[“Hello, Alianna Jade?! Kanina pa ako tumatawag sa ‘yo. Bakit hindi ka sumasagot!”]
“I-I’m sorry, dad! I lost my phone last night. Inabot lang ito sa akin ng isa sa katulong dito sa mansyon. Nakita niya raw sa ilalim ng kama.” [“How come na nawala ang phone mo sa sarili mong kwarto?”] “Naglasing ako kagabi. Sobrang lasing. Kaya siguro hindi ko alam kung ano ang nangyari kagabi.” [“Naglasing ng sobra?! B-bakit mo naman ginawa ‘yon, Alianna? Nahihibang ka na ba?”] Huminga ng malalim si Alianna. “Sinulit ko lang ‘yong nalalabing araw ko dito sa mansyon ng mga Palacios. Wala namang masama do’n hindi ba?!” [“Pwede namang maglasing pero hindi ‘yong sobra-sobra. Hindi ‘yong halos mawala ka na sa sarili mong katinuan. Baka nakakalimutan mong babae ka pa rin, Alianna! Mag-isip ka nga. P-paano na lang kung may nangyari—”] Natigilan sa pagsasalita si Alvin nang biglang sumabat si Alianna habang nagsasalita siya. Hinilot niya ang kanyang sintido bago magsalita. “Dad, please! Stop lecturing me today. Sobrang sakit ng ulo ko ngayon.” [“Hayy, Alianna! Pasaway ka talaga. Manang-mana sa mommy mo. Kung nabubuhay lang siya, paniguradong kukurutin ka no’n sa síngit dahil sa katigasan ng ulo mo.”] “Here we go again, dad. Wala ka na po bang ibang sasabihin?” [“Hmmm, meron pa. About your annulment with Dwaine. Naayos na ni Atty. Romualdez ang annulment papers. Naipadala ko na rin sa office ni Don Gregorio ‘yon. Nakuha mo na ba?”] Bumuntong hininga ng malalim si Alianna. Ibinagsak niya ang kanyang katawan sa malambot nilang kama ni Dwaine bago magsalita. “Yes, dad! Napirmahan ko na rin ‘yon at sa mga oras na ‘to, hawak na siya ni Dwaine.” [“Are you really sure about this, Alianna?! Handa ka na bang pakawalan siya? Kapag na process na ang annulment na ‘yan, there is no turning back. Hindi mo na mababawi ang asawa mo.”] “Buo na ang pasya ko, daddy! Matagal din akong naging bilanggo ng paghanga ko kay Dwaine. Umabot na rin ako sa puntong halos magmakaawa ako sa kanya para lang i-consider niya ako bilang asawa. Tatlong taon na rin buhat ng magpakasal kami pero hanggang ngayon, wala pa ring usad ang relasyon namin. Ayaw niya pa rin sa akin, dad.” [“P-pero paano kung—”] “Stop giving me false hope, dad! Tatlong taon—tatlong taon na akong naghihintay. Pagod na pagod na pagod na ako.” [“I felt bad for you, anak. Sorry for putting you in that situation. Ang alam ko kasi ay gustong-gusto mo si Dwaine kaya no’ng inalok ako ni Don Gregorio ng agreement, pumayag ako agad.”] Tumikhim si Alianna. “Wala ka namang kasalanan, dad! Ginusto ko rin namang pakasalan si Dwaine. Saksi ka, dad. Alam mo kung gaano ako ka-baliw sa kanya. Alam mo kung gaano ko siya ka-gusto pero nahihirapan na ako. Sakal na sakal na ako sa sitwasyong ginusto ko. Ayoko na!” Habang nagsasalita si Alianna, nagtubig ang magkabilang mata niya hanggang sa unti-unti na itong umagos sa magkabila niyang pisngi. Tuluyan ng bumagsak ang mga luha ni Alianna. [“Alianna, anak… nariyan ka pa ba?!”] Makailang ulit na tinawag ni Alvin ang pangalan ng kanyang anak ngunit talagang hindi ito natitinag. [“May naririnig akong hikbi. Alianna, umiiyak ka ba?!”] For the nth time, tinawag ni Alvin ang pangalan ng kanyang anak ngunit talagang hindi na ito sumasagot hanggang sa tuluyan nang maputol ang linya sa pagitan nilang mag-ama. “Buong buhay ko, ikaw lang ang minahal ko, Dwaine! Lahat ng atensyon ko, sa iyo ko ibinigay. Palagi akong handang umagapay sa ‘yo sa t’wing kailangan mo ng tulong. Inalagaan kita. Inalala. Minahal kita ng higit pa sa sobra. Ibinaba ko ang sarili ko para sa ‘yo pero anong napala ko? WALA! Sama ng loob at sakit sa puso lang ang nakuha ko.” Unti-unti, ibinangon ni Alianna ang kanyang sarili mula sa pagkakahiga. Kinuyom niya ang kanyang mga kamay dahil sa galit at isa-isa niyang pinagbabato ang mga unan sa sahig. Rinig na rinig sa labas ng kwarto ang pagwawala ni Alianna kaya nang biglang mapadaan ang isa sa mga tagapagsilbi niya ay bigla itong nakaramdam ng labis na pag-aalala. “Ano kayang problema ni Ma’am Alianna… bakit kaya siya nagwawala!” Dahil sa kuryosidad, mas lumapit ang tagapagsilbi ni Alianna sa pintuan ng kwarto nila ni Dwaine. Idinikit nito ang kanyang kanang tainga sa pintuan. “Hindi ko marinig ang sinasabi niya. Tanging hikbi lang ang naiintindihan ko.” Ilang sandali ring pinilit na makinig ng nasabing katulong. Huminto lang siya no’ng may makakita sa kanya. “Hoy, Aling Lucy… anong ginagawa mo riyan?! Nakiki-chismis ka ba sa loob ng—” “Pwede bang manahimik ka, Joven?! Masyado kang maingay!” Pagsaway ni Aling Lucy. Buong lakas niyang tinatakpan ang bibig nito. Tinabig ni Joven ang kamay ng matanda. “Grabe naman! Parang gusto mo nang tanggalin ang bibig ko, Aling Lucy! Konti na lang ay magdidikit na ang labi ko sa diin mong maghawak.” “Ang ingay mo naman kasi!” “Eh, ano ba kasi ang ginagawa mo diyan? Kapag ikaw nakita ka ni Sir Dwaine, kagagalitan ka no’n. Ayaw pa naman no’n ng tsismosa.” “Hoy, grabe ka naman—” hinampas ni Aling Lucy ng mahina ang braso ni Joven. “Hindi ako tsismosa. Narinig ko kasing nagsisisigaw si Ma’am Alianna. Eh ‘di ba hindi naman ‘yon gano’n? Ngayon ko lang siya narinig na nagwala. H-hindi kaya may problema sila ni Sir Dwaine?” Kumamot sa kanyang ulo si Joven. “Hay nako, Aling Lucy… kung may problema man sila, dapat ay sila ang aayos no’n. Labas tayo do’n. Kaya bago ka pa mahuli diyan, umalis ka na. Gawin mo na ‘yong inaasikaso mo.” Inis na inikot ni Aling Lucy ang kanyang mga mata. Ipagtatabuyan na sana niya ito nang bigla itong nagkusa na umalis matapos tumunog ang kanyang cellphone dahil may tumatawag. “Kahit kailan talaga, kj ‘tong si Joven. Mahirap kausap dahil masyadong seryoso sa buhay.” Tumikhim si Aling Lucy at malalim na bumuntong hininga bago magpatuloy. “Hayy, buhay! Makapaglinis na nga lang.” Akmang aalis na sana si Aling Lucy nang may bigla siyang narinig mula sa loob ng kwarto nina Dwaine at Alianna. Napahawak siya sa kanyang dibdib matapos marinig na may nabasag sa loob. “Hala! Baka kung napa’no na si Ma’am Alianna—”“Mukhang seryoso na po talaga si Ma’am Alianna na iwanan ka, Sir Dwaine. Hindi mo man lang po ba siya tututulan? Turan ni Julius. Kasalukuyan siyang nakaupo sa couch na nasa loob opisina ni Don Gregorio.Hindi sumagot si Dwaine. Tinitigan niya lamang ang annulment papers na nakapatong sa ibabaw ng lamesa ng matanda. “Alam mo, Sir Dwaine, nakikita ko kay Ma’am Alianna na ayaw pa talaga niyang sumuko. Ayaw ka pa niyang pakawalan. Baka napipilitan lang siya kasi feeling niya, wala ng pag-asa na umusad ang relasyon niyo.” Umayos ng upo si Julius. Tsaka siya muling nagpatuloy sa pagsasalita. “What if huwag mo munang pirmahan ‘yang annulment papers? What if iparamdam mo muna sa kanya na against ka sa desisyon niyang putulin ang panghabangbuhay na ugnayan niyo? Sir Dwaine, mahal mo naman si Ma’am Alianna, ‘di ba? Hindi mo naman siya pakakawalan ‘di ba?”Malalim na bumuntong hininga si Dwaine. “Alam mo, Julius, hindi ko alam ang sagot sa tanong mo. Alam mong ni minsan ay hindi ko inisip si A
“Alianna —” napasigaw si Dwaine matapos makita ang walang malay niyang asawa na nakahandusay sa sahig. Napatakip sa kanyang bibig si Aling Lucy. ‘Sabi ko na nga ba’t tama ang kutob ko eh! May nangyaring hindi maganda kay Ma’am Alianna.”Wala nang inaksayang oras si Dwaine. Agad niyang nilapitan si Alianna. Habang binubuhat niya ito, napansin niya ang basag na vase na nakakalat at ang tubig na nasa sahig. Pagbuhat niya rin kay Alianna ay nakapa niyang basa ang likuran nito. “Julius, ipahanda mo na ang sasakyan. Dadalhin natin si Alianna sa ospital!” Utos ni Dwaine habang inaayos ang pagkakabuhat sa walang malay na si Alianna. Tumango lamang si Julius. Saka siya nagmadali sa pagbaba. “Manang Lucy, kayo na pong bahala dito sa kwarto. Alam mo na ho ang gagawin.” Turan ni Dwaine. Buhat-buhat na niya palabas ng kwarto si Alianna. Inaalalayan naman siya ni Joven. “Samahan ko na po kayo sa ospital, Sir Dwaine!” Boluntaryong sambit ni Joven. “Wala naman pong utos si Don Gregorio kaya wala
“Walang kasalanan ang apo ko. Kayang patunayan ‘yan ng mga tauhan ko. Kung gusto mo, tanungin mo ‘tong si Joven. Isa siya sa magpapatunay na walang ginawang masama si Dwaine kay Alianna!” Diretsang saad ng matandang Palacios. Hindi sumagot si Alvin pero tinapunan niya ng blankong tingin si Joven.Tumikhim si Joven. Saka siya nagsimulang magkwento. “Totoo po ang tinuran ni Don Gregorio. Wala pong kasalanan si Sir Dwaine. Wala po siya sa kwarto no’ng may marinig si Manang Lucy na nabasag sa kwarto nina Ma’am Alianna. Nasa loob po siya noong mga sandaling iyon.”“Nabasag?! Anong nabasag?!” tanong ni Alvin.“Ang nangyari po kasi kanina, naabutan ko po si Manang Lucy na nakatayo sa tapat ng pintuan nina Sir Dwaine. Biniro ko pa nga po siya kung anong ginagawa niya ro’n. Ang sabi po niya’y naririnig daw po niyang nagwawala si Ma’am Alianna. Nagsisisigaw raw po habang umiiyak. Sinabihan ko pa nga po si Manang na h’wag nang makialam dahil baka may problema lang ang mag-asawa. Hanggang sa nar
Alianna lay in the hospital bed, her eyes closed and her face pale. She had been brought in earlier that day after a fall that had left her unconscious. Her father, Mr. Sebastiano, sat by her bedside, his face etched with worry.The doctor, a middle-aged man with a kind face, entered the room. "Mr. Sebastino," he said, "I have the results of Alianna's tests."Tumingala ang ama ni Alianna. Habang nakatingin siya sa doktor, puno ng pag-asa ang kanyang mga mata. “How’s my daughter, Dr. Santos?”The doctor smiled reassuringly. "Alianna is going to be fine," he said. "She had a small cut on the back of her head, pero natahi na namin ang ulo ng pasyente. Fortunately, she suffered a mild concussion, but there is no sign of any other serious injury. Her tests all came back clear."Nakahinga ng maluwag si Alvin dahil sa magandang balita ng doktor ni Alianna. "Thank God! Alalang-alala talaga ako sa anak kong ‘to. Mabuti naman at walang masamang nangyari sa kanya.”Tumango ang doktor. "I underst
“Kumusta po si Ma’am Alianna, Sir Dwaine? Ano po ang findings sa kanya? Ayos lang po ba siya?” sunod-sunod na tanong ni Manang Elvira. Kasalukuyan siyang nag-aayos ng ilang gamit ni Alianna para dalhin sa ospital.“According to Alianna’s doctor, she’s fine. She just needs to stay at the hospital for monitoring.” Draine said. The tone of his voice was cold.“Uh, Sir—” mahinang sambit ni Manang Lucy. “May nakita po kasi ako habang naglilinis kanina. Hindi niyo po yata napansin no’ng binuhat niyo si Ma’am Alianna.”Umalon ang mga guhit sa noo ni Dwaine. Umayos siya ng tindig at ni krus ang magkabila niyang kamay. “What are you trying to say?”“Habang pinupunasan ko po ‘yong tubig na nakakalat sa sahig ninyo, may mga patak po kasi ng dugo akong nakita. Sa tingin ko po ay may sugat ang ulo ni Ma’am Alianna at ‘yon po ang dahilan kaya siya nawalan ng malay.”“Hindi ko napansin ‘yon!” Turan ni Dwaine. “Nakalugay po siya kaya po siguro hindi niyo napansin.” “Kung may sugat ang ulo ni Aliann
“Galing ako sa billing station, Alianna. Binayaran na pala ni Dr. Santos ang lahat ng hospital bills mo. Pati nga itong gamot ay siya na rin ang bumili para sa iyo.” “Grabe naman si Tito Carl! May pera naman tayong pambayad. Bakit sinagot pa niya. Nakakahiya naman!” Turan ni Alianna. Kasalukuyan siyang tinutulungan ng nurse na umupo sa wheelchair.“Ewan ko ba naman diyan kay Carl. Sinasauli ko na nga ito sa kanya. Kako ay ibigay niya na lang sa iba na mas may kailangan pero talagang mapilit siya.” “Well, kailangan nating bumawi kay tito sa ibang bagay. Since sa bahay naman ako uuwi, why don’t you invite him, dad?” Nakangiting suhestiyon ni Alianna.“Well, that’s a good idea. I’ll ask our chef to prepare his favorite pasta dish.” Turan ni Alvin. Isa-isa na niyang binibitbit ang mga gamit ni Alianna sa kanyang kamay. “The legendary Tagliolini Pasta with Lobster & Truffles.”“Hindi na ako makapaghintay, dad! Natatakam na ako.”Tumawa si Alvin. Ang lahat ng mga bitbit niya’y ibinigay ni
“Walang tao sa kwarto ng asawa ko. Nasaan siya?” Inis na tanong ni Dwaine.“Let me check po, Sir! Ano po bang name ng asawa niyo po?”“Alianna—Alianna Jade Palacios…”Agad na ni check ng nurse sa information desk ang pangalan ni Alianna sa kanilang records. Makalipas ang ilang sandali…“I’m sorry, Sir… pero na-discharged na po ang asawa niyo kanina pang umaga. Ang kanyang ama po ang naglabas sa pasyente.” “Fúck it!” inis na turan ni Dwaine. Hinampas niya ng mahina ang information desk at nanlaki ang mga mata ng nasabing nurse na nakatoka do’n.“Mukhang nilalayo na po ni Sir Alvin ang anak niya sa inyo, Sir Dwaine! Kahapon ko pa po ‘yon napapansin eh! Hindi niya po kami pinalapit kay Ma’am Alianna. Pinag-stay niya lang po kami sa labas. Tapos ngayon, inilabas niya ng maaga si Ma’am Alianna para hindi niyo maabutan.” Tumikhim si Dwaine. He crossed his arms bago magsalita. “Malaki ang galit niya sa akin. Hindi ko naman siya masisisi. Iniisip lang niya ang anak niya. Tsaka malaki ang ka
“Alianna, mabuti naman at gising ka na.” Bungad ni Alvin. Kasalukuyan siyang nakaupo sa coffee table. Hinahalo niya ang kanyang tsaa na nakalagay sa porselanang teacup. “What do you want? Do you want coffee or hot chocolate?”“It’s okay, dad. I’m good.” Nakangiting sagot ni Alianna. Naglakad siya palapit sa kanyang ama at naupo sa harap nito.“Kumusta ang pakiramdam mo? Makirot pa ba ang ulo mo?” Umiling si Alianna. “Hindi na po masyado. Medyo naiilang lang ako dahil hindi ako sanay na may bandage ang ulo ko.” Ngumisi si Alianna matapos niyang magsalita. “Don’t worry! Kapag pwede ng hindi lagyan ng bandage ang sugat mo, hindi mo na kailangan na magtiis. May personal nurse ka pala ha?! Siya ang mag-aalaga sa ‘yo dito lalo na kapag wala ako.”“Hmm… dad, can I ask you something?”“Of course. What is it?”“Am I staying here for long? Hindi ba magiging unfair ‘yon kay Dwaine at kay Don Gregorio dahil kasal pa rin kami ni Dwaine?” Seryosong sambit ni Alianna. Ang mga ngiti sa labi na suot