“Walang tao sa kwarto ng asawa ko. Nasaan siya?” Inis na tanong ni Dwaine.“Let me check po, Sir! Ano po bang name ng asawa niyo po?”“Alianna—Alianna Jade Palacios…”Agad na ni check ng nurse sa information desk ang pangalan ni Alianna sa kanilang records. Makalipas ang ilang sandali…“I’m sorry, Sir… pero na-discharged na po ang asawa niyo kanina pang umaga. Ang kanyang ama po ang naglabas sa pasyente.” “Fúck it!” inis na turan ni Dwaine. Hinampas niya ng mahina ang information desk at nanlaki ang mga mata ng nasabing nurse na nakatoka do’n.“Mukhang nilalayo na po ni Sir Alvin ang anak niya sa inyo, Sir Dwaine! Kahapon ko pa po ‘yon napapansin eh! Hindi niya po kami pinalapit kay Ma’am Alianna. Pinag-stay niya lang po kami sa labas. Tapos ngayon, inilabas niya ng maaga si Ma’am Alianna para hindi niyo maabutan.” Tumikhim si Dwaine. He crossed his arms bago magsalita. “Malaki ang galit niya sa akin. Hindi ko naman siya masisisi. Iniisip lang niya ang anak niya. Tsaka malaki ang ka
“Alianna, mabuti naman at gising ka na.” Bungad ni Alvin. Kasalukuyan siyang nakaupo sa coffee table. Hinahalo niya ang kanyang tsaa na nakalagay sa porselanang teacup. “What do you want? Do you want coffee or hot chocolate?”“It’s okay, dad. I’m good.” Nakangiting sagot ni Alianna. Naglakad siya palapit sa kanyang ama at naupo sa harap nito.“Kumusta ang pakiramdam mo? Makirot pa ba ang ulo mo?” Umiling si Alianna. “Hindi na po masyado. Medyo naiilang lang ako dahil hindi ako sanay na may bandage ang ulo ko.” Ngumisi si Alianna matapos niyang magsalita. “Don’t worry! Kapag pwede ng hindi lagyan ng bandage ang sugat mo, hindi mo na kailangan na magtiis. May personal nurse ka pala ha?! Siya ang mag-aalaga sa ‘yo dito lalo na kapag wala ako.”“Hmm… dad, can I ask you something?”“Of course. What is it?”“Am I staying here for long? Hindi ba magiging unfair ‘yon kay Dwaine at kay Don Gregorio dahil kasal pa rin kami ni Dwaine?” Seryosong sambit ni Alianna. Ang mga ngiti sa labi na suot
“I have already approved the allotted budget for the reconstruction of our company’s old building. The construction will start by next month and I have already—” Nasa kalagitnaan ng pagpapaliwanag si Don Gregorio nang mapansin niyang tila lumilipad ang isip ng kanyang apo. Tumikhim siya at hinampas ang braso nito na nakapatong sa ibabaw ng lamesa. “Ruston Dwaine Palacios—” sigaw ni Don Gregorio. Magkasalubong ang magkabilang kilay nito habang masama ang tingin sa apo. “Ano ba? Importante itong binabanggit ko sa ‘yo pero mukhang hindi ka interesado. Lumilipad na naman ang isip mo. Alam mo, Dwaine, kung may ibang maaasahan lang sana ako, hindi ako mag-aaksaya ng laway dito.” “P-pasensya na po, lo!” mapagkumbabang turan ni Dwaine. “Napakarami kasing gumugulo sa isip ko kaya parang nawawala na ako sa sarili.”“Hindi mo dapat dinadala dito sa opisina ang personal na problema mo. Be professional, Dwaine! Dito, boss mo ako. I am the president of this company and I’m so disappointed in you
[“Nasa kwarto niyo na po si Ma’am Alianna. Umuwi na siya.”] Turan ni Julius. Nagmadali pa siyang tawagan ang kanyang amo para lamang ibalita na dumating na ang hinihintay nitong asawa. “I’m on my way, Julius. Medyo traffic lang pero malapit na ako.” [“Bilis-bilisan niyo po, Sir Dwaine. Patapos na po sa pagliligpit ng gamit niya si Ma’am Alianna. M-may kasama rin po pala siyang lalaki na tumutulong sa kanya dito.”]“S-si Alianna, may kasamang lalaki?” napakuyom si Dwaine sa kanyang kamao habang nagmamaneho. Kahit maraming sasakyan sa daan ay pinilit niyang mag-overtake sa mga ito upang mas mapabilis ang kanyang byahe.[“Opo… tinutulungan po siya nito na magligpit ng mga gamit. Katulong rin po nila si Manang Lucy. Patapos na nga po sila eh!”]“He might be Alianna’s new bodyguard—”[“Naku, mukhang hindi naman po ito mukhang bodyguard, Sir Dwaine. Mukhang mayaman tsaka sobrang bango. Parang manliligaw—”]Natigilan sa pagsasalita si Julius nang biglang sumigaw si Dwaine. Halata rin sa bo
“I’m sorry for not loving you the way you deserve to be loved. I’m sorry for not choosing you. For always hurting you and putting you on your lowest point of life. Sorry for bringing you so much disappointment. If I could just turn back time, I will catch you. I will try my best to learn how to love you and make you feel appreciated.” Dwaine grabbed his wife’s waist and pulled her closer to him. “I guess we’re not really meant for each other. You fell for me too early, and I hate myself for not loving you back.”Unti-unti, tinanggal ni Dwaine ang magkabila niyang kamay sa baywang ni Alianna at inilagay niya ang malambot niyang palad sa namamasa’t namimilog na mga pisngi nito.“Hindi ka na ulit iiyak nang dahil sa akin, Alianna. Ayoko nang masaktan pa ulit kita.” Turan niya. Hinaplos niya ang magkabilang pisngi nito at pinunasan ang luha nito. “I’m letting you go, Alianna. Sorry for causing you so much trouble.” Hindi sumagot si Alianna. Patuloy lamang siya sa pag-iyak habang nakatiti
“I’ve already talked to your dad, and I told him that we’re on our way to the villa.”Nakahawak sa manibela si Steven at kasalukuyan siyang nagmamaneho. Diretso ang tingin niya sa daan habang si Alianna naman ay nakasandal ang ulo sa may bintana sa gilid ng driver’s seat.“Nagbilin si Tito Alvin. Pupunta muna raw siya sa opisina dahil may importante siyang aasikasuhin kasama ang Kuya Blake at Kuya Harrison mo.” Kanina pa salita nang salita si Steven pero ni ha ni ho ay wala siyang narinig mula kay Alianna. Nang lingonin niya ito, nahuli niya itong umiiyak habang nakatulala.“Seriously, Alianna… you’re wasting your tears on that man?” Steven raised his eyebrows. “I know crying is good for the soul but crying for him? Gágo ‘yon. Hindi ka dapat umiiyak do’n.”Tila ba nagpanting ang tainga ni Alianna nang marinig niya ang komento ni Steven. Nilingon niya ito at sinamaan ng tingin.“Pwede ba… tantanan mo nga ako sa mga komento mong gan’yan! Tsaka ano naman kung iyakan ko si Dwaine? Masama
“Kumusta ‘yong pinapatrabaho ko sa ‘yo? Have you already found him? Where is he?"[“Sorry, but we haven't found him yet, Mr. Palacios. May lead na po ako kung nasaan siya pero hindi pa po kumpirmado. Base kasi sa report ng informant ko, palipat-lipat po ng lugar ang anak ninyo kaya hindi po namin siya matunton.”]“I need him immediately! I know something was wrong with him. Mukhang may tinatago sa akin ang nag-iisa kong anak.” Bumuntong hininga ng napagkalalim ang matandang Palacios. Ikinuyom niya ang kanyang kamay bago muling magpatuloy. “Hindi pa alam ni Dwaine ang dahilan kaya ayokong pabalikin dito sa Pilipinas ang kanyang ama dahil gusto kong si Alejandro mismo ang magsabi ng lahat sa kanyang anak. Gusto ko na sa kanyang bibig mismo manggaling ang totoong dahilan kung bakit lumaki si Dwaine na hindi siya kasama. Kung bakit ayokong ipaubaya sa kanyang ama ang kompanya ko."[“Ginagawa naman po namin ang lahat para mahanap siya. Hindi naman po kami tumitigil sa paghahanap.”]“Tumata
“Meeting adjourned.” Alvin shouted. He was standing in front of everyone. “Thank you so much for attending this important meeting.”All of the members of the board finally leave the conference room. Alvin was closing his laptop when his newly hired secretary—Maddie, entered the room. “Mr. Sebastiano—” Maddie called. “What’s wrong? Is there anything I can help you with?” Alvin raised his eyebrows.“Your phone kept on ringing, Sir!” Alvin heaved a sigh. “Who’s my caller?”“It’s Steven from Delacruz food corp.”Agad na kinuha ni Alvin ang cellphone niya mula sa kamay ng kan’yang sekretarya. Sumakto namang nag-ring ito muli kaya mabilis niya itong sinagot. “Steven, hello—” Halos dumulas ang cellphone ni Alvin mula sa kanyang kamay matapos niyang marinig ang sinabi ni Steven mula sa kabilang linya. “W-what did you just say, S-Steven?” Alvin said in a cracky voice. [“Jade went missing. I’m already here at the villa but she’s not yet here.”]“Ano bang nangyari? Paano siya nawala? Anon
Sunod-sunod na katok ang bumasag sa tahimik na sesyon ni Don Gregorio. Kasalukuyan kasi niyang ine-enjoy ang mainit niyang tsaa habang nakatitig sa screen ng monitor sa computer na nasa kanyang opisina.“I’m so proud of my people. Napanatili nilang mataas ang sales ng third quarter ngayong taon.”Pagkahigop ni Don Gregorio sa kanyang tsaa, muli niyang narinig ang katok. “Ano bang kailangan ninyo?!” sigaw ni Don Gregorio. Binaba niya ang tasa na hawak niya, at tsaka binaling ang tingin sa pinto. Nang bumukas iyon, niluwa nito ang kanyang sekretarya. “What do you need, Sandy?! Haven’t I told you to let me enjoy my session?! Can’t you see I’m drinking my favorite tea? You know it’s my daily routine.”“I know, Don Gregorio, but your personal bodyguard is here. He wants to talk to you. He said it’s an important matter.”“Fine! Let him in—”Tumango si Sandy, saka niya tinawag mula sa labas si Joven. Pagpasok nito, sinampolan kaagad siya ng kasungitan ng matanda. “Ano’ng ginagawa mo dit
“In fairness dito sa bunso ni Alianna ha! Ang gwapo. Ang sarap halik-halikan.”Iritableng inikot ni Lilia ang mga mata niya. “Pwede ba, Riyanna… tigilan mo na nga ang pagpuri-puri mo sa batang ‘yan. Matalino ang batang ‘yan. Kapag na-adopt niya ‘yang mga sinasabi mo… masisira ang mga plano ko. Tigil-tigilan mo na ‘yan ha! Baka mabugbóg ko pa ‘yan.”“Kumalma ka nga! Pati ba naman bata ay papatulan mo pa. Ang bait-bait kaya nitong si Caspian oh. Ang behave pa.”“Hay nako. Wala akong pakialam kahit ano pang ugali ng batang ‘yan. Idi-dispose ko lang din naman ‘yan kapag nakuha ko na ang gusto ko.” Nilapitan ng kaunti ni Riyanna si Caspian qReid. Tinakpan niya ang magkabilang tainga nito bago magsalita. “Ikaw, grabe ka magsalita dito sa bata. Inosente ‘to at walang kinalaman sa history niyo ng mga magulang niya, kaya huwag mo siyang idamay. Ginamit mo na nga siya sa plano mo, tapos ayaw mo pa siyang itrato ng maayos.”“Pwede ba, Riyanna… huwag mo na nga akong pangaralan. Kahit ano pang sa
“What happened to my parents?”Diretso ang tingin ni Lilia sa kaibigang biglang binanggit ang mga magulang niya.“Nakausap mo na ba sila?!” Muli pang tanong ni Riyanna. Umiling si Lilia. “I haven’t seen them for years. Mula nang makipag-live in ako kay Blake, hindi na ako umuwi sa amin. Palagi lang kaming magka-videocall ni mommy. I didn’t even mention my pregnancy to her. Magugulat na lang siya kapag nabalitaan niya na meron akong anak.”“Too late, Lilia! She already knew the truth. They knew the truth rather.”Nanlaki ang mga mata ni Lilia dahil sa isiniwalat ng kaibigan. “ANO?! Paano nangyari ‘yon? Sinabi mo ba sa kanila?” Umiling si Riyanna. “No! Blake did it for you.” “Bwísét na Blake talaga ‘yan. Inunahan pa ako sa sarili kong mga magulang. Alam mo, nagsisisi talaga ako na pinatulan ko ‘yang kapatid ni Alianna eh. Pareho silang panira sa buhay ko.” “Hindi mo naman masisisi si Blake. Mabaliw-baliw ‘yon kakahanap sa ‘yo. Halos suyodin na niya ang buong pilipinas mahanap ka lan
“Open this fúcking door—”Nabulabog ang masarap at payapang tulog ni Riyanna nang makarinig siya sa ng sunod-sunod na malakas na katok mula sa pintuan ng condo niya. Ang ganda pa naman ng pagkakahiga niya sa bago niyang sofa ngunit bubulabugin lamang siya ng kung sino.“Sino ba ‘yan?! Agang-aga naman!” Tumayo na si Riyanna. Kahit gulo-gulo pa ang buhok niya’y dumiretso na siya sa pintuan para buksan iyon.Mariing hinawakan ni Riyanna ang doorknob. Pagpihit niya, agad niya itong binuksan. Pagbukas niya, ilang sandaling nanigas ang katawan niya dahil sa gulat.“Oh, ano’ng nangyari sa ‘yo? Bakit parang bigla kang nakakita ng multo?”“What are you doing here, Lilia? After more than two years of ghosting everyone… you still have the audacity to show your face here?” Riyanna said while raising one of her eyebrows. “You know what… I still can’t forget how you hurt me even though I’m just telling the truth.”“Blah… blah… blah…” ani Lilia sabay ikot ng magkabila niyang mata. “It’s been two yea
“Lilia?!”Nanlaki ang mga mata ni Dwaine matapos makita ang ex-girlfriend na matagal nang hindi nagpapakita sa kanya.“Did you miss me?!” nakasuot ng mala-demonyonyong ngiti si Lilia habang nakatingin kay Dwaine nang mata sa mata.Tiningnan ni Dwaine ang dating nobya mula ulo hanggang sa paa. Ibang-iba na ang itsura nito ngayon sa itsura nito noong mga panahon na mahal na mahal niya ito.“What happened to you?” tanong ni Dwaine habang sinisipat ang pisikal na anyo ng dating nobya. Habang tinitingnan niya ito, hindi niya alam kung ano ang dapat niyang maramdaman. Malayong-malayo na kasi ito sa itsura ng babaeng minahal niya noon. Ang buhok nitong dating palaging palaging bagong rebond ay naka-pusod na lamang at mukhang hindi pa nasusuklay. Ang damit nito’y gusot at mukha pang luma. Ang dating Lilia na mahilig sa mataas na takong ay naka strap na tsinelas na lang. Ang itsura niya’y ibang-iba na sa itsura niya noon.“I can’t believe what I’m seeing right now. Ano’ng nangyari sa ‘yo? Bak
MAKALIPAS ANG DALAWANG TAON…“Excuse me, Miss! Can I talk to Ruston Dwaine Palacios?” “May I have your appointment slip, Ma’am?” The girl sitting on the front desk politely asked. She look at the girl that was holding a two-year-old toddler in front of her.“Appointment slip?! W-wala ako no’n, Miss. Pero kailangan ko kasing makausap si Dwaine. Importante lang, kaya parang awa niyo na… payagan niyo na akong makapasok. Hindi ako manggugulo.”“I’m sorry, Ma’am, but we will not allow you to enter and talk to Mr. Dwaine Palacios if you don’t have an appointment slip. It’s our policy and you have no choice but to follow it.” “Miss, ano ba?! Papasukin niyo na ako. Hayaan niyo na akong makausap si Dwaine. Sandali lang naman ako eh!”“I’m sorry, Ma’am! Hindi ko po kayo maaaring pagbigyan na basta na lang pumasok. Kung gusto po ninyo, magpa-appointment po muna kayo sa secretary ni Mr. Dwaine Palacios at hintayin niyo po na bigyan kayo ng specific date bago po kayo bumalik sa akin.” May kinuha
Matapos ang bugbugang trabaho sa opisina, napagpasyahan ni Alvin na doon mag hapunan sa Villa kasama ang dalawang anak na si Blake at Harrison. Masyado silang maraming ginagawa kaya naisip nito’y magsabay-sabay sa pagkain para kahit papaano ay mabawasan ang pagod na nararamdaman ng bawat isa. Ang villa ay maaliwalas, puno ng ilaw at init mula sa mabangong pagkain na inihahanda ng chef na tagapag luto sa villa. Sa hapag kainan, nakalatag na ang mga plato at kubyertos, ngunit wala pang nakaupo. Habang hinihintay ang hapunan, nasa salas sina Blake at Harrison, abala sila sa pakikipaglaro sa dalawang buwang gulang na mga anak ni Alianna. Gising kasi noong sandaling iyon si William at si Wyatt kaya inalagaan muna nila ito.Kinakanta-kantahan ni Blake ang dalawang bata habang makailang ulit nitong inaalog ang kanyang ulo.“Ayusin mo, Kuya Blake. Hindi pa tumatawa oh!” Ani Harrison habang tinuturo ang dalawang bata.Nakahiga ang dalawang sanggol sa malambot na sapin sa malambot na sofa at
Dahil pasado alas kwatro pa lamang ng madaling araw nang magising ang dalawang bata, gumising na rin si Alianna para mag-breastfeed sa mga ito.Hindi biro ang mag-alaga ng dalawa ng sabay pero kinakaya ito ni Alianna. Ine-enjoy pa nga niya ang bawat sandali habang inaalagaan ang mga anak.Pinalipas pa ni Alianna ang oras at nagpasya siyang ilabas na ang mga bata ng pumatak ang oras ng alas sais ng umaga. Paglabas niya, binati siya ni Cita na kakatapos lamang magtimpla ng tsaa. “Magandang umaga, senyorita! Inom po tayo ng tsaa.” Nakangiting alok nito. Itinaas pa nito ang maliit na tasang may nakalawit pang tali na may kakabit na brand ng tsaa na tinimpla niya.“Maraming salamat po. Mamaya na lang po ako. Igagala ko muna po itong mga anak ko dito sa villa. Maganda po kasi ang view dito kapag umaga.” Tulak-tulak ni Alianna ang isang malaking stroller na dalawang bata ang laman. Binili niya talaga ang ganoong size dahil ayaw niyang mahirapan kung bibilhan niya pa ito ng tig-isa na hindi
“Where’s Alianna? I want to see her—”Agad na tinanong ni Steven si Yaya Cita nang makita niya ito matapos niyang pumasok sa entrance ng villa. “Bakit gan’tong oras naman ang oras ng dalaw mo kay senyorita, Sir—” tumingin sandali si Cita sa wall clock na nakalagay sa entrance bago muling ibinalik ang tingin kay Steven. “Alas otso na ng gabi. Nagpapahinga na siya kasama ang mga anak niya sa kwarto.”“Galing ako sa meeting kaya ngayon lang ako nakarating. Tsaka sobrang busy ko kaya hindi ako nakaka-bisita.” Paliwanag ni Steven sa matanda.“Nagpapahinga na ‘yon si senyorita. Balik ka na lang bukas, Sir.” Giit ng matanda pero hindi pumayag si Steven. Hindi kasi niya sigurado kung may libreng oras pa siya bukas, o sa mga susunod pang araw.“Baka naman gising pa ‘yon, Yaya Cita. Pagbigyan mo na ako. Sandali lang naman kaming mag-uusap eh. Hindi rin naman kami magtatagal.”“Pasensya na, Sir Steven. Kapapanganak lang halos ni Senyorita Alianna. Ngayon pa lang siya nakakabawi ng pahinga dahil