[“Nasa kwarto niyo na po si Ma’am Alianna. Umuwi na siya.”] Turan ni Julius. Nagmadali pa siyang tawagan ang kanyang amo para lamang ibalita na dumating na ang hinihintay nitong asawa. “I’m on my way, Julius. Medyo traffic lang pero malapit na ako.” [“Bilis-bilisan niyo po, Sir Dwaine. Patapos na po sa pagliligpit ng gamit niya si Ma’am Alianna. M-may kasama rin po pala siyang lalaki na tumutulong sa kanya dito.”]“S-si Alianna, may kasamang lalaki?” napakuyom si Dwaine sa kanyang kamao habang nagmamaneho. Kahit maraming sasakyan sa daan ay pinilit niyang mag-overtake sa mga ito upang mas mapabilis ang kanyang byahe.[“Opo… tinutulungan po siya nito na magligpit ng mga gamit. Katulong rin po nila si Manang Lucy. Patapos na nga po sila eh!”]“He might be Alianna’s new bodyguard—”[“Naku, mukhang hindi naman po ito mukhang bodyguard, Sir Dwaine. Mukhang mayaman tsaka sobrang bango. Parang manliligaw—”]Natigilan sa pagsasalita si Julius nang biglang sumigaw si Dwaine. Halata rin sa bo
“I’m sorry for not loving you the way you deserve to be loved. I’m sorry for not choosing you. For always hurting you and putting you on your lowest point of life. Sorry for bringing you so much disappointment. If I could just turn back time, I will catch you. I will try my best to learn how to love you and make you feel appreciated.” Dwaine grabbed his wife’s waist and pulled her closer to him. “I guess we’re not really meant for each other. You fell for me too early, and I hate myself for not loving you back.”Unti-unti, tinanggal ni Dwaine ang magkabila niyang kamay sa baywang ni Alianna at inilagay niya ang malambot niyang palad sa namamasa’t namimilog na mga pisngi nito.“Hindi ka na ulit iiyak nang dahil sa akin, Alianna. Ayoko nang masaktan pa ulit kita.” Turan niya. Hinaplos niya ang magkabilang pisngi nito at pinunasan ang luha nito. “I’m letting you go, Alianna. Sorry for causing you so much trouble.” Hindi sumagot si Alianna. Patuloy lamang siya sa pag-iyak habang nakatiti
“I’ve already talked to your dad, and I told him that we’re on our way to the villa.”Nakahawak sa manibela si Steven at kasalukuyan siyang nagmamaneho. Diretso ang tingin niya sa daan habang si Alianna naman ay nakasandal ang ulo sa may bintana sa gilid ng driver’s seat.“Nagbilin si Tito Alvin. Pupunta muna raw siya sa opisina dahil may importante siyang aasikasuhin kasama ang Kuya Blake at Kuya Harrison mo.” Kanina pa salita nang salita si Steven pero ni ha ni ho ay wala siyang narinig mula kay Alianna. Nang lingonin niya ito, nahuli niya itong umiiyak habang nakatulala.“Seriously, Alianna… you’re wasting your tears on that man?” Steven raised his eyebrows. “I know crying is good for the soul but crying for him? Gágo ‘yon. Hindi ka dapat umiiyak do’n.”Tila ba nagpanting ang tainga ni Alianna nang marinig niya ang komento ni Steven. Nilingon niya ito at sinamaan ng tingin.“Pwede ba… tantanan mo nga ako sa mga komento mong gan’yan! Tsaka ano naman kung iyakan ko si Dwaine? Masama
“Kumusta ‘yong pinapatrabaho ko sa ‘yo? Have you already found him? Where is he?"[“Sorry, but we haven't found him yet, Mr. Palacios. May lead na po ako kung nasaan siya pero hindi pa po kumpirmado. Base kasi sa report ng informant ko, palipat-lipat po ng lugar ang anak ninyo kaya hindi po namin siya matunton.”]“I need him immediately! I know something was wrong with him. Mukhang may tinatago sa akin ang nag-iisa kong anak.” Bumuntong hininga ng napagkalalim ang matandang Palacios. Ikinuyom niya ang kanyang kamay bago muling magpatuloy. “Hindi pa alam ni Dwaine ang dahilan kaya ayokong pabalikin dito sa Pilipinas ang kanyang ama dahil gusto kong si Alejandro mismo ang magsabi ng lahat sa kanyang anak. Gusto ko na sa kanyang bibig mismo manggaling ang totoong dahilan kung bakit lumaki si Dwaine na hindi siya kasama. Kung bakit ayokong ipaubaya sa kanyang ama ang kompanya ko."[“Ginagawa naman po namin ang lahat para mahanap siya. Hindi naman po kami tumitigil sa paghahanap.”]“Tumata
“Meeting adjourned.” Alvin shouted. He was standing in front of everyone. “Thank you so much for attending this important meeting.”All of the members of the board finally leave the conference room. Alvin was closing his laptop when his newly hired secretary—Maddie, entered the room. “Mr. Sebastiano—” Maddie called. “What’s wrong? Is there anything I can help you with?” Alvin raised his eyebrows.“Your phone kept on ringing, Sir!” Alvin heaved a sigh. “Who’s my caller?”“It’s Steven from Delacruz food corp.”Agad na kinuha ni Alvin ang cellphone niya mula sa kamay ng kan’yang sekretarya. Sumakto namang nag-ring ito muli kaya mabilis niya itong sinagot. “Steven, hello—” Halos dumulas ang cellphone ni Alvin mula sa kanyang kamay matapos niyang marinig ang sinabi ni Steven mula sa kabilang linya. “W-what did you just say, S-Steven?” Alvin said in a cracky voice. [“Jade went missing. I’m already here at the villa but she’s not yet here.”]“Ano bang nangyari? Paano siya nawala? Anon
“Sabi na nga ba dito kita makikita.”Napalingon si Alianna matapos marinig ang pamilyar na boses mula sa hindi kalayuan. Kasalukuyan kasi siyang nakaupo sa may bench habang nakatapat sa palubog na araw. “Dwaine—” she whispered in disbelief. “What are you doing here?”“I just came home from a business trip when Lolo Gregorio told me that you went missing. It’s been a week, Alianna. Don’t you have a plan to go home?” Dwaine walked towards Alianna and sat beside her.“Hindi pa ako handang humarap sa kanilang lahat dahil sa tuwing naaalala ko ang naging resulta ng desisyon ko, nahihiya ako. Feeling ko, isa akong malaking failure kay daddy at sa mga kuya ko. Feeling ko wala na akong ginawang tama.” Tumungo si Alianna. Pakiramdam niya, anumang oras ay babagsak na ang kanyang mga luha.Sumandal si Dwaine sa kanyang kinauupuan. Tumikhim siya bago ilabas ang kan’yang saloobin. “Kasalanan ko ‘to eh! Ako dapat ang sisihin sa lahat ng nangyari sa ‘yo. Kung nagpaka-ayos lang sana ako, eh ‘di sana
“Bakit naman gano’n niyo itrato si Dwaine? Ano bang ginawa niyang masama sa inyo?” Galit na sigaw ni Alianna. Hinihilot niya ang kanyang ulo habang ang isa niyang kamay ay nakahawak sa kanyang tagiliran. “Huwag mo na nga siyang pagtakpan, Alianna. Nakalimutan mo na ba ‘yong mga ginawa niya sa ‘yo? Baka nakakalimutan mo… tatlong taon ka niyang niloko. Pinaasa. Sinaktan. Dinurog. Sinira niya ang pagkatao mo. He made your life a living héll. Hindi ka pa rin nadala? Sumama ka pa rin!” Nanggagalaiting turan ni Alvin. “Nakikita mo ‘yang mga taong ‘yan? Sila lang naman ‘yong inabala ko para mahanap ka pero uuwi ka dito kasama ang lalaking dahilan kaya naging miserable ang buhay mo.”“As I have mentioned earlier, Dwaine picked me up. Hindi nga ako makapaniwala na alam niya kung saan ako hahanapin, bagay na hindi niyo alam.”“You have decided to leave him, but in the end… you still chose to escape with him.”Alianna smirked with a teary eyed. “Do you actually believe I’m that dumb? Nag-file a
Dahil sa pera at impluwensya ng pamilya Sebastiano, gayundin ang mga kalap na ebidensya mula sa hindi tamang pagsasama ng dalawa, mabilis na na-grant ang petition for annulment ni Alianna Jade laban sa asawang si Ruston Dwaine. Dalawang buwan rin siyang namalagi sa villa habang dinidinig ang kaso ngunit nang magbaba ng hatol ang korte, gumawa siya ng desisyon na hindi niya akalaing pipigil sa takbo ng ninanais niyang tahimik na buhay. “Are you sure you want to go back to your father’s mansion? Ayaw mo na ba sa villa? Mas tahimik ang buhay mo do’n.” Tanong ni Steven. Kasalukuyan siyang nakahawak sa manibela habang nakatutok ang tingin niya sa daan.“It’s time, Steven! Dalawang buwan na rin naman ang nakalipas mula nang maghiwalay kami ni Dwaine. Ayoko naman na mabulok lang ako sa villa, so panahon na siguro para mag-isip ako ng mapagkaka-abalahan. Panahon na para makialam naman ako sa kompanya. Tsaka gusto ko ng distraction.” Sagot ni Alianna. Binasa niya ang ibabang bahagi ng labi n