Nagmatigas pa rin si Jennifer sa asawa at wala siyang balak na makinig sa mga sinasabi ni Mayor Harry sa kung anong mga dapat niyang gawin. Ayaw niyang kinokontrol siya nitong parang robot. Inis naman na pinagsabihan ulit ni Mayor Harry ang asawa, "Jennifer, kung marinig ko ulit na nanggugulo ka, alam mo na kung ano ang magiging kahihinatnan!"Tiningnan naman ni Jenny ang pagtalikod ng asawa at nanlumo siya sa kama, bigla rin siyang naiyak dahil sa pagmamalupit nito sa kanya. Hindi niya maintindihan kung bakit hindi siya kinakampihan nito. At ang nangyaring ito ay isinisisi niya agad kay Hillary, kung hindi dahil sa babaeng iyon, hindi sana siya napagalitan ng asawa. Nang dahil sa kanya, ganito siya tinatrato ni Harry. Kung ganito lagi ang sitwasyon, hindi siya kailanman magbibigay galang kay Hillary. Hindi siya makakapayag na magtagal ito at kakampihan ng kahit na sino, lalo na ng kanyang sariling asawa. Samantala, may isang taong na naghihintay kay Jennifer sa ibaba.Habang naghi
Mas lalong sumeryoso ang mukha ni Mr. Joaquin nang tanungin niya ang kasambahay, "Nasaan si Hugo?" "Sir, hindi po makontak ang iyong anak." Sagot ni Butler Arthur. Napailing si Mr. Joaquin. "Wala talagang respeto ang lalaking ‘yun. Wala ng ibang gumawa khng hindi tumakas." Sa sandaling iyon, isang itim na kotse ang huminto sa harapan ng mansyon. Mula rito, lumabas ang isang matangkad na lalaking may malamig na ekspresyon, at matikas ang kanyang paglalakad na nakakapukaw pansin sa sinumang babae ang makakakita. Maingat niyang isinara ang pinto ng sasakyan at pumasok sa loob ng lumang bahay. Nang makita siya ni ni Joaquin mas lalong hindi maipinta ang mukha nito, hindi pa man ito nakakapagsalita ay biglang tumayo si Jenny at may mapanuksong ngiti na naglaro sa kanyang mga labi. "Tingnan mo nga naman," aniya. "Magkasama kayo ni Vanessa kagabi, pero hindi kayo sabay na dumating ngayong umaga. Ano ba ang iniiwasan niyong dalawa? Natatakot ka bang malaman ang ginawa niyo?"
Pagkatapos magpalit ng damit, bumaba si Hillary at tahimik na sumunod kay Hugo patungo sa altar ng pamilya. Sa kabila ng tensyon sa pagitan nilang dalawa, pinili niyang magpakita ng respeto sa yumaong ina ng kanyang asawa. Nagsindi siya ng insenso, pinapanood ang mabagal na pagtaas ng usok sa hangin. Habang tahimik siyang nakatayo, iniisip niya kung anong klaseng buhay ang naghihintay sa kanya matapos ang sapilitang kasal. Alam niyang hindi magiging madali ang lahat. Si Hugo ay isang lalaking hindi lamang malamig kundi puno rin ng galit—hindi lang sa kanya kundi sa mundo. Hindi niya alam kung paano ito mapapakibagayan, lalo pa't mukhang hindi interesado ang lalaki na ayusin ang kanilang relasyon. Pagbalik niya sa loob ng mansion, hindi siya mapakali. Isang ideya ang biglang pumasok sa kanyang isip. Kinuha niya ang telepono at tinawagan si Hugo. “Pwede ba tayong mag-usap?” diretsong tanong niya nang sagutin ng lalaki ang tawag. "Pinapunta ka na ba agad ng tatay mo sa akin?" may
Bago pa man maunawaan ni Hugo kung ano ang binabalak ng pamilya Bermudez, biglang tumunog ang kanyang telepono. Sa una, hindi niya alam kung kanino ang numerong tumatawag, pero nang marinig niya ang boses sa kabilang linya, agad siyang napailing. "HOY SUPLADO!" masayang bati ng nasa kabilang linya. Napapikit si Hugo, pinipigilan ang pagtibok ng kanyang sentido dahil sa inis. "Hillary????" "Walang hiya ka, gusto kang makausap ng tatay mot apos inignore mo lang?! Ako tuloy napag-utusan. HMP! Sinabi niyang umuwi ka raw dahil may mahalaga siyang sasabihin sayo. NOW NA!" Simula nang lumabas ang totoong kulay ng pamilyang ito, wala nang silbi ang pagpapanggap. Alam din ni Hillary kung gaano kasarkastiko magsalita si Hugo. Kaya, kung haharap siya sa isang matalim na dila, kailangang mas matalas ang kanya. Kaya naman binigyan niya ito ng palayaw—"MR. SUPLADO." Sa tono ng lalaki, halatang hindi nito nagustuhan ang bagong bansag niya rito. Napakuyom ang kamao ni Hugo habang hawak an
Hindi alam ni Joaquin kung ano ang sinabi ni Hugo sa kabilang linya, pero bigla siyang naningkit ang mga mata at lumalim ang kunot sa kanyang noo. "HugO, tandaan mo, matanda na ako pero mas matalas pa rin ang isip ko kaysa sa’yo. Bibigyan lang kita ng tatlumpung minuto para humarap sa akin. Kung hindi, mas lalo kang magkakaproblema." At bago pa makasagot si Hugo, galit na ibinaba ni Joaquin ang telepono. Pagkatapos noon, itinuon niya ang tingin kay Hillary na mukhang inosente ngunit may halong kapilyuhan sa mga mata. "Hillary, maghintay ka lang, pababalikin ko ‘yang asawa mo para humingi ng tawad sa’yo." Napakamot sa ulo si Hillary at napailing. "Huwag na po, Dad. Hindi na po kailangan." Sa totoo lang, siya naman talaga ang nang-asar sa una.”Pero makalipas lang ang ilang minuto, bumukas ang pintuan ng mansyon. Nang pumasok si Hugo, agad niyang napansin ang maliit na asawang nakatayo sa likod ni Joaquin, mistulang isang batang nagtatago sa likod ng ama nito para hindi mapagali
"Ano ang ginawa mo para magalit ang matanda?" "Hindi pa nga kita natatanong. Ano ba ang sinabi mo sa ama mo tungkol sa akin kaya ka niya pinapunta rito para humingi ng tawad?" Hindi makatingin nang diretso si Hillary kay Hugo. Mahigpit ang pagkakapit niya sa pulso nito, ramdam ang tensyon sa kanilang pagitan. Pareho silang hindi komportable sa sitwasyong iyon. Dahil wala silang makuhang malinaw na sagot sa isa't isa, si Hillary na ang naunang nagsalita. "Kung ganoon, pumayag ka na sa dalawang hiling ko kaninang umaga. Simula ngayon, hindi na kita tatawaging suplado o asungot. Hindi na rin tayo makikialam sa isa’t isa. Ikaw sa daan mo, ako sa daan ko. Ayos ba?" Tahimik lang si Hugo, hindi sumagot. Upang patunayan ang kanyang sinseridad, inalis ni Hillary ang kamay niya mula sa pulso ng lalaki. "Ayan, hindi na kita pinipisil. Kapag binitiwan mo rin ako, ibig sabihin pumayag ka na." Pinagmasdan siya ni Hugo nang may pagdududa. Napangisi ito. "Matalino ka rin pala." Alam n
Sa tabi ng sasakyan, kitang-kita ni Hillary ang kanyang mga magulang na nakatayo sa ilalim ng sikat ng araw, tila nag-aabang sa kanilang pagdating. Mabilis niyang nilinis ang kanyang lalamunan, naglagay ng matamis na ngiti sa kanyang mga labi, at ang kanyang mga mata ay kumurap ng tila dalawang gasuklay."Mama, Papa, nandito na kami ni Hugo!" masigla niyang bati.Habang kinuha ni Hugo ang mga regalong nakalagay sa trunk, nasulyapan niya ang ekspresyon sa mukha ng dalaga. Sa sandaling iyon, natigilan siya. Hindi niya inakala na maaaring gayahin ng isang tao ang isang ngiti nang ganoon katapat at kasaya. Napakatamis, napakainit ng dating—tila likas na sa kanya ang pagiging masayahin.Sa buong buhay ni Hugo, bihira siyang makakita ng tunay na ngiti mula sa kanyang pamilya. Para sa kanya, isang malaking karangyaan ang makadama ng sinseridad sa isang tahanan. Ngunit para kay Hillary, tila likas na sa kanya ang pagpapakita nito.Mabilis na tumakbo si Hillary papunta sa kanyang ina at niyaka
Habang papalapit si Harold sa kanyang pagsasalita, biglang sumingit si Hillary. “Pa, Hugo, halika na’t kumain tayo,” tawag niya nang masigla.Pagkatapos ng hapunan, hinayaan ni Hugo si Hillary na magtagal kasama ang kanyang mga magulang. Alam niyang bihira itong makauwi sa kanila. Sa hapon, dumating ang oras ng kanilang pag-alis.Sa loob ng sasakyan, nakaupo si Hillary sa passenger seat, nakasandal sa bintana habang pinagmamasdan ang papalayo nilang tahanan. Sa rearview mirror, kita pa niya sina Lucille at Harold na nakatayo sa may pintuan, nakangiti ngunit may lungkot sa mga mata.Habang palayo sila, naramdaman niyang parang may bumigat sa kanyang dibdib. Pinilit niyang pigilan ang luha ngunit hindi niya naiwasang punasan ang kanyang mga mata gamit ang kanyang mga kamay.Napansin ito ni Hugo. Hindi siya nagsalita, sa halip, bahagya niyang binilisan ang patakbo ng sasakyan. Nang hindi na matanaw ni Hillary ang kanilang bahay, marahan niyang isinara ang bintana at tahimik na huminga na
Itinuro ni Jackson ang mukha ni Hillary at nagreklamo, "Lolo, matagal ko nang sinabi sa'yo, huwag kang palilinlang sa itsura niya. Sobrang tapang niya." Tinadyakan ni Hillary si Jackson at sinubukan niyang ipagtanggol ang sarili para mapanatili ang kanyang mabuting imahe sa harap ni Mr. Joaquin. "Dad, hindi naman ako palasigaw o mainitin ang ulo. Hindi ba tingin mo, mabait at mahinhin ako sa bahay? Pero sa pagkakataong ito, ibang tao ang nag-umpisa kaya ako nagalit. Sino ba namang hindi umiinit ang ulo kapag nagagalit, di ba?"Tumango si Mr. Joaquin, nag-iisip, ngunit bigla rin siyang natigilan. "Pero teka, kahit mainitin tayo minsan, hindi naman kami ganun kabagsik gaya mo." Pinadugo ang anit ng iba at ikiniskis ang bibig ng isang babae sa sahig. Biglang naalala ni Hillary na dapat niyang ipakita ang kanyang mabait na panig. "Pero Dad, sabihin mo nga, hindi ba't nararapat lang silang bugbugin?" Naalala ni Mr. Joaquin ang masasakit na sinabi ng mga taong iyon laban sa kanyang manu
Ang mga babae sa paligid ay naglakas-loob na atakihin si Hillary nang sama-sama dahil isa lang siyang babae. Pero walang sinuman ang nangahas na lumapit kay Jackson, dahil siya ang tinaguriang gangster sa campus.Maging ang mga lalaking estudyante sa paligid ay hindi rin naglakas-loob na lumapit. Masyadong brutal si Jackson. Akma sana nilang sugurin si Hillary pero agad kinuha ni JoaquinAng mga guro na nasa paligid ay nais nang pumigil, pero biglang sumigaw si Mr. Joaquin. "Huwag kayong makialam!" Gusto niyang makita kung paano tatanggapin ng babaeng iyon ang parusa mula sa kanyang apo! Samantala, si Butler Arthuer ay mabilis na pumunta sa grupo ng mga kababaihang umatake kay Hillary upang protektahan siya “Hillary, mag-ingat po kayo." "Huwag kang mag-alala, Butler! Hindi ako mabubuhay nang mapayapa hangga't hindi ko nababali ang mga bibig ng mga babaeng ito!" Hinawi ni Hillary ang butler, sinabunutan ang isang babae, hinawakan ang leeg nito gamit ang kanyang kamay, at itinulak si
Sumugod si Valentine upang saktan si Jeah. Ngunit mabilis umaksyon si Hillary. Agad niyang hinawakan ang braso ni Valentine, tinadyakan ito sa tiyan, at pinilipit ang braso pababa sa mesa bago tinamaan ang ulo nito. Malinis at mabilis ang kanyang galaw, walang pag-aalinlangan. Nagulat ang lahat ng kaklase sa silid-aralan. Marunong lumaban si Hillary! Mas matindi ang pagkagulat ng lahat kaysa sa sigaw ni Valentine ng tulong. Maya-maya, dumating ang professor sa silid upang pigilan ang gulo. Hindi kinaya ni Valentine si Hillary. Nasa kaliwa ni Jackson si Jeah at nasa kanan naman niya si Hillary. Pumalakpak si Jackson para sa dalawang kaibigan. “Kapag katabi ko kayo, parang wala akong silbi.” Napakatindi ng sagutan kanina na hindi na siya nakasingit. Lalo na kapag lumalaban si Hillary—laging kapana-panabik. Hinangaan ni Jackson si Hillary at pabirong tinawag ito, “Tita, kung hindi dumating si prof, babaliin mo ba ang braso niya?” Sa kabila ng kanyang inosenteng hitsura, ang sagot n
Itinaas ni Hillary ang kilay niya, "Hayaan niyo na ako na ang bahala dito.”Ang inis ni Hillary kanina ay dulot lang ng pagkainis niya habang nagbabasa ng forum. Ngunit nang kumalma ang puso niya, naisip niyang. Wala namang dapat ikagalit. Mga paninirang puri lang iyon mula sa mga naiinggit sa kanya. Isa pa, halatang hindi totoo ang mga kumakalat na balita. Kapag nilinaw niya ang lahat, babalik ang kanyang linis ng pangalan. "Hillary, ayos ka lang ba?" tanong ni Jeah, na halatang nag-aalala sa kaibigan niya. Baka kasi dahil sa galit, bigla na lang itong sumabog. Ngumiti si Hillary, "Maliit na bagay lang 'to, hindi kailangang magalit nang ganyan." "Maliit na bagay? Ate, ito na ang pinakamalaking isyu sa buong paaralan, okay?!" minsan gustong alamin ni Jackson kung ano ba talaga ang nasa isip ni Hillary. Palagi siyang ganito. Kahit gaano kalaki ang problema, para sa kanya, maliit lang ito. Noon nga, nabugbog siya at muntik nang mabali ang pulsuhan niya, pero tiniis lang niya at sin
Isang pangkaraniwang post lamang, ngunit ang mga komento tungkol kay Hillary na diumano'y may sugar daddy ay halos umabot na sa sampung libo. Ang tatlong nangungunang post ay nakalikom ng mahigit 30,000 komento sa loob lamang ng tatlong oras. Ngunit may isang taong kinunan ang buong pangyayari, ginawang isang mahabang larawan, at lihim na ipinakalat ito. Bigla na lang sumabog ang usapan sa grupo. Pati mga guro mula sa ibang departamento ay nakiusyoso sa isyu. Dahil sa kasikatan ni Hillary, mas matindi ang naging reaksyon ng mga tao nang lumabas ang eskandalong ito. Dahil dito, natabunan ang iskandalo ni Valentine. Sa dis-oras ng gabi, tinitingnan ni Valentine ang kanyang ginawa at ngumiti nang may kasiyahan.May ilang kaklase na hindi na makatiis at naramdaman nilang hindi ganoon klaseng tao si Hillary, kaya may tumawag sa kanya ng dis-oras ng gabi upang ipaalam sa kanya ang nangyayari sa forum at umaasang lalabas siya upang linisin ang kanyang pangalan. Alas-kuwatro ng umaga, tum
Si Mr. Joaquin ay naligo rin at nawala na ang amoy ng pagkain sa katawan niya. Kahit na nasiyahan siya sa kinain niya, pakiramdam niya ay hindi pa rin sapat. Pero nasa mabuti siyang mood. Bihirang mangyari, pero nakipagkwentuhan siya sa anak at manugang niya. "Hugo, ano ang pangalan ni Hillary sa cellphone mo?" "Pusa." "Aba, kakaiba kayong mag-asawa. Ang iba, tinatawag ang isa’t isa ng ‘asawa’ o ‘mahal’, pero kayo, ‘pusa’ at ‘malaking aso." Lumingon si Hugo sa maliit na asawang nakakapit sa braso niya at ngumiti. "Ako ang malaking aso?" Agad namang sumagot ang maliit na pusa, "Kasi para kang k9 dog na sobrang laki at mabangis, gusto mo ba ang pangalang ibinigay ko sa’yo?" "Gusto ko pa rin ang tawagan na ‘asawa’ at honey." "Kung ganun, palitan mo rin ako ng ‘asawa’ sa cellphone mo." Mahigpit na yumakap si Hillary sa braso ng asawa at halos sumiksik na sa dibdib nito. Kinurot ni Hugo ang ilong ng asawa at ngumiti. "Para ka talagang bata." Samantala, si Mr. Joaquin ay tahimik lan
Tumingin si Jackson sa kanyang tiyuhin. Gumagawa ng kalokohan ang asawa nito sa labas nang hindi sinasabi sa kanya, pero bakit parang masaya pa rin siya at mukhang nasa mabuting mood? "Hello, Jackson? Narinig mo ba ako?" Hindi na hinintay ni Hillary na sumagot siya at agad nang nagtanong, "Nasaan ka?" "Ah, oo, narinig ko. Wala pa ako nasa bahay." "Okay lang yan, basta huwag kang uuwi." Tumango si Hugo kay Jackson. Naintindihan ito ni Jackson kaya sumagot siya, "Sige, hindi ako uuwi, pero... bahala ka na sa sarili mo." "Ano'ng ibig mong sabihin?" Binaba na ni Jackson ang tawag. Tumingin siya sa kanyang tiyuhin at nagtanong, "Tito, bakit ang saya mo?" "Tinago niya ito sa akin, ibig sabihin ba nito natatakot siya sa akin?" tanong ni Hugo sa kanyang pamangkin. "Masaya ka ba dun?" Lumingon si Hugo sa loob ng tindahan kung saan naroon ang kanyang asawa, saka ngumiti nang bahagya. "Kung natatakot siya sa akin, ibig sabihin, mahalaga ako sa kanya." Dahil mahalaga siya kay Hillary,
Excited na itinuro ni Jackson ang bintana, parang doon papunta si Hillary. "Ate, kailan ka ba nakakita ng tindero sa kalye na nagbibigay ng resibo? At isa pa, nakalimutan mo na bang palihim kang pumunta roon para kumain nang hindi sinasabi kay Tito? May lakas ka bang loob na ipareimburse iyon kay Tito?" Napahampas si Jeah sa lamesa sa kakatawa. "Hillary, mukhang ikaw ang malulugi dito." Pakiramdam ni Jackson, napakatalino niya kaya hindi na lang siya sumama. Kaya pagkatapos ng klase, naghiwa-hiwalay sila ng daan. Bitbit ang kanyang bag, patakbong lumabas si Hillary sa kanlurang gate. Napansin niyang may isang matandang lalaking nakatayo sa labas, maayos ang suot, may puting buhok, pero halatang malakas pa rin. "Dad, bakit ka nakatayo lang diyan? Nagpapaaraw ka ba? Halika sa loob," sabi ni Hillary habang binuksan ang pinto ng sasakyan at hinila ang braso ni Mr. Joaquin para mapasakay siya sa loob ng business car. Pagkatapos, tinanggal niya ang kanyang bag, inilagay ito sa kotse, a
Pagkasabi noon, ibinaba niya ang asawa at hinawakan ang kamay ni Hillary bago lumabas ng silid. Sa labas ng bahay, naghihintay pa rin sina Mr. Joaquin at Jackson sa magiging resulta ni Hillary. Ngunit lumabas siya nang ligtas. "Kumusta?" Kumikinang ang mga mata ni Hillary. "Ayos lang." "Ano ang sinabi ng tiyuhin ko?" "Wala siyang sinabi, at hindi niya ako pinagalitan." Muling nagtanong si Jackson, "Eh, ano ang sinabi mo?" "Sinabi ko, mahal ko siya!" Natameme si Jackson. Tahimik din si Mr. Joaquin. Tama nga, ang mga taong maganda at matamis magsalita ay madaling nakakakuha ng gusto nila. Sumunod si Hillary sa kanyang asawa pabalik sa kwarto. Mahinang nagtanong siya, "Honey, narinig mo ba ang sinabi ko kanina?" Mahinang tumawa ang lalaki at nagtanong na parang wala siyang alam, "Alin doon?" "Hmph, hindi ko na uulitin." Ngumiti si Hugo. "Tandaan mo ang ipinangako mo. Kapag hindi ka sumunod, talagang paparusahan kita." "Oo, alam ko na." Dahil sa babala ni Hugo, naging masun