Klarong-klaro kay Hillary na pinapakita ni Hugo na wala talaga siyang pakialam at wala din naman siyang pakialam sa kanya. Kung magpataasan sila ng pride, panalo si Hillary d'yan.
Ngayon na parte na ng pamilya Gavinski si Hillary, magtitiis nalang siyang makasama ang pamilyang ito kahit hindi niya gusto, lalo na ang kanyang asawa na gusto niyang balatan ng buhay.
Napabuntong-hininga si Hillary at napabalik sa kwarto sa taas para magpahinga. Magkasama dapat sila ngayong gabi pero masaya siya na umalis ang lalaki dahil sosolohin niya ang malaki at malambot na kama. Kanina pa sana siya nakatulog pero binulabog siya ng asungot na si Hugo.
Samantala, bumalik si Mayor Harrison sa kanilang kwarto at nakita ang kanyang asawang si Jennifer na nakahiga na sa kama, "Honey, maari mo bang samahan si Hillary sa kanyang kwarto ngayon? Iniwan kasi siya ni Hugo at binastos. Ayaw kong isipin ng mga tao na mayroong gulo sa pagitan nila. Hindi maganda na pag-usapan ito ng maraming tao, madadamay tayo."
Hindi rin masaya si Jennifer sa kasalang ito. Isa siya sa mga tumutol dahil sinabi ni Lorraine sa kanya ang tungkol kay Hillary, ngunit walang nakinig sa kanya dahil isa lang siyang hipag ng pamilya. "Harry, ni ikaw nga na sarili kong asawa hindi ko magawang pangalagaan, aatupagin ko pa ang asawa ng iba?"
"Jenny, you're the eldest daughter-in-law into the family. Ikaw ang maybahay ng pamilya at kailangan mong gabayan ang ibang miyembro ng pamilya."
"What?? Obligasyon ko ba siya? Eh, ang kapal ng mukha niyang magpakasal kay Hugo para lang manghingi ng pera, sa tingin mo ba karapat-dapat siyang mapabilang sa pamilya natin?" Inis na sabi ni Jennifer at pinatay ang lampara sa mesa.
"Gusto ko ng matulog, pagod ako." Aniya.
"Jenny, kahit anong sabihin mo, wala ka ng magagawa, kasal na sila at pwede bang tumulong ka naman. That girl can ruin our reputation. She's careless with her actions, kailangan na may umalalay sa kanya." Seryosong sabi ni Harry.
"Ay, pwedeng si Butler Arthur nalang. Wala ako sa huwisyo para mangialam sa problema ng iba."
×××
Ngayong gabi, nagmamaneho si Hugo pabalik sa kanyang sariling mansyon. Nakasanayan niya kasing maniharan ng mag-isa at bihira siyang matulog doon sa mansyon ng kanilang pamilya dahil ayaw niyang makihalubilo sa kanila.
Hindi niya magawang masanay sa pamumuhay kasama ang buong pamilya, kaya umuwi nalang siya sa sarili niyang tahanan para magpahinga. Lalong ayaw niyang makasama si Hillary na nagpapainit ng kanyang ulo.
Matapos ang ilang minuto, nakarating na siya sa village at pagkatapos niyang iparada ang kotse sa tabi, napansin niya ang isang babae na nakaupo sa pintuan, may hawak na bote ng alak, at tila nakatitig sa ilaw na tumatama sa kanya gamit ang malabong tingin.
Nagitla naman siya na maaninag kung sino ang taong nandoon at mabilis niyang pinatay ang ilaw at bumaba ng sasakyan. Naglakad siya papalpit sa pintuan at napatingin sa babaeng nakatitig sa kanya na puno ng luha ang mga mata.
"Bakit ka nandito?"
Ito ay si Vanessa na hindi maipinta ang mukha sa sakit na naramdaman at patuloy na umagos ang luha sa kanyang mata. "Bakit? Bakit ka nagpakasal sa ibang babae?"
Kanina pa siya nandoon na naghihintay kay Hugo, labis siyang nasaktan na malamang pumayag itong ipakasal sa ibang babae at wala siyang magawa para pigilan ito.
Suot naman ni Vanessa ang pulang damit na binili sa kanya ni Hugo dati. Nanatili siyang nakaupo sa hagdan na gawa sa semento at tumitig sa mukha ng lalaki.
"Hugo, magpaliwanag ka naman sa akin? Iiwanan mo nalang ba ako sa ere???"
Halatang pagod na pagod na siya sa kaiiyak, parang naubos na ang lahat ng lakas niya at wala na siyang kakayahang tumayo.
"Vanessa, enough." Kinuha ni Hugo ang bote na kanyang hawak. "Lasing ka na!"
"No, I'm not! Hugo, alam mo kung ano ang nararamdaman ko. Labinlimang taon na kitang gusto, at ako ang babaeng pinakamatagal na nanatili sa tabi mo. Akala ko kung magpapakasal ka, ako ang pipiliin mo. Bakit siya? Dahil ba mas bata siya sa akin?"
Napahilamos ng mukha si Hugo na walang nagawa kung hindi buhatin siya para dalhin sa loob dahil sobrang lamig sa labas.
Habang binubuhat siya, patuloy pa rin si Vanessa sa pag-iyak, "Tinatanong kita, Hugo! Ipaliwanag mo sa akin! Bakit?! Bakit mo ako nagawang iwan at magpakasal sa ibang babae?! Mahal mo na ba siya?!"
Marahan na ipinatong ni Hugo si Vanessa sa sofa. "Magpahinga ka at umalis na pagkatapos."
"No! I won't leave unless you tell me everything! Huwag mo akong iwasan, Hugo. Sabihin mo sa akin ang totoo, mahal mo ba siya??" Pagpupumilit niya at hinila ang kwelyo ni Hugo kaya naglapit ang kanilang mukha.
Nanatiling kalmado si Hugo na walang reaksyon sa lahat ng mga narinig. Inilayo niya rin agad ang sarili sa kanya.
"For fifteen years, I stayed beside you. Ginawa ko ang lahat, inalagaan kita at minahal ng lubos. B-bakit hindi mo ako magawang mahalin pabalik? I know you don't love that woman, bumalik ka dito ng mag-isa, tama ba? B-but I still couldn't understand why you agreed to get married with a stranger? Ano bang meron sa kanya, ha??"
Mula nang malaman ni Vanessa na ikakasal si Hugo, balak niya sanang pumunta sa kasal nila para manggulo pero pinigilan siya ng sariling ama dahil ayaw nitong madam ay sa gagawin nitong kahihiyan. Naisipan nalang ng ama niya na ikulong siya buong araw sa mansyon dahil matigas ang kanyang ulo, at nakalabas lang siya ngayong gabi matapos ang kasalan.
Hindi matanggap ni Vanessa na ang lalaking mahal niya ay nagpakasal ng walang alinlangan sa ibang babae.
Tinitigan ni Hugo ang babaeng umiiyak sa kanyang paanan. Hindi niya masagot ang mga tanong nito. Dahil wala rin siyang dapat na ipaliwanag, sadyang naging mabilis lang ang lahat at hindi niya rin alam kung bakit siya pumayag na magpakasal sa babae.
Sa huli, tumawag siya sa pamilya ni Vanessa para ipasundo ito, "Nandito siya sa mansiyon ko. Nakainom siya ngayon. Kunin niyo siya dito ngayon din." Malamig niyang sabi.
"No! Hindi ako aalis, gusto kitangmakasama ka, Hugo, please I'll stay with you. We better leave together, hmm? Lisanin natin ang lugar na ito at hayaan mo na ang bride mo!" Desperadang iyak ni Vanessa. Walang mayaw sa kakaiyak at halos mawalan na ng malay. Nang dumating ang sundo niya, hindi pa rin niya gustong umuwi. At napilitan si Hugo na akayin siya papalabas at inilagay ito sa loob ng sasakyan, "Take her home and please ingatan niyo siya."Nang gabing iyon, si Hugo ay nakaranas ng matinding sakit ng ulo na kulang nalang ay matumba siya kaya agad siyabf napainom ng gamot. Dahil hindi siya dinadalaw ng antok, pumunta siya sa kanyang study room at binuklat ang mga dokumento na nakuha mula sa kanyang ama at binasa ang mga nakalagay doon.Hindi niya alam kung tama bang magpakasal siya sa isang babaeng hindi niya pa nakikilala ng lubusan, at pakiramdam niya ay isang malaking pagkakamali na pumasok siya sa isang kasal na hindi niya mahal ang babae. Naiinis talaga siya kay Hillary, hin
Nagmatigas pa rin si Jennifer sa asawa at wala siyang balak na makinig sa mga sinasabi ni Mayor Harry sa kung anong mga dapat niyang gawin. Ayaw niyang kinokontrol siya nitong parang robot. Inis naman na pinagsabihan ulit ni Mayor Harry ang asawa, "Jennifer, kung marinig ko ulit na nanggugulo ka, alam mo na kung ano ang magiging kahihinatnan!"Tiningnan naman ni Jenny ang pagtalikod ng asawa at nanlumo siya sa kama, bigla rin siyang naiyak dahil sa pagmamalupit nito sa kanya. Hindi niya maintindihan kung bakit hindi siya kinakampihan nito. At ang nangyaring ito ay isinisisi niya agad kay Hillary, kung hindi dahil sa babaeng iyon, hindi sana siya napagalitan ng asawa. Nang dahil sa kanya, ganito siya tinatrato ni Harry. Kung ganito lagi ang sitwasyon, hindi siya kailanman magbibigay galang kay Hillary. Hindi siya makakapayag na magtagal ito at kakampihan ng kahit na sino, lalo na ng kanyang sariling asawa. Samantala, may isang taong na naghihintay kay Jennifer sa ibaba.Habang naghi
Mas lalong sumeryoso ang mukha ni Mr. Joaquin nang tanungin niya ang kasambahay, "Nasaan si Hugo?" "Sir, hindi po makontak ang iyong anak." Sagot ni Butler Arthur. Napailing si Mr. Joaquin. "Wala talagang respeto ang lalaking ‘yun. Wala ng ibang gumawa khng hindi tumakas." Sa sandaling iyon, isang itim na kotse ang huminto sa harapan ng mansyon. Mula rito, lumabas ang isang matangkad na lalaking may malamig na ekspresyon, at matikas ang kanyang paglalakad na nakakapukaw pansin sa sinumang babae ang makakakita. Maingat niyang isinara ang pinto ng sasakyan at pumasok sa loob ng lumang bahay. Nang makita siya ni ni Joaquin mas lalong hindi maipinta ang mukha nito, hindi pa man ito nakakapagsalita ay biglang tumayo si Jenny at may mapanuksong ngiti na naglaro sa kanyang mga labi. "Tingnan mo nga naman," aniya. "Magkasama kayo ni Vanessa kagabi, pero hindi kayo sabay na dumating ngayong umaga. Ano ba ang iniiwasan niyong dalawa? Natatakot ka bang malaman ang ginawa niyo?"
Pagkatapos magpalit ng damit, bumaba si Hillary at tahimik na sumunod kay Hugo patungo sa altar ng pamilya. Sa kabila ng tensyon sa pagitan nilang dalawa, pinili niyang magpakita ng respeto sa yumaong ina ng kanyang asawa. Nagsindi siya ng insenso, pinapanood ang mabagal na pagtaas ng usok sa hangin. Habang tahimik siyang nakatayo, iniisip niya kung anong klaseng buhay ang naghihintay sa kanya matapos ang sapilitang kasal. Alam niyang hindi magiging madali ang lahat. Si Hugo ay isang lalaking hindi lamang malamig kundi puno rin ng galit—hindi lang sa kanya kundi sa mundo. Hindi niya alam kung paano ito mapapakibagayan, lalo pa't mukhang hindi interesado ang lalaki na ayusin ang kanilang relasyon. Pagbalik niya sa loob ng mansion, hindi siya mapakali. Isang ideya ang biglang pumasok sa kanyang isip. Kinuha niya ang telepono at tinawagan si Hugo. “Pwede ba tayong mag-usap?” diretsong tanong niya nang sagutin ng lalaki ang tawag. "Pinapunta ka na ba agad ng tatay mo sa akin?" may
Bago pa man maunawaan ni Hugo kung ano ang binabalak ng pamilya Bermudez, biglang tumunog ang kanyang telepono. Sa una, hindi niya alam kung kanino ang numerong tumatawag, pero nang marinig niya ang boses sa kabilang linya, agad siyang napailing. "HOY SUPLADO!" masayang bati ng nasa kabilang linya. Napapikit si Hugo, pinipigilan ang pagtibok ng kanyang sentido dahil sa inis. "Hillary????" "Walang hiya ka, gusto kang makausap ng tatay mot apos inignore mo lang?! Ako tuloy napag-utusan. HMP! Sinabi niyang umuwi ka raw dahil may mahalaga siyang sasabihin sayo. NOW NA!" Simula nang lumabas ang totoong kulay ng pamilyang ito, wala nang silbi ang pagpapanggap. Alam din ni Hillary kung gaano kasarkastiko magsalita si Hugo. Kaya, kung haharap siya sa isang matalim na dila, kailangang mas matalas ang kanya. Kaya naman binigyan niya ito ng palayaw—"MR. SUPLADO." Sa tono ng lalaki, halatang hindi nito nagustuhan ang bagong bansag niya rito. Napakuyom ang kamao ni Hugo habang hawak an
Hindi alam ni Joaquin kung ano ang sinabi ni Hugo sa kabilang linya, pero bigla siyang naningkit ang mga mata at lumalim ang kunot sa kanyang noo. "HugO, tandaan mo, matanda na ako pero mas matalas pa rin ang isip ko kaysa sa’yo. Bibigyan lang kita ng tatlumpung minuto para humarap sa akin. Kung hindi, mas lalo kang magkakaproblema." At bago pa makasagot si Hugo, galit na ibinaba ni Joaquin ang telepono. Pagkatapos noon, itinuon niya ang tingin kay Hillary na mukhang inosente ngunit may halong kapilyuhan sa mga mata. "Hillary, maghintay ka lang, pababalikin ko ‘yang asawa mo para humingi ng tawad sa’yo." Napakamot sa ulo si Hillary at napailing. "Huwag na po, Dad. Hindi na po kailangan." Sa totoo lang, siya naman talaga ang nang-asar sa una.”Pero makalipas lang ang ilang minuto, bumukas ang pintuan ng mansyon. Nang pumasok si Hugo, agad niyang napansin ang maliit na asawang nakatayo sa likod ni Joaquin, mistulang isang batang nagtatago sa likod ng ama nito para hindi mapagali
"Ano ang ginawa mo para magalit ang matanda?" "Hindi pa nga kita natatanong. Ano ba ang sinabi mo sa ama mo tungkol sa akin kaya ka niya pinapunta rito para humingi ng tawad?" Hindi makatingin nang diretso si Hillary kay Hugo. Mahigpit ang pagkakapit niya sa pulso nito, ramdam ang tensyon sa kanilang pagitan. Pareho silang hindi komportable sa sitwasyong iyon. Dahil wala silang makuhang malinaw na sagot sa isa't isa, si Hillary na ang naunang nagsalita. "Kung ganoon, pumayag ka na sa dalawang hiling ko kaninang umaga. Simula ngayon, hindi na kita tatawaging suplado o asungot. Hindi na rin tayo makikialam sa isa’t isa. Ikaw sa daan mo, ako sa daan ko. Ayos ba?" Tahimik lang si Hugo, hindi sumagot. Upang patunayan ang kanyang sinseridad, inalis ni Hillary ang kamay niya mula sa pulso ng lalaki. "Ayan, hindi na kita pinipisil. Kapag binitiwan mo rin ako, ibig sabihin pumayag ka na." Pinagmasdan siya ni Hugo nang may pagdududa. Napangisi ito. "Matalino ka rin pala." Alam n
Sa tabi ng sasakyan, kitang-kita ni Hillary ang kanyang mga magulang na nakatayo sa ilalim ng sikat ng araw, tila nag-aabang sa kanilang pagdating. Mabilis niyang nilinis ang kanyang lalamunan, naglagay ng matamis na ngiti sa kanyang mga labi, at ang kanyang mga mata ay kumurap ng tila dalawang gasuklay."Mama, Papa, nandito na kami ni Hugo!" masigla niyang bati.Habang kinuha ni Hugo ang mga regalong nakalagay sa trunk, nasulyapan niya ang ekspresyon sa mukha ng dalaga. Sa sandaling iyon, natigilan siya. Hindi niya inakala na maaaring gayahin ng isang tao ang isang ngiti nang ganoon katapat at kasaya. Napakatamis, napakainit ng dating—tila likas na sa kanya ang pagiging masayahin.Sa buong buhay ni Hugo, bihira siyang makakita ng tunay na ngiti mula sa kanyang pamilya. Para sa kanya, isang malaking karangyaan ang makadama ng sinseridad sa isang tahanan. Ngunit para kay Hillary, tila likas na sa kanya ang pagpapakita nito.Mabilis na tumakbo si Hillary papunta sa kanyang ina at niyaka
Maagang-maaga pa lang ay nakasuot na ng sportswear sina Jackson at Hugo habang tumatakbo sa oval sa loob ng kanilang bakuran."Alis ako ng ilang araw. Ikaw na muna ang bahala sa mga gawain sa paaralan. Kapag sumibat ka pa ulit, pagbalik mo, babaliin ko mga binti mo." Pananakot ni Hugo.Napalunok ng laway si Jackson na agad nangako, “Promise!”Muling nagsalita si Hugo, "I -report mo rin sa akin araw-araw kung anong ginagawa ni Hillary.""Ayoko. Gusto mo pa akong maging espiya sa tabi niya."Pagkasabi pa lang nito, tinapik agad ni Hugo ang likod ng ulo ng pamangkin niya."Sinasabi ko sa'yo, bantayan mo siya!"Napangiwi si Jackson habang hawak ang batok niya, "Hindi na kailangan bantayan ng asawa mo. Mas okay pa ngang siya ang magbantay sa akin.""Wala ka talagang silbi.” Panunukso ni Hugo.Makalipas ang ilang ikot, umuwi na silang dalawa.Nagising si Hillary at naka-pajama pang hinanap ang asawa niya sa buong bahay."Nasaan ang asawa ko?"Sumagot ang kasambahay, "Nasa likod mo po."Pagha
Tinakpan ng makakapal na ulap ang luha ng buwan. Tahimik na nag-upo ang mag-aama sa loob ng mahabang oras bago sila naghiwa-hiwalay.Pagbalik ni Hugo sa kwarto, nakita niya ang kanyang pusa na nakahiga sa kama—mainit tulad ng araw, at muli siyang nakaramdam ng pagiging konektado. Ang pamilya na nabuo niya kasama si Hillary ang siyang nagbibigay sa kanya ng pakiramdam ng saya at kapanatagan.Bumalik siya sa kanyang pwesto, marahang inangat ang ulo ng babae, at inakbayan ito. Masyado na itong antok at hindi na namalayang muli siyang hinalikan nito.Sa panaginip niya, ibinuka niya ang kanyang bibig at kinagat ang labi ng asawa niya."Mm, ang sarap~" Biglang ungol ni Hillary.Nagitla si Hugo at bahagyang natawa. "Ano na namang pagkain ang napanaginipan mo?"Sa panaginip ni Hillary, tinawag niya ang asawa, "Asawa ko... hmm, ang sarap mo.."Muling natawa si Hugo at mahina niyang sinabi, "Ibig sabihin, napanaginipan mong kinakain mo ang asawa mo."Napailing si Hugo na hinalikan ng pisnge nito
Kumatok si Hugo sa pinto. "Dad, labas ka muna sandali."Masama ang timpla ni Mr. Joaquin at sumagot, "Tulog pa ako.""Bibigyan kita ng limang minuto, pumunta ka sa opisina ko." Pagkasabi nito, umalis na si Hugo.Napamura si Mr. Joaquin, “Panira naman ‘to si Hugo."Pero, makalipas ang limang minuto, nagtungo rin siya sa opisina ng kanyang bunsong anak na may masamang mukha. "Ano bang problema?"Nasa loob din si Harry, nakaupo sa opisina ng kapatid niya.Isinara ni Hugo ang pinto, umupo siya sa gilid at seryosong sinabi sa kanyang ama at kuya, "Nakita ko yata si Amelia."Pagkasabi ni Hugo, napansin ni Mr. Joaquin ang bigat ng sinabi ng anak, kaya pala pinatawag sila sa opisina.Nang marinig ang sensitibong pangalan, agad na nanlamig ang paligid. Hindi agad nakapagsalita si Mr. Joaquin. Nakaramdam siya ng isang matinding kaba na hindi niya maipaliwanag kung takot ba ito o tuwa.Tinanong siya ni Harry, "Sigurado ka bang hindi ka lang namalik-mata? Labinlimang taon na ang lumipas, baka hind
Ang mga reklamo ni Hillary ay nauwi sa mga impit na ungol.Wala nang matakbuhan ang kanyang dila sa bibig, at dahil sa halik ay nawalan siya ng ulirat, hindi na niya napansin na may dalawang malalaking kamay na dahan-dahang pumapasok sa kanyang bewang.Hanggang sa dahan-dahang umakyat ang mga kamay na iyon.Napakislot si Hillary at mabilis na itinulak ang kamay ng kanyang asawa mula sa kanyang katawan. “Mmm, mahal, ikaw talaga.”Lasing na lasing si Hugo sa halik kaya halos ipadapa niya ang kanyang misis sa mesa at tuksuhin ito sa ilalim niya. Isang halik lang, muntik nang mauwi sa kung ano pa.Pagbalik nila sa kwarto, dumiretso si Hugo sa banyo para maligo. Samantalang si Hillary ay gumulong sa kama at tinakpan ang sarili ng kumot.Napapikit si Hugo habang tumatagaktak ang tubig sa kanyang mukha. Noong binata pa siya, wala siyang interes sa ganoong bagay. Pero ngayon na may asawa na siya, nag-iba na ang takbo ng kanyang utak. Dati, ayaw niya ng laman. Ngayon, gustong-gusto niya.Parang
"Hillary, huwag ka nang pupunta sa lugar kung saan kayo nagpunta kahapon."Kagat-labing hindi sumagot si Hillary.Sabi ni Hugo, "Pagkatapos ng klase, manatili ka na lang sa bahay at maghintay sa akin na umuwi.”Tahimik lang si Hillary.Ang dali lang para sa asawa niyang sabihin na manatili siya sa bahay eh lakwatsera siyang babae. Kahit saan-saan nalang din siya napapadpad at naglilibot sa mga hindi alam na lugar, tsaka paborito niyang libangan ang billiards pero paminsan-minsan lang siya na maglaro kapag magkasama sila ni Jackson.Sa loob ng kwarto, nagkwento naman si Hugo ng matagal tungkol sa masasamang epekto ng billiards at iba pang competitions. Nagkunwari si Hillary na nakikinig. Pero sa loob-loob niya, iniisip lang niya na gusto lang siyang ilayo ng asawa sa kanyang mga libangan at ilihis ang atensyon niya rito."Hillary, ano ang sinabi ko kanina?"Napatulala si Hillary na hinypnotize ng sarili niya. Patay! Hindi niya alam na may pa-quiz pala! Wala siyang narinig!Kita ni Hugo
Bumalik si Hugo noong hapon. Nakauwi na rin mula sa paaralan sina Hillary at Jackson.Pagkakita kay Hugo na dumating, agad na tumakbo si Hillary papalapit sa kanya. “Asawa ko, andito ka na.”Nakita ni Hugo ang pag-iingat sa kilos ng asawa, kaya niyakap niya ito saglit.Pagkatapos, agad niyang binitiwan si Hillary at sinabi, “Behave ka muna, may aasikasuhin lang ako.”Lumapit naman si Hugo kay Jackson na nakaupo sa sofa habang naglalaro sa cellphone. Nang marinig ang tawag ng tiyuhin, itinapon niya ang sandalan, tumayo, at sumunod kay Hugo paakyat sa study room.“Uncle, kung paparusahan mo ako, sabihin mo na agad para hindi ako kabahan.”Halos kusa nang pumasok si Jackson sa "kulungan" para parusahan. “Hindi ko alam kung ano ang pinaggagagawa mo, pero sinasabi ko na ngayon pa lang, kapag may nangyari kay Hillary, ikaw ang sisingilin ko. Huwag na huwag kang babalik sa gano’ng klaseng lugar.”“Rinig mo ba ako?” tanong ni Hugo, seryoso ang tono.Hindi sumagot si Jackson. Dahil kung sasang
“Hillary, magpaliwanag ka ngayon sa akin!”Galit na sigaw ni Hugo habang nakatayo sa harap ng kanyang asawa. Mula nang ikasal sila, hindi naging maayos agad ang pagsasama nila. Ngunit kalaunan, si Hillary ay parang batang inalagaan at pinahalagahan ni Hugo. Kaya't nang bigla niya itong sigawan, ikinagulat iyon ng lahat.Nasa loob sila ng opisina ni Hugo sa mansyon. Nakatayo si Hillary sa gitna ng silid, at doon na siya napaiyak. Tumulo ang luha niya at hindi siya tumigil sa paghikbi. Para siyang batang pinagalitan ng magulang, at hindi niya alam ang gagawin.Paulit-ulit niyang pinupunasan ang kanyang luha gamit ang manggas ng suot niya.Nainis si Hugo sa sarili. Napakuyom siya ng kamao at padabog na lumapit sa kanyang umiiyak na asawa. Hinawakan niya ito sa magkabilang balikat.“Hillary, sabihin mo na sa akin kung bakit ka nakipaglaro sa mga siraulong lalaki doon?” mariin niyang sambit.Hindi na halos makita ni Hillary ang paligid dahil sa luha. Hindi na niya alam kung anong isasagot.
Habang si Hugo ay balisa na mabilis na nagmamaneho, hinahanap ang kanyang nawawalang asawa. Tinawagan niya ang kanyang biyenan upang alamin kung nasaan ang kanyang asawa. Nang malaman nina Harold at Lucille na nawawala ang kanilang anak na si Hillary, agad nilang tinawagan si Jeah, ngunit walang sumasagot."Hugo, hindi ko makontak si Hillary, Jackson, at Jeah. Paano kung tawagan na natin ang pulis?" mungkahi ni Lucille.Nakapagitan si Hugo. Binaba niya ang tawag sa kanyang mga biyenan at tinawagan si Denmark, isang kaibigan na kilala sa pagiging madaldal. "Denmark, nawawala na naman ang asawa ko. Kailangan ko ng tulong mo para hanapin siya."Hindi nagtagal, naging aktibo muli ang grupo ng limang magkakaibigan. Desperadong tinawag ni Johanson si Hugo sa group chat, "Hugo, may problema ba kayo ng asawa mo? Bakit siya nawawala tuwing kailan lang? Hindi ba't kamakailan lang ay nagpadala kayo ng rosas para ipakita ang pagmamahalan ninyo?"Alam din ni Dave ang tungkol sa pagkawala ng asawa n
“Pasensiya ka na kung naiinggit ka. May asawa ako, eh. Wala akong magagawa ro’n. Kung naiinggit ka sa pagmamahal na natatanggap ko, kapag natalo ka mamaya, hahanap ako ng lalaking maglalagay ng love mark sa leeg mo para hindi ka na malungkot.”Tahimik ang paligid matapos bigkasin ni Hillary ang mga salitang iyon. Parang lumamig ang hangin sa loob ng venue. Ang mga tagahanga ni Dexter na kanina’y todo hiyaw, ngayon ay natigilan, napaatras, habang ang ilan ay napanganga sa tapang ng sinabi ni Hillary.Natural na bagay sa mundo na ang babae ay may asawa, at walang masama ro’n. Pero ang suhestiyon ni Hillary na dapat maghanap ng asawa ang kalaban ay isang insulto sa tinatawag na dragon master na si Dexter. Hindi nagpigil si Hillary sa pagkamuhi niya—bumanat siya agad. Nilait siya kanina, kaya huwag siyang sisihin kung may kagat ang mga salita niya ngayon.Kung sumasapol si Hillary, palaging sa puso. Para siyang kutsilyong dumudulas sa kalamnan—hindi siya marunong magpakahinahon sa salita.