sa sensuwal na paraan. Pero hindi ‘yon nagtagal dahil masyadong malinaw sa pang-amoy ni King ang sariwang dugo na nasa katawan ni Anastacia. Bumaba ang halik niya sa leeg nito.
Nakagat ni Anastacia ang labi nang maramdaman ang basang dila nito sa kanyang leeg. Naipikit niya nang mariin ang mata nang maramdaman na ang pangil nito sa kanyang balat. Napamulat siya sa pagkabigla nang bumaon ‘yon bigla.
“Aaaaaaah!”
Mas humigpit ang yakap nito sa kanya. Masakit ‘yon parang nabutas ang kanyang leeg. Mas masakit pa dahil sumisipsip pa ‘to nang husto na tila mas pinadudugo nito ‘yon.
Nadiin niya ang kapit sa balikat nito nang tila mas ibinabaon pa nito ang pangil.
Nag-unahan ang kanyang mga luha.
Pinanghihinaan na kaagad siya. Hindi na siya nakapalag nang buhatin nito pahiga sa kama. Nanlalabo ang paningin ni Anastacia nang sa wakas ay alisin nito ang pangil sa kanyang balikat. Mabilis ang tibok ng kanyang puso. Mas tumriple pa ‘yon nang makitang nag-aalis na ‘to ng kasuotan.
Hindi niya magawang iwasan ng tingin ang katawan nitong lumantad sa kanyang harapan.
Nasa hitsura ni King ang pagnanasa, pagkasabik, at tila pagmamadali.
Nang ganap ‘tong maging hubad sa kanyang harapan ay tila nakaramdam na ng takot si Anastacia. Pero naroon ang pag-iinit at ‘di mapigil na paghanga sa kabuuan ni King.
Hindi na nagawa ni Anastacia na tumutol nang hubaran siya nito sa paraan na sinira nito ang kanyang kasuotan. Nanghihina siya at hindi na makatatakbo pa. Kasama na rin doon na gusto niyang siya ang magpuno ng pangangailangan nito ngayon. Mas hindi siya matatahimik na iba ang kapiling nito dahil mas pinairal niya ang takot.
May pagmamadali, mas may agresibo, at tila nag-iingat man ‘to ay hindi na nito maiwasan ang sariling dikta ng nag-iinit nang husto nitong katawan. Pero buong pagtanggap ‘yon na hinayaan ni Anastacia.
Ang init ng katawan nito ay sapat na para tupukin din siya sa init na namamagitan sa kanila.
Hindi alam ni Anastacia kung nakailang kagat ‘to sa kanya sa hita pero hindi naman ‘to nagtatagal doon. Palipat-lipat ‘to ng kakagatin sa buo niyang katawan.
Hanggang ihanda na siya nito sa pakikipag-isa.
Inangkin nito ang kanyang labi at bagaman nasasaktan si Anastacia sa pagkilos nito ay hindi niya ‘yon iniinda hangga’t kaya. Bagaman may takot din, malaki rin ang kanyang antisipasyon. Dahil ang bawat kagat nito ay tila may init na nanunulay na nagpapakalat ng init sa buo niyang katawan. Para bang sa mga panahon na ‘yon ay sisilaban na rin siya.
Nababaliw siya dahil magkahalong kirot at kiliti ang paulit-ulit niyang nararamdaman.
Maging ang paghalik nito sa kanyang dibdib at pagsipsip ay naging maingay at agresibo. Pero dama ni Anastacia na nababalik ‘to sa katinuan dahil minsan ay rumarahan ‘to.
Pababa nang pababa ang halik nito. Tila lahat may nararamdaman siyang iniwan ‘tong marka.
Sa bahagi ng tiyan niya ay humahalik ‘to at nag-iiwan din ng marka sa pamamagitan ng pagsipsip sa kanyang balat. Tila ‘to nagmamarka ng pag-aari nito.
“Young Master,” pabaling-baling si Anastacia sa iba’t ibang bahagi dahil nagsimula ng humalik sa kanyang pagkababae si King. Eksperto ang dila’t labi nito sa pagsasalitan sa kanyang kaselanan. Napapaungol nang malakas si Anastacia at maging siya’y tila nawawala na rin sa katinuan.
“Aaaaah! Young Master!” napatili si Anastacia nang bumilis ang pagsipsip at pagdila nito sa sensitibong bahagi ng kanyang pagkababae.
Napapaangat maging ang kanyang balakang, tila may sinasalubong siya na ‘di niya mawarian. Ang mga daliri niya sap aa ay napapabaluktot, habang paparating siya nang paparating sa rurok ay tila siya kakapusin ng paghinga.
“Young Master, aaaaaah!”
“Ooooh!” Halos mapatirik ang mata ni Anastacia habang nilalabasan siya.
Unang beses ‘yon. Hingal na hingal siya at hinang-hina.
“S-sandali…” Pigil ni Anastacia nang pumuwesto ang pagkalalaki nito sa hiwa ng kanyang pagkababae. Binubunggo ng ulo niyon ang sensitibo pa niyang sentro ng pagkababae. Pero hindi naman ‘to nakikinig sa kanya at paulit-ulit ‘to.
Damang-dama na ni Anastacia ang paninigas nito nang husto. Kaya nang mas naging basang-basa siya ay naramdaman niya na sa bukana ng kanyang pagkababae ang ulo ng pagkalalaki nito.
Marahan ang naging pagpasok no’n sa kanya, mukhang nag-iingat pa rin ‘to.
“S-sa susunod h-hindi na ‘ko magpipigil,” anito sa hirap na pagsasalita.
Kung ganoon ay nilalabanan pa nito ang sarili.
Damang-dama naman ni Anastacia ang tila pagkahanat ng kanyang pagkababae. Ang loob niyang tila hinuhulmahan ng sukat nito.
Napakasakit no’n pero kahit paano ay hindi na nanibago sa sakit si Anastacia dahil sa dami ng kagat niya’y tila ba nasanay na rin siyang masaktan.
Para siyang kakapusin nang paghinga lalo pa at mas lumalalim ang pagpasok nito.
Hinalikan siya nito sa noo.
Akala ni Anastacia ay kakayanin niya na dahil sa pagkasanay pero naluha siya dahil para siyang mamamatay ano mang oras. Lalo at kulang ‘to sa pagpipigil at nagsimula ‘tong maglabas masok, mas bumilis at mas makalimot.
Nayakap na lang ‘to ni Anastacia, minsan ay ‘di niya mapigilang ‘di ‘to kalmutin at kagatin nang husto sa balikat tuwing mas bumabaon ‘to at may tinatamaan na nagpapaorgasmo sa kanya.
Maingay silang dalawa sa mga sumunod na minuto. Pareho silang nawalan nang pakialam sa paligid.
Nasasanay na si Anastacia bagaman hindi nawawala ang sakit ay nananabik na ang kanyang pakiramdam. Dahil nagsimula siyang ma-relax kaya mas nagbasa siya at nakabawas ‘yon sa sakit nang pagkapunit na pakiramdam ni Anastacia.
Mas ibunuka nito ang kanyang binti at pabilis na nang pabilis ang pagsasalo ng kanilang katawan. Maingay na ang kanilang mga balat tuwing magkakatama ang mga ‘yon. Malapit na si King, mas malakas ang ungol nito, mas mariin at agresibo, mas lumalaki ang pakiramdam ni Anastacia sa pagkalalaki nito.
“Aaaaah! Young Master!” narating ni Anastacia ang rurok.
Dahil sa pagsikip niya ay maging ito ay napahugot nang hininga at napaungol nang paghugot nito ay makarating ‘to sa kasukdulan. Damang-dama ni Anastacia ang mainit na likidong bumagsak at dumulas sa kanyang pagkababae. Hingal na hingal siya.
Alam niyang nagsisimula pa lamang sila. At ang susunod ay hindi na ‘to makapagpipigil pa. Damang-dama ni Anastacia ‘yon nang titigan siya nito.
**
Naging maingay ang mga sumunod na tagpo sa silid.
Hindi na nagawang pumasok ni Calixto. Nakaantabay na ang ilang maid servant sa pintuan para kaagad maalalayan si Anastacia pagkatapos nang pakikipagtalik nito sa Young Master.
Naririnig ng mga kababaihan ang mga ungol maging ang pagkakasira ng mga kagamitan sa loob sa mga sumunod na sandali. Naaawa sila kay Anastacia, pero may ilan sa kanilang naiinggit din lalo ang mga hindi nalalayo ang edad sa Young Master. Marami na rin ang nagnanais na maging isa sa babae nito.
Nang makababa si Calixto ay naroon ang among mag-asawa at umiinom ng blood wine. Mukhang hindi naman nangangamba ang lalaki pero ang babae ay puno naman nang isipin ang hitsura.
“Nakahanda na ang babae na makakasiping ng Young Master habang nasa heat siya. Kapag first heat, madalas hindi tumatalab nang matagal ang gamot.” Panimula ni Calixto. “Pero hindi ko na napigilan ang kaganapan sa kanila ni Anastacia. Mapanganib na ang lapitan sila.”
Alam nila na hindi na papayag ang isang male Vampire na in heat na pigilan ‘to kung nasa akto na. Maaaring pumatay na ‘to.
“Nagpahanda na ‘ko ng mga aasikaso kay Anastacia. Maya-maya ay bababa ang nararamdaman ng Young Master. Sa punto na ‘yon ko na pagpapalitin ang babae,” dagdag pa ni Calixto.
“Huwag kang masyadong kabahan, Rossana. Lahat ng lalaking dumaan sa first heat ay ganyan. Unti-unti makokontrol niya rin ‘yan at magiging mas maayos ng makipagtalik pagkatapos.”
Umangat ang kilay ni Rosanna.
“Kailan pa? Matatagalan pa niyang makontrol ‘yan. Ang inaalala ko lang ay iyong si Anastacia, hitsura pa lamang no’n ay mukhang napakahinang uri ng taong babae na. Paano kung mamatay siya pagkatapos at pakaisipin ‘yon ng anak natin? Alam mo naman na napakatagal na nilang magkasama at iyan ang kaibigan niyang—“
“Rosanna, alam mong hindi magkaibigan ang dalawang ‘yon. Alam na alam natin na may namamagitan sa kanila at normal ‘yon, iyon din naman ang ganap ng pagiging alipin niya, kasama sa paglaki nila ang maging babae ni King. Pero kahit gaano katindi ang damdamin na ‘yon, hanggang babae sa gilid lamang siya at mag-aasawa pa rin ng isang Royal Blood at kung papalarin isang Pureblood Vampire Princess pa ang makukuha ni King.” Nangisi si Ezekiel. “At kung mamatay man siya, magiging pabor pa rin naman dahil pagkalipas ng ilang buwan magsisimula ng maghanap ng iba si King. Hindi magtatagal ang atraksiyon niya, lilipas din ‘yon katulad ng edad at hitsura ng tao.”
Nangisi si Rosanna.
“Kunsabagay, nangyari sa ‘yo.”
Napailing ang kanyang asawa.
Ang babaeng kinahumalingan nito noon ay isa ng matandang babae ngayon. Wala na ‘tong atraksiyon at napunta na ang interes sa ibang alipin.
Sa kanilang mga bampira, pangkaraniwan ang kaalaman na may mga babae ang kanilang asawa hangga’t iyon ay tao. Para sa kanila ang tao ay kagamitan lamang at pagsasawaan din kung lilipasan.
“Bumalik ka na sa pintuan ni King, kapag wala ka ng naririnig magsimula ka nang kausapin si King at buksan mo ang kanyang pintuan. Pero siguraduhin mo na nagpapahinga na siya dahil kung hindi baka mapatay lang niya ang sino mang papasok sa kanyang pintuan.”Utos ni Ezekiel.
Sinunod naman ‘to ni Calixto.
Hello, thank you for reading! <3 Please, rate this novel and leave a message for more inspiration. Thank you sooooo much! You can send me message on my FB acct. Jovielyn Rivera(MisaCrayola) for more of my stories infos!
Nagimbal si King nang makita niyang nanghihina si Anastacia. Mula sa sahig kung saan huling may naganap sa kanila ay binuhat niya ‘to. Para siyang nabuhusan ng tubig bigla. Nanlalamig ang buo niyang katawan. Nanginginig maging ang kanyang palad na nang mailapag ‘to.Napakarami nitong natamong kagat mula sa kanya. At kung iisipin niyang mabuti, kahit may pagkakataong tumigil siya, kumalma, ay babalik din siya kaagad sa ‘di mapigilang pagnanasa sa dugo’t katawan nito. Paniguradong nasaktan niya ‘to nang husto.“Anastacia?”Abot-abot ang takot na nararamdaman ni King.Kahit nanghihina at bumabagsak na ang talukap ng mata, ngumiti si Anastacia at inabot ang mukha nito.“Maayos lang ako, Young Master. K-kailangan ko lang m-magpahinga.”“Sigurado ka ba?” puno ‘to nang pag-aalala. “Kailangan mo ng doctor—““Tumabi ka na lang muna
Chapter 12 Nagising si Anastacia na masakit pa rin ang bawat sulok ng kanyang katawan. “Mabuti naman at nagising ka na.” Boses ‘yon ni Kaya, kahit nanlalabo ‘to sa kanyang paningin saglit ay kilalang-kilala naman niya ‘to. “Kaya,” nangiti siya. Nag-aalala siya nang husto rito dahil bigla ‘tong hindi bumalik sa kanilang silid. Ang sabi lamang sa kanya ay may ipinagagawa rito ang Master Ezekiel nila. “Paano pala ‘ko nakarating dito?” Nabigla si Anastacia at napabangon. Napaigik siya sa sakit ng kanyang likuran. Nagtaka rin siya sa basang bimpo na bumagsak mula sa kanyang noo. “Huwag ka munang kumilos baka mabinat ka. Isang linggo ka ng walang malay.” Nag-aalala si Kaya dahil sa biglaan niyang pagkilos. “M-may nangyari sa ‘min ng Young Master?” Pagkokompirma ni Anastacia. Tumango si Kaya. “Hindi naman ‘yon nakapagtataka dahil palagi kayong magkasama. Ikaw ang kasama niya nang mag f
Hindi alam ni Anastacia kung ano ang magiging reaksiyon. Naroon ang kaba pero hindi niya gustong iatras ang mga binti. Nag-iinit ang kanyang mga mata dahil alam niyang naghihirap rin si King sa nararamdaman nito. At hindi ‘yon matapos-tapos dahil, marahil, iniisip nito siya. Tumayo ‘to sa kinatatayuan. Pulang-pula ang mga mata nito. Nakita niya kung paano ‘to lumunok. Marahan ang mga lakad nito, kung hindi lamang siya nakatingin dito ay hindi niya maririnig o malalaman man lamang na may presensiyang iba sa kanyang paligid. “Young Master. Nakikilala mo pa ba ‘ko?” tanong niya. Hindi ‘to kumibo. Mas mukhang hindi siya nito nakikilala at pagkain ang tingin nito sa kanya. Uhaw rin ‘to sa dugo, isa sa dahilan bakit ‘to lalong nagiging frustrated. Napalunok si Anastacia nang ilahad nito ang palad sa kanya. Hindi niya nakikita ang rekognisyon nito sa kanya kaya nag-aalala si Anastacia sa maaaring ikilos nito. Iba ang kulay ng
Nakangiti si Vince Villadiego habang inaabot ang kanyang sertipiko. Siya ang pinakabatang Vampire Hunter na nakapasok sa ‘Carolus Rex’. Labing-walong taong gulang pa lamang siya.Ang Carolus Rex ay iisa lamang sa mga samahan ng mga Vampire Hunter. Pero ito ang kinokonsidera ng gobyerno na pinakamapagkakatiwalaan. Isa pa, hindi lahat ng samahan ng mga Vampire Hunter ay para sa kabutihan ng sangkatauhan ang layunin, ang iba ay para lamang ibenta ang mga bampirang nahuhuli sa mga scientist o samahan na nag-aaral sa mga ‘to para sa mga nililikhang sandata laban sa mga ‘to.Nagpalakpakan ang nasa isangdaang bilang ng mga Vampire Hunter nang humarap siya sa mga ‘to. Tumungo siya.“Maraming salamat! Gagawin ko ang lahat para maubos ang mga bampira!”Lalong naghiyawan ang mga ‘to at nagpalakpakan.Nang makababa siya ay sinalubong siya kaagad ng mga Vampire Hunter na makakasama niya na. Isa siya sa sampung bag
“Alexandra and Alessia Bathory.” Sa ikatlong ulit ay sabi ng isang Maestra sa kambal na Alessia at Alexandra. Naroon sila sa hapagkainan para turuan ng tamang paggamit ng kubyertos at maging ang mga tamang kaasalan bilang isang Pureblood. “Simula ngayon, Bathory na ang gagamitin ninyong apelyido. Iyan ang apelyido na ibinigay sa inyo ng inyong ama. Kayong dalawa ay mga Pureblood kahit pa kayo ay kalahating tao. Gano’n pa man, hindi ninyo maaaring makuha ang apelyidong Elizabeta dahil para lamang ‘yon sa mga Pureblood na naging anak sa isang Pureblood. Pero maaari ‘yong makuha ng inyong anak kung ang magiging asawa ninyo ay isang Royal blood.” Hindi naiintindihan gaano ng dalawa ang mga pinagsasabi simula pa noong nakaraan ng kanilang Maestra. Pero si Alexandra, sa punto ng Elizabeta-Bathory ay medyo nauunawaan niya. Ang Pureblood Vampires ay mayroong dalawang apelyido, iyon ay ang ‘Elizabeta-Bathory’. Lalaki man o babae ang mula
Enggrande ang kasiyahan sa kastilyo. Pili ang mga naimbitahan at walang malinaw na kapaliwanagan bagaman mayroon ng iba’t ibang suspetsa ang bawat pamilya. Lahat ng naimbitihang kalalakihang Royal Blood ay may edad Labing-walo hanggang dalawampu’t lima. Nagsisimula ng dumating ang mga naimbitahan. May mga pinalad na dalaga dahil sa sila ang napiling kapareha ng mga imbitado. Samantala, sa silid ay magkasama ang magkapatid na Alessia at Alexandra Bathory. Pareho silang ubod ganda sa kasuotang itim na puno ng itim ring mga mamahaling bato. Lahat ‘yon ay madetalye at pinagpaguran ng limampung pribadong manggagawa ng kasuotan sa kastilyo. Ang kanilang buhok ay pinag-iba dahil sa magkamukhang-magkamukha sila. Si Alexandra ay nakalugay ang kalahating bahagi ng buhok habang napalalamutian ang tuktok niyon ng mga itim na perlas. Si Alessia naman ay buong buhok ang nakatali at napapalamutian din ng mga itim na mamahaling bato. Si Alexandra ang kaibahan lamang
“Bakit umalis tayo sa sayawan, Young Master? Hindi ba ikaw hahanapin sa loob?” tanong ni Anastacia. Dinala ni King si Anastacia sa bahagi ng balkonahe ng kastilyo. Walang katao-tao roon dahil nga pokus ang mga naroon sa mga Pureblood. Bihira lang din makasalamuha ang mga ‘to kaya magandang bagay ‘yon para sa ibang mga bampira na gusto ng koneksiyon sa mga ito. “Pumunta lang naman ako rito dahil kailangan. Pero mas gusto kitang titigan kesa manatili sa maingay na sayawan.” Hinila ni King si Anastacia sa braso at ikinulong ‘to sa bisig. Sumandal ‘to sa railing ng balkonahe. “Young Master, b-baka may makakita sa ‘tin.” Nahihiya si Anastacia pero naroon iyong kabog ng dibdib niya dahil nakulong siya sa mainit na yakap ng lalaking minamahal. “Ano naman? Karamihan naman sa bisita mga nagugustuhan nila ang dala nila.” “Pero bakit parang interesado naman ang karamihan do’n sa mga naggagandahang prinsesa?” nag-angat ng tin
ANASTACIA’S POV Apat na araw matapos naming pumunta sa kastilyo ay naging abala ang Young Master. Nasa physical examination siya nitong huling tatlong araw. Ngayon ay uuwi na siya kaya naman hindi ko mapigilang matuwa. Inayos ko pa ang uniporme ko at mas inayos ang pagkakatali ng buhok ko. Para ‘kong palaging hindi mapakali kapag alam kong parating na siya. “Anastacia, may ginagawa ka ba?” Napalingon ako sa pintuan. Si Mia ‘yon, isa sa servant. “Bakit?” tanong ko. “Wala pa rin kasi si Kaya, baka puwede mo kaming tulungan sa dinner? Marami rin kasing ibang ginagawa ‘yong iba. Pero kung may iba ka namang ginagawa ay tatawag na lang ako sa kabilang kuwarto.” “Hindi, okay lang naman. Maaga pa naman sa pagdating ni Young Master.” “Mabuti, salamat, Anastacia.” Lumabas ako ng silid para sundan si Mia. Sa kusina kami nagtungo. Lima lamang sila roon at kukulangin nga lalo at mabilisan ang gusto palagi ng m
Tuwing maaalala ko ang simula namin nang Young Master, hindi ko mapigilang mangiti. Ngayon, kasal na kami nang limang taon at paunlad na nang paunlad ang aming bayan. Reyna’t hari na kami at mas lumalawak pa ang lupain. Dahil sa yaman din ni King, madali sa ‘ming magpatayo nang mga kakailangan sa pagpapaunlad maging ang pabrika. Nagsimula na rin siyang kunin ang mga karatig isla na walang nananahan para lagyan ng mga laboratoryo. Malaking bagay na nasa amin ang poisoned-hill, dahil doon maraming dumarayo sa ‘ming turista iyon ay dahil na rin nakakulong na sa isang barrier ang mga makakamandag na hayop—safe na ang mga ito, napupuntahan pa ‘to para maging isang tourist attraction. Madalas mayroong mga antidote sa lason nang dala-dala dahil ‘di naman masasabing lahat ay naikulong na. Sa susunod, magiging malaki na rin kaming siyudad. Napakaganda nang palitan ng mga produkto at mayaman ang lupa rito para maging isang magandang lugar para sa agrikultura. Na
KingGumaling ako sa tulong ng iba’t ibang mediko. Maliban sa ‘king likuran na dadalhin ko na habang-buhay. Pero tinuruan ako ng Emperador kung paano ko makokontrol ang aking kakayahan lalo at hindi na ‘yon mapipigilan pa dahil nagkaroon na siya nang awakening.Hindi kami nakatira sa pamilya ko dahil inalagaan pa kami sa Zone 66.Si Anastacia, dito na rin nagsilang ng anak namin si ‘Darius at Remy’ na ngayon ay mag-iisang taong gulang na. Habang narito ako sa Zone 66 ay nabubuhay siya sa isla at naalagaan namang maigi. Mas pinili namin magkalayo para rin naman sa ikakabuti namin, nagkikita pa rin naman kami linggo-linggo.Marami akong natutunan sa Zone 66.Ang mga magulang ko naman ay nagpagawa na nga nang mansion sa lugar kung saan kami ang mamumuno ni Anastacia—ang twin hill of poisoned island, doon sila nakatira at paminsang doon namamalagi ang mag-ina ko.Nalaman din ni Kairus, ang purebl
Ilang linggo ring walang malay si King.Sa nakalipas na dalawang linggo ay naoperahan na rin ang tatlo nitong kapatid at ngayon ay nagpapahinga.Nagkaroon ng komplikasyon kay Dark pero kaagad din ‘yong naiayos dahil ang mismong humawak sa operasyon ay ang Emperador. Sabi ni Magareth kay Anastacia ay gusto talaga ‘yong tutukan ng Emperador.Si King, hindi pa ‘to sumasailalim sa operasyon dahil kailangan pa nitong magpalakas pagkagising.“Lumabas na ‘yong resulta ng dugo niya,” sabi ng doctor na babae.Iyon ang hinihintay nila.“Marami kaming pagsusuring ginawa pero wala kaming makitang lason sa katawan niya. Mukhang ang katawan niya talaga ay immune sa lason,” sabi nito.Nakahinga naman nang maluwag si Anastacia.“Marami lang siyang nakuhang pinsala at dahil nagpapahinga naman siya ay nakaka-recover siya. Mayroong din namang unique capability ang mga bampira for self-healing.
“Sa lahat ng pagkakataon, nakikilala mo ‘ko hindi ba?” tanong ni Anastacia.Naalala na ‘to ni King, hanggang noong mga bata sila hanggang ngayon. Malinaw na sa kanya ang lahat. Kahit paulit-ulit niya ‘tong nasasaktan, nabibigo, at hindi maaalala, hindi ‘to bumitiw sa kanya kahit minsan.”Hinawakan niya ang mukha ni Anastacia kaya nagulat ‘to.“Anastacia—“ bulong ni King.Nagulat si Anastacia at napangiti kasabay ng kanyang mga luha.Hinalikan ni King sa noo si Anastacia.“I love you.”Bumigay ang katawan nito at bumagsak. Kaagad ‘tong nasalo ni Anastacia.“King!” napasigaw si Rosanna.“Dalhin na kaagad natin siya sa mediko,” sabi ni Neo.“Sasama ako, puwede ba ‘kong sumama?” tanong ni Anastacia sa mag-asawa.“Paniguradong hahanapin ka rin niya kung wala ka,”
Mada’am, Bezarius,” nakangiti kaaagad si Edward. “Tapos na ‘kong magsukat para sa ‘yong unico hijo. Kung ano ang napag-usapan natin sa ibaba bago ‘ko umakyat ay iyon pa rin naman, maliban sa mas gusto ng Young Master ang kulay abo kesa kulay puti.”“Napakahilig niyan sa gray, hindi ko alam sa batang ‘yan,” napapailing si Rosanna.“Sukatan mo na rin si Anastacia,” nakangiting sabi ni King.“B-bakit?” tanong ni Anastacia.Hinila siya ng marahan ni King at dinala malapit kay Edward na napatingin sa ginang.Isang mananahi ng mga piling Royal Blood lang si Edward, hindi ito gagawa ng kasuotan ng isang alipin at mahal ang magiging singil nito at hindi mag-aaksaya si Rosanna para lamang sa isang alipin.“King, maid servant mo si Anastacia. Ang susuotin niya ay mula na lamang sa mga kasuotan na si Calixto na ang bahalang mamili.&r
“Anastacia talaga ang pangalan mo?” tanong niito sa kanya.Nagulat naman si Anastacia nang magsalita ‘to at kausapin siya.“Anastacia nga, Young Master. Pero p-puwede mo raw ‘yon baguhin sa gusto mo.”“Hmmm…” nag-isip ito habang pagalaw-galaw sa upuan nito. “Ano kaya kung itlog na lang ipangalan ko sa ‘yo?” ngumisi ‘to.“I-itlog?” natakot pa siya no’n dahil sa pangalan na gusto nito.“Oo, bakit? Hotdog ba gusto mo?” ngising-ngisi ‘to. “Tapos tatawagin kita, halika nga rito babaeng itlog!” Bigla ‘tong tumawa nang ubod lakas.Nag-init ang mga mata ni Anastacia, maya-maya pa ay umiiyak na siya.“Hala!” nagulat si King. “Joke lang ‘yon!” inabutan siya nito ng cookies nang tumayo ‘to para lapitan siya. “Ang iyakin mo naman, kainin mo na ‘to tapos &
“Young Master!” Pilit na pinipigilan ni Anastacia ‘to pero nakikipaglaban lang ‘to at halos lahat ay sinasaktan nito.Nagwawala na ‘to nang husto. Maging si Don Felipe na sinubukan ‘tong labanan ay napatalsik nito. Masyado ‘tong malakas na ‘di halos mapaniwalaan ni Anastacia.“Bitiwan mo siya! Huwag mo siyang hawakan!” sigaw nito.Mukhang ang nakikita ni King ay iba na sa nagaganap.Nagbagsakan ang mga luha ni Anastacia. Hindi na ‘to nakakakilala. Nagwawala ‘to at naglalabas ng mga magic circle, sinisira nito lahat habang muntikan na nitong mapaslang. Iniiwasan nila ‘to, kahit ano ring tawag niya ay hindi na siya nito naririnig. Nahila na rin siya ni Rosanna sa braso para ‘di na magpatuloy sa paglapit dito.“Anong nangyayari? Hanggang kailan siya magiging ganyan?!” umiiyak na tanong ni Anastacia.Hindi nakasagot ang mag-asawa. Lumuluha rin ang ina
“Nakita na namin siya!”Tila nagliwanag ang paligid ni Anastacia nang marinig ‘yon.“Palabas na kami, iuuwi namin kaagad siya,” anito.Hindi siya tumutol. “Mag-iingat kayo, kumusta po siya?”“Malala, sobrang lala, hindi ko alam kung aabot kami!” umiiyak ito.Parang nilamutak ang pakiramdam ni Anastacia sa kanyang puso.Nang makitang abala ang dalawa sa pagpana sa mga pumapana sakanila ay kaagad siyang humanap ng daanan pababa.Nakita niya na sa kalilingon ang mga barko nito. Gusto niyang mahawakan si King.Tumakbo siya dala ang pana at palaso.Iniiwasan niyang makipaglaban kaya hangga’t kaya niyang magtago sa mga puno at gilid-gilid ay ginagawa niya.Nagmamadali siya dahil baka maiwanan siya ng barko.Ipipilit niyang sumama sa mga ito.“Young Master…” Bagsakan nang bagsakan ang mga luha niya. Hindi niya
Madilim sa Dark Island, walang liwanag kahit galing sila sa liwanag. Marami na silang pagsabog na naririnig, marami na ring barko—malaki ang dark island pero mayroong specific place kung nasaan ang hinahanap nila. Nagulantang si Anastacia dahil patuloy ang mga pagsabog, mayroon na ring pagliliyab. Tumutunog din ang mga emergency alarm nang buong lugar.Nang huminto ang barko ay kaagad nang inatasan ni Neo ang sampung Knights, dalawa ang naiwanan sa kanya.“Huwag kang bababa, mapanganib,” bilin nito bago ‘to bumaba.Kabadong-kabado si Anastacia, malayo sa pinangyayarihan pa rin ng laban kung saan sila huminto. Nakakarinig lang siya ng mga pagsabog, tunog ng mga sandata, alarm. Marami ring umuulan na palaso pero hindi sila tinatamaan no’n kahit pa inaabot sila dahil sa shield barrier na ginawa ng isa niyang kasama sa barko.“Anastacia, Anastacia,” boses ‘yon sa ‘king isipan.Hi