Chapter: Chapter 87“Kailangan kong mag-isip ng paraan para hindi mangyari ang nais ni lolo. Lahat ng gusto niya, sinunod ko. Ngayon lang ako tututol dahil ayokong sirain ni Lilia muli ang buhay ko.”Bumuntong hininga ng napagkalalim si Dwaine. Nakabalik na siya sa constructed building na inaasikaso niya dahil iniwan niya na ang matanda sa opisina nito upang maiwasan ang pagtatalo.Habang nakaupo sa swivel chair, bigla siyang nakaisip ng ideya. Kinuha niya ang cellphone niyang nakapatong sa lamesa at saka nag-dial ng numero mula sa kanyang phonebook.[“Hello?”]“May I speak to Mr. Harrison Sebastiano?” [“Yes, speaking…who’s this?”]Tumikhim si Dwaine bago sumagot. “S-si Dwaine ‘to, Harrison. Napatawag ako kasi gusto sana kitang makausap. Kung available ka ngayon, pwede ba tayong magkita kahit saglit lang?”[“Ang random ng pagtawag mo. Ni hindi ko in-expect na alam mo pala ang office number ko, but anyways…what do you want to talk about? Is it about business? Tungkol ba sa partnership between the Sebasti
Last Updated: 2025-03-06
Chapter: Chapter 86“Hinding-hindi ko pakakasalan ang babaeng ‘yon, lolo. NEVER!” “No, Dwaine. You have no choice but to marry her. Ano na lang ang sasabihin ng mga tao kapag nalaman nila na bunga ng pagtataksil ang anak mo? Gusto mo bang makulit na naman ang nangyari, thirty years ago?” Hinilot ng matanda ang sintido niya matapos niyang sabihin iyon.Umawang ang gilid ng labi ni Dwaine dahil sa tinuran ng matanda. “A-ano’ng ibig mong sabihin, lolo? A-ano bang nangyari thirty years ago?”Tinitigan ng matanda ang apo niya. Habang nakatingin siya sa mga mata nito, pinag-iisipan niya kung dapat na ba niyang sabihin ang isa sa pinaka tatago-tago niyang lihim mula pa noong hindi pa ito pinapanganak.“Lolo, ano pong totoo? Sabihin niyo na po, total ay mabanggit niyo na rin naman sa akin. Huwag niyo na po akong bitinin.”Tumikhim ang matanda. Bumwelo ito bago nagsimulang magkwento. “Fine! I’ll tell you the truth, but promise me… you won’t judge me.Ginawa ko ‘yong desisyon na ‘yon para sa’yo at para sa kompanya
Last Updated: 2025-02-19
Chapter: Chapter 85Sunod-sunod na katok ang bumasag sa tahimik na sesyon ni Don Gregorio. Kasalukuyan kasi niyang ine-enjoy ang mainit niyang tsaa habang nakatitig sa screen ng monitor sa computer na nasa kanyang opisina.“I’m so proud of my people. Napanatili nilang mataas ang sales ng third quarter ngayong taon.”Pagkahigop ni Don Gregorio sa kanyang tsaa, muli niyang narinig ang katok. “Ano bang kailangan ninyo?!” sigaw ni Don Gregorio. Binaba niya ang tasa na hawak niya, at tsaka binaling ang tingin sa pinto. Nang bumukas iyon, niluwa nito ang kanyang sekretarya. “What do you need, Sandy?! Haven’t I told you to let me enjoy my session?! Can’t you see I’m drinking my favorite tea? You know it’s my daily routine.”“I know, Don Gregorio, but your personal bodyguard is here. He wants to talk to you. He said it’s an important matter.”“Fine! Let him in—”Tumango si Sandy, saka niya tinawag mula sa labas si Joven. Pagpasok nito, sinampolan kaagad siya ng kasungitan ng matanda. “Ano’ng ginagawa mo dit
Last Updated: 2024-12-08
Chapter: Chapter 84“In fairness dito sa bunso ni Alianna ha! Ang gwapo. Ang sarap halik-halikan.”Iritableng inikot ni Lilia ang mga mata niya. “Pwede ba, Riyanna… tigilan mo na nga ang pagpuri-puri mo sa batang ‘yan. Matalino ang batang ‘yan. Kapag na-adopt niya ‘yang mga sinasabi mo… masisira ang mga plano ko. Tigil-tigilan mo na ‘yan ha! Baka mabugbóg ko pa ‘yan.”“Kumalma ka nga! Pati ba naman bata ay papatulan mo pa. Ang bait-bait kaya nitong si Caspian oh. Ang behave pa.”“Hay nako. Wala akong pakialam kahit ano pang ugali ng batang ‘yan. Idi-dispose ko lang din naman ‘yan kapag nakuha ko na ang gusto ko.” Nilapitan ng kaunti ni Riyanna si Caspian qReid. Tinakpan niya ang magkabilang tainga nito bago magsalita. “Ikaw, grabe ka magsalita dito sa bata. Inosente ‘to at walang kinalaman sa history niyo ng mga magulang niya, kaya huwag mo siyang idamay. Ginamit mo na nga siya sa plano mo, tapos ayaw mo pa siyang itrato ng maayos.”“Pwede ba, Riyanna… huwag mo na nga akong pangaralan. Kahit ano pang sa
Last Updated: 2024-12-07
Chapter: Chapter 83“What happened to my parents?”Diretso ang tingin ni Lilia sa kaibigang biglang binanggit ang mga magulang niya.“Nakausap mo na ba sila?!” Muli pang tanong ni Riyanna. Umiling si Lilia. “I haven’t seen them for years. Mula nang makipag-live in ako kay Blake, hindi na ako umuwi sa amin. Palagi lang kaming magka-videocall ni mommy. I didn’t even mention my pregnancy to her. Magugulat na lang siya kapag nabalitaan niya na meron akong anak.”“Too late, Lilia! She already knew the truth. They knew the truth rather.”Nanlaki ang mga mata ni Lilia dahil sa isiniwalat ng kaibigan. “ANO?! Paano nangyari ‘yon? Sinabi mo ba sa kanila?” Umiling si Riyanna. “No! Blake did it for you.” “Bwísét na Blake talaga ‘yan. Inunahan pa ako sa sarili kong mga magulang. Alam mo, nagsisisi talaga ako na pinatulan ko ‘yang kapatid ni Alianna eh. Pareho silang panira sa buhay ko.” “Hindi mo naman masisisi si Blake. Mabaliw-baliw ‘yon kakahanap sa ‘yo. Halos suyodin na niya ang buong pilipinas mahanap ka lan
Last Updated: 2024-12-05
Chapter: Chapter 82“Open this fúcking door—”Nabulabog ang masarap at payapang tulog ni Riyanna nang makarinig siya sa ng sunod-sunod na malakas na katok mula sa pintuan ng condo niya. Ang ganda pa naman ng pagkakahiga niya sa bago niyang sofa ngunit bubulabugin lamang siya ng kung sino.“Sino ba ‘yan?! Agang-aga naman!” Tumayo na si Riyanna. Kahit gulo-gulo pa ang buhok niya’y dumiretso na siya sa pintuan para buksan iyon.Mariing hinawakan ni Riyanna ang doorknob. Pagpihit niya, agad niya itong binuksan. Pagbukas niya, ilang sandaling nanigas ang katawan niya dahil sa gulat.“Oh, ano’ng nangyari sa ‘yo? Bakit parang bigla kang nakakita ng multo?”“What are you doing here, Lilia? After more than two years of ghosting everyone… you still have the audacity to show your face here?” Riyanna said while raising one of her eyebrows. “You know what… I still can’t forget how you hurt me even though I’m just telling the truth.”“Blah… blah… blah…” ani Lilia sabay ikot ng magkabila niyang mata. “It’s been two yea
Last Updated: 2024-12-04
Chapter: Chapter 5: Not a Mistake“You know, you don't have to bring all of your clothes. Pwede naman kitang ibili sa mall,” mapreskong sambit ni Ian habang pinapasok sa compartment ang bagahe ng asawa.“Di na kailangan. Baka bilhan mo pa ako ng mga damit na kita na ang kaluluwa,” pabirong sagot naman ni Hestia.Napatingin tuloy sa kaniya si Ian mula ulo hanggang paa. Aaminin niyang maganda ang katawan ng asawa. Mukhang hindi siya mahihirapang bihisan ito pagharap nila kay Dreonie at Lucio.Sa katunayan, ito ang tunay na dahilan kung bakit niya sinundo ang asawa. Bagama't hindi pa sa ngayon, mas maigi nang maihanda na si Hestia. Pagkatapos ni Ian sa mga bagahe, nauna siyang pumasok sa kotse nang hindi man lang pinagbubuksan ng pinto ang asawa.Umiirap na naglitanya si Hestia sa labas. “Parang ayaw mo man lang yata magalusan ang kamay mo. Di bale, mas makalyo pala ang akin, ako na lang.”Rinig na rinig ni Ian ang pagrereklamo, kaya imbes na sumagot, awtomatiko nitong binuksan ang pinto muna sa loob. Napatahimik nito si
Last Updated: 2025-01-22
Chapter: Chapter 4: Mrs. EscaleraKumaripas ng takbo sa labas ng balkonahe si Hestia. Kahit hindi siya lumabas ng gate, tanaw na tanaw ang itim na kotse ni Ian. Nakasandal din doon ang asawa habang hawak ang cellphone.Mukhang mauudlot ang mga pansariling plano ni Hestia dahil sa pagiging mainipin ni Ian. Napaisip tuloy siya kung sino ba sa kanila ang nagmamadali. Kahit nagdadalawang-isip pa kung sasama, buong tapang na pumasok ulit si Hestia para kunin ang mga gamit.Nakapag-empake na siya simula kahapon dahil plano niya na rin talagang magpakasal kung sakaling magkasundo sila ng lalaking ka-date niya.Pagbalik ni Hestia sa loob, galit na nag-utos kaagad ang Tiyahin. Kahit kailan wala talaga ito sa tiyempo.“Ba’t kanina ka pa aligaga riyan? Diba pinahuhugasan ko ang mga pinggan sayo?”Naiiritang binalingan ni Sabel ang cellphone ng pamangkin. Magrereply kasi sana si Hestia sa asawa na mag-antay muna, pero bigla itong kinuha ng Tiyahin.Naiinis niya itong hinawakan ng mahigpit at saka ihinagis. Sa sobrang lakas ng pag
Last Updated: 2025-01-22
Chapter: Chapter 3: Oops... Wrong Date!Pagkababa ni Hestia sa e-bike, binitbit niya kaagad ang nabiling orange sa daan. Paborito kasi ito ng pinsan at pamangkin niya. Kahit medyo may kaliitan ang sweldo, hindi siya naging madamot sa kanila. Sayang nga lang, at hindi ito makita ng Tiyahin niya.Pagpasok niya pa lang sa pinto, matalim kaagad siyang tiningnan ni Sabel. Ang dalawang kilay niya halos magkasalubong na, at kahit hindi pa siya nagsasalita, alam ni Hestia na naiinis ito.Buti na lang at dumating kasabay niya ang pinsang si Hannah kasama ang anak natutulog nang mahimbing sa kaniyang braso.“Wow! Saan mo ‘yan nabili? Yung huli kasi medyo matabang at maasim. Dapat siguro binalik natin ‘yon,” masiglang sambit ni Hannah.Ngumiti lang ng payak sa kaniya ang pinsan. Imbes na sumagot pa si Hestia, pinulot niya na lang isa-isa ang mga laruang nagkalat sa sahig. Simula kasi ng lumaki ang pamangkin niya, parating nakakatusok o di kaya pinagsisimulan ng aksidente ang mga laruang hindi niligpit.Nang malapit nang matapos si Hes
Last Updated: 2025-01-22
Chapter: Chapter 2: Unexpectedly a BillionaireMariing pumikit si Hestia saka ngumiti. “Ano pa bang mawawala sa akin? Hindi ako mayaman, at wala ring impluwensya ang pamilya ko. Buo na ang desisyon ko, pipirma ako sa marriage contract.”“That settles it then, you'll officially be married to me, Mrs. Escalera…” turan ni Ian.Sa lamig ng boses nito, nanigas si Hestia. Nakaramdam din siya ng kakaibang sensasyon sa tiyan, parang mga paru-parong nagsisipag-liparan sa loob ng sikmura niya. Naunang pumirma si Ian, sumunod naman siya. Buong kumpiyansa si Hestia na nagsulat ng pangalan at gumuhit ng pirma kahit hindi tinitingnan ang papel. Nang tapos na ito, napansin niyang iba ang nakasulat na pangalan sa marriage contract mula sa pagpapakilala sa kaniya ni Ian.Pagkabasa nito sa buong pangalan ng asawa, napakunot ang kaniyang noo. “Lucian Escalera? Akala ko ba Ian ang pangalan mo?”“Did I forget to mention my real name? My bad,” natatawang sagot ni Ian.“Ano pang hindi mo sinasabi sa akin?” naiinis na dagdag ni Hestia.Taas kilay naman s
Last Updated: 2025-01-22
Chapter: Chapter 1: Hasty MarriageHuminga ng malalim si Hestia bago naglakad papasok sa venue ng blind date. Pagbukas pa lang ng pinto, amoy na amoy na kaagad ang mamahaling kape at inumin sa café, gayundin ang mga pastries at iba pang produktong binebenta sa cafe na iyon ay amoy na amoy na sa labas pa lang. Sa bawat hakbang ni Hestia, paulit-ulit na tumuturan ang galit na si Sabel. “Palamunin ka pa rin hanggang ngayon! Wala ka talagang kwenta! Kaya wala sigurong gusto magpakasal sayo dahil makupad ka at mahina mag-isip, tsk!” Unti-unting namumuo ang luha sa paligid ng kaniyang mga mata. Sanay na sanay na si Hestia sa masasakit na salitang parating binubuntol sa kaniya ng Tiyahin. Saulado na nga niya ang mga linyahan nito. Grabe siya kung pagmalupitan ng tiyahin kaya nga siya mismo narito para matakasan ang mapang-abuso niyang “pamilya”. Ang matalim na tunog ng takong ni Hestia ay nagpalingon sa marami. Kuhang-kuha niya ang atensyon ng mga tao sa loob ng nasabing café na iyon. Dahil sa balingkinitan niyang katawan,
Last Updated: 2025-01-22