“Mukhang seryoso na po talaga si Ma’am Alianna na iwanan ka, Sir Dwaine. Hindi mo man lang po ba siya tututulan? Turan ni Julius. Kasalukuyan siyang nakaupo sa couch na nasa loob opisina ni Don Gregorio.
Hindi sumagot si Dwaine. Tinitigan niya lamang ang annulment papers na nakapatong sa ibabaw ng lamesa ng matanda. “Alam mo, Sir Dwaine, nakikita ko kay Ma’am Alianna na ayaw pa talaga niyang sumuko. Ayaw ka pa niyang pakawalan. Baka napipilitan lang siya kasi feeling niya, wala ng pag-asa na umusad ang relasyon niyo.” Umayos ng upo si Julius. Tsaka siya muling nagpatuloy sa pagsasalita. “What if huwag mo munang pirmahan ‘yang annulment papers? What if iparamdam mo muna sa kanya na against ka sa desisyon niyang putulin ang panghabangbuhay na ugnayan niyo? Sir Dwaine, mahal mo naman si Ma’am Alianna, ‘di ba? Hindi mo naman siya pakakawalan ‘di ba?” Malalim na bumuntong hininga si Dwaine. “Alam mo, Julius, hindi ko alam ang sagot sa tanong mo. Alam mong ni minsan ay hindi ko inisip si Alianna. Kahit pa sa tatlong taon naming pagsasama ay binuhos niya ang buong pagmamahal at pag-aalaga sa akin.” “Alam ko naman ‘yon, Sir Dwaine. Kung paano ka alagaan ni Ma’am Alianna… kung paano siya maghintay sa iyo kahit inaabot ka na ng madaling araw… lahat ng effort ay ginawa niya.” “Pero sa kabila ng lahat ng ‘yon, binalewala ko siya. Pinagod ko siya!” “Pero may oras ka pa naman. Pwede ka pang bumawi. Si Ma’am Alianna na lang ang babae sa buhay mo ngayon. Pwede ka pa namang magsimula ulit eh. Ligawan mo siya. Ibuhos mo ang pagmamahal na nararapat para sa kanya.” Tumikhim si Dwaine. Tiningnan niya ng diretso si Julius. “Masyado kang invested sa marriage namin ni Alianna. May dapat ba akong malaman, Julius?” Nakataas pa ang isang kilay na turan ni Dwaine. “Luh! Sir Dwaine, naman! Concern lang ako kay Ma’am Alianna. Matagal-tagal ko rin siyang nasubaybayan at nakita ko kung paano ka niya alagaan. Mahal ka talaga niya. Lahat ng ginawa niya para sa ‘yo, hindi ko nakitang ginawa ni Ma’am Lilia.” “Lilia loves me more than you know.” Dwaine reacted. He clenched his fist and licked his lower lip. “Boss Dwaine, kalma lang po. Wala naman akong sinabing hindi ka minahal ni Ma’am Lilia. Ang akin lang, never kong nakitang sobra siyang naging concern sa ‘yo. Kasama mo nga lang siya kapag masaya ka eh, pero kapag malungkot ka at pinuputakte ka ng problema… sino bang nariyan sa tabi mo at hindi ka iniiwan? Hindi ba’t si Ma’am Alianna?!” “You were right!” Dwaine finally admitted. “But, I don’t think this is the perfect time to be with her. Masyado ko siyang sinaktan. Marami na akong ginawang kasalanan sa kanya, and I don’t think I’m the perfect man for her.” “So, you’re willing to lose her?” Seryoso ang mukha ni Julius habang sinasabi niya iyon. Seryoso rin ang kanilang pinag-uusapan pero bigla siyang tumawa. “Napapa-english na tuloy ako dahil sa ‘yo, Sir Dwaine! Ipaglaban mo na kasi si Ma’am Alianna. Sa tingin ko naman po, hindi siya mahirap magustuhan eh. Ayaw mo lang pong subukan.” “I—” Magsasalita na sana si Dwaine ng biglang nag-ring ang phone ni Julius kaya tiningnan niya ito ng pamatay na tingin. “Teka lang, Sir! Sagutin ko lang ‘to ha!” Agad na tumayo si Julius. Lumabas siya ng opisina ni Don Gregorio para sagutin ang nasabing tawag. ‘Ano ba naman ‘tong si Joven! Panira ng usapan. Nasa exciting part na kami ni Sir Dwaine eh!’ Kumaltak si Julius. Saka niya sinagot ang nasabing tawag. Makalipas ang ilang sandali, muling bumalik sa loob ng opisina ni Don Gregorio si Julius at sa pagkakataong iyon, nagmamadali siya’t natataranta. “Sir Dwaine—” usal niya. “Iyong asawa niyo po…” “What happened to my wife?!” nagtatakang tanong ni Dwaine. Tumayo siya’t itinuon ang dalawa niyang kamay sa lamesa. Nagulat si Julius sa sinabi ni Dwaine. Gusto niyang asarin ito ngunit mas pinili niyang ipagsawalang bahala ang sinabi ng amo dahil wala sa hulog kung gagawin niya iyon. “Tumawag po si Joven. May nabasag raw po sa loob ng kwarto ninyo. Nag-aalala po sila na baka may nangyari na raw po kay Ma’am Alianna.” “Ano?!” Sigaw ni Dwaine. Agad siyang umalis sa kanyang pwesto at dumiretso palabas ng opisina ng kanyang lolo. “Ano bang nangyari? May ginawa na ba silang paraan? Sinubukan ba nilang katukin ang pinto para masiguro kung ayos lang si Alianna sa loob?” Habang nagsasalita si Dwaine ay nagmamadali siya sa paglalakad. Sa laki ng mansyon ng mga Palacios, halos isang kilometro ang layo ng opisina ni Don Gregorio sa kwarto nina Dwaine kaya hindi ganoon kabilis na marating ito. “Kinatok na raw po nila pero hindi raw po sumasagot si Ma’am Alianna!” “Tell them to do everything they could to open that fúcking door of ours!” “Opo—” agad na ni contact ni Julius si Joven. Sa sobrang bilis maglakad ni Dwaine, hinihingal na siya sa kakahabol. Makalipas ang ilang minuto… “Anong nangyari sa asawa ko?!” sigaw ni Dwaine. Dahil sa sinabi ni Dwaine, natigilan si Manang Lucy. Kasalukuyan kasi siyang naghahanap sa spare key ng kwarto nina Dwaine. “Ano na?! Hindi niyo pa rin nabubuksan ang pintuan?” galit na tanong ni Dwaine. Halos pandilatan niya ng mata si Aling Lucy at si Joven habang naghahalungkat ito sa may cabinet. “S-sorry po, Sir Dwaine! Masyado pong maraming susi dito.” Turan ni Aling Lucy. Natataranta na siya dahil sa pag-aalala. “Julius, tumulong ka na nga rin sa paghahanap!” Utos ni Dwaine. Agad siyang tumayo sa tapat ng pintuan at kinakatok ito ng malakas. “Alianna, open this door. Please open this fúcking door.” Paulit-ulit na kumatok si Dwaine at paulit-ulit rin niyang tinawag ang pangalan ni Alianna pero wala itong respond. Ni ha ni ho mula sa kanyang asawa ay wala siyang narinig. “Ano na?! Wala pa rin ba?” Gigil nang sambit ni Dwaine. Halos mamula na ang mga kamay niya kakakalampag sa pintuang gawa sa pinakamatibay na kahoy. “Ito na po—” ani Joven. Agad niyang inabot kay Dwaine ang susi at dali-dali naman nitong binuksan ang pinto. Nanginginig ang mga kamay ni Dwaine noong mga sandaling iyon. Pinaghalong kaba at pag-aalala kasi ang nararamdaman niya habang sinususian ang pinto. Pagbukas niya, nabitawan niya ang hawak niyang pinagsama-samang susi sa kanyang nakita. “Alianna—”“Alianna —” napasigaw si Dwaine matapos makita ang walang malay niyang asawa na nakahandusay sa sahig. Napatakip sa kanyang bibig si Aling Lucy. ‘Sabi ko na nga ba’t tama ang kutob ko eh! May nangyaring hindi maganda kay Ma’am Alianna.”Wala nang inaksayang oras si Dwaine. Agad niyang nilapitan si Alianna. Habang binubuhat niya ito, napansin niya ang basag na vase na nakakalat at ang tubig na nasa sahig. Pagbuhat niya rin kay Alianna ay nakapa niyang basa ang likuran nito. “Julius, ipahanda mo na ang sasakyan. Dadalhin natin si Alianna sa ospital!” Utos ni Dwaine habang inaayos ang pagkakabuhat sa walang malay na si Alianna. Tumango lamang si Julius. Saka siya nagmadali sa pagbaba. “Manang Lucy, kayo na pong bahala dito sa kwarto. Alam mo na ho ang gagawin.” Turan ni Dwaine. Buhat-buhat na niya palabas ng kwarto si Alianna. Inaalalayan naman siya ni Joven. “Samahan ko na po kayo sa ospital, Sir Dwaine!” Boluntaryong sambit ni Joven. “Wala naman pong utos si Don Gregorio kaya wala
“Walang kasalanan ang apo ko. Kayang patunayan ‘yan ng mga tauhan ko. Kung gusto mo, tanungin mo ‘tong si Joven. Isa siya sa magpapatunay na walang ginawang masama si Dwaine kay Alianna!” Diretsang saad ng matandang Palacios. Hindi sumagot si Alvin pero tinapunan niya ng blankong tingin si Joven.Tumikhim si Joven. Saka siya nagsimulang magkwento. “Totoo po ang tinuran ni Don Gregorio. Wala pong kasalanan si Sir Dwaine. Wala po siya sa kwarto no’ng may marinig si Manang Lucy na nabasag sa kwarto nina Ma’am Alianna. Nasa loob po siya noong mga sandaling iyon.”“Nabasag?! Anong nabasag?!” tanong ni Alvin.“Ang nangyari po kasi kanina, naabutan ko po si Manang Lucy na nakatayo sa tapat ng pintuan nina Sir Dwaine. Biniro ko pa nga po siya kung anong ginagawa niya ro’n. Ang sabi po niya’y naririnig daw po niyang nagwawala si Ma’am Alianna. Nagsisisigaw raw po habang umiiyak. Sinabihan ko pa nga po si Manang na h’wag nang makialam dahil baka may problema lang ang mag-asawa. Hanggang sa nar
Alianna lay in the hospital bed, her eyes closed and her face pale. She had been brought in earlier that day after a fall that had left her unconscious. Her father, Mr. Sebastiano, sat by her bedside, his face etched with worry.The doctor, a middle-aged man with a kind face, entered the room. "Mr. Sebastino," he said, "I have the results of Alianna's tests."Tumingala ang ama ni Alianna. Habang nakatingin siya sa doktor, puno ng pag-asa ang kanyang mga mata. “How’s my daughter, Dr. Santos?”The doctor smiled reassuringly. "Alianna is going to be fine," he said. "She had a small cut on the back of her head, pero natahi na namin ang ulo ng pasyente. Fortunately, she suffered a mild concussion, but there is no sign of any other serious injury. Her tests all came back clear."Nakahinga ng maluwag si Alvin dahil sa magandang balita ng doktor ni Alianna. "Thank God! Alalang-alala talaga ako sa anak kong ‘to. Mabuti naman at walang masamang nangyari sa kanya.”Tumango ang doktor. "I underst
“Kumusta po si Ma’am Alianna, Sir Dwaine? Ano po ang findings sa kanya? Ayos lang po ba siya?” sunod-sunod na tanong ni Manang Elvira. Kasalukuyan siyang nag-aayos ng ilang gamit ni Alianna para dalhin sa ospital.“According to Alianna’s doctor, she’s fine. She just needs to stay at the hospital for monitoring.” Draine said. The tone of his voice was cold.“Uh, Sir—” mahinang sambit ni Manang Lucy. “May nakita po kasi ako habang naglilinis kanina. Hindi niyo po yata napansin no’ng binuhat niyo si Ma’am Alianna.”Umalon ang mga guhit sa noo ni Dwaine. Umayos siya ng tindig at ni krus ang magkabila niyang kamay. “What are you trying to say?”“Habang pinupunasan ko po ‘yong tubig na nakakalat sa sahig ninyo, may mga patak po kasi ng dugo akong nakita. Sa tingin ko po ay may sugat ang ulo ni Ma’am Alianna at ‘yon po ang dahilan kaya siya nawalan ng malay.”“Hindi ko napansin ‘yon!” Turan ni Dwaine. “Nakalugay po siya kaya po siguro hindi niyo napansin.” “Kung may sugat ang ulo ni Aliann
“Galing ako sa billing station, Alianna. Binayaran na pala ni Dr. Santos ang lahat ng hospital bills mo. Pati nga itong gamot ay siya na rin ang bumili para sa iyo.” “Grabe naman si Tito Carl! May pera naman tayong pambayad. Bakit sinagot pa niya. Nakakahiya naman!” Turan ni Alianna. Kasalukuyan siyang tinutulungan ng nurse na umupo sa wheelchair.“Ewan ko ba naman diyan kay Carl. Sinasauli ko na nga ito sa kanya. Kako ay ibigay niya na lang sa iba na mas may kailangan pero talagang mapilit siya.” “Well, kailangan nating bumawi kay tito sa ibang bagay. Since sa bahay naman ako uuwi, why don’t you invite him, dad?” Nakangiting suhestiyon ni Alianna.“Well, that’s a good idea. I’ll ask our chef to prepare his favorite pasta dish.” Turan ni Alvin. Isa-isa na niyang binibitbit ang mga gamit ni Alianna sa kanyang kamay. “The legendary Tagliolini Pasta with Lobster & Truffles.”“Hindi na ako makapaghintay, dad! Natatakam na ako.”Tumawa si Alvin. Ang lahat ng mga bitbit niya’y ibinigay ni
“Walang tao sa kwarto ng asawa ko. Nasaan siya?” Inis na tanong ni Dwaine.“Let me check po, Sir! Ano po bang name ng asawa niyo po?”“Alianna—Alianna Jade Palacios…”Agad na ni check ng nurse sa information desk ang pangalan ni Alianna sa kanilang records. Makalipas ang ilang sandali…“I’m sorry, Sir… pero na-discharged na po ang asawa niyo kanina pang umaga. Ang kanyang ama po ang naglabas sa pasyente.” “Fúck it!” inis na turan ni Dwaine. Hinampas niya ng mahina ang information desk at nanlaki ang mga mata ng nasabing nurse na nakatoka do’n.“Mukhang nilalayo na po ni Sir Alvin ang anak niya sa inyo, Sir Dwaine! Kahapon ko pa po ‘yon napapansin eh! Hindi niya po kami pinalapit kay Ma’am Alianna. Pinag-stay niya lang po kami sa labas. Tapos ngayon, inilabas niya ng maaga si Ma’am Alianna para hindi niyo maabutan.” Tumikhim si Dwaine. He crossed his arms bago magsalita. “Malaki ang galit niya sa akin. Hindi ko naman siya masisisi. Iniisip lang niya ang anak niya. Tsaka malaki ang ka
“Alianna, mabuti naman at gising ka na.” Bungad ni Alvin. Kasalukuyan siyang nakaupo sa coffee table. Hinahalo niya ang kanyang tsaa na nakalagay sa porselanang teacup. “What do you want? Do you want coffee or hot chocolate?”“It’s okay, dad. I’m good.” Nakangiting sagot ni Alianna. Naglakad siya palapit sa kanyang ama at naupo sa harap nito.“Kumusta ang pakiramdam mo? Makirot pa ba ang ulo mo?” Umiling si Alianna. “Hindi na po masyado. Medyo naiilang lang ako dahil hindi ako sanay na may bandage ang ulo ko.” Ngumisi si Alianna matapos niyang magsalita. “Don’t worry! Kapag pwede ng hindi lagyan ng bandage ang sugat mo, hindi mo na kailangan na magtiis. May personal nurse ka pala ha?! Siya ang mag-aalaga sa ‘yo dito lalo na kapag wala ako.”“Hmm… dad, can I ask you something?”“Of course. What is it?”“Am I staying here for long? Hindi ba magiging unfair ‘yon kay Dwaine at kay Don Gregorio dahil kasal pa rin kami ni Dwaine?” Seryosong sambit ni Alianna. Ang mga ngiti sa labi na suot
“Sigurado ka ba dito, Dwaine?! Nasa mansyon tayo ng lolo mo! Baka mahuli niya tayo. Tsaka isa pa, ikakasal ka na bukas. Paniguradong masasaktan ang bride mo kapag nalaman niya na nakipag-séx ang groom niya sa ibang babae isang araw bago ang kasal niya.” “I don’t care, Lilia! Ikaw naman talaga ang mahal ko, ‘di ba?” Umibabaw si Dwaine kay Lilia at sinimulang halikan ang bandang ilalim ng tainga nito.“Dwaine, stop… mali ‘to!” hinawakan ni Lilia ang magkabilang braso ni Dwaine at sinubukan niya itong itulak palayo sa kanya. “Just give your fúcking manhood to your wife tomorrow.”“Ayaw mo ba? Ayaw mo ba sa akin?” Mataas na ang boses na turan ni Dwaine. Nasa ibabaw pa rin siya ni Lilia pero noong sandaling iyon, ang magkabila niyang kamay ay nakatuon sa kama at naka-pushup position habang nasa ilalim niya ito.Hindi kaagad nakasagot si Lilia. Gusto niya si Dwaine. Gustong-gusto niya ito pero alam niyang hindi niya pwedeng gustuhin ang lalaking nasa ibabaw niya ngayon dahil nakatakda na