Pagkababa ni Hestia sa e-bike, binitbit niya kaagad ang nabiling orange sa daan. Paborito kasi ito ng pinsan at pamangkin niya. Kahit medyo may kaliitan ang sweldo, hindi siya naging madamot sa kanila. Sayang nga lang, at hindi ito makita ng Tiyahin niya.
Pagpasok niya pa lang sa pinto, matalim kaagad siyang tiningnan ni Sabel. Ang dalawang kilay niya halos magkasalubong na, at kahit hindi pa siya nagsasalita, alam ni Hestia na naiinis ito. Buti na lang at dumating kasabay niya ang pinsang si Hannah kasama ang anak natutulog nang mahimbing sa kaniyang braso. “Wow! Saan mo ‘yan nabili? Yung huli kasi medyo matabang at maasim. Dapat siguro binalik natin ‘yon,” masiglang sambit ni Hannah. Ngumiti lang ng payak sa kaniya ang pinsan. Imbes na sumagot pa si Hestia, pinulot niya na lang isa-isa ang mga laruang nagkalat sa sahig. Simula kasi ng lumaki ang pamangkin niya, parating nakakatusok o di kaya pinagsisimulan ng aksidente ang mga laruang hindi niligpit. Nang malapit nang matapos si Hestia, bumwelo na si Sabel. Sisimulan na niyang ratratin gamit ng mala-armalite na bibig ang pamangkin. Mabuti na lang at naka-life vest ngayon si Hestia. “Takot na takot ka yatang mawalan ng bahay. Sabagay, kung ako naman talaga hindi sinipot ng ka-blind date ko, uuwi ako kaagad,” umiismid na sabi ni Sabel. Kumunot ang noo ni Hestia sa sinabi ng Tiyahin. Napaisip siya kung bakit nasabi nitong hindi sumipot eh nakausap niya pa nga ito at nagpakasal pa sila. Umikot ang mata ni Sabel sa katahimikan ng pamangkin. Parati nitong pinamumukha na panget si Hestia, kahit na ang totoo, siya ang mukhang hukluban na kaunti na lang hahawig na sa kontrabida sa wrong turn. “Paanong hindi po sumipot?” tanong ni Hestia. Bahagyang nagulat sa kaniya ang Tiyahin. “Anong paano? Nagpaalam si Mareng Andeng dito, hindi raw makakarating ang pamangkin niya dahil may biglaang meeting sa trabaho.” Namilog ang mga mata ni Hestia sa kaniyang narinig. Kung hindi sumipot ang ka-blind date niya, edi sino ang lalaking pinakasalan niya kanina? Patuloy pang nanglait si Sabel pero hindi na ito pinatulan ni Hestia. “Siguro kaya niya pina-cancel kasi napapangitan siya sayo. Sabagay, sayang din naman kasi ng pera.” Kahit anong ratrat ng kaniyang Tiyahin, tulalang nakatingin sa dingding si Hestia. Hindi niya lubos maisip na naikasal pala siya sa isang lalaking hindi niya man lang kilala. Kaya pala mukhang kakaiba ang deskripsyon na binigay ni Aling Andeng mula sa itsura ng kaniyang napangasawa. Napailing tuloy siya sa sariling katontohan. Pati ang pinsang si Hannah nagtaka kung bakit hindi man lang nanlalaban si Hestia. Parati kasing maingay ang bahay dahil sa bunganga ni Sabel, at bibihira lang din ang araw na hindi napupuno sa kaniya si Hestia. “Ano na naman bang ginawa mo?” tanong ni Hannah. Tahimik lang na pumikit si Hestia at hindi muna sumagot. Mukhang tama nga si Ian sa sinabi niyang delikado ang pagpapakasal. Hindi tuloy maiwaglit ni Hestia ang posibilidad na serial killer ang bago niyang asawa. Dahil sa takot, napabangon siya kaagad sa upuan at napasigaw ng malakas. “AHH! Baka modus pala ‘yon ng puting van, di niya pwedeng kunin ang matres ko. Magkakaanak pa ako ng isang dosena!” “Anong pinagsasabi mo?” nagpipigil tawang tanong ni Sabel. Doon lang natauhan si Hestia. Pareho na palang naguguluhan ang mag-ina sa kakaibang kilos niya. Pati si Hannah nabahala na ng kaunti. Inisip niyang baka dahil ito sa kulang palagi sa tulog ang pinsan. Napakarami kasing raket nito para lang makatulong sa panustos sa bahay. Pero imbes na sabihin ang totoo, nagsinungaling na lang muna si Hestia. “Wala po, nakapanood kasi ako ng horror kagabi. Di ko pa rin po nakakalimutan hanggang ngayon.” Para makaiwas na rin sa kung ano-ano pang tanong, pumunta na lang sa kwarto si Hestia. Malalim siyang huminga bago binunot ang marriage certificate na nasa loob ng bag. Nakasulat doon ang pangalan nilang dalawa na may pirma. “Lucian Escalera…” mahinang basa niya sa pangalan ng asawa. Napakalayo nito sa Michael na sinasabi nila. Napaisip tuloy si Hestia kung sumagi man lang ba sa isip ni Ian na maaring hindi siya ang inaantay na blind date. Gustuhin niya mang itanong pero hindi pa rin nag-tetext sa kaniya ang asawa. Tutupiin niya na sana ang marriage certificate pero bigla itong hinablot ni Hannah. Kung paanong nagulat si Hestia kanina, gano’n din namilog ang kay Hannah. “Seryoso ka ba? Sinong Luci–” tinakpan kaagad ni Hestia ang bibig nito bago niya pa mabanggit ang buong pangalan ni Ian. “Magpapaliwanag ako,” mahinang sambit niya. Tumango si Hannah at kusang umupo. Kahit ina nito si Sabel, mas kampi siya parati kay Hestia. Malapit sila at ‘di hamak na mas magaling mag-intindihan. “Matagal ko na siyang kilala. Naisip na rin naming magpakasal noon, ngayon lang natuloy,” pagsisinungaling niya. Gustuhin niya mang sabihin ang totoo, pero hindi pa pupwede dahil sa wala pa silang maayos na usapan ni Ian. Bahagya tuloy siyang nagsisi sa mabilis niyang pagdedesisyon. Napayungko si Hannah sa baliktad ng pinsan. Dahil kasal na si Hestia, ibig sabihin nitong aalis na siya sa puder nila. Mawawalan na rin siya ng katulong sa pag-aalaga ng bata, at ng kaibigan na mapagsasabihan ng problema. “Ayusin mo lang ha? Baka scammer ‘yan at magkatotoo talaga ‘yong dinukot na matres,” biro pa nito. Pareho silang napatawa. Kahit naging mahirap ang buhay ni Hestia kasama sila Hannah, paniguradong mami-miss niya pa rin ang mga ito. Gustuhin niya mang isama ang pinsan sa kaniya, pero hindi pupwede. “Pero kailan ka pala lilipat? Saka anong trabaho ng asawa mo?” tanong ni Hannah. Mabilis na pinagana ni Hestia ang utak, kahit siya hindi direktang alam kung ano ang trabaho ni Ian. Kaunting detalye lang ang naalala niya mula sa pagkikita nila, at pinagtagpi-tagpi niya ‘yon para lang makabuo ng isa pang palusot. “Nagtatrabaho siya sa isang kompanya. Hindi lang ako sigurado kung ano na ang posisyon niya ngayon. Na-promote kasi siya no’ng nakaraan lang.” Halos umawang sa inggit ang bibig ni Hannah. Ang asawa kasi nito kakapiranggot lang ang sweldo at halos hindi sumasapat sa gastusin nila. Gustuhin niya mang magtrabaho, pero hindi pupwede dahil walang mag-aalaga sa bata. Magtatanong pa sana si Hannah tungkol sa titirhan nila, pero biglang tumunog at umilaw ang cellphone ni Hestia. Mukhang nahanap na ng asawa nito ang F******k account niya. Laking gulat tuloy nilang dalawa nang mag-message ito. Ian: Pack your things, you're leaving today. I'm outside your house, by the way.Kumaripas ng takbo sa labas ng balkonahe si Hestia. Kahit hindi siya lumabas ng gate, tanaw na tanaw ang itim na kotse ni Ian. Nakasandal din doon ang asawa habang hawak ang cellphone.Mukhang mauudlot ang mga pansariling plano ni Hestia dahil sa pagiging mainipin ni Ian. Napaisip tuloy siya kung sino ba sa kanila ang nagmamadali. Kahit nagdadalawang-isip pa kung sasama, buong tapang na pumasok ulit si Hestia para kunin ang mga gamit.Nakapag-empake na siya simula kahapon dahil plano niya na rin talagang magpakasal kung sakaling magkasundo sila ng lalaking ka-date niya.Pagbalik ni Hestia sa loob, galit na nag-utos kaagad ang Tiyahin. Kahit kailan wala talaga ito sa tiyempo.“Ba’t kanina ka pa aligaga riyan? Diba pinahuhugasan ko ang mga pinggan sayo?”Naiiritang binalingan ni Sabel ang cellphone ng pamangkin. Magrereply kasi sana si Hestia sa asawa na mag-antay muna, pero bigla itong kinuha ng Tiyahin.Naiinis niya itong hinawakan ng mahigpit at saka ihinagis. Sa sobrang lakas ng pag
“You know, you don't have to bring all of your clothes. Pwede naman kitang ibili sa mall,” mapreskong sambit ni Ian habang pinapasok sa compartment ang bagahe ng asawa.“Di na kailangan. Baka bilhan mo pa ako ng mga damit na kita na ang kaluluwa,” pabirong sagot naman ni Hestia.Napatingin tuloy sa kaniya si Ian mula ulo hanggang paa. Aaminin niyang maganda ang katawan ng asawa. Mukhang hindi siya mahihirapang bihisan ito pagharap nila kay Dreonie at Lucio.Sa katunayan, ito ang tunay na dahilan kung bakit niya sinundo ang asawa. Bagama't hindi pa sa ngayon, mas maigi nang maihanda na si Hestia. Pagkatapos ni Ian sa mga bagahe, nauna siyang pumasok sa kotse nang hindi man lang pinagbubuksan ng pinto ang asawa.Umiirap na naglitanya si Hestia sa labas. “Parang ayaw mo man lang yata magalusan ang kamay mo. Di bale, mas makalyo pala ang akin, ako na lang.”Rinig na rinig ni Ian ang pagrereklamo, kaya imbes na sumagot, awtomatiko nitong binuksan ang pinto muna sa loob. Napatahimik nito si
Huminga ng malalim si Hestia bago naglakad papasok sa venue ng blind date. Pagbukas pa lang ng pinto, amoy na amoy na kaagad ang mamahaling kape at inumin sa café, gayundin ang mga pastries at iba pang produktong binebenta sa cafe na iyon ay amoy na amoy na sa labas pa lang. Sa bawat hakbang ni Hestia, paulit-ulit na tumuturan ang galit na si Sabel. “Palamunin ka pa rin hanggang ngayon! Wala ka talagang kwenta! Kaya wala sigurong gusto magpakasal sayo dahil makupad ka at mahina mag-isip, tsk!” Unti-unting namumuo ang luha sa paligid ng kaniyang mga mata. Sanay na sanay na si Hestia sa masasakit na salitang parating binubuntol sa kaniya ng Tiyahin. Saulado na nga niya ang mga linyahan nito. Grabe siya kung pagmalupitan ng tiyahin kaya nga siya mismo narito para matakasan ang mapang-abuso niyang “pamilya”. Ang matalim na tunog ng takong ni Hestia ay nagpalingon sa marami. Kuhang-kuha niya ang atensyon ng mga tao sa loob ng nasabing café na iyon. Dahil sa balingkinitan niyang katawan,
Mariing pumikit si Hestia saka ngumiti. “Ano pa bang mawawala sa akin? Hindi ako mayaman, at wala ring impluwensya ang pamilya ko. Buo na ang desisyon ko, pipirma ako sa marriage contract.”“That settles it then, you'll officially be married to me, Mrs. Escalera…” turan ni Ian.Sa lamig ng boses nito, nanigas si Hestia. Nakaramdam din siya ng kakaibang sensasyon sa tiyan, parang mga paru-parong nagsisipag-liparan sa loob ng sikmura niya. Naunang pumirma si Ian, sumunod naman siya. Buong kumpiyansa si Hestia na nagsulat ng pangalan at gumuhit ng pirma kahit hindi tinitingnan ang papel. Nang tapos na ito, napansin niyang iba ang nakasulat na pangalan sa marriage contract mula sa pagpapakilala sa kaniya ni Ian.Pagkabasa nito sa buong pangalan ng asawa, napakunot ang kaniyang noo. “Lucian Escalera? Akala ko ba Ian ang pangalan mo?”“Did I forget to mention my real name? My bad,” natatawang sagot ni Ian.“Ano pang hindi mo sinasabi sa akin?” naiinis na dagdag ni Hestia.Taas kilay naman s

Kumaripas ng takbo sa labas ng balkonahe si Hestia. Kahit hindi siya lumabas ng gate, tanaw na tanaw ang itim na kotse ni Ian. Nakasandal din doon ang asawa habang hawak ang cellphone.Mukhang mauudlot ang mga pansariling plano ni Hestia dahil sa pagiging mainipin ni Ian. Napaisip tuloy siya kung sino ba sa kanila ang nagmamadali. Kahit nagdadalawang-isip pa kung sasama, buong tapang na pumasok ulit si Hestia para kunin ang mga gamit.Nakapag-empake na siya simula kahapon dahil plano niya na rin talagang magpakasal kung sakaling magkasundo sila ng lalaking ka-date niya.Pagbalik ni Hestia sa loob, galit na nag-utos kaagad ang Tiyahin. Kahit kailan wala talaga ito sa tiyempo.“Ba’t kanina ka pa aligaga riyan? Diba pinahuhugasan ko ang mga pinggan sayo?”Naiiritang binalingan ni Sabel ang cellphone ng pamangkin. Magrereply kasi sana si Hestia sa asawa na mag-antay muna, pero bigla itong kinuha ng Tiyahin.Naiinis niya itong hinawakan ng mahigpit at saka ihinagis. Sa sobrang lakas ng pag
Pagkababa ni Hestia sa e-bike, binitbit niya kaagad ang nabiling orange sa daan. Paborito kasi ito ng pinsan at pamangkin niya. Kahit medyo may kaliitan ang sweldo, hindi siya naging madamot sa kanila. Sayang nga lang, at hindi ito makita ng Tiyahin niya.Pagpasok niya pa lang sa pinto, matalim kaagad siyang tiningnan ni Sabel. Ang dalawang kilay niya halos magkasalubong na, at kahit hindi pa siya nagsasalita, alam ni Hestia na naiinis ito.Buti na lang at dumating kasabay niya ang pinsang si Hannah kasama ang anak natutulog nang mahimbing sa kaniyang braso.“Wow! Saan mo ‘yan nabili? Yung huli kasi medyo matabang at maasim. Dapat siguro binalik natin ‘yon,” masiglang sambit ni Hannah.Ngumiti lang ng payak sa kaniya ang pinsan. Imbes na sumagot pa si Hestia, pinulot niya na lang isa-isa ang mga laruang nagkalat sa sahig. Simula kasi ng lumaki ang pamangkin niya, parating nakakatusok o di kaya pinagsisimulan ng aksidente ang mga laruang hindi niligpit.Nang malapit nang matapos si Hes