Share

The Untold Heirs of the Billionaire
The Untold Heirs of the Billionaire
Author: Athena Jade

Chapter 1

“Sigurado ka ba dito, Dwaine?! Nasa mansyon tayo ng lolo mo! Baka mahuli niya tayo. Tsaka isa pa, ikakasal ka na bukas. Paniguradong masasaktan ang bride mo kapag nalaman niya na nakipag-séx ang groom niya sa ibang babae isang araw bago ang kasal niya.” 

“I don’t care, Lilia! Ikaw naman talaga ang mahal ko, ‘di ba?” 

Umibabaw si Dwaine kay Lilia at sinimulang halikan ang bandang ilalim ng tainga nito.

“Dwaine, stop… mali ‘to!” hinawakan ni Lilia ang magkabilang braso ni Dwaine at sinubukan niya itong itulak palayo sa kanya. “Just give your fúcking manhood to your wife tomorrow.”

“Ayaw mo ba? Ayaw mo ba sa akin?” Mataas na ang boses na turan ni Dwaine. Nasa ibabaw pa rin siya ni Lilia pero noong sandaling iyon, ang magkabila niyang kamay ay nakatuon sa kama at naka-pushup position habang nasa ilalim niya ito.

Hindi kaagad nakasagot si Lilia. Gusto niya si Dwaine. Gustong-gusto niya ito pero alam niyang hindi niya pwedeng gustuhin ang lalaking nasa ibabaw niya ngayon dahil nakatakda na itong ikasal sa iba. 

“Lilia, sabihin mo lang na gusto mo ako at itutuloy ko itong binabalak ko.”

Pumikit si Lilia. Lahat ng magagandang alaala nila ni Dwaine ay pumasok sa isip niya. “Mahal na mahal kita—”

Wala nang inaksayang oras si Dwaine. Matapos niyang marinig ang salitang kanina pa niya hinihintay ay sinimulan na niyang romansáhin si Lilia. Mariin niya itong hinalikan sa labi pababa sa leeg nito.

“Shít!” úngol ni Lilia. 

Iyon pa lamang ang unang beses na gagawin nila iyon dahil kapwa sila walang karanasan.

Ang malambot at mapulang labi ni Dwaine ay unti-unting bumaba sa dibdib ni Lilia, kasabay sa pagtanggal nito sa butones ng blouse na suot ng kanyang nobya. Ilang sandali pa, ang malaking hinaharap ni Lilia ay kumawala na mula sa suot nitong push-up bra na nasa unahan ang lock. 

“Angkinin mo ako, Dwaine! Sa’yong-sa’yo ako…” napapahalinghing na si Lilia. Kasalukuyan ng nakabuka ang magkabilang hita niya at naka-chest up kaya naman litaw na litaw ang hubog ng kanyang katawan. 

Wala ng inaksayang oras si Dwaine. Mabilis n’yang sinunggaban ang gitna ng malusog na dibdib ni Lilia at pinaglaruan ang dalawang bantay sa matayog na mga bundok nito. 

“Hmmm—”

Mula sa gitna patungo sa magkabilang súsó ni Lilia. Ilang minuto niya itong walang sawang pinaglaruan sa loob ng kaniyang bibig hanggang sa ang matamis niyang halik ay unti-unting bumaba mula sa sikmura patungo sa puson.

“I want to make love with you, Lilia! Mahal kita. Ikaw lang ang gusto kong pakasalan. Ikaw lang—” bulong ni Dwaine saka niya dahan-dahang ibinaba ang suot na skirt ni Lilia. “Sa ‘yo ko gustong magpa-angkin. Sa ‘yo lang.”

Ramdam na ni Lilia na nag-iinit na ang kanyang katawan kaya hindi niya maiwasang sabunutan si Dwaine dahil sa gigil. Aminado siyang nasasárápan siya sa ginagawa nito kahit pa alam niyang ito’y mali kaya hindi niya ito magawang mapigilan.

Tuluyan ng natanggal ni Dwaine ang lahat ng telang nakasuot kay Lilia. Huhubarin na sana niya ang kanyang pantalon ng binulabog sila ng sunod-sunod na malakas na katok sa pinto. 

“Shít! Istorbo—” ismid ni Dwaine. Agad siyang bumangon at hinigpitan ang suot niyang sinturon. 

“I told you, love! Baka mahuli tayo.” Hinablot ni Lilia ang kumot at itinaklob ito sa kanyang katawan. Tumayo na rin siya para isa-isang pulutin ang kanyang mga saplot na kanina’y tinatanggal ni Dwaine. 

“Bakit ba takot na takot ka?! Hindi ba’t tayo naman talaga ang tunay na nagmamahalan? Ikaw naman talaga at ako ang dapat magpapakasal at hindi ‘yong kung sinong babaeng pinulot ni lolo sa kung saan.” Napaupo si Dwaine sa kama dahil sa sobrang inis. Hinilot niya rin ang kanan niyang sintido dahil pakiramdam niya ay puputok sa galit ang kanyang ulo.

“Sa tingin mo ba ay hindi ako nasasaktan sa tuwing naiisip ko na ‘yong lalaking pinakamamahal ko ay magpapakasal sa iba? Dwaine, hindi ko ‘to ginusto. Nagmakaawa na ako sa lolo mo pero wala! Hindi niya ako pinakinggan.”

Nagtatalo na sina Dwaine at Lilia ng muli nilang marinig ang malakas na katok sa pinto na may kasabay ng hiyaw.

“Ruston Dwaine Palacios, open this God dámn door or else… sisirain ko ‘to.” Sigaw ni Don Gregorio—ang lolo ni Dwaine.

Malalim na bumuntong hininga si Lilia. Buti na lang at tapos na siyang magbihis. “Sige na, Dwaine. Buksan mo na ‘yong pinto. Aalis na rin ako.”

“P-pero, Lilia—”

“Dwaine, ano ba?! Open this door.”

Inis na inikot ni Dwaine ang kanyang mga mata. Saka padabog na naglakad palapit sa pintuan para buksan ito.

Ilang sandali matapos buksan ni Dwaine ang pintuan, malakas na suntok ang sinalubong sa kanya ng kaniyang Lolo Gregorio. Nagngingitngit sa galit at nakakuyom pa kamao.

“Tárantádó ka talagang bata ka. Talagang dinala mo pa rin ‘yang babaeng iyan dito? Ikakasal ka na bukas, Dwaine! Ngayon ka pa gumawa ng kasalanan?!” Dinuro-duro ni Don Gregorio ang kanyang apo bago niya tingnan ng masama ang babaeng kasama nito. “Ikaw naman, Lilia, hindi ba’t napag-usapan na natin ‘to? Tinanggap kong maging kasosyo ang mga magulang mo sa negosyo kahit na ni singkong duling ay wala naman kayong inabot sa akin. Pumirma ka pa bilang katibayan na pumapayag kang bitawan ang apo ko para isalba mula sa pagkalugi ang kompanya niyo tapos ganito ang igaganti mo?”

Tumungo si Lilia. Halos gustuhin niyang lumuhod sa harap ng matanda. “Patawarin niyo po ako, Don Gregorio. Hindi ko lang po mapigilan ang sarili ko. Hindi naman po ganun kadali na kalimutan na lang ang nararamdaman ko para sa apo ninyo.”

“Nangako ka sa akin. Hindi ba’t tinanggap mo pa ang ticket na binigay ko papunta sa Los Angeles?” 

“B-bukas pa po ang flight ko—”

“Kung gano’n, umalis ka na! Para naman may oras ka pa para makapag-impake at makapag pahinga.”

Tumikhim si Lilia. Tumungo siya’t naglakad na palabas ng kwarto ni Dwaine ng hindi man lang nagpaalam dito. Hahabulin pa sana siya ni Dwaine ngunit hindi ito hinayaan ni Don Gregorio.

“Subukan mo siyang habulin. Kapag sinuway mo ako, Dwaine, itatakwil kita. Wala kang makukuha muna sa akin.” 

Walang nagawa si Dwaine kung hindi ang ikuyom ang kanyang mga kamay. Nang tumalikod ang kanyang lolo, padabog niyang sinarado ang pintuan ng kwarto niya. Pinagsusuntok niya ang pader at ibinuhos lahat ng galit niya hangga’t sa magdugo at mamanhid ang kanyang mga kamay.

Nang mahimasmasan, naisipan ni Dwaine na lumabas muna sa swimming pool area upang magpalamig ngunit nang marating niya ang nasabing lugar, isang pamilyar na mukha ang nakita niyang nakaupo sa sunlounger.

“Alianna Jade Sebastiano—the crazy fangirl of mine. What are you doing here?” Dwaine asked while crossing his arms.

Agad na napatayo si Alianna nang marinig ang boses ni Dwaine. “D-Dwaine—”

“This is a Palacios territory, anong ginagawa mo dito?”

“May business meeting si daddy dito kasama si Don Gregorio.”

“Business meeting, so it means mayaman din pala kayo?!”

Tumango si Alianna bilang tugon.

“Mayaman naman pala kayo. Bakit hindi ka na lang bumili ng sarili mong mundo para hindi mo na ako ginugulo?”

Hindi sumagot si Alianna. Tumungo lamang siya dahil sa kahihiyan.

“Umalis ka na nga. Panira ka lang ng araw!”

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Docky
Mukhang si Alianna ang magiging asawa ni Dwaine
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status