“Pasensiya na, mada’am.” Napabuntong-hininga si Calixto dahil iyon na yata ang ikasampung tawag mula sa Royal Blood family.
“Is she mad?” tanong ni Rossana kay Calixto.
Naroon siya sa couch pero ipinasabi niya kay Calixto na wala siya roon.
“Mada’am, disappointed ang boses nila.”
Namasahe ni Rosanna ang ulo. Ang imbitado lamang pala sa party ay mga lalaking Royal blood. Kaya makapapasok lamang ang mga Royal blood na babae kung kapareha ito ng lalaking imbitado.
“Gusto nilang malaman kung sino ang magiging kapareha ng Young Master,” dagdag ni Calixto.
Wala itong isinagot na kapareha.
“Ezekiel and I talked about this.” Inikot ni Rosanna ang kopita ng bloodwine. “Kung lalaki lamang ang naimbitahan, it means malaki ang possibility na may Pureblood Princess ang hinahanapan nila ng kapareha. At ayokong magkaroon ng complication, rather than choosing a Royal Blood, mas gusto ko si King sa isang Pureblood Vampire princess.”
“Mistress, tama ang desisyon mo. Kung may isa kang Royal blood din na papaboran, maraming Royal blood family na hindi ‘yon magugustuhan lalo at parang nakapili ka na kaagad ng ipapareha sa Young Master. At kung sakali, mas mahihirapan kang bitiwan ang Royal Blood kung sakaling magkaroon ng interes ang isang Pureblood princess sa Young Master. At halos lahat ng kasama ay nabalitaan ko rin na mga servant ang kanilang napili.”
“Dahil nararamdaman nila na ang imbitasyon ng Pureblood ay namimili talaga sila ng fit na Royal Blood para maging asawa ng isang prinsesa. At kung hitsura ang usapin, Calixto, malakas ang dating ng aking anak kompara sa ibang Royal Blood. Kaya nga kompara sa iba, mas maraming natatanggap si King na marriage proposal.”
Tunay naman ‘yon. Alam ni Calixto kung gaano karaming pamilya ang may gusto sa Young Master nila, isama pa na kaya maraming may gusto rito ay dahil nasa upper level din in terms of power sa mga Royal Blood.
“Sinusukatan na rin ang Young Master sa kanyang dressing room. Gusto mo bang umakyat para mas mabigyang guidance mo ang gagawa ng kasuotan, Mistress?”
Tumayo si Rosanna at iniwanan ang kopita. Nagtungo siya sa dressing room ni King, katabi lamang iyon ng kuwarto nito at mayroon ding pintuan patungo sa kuwarto nito. Naabutan nila na tapos na ang pagsusukat kay King at nagpapaliwanag na si Edward, ang ipinadala para sumukat at manahi ng isusuot ni King.
“Mada’am, Bezarius,” nakangiti kaaagad si Edward. “Tapos na ‘kong magsukat para sa ‘yong unico hijo. Kung ano ang napag-usapan natin sa ibaba bago ‘ko umakyat ay iyon pa rin naman, maliban sa mas gusto ng Young Master ang kulay abo kesa kulay puti.”
“Napakahilig niyan sa gray, hindi ko alam sa batang ‘yan,” napapailing si Rosanna.
“Sukatan mo na rin si Anastacia,” nakangiting sabi ni King.
“B-bakit?” tanong ni Anastacia.
Hinila siya ng marahan ni King at dinala malapit kay Edward na napatingin sa ginang.
Isang mananahi ng mga piling Royal Blood lang si Edward, hindi ito gagawa ng kasuotan ng isang alipin at mahal ang magiging singil nito at hindi mag-aaksaya si Rosanna para lamang sa isang alipin.
“King, maid servant mo si Anastacia. Ang susuotin niya ay mula na lamang sa mga kasuotan na si Calixto na ang bahalang mamili.”
Nangunot ang noo ni King sa sinabi ng ina.
“Paano kami magkakapareho ng disenyo kung magkaiba ang gagawa?”halatang hindi ‘to kumbinsido.
“Narito na rin naman si Edward, sukatan na si—“
“King, uulitin ko, bahala na si Calixto. Isang alipin lang si Anastacia, hindi niya kailangan makisabay sa ‘yo. Alam mo kung gaano kamahal ang bayad sa gawa ni Edward. Bukod do’n, piling mga Royal Blood lamang ang ginagawan niya.” Nag-iinit ang ulo ni Rosanna pero pinipilit naman niyang kumalma kahit paano.
Kagabi lamang ay pinasakit na ng asawang si Ezekiel ang ulo dahil nagkatipo na naman ito sa isang alipin na ngayon ayon kay Calixto ay kasalukuyang may karamdaman. Kalalabas lamang din nito. Kaya sigurado si Rosanna na hindi pa umaabot sa ganoong punto si Anastacia at King dahil walang tao ang hindi nagkasakit sa pakikipagtalik sa isang bampira.
“Kung gano’n, hahanap na lang din ako sa labas ng isusuot.” Tiningnan ni King si Anastacia na nabigla. “Sa ibang boutique, may pareho para sa ‘tin.”
Nabigla naman si Edward.
“Young Master, ang kasuotan na hindi gawa ng isang katulad ko ay makasisira lamang sa ‘yo. Napakahalaga ng pupuntahan mo. Haharap ka sa isa sa mga Pureblood Vampire Princess, alam mo na ang una nilang titingnan ay ang iyong presentasyon.” Mahinahon ngunit may diin ang pagsasalita ni Edward.
“Tama, King. At sa tingin ko naman, alam ni Anastacia na hindi gugustuhin ni Anastacia na magsuot ng mamahaling kasuotan dahil napakalaking halaga ng bawat isang bato.”
Nakikita na ni Anastacia ang iritasyon ni King.
Kailangan niya ‘to kaagad kalmahin.
“Young Master, ‘wag kang mag-alala, narinig ko naman ang mga detalye. Pangako hahanap ako ng maaaring pumares sa kasuotan mo. Huwag ka na lamang magalit, tama rin ang Mistress na hindi ko gustong magsuot ng mamahaling kasuotan dahil baka hindi ko alam kung paano bayaran sakaling mawala kahit isa man lamang sa bato ng kasuotang ‘yon.”
Hindi na kumibo si King at hinila na si Anastacia sa pintuan na padaan sa silid nito. Maayos na rin ang pintuan sa kabila na nasira dahil sa galit nito. Basta pagkukumpuni, madali lamang ‘yon sa mga butlers.
“Kung hindi ka nagsalita paniguradong nagwala na naman ako. Pagdating sa ‘yo mabilis akong pag-initan ng ulo sa iba.”
Halata na kaagad ni Anastacia ang iritasyon nito.
Naroon ‘to sa gilid ng bukas na bintana at kuyom na kuyom ang palad.
Marahang nilapitan ‘to ni Anastacia.
“Kapag may sarili na ‘kong pera at yaman ibibili kita nang pinakamagandang kasuotan. Ihahanap kita ng sarili mong sastre. Hindi ko maipagmalaki sa ‘yo ang mayroon ako ngayon dahil lahat ‘yon ay sa magulang ko pa galing.”
Nangiti si Anastacia at marahan na tumabi kay King.
“Hindi ko gustong minamaliit ka, lalo na iyong tinatawag kang alipin. Nahihirapan akong magtimpi. Kung mauulit ‘to nang mauulit, baka lumabas na ang kademonyohan ko ng tuluyan.” Nagtatagis ang bagang na anito.
“Young Master, ang mga mata mo—“
Nabigla naman si King, hindi niya napansin na sa galit niya’y nagliliwanag ang ruby niyang mga mata.
“Young Master,” hinawakan ni Anastacia si King. Nabigla siya dahil mainit ang katawan nito. Nang muli siyang tumingala para tingnan ‘to doon nanlaki unti-unti ang mata ni Anastacia, lumalabas ang pangil nito.
“Lumabas ka na, baka nasa heat na ‘ko.” Marahan siyang itinulak ni King sa braso habang pilit nitong tinatakpan ang mata.
“Heat?” hindi maintindihan ni Anastacia, nag-aalala siya.
“Anastacia, baka kung anong magawa ko sa ‘yo. Lumabas ka na muna.”
“Pero Young Mas—“
“Lumabas ka na!” malakas na sigaw ni King.
Nagimbal si Anastacia. Maging si King ay nabigla sa naging tono.
“Hindi ko sinasadya,” hinawakan ni King sa braso si Anastacia.
“Young Master?” lalong nag-alala si Anastacia.
Napalunok si King nang makita ang maputing leeg ni Anastacia. Nanuyo ang kanyang lalamunan. Gusto niya ng dugo… dugo…
Hinawakan niya ‘to sa ulo at inilapit sa kanya. Nalalanghap niya ang sariwang dugo nito. Nag-iinit din ang buo niyang katawan. Gusto niyang itulak si Anastacia, ibabawan at kagatin sa iba’t ibang bahagi ‘to. Gusto niyang paulit-ulit inumin ang dugo nito.
Pero hindi puwede, bakit niya sasaktan si Anastacia?
“Young Master! Uhmmm!” Napaungol si Anastacia nang sugurin siya ni King at dilaan nito ang kanyang leeg. Nag-iwan ‘to ng maliliit at basang halik sa leeg niya. Natatakam pero pilit idinadaan sa pag-amoy lang at pagdampi ng halik.
Humapit din ang braso nito sa kanyang katawan. Imposibleng sa lakas nito ay makawala siya.
“Anastacia, I want your blood. Can I suck you?”
Nag-iiba ang boses nito, parang hinihingal. Tila rin nilalagnat ang buo nitong katawan.
Nabigla si Anastacia nang bigla siya nitong buhatin at wala pang tatlong segundo naibagsak siya nito sa kama.
“Young Master,” bahagyang kinabahan si Anastacia.
Iyong paglunok ni King, maging ang paghingal nito ay hindi pangkaraniwan. Isama pa ang pagpupula ng mga mata nito.
Panahon na ba ng pangangailangan nito ng dugo?
Nabigla si Anastacia nang sumara ng malakas ang bintana. Maging ang ilaw ay nagkaroon ng pagkakapatay-sindi. Hindi lang iyon, maging ang ilang babasaging kagamitan ay nagbagsakan dahil sa tila paglindol sa silid.
Paluhod ‘tong lumapit sa kanya sa kama.
Hindi na nakatutol si Anastacia nang halikan siya nito.
Nahihilo si Anastacia sa tila lumilindol na pakiramdam. Mas nawala pa siya sa sarili dahil sa paghalik nito na mapusok, lalo na ang dila nito. Napapaungol si Anastacia sa tindi nang pakiramdam na ipinadarama nito bigla sa kanya.
Nagitla si Anastacia nang marinig ang kasuotang napunit sa paghila nito.
Hinihingal na rin siya, ang halik nito, halik pa lang ‘yon pero parang nahawa na siya sa init ng katawan nito. Bakit pakiramdam niya’y lalagnatin siya?
**“Calixto!” Naalarma si Rosanna.
“Yes, Mistress!” Nagmamadali rin si Calixto.
Ipinahatid na ni Calixto sa isang butler na nasa labas ng pintuan si Edward.
Namasahe naman ni Rosanna ang ulo. Iyong pakiramdam na naramdaman niya, kay King ba ‘yon?
“Nasaan si King?” tanong ni Ezekiel na kadarating lang.
“Kasama niya si Anastacia sa silid,” ani Rosanna, nagpipilit kumalma.
Pareho nilang nasamyo sa hangin ang pheromones na estranghero sa kanilang paningin. Ibig sabihin, nasa heat na si King sa kauna-unahang pagkakataon bilang bampira.
“Kailangan mapalabas mo kaagad si Anastacia,” naroon ang pangamba sa boses ni Ezekiel.
“Hinahanap na ni Calixto ang gamot. Mahirap na, baka bigla niyang mapatay ang babaeng ‘yon. Ang lalaking bampira nga na wala sa heat halos ikinamamatay ng tao kung nakikipagtalik. Ano pa si King na nasa mismong heat! Mawawala siya sa sarili, hindi pa niya ‘yan kontrol!” Naaalarma si Rosanna, paniguradong hindi matatanggap ni King sakaling mapatay nito ang Maid-Servant nito.
Nabigla si Anastacia sa pagdiin sa kanya ni King sa kama. Hindi ‘to kailanman naging ganoon kaagresibo. “Young Master,” hinawakan niya ang mukha nito. Hindi man gusto ni Anastacia na matakot ay pinanginginigan siya at pinanlalamigan ng palad. Ang mga mata nitong pula ay naging mas matingkad, matapang, at kahit ang pangil nito’y kitang-kita niya ngayon ang katulisan. May paghingal ‘to, tila nagpipigil ng kung ano. “Young Master, ako ‘to, si A-Anastacia.” Hindi niya alam pero parang ‘di siya nito nakikilala. Napapaso si Anastacia sa init na inilalabas ng katawan nito. Tila ‘to lalagnatin samantalang hindi naman ‘to nagkakasakit kahit kailan. Hinalikan siya nito sa labi, halos dumugo ang labi ni Anastacia dahil pero nadadala siya ng sensuwal na halik nito lalo na ang paglilikot ng dila nito sa loob ng kanyang bibig. Ibang-iba ‘yon sa halik na kanilang pinagsasaluhan. Pero kusa ‘tong tumigil at tumungo sa kanyang balikat. Mabilis a
Nagimbal si King nang makita niyang nanghihina si Anastacia. Mula sa sahig kung saan huling may naganap sa kanila ay binuhat niya ‘to. Para siyang nabuhusan ng tubig bigla. Nanlalamig ang buo niyang katawan. Nanginginig maging ang kanyang palad na nang mailapag ‘to.Napakarami nitong natamong kagat mula sa kanya. At kung iisipin niyang mabuti, kahit may pagkakataong tumigil siya, kumalma, ay babalik din siya kaagad sa ‘di mapigilang pagnanasa sa dugo’t katawan nito. Paniguradong nasaktan niya ‘to nang husto.“Anastacia?”Abot-abot ang takot na nararamdaman ni King.Kahit nanghihina at bumabagsak na ang talukap ng mata, ngumiti si Anastacia at inabot ang mukha nito.“Maayos lang ako, Young Master. K-kailangan ko lang m-magpahinga.”“Sigurado ka ba?” puno ‘to nang pag-aalala. “Kailangan mo ng doctor—““Tumabi ka na lang muna
Chapter 12 Nagising si Anastacia na masakit pa rin ang bawat sulok ng kanyang katawan. “Mabuti naman at nagising ka na.” Boses ‘yon ni Kaya, kahit nanlalabo ‘to sa kanyang paningin saglit ay kilalang-kilala naman niya ‘to. “Kaya,” nangiti siya. Nag-aalala siya nang husto rito dahil bigla ‘tong hindi bumalik sa kanilang silid. Ang sabi lamang sa kanya ay may ipinagagawa rito ang Master Ezekiel nila. “Paano pala ‘ko nakarating dito?” Nabigla si Anastacia at napabangon. Napaigik siya sa sakit ng kanyang likuran. Nagtaka rin siya sa basang bimpo na bumagsak mula sa kanyang noo. “Huwag ka munang kumilos baka mabinat ka. Isang linggo ka ng walang malay.” Nag-aalala si Kaya dahil sa biglaan niyang pagkilos. “M-may nangyari sa ‘min ng Young Master?” Pagkokompirma ni Anastacia. Tumango si Kaya. “Hindi naman ‘yon nakapagtataka dahil palagi kayong magkasama. Ikaw ang kasama niya nang mag f
Hindi alam ni Anastacia kung ano ang magiging reaksiyon. Naroon ang kaba pero hindi niya gustong iatras ang mga binti. Nag-iinit ang kanyang mga mata dahil alam niyang naghihirap rin si King sa nararamdaman nito. At hindi ‘yon matapos-tapos dahil, marahil, iniisip nito siya. Tumayo ‘to sa kinatatayuan. Pulang-pula ang mga mata nito. Nakita niya kung paano ‘to lumunok. Marahan ang mga lakad nito, kung hindi lamang siya nakatingin dito ay hindi niya maririnig o malalaman man lamang na may presensiyang iba sa kanyang paligid. “Young Master. Nakikilala mo pa ba ‘ko?” tanong niya. Hindi ‘to kumibo. Mas mukhang hindi siya nito nakikilala at pagkain ang tingin nito sa kanya. Uhaw rin ‘to sa dugo, isa sa dahilan bakit ‘to lalong nagiging frustrated. Napalunok si Anastacia nang ilahad nito ang palad sa kanya. Hindi niya nakikita ang rekognisyon nito sa kanya kaya nag-aalala si Anastacia sa maaaring ikilos nito. Iba ang kulay ng
Nakangiti si Vince Villadiego habang inaabot ang kanyang sertipiko. Siya ang pinakabatang Vampire Hunter na nakapasok sa ‘Carolus Rex’. Labing-walong taong gulang pa lamang siya.Ang Carolus Rex ay iisa lamang sa mga samahan ng mga Vampire Hunter. Pero ito ang kinokonsidera ng gobyerno na pinakamapagkakatiwalaan. Isa pa, hindi lahat ng samahan ng mga Vampire Hunter ay para sa kabutihan ng sangkatauhan ang layunin, ang iba ay para lamang ibenta ang mga bampirang nahuhuli sa mga scientist o samahan na nag-aaral sa mga ‘to para sa mga nililikhang sandata laban sa mga ‘to.Nagpalakpakan ang nasa isangdaang bilang ng mga Vampire Hunter nang humarap siya sa mga ‘to. Tumungo siya.“Maraming salamat! Gagawin ko ang lahat para maubos ang mga bampira!”Lalong naghiyawan ang mga ‘to at nagpalakpakan.Nang makababa siya ay sinalubong siya kaagad ng mga Vampire Hunter na makakasama niya na. Isa siya sa sampung bag
“Alexandra and Alessia Bathory.” Sa ikatlong ulit ay sabi ng isang Maestra sa kambal na Alessia at Alexandra. Naroon sila sa hapagkainan para turuan ng tamang paggamit ng kubyertos at maging ang mga tamang kaasalan bilang isang Pureblood. “Simula ngayon, Bathory na ang gagamitin ninyong apelyido. Iyan ang apelyido na ibinigay sa inyo ng inyong ama. Kayong dalawa ay mga Pureblood kahit pa kayo ay kalahating tao. Gano’n pa man, hindi ninyo maaaring makuha ang apelyidong Elizabeta dahil para lamang ‘yon sa mga Pureblood na naging anak sa isang Pureblood. Pero maaari ‘yong makuha ng inyong anak kung ang magiging asawa ninyo ay isang Royal blood.” Hindi naiintindihan gaano ng dalawa ang mga pinagsasabi simula pa noong nakaraan ng kanilang Maestra. Pero si Alexandra, sa punto ng Elizabeta-Bathory ay medyo nauunawaan niya. Ang Pureblood Vampires ay mayroong dalawang apelyido, iyon ay ang ‘Elizabeta-Bathory’. Lalaki man o babae ang mula
Enggrande ang kasiyahan sa kastilyo. Pili ang mga naimbitahan at walang malinaw na kapaliwanagan bagaman mayroon ng iba’t ibang suspetsa ang bawat pamilya. Lahat ng naimbitihang kalalakihang Royal Blood ay may edad Labing-walo hanggang dalawampu’t lima. Nagsisimula ng dumating ang mga naimbitahan. May mga pinalad na dalaga dahil sa sila ang napiling kapareha ng mga imbitado. Samantala, sa silid ay magkasama ang magkapatid na Alessia at Alexandra Bathory. Pareho silang ubod ganda sa kasuotang itim na puno ng itim ring mga mamahaling bato. Lahat ‘yon ay madetalye at pinagpaguran ng limampung pribadong manggagawa ng kasuotan sa kastilyo. Ang kanilang buhok ay pinag-iba dahil sa magkamukhang-magkamukha sila. Si Alexandra ay nakalugay ang kalahating bahagi ng buhok habang napalalamutian ang tuktok niyon ng mga itim na perlas. Si Alessia naman ay buong buhok ang nakatali at napapalamutian din ng mga itim na mamahaling bato. Si Alexandra ang kaibahan lamang
“Bakit umalis tayo sa sayawan, Young Master? Hindi ba ikaw hahanapin sa loob?” tanong ni Anastacia. Dinala ni King si Anastacia sa bahagi ng balkonahe ng kastilyo. Walang katao-tao roon dahil nga pokus ang mga naroon sa mga Pureblood. Bihira lang din makasalamuha ang mga ‘to kaya magandang bagay ‘yon para sa ibang mga bampira na gusto ng koneksiyon sa mga ito. “Pumunta lang naman ako rito dahil kailangan. Pero mas gusto kitang titigan kesa manatili sa maingay na sayawan.” Hinila ni King si Anastacia sa braso at ikinulong ‘to sa bisig. Sumandal ‘to sa railing ng balkonahe. “Young Master, b-baka may makakita sa ‘tin.” Nahihiya si Anastacia pero naroon iyong kabog ng dibdib niya dahil nakulong siya sa mainit na yakap ng lalaking minamahal. “Ano naman? Karamihan naman sa bisita mga nagugustuhan nila ang dala nila.” “Pero bakit parang interesado naman ang karamihan do’n sa mga naggagandahang prinsesa?” nag-angat ng tin
Tuwing maaalala ko ang simula namin nang Young Master, hindi ko mapigilang mangiti. Ngayon, kasal na kami nang limang taon at paunlad na nang paunlad ang aming bayan. Reyna’t hari na kami at mas lumalawak pa ang lupain. Dahil sa yaman din ni King, madali sa ‘ming magpatayo nang mga kakailangan sa pagpapaunlad maging ang pabrika. Nagsimula na rin siyang kunin ang mga karatig isla na walang nananahan para lagyan ng mga laboratoryo. Malaking bagay na nasa amin ang poisoned-hill, dahil doon maraming dumarayo sa ‘ming turista iyon ay dahil na rin nakakulong na sa isang barrier ang mga makakamandag na hayop—safe na ang mga ito, napupuntahan pa ‘to para maging isang tourist attraction. Madalas mayroong mga antidote sa lason nang dala-dala dahil ‘di naman masasabing lahat ay naikulong na. Sa susunod, magiging malaki na rin kaming siyudad. Napakaganda nang palitan ng mga produkto at mayaman ang lupa rito para maging isang magandang lugar para sa agrikultura. Na
KingGumaling ako sa tulong ng iba’t ibang mediko. Maliban sa ‘king likuran na dadalhin ko na habang-buhay. Pero tinuruan ako ng Emperador kung paano ko makokontrol ang aking kakayahan lalo at hindi na ‘yon mapipigilan pa dahil nagkaroon na siya nang awakening.Hindi kami nakatira sa pamilya ko dahil inalagaan pa kami sa Zone 66.Si Anastacia, dito na rin nagsilang ng anak namin si ‘Darius at Remy’ na ngayon ay mag-iisang taong gulang na. Habang narito ako sa Zone 66 ay nabubuhay siya sa isla at naalagaan namang maigi. Mas pinili namin magkalayo para rin naman sa ikakabuti namin, nagkikita pa rin naman kami linggo-linggo.Marami akong natutunan sa Zone 66.Ang mga magulang ko naman ay nagpagawa na nga nang mansion sa lugar kung saan kami ang mamumuno ni Anastacia—ang twin hill of poisoned island, doon sila nakatira at paminsang doon namamalagi ang mag-ina ko.Nalaman din ni Kairus, ang purebl
Ilang linggo ring walang malay si King.Sa nakalipas na dalawang linggo ay naoperahan na rin ang tatlo nitong kapatid at ngayon ay nagpapahinga.Nagkaroon ng komplikasyon kay Dark pero kaagad din ‘yong naiayos dahil ang mismong humawak sa operasyon ay ang Emperador. Sabi ni Magareth kay Anastacia ay gusto talaga ‘yong tutukan ng Emperador.Si King, hindi pa ‘to sumasailalim sa operasyon dahil kailangan pa nitong magpalakas pagkagising.“Lumabas na ‘yong resulta ng dugo niya,” sabi ng doctor na babae.Iyon ang hinihintay nila.“Marami kaming pagsusuring ginawa pero wala kaming makitang lason sa katawan niya. Mukhang ang katawan niya talaga ay immune sa lason,” sabi nito.Nakahinga naman nang maluwag si Anastacia.“Marami lang siyang nakuhang pinsala at dahil nagpapahinga naman siya ay nakaka-recover siya. Mayroong din namang unique capability ang mga bampira for self-healing.
“Sa lahat ng pagkakataon, nakikilala mo ‘ko hindi ba?” tanong ni Anastacia.Naalala na ‘to ni King, hanggang noong mga bata sila hanggang ngayon. Malinaw na sa kanya ang lahat. Kahit paulit-ulit niya ‘tong nasasaktan, nabibigo, at hindi maaalala, hindi ‘to bumitiw sa kanya kahit minsan.”Hinawakan niya ang mukha ni Anastacia kaya nagulat ‘to.“Anastacia—“ bulong ni King.Nagulat si Anastacia at napangiti kasabay ng kanyang mga luha.Hinalikan ni King sa noo si Anastacia.“I love you.”Bumigay ang katawan nito at bumagsak. Kaagad ‘tong nasalo ni Anastacia.“King!” napasigaw si Rosanna.“Dalhin na kaagad natin siya sa mediko,” sabi ni Neo.“Sasama ako, puwede ba ‘kong sumama?” tanong ni Anastacia sa mag-asawa.“Paniguradong hahanapin ka rin niya kung wala ka,”
Mada’am, Bezarius,” nakangiti kaaagad si Edward. “Tapos na ‘kong magsukat para sa ‘yong unico hijo. Kung ano ang napag-usapan natin sa ibaba bago ‘ko umakyat ay iyon pa rin naman, maliban sa mas gusto ng Young Master ang kulay abo kesa kulay puti.”“Napakahilig niyan sa gray, hindi ko alam sa batang ‘yan,” napapailing si Rosanna.“Sukatan mo na rin si Anastacia,” nakangiting sabi ni King.“B-bakit?” tanong ni Anastacia.Hinila siya ng marahan ni King at dinala malapit kay Edward na napatingin sa ginang.Isang mananahi ng mga piling Royal Blood lang si Edward, hindi ito gagawa ng kasuotan ng isang alipin at mahal ang magiging singil nito at hindi mag-aaksaya si Rosanna para lamang sa isang alipin.“King, maid servant mo si Anastacia. Ang susuotin niya ay mula na lamang sa mga kasuotan na si Calixto na ang bahalang mamili.&r
“Anastacia talaga ang pangalan mo?” tanong niito sa kanya.Nagulat naman si Anastacia nang magsalita ‘to at kausapin siya.“Anastacia nga, Young Master. Pero p-puwede mo raw ‘yon baguhin sa gusto mo.”“Hmmm…” nag-isip ito habang pagalaw-galaw sa upuan nito. “Ano kaya kung itlog na lang ipangalan ko sa ‘yo?” ngumisi ‘to.“I-itlog?” natakot pa siya no’n dahil sa pangalan na gusto nito.“Oo, bakit? Hotdog ba gusto mo?” ngising-ngisi ‘to. “Tapos tatawagin kita, halika nga rito babaeng itlog!” Bigla ‘tong tumawa nang ubod lakas.Nag-init ang mga mata ni Anastacia, maya-maya pa ay umiiyak na siya.“Hala!” nagulat si King. “Joke lang ‘yon!” inabutan siya nito ng cookies nang tumayo ‘to para lapitan siya. “Ang iyakin mo naman, kainin mo na ‘to tapos &
“Young Master!” Pilit na pinipigilan ni Anastacia ‘to pero nakikipaglaban lang ‘to at halos lahat ay sinasaktan nito.Nagwawala na ‘to nang husto. Maging si Don Felipe na sinubukan ‘tong labanan ay napatalsik nito. Masyado ‘tong malakas na ‘di halos mapaniwalaan ni Anastacia.“Bitiwan mo siya! Huwag mo siyang hawakan!” sigaw nito.Mukhang ang nakikita ni King ay iba na sa nagaganap.Nagbagsakan ang mga luha ni Anastacia. Hindi na ‘to nakakakilala. Nagwawala ‘to at naglalabas ng mga magic circle, sinisira nito lahat habang muntikan na nitong mapaslang. Iniiwasan nila ‘to, kahit ano ring tawag niya ay hindi na siya nito naririnig. Nahila na rin siya ni Rosanna sa braso para ‘di na magpatuloy sa paglapit dito.“Anong nangyayari? Hanggang kailan siya magiging ganyan?!” umiiyak na tanong ni Anastacia.Hindi nakasagot ang mag-asawa. Lumuluha rin ang ina
“Nakita na namin siya!”Tila nagliwanag ang paligid ni Anastacia nang marinig ‘yon.“Palabas na kami, iuuwi namin kaagad siya,” anito.Hindi siya tumutol. “Mag-iingat kayo, kumusta po siya?”“Malala, sobrang lala, hindi ko alam kung aabot kami!” umiiyak ito.Parang nilamutak ang pakiramdam ni Anastacia sa kanyang puso.Nang makitang abala ang dalawa sa pagpana sa mga pumapana sakanila ay kaagad siyang humanap ng daanan pababa.Nakita niya na sa kalilingon ang mga barko nito. Gusto niyang mahawakan si King.Tumakbo siya dala ang pana at palaso.Iniiwasan niyang makipaglaban kaya hangga’t kaya niyang magtago sa mga puno at gilid-gilid ay ginagawa niya.Nagmamadali siya dahil baka maiwanan siya ng barko.Ipipilit niyang sumama sa mga ito.“Young Master…” Bagsakan nang bagsakan ang mga luha niya. Hindi niya
Madilim sa Dark Island, walang liwanag kahit galing sila sa liwanag. Marami na silang pagsabog na naririnig, marami na ring barko—malaki ang dark island pero mayroong specific place kung nasaan ang hinahanap nila. Nagulantang si Anastacia dahil patuloy ang mga pagsabog, mayroon na ring pagliliyab. Tumutunog din ang mga emergency alarm nang buong lugar.Nang huminto ang barko ay kaagad nang inatasan ni Neo ang sampung Knights, dalawa ang naiwanan sa kanya.“Huwag kang bababa, mapanganib,” bilin nito bago ‘to bumaba.Kabadong-kabado si Anastacia, malayo sa pinangyayarihan pa rin ng laban kung saan sila huminto. Nakakarinig lang siya ng mga pagsabog, tunog ng mga sandata, alarm. Marami ring umuulan na palaso pero hindi sila tinatamaan no’n kahit pa inaabot sila dahil sa shield barrier na ginawa ng isa niyang kasama sa barko.“Anastacia, Anastacia,” boses ‘yon sa ‘king isipan.Hi