Habang abala ako sa pagpupunas ng lamesa ay maya't-maya kung naririnig ang mahinang pag-vibrate ng cellphone ko. Ngani-ngani ko itong kunin para masinghalan ko kung sinuman ang tumatawag pero hindi ko pwedeng gawin ang bagay na 'yon dahil kabilin-bilinan ng manager ng restaurant kung saan ako nagta-trabaho na huwag akong gagamit ng cellphone kapag hindi oras ng break ko. Dahil bago pa lamang ako ay kailangan kong magpakitang gilas kaya naman kahit nangangati na ang kamay ko na kuhanin ang cellphone ko ay itinuon ko nalang ang atensyon ko sa pagpupunas ng lamesa.
"WHAT THE HELL ARE YOU SAYING GABRIEL!? YOU WANTED A BREAK UP!?" Napatigil ako sa pagpupunas ng lamesa at nakakunot-noo na tumingin sa paligid, nakahinto ang lahat sa restaurant na animo'y mayroon bagay ang nagpatigil sa mga ito. Muli kong sinuyod ang floor kung nasaan kami at hindi kalayuan mula sa kinatatayuan ko ay nakita ko ang isang mestisang babae na nakapameywang habang nakatayo at nakatingin sa lalaking katapat nito. Base sa tindig at kutis ng babae ay mahahalata mo kaagad na nagmula ito sa mayamang angkan. Hindi ko maiwasan na tignan ang sarili ko sa salaming lamesa at kaagad akong nakaramdam ng panliliit at hiya dahil sa hitsura at kulay ko. Magkakasunod akong napabuntonghininga bago ko sunod na tinignan ang lalaki. Kalmado ito at makikita sa mukha nito ang kasiyahan, dahil sa paninitig ko dito ay dagling dumapo ang mga mata ko sa mata nito, puno iyon ng magkahalong pagmamahal at pagod. "ARE YOU DONE CHECKING MY BOYFRIEND OUT!?" Wala akong ideya na ako na pala ang sinasabihan nung babae kaya patuloy lang ako sa paninitig sa kaharap nitong lalaki. "YOU!!" Nagsimulang magtinginan ang mga tao sa akin habang nagbubulungan, saka ko lang napagtanto na ako pala yung sinisigawan nung babae. Napatingin ako sa babae at sa boyfriend nito na kapwa nakatingin sa akin. Puno ng disgusto ang pinupukol na titig sa akin nung babae habang ang boyfriend niya at nakangisi lang sa akin. Kaagad na nag-init ang pisngi ko dahil sa pagkapahiya. "P-Pasensya n-na," nauutal na ani ko bago ako nagtatakbo palabas para ilayo ang sarili ko sa mas malaki pang kahihiyan. Hinihingal na naupo ako sa bench sa harap ng restaurant. "I told you, she start working." Napa-angat ang tingin ko dahil sa familiar na boses na narinig ko. Hindi ko naitago ang gulat na naramdaman ko dahil nakatayo ngayon sa harapan ko si Doctor Juarez at ang lalaki na isang linggo ko ng hindi nakikita. And it hits me! Isang linggo na pala mula nung nag-usap kami at ngayon na ang itinakdang araw ng pagdedesisyon ko. "It's time." Malamig na sambit ni Rommel. Pinagpawisan ako. Tumingin ako kay Doctor Juarez para humingi ng tulong pero tanging pag-iling lang ang naging sukli nito sa akin. Doon palang ay alam ko ng wala ng pag-asa. Nagmamakaawang binalingan ko si Rommel. "B-Bigyan m-mo p-pa a-ako n-ng i-isa p-pang l-linggo." Pagmamakaawa ko. Tumigas ang expression nito bago madiin itong umiling. Kaagad akong nanlumo dahil sa naging sagot nito sa pagmamakaawa ko. But I refused to accept that kaya naman naglakad ako palapit dito. Habang naglalakad ako ay ramdam ko ang panginginig ng mga binti ko. "B-Bigyan m-mo p-pa a-ako k-kahit i-ilang a-araw l-lang." I insisted, still hoping na pagbibigyan ako nito sa kahilingan ko. Pero sa halip na sumagot ay humakbang ito palapit sa akin. Napaatras ako. "Dad? What are you doing here?" Natigil ako sa pag-atras at napatingin sa nagsalita. It was him! The guy inside the restaurant and he is with her. Bumaling ako kay Rommel pero hindi manlang ito natinag sa mga bagong dating. Sa isipin na hindi ito ang tinatawag nung lalaki ay tumingin ako kay Doctor Juarez pero mariin itong umiling bilang pagtanggi at itinuro si Rommel. "Dad!" Napatalon ako sa malakas na sigaw nung anak ni Rommel. Dahil sa pagsigaw nito ay saka lang tumingin doon si Rommel. Mabilis na kumuyom ang mga kamay ni Rommel habang nakatingin sa anak nito at sa babaeng kasama nito ngayon. "You are with her again." Rommel stated, bakas ang disgusto sa boses nito. Gusto ko ng umalis para makaiwas sa mga ito pero ayaw makisama ng mga paa ko kaya naman nanatili lang akong nanunuod kung paano magpalitan ng sagot ang mag-ama. "Of course I am with her because she is my girlfriend." Dinig ko ang pagpalatak ni Rommel at kahit na nakatalikod ito sa akin ay alam ko na nakangisi ito ngayon. "Girlfriend? You know that you are bound to marry a Chinese woman, not some random lady you picked up at street." Bakit nakaramdam ako ng kirot dahil sa matalim na salita ni Rommel. Pakiramdam ko ay ako ang pinatutungkulan niya sa mga salitang iyon. Kahit wala naman namamagitan sa amin ng anak nito. "Andrea is not just a random girl Dad. I am not like you, who keeps on picking up a gold digger in need!" Muli ay naramdaman ko ang kirot sa puso ko at nadagdagan pa iyon ng sakit dahil sa matalim pero puno ng nang-iinsultong tingin ni Gabriel. "Are you his new pet? I just wanted to remind you that my father is a married man and he is an asshole!" Gabriel shouted before bolting out dragging his girlfriend. Hindi ko alam kung dapat ba akong magsalita after ng encounter na iyon. At kung dapat akong magsalita, hindi ko naman alam kung ano ang sasabihin ko. Kaya naman minabuti ko nalang na manahimik. "I should probably get going. May trabaho pa ako." Tumingin ako kay Doctor Juarez para pigilan ito pero huli na dahil naglalakad na ito palayo. Peke akong umubo para kuhanin ang atensyon ni Rommel. "A-Alis na rin ako, kasi may trabaho pa ako." Paalam ko pero hindi naman ako kumikilos para umalis. Ilang minuto akong naghintay kay Rommel kung may sasabihin ito. Pero nanatili itong tahimik at nakatalikod lang sa akin. Nagbuntonghininga ako at tinutuo na ang paalam ko. Mabagal akong naglakad palayo, pero nakakadalawang hakbang palang ako ay napatigil na ako dahil hindi ko matiis na iwanan itong mag-isa. Mabilis kong tinungo ang kinatatayuan nito at bago pa ito makapag-react ay hinatak ko ito palayo sa restaurant. Malayo na kami sa restaurant nung bitawan ko ito at harapin. "Okay ka lang ba?" Tumitig lang ito sa akin. Gustong pumutok ng ugat sa ulo ko dahil sa hindi nito pagsagot sa mga tanong ko. "Napipi ka naman na yata? Ganon ba katalim yung mga salita nung anak mo para ma-shock ka ng ganiyan?" Kahit siguro ako ay matutulala kapag pinagsalitaan ako ng anak ko. Mabuti nalang at wala pa akong anak na maaaring sumigaw sa akin ng ganon. "I'm cutting your Mom's support." Tama ba ang naririnig ko? Pakiramdam ko ay nabingi ako sa salita nito. I threw him a questioning look. "I specifically gave you a week to decide. I have a timeline to follow. It is you who don't honor that." Umiiling na umatras ako palayo dito. Ramdam ko ang pagragasa ng luha ko dahil sa panlalabo ng paningin ko. "H-Hindi m-mo p-pwedeng g-gawin i-iyan. H-Hindi m-mo p-pa-pabayaan ang n-nanay k-ko." "Malinaw ang gusto kong mangyari at kung hindi mo kayang ibigay ang bagay na iyon ay wala na akong magagawa pa kung hindi ang pabayaan kayo." Matigas na ani nito at naglakad na palayo. Habang naglalakad ito papalayo sa akin, pakiramdam ko ay unti-unti akong nalalagutan ng hininga. "G-Gagawin k-ko n-na, p-pumapayag n-na a-ako h-huwag m-mo l-lang p-pabayaan a-ang n-na-nay k-ko." Sambit ko gamit ang paos at nanghihina kong boses. Halos hindi ko na madiretso ang pagsasalita ko dahil sa matinding pag-iyak. Hindi ko alam kung narinig ba nito ang naging sagot ko dahil dire-diretso lang ito sa paglalakad palayo. Nanlulumo na napaupo nalang ako sa sementadong kalsada habang umiiyak at umaasa na sana ay bumalik si Rommel. Pero umaasa lang ako sa wala dahil halos isang oras na akong nakaupo lang at naghihintay pero walang dumadating. Saktong isang oras ang lumipas ay tahimik na tumayo ako at naglakad papunta sa sakayan ng jeep. Habang naglalakad ako ay walang ibang pumapasok sa isip ko kung hindi ang nanay ko at kung paano ko susuportahan ang pag-gagamot nito. Dahil sa wala ako sa sarili ko ay hindi ko na namalayan na nakarating na ako sa hospital at kasalukuyan na nakatayo sa harap ng kwarto ng nanay ko. "It didn't went great, right?" Napatingin ako kay Doctor Juarez na nakatayo sa tabi ko. Umiling ako dito. "P-Papabayaan mo na ba ang n-nanay ko D-Doc?" "Obligasyon namin bilang doctor ang gamutin ang mga pasyente namin, pero hindi ganon kadali ang bagay na iyon. Wala ng libre sa panahon ngayon Ms. Cabrera." Dahil sa mga salitang binitawan nito ay doon ko napagtanto ang kalagayan ng mga kapwa ko mahihirap. "S-Si Rommel, Doc."' "Bakit si Rommel?" Tanong ni Doctor Juarez, pagkatapos kong banggitin ang pangalan nito. "Pwede mo ba akong ihatid sa kaniya?" Malungkot na pinukol siya nito ng tingin. "Hindi ko alam kung maganda bang ideya ang gusto mong mangyari pero gusto kong ihanda mo ang sarili mo sa maaari mong madatnan sa pagpunta mo doon." Hindi ko alam kung bakit nakakaramdam ako ng kaba sa mga binibitawan nitong salita. "A-Anong i-ibig mong sabihin?" Kabadong tanong ko. "Dumaan siya dito kanina at may kasama siyang babae. About your age I think." Umugong sa aking utak ang mga salita ni Doctor Juarez. Kaagad akong pinanghinaan ng loob pero pilit kong nilabanan iyon sa pamamagitan ng isang ngiti. "Please Doc Juarez, dalhin mo ako sa kaniya." Tanging nasabi ko. Kahit bakas ang pagdadalawang-isip sa mukha nito ay tumango ito. Kaagad kaming tumulak papunta sa condo unit ni Rommel. May kalayuan ito sa probinsya namin kaya naman inabot na kami ng dilim bago narating ang unit nito. Tahimik akong sumandal sa padre habang hinihintay si Rommel na pagbuksan kami. Ilang minuto pa ang lumipas bago bumakas ang pinto at iniluwa si Rommel na tanging tuwalya lang ang nagsisilbing takip sa pang-ibaba nito. "What do you want Juarez?" Nawala ang lahat ng tapang na inipon ko pagkarinig sa baritonong boses nito. "Ikaw na ang bahala sa kaniya." Sagot ni Doctor Juarez Hindi ko naintindihan ang sinabi ni Doc Juarez. Pero nagkaroon ako ng ideya nung hilahin ako nito paalis sa pinagsasandalan ko at itulak ako palapit kay Rommel. Kaagad akong sinalo ni Rommel at kaagad kong naramdaman ang pag-iinit ko dahil sa paglapat ng hubad nitong katawan sa akin. "Enjoy!" Nanunuya pang ani ni Doc Juarez bago kami iwan. "What are you doing here?" Hindi ko alam kung bakit ako pinanginginigan ng katawan. "D-Dahi-" "Babe, what took you so long?" Hindi ko natapos ang dapat sana'y sasabihin ko dahil sa pamumutol ng isang malambing na boses. Napatingin ako sa pinanggalingan niyon at kaagad akong nahiya sa sarili ko pagkakita ko sa ayos at hitsura nito. "Who is she?" May pagtatakhang tanong ng babae. Naglaro sa isipan ko ang mga sinabi ni Doc Juarez sa akin bago kami magpunta dito. Ito na marahil ang babae na tinutukoy nito kanina na kasama ni Rommel. "P-Pasensya na, nakaabala ako inyo." Kumawala ako sa pagkakahawak ni Rommel, pero hindi ako nito hinayaan. Sa halip ay mas humigpit pa ang hawak nito na para bang gusto akong saktan. "Get out!" Natulala ako dahil sa galit na sigaw nito at ang mga sumunod na nangyari ay tumatakbo na ang babae palabas ng unit ni Rommel. "You too. Get out." Utos nito sabay bitaw sa akin. Madiin akong umiling habang sinasalubong ko ang galit nitong titg. "Hindi ako aalis." Puno ng pinalidad na sagot ko. "Then you are up to the consequences of defying me." Puno ng pagbabanta na sambit nito. Nanghahamon na tinitigan ko ito para itago ang malakas na pagkabog ng dibdib ko. "Kahit ano pa ang kapalit ng pagsuway ko sa iyo ay handa akong tanggapin." Pagtatapang-tapangan ko kahit ang totoo ay dinadaga na ako. Ngumisi ito at kaagad akong hinila papasok. Pagpasok sa loob ng bahay ay itinulak ako nito pahiga sa sofa at kaagad na kinubabawan. "I am going to make you regret coming back here." Sambit nito at kaagad na sinakop ang bibig ko."Are you sure that you are up for the consequences? You know, there's still time if ever you changed your mind." Napaisip ako at napatanong sa sarili ko kung handa na nga ba akong pasukin ang ganitong mundo? Malaking tulong sa pamilya ko ang ibabayad nito pero malaking dagok din ito dahil maaari akong makulong. Habang nag-iisip ako ng dapat na isagot sa tanong nito ay biglang pumasok sa utak ko ang imahe ng anak nito na nakatingin sa akin na puno ng pandidiri. Nanigas ako. "Sto-!" Napatigil ako sa pagsigaw at tangkang pagtulak dito nung mukha naman ng nanay ko na nagmamakaawa ang lumitaw sa isip ko. 'Anong nangyayari sa akin?' "Do you want me to stop?" Tanong ni Rommel at tumigil sa paghalik sa hita ko. Hindi ako kumibo dahil tinitimbang ko pa ang sitwasyon. Pero nakarinig ako ng pagbuntonghininga kaya tumingin ako dito at nakita ko itong lumalayo sa akin. Kaagad akong naalarma, kaya bago pa akong makapag-isip ng tama ay hinawakan ko ang ulo nito ay iginiya iyon
KINABUKASAN "We're here! Get out." Pagkarinig ko sa sinabi nito ay mabilis kong inayos ang sarili ko at naghanda ng lumabas ng sasakyan. Pero palabas na sana ako nung hawakan nito ang braso ko para pigilan akong umalis. "I'm picking you up tomorrow 6 AM sharp. Make sure you bring enough clothes." Nagtatakang tinignan ko ito. "May pupuntahan ba tayo?" Puno ng pagtatakang tanong ko. Wala akong alam na pupuntahan at wala din akong nakaplano na pupuntahan. Ang tanging gusto ko lang gawin sa ngayon at sa mga susunod na araw ay ang manatili sa tabi ng nanay ko na ngayon ko palang magagawa simula nung nakilala ko si Rommel. "Did I gave you permission to ask question?" Napalunok ako ng sarili kong laway dahil sa talim ng boses nito. Dahan-dahan akong umiling bilang sagot. "You don't get to speak without my permission. DO YOU UNDERSTAND?" Paalala nito na pinagdiinan ang tatlong huling salita. Wala akong magawa kung hindi ang tumango dahil alam ko na maaaring malagay sa k
GABRIEL TAN POINT OF VIEW "My girlfriend or racing?" Tanong ko sa aking isipan. Marami ang hindi nakakaalam pero isa akong champion racer. Racing is my first love and my first heartbreak because my parents don't support it. At ngayon ay pinapapili ako between the two things that I love. Nilagok ko ang alak na natitira sa bote na hawak ko. I am in a bar right, dito ako idinala ng mga paa ko pagkatapos ng pag-uusap namin ni Mommy. More like pagtatalo ang nangyari and that's pretty common para sa pamilya namin. Pagkaubos ko ng isang bote ng beer ay nakulangan ako kaya naman sinenyasan ko ang waiter na magdala pa ng alak. Kaagad naman sumunod ang waiter at pumasok sa kitchen area. Habang hinihintay ko ang pagdating ng order ko oy iginala ko ang paningin ko sa mga nagsasayawan sa dance floor. Na-i-enganyo ako na gayahin ang mga ito sa ginagawang pagpapakasaya. Pero napigilan ako ng sitwasyon ko. I am the son of the biggest business tycoon in the Philippines, maaari akong makuhana
ROMMEL POINT OF VIEW Palabas na kami ng parking lot nung biglang may humarang sa harapan ng kotse ko. Mabilis akong kumilos para tapakan ang break at kaagad namang umangil ang sasakyan ko ng dahil doon. "ROMMEL!" Dinig kong puno ng takot na sigaw ni Rozelle. Napatingin ako dito at kaagad akong naawa dahil sobrang putla nito at mahigpit na nakakapit sa handle ng pintuan. "Calm down." Pagpapakalma ko dito. Sinigurado ko na kalmado na ito bago ako lumabas para komprontahin ang humarang sa amin. Pero pagkalabas ko ng sasakyan para harapin ang lalaki ay halos hilahin ko rin pabalik ang katawan ko nung makilala ko ang kaharap ko. "Where is she Dad!?" Sigaw ni Gabriel. Nakita ko sa mga mata nito ang matinding galit. Nakaramdam ako ng pagkabahala dahil madadagdagan na naman ang mga bagay na ikagagalit sa akin nito. "What are you talking about?" Nagmamaang-maangan na tanong ko. Sa gilid ng mga mata ko ay nakita ko ang pagyuko ni Rozelle, bagay na ipinagpasalamat ko dahil malaki
ROZELLE LYNN POINT OF VIEW Napabuntong hininga nalang ako sa panunuod ko sa naglaho ng sasakyan ni Rommel. Nang muling pumasok sa isipan ko ang dahilan ng pagmamadali nitong umuwi. "Rozelle, anong ginagawa mo!?" Frustrated na tanong ko sa sarili ko. Ilang beses akong nagbuntonghininga bago ako tumayo. Pero bago pa ako makatayo ay isang matipunong kamay ang humawak sa braso ko para alalayan ako. Mabilis na dumapo ang tingin ko dito at kaagad akong nahiya sa hitsura ko nung nakita ko na si Doctor Juarez ang umalalay sa akin. "Nasaan si Rommel?" Tanong nito habang gumagala ang tingin sa malawak na parking lot. Muli na naman akong napabuntong hininga. Tinulungan ko ang sarili ko na makatayo ng tuwid at nung nakatayo na ako ng maayos ay lumayo ako dito at pinagpagan ko muna ang pwetan ko. "What's wrong?" Puno ng pagkabahalang tanong nito. "May nangyari sa bahay nila. Kaya kinailangan nitong umuwi." Malungkot na paliwanag ko. Nagbuntonghininga ito. "Ganon ba? Tara na at
ROZELLE POINT OF VIEWHindi na maipinta ang mukha ni Andrea pagkatapos kong sambitin ang pangalan ng boyfriend nito."How dare you mentioned my boyfriend's name!?" Nanggagalaiti sa galit na sigaw nito. But my eyes is fixed on Gabriel's direction. Puno ng galos ang mukha at braso nito, bagay na hindi ko napansin kaagad kanina."A-Anong n-nangyari s-sayo?" Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit ganito nalang ang pag-aalala na nararamdaman ko. Am I in love with him? Or I am just guilty because I know that I am the reason why their family is falling apart.Tumigas ang expression ni Gabriel at nagdilim ang tingin sa akin. Bakas sa mga mata nito ang kagustuhan na saktan ako.Napaatras ako dahil sa sobrang takot. "A-Alis n-na a-ako." Natatarantang sambit ko at saka ako nagtatakbo palayo."You bitch! I am not done with you!" Dinig kong sigaw ni Andrea pero hindi ako nag-abala na tumingin dito. Patuloy lang ako sa mabilis na pagtakbo para maghanap ng pagtataguan, pero wala akong m
ROZELLE POINT OF VIEWMahabang katahimikan ang namutawi sa pagitan namin ni Rommel pagkaalis ni Gabriel."R-" I tried to call his name pero hindi ko naituloy ang pagtawag ko dito. Itinikom ko ang bibig ko at ilang beses na lumunok."So my Son, huh?" Panimula nito sa nanunuyang boses habang dismayadong nakatingin sa akin.Umiling ako at pinakiramdaman ang sarili kung maayos na ako. Nung nasigurado ko na kaya ko ng tumayo ay tumayo ako at humakbang palapit dito."H-Hindi ito kagaya ng iniisip mo." Sagot ko. Humakbang ito paatras na naging dahilan para tumigil ako sa paghakbang palapit dito."It is not what I think it is? Yeah, because it is what I saw." Madiing sagot nito, bago galit na inilang hakbang ang pagitan namin. Rommel stood one hundred eighty two centimeters and he has long stride kaya naman hindi na ako nakapag-react nung nakalapit ito sa akin.Hinawakan nito ang braso ko. Hawak na walang pag-iingat at may intensyon na makapanakit.Ibayong sakit ang naramdaman ko at pakiram
"Intensyon ko na sirain ka kagaya ng pagsira mo sa mga magulang ko at magsisimula lang iyon paglabas natin ng hospital na ito." Who would have thought na makakaya akong saktan ng mga salita lang. At sino rin ba ang makakapagsabi na ito na ang huling pagkakataon na mararanasan ko ang maging masaya. Dahil pagkalabas namin ng hospital ay padarag akong itinulak ni Gabriel sa backseat ng kotse nito na nakaparada sa harapan ng hospital. Hindi ako sigurado kung coincident lang ba na nakaparada ang sasakyan nito sa harap ng hospital or sinadya na ilagay ito dito. Either way ay hindi ako pwedeng magtagal dito dahil may usapan kami ni Rommel. Ayokong mag-isip ito ng hindi maganda at maging dahilan iyon para hindi nito suportahan ang nanay ko. "Saan mo ako dadalhin? Hindi ako maaaring magtagal dahil may kailangan pa akong gawin." Tanong ko habang pinapanood ko itong sumasakay ng sasakyan. Naupo ito sa tabi ko at kaagad na dinakma at piniga ang pisngi ko. "Hindi ikaw ang makakapagsabi ku
GABRIEL POINT OF VIEW "I'M NOT FOOL!" Galit na sigaw Brenan habang hinahawakan ang nagwawalang si Mr. Reid. Hindi ko alam kung bakit tawang-tawa ako kay Brenan, para kasi itong bata na galit na galit. "Stop laughing! I am not happy either that you call me stupid!" Kai snapped make me burst out in laughter. "I didn't call stupid!" Natatawang sagot ko. "You basically did!" Sabay na sigaw ni Brenan at Kai. "Alright, alr-!" "GABRIEL, WHAT ARE YOU DOING!?" Tumigil ang paligid dahil sa galit na boses nung nagsalita. Napatingin ako sa pinanggalingan ng boses at hindi ko maiwasan ang pandidilim ng paningin ko dahil sa nakikita kong mabilis na naglalakad palapit sa amin. "Who are they?" Tanong ni Brenan. Hindi ko sinagot ang tanong ni Brenan. Binitawan ko lang si Mr. Reid at saka ako naglakad palayo. "Don't walk away Gabriel." Sigaw nitong muli. Kumuyom ang kamay ko at galit na hinarap ko ito. "I don't have something to tell you, so back off!" I spat. Tinitigan k
GABRIEL POINT OF VIEW "Let's go Gabriel, don't mind him bro!" Ani ni Brenan at mabilis akong niyakag palayo kay Reid bago pa kami magpang-abot. Noong pa man ay hindi na maganda ang pakitungo sa akin ng matanda na iyon. Bagay na hindi ko maintindihan gayong wala naman akong matandaan na ginawa kong masama rito. "What is your beef with that old man?" Tanong ni Brenan pagkatapos namin makalayo kay Reid. Naiwan na doon si Kai para ito na ang magpakalma sa halos mag-amok ng judge. Tumingin ako kay Brenan bago ako umiling dahil wala akong ideya. Tinapik ni Brenan ang balikat ko. "You got a tough contender man, if that man is the judge. You want me to talk to the higher ups?" Naintindihan ang gustong iparating ni Brenan. Alam ko na delikado ako sa racing kapag kabilang si Mr. Reid sa mga judge, pero hindi ko hahayaan na madamay ang mga kaibigan ko kung anuman ang problema sa akin nito. Umiling ako dito bilang pagtanggi. "It's okay man, sanay na ako sa matanda na iyan." Sagot
GABRIEL POINT OF VIEW "Bro!" Nagmamadali akong lumapit kila Brenan na nakatayo na sa tapat ng kotse nito. "Where have you been!?" Sigaw nito dahil hindi na magkamayaw ang tao sa sigawan. Mas lalo pang lumakas ang sigaw ng mga tao nung lumabas yung mc na siya rin nag MC sa unfinished race namin ni Brenan nung nakaraan. Automatiko akong napatakip sa tainga kasabay ng pagpikit ng isang mata dahil pakiramdam ko ay nabasag ang eardrums ko sa hiyawan ng mga tao. "What? And why is there a lot of people in here?" I ask Brenan while leaning slightly and scanning the area who has tons of people. But I didn't let my hands on my ears go, pero inalis ni Brenan iyon. Pinukol ko ito ng masamang tingin bago sinubukan na ibalik ang kamay ko sa pagkakatakip sa tainga ko pero hindi na hinayaan pa ni Brenan na mangyari iyon. Kaagad na ako nitong hinila papunta sa harapan. "Stop Brenan!" Saway ko dito na may kalakasan para marinig nito ang sinasabi ko. "We're already behind in registrati
I promise to myself not to beg, at least not him because of what he did in the past. I guest I ate what I said. ROZELLE POINT OF VIEW Nakayuko lang ako at mahigpit ang hawak sa card nito habang naririnig ko ang mga hakbang nito papalayo. I didn't dare stop him. I just stand there with my eyes beaming with tears. Hanggang sa isa-isa itong pumatak kasabay ng pagsarado ng pinto ng condo nito. While weeping silently, I couldn't help but ask myself, what did I do to suffer like this? And then it hits me. I am a sinner and the one I sinned cost him to loathe me. Nanatili ako sa ganoong posisyon ng medyo matagal hanggang ang mga binti ko na ang kusang sumuko. Napasalampak ako at napasandal sa pader kaharap ng pinto ng unit nito. Dahan-dahan akong pumikit dahil sa pagod na nararamdaman ko. I did not know that crying can drain me. GABRIEL POINT OF VIEW Fvck this idiot! Hindi ko naiwasan ang mapamura habang pinapanood ko si Rozelle na payapang natutulog habang nakasalampak sa
ROZELLE POINT OF VIEW "Saan ka pupunta?" Tumigil ako sa paghakbang para harapin si Doctor Juarez at sagutin ang tanong nito. Dahan-dahan akong bumaling dito. "Kay Gabriel." Tipid na sagot ko. Pinukol ako ng mapanuring tingin ni Doctor Juarez, dahilan para nag-iwas ako dahil pakiramdam ko ay binabasa nito ang buong kwento ko. "Pwede ko bang malaman kung ano ang gagawin mo kila Gabriel?" Napaiwas ako ng tingin dahil hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Hindi ko pwedeng sabihin na pinapapunta ako ni Gabriel doon gayong ito mismo ang nagpalayas sa akin. Narinig ko na nagbuntong hininga so Doctor Juarez. Nagtataka ko itong tinignan, I was about to say something nung nauna itong nagsalita. "If this is what you want, I am not gonna stop you. It's just that, let me take you there." Nagdalawang isip ako kung papayagan ko ba ito na ihatid ako. Ilang minuto din akong nanahimik, pero sa huli ay pumayag din ako sa gusto nito. Hinatid ako nito sa condo unit ni Gabriel,
GABRIEL POINT OF VIEW "Brenan, can we go home now?" Napapagod na tanong ko sa kaibigan ko. Bagot na pinapanood ko itong inilalagay ang turnilyo ng manibela ng kotse ni Anya. "It's 4 AM and we still haven't done with that!" Dugtong ko nung hindi sumagot ang kaibigan ko. Tumingin ito ng masama sa akin. "Kung tinutulungan mo ako ay baka natapos na tayong dalawa dito!" Asik nito. Napahalakhak ako ng malakas dahil sa matigas nitong pananagalog. "Since when did you learn Tagalog?" Natatawang tanong ko. I know Brenan is half Filipino and half American but I didn't know na marunong itong managalog. As far as I know Kasi ay lumaki ito sa US at hindi pa nakakapunta ng pilipinas ever. Umikot ang mga mata nito. "My Mom is a Filipina, it's a requirement in our household to learn our culture. And you know Filipina Mom's, they're pretty persuasive." Sagot nito. And I couldn't agree more. Because it's the same thing in our family. We are forced to learn Chinese culture. My Mom and Romme
GABRIEL POINT OF VIEW "How did you figure it out?" I ask him. The target wasn't me but Anya but because I used her car ay ako ang napag-abutan. "Your know Anya, she's not the type of person who wears mask. If she doesn't like you, she will say it." Tumango ako. I remember her attitude and how the way she told some random girl that she hates her. "Everyone hates her guts." I commented. "At first I hate her attitude too. You know? But for all the times that we spent together here, I notice that she is actually sweet." Mabilis na bumaling ang tingin ko kay Brenan. "Some love never fades, huh?" Brenan stiff and slowly look at me. Para itong nakakita ng multo sa sobrang putla ng mukha. Natawa ako at napailing bago ilang beses kong tinapik ang balikat nito. Brenan is in love with Anya. I am a witness of his wooing stage but after I got back to the Philippines nawalan na ako ng balita sa kanila. And base on his reaction parang may pagtingin pa rin ito pero hindi nagin
GABRIEL POINT OF VIEW "This is just a friendly game but that doesn't mean we are not judging your performance. There is still money involve and as per every race rules. You need to still do your best to win!" Nakatayo na kami parehas ni Brenan sa tapat ng nakabukas na pinto ng kaniya-kqniya naming gamit na sasakyan. Kapwa kami nakaharap sa lalaki na nagsasalita sa harapan namin. Pinagmasdan ko ang mukha nito dahil hindi ito pamilyar sa akin. Siguro ay bago ito dito or baka matagal na rin dahil hindi na ako napunta dito after ng incident na kinasangkutan ko. "I will be the judge alongside with the other members of the council. And as one of the judges I don't want a messy race. I want a clean one." Seryosong sambit nito at isa-isa kaming tinignan. Nakatingin ako kay Brenan na tumango lang sa bago ako tinignan at minotion na gayahin ko lang siya. Kaya naman ginaya ko nalang ang ginawa nito kagaya na rin ng gusto nito. Tinignan ko ang isa sa mga judge at saka ko ito tinanguan.
GABRIEL POINT OF VIEW After that talk ay tuluyan akong lumabas ng hospital at hindi na bumalik. Naglakad ako hanggang makarating ako sa isang malapit na taxi na nakaparada. Huminto ako sa tapat ng taxi at marahan kong kinatok ang bintana ng driver seat. Yumuko ako ng bahagya nung dahan-dahan na bumaba ang bintana ng taxi. "Can you take me to the forth?" Tanong ko sa driver. Nakota ko ang pagdadalawang isip ng driver. The forth is not far from here but the distance itself and the location of that place is not welcoming. "Uhm," may pagdadalawang isip na ani ng driver ng taxi. "I'll pay you a thousand bucks." Sambit ko na kaagad para hindi na ito makatanggi pa. Siguro ay nangangailangan din ang taxi driver dahil kahit puno ng takot ang mukha nito ay tumango ito at umayos ng upo. Kaagad kong binuksan ang pinto ng back seat at mabilis akong pumwedto don. Pagkasakay mo naman ay kaagad ng ponatakbo ng driver ang taxi. Tahimik ang buong byahe namin papunta ng the fourth. Per