Chapter: CHAPTER 9-SHAMENagmatigas pa rin si Jennifer sa asawa at wala siyang balak na makinig sa mga sinasabi ni Mayor Harry sa kung anong mga dapat niyang gawin. Ayaw niyang kinokontrol siya nitong parang robot. Inis naman na pinagsabihan ulit ni Mayor Harry ang asawa, "Jennifer, kung marinig ko ulit na nanggugulo ka, alam mo na kung ano ang magiging kahihinatnan!"Tiningnan naman ni Jenny ang pagtalikod ng asawa at nanlumo siya sa kama, bigla rin siyang naiyak dahil sa pagmamalupit nito sa kanya. Hindi niya maintindihan kung bakit hindi siya kinakampihan nito. At ang nangyaring ito ay isinisisi niya agad kay Hillary, kung hindi dahil sa babaeng iyon, hindi sana siya napagalitan ng asawa. Nang dahil sa kanya, ganito siya tinatrato ni Harry. Kung ganito lagi ang sitwasyon, hindi siya kailanman magbibigay galang kay Hillary. Hindi siya makakapayag na magtagal ito at kakampihan ng kahit na sino, lalo na ng kanyang sariling asawa. Samantala, may isang taong na naghihintay kay Jennifer sa ibaba.Habang naghi
Huling Na-update: 2025-01-03
Chapter: CHAPTER 8-BREAKFAST "No! Hindi ako aalis, gusto kitangmakasama ka, Hugo, please I'll stay with you. We better leave together, hmm? Lisanin natin ang lugar na ito at hayaan mo na ang bride mo!" Desperadang iyak ni Vanessa. Walang mayaw sa kakaiyak at halos mawalan na ng malay. Nang dumating ang sundo niya, hindi pa rin niya gustong umuwi. At napilitan si Hugo na akayin siya papalabas at inilagay ito sa loob ng sasakyan, "Take her home and please ingatan niyo siya."Nang gabing iyon, si Hugo ay nakaranas ng matinding sakit ng ulo na kulang nalang ay matumba siya kaya agad siyabf napainom ng gamot. Dahil hindi siya dinadalaw ng antok, pumunta siya sa kanyang study room at binuklat ang mga dokumento na nakuha mula sa kanyang ama at binasa ang mga nakalagay doon.Hindi niya alam kung tama bang magpakasal siya sa isang babaeng hindi niya pa nakikilala ng lubusan, at pakiramdam niya ay isang malaking pagkakamali na pumasok siya sa isang kasal na hindi niya mahal ang babae. Naiinis talaga siya kay Hillary, hin
Huling Na-update: 2025-01-02
Chapter: CHAPTER 7-QUESTIONS Klarong-klaro kay Hillary na pinapakita ni Hugo na wala talaga siyang pakialam at wala din naman siyang pakialam sa kanya. Kung magpataasan sila ng pride, panalo si Hillary d'yan. Ngayon na parte na ng pamilya Gavinski si Hillary, magtitiis nalang siyang makasama ang pamilyang ito kahit hindi niya gusto, lalo na ang kanyang asawa na gusto niyang balatan ng buhay. Napabuntong-hininga si Hillary at napabalik sa kwarto sa taas para magpahinga. Magkasama dapat sila ngayong gabi pero masaya siya na umalis ang lalaki dahil sosolohin niya ang malaki at malambot na kama. Kanina pa sana siya nakatulog pero binulabog siya ng asungot na si Hugo. Samantala, bumalik si Mayor Harrison sa kanilang kwarto at nakita ang kanyang asawang si Jennifer na nakahiga na sa kama, "Honey, maari mo bang samahan si Hillary sa kanyang kwarto ngayon? Iniwan kasi siya ni Hugo at binastos. Ayaw kong isipin ng mga tao na mayroong gulo sa pagitan nila. Hindi maganda na pag-usapan ito ng maraming tao, madadamay tayo.
Huling Na-update: 2025-01-01
Chapter: CHAPTER 6-MISUNDERSTANDING Walang natanggap na sagot si Hugo mula sa ama at naisipan niya nalang umalis pero bago siya lumabas, may inihabilin muna siyang salita."Don't expect me to treat her right. I didn't ask for a wife in the first place." Malamig niyang sabi.Pagkatapos ay tuluyan ng lumabas si Hugo mula sa silid-aklatan ng kanyang ama.Nang lumabas siya, nakita niya ang babae na matiyagang naghihintay sa tabi ng pader.Matalim niyang tiningnan si Hillary, at ang kanyang mga mata ay puno ng inis. Isang mabilis na sulyap lang ang ibinigay ni Hugo at nilampasan siya.Pumasok naman si Hillary sa silid-aklatan at nagsimula, "Sir Joaquin, ipinangako niyo sa akin na bibigyan niyo.."Bago matapos ni Hillary ang sasabihin agad siyang pinutol ni Joaquin, "Huwag mong banggitin ang bagay na 'yan sa kahit sino sa pamilya. Naresolba na ang problema sa inyo ng pamilya at ipapangako
Huling Na-update: 2025-01-01
Chapter: CHAPTER 5-TRICKMatapos ang kasalan, sumapit ang gabi kung saan ay nanatili si Hillary sa kanilang magiging kwarto at doon siya nagpapahinga matapos ang nakakapagod na araw. Nakahiga siya ngayon sa malambot na kama at sinubukang matulog pero napatingin siya sa bumukas na pinto at nakitang pumasok si Hugo. Pansin ni Hillary na mukhang lasing ito dahil uminom ito kanina sa reception. Nangilabot din siya nang biglang mapaisip na matutulog sila sa iisang kama bilang mag-asawa. "D-dito ka ba matutulog?" Tanong ni Hillary sa lalaki na tinanggal ang kanyang coat at necktie. "I'm here to ask you a question." Tugon ni Hugo, naupo ito sa couch na nasa tapat at para itong nasa talk-show na magbabato ng mga maanghang na tanong. "What kind of questions?" Pagtataka ni Hillary na umayos ng pagkakaupo. Seryosong tumingin si Hugo na mayroong inis sa mga mata. Naiinis siyang isipin kung papaano pumayag ang ama na si Hillary ang babaeng ipakasal sa kanya na nagbagong anyo lang pala. May itinapon si Hugo na laraw
Huling Na-update: 2024-12-13
Chapter: CHAPTER 4- I DO? NAGSIMULANG maglakad si Hillary sa pasilyong may mga nagkalat na mga bulaklak habang nakakapit siya sa braso ng ama. Hindi naman maalis ang kanyang mga mata sa lalaking nasa altar na siya ring nagmamasid sa kanyang paglalakad.Ito ang unang beses na nagkita ang dalawa, at pareho silang estranghero sa isat-isa. Ngunit pamilyar na kay Hillary si Hugo dahil dala nito ang sikat na apelyido ng pamilya Gavinski. Si Hugo Gabriel Gavinski ay nasa edad na bente-siete anyos, isang business tycoon na hawak ang malaking kompanya ng Gavinski. Malawak rin ang impluwensya nila hindi lang sa bayan kung hindi na rin sa buong bansa at may koneksyon pa sila sa ibang bansa. Kaya hindi pa rin makapaniwala si Hillary na ganoon ka-mapangyarihan ang taong kanyang paakasalan. And now he's waiting for her in the altar! Habang naglalakad si Hillary, pakiramdam niya ay bumagal ang takbo ng oras at hindi talaga maalis ang kanyang mga mata sa mukha nito na masungit kung tingnan. Sa isip naman ni Hugo ay napap
Huling Na-update: 2024-12-13