Share

Chapter 5: Not a Mistake

Author: Athena Jade
last update Huling Na-update: 2025-01-22 17:00:01

“You know, you don't have to bring all of your clothes. Pwede naman kitang ibili sa mall,” mapreskong sambit ni Ian habang pinapasok sa compartment ang bagahe ng asawa.

“Di na kailangan. Baka bilhan mo pa ako ng mga damit na kita na ang kaluluwa,” pabirong sagot naman ni Hestia.

Napatingin tuloy sa kaniya si Ian mula ulo hanggang paa. Aaminin niyang maganda ang katawan ng asawa. Mukhang hindi siya mahihirapang bihisan ito pagharap nila kay Dreonie at Lucio.

Sa katunayan, ito ang tunay na dahilan kung bakit niya sinundo ang asawa. Bagama't hindi pa sa ngayon, mas maigi nang maihanda na si Hestia. Pagkatapos ni Ian sa mga bagahe, nauna siyang pumasok sa kotse nang hindi man lang pinagbubuksan ng pinto ang asawa.

Umiirap na naglitanya si Hestia sa labas. “Parang ayaw mo man lang yata magalusan ang kamay mo. Di bale, mas makalyo pala ang akin, ako na lang.”

Rinig na rinig ni Ian ang pagrereklamo, kaya imbes na sumagot, awtomatiko nitong binuksan ang pinto muna sa loob. Napatahimik nito si Hestia, mukhang napahiya kaagad siya sa asawa.

Pagpasok niya, kaagad na nagbiro si Ian. “Sa susunod, antayin mong pagbuksan na lang kita. Nagmumukha kang ignorante, Tia.”

“Anong sabi mo?! Alam kong galing ako sa mahirap na pamilya, pero hindi ako ignorante!”

Tumaas ang gilid ng labi ng asawa, kinabahan tuloy si Hestia dahil parang hindi kaaya-aya ang naiisip nito. Napatakip siya ng kamay sa dibdib, sabay usog sa gilid ng sasakyan. Kitang-kita ang takot sa mga mata niya, at imbes na kaawaan siya ni Ian, mas naging pilyo pa ito.

Dahan-dahan siyang lumapit papunta sa mukha ni Hestia. Hininga pa lang nito, alam na ni Ian kung gaano siya kinakabahan. Sa kaloob-looban niya tuloy, napapatawa siya ng malakas. Natapat yata siya sa pinaka-inosenteng babae sa balat ng lupa.

“You’re my wife now, Hestia Escalera…” mapang-aking sambit ni Ian sa tenga ng asawa.

Walang ibang nagawa si Hestia kundi pumikit. Kahit galawin siya ni Ian, legal ito sa batas. Kaya habang mas lumalapit ang mukha nito sa kaniya, mas lalong kinakapos ng hininga si Hestia.

Ang pinagpapawisang itsura ng asawa ay tuluyang nagpatawa kay Ian. “HAHAHAHA, I'm just gonna put your seatbelt on. What were you thinking, Tia?”

Napadilat kaagad si Hestia sa narinig. Inaayos lang pala ni Ian ang seatbelt dahil hindi niya ito nagawang i-lock.

Nang makabalik na si Ian sa upuan, mas lalo niyang biniro ang asawa. “Mukhang excited ka na yata, baka ako ang halayin mo ah. Bata pa po ako ate, wag po!”

Sinabayan niya ito ng tawa na siyang kinainis ni Hestia. Ang naging reaksyon niya ay hindi dahil sa madumi ang kaniyang utak, kung tutuusin, si Ian naman talaga ang may kasalanan dahil lumapit ito nang sobra nang walang pasabi.

“Mukha kang unggoy, para lang alam mo! Wag kang mag-alala, ayaw kitang maging ama ng mga anak ko,” pambabara naman ni Hestia.

Umismid ang asawa sa turan niya. “Yeah, I shouldn't be the father. Imagine having kids that look like gods and goddesses. They’ll make the entire world jealous.” Kumindat pa ito at habang dahan-dahang pinaandar ang kotse.

Ikaila man ni Hestia, pero may pagkatotoo ang sinabi ni Ian. Paniguradong magiging agaw-pansin sa publiko ang magiging mga anak nila. ‘Yon ay kung magtatagal ang kasal nila.

Sinimulan na nilang bumiyahe. Hindi nakakatiyak si Hestia kung saan ba talaga siya dadalhin ng asawa, pero mukhang wala na siyang ibang pagpipilian kundi ang sumama. Kaya kahit ngayong araw niya lang din nakilala si Ian, pinipilit ni Hestia na magtiwala rito. Sinasamahan niya na rin ito ng dasal na sana ‘wag kunin ng asawa ang matres niya kagaya sa napanood na horror film.

Habang mas tumatagal, mas lalong hindi nagiging pamilyar ang lugar kay Hestia. Ang mga taong nakakasalubong din nila ay kakaiba kung makatingin. Napapaisip tuloy siya na baka cannibal talaga si Ian, at kasabwat niya ang Judge kanina.

Bago pa sila makarating sa villa, napapraning na sumigaw si Hestia. “Itigil mo ang sasakyan! Hindi mo makukuha ang matres ko! Maghanap ka na lang ng ibang babae!”

Maging si Ian ay nagulat sa tinuran ng asawa, kaya halos tumilapon sila sa pagpreno niya.

“Matres mo? Do I look like a flesh eating monster to you?” nakunot-noo na tanong ni Ian.

Ang villa kasi na titirhan ni Hestia ay napapaligiran ng libo-libong mga puno. Ang pamilya Escalera mismo ang nagtanim ng mga ito. Pribadong kalsada rin ang dinadaanan nila ngayon, at ang mga taong nadaraanan kanina ay mga trabahante lang.

Nagpatuloy si Ian sa pagpapaliwanag. “Just trust me, I'm not here to hurt you. You'll see the house ten minutes from now.”

Sa pagiging praning at inosente yata ng asawa magiging masaya ang malungkot na buhay ni Ian. Bagama't hindi pa siya tuluyang handa makipagsama, panahon na rin siguro para subukan niyang mahalin ang mga babae at ‘wag paglaruan.

Bago niya paandarin ulit ang makina, naalala ni Hestia ang sinabi sa kaniya ng Tiyahin tungkol sa hindi pagsipot ni Michael. Mas maigi na rin sigurong malinaw muna nila ang lahat bago siya dalhin ng asawa sa villa.

“Sa oras na nakita kita sa café, may hinihintay ka bang iba no’n?”

Naintindihan kaagad ni Ian ang gusto nitong sabihin. “I know that you weren't my date, so what?”

“Anong so what?! Alam mo naman palang hindi ikaw ang dapat kong nakausap kanina pero kinaladkad mo pa rin ako para magpakasal!” umaalmang sagot ni Hestia.

Sa tono ng pananalita niya, napataas ang kilay ng asawa. Kung babalikan nila ang mismong pinag-usapan, pareho silang nagmamadaling magpakasal. Ayaw lang ipamukha ni Ian kay Hestia na desperada na ito dahil pati siya nakinabang din sa mabilisang kasal.

Pero imbes na aminin kay Hestia na ginagamit lang siya, matamis na nagsinungaling si Ian. “Nothing went wrong about the marriage, you're single and so was I. I'll try my best so you won't regret marrying me.”

Isang pagkakamali ang kanilang pagkikita, at hindi dapat sila ang nagtagpo. Sa mundong mapanlinlang, maitatama pa kaya nila Hestia at Ian ang kasal na sinimulan?

Kaugnay na kabanata

  • Oops! My Blind Date Turned Out to Be a Billionaire   Chapter 1: Hasty Marriage

    Huminga ng malalim si Hestia bago naglakad papasok sa venue ng blind date. Pagbukas pa lang ng pinto, amoy na amoy na kaagad ang mamahaling kape at inumin sa café, gayundin ang mga pastries at iba pang produktong binebenta sa cafe na iyon ay amoy na amoy na sa labas pa lang. Sa bawat hakbang ni Hestia, paulit-ulit na tumuturan ang galit na si Sabel. “Palamunin ka pa rin hanggang ngayon! Wala ka talagang kwenta! Kaya wala sigurong gusto magpakasal sayo dahil makupad ka at mahina mag-isip, tsk!” Unti-unting namumuo ang luha sa paligid ng kaniyang mga mata. Sanay na sanay na si Hestia sa masasakit na salitang parating binubuntol sa kaniya ng Tiyahin. Saulado na nga niya ang mga linyahan nito. Grabe siya kung pagmalupitan ng tiyahin kaya nga siya mismo narito para matakasan ang mapang-abuso niyang “pamilya”. Ang matalim na tunog ng takong ni Hestia ay nagpalingon sa marami. Kuhang-kuha niya ang atensyon ng mga tao sa loob ng nasabing café na iyon. Dahil sa balingkinitan niyang katawan,

    Huling Na-update : 2025-01-22
  • Oops! My Blind Date Turned Out to Be a Billionaire   Chapter 2: Unexpectedly a Billionaire

    Mariing pumikit si Hestia saka ngumiti. “Ano pa bang mawawala sa akin? Hindi ako mayaman, at wala ring impluwensya ang pamilya ko. Buo na ang desisyon ko, pipirma ako sa marriage contract.”“That settles it then, you'll officially be married to me, Mrs. Escalera…” turan ni Ian.Sa lamig ng boses nito, nanigas si Hestia. Nakaramdam din siya ng kakaibang sensasyon sa tiyan, parang mga paru-parong nagsisipag-liparan sa loob ng sikmura niya. Naunang pumirma si Ian, sumunod naman siya. Buong kumpiyansa si Hestia na nagsulat ng pangalan at gumuhit ng pirma kahit hindi tinitingnan ang papel. Nang tapos na ito, napansin niyang iba ang nakasulat na pangalan sa marriage contract mula sa pagpapakilala sa kaniya ni Ian.Pagkabasa nito sa buong pangalan ng asawa, napakunot ang kaniyang noo. “Lucian Escalera? Akala ko ba Ian ang pangalan mo?”“Did I forget to mention my real name? My bad,” natatawang sagot ni Ian.“Ano pang hindi mo sinasabi sa akin?” naiinis na dagdag ni Hestia.Taas kilay naman s

    Huling Na-update : 2025-01-22
  • Oops! My Blind Date Turned Out to Be a Billionaire   Chapter 3: Oops... Wrong Date!

    Pagkababa ni Hestia sa e-bike, binitbit niya kaagad ang nabiling orange sa daan. Paborito kasi ito ng pinsan at pamangkin niya. Kahit medyo may kaliitan ang sweldo, hindi siya naging madamot sa kanila. Sayang nga lang, at hindi ito makita ng Tiyahin niya.Pagpasok niya pa lang sa pinto, matalim kaagad siyang tiningnan ni Sabel. Ang dalawang kilay niya halos magkasalubong na, at kahit hindi pa siya nagsasalita, alam ni Hestia na naiinis ito.Buti na lang at dumating kasabay niya ang pinsang si Hannah kasama ang anak natutulog nang mahimbing sa kaniyang braso.“Wow! Saan mo ‘yan nabili? Yung huli kasi medyo matabang at maasim. Dapat siguro binalik natin ‘yon,” masiglang sambit ni Hannah.Ngumiti lang ng payak sa kaniya ang pinsan. Imbes na sumagot pa si Hestia, pinulot niya na lang isa-isa ang mga laruang nagkalat sa sahig. Simula kasi ng lumaki ang pamangkin niya, parating nakakatusok o di kaya pinagsisimulan ng aksidente ang mga laruang hindi niligpit.Nang malapit nang matapos si Hes

    Huling Na-update : 2025-01-22
  • Oops! My Blind Date Turned Out to Be a Billionaire   Chapter 4: Mrs. Escalera

    Kumaripas ng takbo sa labas ng balkonahe si Hestia. Kahit hindi siya lumabas ng gate, tanaw na tanaw ang itim na kotse ni Ian. Nakasandal din doon ang asawa habang hawak ang cellphone.Mukhang mauudlot ang mga pansariling plano ni Hestia dahil sa pagiging mainipin ni Ian. Napaisip tuloy siya kung sino ba sa kanila ang nagmamadali. Kahit nagdadalawang-isip pa kung sasama, buong tapang na pumasok ulit si Hestia para kunin ang mga gamit.Nakapag-empake na siya simula kahapon dahil plano niya na rin talagang magpakasal kung sakaling magkasundo sila ng lalaking ka-date niya.Pagbalik ni Hestia sa loob, galit na nag-utos kaagad ang Tiyahin. Kahit kailan wala talaga ito sa tiyempo.“Ba’t kanina ka pa aligaga riyan? Diba pinahuhugasan ko ang mga pinggan sayo?”Naiiritang binalingan ni Sabel ang cellphone ng pamangkin. Magrereply kasi sana si Hestia sa asawa na mag-antay muna, pero bigla itong kinuha ng Tiyahin.Naiinis niya itong hinawakan ng mahigpit at saka ihinagis. Sa sobrang lakas ng pag

    Huling Na-update : 2025-01-22

Pinakabagong kabanata

  • Oops! My Blind Date Turned Out to Be a Billionaire   Chapter 5: Not a Mistake

    “You know, you don't have to bring all of your clothes. Pwede naman kitang ibili sa mall,” mapreskong sambit ni Ian habang pinapasok sa compartment ang bagahe ng asawa.“Di na kailangan. Baka bilhan mo pa ako ng mga damit na kita na ang kaluluwa,” pabirong sagot naman ni Hestia.Napatingin tuloy sa kaniya si Ian mula ulo hanggang paa. Aaminin niyang maganda ang katawan ng asawa. Mukhang hindi siya mahihirapang bihisan ito pagharap nila kay Dreonie at Lucio.Sa katunayan, ito ang tunay na dahilan kung bakit niya sinundo ang asawa. Bagama't hindi pa sa ngayon, mas maigi nang maihanda na si Hestia. Pagkatapos ni Ian sa mga bagahe, nauna siyang pumasok sa kotse nang hindi man lang pinagbubuksan ng pinto ang asawa.Umiirap na naglitanya si Hestia sa labas. “Parang ayaw mo man lang yata magalusan ang kamay mo. Di bale, mas makalyo pala ang akin, ako na lang.”Rinig na rinig ni Ian ang pagrereklamo, kaya imbes na sumagot, awtomatiko nitong binuksan ang pinto muna sa loob. Napatahimik nito si

  • Oops! My Blind Date Turned Out to Be a Billionaire   Chapter 4: Mrs. Escalera

    Kumaripas ng takbo sa labas ng balkonahe si Hestia. Kahit hindi siya lumabas ng gate, tanaw na tanaw ang itim na kotse ni Ian. Nakasandal din doon ang asawa habang hawak ang cellphone.Mukhang mauudlot ang mga pansariling plano ni Hestia dahil sa pagiging mainipin ni Ian. Napaisip tuloy siya kung sino ba sa kanila ang nagmamadali. Kahit nagdadalawang-isip pa kung sasama, buong tapang na pumasok ulit si Hestia para kunin ang mga gamit.Nakapag-empake na siya simula kahapon dahil plano niya na rin talagang magpakasal kung sakaling magkasundo sila ng lalaking ka-date niya.Pagbalik ni Hestia sa loob, galit na nag-utos kaagad ang Tiyahin. Kahit kailan wala talaga ito sa tiyempo.“Ba’t kanina ka pa aligaga riyan? Diba pinahuhugasan ko ang mga pinggan sayo?”Naiiritang binalingan ni Sabel ang cellphone ng pamangkin. Magrereply kasi sana si Hestia sa asawa na mag-antay muna, pero bigla itong kinuha ng Tiyahin.Naiinis niya itong hinawakan ng mahigpit at saka ihinagis. Sa sobrang lakas ng pag

  • Oops! My Blind Date Turned Out to Be a Billionaire   Chapter 3: Oops... Wrong Date!

    Pagkababa ni Hestia sa e-bike, binitbit niya kaagad ang nabiling orange sa daan. Paborito kasi ito ng pinsan at pamangkin niya. Kahit medyo may kaliitan ang sweldo, hindi siya naging madamot sa kanila. Sayang nga lang, at hindi ito makita ng Tiyahin niya.Pagpasok niya pa lang sa pinto, matalim kaagad siyang tiningnan ni Sabel. Ang dalawang kilay niya halos magkasalubong na, at kahit hindi pa siya nagsasalita, alam ni Hestia na naiinis ito.Buti na lang at dumating kasabay niya ang pinsang si Hannah kasama ang anak natutulog nang mahimbing sa kaniyang braso.“Wow! Saan mo ‘yan nabili? Yung huli kasi medyo matabang at maasim. Dapat siguro binalik natin ‘yon,” masiglang sambit ni Hannah.Ngumiti lang ng payak sa kaniya ang pinsan. Imbes na sumagot pa si Hestia, pinulot niya na lang isa-isa ang mga laruang nagkalat sa sahig. Simula kasi ng lumaki ang pamangkin niya, parating nakakatusok o di kaya pinagsisimulan ng aksidente ang mga laruang hindi niligpit.Nang malapit nang matapos si Hes

  • Oops! My Blind Date Turned Out to Be a Billionaire   Chapter 2: Unexpectedly a Billionaire

    Mariing pumikit si Hestia saka ngumiti. “Ano pa bang mawawala sa akin? Hindi ako mayaman, at wala ring impluwensya ang pamilya ko. Buo na ang desisyon ko, pipirma ako sa marriage contract.”“That settles it then, you'll officially be married to me, Mrs. Escalera…” turan ni Ian.Sa lamig ng boses nito, nanigas si Hestia. Nakaramdam din siya ng kakaibang sensasyon sa tiyan, parang mga paru-parong nagsisipag-liparan sa loob ng sikmura niya. Naunang pumirma si Ian, sumunod naman siya. Buong kumpiyansa si Hestia na nagsulat ng pangalan at gumuhit ng pirma kahit hindi tinitingnan ang papel. Nang tapos na ito, napansin niyang iba ang nakasulat na pangalan sa marriage contract mula sa pagpapakilala sa kaniya ni Ian.Pagkabasa nito sa buong pangalan ng asawa, napakunot ang kaniyang noo. “Lucian Escalera? Akala ko ba Ian ang pangalan mo?”“Did I forget to mention my real name? My bad,” natatawang sagot ni Ian.“Ano pang hindi mo sinasabi sa akin?” naiinis na dagdag ni Hestia.Taas kilay naman s

  • Oops! My Blind Date Turned Out to Be a Billionaire   Chapter 1: Hasty Marriage

    Huminga ng malalim si Hestia bago naglakad papasok sa venue ng blind date. Pagbukas pa lang ng pinto, amoy na amoy na kaagad ang mamahaling kape at inumin sa café, gayundin ang mga pastries at iba pang produktong binebenta sa cafe na iyon ay amoy na amoy na sa labas pa lang. Sa bawat hakbang ni Hestia, paulit-ulit na tumuturan ang galit na si Sabel. “Palamunin ka pa rin hanggang ngayon! Wala ka talagang kwenta! Kaya wala sigurong gusto magpakasal sayo dahil makupad ka at mahina mag-isip, tsk!” Unti-unting namumuo ang luha sa paligid ng kaniyang mga mata. Sanay na sanay na si Hestia sa masasakit na salitang parating binubuntol sa kaniya ng Tiyahin. Saulado na nga niya ang mga linyahan nito. Grabe siya kung pagmalupitan ng tiyahin kaya nga siya mismo narito para matakasan ang mapang-abuso niyang “pamilya”. Ang matalim na tunog ng takong ni Hestia ay nagpalingon sa marami. Kuhang-kuha niya ang atensyon ng mga tao sa loob ng nasabing café na iyon. Dahil sa balingkinitan niyang katawan,

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status