Share

Chapter 14

“Alianna, mabuti naman at gising ka na.” Bungad ni Alvin. Kasalukuyan siyang nakaupo sa coffee table. Hinahalo niya ang kanyang tsaa na nakalagay sa porselanang teacup. “What do you want? Do you want coffee or hot chocolate?”

“It’s okay, dad. I’m good.” Nakangiting sagot ni Alianna. Naglakad siya palapit sa kanyang ama at naupo sa harap nito.

“Kumusta ang pakiramdam mo? Makirot pa ba ang ulo mo?”

Umiling si Alianna. “Hindi na po masyado. Medyo naiilang lang ako dahil hindi ako sanay na may bandage ang ulo ko.” Ngumisi si Alianna matapos niyang magsalita.

“Don’t worry! Kapag pwede ng hindi lagyan ng bandage ang sugat mo, hindi mo na kailangan na magtiis. May personal nurse ka pala ha?! Siya ang mag-aalaga sa ‘yo dito lalo na kapag wala ako.”

“Hmm… dad, can I ask you something?”

“Of course. What is it?”

“Am I staying here for long? Hindi ba magiging unfair ‘yon kay Dwaine at kay Don Gregorio dahil kasal pa rin kami ni Dwaine?” Seryosong sambit ni Alianna. Ang mga ngiti sa labi na suot
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status