Huminga ng malalim si Hestia bago naglakad papasok sa venue ng blind date. Pagbukas pa lang ng pinto, amoy na amoy na kaagad ang mamahaling kape at inumin sa café, gayundin ang mga pastries at iba pang produktong binebenta sa cafe na iyon ay amoy na amoy na sa labas pa lang.
Sa bawat hakbang ni Hestia, paulit-ulit na tumuturan ang galit na si Sabel. “Palamunin ka pa rin hanggang ngayon! Wala ka talagang kwenta! Kaya wala sigurong gusto magpakasal sayo dahil makupad ka at mahina mag-isip, tsk!” Unti-unting namumuo ang luha sa paligid ng kaniyang mga mata. Sanay na sanay na si Hestia sa masasakit na salitang parating binubuntol sa kaniya ng Tiyahin. Saulado na nga niya ang mga linyahan nito. Grabe siya kung pagmalupitan ng tiyahin kaya nga siya mismo narito para matakasan ang mapang-abuso niyang “pamilya”. Ang matalim na tunog ng takong ni Hestia ay nagpalingon sa marami. Kuhang-kuha niya ang atensyon ng mga tao sa loob ng nasabing café na iyon. Dahil sa balingkinitan niyang katawan, kumukurba ang dilaw na bistidang binili niya lang sa ukay-ukay. Sa sobrang galing magdala ng damit ng dalaga, hindi mahahalatang mumurahin lang ang suot niya. Valentines day ngayon at hindi mahirap hanapin ang lalaking pinares sa kaniya ng Tiyahin. Isinalaysay na rin kasi sa kanya ng tiyahin ang itsura't pagkakakilanlan nito. Isa pa, ilang buwan na rin kasi nitong sinusubukang paalisin si Hestia sa bahay, kinailangan niya lang nang magandang dahilan at pagkakataon. Kung magagawang magpakasal ng dalaga, edi hindi na poproblemahin ni Sabel ang pamangkin. “Siya na siguro ‘yon. Hayst… hindi ko makita ang mukha,” naiinip na sambit ni Hestia nang matanaw ang isang lalaking nag-iisa sa kalapit na table. "Mukhang kanina pa niya ako hinihintay." Sa oras na maging maayos ang takbo ng blind date, handa siyang magpakasal at tumira kasama ang lalaking ka-date niya ngayon. Habang palapit nang palapit si Hestia sa pwesto ng lalaki, nanginginig ang mga kamay niya dahil sa labis na kaba. Labis man ang nararamdaman niyang kabog sa dibdib, binilisan na lang ni Hestia ang lakad papunta sa table. Pagtigil niya sa harap nito, malamig siyang tiningnan kaagad ng lalaki. “Have a seat, the food will be on its way.” Itsura pa lang ng kaharap ni Hestia, halos lumuwa na ang mga mata niya kakatitig. Kumpara sa mga naunang palpak na blind dates, mukhang wala itong kapansanan o problema sa pag-iisip. Sumandal ng kaunti ang lalaki bago tuluyang nagpakilala. “Ian, Ian Escalera, and you are?” “Hestia, Hestia Vale. Nice meeting you, sana magkasundo tayo,” sagot niya habang nakangiti. Hindi na siya nakipagkamayan dahil mukhang may pagkapihikan ito. Tindig at kilos pa lang, alam na ng dalagang mataas ang katayuan nito sa buhay. Nagtitigan sila ng ilang segundo, sa mga mata pa lang ni Ian, kinikilabutan na si Hestia. Pakiramdam niya hinuhubaran siya nito, o di kaya’y hinuhusgahan batay sa suot. “Do you wanna get married?” baritonong tanong ni Ian. “Bakit? Interesado ka bang pakasalan ako?” Imbes na mas magpadala sa takot, sinubukan ni Hestia na makipagsabayan. Nilaro ng kamay ni Ian ang isang ballpen habang sumasagot. “Hindi ako sisipot dito kung hindi. Sagutin mo ang tanong ko, Hestia.” Pagkabanggit pa lang nito sa pangalan niya, halos magsitindigan ang lahat ng balahibo sa kaniyang katawan. Hirap na hirap tuloy si Hestia na sagutin ang napakasimpleng tanong. “O-Oo… gusto ko nang magpakasal,” nauutal niyang sambit. Tumaas ang gilid ng labi ni Ian sa sagot ng dalaga. Wala siyang pakialam kung mahirap ito o mayaman, nagpapasalamat na lang siya dahil hindi ang babaeng pinagkasundo sa kaniya ang sumipot sa café. Bago pa dumating ang pagkain, hinila na patayo ni Ian ang dalaga. Halos mawalan ng balanse ang dalawa ng muntik mapasubsob si Hestia. Buti na lamang at nasalo siya ng braso ni Ian. Hindi man nila aminin, pero parehong bumilis ang tibok ng kanilang puso. Natulala ng ilang segundo si Hestia, pero agad din itong lumayo. Pati si Ian napagtantong yakap-yakap niya ang babaeng ngayon niya lang nakilala. “I know a Judge near this café. Shall we?” anyaya nito. Payak na tumango lang si Hestia. Kahit napakadelikado ng isang biglaang kasal, ito na lang ang natitirang paraan para makatakas siya sa mapang-abuso niyang Tiyahin. Sabay nilang tinungo ang Judge na sinasabi ni Ian. Ilang metro lang ang layo nito mula sa pinanggalingang gusali. Kinailangan nga lang nila umakyat ng ikalawang palapag at pumasok sa isang pribadong opisina. “Open up! I have a surprise for you Jacob!” kumakatok na sigaw ni Ian. Mabilis namang bumukas ang pinto, at bumungad dito ang isang lalaking nakapang-pormal na suot. Hula ni Hestia nasa edad 40 na ito. Pinatuloy naman sila kaagad ng Judge. “Come on in. Siya na ba? Wow, you have such a good taste.” Bahagyang namula ang pisnge ng dalaga sa papuri. Hindi ito ang unang beses na may nagsabi sa kaniya ng ganito, kahit saan kasi pumunta si Hestia noon, palaging lumilitaw ang mala-niyebe niyang kutis at pang-modelong mukha. Pag-upo nila ni Ian, agad na inilatag ni Jacob ang marriage contract. Ngumisi pa ito sa dalaga sabay umiling. Hindi niya akalain na magtatagumpay si Ian na takbuhan lahat ng pinagkakasundo sa kaniya. Bago pulutin ni Hestia ang ballpen, pinigilan siya ng magiging asawa. “Marrying the wrong person can be lethal, sigurado ka na ba sa gusto mong pasukin? Ms. Vale, why are you even in a rush?” Namawis sa kaba ang dalaga, at napadungaw ito sa kontratang maaring magligtas o mas lalong magpahamak sa kaniya. Sa mundong mahirap magtiwala, ano kaya ang magiging papel ni Ian Escalera kay Hestia: mabuting asawa o demonyong sisira sa buhay niya?Mariing pumikit si Hestia saka ngumiti. “Ano pa bang mawawala sa akin? Hindi ako mayaman, at wala ring impluwensya ang pamilya ko. Buo na ang desisyon ko, pipirma ako sa marriage contract.”“That settles it then, you'll officially be married to me, Mrs. Escalera…” turan ni Ian.Sa lamig ng boses nito, nanigas si Hestia. Nakaramdam din siya ng kakaibang sensasyon sa tiyan, parang mga paru-parong nagsisipag-liparan sa loob ng sikmura niya. Naunang pumirma si Ian, sumunod naman siya. Buong kumpiyansa si Hestia na nagsulat ng pangalan at gumuhit ng pirma kahit hindi tinitingnan ang papel. Nang tapos na ito, napansin niyang iba ang nakasulat na pangalan sa marriage contract mula sa pagpapakilala sa kaniya ni Ian.Pagkabasa nito sa buong pangalan ng asawa, napakunot ang kaniyang noo. “Lucian Escalera? Akala ko ba Ian ang pangalan mo?”“Did I forget to mention my real name? My bad,” natatawang sagot ni Ian.“Ano pang hindi mo sinasabi sa akin?” naiinis na dagdag ni Hestia.Taas kilay naman s
Pagkababa ni Hestia sa e-bike, binitbit niya kaagad ang nabiling orange sa daan. Paborito kasi ito ng pinsan at pamangkin niya. Kahit medyo may kaliitan ang sweldo, hindi siya naging madamot sa kanila. Sayang nga lang, at hindi ito makita ng Tiyahin niya.Pagpasok niya pa lang sa pinto, matalim kaagad siyang tiningnan ni Sabel. Ang dalawang kilay niya halos magkasalubong na, at kahit hindi pa siya nagsasalita, alam ni Hestia na naiinis ito.Buti na lang at dumating kasabay niya ang pinsang si Hannah kasama ang anak natutulog nang mahimbing sa kaniyang braso.“Wow! Saan mo ‘yan nabili? Yung huli kasi medyo matabang at maasim. Dapat siguro binalik natin ‘yon,” masiglang sambit ni Hannah.Ngumiti lang ng payak sa kaniya ang pinsan. Imbes na sumagot pa si Hestia, pinulot niya na lang isa-isa ang mga laruang nagkalat sa sahig. Simula kasi ng lumaki ang pamangkin niya, parating nakakatusok o di kaya pinagsisimulan ng aksidente ang mga laruang hindi niligpit.Nang malapit nang matapos si Hes
Kumaripas ng takbo sa labas ng balkonahe si Hestia. Kahit hindi siya lumabas ng gate, tanaw na tanaw ang itim na kotse ni Ian. Nakasandal din doon ang asawa habang hawak ang cellphone.Mukhang mauudlot ang mga pansariling plano ni Hestia dahil sa pagiging mainipin ni Ian. Napaisip tuloy siya kung sino ba sa kanila ang nagmamadali. Kahit nagdadalawang-isip pa kung sasama, buong tapang na pumasok ulit si Hestia para kunin ang mga gamit.Nakapag-empake na siya simula kahapon dahil plano niya na rin talagang magpakasal kung sakaling magkasundo sila ng lalaking ka-date niya.Pagbalik ni Hestia sa loob, galit na nag-utos kaagad ang Tiyahin. Kahit kailan wala talaga ito sa tiyempo.“Ba’t kanina ka pa aligaga riyan? Diba pinahuhugasan ko ang mga pinggan sayo?”Naiiritang binalingan ni Sabel ang cellphone ng pamangkin. Magrereply kasi sana si Hestia sa asawa na mag-antay muna, pero bigla itong kinuha ng Tiyahin.Naiinis niya itong hinawakan ng mahigpit at saka ihinagis. Sa sobrang lakas ng pag
“You know, you don't have to bring all of your clothes. Pwede naman kitang ibili sa mall,” mapreskong sambit ni Ian habang pinapasok sa compartment ang bagahe ng asawa.“Di na kailangan. Baka bilhan mo pa ako ng mga damit na kita na ang kaluluwa,” pabirong sagot naman ni Hestia.Napatingin tuloy sa kaniya si Ian mula ulo hanggang paa. Aaminin niyang maganda ang katawan ng asawa. Mukhang hindi siya mahihirapang bihisan ito pagharap nila kay Dreonie at Lucio.Sa katunayan, ito ang tunay na dahilan kung bakit niya sinundo ang asawa. Bagama't hindi pa sa ngayon, mas maigi nang maihanda na si Hestia. Pagkatapos ni Ian sa mga bagahe, nauna siyang pumasok sa kotse nang hindi man lang pinagbubuksan ng pinto ang asawa.Umiirap na naglitanya si Hestia sa labas. “Parang ayaw mo man lang yata magalusan ang kamay mo. Di bale, mas makalyo pala ang akin, ako na lang.”Rinig na rinig ni Ian ang pagrereklamo, kaya imbes na sumagot, awtomatiko nitong binuksan ang pinto muna sa loob. Napatahimik nito si

Mariing pumikit si Hestia saka ngumiti. “Ano pa bang mawawala sa akin? Hindi ako mayaman, at wala ring impluwensya ang pamilya ko. Buo na ang desisyon ko, pipirma ako sa marriage contract.”“That settles it then, you'll officially be married to me, Mrs. Escalera…” turan ni Ian.Sa lamig ng boses nito, nanigas si Hestia. Nakaramdam din siya ng kakaibang sensasyon sa tiyan, parang mga paru-parong nagsisipag-liparan sa loob ng sikmura niya. Naunang pumirma si Ian, sumunod naman siya. Buong kumpiyansa si Hestia na nagsulat ng pangalan at gumuhit ng pirma kahit hindi tinitingnan ang papel. Nang tapos na ito, napansin niyang iba ang nakasulat na pangalan sa marriage contract mula sa pagpapakilala sa kaniya ni Ian.Pagkabasa nito sa buong pangalan ng asawa, napakunot ang kaniyang noo. “Lucian Escalera? Akala ko ba Ian ang pangalan mo?”“Did I forget to mention my real name? My bad,” natatawang sagot ni Ian.“Ano pang hindi mo sinasabi sa akin?” naiinis na dagdag ni Hestia.Taas kilay naman s
Huminga ng malalim si Hestia bago naglakad papasok sa venue ng blind date. Pagbukas pa lang ng pinto, amoy na amoy na kaagad ang mamahaling kape at inumin sa café, gayundin ang mga pastries at iba pang produktong binebenta sa cafe na iyon ay amoy na amoy na sa labas pa lang. Sa bawat hakbang ni Hestia, paulit-ulit na tumuturan ang galit na si Sabel. “Palamunin ka pa rin hanggang ngayon! Wala ka talagang kwenta! Kaya wala sigurong gusto magpakasal sayo dahil makupad ka at mahina mag-isip, tsk!” Unti-unting namumuo ang luha sa paligid ng kaniyang mga mata. Sanay na sanay na si Hestia sa masasakit na salitang parating binubuntol sa kaniya ng Tiyahin. Saulado na nga niya ang mga linyahan nito. Grabe siya kung pagmalupitan ng tiyahin kaya nga siya mismo narito para matakasan ang mapang-abuso niyang “pamilya”. Ang matalim na tunog ng takong ni Hestia ay nagpalingon sa marami. Kuhang-kuha niya ang atensyon ng mga tao sa loob ng nasabing café na iyon. Dahil sa balingkinitan niyang katawan,