Kumaripas ng takbo sa labas ng balkonahe si Hestia. Kahit hindi siya lumabas ng gate, tanaw na tanaw ang itim na kotse ni Ian. Nakasandal din doon ang asawa habang hawak ang cellphone.
Mukhang mauudlot ang mga pansariling plano ni Hestia dahil sa pagiging mainipin ni Ian. Napaisip tuloy siya kung sino ba sa kanila ang nagmamadali. Kahit nagdadalawang-isip pa kung sasama, buong tapang na pumasok ulit si Hestia para kunin ang mga gamit. Nakapag-empake na siya simula kahapon dahil plano niya na rin talagang magpakasal kung sakaling magkasundo sila ng lalaking ka-date niya. Pagbalik ni Hestia sa loob, galit na nag-utos kaagad ang Tiyahin. Kahit kailan wala talaga ito sa tiyempo. “Ba’t kanina ka pa aligaga riyan? Diba pinahuhugasan ko ang mga pinggan sayo?” Naiiritang binalingan ni Sabel ang cellphone ng pamangkin. Magrereply kasi sana si Hestia sa asawa na mag-antay muna, pero bigla itong kinuha ng Tiyahin. Naiinis niya itong hinawakan ng mahigpit at saka ihinagis. Sa sobrang lakas ng paglagapak sa sahig ng screen nito, pati si Ian nabulabog sa labas. “Bakit niyo naman po binasag Tiyang?! Mahal ang bili ko riyan, at wala pa akong pera!” umaalmang sagot ni Hestia. Sinubukan niyang pulutin sa lapag ang halos magpira-pirasong cellphone, pero naunahan pa rin siya ni Sabel. Mas lalong uminit ang ulo nito sa pagsagot-sagot sa kaniya ni Hestia. “Eto ba?” galit na tanong ng Tiyahin habang itinataas ang cellphone. Imbes na ibigay, mas lalo niya itong sinira. Kahit anong pigil Hannah sa kaniya inapak-apakan pa rin ni Sabel ang screen hanggang sa tuluyang maghiwa-hiwalay ito. “Tama lang ‘yan sa mga kagaya mo! Wala ka ring utang na loob, ano? Nagagawa mo pa akong sagot-sagutin!” Makakaya pa ni Hestia na pagtiisan ang masasakit na salita, pero kung pisikalan at gamit na ang pag-uusapan, baka makalimutan niyang Tiyahin niya pa si Sabel. Marahas niyang pinahid ang mga luhang tumulo sa mukha niya. Ngayong nandiyan na si Ian, siguro ito na ang tamang panahon para magsalita rin siya bilang tao. “Tiya Sabel, binigay ko sa inyo lahat. Oras, pera, pati oportunidad na makasama ang kapatid ko. Oo, nagpapasalamat akong kinupkop niyo ako, pero husto na po! Husto na, Tiya Sabel,” humihikbing litanya niya. Damang-dama ni Hannah ang bawat diin sa sinabi ng pinsan. Kahit ina nito si Sabel, alam niyang nagkamali ito at dapat matuto rin ng tama. Muntikan pa siyang pumalakpak, pero agad niya ring binawi ng pinanlisikan siya ni Sabel. Kabaliktaran sa naging reaksyon ni Hannah, mas lalong kumulo ang dugo ni Sabel. “Kagaya ka talaga ng nanay mo, pareho kayong mahihina ang kukote! Tandaan mo, hindi mo ako pupwedeng kantiin. Dito ka mabubulok Hestia!” Lumapit pa ito at mabilis na bumwelo para manampal. Sa liksi ni Sabel, hindi na nagawang umilag pa ni Hestia. Siguro ito ang magiging pinaka-souvenir niya bago siya umalis. Ilang segundo niya ring inantay na dumampi ang palad ni Sabel, pero walang anumang lumapat sa kaniyang mukha. Unti-unting dinilat ni Hestia ang kaniyang mata, at bumungad sa kaniya ang asawang mahigpit na sinalo ang palad ni Sabel gamit ang sarili nitong kamay. “Nobody touches my wife,” malamig na banta ni Ian. Hindi makapaniwala si Sabel sa katagang ginamit ng lalaki. Mapuwersa niyang binawi ang kamay at nakapamewang na tiningnan si Ian mula ulo hanggang paa. Amoy pa lang nito, halata niya nang mayaman at may sinabi ito sa buhay. “Asawa? Nagpapatawa ka yata. Modus niyo yata ito. Hannah, magtawag ka na ng tanod!” nag-aalborotong utos nito sa anak. Nataranta naman kaagad si Hannah. Dahil sa sinabi ni Hestia kanina, alam niyang totoo ang sinabi ng lalaki. Hindi nga lang binanggit ng pinsan na ubod ng gwapo pala ito kaya nagulat siya. Tumayo ng maayos si Hestia. Ngayong narito na mismo ang asawa, ito na rin siguro ang tamang oras para sabihin sa Tiyahin ang totoo. Binunot niya mula sa bulsa ang marriage certificate at binaladra ito sa mukha ni Sabel. “This is to certify Lucian Escalera and Hestia Vale, both of legal age, were lawfully united in marri–” hindi na niya natapos basahin ang buong dokumento. Kung hindi naglinis kanina si Hestia, paniguradong napasukan na ng langgaw ang bibig ni Sabel. Pati ang mata nito hindi na mapunit kakatitig kay Ian. Napagtanto niya kasing mas magandang lalaki ito kumpara kay Michael. “Jackpot ka pala, anak! Saan niyo pala balak tumira? May lote akong nakita malapit dito, baka gusto niyong bilhin,” biglang nagbago ang tono ni Sabel, tinawag na rin nitong anak si Hestia. Napailing tuloy si Hannah sa ka-plastikan ng ina. Sinubukan pa nitong pulutin ang sira-sirang cellphone ni Hestia at mabait na humingi ng tawad. “Pasensya ka na, Hestia. May dalaw kasi ako ngayon, medyo umikli ang pasensya ko kanina. Pero pag-uwi ng Tiyo mo, ibibili kaagad kita ng bago.” Umikot ang mata ni Ian sa kaniya. Sa isip-isip nito, baka hindi menstruation ang dinaranas niya kundi menopausal. Naintindihan niya tuloy kung bakit nagmamadali si Hestia na magpakasal sa kaniya kanina. Bago pa maubos ang pasensya ni Ian kay Sabel, inaya na nito ang asawa na umalis. “Get your things, I'll drive you to the villa.” Tumango naman si Hestia bago tinungo ang kwartong kinalalagyan ng mga bagahe. Sinundan siya ni Hannah habang ang ina naman naiwan kay Ian. Kahit na nakapasok na sila sa loob ng kwarto, dinig na dinig pa rin ang pangungulit ni Sabel kay Ian. “Alam mo, paniguradong mami-miss ka ng pamangkin mo. Dumalaw ka pa rin, ah?” maluha-luhang saad ni Hannah. Niyakap siya kaagad ni Hestia. “Syempre naman, kayo rin. Kakausapin ko si Ian kung pupwedeng dumalaw kayo sa bahay.” Kahit walang kasiguraduhan kung saan siya dadalhin ng asawa, handa nang harapin ni Hestia ang bago niyang buhay bilang si Mrs. Escalera.“You know, you don't have to bring all of your clothes. Pwede naman kitang ibili sa mall,” mapreskong sambit ni Ian habang pinapasok sa compartment ang bagahe ng asawa.“Di na kailangan. Baka bilhan mo pa ako ng mga damit na kita na ang kaluluwa,” pabirong sagot naman ni Hestia.Napatingin tuloy sa kaniya si Ian mula ulo hanggang paa. Aaminin niyang maganda ang katawan ng asawa. Mukhang hindi siya mahihirapang bihisan ito pagharap nila kay Dreonie at Lucio.Sa katunayan, ito ang tunay na dahilan kung bakit niya sinundo ang asawa. Bagama't hindi pa sa ngayon, mas maigi nang maihanda na si Hestia. Pagkatapos ni Ian sa mga bagahe, nauna siyang pumasok sa kotse nang hindi man lang pinagbubuksan ng pinto ang asawa.Umiirap na naglitanya si Hestia sa labas. “Parang ayaw mo man lang yata magalusan ang kamay mo. Di bale, mas makalyo pala ang akin, ako na lang.”Rinig na rinig ni Ian ang pagrereklamo, kaya imbes na sumagot, awtomatiko nitong binuksan ang pinto muna sa loob. Napatahimik nito si
Huminga ng malalim si Hestia bago naglakad papasok sa venue ng blind date. Pagbukas pa lang ng pinto, amoy na amoy na kaagad ang mamahaling kape at inumin sa café, gayundin ang mga pastries at iba pang produktong binebenta sa cafe na iyon ay amoy na amoy na sa labas pa lang. Sa bawat hakbang ni Hestia, paulit-ulit na tumuturan ang galit na si Sabel. “Palamunin ka pa rin hanggang ngayon! Wala ka talagang kwenta! Kaya wala sigurong gusto magpakasal sayo dahil makupad ka at mahina mag-isip, tsk!” Unti-unting namumuo ang luha sa paligid ng kaniyang mga mata. Sanay na sanay na si Hestia sa masasakit na salitang parating binubuntol sa kaniya ng Tiyahin. Saulado na nga niya ang mga linyahan nito. Grabe siya kung pagmalupitan ng tiyahin kaya nga siya mismo narito para matakasan ang mapang-abuso niyang “pamilya”. Ang matalim na tunog ng takong ni Hestia ay nagpalingon sa marami. Kuhang-kuha niya ang atensyon ng mga tao sa loob ng nasabing café na iyon. Dahil sa balingkinitan niyang katawan,
Mariing pumikit si Hestia saka ngumiti. “Ano pa bang mawawala sa akin? Hindi ako mayaman, at wala ring impluwensya ang pamilya ko. Buo na ang desisyon ko, pipirma ako sa marriage contract.”“That settles it then, you'll officially be married to me, Mrs. Escalera…” turan ni Ian.Sa lamig ng boses nito, nanigas si Hestia. Nakaramdam din siya ng kakaibang sensasyon sa tiyan, parang mga paru-parong nagsisipag-liparan sa loob ng sikmura niya. Naunang pumirma si Ian, sumunod naman siya. Buong kumpiyansa si Hestia na nagsulat ng pangalan at gumuhit ng pirma kahit hindi tinitingnan ang papel. Nang tapos na ito, napansin niyang iba ang nakasulat na pangalan sa marriage contract mula sa pagpapakilala sa kaniya ni Ian.Pagkabasa nito sa buong pangalan ng asawa, napakunot ang kaniyang noo. “Lucian Escalera? Akala ko ba Ian ang pangalan mo?”“Did I forget to mention my real name? My bad,” natatawang sagot ni Ian.“Ano pang hindi mo sinasabi sa akin?” naiinis na dagdag ni Hestia.Taas kilay naman s
Pagkababa ni Hestia sa e-bike, binitbit niya kaagad ang nabiling orange sa daan. Paborito kasi ito ng pinsan at pamangkin niya. Kahit medyo may kaliitan ang sweldo, hindi siya naging madamot sa kanila. Sayang nga lang, at hindi ito makita ng Tiyahin niya.Pagpasok niya pa lang sa pinto, matalim kaagad siyang tiningnan ni Sabel. Ang dalawang kilay niya halos magkasalubong na, at kahit hindi pa siya nagsasalita, alam ni Hestia na naiinis ito.Buti na lang at dumating kasabay niya ang pinsang si Hannah kasama ang anak natutulog nang mahimbing sa kaniyang braso.“Wow! Saan mo ‘yan nabili? Yung huli kasi medyo matabang at maasim. Dapat siguro binalik natin ‘yon,” masiglang sambit ni Hannah.Ngumiti lang ng payak sa kaniya ang pinsan. Imbes na sumagot pa si Hestia, pinulot niya na lang isa-isa ang mga laruang nagkalat sa sahig. Simula kasi ng lumaki ang pamangkin niya, parating nakakatusok o di kaya pinagsisimulan ng aksidente ang mga laruang hindi niligpit.Nang malapit nang matapos si Hes
“You know, you don't have to bring all of your clothes. Pwede naman kitang ibili sa mall,” mapreskong sambit ni Ian habang pinapasok sa compartment ang bagahe ng asawa.“Di na kailangan. Baka bilhan mo pa ako ng mga damit na kita na ang kaluluwa,” pabirong sagot naman ni Hestia.Napatingin tuloy sa kaniya si Ian mula ulo hanggang paa. Aaminin niyang maganda ang katawan ng asawa. Mukhang hindi siya mahihirapang bihisan ito pagharap nila kay Dreonie at Lucio.Sa katunayan, ito ang tunay na dahilan kung bakit niya sinundo ang asawa. Bagama't hindi pa sa ngayon, mas maigi nang maihanda na si Hestia. Pagkatapos ni Ian sa mga bagahe, nauna siyang pumasok sa kotse nang hindi man lang pinagbubuksan ng pinto ang asawa.Umiirap na naglitanya si Hestia sa labas. “Parang ayaw mo man lang yata magalusan ang kamay mo. Di bale, mas makalyo pala ang akin, ako na lang.”Rinig na rinig ni Ian ang pagrereklamo, kaya imbes na sumagot, awtomatiko nitong binuksan ang pinto muna sa loob. Napatahimik nito si
Kumaripas ng takbo sa labas ng balkonahe si Hestia. Kahit hindi siya lumabas ng gate, tanaw na tanaw ang itim na kotse ni Ian. Nakasandal din doon ang asawa habang hawak ang cellphone.Mukhang mauudlot ang mga pansariling plano ni Hestia dahil sa pagiging mainipin ni Ian. Napaisip tuloy siya kung sino ba sa kanila ang nagmamadali. Kahit nagdadalawang-isip pa kung sasama, buong tapang na pumasok ulit si Hestia para kunin ang mga gamit.Nakapag-empake na siya simula kahapon dahil plano niya na rin talagang magpakasal kung sakaling magkasundo sila ng lalaking ka-date niya.Pagbalik ni Hestia sa loob, galit na nag-utos kaagad ang Tiyahin. Kahit kailan wala talaga ito sa tiyempo.“Ba’t kanina ka pa aligaga riyan? Diba pinahuhugasan ko ang mga pinggan sayo?”Naiiritang binalingan ni Sabel ang cellphone ng pamangkin. Magrereply kasi sana si Hestia sa asawa na mag-antay muna, pero bigla itong kinuha ng Tiyahin.Naiinis niya itong hinawakan ng mahigpit at saka ihinagis. Sa sobrang lakas ng pag