"Ano ang ginawa mo para magalit ang matanda?" "Hindi pa nga kita natatanong. Ano ba ang sinabi mo sa ama mo tungkol sa akin kaya ka niya pinapunta rito para humingi ng tawad?" Hindi makatingin nang diretso si Hillary kay Hugo. Mahigpit ang pagkakapit niya sa pulso nito, ramdam ang tensyon sa kanilang pagitan. Pareho silang hindi komportable sa sitwasyong iyon. Dahil wala silang makuhang malinaw na sagot sa isa't isa, si Hillary na ang naunang nagsalita. "Kung ganoon, pumayag ka na sa dalawang hiling ko kaninang umaga. Simula ngayon, hindi na kita tatawaging suplado o asungot. Hindi na rin tayo makikialam sa isa’t isa. Ikaw sa daan mo, ako sa daan ko. Ayos ba?" Tahimik lang si Hugo, hindi sumagot. Upang patunayan ang kanyang sinseridad, inalis ni Hillary ang kamay niya mula sa pulso ng lalaki. "Ayan, hindi na kita pinipisil. Kapag binitiwan mo rin ako, ibig sabihin pumayag ka na." Pinagmasdan siya ni Hugo nang may pagdududa. Napangisi ito. "Matalino ka rin pala." Alam n
Sa tabi ng sasakyan, kitang-kita ni Hillary ang kanyang mga magulang na nakatayo sa ilalim ng sikat ng araw, tila nag-aabang sa kanilang pagdating. Mabilis niyang nilinis ang kanyang lalamunan, naglagay ng matamis na ngiti sa kanyang mga labi, at ang kanyang mga mata ay kumurap ng tila dalawang gasuklay."Mama, Papa, nandito na kami ni Hugo!" masigla niyang bati.Habang kinuha ni Hugo ang mga regalong nakalagay sa trunk, nasulyapan niya ang ekspresyon sa mukha ng dalaga. Sa sandaling iyon, natigilan siya. Hindi niya inakala na maaaring gayahin ng isang tao ang isang ngiti nang ganoon katapat at kasaya. Napakatamis, napakainit ng dating—tila likas na sa kanya ang pagiging masayahin.Sa buong buhay ni Hugo, bihira siyang makakita ng tunay na ngiti mula sa kanyang pamilya. Para sa kanya, isang malaking karangyaan ang makadama ng sinseridad sa isang tahanan. Ngunit para kay Hillary, tila likas na sa kanya ang pagpapakita nito.Mabilis na tumakbo si Hillary papunta sa kanyang ina at niyaka
Habang papalapit si Harold sa kanyang pagsasalita, biglang sumingit si Hillary. “Pa, Hugo, halika na’t kumain tayo,” tawag niya nang masigla.Pagkatapos ng hapunan, hinayaan ni Hugo si Hillary na magtagal kasama ang kanyang mga magulang. Alam niyang bihira itong makauwi sa kanila. Sa hapon, dumating ang oras ng kanilang pag-alis.Sa loob ng sasakyan, nakaupo si Hillary sa passenger seat, nakasandal sa bintana habang pinagmamasdan ang papalayo nilang tahanan. Sa rearview mirror, kita pa niya sina Lucille at Harold na nakatayo sa may pintuan, nakangiti ngunit may lungkot sa mga mata.Habang palayo sila, naramdaman niyang parang may bumigat sa kanyang dibdib. Pinilit niyang pigilan ang luha ngunit hindi niya naiwasang punasan ang kanyang mga mata gamit ang kanyang mga kamay.Napansin ito ni Hugo. Hindi siya nagsalita, sa halip, bahagya niyang binilisan ang patakbo ng sasakyan. Nang hindi na matanaw ni Hillary ang kanilang bahay, marahan niyang isinara ang bintana at tahimik na huminga na
Samantala, si Vanessa, na tahimik lang sa gilid, ay hindi nakalagpas sa kanyang paningin ang ekspresyon sa mukha ni Hugo. Kitang-kita niya kung paano punong-puno ng atensyon si Hugo sa isang babaeng hindi siya. Hindi niya maintindihan kung paano, pero ramdam niyang may kung anong pumipiga sa kanyang puso. Matagal na niyang gustong makuha ang buong atensyon ng binatang ito. Matagal na niyang inaasam na isang araw, tanging siya lang ang babalingan nito ng tingin. Pero ngayon, isang iglap lang, nakita niya kung paano nag-iba ang mundo ni Hugo nang dumaan si Hillary. Parang siya pa ang nagmukhang estranghero sa harapan ng lalaking pinapangarap niya nang kaytagal. Hindi niya napigilan ang sarili. Mahigpit niyang hinawakan ang gilid ng kanyang damit, pakiramdam niya ay bumibigat ang kanyang dibdib sa matinding selos. Gigil na gigil siya. Bakit ganoon ang tingin ni Hugo kay Hillary? Dapat siya lang ang nakakakuha ng ganoong atensyon. Hindi siya papayag. Nagmamadali siyang lumapit at
Nanatili siya roon ng dalawang minuto bago marahang bumuntong-hininga. Sa huli, umakyat siya ng hagdan na walang ekspresyon sa mukha. Nagulat si Hillary nang makitang bumalik ito kaagad. “Akala ko may date ka? Bakit ang bilis mong bumalik?” Malamig ang tingin sa kanya ni Hugo, bago ito dumiretso sa kanyang aparador. “Tsk, nagtaas ka na naman ng kilay sa akin. Sa’yo lang yata bagay ang ganyang pagtingin,” pabirong puna ni Hillary habang sinusundan siya ng tingin. Sa labas, kakarating lang ni Jenny mula sa kanyang lakad. Pagkababa niya ng sasakyan, agad niyang napansin ang kanyang kaibigan, si Vanessa, na tahimik na umiiyak sa balkonahe. Inutusan niya ang mga kasambahay na dalhin ang kanyang mga gamit sa silid, saka siya naglakad palapit kay Vanessa. “Vanessa, anong nangyari sa’yo?” Agad na pinahid ni Vanessa ang luha niya nang makita ang kaibigan. “Jenny… nandito ka na pala.” Napatingin si Jenny sa mesa. May dalawang tasa ng tsaa na nakapatong roon. “May nakausap ka bang
Matapos udyukan ni Vanessa si Jenny, nakabalik na siya sa kanilang mansyon at nakamukmok na naman siya sa terasa para mag-inom at mag-isip ng paraan para mabawi si Hugo Gavinski. Ang kaninang namumuong luha sa kanyang mga mata ay napalitan ng matinding galit, at mahigpit niyang hinigpitan ang kanyang mga kamao. Kailangan niyang mapaalis si Hillary sa pamilya Joaquin. Kung hindi dahil sa kanya, hindi sana siya nakarinig ng masasakit na salita mula kay Hugo kanina. Alam niyang hindi siya mahal ni Hugo, pero ang sinabi nito ngayong araw ay hindi lamang simpleng katotohanan. Una, ito ay dahil sa responsibilidad nito bilang isang lalaking may asawa. Kailangang panatilihin nito ang distansya mula sa kanya at nagawa pa nitong magsabi ng masasakit na salita upang tuluyang maputol ang kanilang koneksyon. Pangalawa, tiyak niyang si Mr. Joaquin ang nag-utos kay Hugo na lumayo sa kanya. Habang nakaupo sa maliit na sofa, nakatanaw siya sa wedding picture ni Hillary at Daphne na Nakita niyang
Si Harry ay nakaupo sa tabi ni Jenny, ang kanyang mukha ay puno ng inis. Ang sinabi ni Hillary upang pahiyain ang kanyang asawa ay tiyak na hindi maganda pakinggan, ngunit hindi siya bingi. Alam niyang ang lahat ng nangyari ay kagagawan mismo ng kanyang asawa. "Umupo ka. Ano ang ibig sabihin ng isang pamilya kung puro away lang? Bilang nakatatandang hipag, tumahimik ka na lang." Mariing pinagsabihan ni Harry ang kanyang asawa. Kung matalino si Hugo, ituturo rin niya ng leksyon si Hillary alang-alang sa katahimikan ng pamilya at hayaan na lang ang isyu. Ngunit tila hindi nais ni Hugo na maging isang matalinong lalaki sa pagkakataong ito. Sadyang nanatili siyang tahimik. Gusto niyang makita kung ano pa ang kayang gawin ng babaeng ito—ang babaeng nagbigay sa kanya ng palayaw, nag-abala sa kanyang ama sa dis-oras ng gabi, at hayagang ininsulto si Jenny—at kung ano pa ang maaari niyang gawin na hindi pa niya nagagawa. Nasa alanganin si Jenny. Sa tindi ng galit, dinampot niya an
Saglit na natahimik ang dalawa at nagitla naman si Hugo nang bigla itong kumuha ng maleta at nag-impake. "Oh, anong ginagawa mo lalayas ka ba?" Takang tanong ni Hugo. "Hugo, Mabuti pang lumipat na tayo sa ibang bahay," sagot ni Hillary nang seryoso. "Kung mananatili pa ako rito, baka maospital na ang hipag mo, ang kuya mo, o baka pati ang tatay mo." Tiningnan niya ito na parang nagmamakaawa. "Pwede ba?" Ayaw na talaga niyang manatili sa mansyon. Wala siyang gusto sa sinuman dito. Hindi niya matanggap ang mahigpit at istriktong matandang si Mr. Joaquin, ang mapanirang si Jenny, at ang hindi mahulaan kung ano ang iniisip na si Harry. Si Hugo ang kanyang asawa at dapat sana’y pinaka-malapit na tao sa kanya sa pamilyang ito, pero sa lahat ng tao, siya rin ang may pinakamatinding galit sa kanya. Sa isip ni Hillary, mas mabuti pang umupa na lang sila ng maliit na apartment kahit 30 o 40 square meters lang kaysa manatili siya sa bahay na ito na parang isang kulungan. Pin
"Nag-makeup ka ba?" tanong niya. Sa sandaling nakita niya ang kanyang asawa, alam na niya agad kung ano ang ginawa nito sa loob ng banyo kanina. Kitang-kita niya na inayos ng kanyang asawa ang buhok nito at nag-iba rin ang kulay ng kanyang labi. Umupo si Hillary sa tabi niya. "Honey, okay ba ang makeup ko?" Sanay si Hugo sa pagiging direkta at hindi mahusay sa pagbibigay ng papuri sa kanyang mga tauhan. Para sa kanya, ang pinakamalaking pagpapatunay ay isang simpleng pangungusap na may dalawang salita, "It’s okay." Gayunpaman, hindi tauhan ni Hugo ang kanyang asawa, kaya nagkaroon ng ibang kahulugan ang kanyang sinabi sa pandinig ni Hillary. "Hindi maganda? Sige, aalisin ko at maglalagay ulit," ani Hillary. "Maganda, sobrang ganda!" Hinawakan ni Hugo ang kamay ng kanyang asawa para pigilan itong tumakbo palayo. "Hindi mo na kailangang magpaganda dahil maganda ka na." Ngumiti siya. "Sabi nga nila kapag mga matatandang asawa, mahilig magpapuri sa asawa." Si Hugo ay tinawag na na
Namula agad ang mukha ni Hillary. Nahiya siya nang maalala ang sinabi nila. "Huwag niyo na pong tingnan, hihi.”Agad namang huminto sa pang-aasar ang mga tao sa paligid at magalang na ibinaba ang ginagawa nila habang pinapanood ang kanilang boss at ang asawa nito na lumabas. Tiningnan ni Hugo ang kanyang masiglang asawa at napuno ng saya ang kanyang puso. Dumating ang elevator at pumasok silang dalawa."Ano ang kahulugan ng labindalawang bouquet ng rosas?" Agad na tanong ni Hugo."Wala ka bang cellphone? Search mo nalang." sagot niya nang nahihiya."Gusto kong marinig na ikaw mismo ang magsabi." Pinagdikit ni Hillary ang kanyang mga labi. Nang maisip niya ang ibig sabihin noon, hindi niya kayang sabihin. Naghihintay pa rin ang lalaki sa kanyang sagot. Lalong nagulo ang isip ni Hillary at inikot-ikot niya ang kanyang mga daliri. "Asawa ko, basta alam mo na ‘yon sa puso mo." "Kung hindi mo sasabihin, paano ko malalaman?" Gusto niyang marinig mismo mula sa kanya ang sagot. Pinasasa
"Asawa ko, pikit ka." Nasa kalagitnaan ng pag-iisip si Hugo nang lumitaw ang kanyang asawa mula sa likuran. "Hillary, dumalaw ka ba para makita ako?" "Hoy, sabi ko pikit ka!” malambing na sabi ni Hillary. Ibinaba ni Hugo ang telepono at lumitaw sa kanyang mukha ang isang mapagmahal na ngiti. Matapos marinig ang sinabi ng kanyang asawa, ipinikit niya ang kanyang mga mata. Dahan-dahang inilapit ni Hillary ang bungkos ng rosas na hawak niya sa dibdib ng asawa. Lumapit siya, tumingkayad, at marahang hinalikan ang pisngi ni Hugo. Bahagyang lumunok si Hugo, saka dahan-dahang iminulat ang kanyang mga mata. Ang unang bumungad sa kanya ay isang bungkos ng matingkad na rosas, mas makulay pa kaysa sa alak, at ang bango nito ay tila sumiksik sa kanyang puso. Sa likod ng mga rosas ay nakatayo ang kanyang maliit na asawa, na ang ngiti ay mas maganda pa kaysa sa mga bulaklak sa kanyang mga bisig. Muli niyang pinahanga ang kanyang asawa. Sanay si Hugo sa mga pagsubok sa buhay, kaya niyang ha
Tuwing nagkakaganito si Jeah, wala siyang magawa. Noong bata pa siya, nang mahuli siyang patagong kumakain ng kendi, kumapit siya sa kanya na parang isang baby kangaroo at nagpa-cute. Pinagbigyan niya ito. Makalipas ang ilang taon, patago siyang naglaro ng video games at nahuli. Yumakap siya sa baywang ng kapatid at nagpa-cute, gaya ng ginagawa niya ngayon. Pinagbigyan niya ulit ito. Ngayon, ang dating maliit na kapatid ay ganap nang dalaga, pero pareho pa rin ang ginagawa niya—yumayakap at naglalambing. At oo, pinagbigyan niya ulit ito! "Sige na, bitawan mo na ako at tumayo nang maayos. Titingnan ko kung may sugat ka." "Kuya, nasaan sina Hillary at Jackson?" "Kaninang hapon, dinala na sila ng pamilya nila. Ligtas sila at walang natamong pinsala." Sa narinig, saka lang binitawan ni Jeah ang baywang ng kapatid. Ngumiti siya nang may pang-aamo at sinabi, "Thank you, Kuya!" Kinatok ito ni Cedrick sa noo, "Kapag nalaman kong nasangkot ka ulit sa gulo, kahit pa kapatid kita, ikukulo
"Asawa ko, nag-aalala rin ang hipag mo para sa akin." Binitiwan ni Hugo ang kanyang asawa at tumayo upang buksan ang pinto. Nang makita siya ni Jenny, muli nitong ipinaabot ang kanyang pag-aalala kay Hillary. "Ate, pumasok ka. Ayos lang ako," sabi ni Hillary habang nakaupo sa kama at suot na muli ang kanyang nightgown. Pumasok si Jenny sa kwarto ng kanyang hipag, naupo sa kama, hinawakan ang braso ni Hillary, at sinuri ito. "May sugat ka ba sa mga binti?" Inunat naman ni Hillary ang kanyang mga binti upang ipakita. "Wala, huwag kang mag-alala." "Wala bang masakit sa tiyan mo o likod?" tanong ni Jenny. Tumingin si Hillary sa kanyang asawa, at agad na naintindihan ni Hugo ang kanyang tingin. Nagsalita siya upang maitago ang totoo. "Ate, sinuri ko na si Hillary kanina habang naliligo siya. Wala siyang sugat." "Buti naman kung ganoon. Ano bang nangyari? Bakit ka nakipag-away? Hindi ako sumilip sa forum ng school mo, kaya hindi ko alam ang buong pangyayari." Hinawakan ni Hillary an
Si Mayor Harry at ang istasyon ng pulisya ay natapos na ang proseso ng piyansa, at siya mismo ang naglabas sa kanyang anak. Ang pamilya Gavinski, na binubuo ng anim na tao, ay umalis ng sabay sa presinto,Samantala, mahigit dalawampung kaklase na nakakulong sa isa pang bakal na selda ay nanatiling tahimik. Isa itong malaking hindi pagkakaunawaan. Ang mga balitang natanggap ngayong araw ay sapat na upang yanigin ang university nila. Una, hindi pala isang sugar daddy ang sumusuporta kay Hillary, kundi ang matandang lalaki ay kanyang biyenan! Pangalawa, ang pinakamagandang babae sa unibersidad ay kasal na pala, at ang kanyang asawa ay walang iba kundi ang internationally famous na negosyante, si Hugo Gavinski! Pangatlo, ang campus gangster/heartthrob ay hindi lang isang anak ng opisyal, kundi isa ring tagapagmana ng malaking yaman! Pang-apat, hindi pala magkasintahan sina Hillary at ang campus heartthrob. Magkamag-anak sila—tiya at pamangkin! Sa isang iglap, pakiramdam nila na parang
Itinuro ni Jackson ang mukha ni Hillary at nagreklamo, "Lolo, matagal ko nang sinabi sa'yo, huwag kang palilinlang sa itsura niya. Sobrang tapang niya." Tinadyakan ni Hillary si Jackson at sinubukan niyang ipagtanggol ang sarili para mapanatili ang kanyang mabuting imahe sa harap ni Mr. Joaquin. "Dad, hindi naman ako palasigaw o mainitin ang ulo. Hindi ba tingin mo, mabait at mahinhin ako sa bahay? Pero sa pagkakataong ito, ibang tao ang nag-umpisa kaya ako nagalit. Sino ba namang hindi umiinit ang ulo kapag nagagalit, di ba?"Tumango si Mr. Joaquin, nag-iisip, ngunit bigla rin siyang natigilan. "Pero teka, kahit mainitin tayo minsan, hindi naman kami ganun kabagsik gaya mo." Pinadugo ang anit ng iba at ikiniskis ang bibig ng isang babae sa sahig. Biglang naalala ni Hillary na dapat niyang ipakita ang kanyang mabait na panig. "Pero Dad, sabihin mo nga, hindi ba't nararapat lang silang bugbugin?" Naalala ni Mr. Joaquin ang masasakit na sinabi ng mga taong iyon laban sa kanyang manu
Ang mga babae sa paligid ay naglakas-loob na atakihin si Hillary nang sama-sama dahil isa lang siyang babae. Pero walang sinuman ang nangahas na lumapit kay Jackson, dahil siya ang tinaguriang gangster sa campus.Maging ang mga lalaking estudyante sa paligid ay hindi rin naglakas-loob na lumapit. Masyadong brutal si Jackson. Akma sana nilang sugurin si Hillary pero agad kinuha ni JoaquinAng mga guro na nasa paligid ay nais nang pumigil, pero biglang sumigaw si Mr. Joaquin. "Huwag kayong makialam!" Gusto niyang makita kung paano tatanggapin ng babaeng iyon ang parusa mula sa kanyang apo! Samantala, si Butler Arthuer ay mabilis na pumunta sa grupo ng mga kababaihang umatake kay Hillary upang protektahan siya “Hillary, mag-ingat po kayo." "Huwag kang mag-alala, Butler! Hindi ako mabubuhay nang mapayapa hangga't hindi ko nababali ang mga bibig ng mga babaeng ito!" Hinawi ni Hillary ang butler, sinabunutan ang isang babae, hinawakan ang leeg nito gamit ang kanyang kamay, at itinulak si
Sumugod si Valentine upang saktan si Jeah. Ngunit mabilis umaksyon si Hillary. Agad niyang hinawakan ang braso ni Valentine, tinadyakan ito sa tiyan, at pinilipit ang braso pababa sa mesa bago tinamaan ang ulo nito. Malinis at mabilis ang kanyang galaw, walang pag-aalinlangan. Nagulat ang lahat ng kaklase sa silid-aralan. Marunong lumaban si Hillary! Mas matindi ang pagkagulat ng lahat kaysa sa sigaw ni Valentine ng tulong. Maya-maya, dumating ang professor sa silid upang pigilan ang gulo. Hindi kinaya ni Valentine si Hillary. Nasa kaliwa ni Jackson si Jeah at nasa kanan naman niya si Hillary. Pumalakpak si Jackson para sa dalawang kaibigan. “Kapag katabi ko kayo, parang wala akong silbi.” Napakatindi ng sagutan kanina na hindi na siya nakasingit. Lalo na kapag lumalaban si Hillary—laging kapana-panabik. Hinangaan ni Jackson si Hillary at pabirong tinawag ito, “Tita, kung hindi dumating si prof, babaliin mo ba ang braso niya?” Sa kabila ng kanyang inosenteng hitsura, ang sagot n