Nag-click naman ang isipan ni Wesley saka siya tumango. “Naiintindihan ko na, kaya pala nakasuot ka ng mask.”‘Sinasabi ni Mr. Henry sa media na tunay niyang anak si Alice, pero brunette siya at walang senyales sa facial features nito na isa siyang mixed-blood. Natural lang na kwestyunin siya kung hindi siya nakasuot ng mask.’Mayroon siyang naisip at tinitigan ang dalawa. “Matagal na ba kayong magkakilalang dalawa?”Nagkibit-balikat lang si Maisie habang mapait naman na ngumtii si Nolan.Matapos ang limang minuto, naupo si Wesley sa couch, at sinalinan siya ni Quincy ng isang tasa ng kape.Tumingin sa kaniya si Nolan. “Wesley, may emergency ba?”Hindi na nag-abala pa si Wesley na uminom mula sa tasa dahil mayroon siyang importanteng balita. Pinilit niyang pakalmahin ang sarili at sumagot, “Emergency nga ito. Narinig ng mga tauhan ko na minamadali ni Prince Roger ang presidential election. Ang mga tao sa gobyerno, bukod sa tatay ko at ilan niyang kasamahan ay nasuhulan na n
“Nolan Goldmann, maaaring pinangako ko na manatili dito kasama mo, pero hindi pa kita pinapatawad sa ginawa mo.” Marahang tinulak ni Maisie ang mga kamay ni Nolan, tumayo, at tiningnan ito bago sabihin, “Kailangan mo munang mabuhay kung gusto mong bumawi sa akin.”Mahinang suminghal si Nolan.…Ilang araw ng nananatili si Maisie sa East Island Villa, at nagpadala siya ng text message kay Saydie para hindi ito mag-alala sa kaniya.Sa magkahiwalay na kwarto sila natutulog ni Nolan sa mga nagdaang araw. Kahit na mayroon lalaking pumupunta sa kwarto niya at humihiga sa kama niya sa kalagitnaan ng gabi, walang nangyari sa kanila.Ang dahilan kung bakit hindi siya ginagalaw ni Nolan ay dahil nag-aalala siya na maging infected din si Maisie. Kahit na hindi siya maging infected, walang kasiguraduhan na hindi maipapasa ang virus sa anak nila kung mabubuntis man siya ulit.Mas malaki ang posibilidad na mamatay ang mga sanggol mula sa virus kaysa sa mga matatanda.Noong buntis ang na
Sandaling natigilan si Nolan, saka bumaba ang tingin niya at ngumiti. “Naalala mo pa pala.”“Hindi ko makakalimutan yun, Nolan Goldmann. Hindi ko makakalimutan ang lahat ng sinabi mo sa akin noon. Marami ka pang utang sa akin, kaya bakit kita hahayaang mamatay?”Nilabas ni Maisie ang kaniyang cellphone at nagpadala ng text message kay Saydie. Saka niya mahinahong sinabi, “Nilapitan ako ni Daniel para ipakita sa publiko na nasa iisang panig kami. Sa tingin ko ay tinulak ang eleksyon dahil pinakita ko ang suporta ko sa kanila.”Pagkasabi nito, tinaas niya ang kaniyang cellphone. “Kailangan kong magpakita ng isang palabas sa kanila.”Hinalikan ni Nolan ang ulo ni Maisie at ngumiti. “Kung ganoon, dapat kitang sabayan?”…Isang high-end restaurant na may cozy environment ang pinareserba, at nakatayo ang mga nakaitim na lalaki sa loob at labas nito. Tahimik ang paligid.Limang tao lang ang dala ni Maisie, at isa si Saydie sa kanila. Pumasok siya sa restaurant at nakita niya si D
Pero kapag nalaman ng lahat na apo ka ni Hernandez, at ikaw din si Alice ng Metropolis, at may intimate relationship ka sa akin, sa tingin mo ba ay pakakawalan ka nila?”Neutral lang ang ekspresyon ni Maisie habang nakatingin kay Daniel. “Ibig sabihin, wala akong ibang magagawa kung hindi makipagtulungan sa iyo?”Nagkibit-balikat si Daniel. “Kailangan mo lang mag-lay low. Kami na ang bahala sa lahat.”Ngumiti si Maisie at tinaas ang wine glass, pero walang tuwa sa kaniyang mga mata. “Magtulungan tayo, kung ganoon.”Hindi ginalaw ni Daniel ang baso niya dahil parang mayroon siyang nakita. Naningkit ang kaniyang mga mata.Tumalikod si Maisie at nakitang tulak-tulak ni Quincy ang wheelchair ni Nolan. Magkaharap ang mga bodyguards ni Daniel at Nolan, at para bang anumang oras ay magsisimula ang isang labanan.Agad na tumayo si Maisie at tiningnan si Daniel. “Plinano mo ito?”Nagkibit-balikat si Daniel, walang bakas sa mukha niya kung sinadya niya ito o wala siyang alam.“Mr
Malamig siyang tinitigan ni Maisie at agad na umalis sa restaurant.Inubos ni Daniel ang wine sa baso, nilapag ito at sinabi sa taong nasa likod niya, "Imbestigahan mo ang relasyon niya kay Nolan."Pumasok si Maisie sa kotse at agad na nakatanggap ng tawag mula kay Nolan. Ngumiti siya at sumagot, "Ang galing mong umarte."May halong selos ang mahinang boses ni Nolan, "Huwag kang kumain kasama siya, bumalik ka na ngayon.""Hindi," Tumaas ang mga kilay ni Maisie, "Babalik ako pagkatapos kong mag-dinner.""Ikaw—"Pinatay ni Maisie ang tawag bago pa matapos ang sinasabi ni Nolan. Sinabihan niya si Saydie na bagalan ang takbo papunta sa East Island Villa.Sanay na si Saydie sa pagbisita ni Maisie sa East Island Villa at hindi na yun kwinestyon.Pumasok si Maisie sa villa at nakasalubong si Quincy na pababa ng hagdan. Naiilang itong ngumiti. "Nandito ka na, Ms. Vanderbilt. Nasa… kwarto si Mr. Goldmann. Mukhang galit siya.""Galit?" Tumigil si Maisie at tiningnan si Quincy.
Kung ayaw matalo ni Nolan, bakit siya nito hinayaang makapasok sa puso niya? Maraming tao ang nakakaintindi nun, pero marami din tal ang handang matalo.Sa Kent mansion, sa study…Mayroon sinabi ang bodyguard kay Daniel habang hinihithit niya ang kaniyang vape pen. Umikot ang usok na tumakip sa kaniyang mga mata."Divorced na talaga sila?"Sumagot ang bodyguard, "Opo, tatlong taon na. Malaking balita yun dati, at nabalitaan kong ayaw ng babae makipag-divorce noong una."Naningkit ang mga mata ni Daniel at dahan-dahang lumingon. "Magpadala ka ng taong magbabantay sa kanila."Patuloy na umarte sina Maisie at Nolan sa mga sumunod na araw nang lumabas sila. Ang walang tigil na paghabol ni Maisie at ang inis ni Nolan ay pinagpiyestahan ng media.Pagkatapos lumabas ang balita ng 'Paghahabol ni Alice sa tagapagmana ng Goldmann.' maraming tao ang nagulat. Alam nilang kinasal na si Nolan noon at nakipag-divorce, at alam din nila na may sakit siya.Si Alice ay anak ni Mr. Henry,
Yumuko si Nolan at hinalikan ang mapupulang mga labi ni Maisie, pero kasing sabik at uhaw lang din niya ito.Nasa ilalim ng liwanag ng buwan ang mukha ni Maisie, dahilan para mas lalo siyang gumanda. Nakalapat ang mahaba at malambot niyang buhok sa braso ni Nolan habang yakap-yakap siya nito. Puno ng pagmamahal ang mga mata nito, mas magaan pa ang titig nito sa kaniya kaysa sa liwanag ng buwan.Hinihiling ni Nolan na bumagal ang oras para mas humaba ang oras na kasama niya si Maisie.Sa sandaling 'to, umilaw ang phone na iniwan niya sa mesa. Maingat na tumayo si Nolan para kunin ang kaniyang phone, pero nagdilim ang mga mata niya sa nakita.Kinabukasan…Hindi nakita ni Maisie si Nolan nang magising siya. Kinuha niya ang kaniyang phone at nakita ang bagong headline.#Shocking: Si Ms. Henry ay apo pala ni Hernandez de Arma na biglang sinuportahan ang prinsipe nang mawala ang kaniyang lolo.#Nagbasa si Maisie sa phone. Lahat ng balita ay tungkol sa identity niya. Namutla ang
Sinuportahan ni Nolan ang sarili at naupo sa mesa sa tabi ni Maisie at yumuko, maaamoy sa paligid ang lavender. "Naniniwala ka na ba sa akin ngayon?"Tumalikod si Maisie para humarap sa kaniya. “Si Robert ang kanang kamay at vault ni Roger. Paano mo ito nalaman?”"Salamat kay Wesley." Ngisi ni Nolan "Mukhang hindi sila matitibag dahil malaki ang bayad nila sa mga tao. Noong una ay ayaw ikanta nung anak ang tatay niya.""Anong nagpabago sa isip niya?""Hindi siya masaya na lagi siyang pangalaw kumpara sa mga anak ng tatay niya sa asawa nito."Hinawakan ni Nolan ang buhok ni Maisie. "Inudyok siya ni Wesley at pinangakuan. Sa tingin mo ba ay pipiliin niyang maging sikretong anak o magkaroon ng kapangyarihan?""Kapangyarihan siguro."Yumuko si Maisie. Walang makakatangi sa tukso ng kapangyarihan simula pa noon. Kapag may kapangyarihan ang isang lalaki, susunod ang pera at babae.Ngumiti si Nolan. "Ang tanging pagkakamali lang na nagawa ni Robert ay hindi niya trinato nang
Inangat ni Cameron ang mata niya at sinabing, “Hindi na masama. Hindi pa ganoon katagal pero gumagaling ka na sa pag-amin ng mali mo. Mukhang natuto ka na ng leksyon mo.”Ngumiti si Conroy at sinabing, “Syempre, natutuhan ko na ang leksyon ko.”Ibinaba ni Cameron ang baso ng juice at agad na tinanong ni Conroy ang mga tauhan niya na punuin yon para sa kaniya. “Lahat kayo ay magkakaroon ng reward kapag trinato niyo siya nang tama.”Umirap si Cameron at tiningnan si Conroy.Hindi alam ni Conroy kung bakit ganoon ang tingin sa kaniya ni Cameron kaya tinanong niya, “Anong problema, Cam?”Habang nakangisi, sinabi ni Cameron, “Pamilyar ka ba sa lokasyon ng martial arts center?”Walang pagda-dalawang isip siyang sumagot, “Syempre.”Tumayo si Cameron at naglakad palapit para hilahin si Conroy patayo sa sahig. Pagkatapos, tinapik niya ang kaniyang balikat at sinabing, “Mabuti. Mr. Selfridge, kailangan ko ng tulong mo sa isang bagay.”Nagulat si Conroy.…Tiningnan ng landlord ang kont
Tiningnan ni Harold ang lalaki sa likod ni Cameron. Mabagal na tumatayo ang lalaki mula sa sahig. Inilabas nila ang butterfly knife sa kaniyang bulsa at tumakbo papunta kay Cameron.Nag-side kick si Cameron, tinamaan niya ang leeg ng lalaki at lumipad ito sa kabilang parte ng kwarto bago tumama sa isang paso.Nagulat si Harold.Humarap si Cameron para tingnan siya. Gumalaw ang gilid ng labi ni Harold habang gusto niyang umiyak sa mismong oras na ‘yon.“I… I…”Ngumiti si Cameron at nagdilim ang mukha niya. Tinapakan niya ang hita nito dahilan para mapasigaw ito sa sakit. “Pasensya na!”Lumapit siya habang nakatingin kay Harold habang may mala demonyong ngiti. “Narinig ko na si Mr. Selfridge ang taga suporta niyo, hindi ba?”Samantala, sa private swimming pool…“Mr. Selfridge, dito. Lumapit ka at hulihin mo akooo!”“Mr. Selfridge, dito!”Maraming bagay na nangyayari sa pool.Nakasuot ng blindfold si Conroy habang naglalaro ng tagu-taguan kasama ang ilang magagandang Internet c
“Miss—”Nang may sasabihin na si Sapphire, hinaplos ni Cameron ang ulo niya at sinabing, “Pumunta ka muna sa klase mo. Mahuhuli ka na.”Kinagat ni Sapphire ang labi niya at palingon-lingon siya habang papasok sa paaralan.Nang makapasok siya sa campus, inangat ni Cameron ang kamay niya tinapik ang mukha ng babaeng pula ang buhok. Habang nakangiti, sinabi niya, “Dalhin mo ako sa kapatid mo.”Nagulat ang grupo ng mga babae. Ito ang unang pagkakataon na may nakaharap sila na may death wish pero ito ang gusto nila.Dinala nila si Cameron sa billiard center. Puno ng usok ang center at lahat ng lalaki ay napalingon nang makita sila. Nang makita ng middle-aged na lalaki na naglalaro ng billiard na dinala nila ang babae, inayos niya ang kaniyang tindig at ibinaba ang tako.Lumapit ang babaeng pula ang buhok at sinabing, “Harold, siya ‘yon.”Tiningnan ni Cameron ang paligid. Napansin niya na naka-cast ang ilan sa mga binti nila. Mukhang hindi naging maganda ang nangyari sa kanila nang pu
Pakiramdam ni Dylan na hindi pa ‘yon sapat nang matapos siya magsalita at nagpatuloy. “Syempre, hindi mo kailangan na mag-alala dahil mayroong Goldmann na tutulong sa'yo pero iba ang boss namin. Ang martial arts center na ito na lang ang mayroon siya. Ginastos niya ang lahat ng ipon niya para sa center na ito.”“Sinabi mo na ginastos ni Nick ang lahat ng ipon niya sa martial art center na ito?”Sa memorya niya, mayaman ang Wickam sa Southeast Eurasia. Posible kaya na pinutol niya ang koneksyon niya sa kaniyang pamilya pagkatapos niyang umalis?Tumalikod si Dylan at sinabing, “Syempre. Itinayo ng boss namin ang martial arts center na ito nang sampung taon. Dito siya kumakain at natutulog. Ang may-ari ng lugar na ito ay ayaw ipa-renta sa iba ang lugar dahil ayaw niya ng kahit anong gulo. Kinausap siya ng boss namin ng isang linggo, at pumayag lang siya na iparenta ang lugar dahil sa sinseridad niya. Pinapirma pa niya ang boss namin ng kasunduan. Kapag gumawa ng gulo ang boss habang
Inikot ni Nick ang bote at uminom. Pagkatapos, sinabi niya, “Hindi kailanman gagawa ng gulo ang mga tao na nasa martial arts center ko.”“Wala akong pakialam. Gusto ko siya ngayon. Kung hindi, hindi ko alam kung anong magagawa ko mamaya.”Lumapit ang middle-aged na lalaki kay Nick at tinapik ito sa balikat. “Hinahamon kita na pumunta sa East Street at itanong kung sino si Harold. Ano naman kung magaling kayo sa pakikipaglaban? Wala itong saysay kung mawawala na bukas ang martial arts center niyo, hindi ba?”Nagalit si Dylan at lumapit pero pinigilan siya ni Nick.Tiningnan niya sa mata ang middle-aged na lalaki at sinabing, “Sampung taon na kaming nandito. Sa tingin mo ba ay posible na mawala kami bukas?”Humarap ang middle-aged na lalaki at nakipagpalitan ng tingin sa mga tao na nasa likod niya. Nang matanggap nila ang signal niya, lahat sila ay sumugod kay Nick.Binuhos ni Nick ang mainit na tsaa na nasa kamay niya at hinawakan ang braso ng lalaki.Pinaikot niya ang braso ng l
Hinawakan ni Colton ang pisngi nito at tiningnan sa kaniyang mga mata. “Hindi mo kailangan na may matupad. Kaya kitang alagaan. Ayos lang kahit na wala kang matupad. Kaya kitang alagaan.”“Yan ang iniisip mo,” naiiyak na sinabi ni Freyja. “Hindi ko kailangan na alagaan mo ako. Ayaw ko na maliitin ako ng ibang tao.”Niyakap siya ni Colton. “Sinong may pakialam sa sinasabi ng iba? Sa tingin ko ay magaling ka.”Pinatong ni Freyja ang baba niya sa balikat ni Colton at masayang ngumiti. “Sa tingin ko ay lahat ng ginawa ko ay naging sulit.”Hindi na madilim ang mundo niya kasama si Colton at si Charm sa tabi niya.Hinalikan ni Colton ang ulo ni Freyja at mahinang sinabi. “Alright. Kailangan natin ibalita ito sa mga kaibigan mo. Sinusuportahan ka nila hanggang ngayon.”“Oo, dapat ko na sabihin sa kanila.”Ngumiti si Freyja at umakyat, iniwan niya si Colton doon.Hindi na kailangan sabihin ni Colton ‘yon basta masaya siya.Sa Bassburgh, sa martial arts center…“Itong lugar na ‘to. S
Natuwa si Sallu Hathaway nang marinig ‘yon. “Napakalambing mo lagi.”Masaya si Titus. “Well, ang anak mo ang nag-alaga sa kaniya. Syempre malambing siya.”Tiningnan nang masama ni Sally si Titus at gusto na huwag pansinin. Tumingin siya kay Diana at Nollace na nakatayo at ngumiti. “Mas lalong nagiging gwapo si Nollace. Kamukha na siya ng Kamahalan ngayon.”Hinawakan ni Diana ang kamay niya at yumuko dahil mas maliit si Sally. “Salamat. Kamukha nga ako ni Nollace.”Hindi masaya si Nolan at Colton tungkol doon. Si Nollace lang ang sinabihan niya ng gwapo. Siya lang ba ang gwapo?Mas hindi natutuwa si Titus. Dati siyang kaakit-akit at gwapo noong bata pa siya. Bakit hindi siya pinuri nito?Nagtinginan si Maisie at Freyja habang ang mga lalaki na nakatayo sa tabi nila ay ‘hindi patas’ ang pagtrato.Nakahanda na ang dinner nang sumapit ang gabi.Nasa 25 feet ang haba ng mesa at puno ng pagkain—western, oriental, fruits, at dessert.Ibinigay ni Diana ang upuan sa dulo kay Sally na m
"Hindi ko alam kung ano ang isusuot para sa unang pakikipagkita ko sa mga biyenan ko. Kung poporma ako masyado, masyadong pormal. Pero kung masyadong simple naman, baka isipin nilang wala akong respeto sa kanila."Mahigit sampung damit na ang sinukat ni Diana, at ngayon ay nakakalat na ang mga ito sa kama, binubusisi ang bawat isa.Si Rick, na matagal nang nakahanda, ay walang magawa kundi pagmasdan siya. "Basta kasya, okay na yan. Maganda na ‘yung nauna.""Talaga?" Kinuha niya ang lilang bestida at tumingin sa salamin. "Oo nga. Sige, ito na lang ang isusuot ko."Nang makapagbihis na si Diana, pumasok na siya sa palace hall habang nakahawak sa braso ni Rick. Bigla niyang naalala ang isang bagay. "Paano ang regalo?"Alam ni Rick na tatanungin niya iyon, kaya binuksan na nito ang pinto ng kotse. "Nasa kotse na. Kinuha ko na."...Sa Blue Valley Manor, masaya at masigla ang paligid. Nandoon sina Brandon at Freyja, at dumating na rin sina Diana at Rick.Wala silang kasama na mga ba
Ang isa pang tinutukoy ni Madam Hathaway ay si Titus.Tiningnan ni Titus si Nolan. “Ikaw ang tinutukoy niya, pumupunta ka kahit hindi ka imbitado.”Tumawa si Nolan at tumingin sa matandang babae. “Gran, alam ko na ngayon kung bakit hindi mo pinakasalan ang lolo ko. Hindi ka magkakaroon ng kapayapaan.”“Nolan!”Nanginig ang kamay ni Titus sa galit. Napakasama niyang apo!Lumapit siya kay Madam Hathaway at uupo na sana sa tabi nito pero tiningnan niya ito nang masama. “Sinabi ko ba na pwede kang umupo?”Nainis si Titus pero hindi niya masabi.Kailangan niyang tumayo at bumuntong hininga. “Sal, huwag kang makinig sa pilyo na ‘yan.”“Pilyo?” Tumawa si Madam Hathaway at nilagay ang kamay niya sa kaniyang tungkod. “Lahat ng Goldmann ay pilyo.” Ang anak mo, ang batang ito, at lalong lalo na ikaw.”Tinaas niya ang kaniyang boses. “Oo, pilyo ako. Pwede na ba ako umupo.”Nag-iwas ng tingin si Yorrick, nanginginig ang balikat niya.Sanay na si Nolan doon. Walang hiya ang mga Goldmann s