Pero kapag nalaman ng lahat na apo ka ni Hernandez, at ikaw din si Alice ng Metropolis, at may intimate relationship ka sa akin, sa tingin mo ba ay pakakawalan ka nila?”Neutral lang ang ekspresyon ni Maisie habang nakatingin kay Daniel. “Ibig sabihin, wala akong ibang magagawa kung hindi makipagtulungan sa iyo?”Nagkibit-balikat si Daniel. “Kailangan mo lang mag-lay low. Kami na ang bahala sa lahat.”Ngumiti si Maisie at tinaas ang wine glass, pero walang tuwa sa kaniyang mga mata. “Magtulungan tayo, kung ganoon.”Hindi ginalaw ni Daniel ang baso niya dahil parang mayroon siyang nakita. Naningkit ang kaniyang mga mata.Tumalikod si Maisie at nakitang tulak-tulak ni Quincy ang wheelchair ni Nolan. Magkaharap ang mga bodyguards ni Daniel at Nolan, at para bang anumang oras ay magsisimula ang isang labanan.Agad na tumayo si Maisie at tiningnan si Daniel. “Plinano mo ito?”Nagkibit-balikat si Daniel, walang bakas sa mukha niya kung sinadya niya ito o wala siyang alam.“Mr
Malamig siyang tinitigan ni Maisie at agad na umalis sa restaurant.Inubos ni Daniel ang wine sa baso, nilapag ito at sinabi sa taong nasa likod niya, "Imbestigahan mo ang relasyon niya kay Nolan."Pumasok si Maisie sa kotse at agad na nakatanggap ng tawag mula kay Nolan. Ngumiti siya at sumagot, "Ang galing mong umarte."May halong selos ang mahinang boses ni Nolan, "Huwag kang kumain kasama siya, bumalik ka na ngayon.""Hindi," Tumaas ang mga kilay ni Maisie, "Babalik ako pagkatapos kong mag-dinner.""Ikaw—"Pinatay ni Maisie ang tawag bago pa matapos ang sinasabi ni Nolan. Sinabihan niya si Saydie na bagalan ang takbo papunta sa East Island Villa.Sanay na si Saydie sa pagbisita ni Maisie sa East Island Villa at hindi na yun kwinestyon.Pumasok si Maisie sa villa at nakasalubong si Quincy na pababa ng hagdan. Naiilang itong ngumiti. "Nandito ka na, Ms. Vanderbilt. Nasa… kwarto si Mr. Goldmann. Mukhang galit siya.""Galit?" Tumigil si Maisie at tiningnan si Quincy.
Kung ayaw matalo ni Nolan, bakit siya nito hinayaang makapasok sa puso niya? Maraming tao ang nakakaintindi nun, pero marami din tal ang handang matalo.Sa Kent mansion, sa study…Mayroon sinabi ang bodyguard kay Daniel habang hinihithit niya ang kaniyang vape pen. Umikot ang usok na tumakip sa kaniyang mga mata."Divorced na talaga sila?"Sumagot ang bodyguard, "Opo, tatlong taon na. Malaking balita yun dati, at nabalitaan kong ayaw ng babae makipag-divorce noong una."Naningkit ang mga mata ni Daniel at dahan-dahang lumingon. "Magpadala ka ng taong magbabantay sa kanila."Patuloy na umarte sina Maisie at Nolan sa mga sumunod na araw nang lumabas sila. Ang walang tigil na paghabol ni Maisie at ang inis ni Nolan ay pinagpiyestahan ng media.Pagkatapos lumabas ang balita ng 'Paghahabol ni Alice sa tagapagmana ng Goldmann.' maraming tao ang nagulat. Alam nilang kinasal na si Nolan noon at nakipag-divorce, at alam din nila na may sakit siya.Si Alice ay anak ni Mr. Henry,
Yumuko si Nolan at hinalikan ang mapupulang mga labi ni Maisie, pero kasing sabik at uhaw lang din niya ito.Nasa ilalim ng liwanag ng buwan ang mukha ni Maisie, dahilan para mas lalo siyang gumanda. Nakalapat ang mahaba at malambot niyang buhok sa braso ni Nolan habang yakap-yakap siya nito. Puno ng pagmamahal ang mga mata nito, mas magaan pa ang titig nito sa kaniya kaysa sa liwanag ng buwan.Hinihiling ni Nolan na bumagal ang oras para mas humaba ang oras na kasama niya si Maisie.Sa sandaling 'to, umilaw ang phone na iniwan niya sa mesa. Maingat na tumayo si Nolan para kunin ang kaniyang phone, pero nagdilim ang mga mata niya sa nakita.Kinabukasan…Hindi nakita ni Maisie si Nolan nang magising siya. Kinuha niya ang kaniyang phone at nakita ang bagong headline.#Shocking: Si Ms. Henry ay apo pala ni Hernandez de Arma na biglang sinuportahan ang prinsipe nang mawala ang kaniyang lolo.#Nagbasa si Maisie sa phone. Lahat ng balita ay tungkol sa identity niya. Namutla ang
Sinuportahan ni Nolan ang sarili at naupo sa mesa sa tabi ni Maisie at yumuko, maaamoy sa paligid ang lavender. "Naniniwala ka na ba sa akin ngayon?"Tumalikod si Maisie para humarap sa kaniya. “Si Robert ang kanang kamay at vault ni Roger. Paano mo ito nalaman?”"Salamat kay Wesley." Ngisi ni Nolan "Mukhang hindi sila matitibag dahil malaki ang bayad nila sa mga tao. Noong una ay ayaw ikanta nung anak ang tatay niya.""Anong nagpabago sa isip niya?""Hindi siya masaya na lagi siyang pangalaw kumpara sa mga anak ng tatay niya sa asawa nito."Hinawakan ni Nolan ang buhok ni Maisie. "Inudyok siya ni Wesley at pinangakuan. Sa tingin mo ba ay pipiliin niyang maging sikretong anak o magkaroon ng kapangyarihan?""Kapangyarihan siguro."Yumuko si Maisie. Walang makakatangi sa tukso ng kapangyarihan simula pa noon. Kapag may kapangyarihan ang isang lalaki, susunod ang pera at babae.Ngumiti si Nolan. "Ang tanging pagkakamali lang na nagawa ni Robert ay hindi niya trinato nang
Nagsalita ulit si Maisie. “Tatlong taon na ang nakalilipas, sinabi sa akin ni Tito Erwin na ang outbreak ng virus 30 years ago ay ginawa ng isang grupo ng mga tao. Pinag-aaralan nila ang virus, at ang mga taong yun ay ang mga noble.”Nagulat si Wesley. Namutla ang mukha niya habang nauutal, “Mga noble? Pinag-aaralan nila ang virus?”Tumalikod si Maisie at nagpatuloy. “Ang lolo ko lang ang tanging tao na nakakaalam ng lahat tungkol sa outbreak 30 years ago. Pero, nawawala siya.”Nagpalumbaba si Maisie at sinabi, “Kumilos sila laban sa lolo ko sa taon ng eleksyon dahil alam nila na ilalabas niya ang nangyari 30 years ago sa araw ng eleksyon.”Panggulo lang ang pagkuha sa negative vote. Kung yun talaga ang gusto nila, hindi nila itutulak si Hernandez sa punto na hindi niya na ito mahanap.Mahigpit na kumuyom ang mga kamao ni Wesley at sinabi, “Mukhang may kinalaman din sa virus ang nangyari sa dalawang taon na presidency ng lolo ko.”Pagkatapos nito, lumingon siya kay Nolan a
“Sabi ng lolo mo na laging nasa study room ang great-grandfather mo. Sa tingin ko ay tinago niya ang mga clues na iniwan ng great-grandfather mo.”Bumalik sa sarili si Maisie. “Sa study room ng de Arma mansion?”‘Tama. Siguradong alam ni lolo na hahanapin siya ng mga taong yun, at siguradong pinaghandaan niya na yun.’Hinawakan ni Nolan ang kamay ni Maisie at sinabing, “Zee, may dalawang dahilan kung bakit ayaw kong sabihin ang kondisyon ko. Ang isa ay ayaw kong malaman mo, ang pangalawa, sa tingin ko ay hindi nila susubukang ilabas ang tungkol sa kondisyon ko.”Tatlong taon na siyang infected ng virus, pero hindi pa rin alam ng media kung anong sakit niya ngayon. Ibig sabihin, tama ang taya niya.Dahil mayroong gumagawa ng experiment at malapit na ang eleksyon, magiging malaking hadlang lang sa kanila ang virus kapag nalaman yun ng publiko bago ang eleksyon.“Katulad ng sinabi mo, ang tanging paraan lang para mapigilan ang eleksyon ay kung ilalabas ko ang katotohanan tungk
Binaba ni Maisie ang tawag, mas lalong dumidilim ang mukha niya,Nilapitan siya ni Saydie at sinabi, “Miss, may paparating. Kailangan na natin umalis ngayon.”“Hindi niya tayo hahayaang makalabas pareho dito,” Sabi ni Maisie sabay hawak sa braso ni Saydie. Tiningnan niya ito at sinabing, “Pero isa sa atin ang makakalabas.”Kumunot ang noo ni Saydie.Nang lumabas sina Maisie at Saydie ng study room, nakitan nila ang ilang nakaitim na mga lalaki na paakyat ng hagdan.“Ayun sila!”Tumakbo ang mga ito papunta sa kanila.Tinulak ni Saydie si Maisie. “Miss, mauna na kayo.”Tiningnan siya ni Maisie at sinabing, “Tandaan mo ang sinabi ko at mag-ingat ka.”Natigilan si Saydie. Matagal niyang tiningnan si Maisie bago tumango.Pagkatapos nito, hinubad ni Saydie ang kaniyang jacket at mabilis na sumugod sa grupo ng mga lalaki habang sinubukan naman ni Maisie na tumakas gamit ang hagdan sa likuran. Pagkalabas niya ng pinto, isang tao ang dumating at hinawakan siya sa braso. “Pla
Yumuko si Leah at binaon niya ang kaniyang mukha sa balikat ni Morrison. Ilang araw ang lumipas, sa mga ebidensya na dala ni Aina pati ang mga pulis na naging witness, nasangkot si Dennis sa isang iskandong problema.Habang kumakalat ang iskandalo, naglakas-loob na rin ang mga babaeng inabuso niya para magsalita. Kahit ang hotel na ni-register sa pangalan ni Dennis ay iniimbistigahan. Nang marinig ng mga staff sa hotel na hinuli si Dennis, sinabi nila na matagal na silang binabalaan nito. Ginamit ni Dennis ang kaniyang pagkakakilanlan bilang isabsa mga top management ng hotel para tulungan siya ng mga staff. At saka, mayroon siyang suite sa hotel na “privately reserved” para lang sa kaniya. Base sa mga staff members doon, lagi raw nagdadala ng iba’t ibang babae si Dennis sa kwartong iyon para pagsamantalahan. Walang pwedeng pumasok sa kwartong iyon nang walang permiso niya. At saka, kakaiba ang pagkakagawa sa card key para makapasok sa kwarto. Isa lang ‘yon, at siya lang ang m
Natulak ni Dennis palayo si Leah dahil sa sakit. Habang nakatingin sa pen na hawak ni Leah, galit na tumawa si Dennis at sinabi, “Hindi ako makapaniwala na may pen kang dala, pero wala na akong pakialam.”Binuksan niya ang drawer at kinuha ang handcuffs. “Dahil gusto mo naman na mahirapan, ibibigay ko ang gusto mo.”Nagulat si Leah. ‘Hindi pwedeng lagyan niya ako ng posas!’ Kinuha ni Leah ang lamp at ashtray sa mesa at hinagis niya kay Dennis, sobrang nagalit ito. Lumapit sa kaniya si Dennis at hiniga siya sa kama bago ilagay ang posas sa kaniyang kamay. Malakas na sumigaw si Leah para manghingi ng tulong at tingin siya nang tingin sa pinto.‘Bakit hindi pa sila pumupunta? Iniwan na ba ako ni Aina?’Nanginig si Leah nang nakalantad na ang kaniyang balat, may takot na bakas sa kaniyang mata. Puno ng galit ang mata ni Dennis na nakatingin sa nakailalim sa kaniya na parang isang lion na nakatitig sa kaniyang biktima, naghahandang kainin nang buo.Puno ng pandidiri si Leah, at h
Nagulat si Aina.Hindi niya inaasahan na may isang taong hindi niya kaano-ano ang totoong tutulong sa kaniya sa huli.“Ms. Younge, mas matalino siya sa inaasahan mo…”“Alam ko,” Mabilis na sagot ni Leah. “Ibig sabihin, kailangan ko na makipag-cooperate ka rin sa akin. Dahil ako ang next niyang target, ako ang magiging batibong. Kailangan mo lang siyang paniwalain na nagtagumpay siya sa plano niya.”Matapos iyon, inabot ni Leah ang phone niya kay Aina at sinabi sa kaniya ang password. “Matapos iyon, kailangan kong tawagan mo dyan yung may pangalan na Morrison. Tawagan mo rin ng pulis. Gagawin ko ang best ko para mabigyan ka ng oras.”“Bakit ka nagtitiwala sa akin?” Tanong ni Aina, hindi makapaniwala ang tono ng kaniyang boses.Hindi ba siya nag-aalala na baka iwan siya ni Aina pagkatapos niya gawin kay Dennis ang sinabi niya?“Kung gusto mo talaga akong saktan, hindi mo na sana sinabi sa akin bakit ka pumunta dito. Pwede mo namang ilagay na lang yung pill sa drinks ko nung hindi
“Anong ibig mong sabihin?” Bahagyang nagulat si Leah, “May iba pang babae?”“Hindi ako ang una. Naloko niya rin ako.” Yumuko si Aina. Nagsimula siyang ikwento kay Leah kung paano siya niloko ni Dennis at pati ang tungkol sa malalang pang-aabuso sa kaniya.Nagulat si Leah at nahirapan siyang paniwalaan ang mga narinig niyang sinabi ni Aina. Ang trick na ginamit ni Dennis kay Aina at kapareho ng ginamit niya para mapalapit kay Leah.Una ay gagawa siya ng senaryo kung saan makakasalubong niya ang kaniyang target. Matapos iyon, ipapakita niya na isa siyang gentleman para hindi matakot sa kaniya ang kaniyang target at magkaroon sila ng pagkakaibigan. Napanalo na ni Dennis ang puso ng maraming babae dahil sa kaniyang itsura, background, at ang kaniyang palabiro, at palakaibigan na personlidad.Sa huli, sasabihin niya sa target niya na maging girlfriend niya at para makapag-sex siya sa kanila.Pag na-in love na ang target niya at pag naisip na nila na nakakuha na sila ng perfect na boy
Kinabukasan, pumunta si Leah sa meeting kasama ang Secretary-General. May meeting sila kasama ang ilang officials mula sa ibang bansa. Nagsusulat siya ng notes sa session habang nag-iinterpret para sa Secretary-General. Matapos ang dalawang oras na meeting, lumabas na siya ng building kasama ang Secretary-General na tumalikod sa gilid ng sasakyan. “May pupuntahan ako. Pwede ka na magpahinga ngayong araw.”Tumango si Leah. “Sige. See you soon.”Nang makaalis na ang sasakyan, nilabas ni Leah ang kaniyang phone na naka-silent mode, at nakita niya na may message sa kaniya si Morrison. Ngumiti siya at tinawagan ito. “Nasa meeting ako kanina. Nakapagdesisyon ka na ba, Mr. Shaw?”Tumikhim si Morrison at sobrang seryoso ang boses niya nang sinabi, “Anong oras matatapos ang trabaho ng girlfriend?” “Anong gustong kainin ng girlfriend ngayon?”“I…” Nakatikom ng labi si Leah. “Kahit ano. Kakainin ko lahat ng ibibigay sa akin, kahit yung boyfriend pa.”Umiinom si Morrison kaya bigla siyang
“Miss ko na siya.”Alam ni Morrison sino ang tinutukoy ni Leah, hindi nagbago ang kaniyang ekspresyon. “Ikaw ang gumagawa nito sa sarili mo. Iba na lang ang isipin mo!”May luha ang mata ni Leah pero hindi masabi ni Morrison kung malungkot ba siya o masaya. “Ikaw na lang ma-miss ko?”Napahinto si Morrison. Matapos ang ilang sandali, umupo siya sa sahig. “Sigurado ka bang hindi ka lasing?”“Mukha ba akong lasing?”“Medyo.”Yumuko si Leah. Hindi siya nag-isip nang sinabi niya ‘yon. Mas matanda siya ng tatlong taon kay Morrison, kaya hindi sila magkakasundo. Nagsayang siya ng sampung taon sa pagmamahal niya kay Zephir, kaya ngayon ayaw na niyang maghangad ng kung anu-ano. Matapos ang ilang sandali, ngumiti siya.Yumuko si Leah para itago ang kaniyang mga mata. “Nagbibiro lang ako, huwag mo masyadong isipin.”Nagsimula na siyang magligpit. “Alright, tapos na ako, at magpapahinga na rin. Huwag mo kalimutan na i-lock ang pinto pag umalis ka.”Tumawa si Morrison. Nang makita niyang t
Napahinto si Leah. “Hindi niya girlfriend si Aina?”‘Eh bakit sabi niya… Saglit lang! Sabi ng interpreter single raw si Dennis. Wala siyang girlfriend at hindi rin siya kasal, bakit hindi niya sinabi sa publiko kung si Aina naman pala ang girlfriend niya?‘Wala sa department ang nakakaalam tungkol doon?’Tumawa si Morrison. “Marami siyang babae sa contacts niya. Sinong nakakaalam sino ang tinutukoy mo? Pero sa kung ano ang nakikita ko, ikaw ang plano niyang gawing susunod na target.”Nagulat si Leah at tumingin siya kay Morrison. “Kilalang kilala mo siya?”“Walang lihim sa Night Banquet na nananatiling lihim. Wala naman talagang mga labing nakatikom.”Suminag ang ilaw sa bintana, nakasunod ito sa sasakyan.Ilang sandaling tahimik si Leah bago sabihin, “May nakita akong ligature marks sa kamay ni Aina, at mukhang sobrang takot siya kay Dennis. Sabi niya sa akin huwag raw ako magtiwala sa kaniya.”Hindi naman plano ni Leah. Kahit na sinabi ni Dennis sa kaniya na niloko siya ni Ai
Tumayo si Leah. “Pupunta ako sa banyo.” Nang naglakad na siya palayo, nakatingin lang si Dennis sa kaniya. Nang pumunta siya sa banyo, napansin ni Leah na nandoon ang babae. Nagulat siya pero pumunta pa rin siya sa sink area.Nagtanong si Leah sa babae bilang colleague, “Marami ka bang nainom?”Umiling ang babae.“Mabuti naman. Hindi magandang uminom nang marami sa ganitong mga event.” Kumuha ng napkin si Leah at pinunasan ang lipstick niya. Matapos ang ilang sandali, nakita niya ang peklat sa kamay ng babae. “Anong nangyari sa kamay mo?”Kinabahan ang babae at binaba niya ang sleeve niya para takpan ng kaniyang kamay. “Wala.” Mabilis siyang naglakad palabas ng pinto pero huminto siya bago lumabas, tumalikod siya para tingnan si Leah. “Huwag ka magtiwala kay Dennis.”Mabilis na umalis ang babae.Kumunot ang noo ni Leah. ‘Huwag magtiwala kay Dennis…‘May nangyari ba sa kaniya? Yung peklat niya, dahil ba ‘yon sa tali?’ Nanatili lang si Leah doon ng ilang sandali pero bigla
“Gusto ng mga matatanda nang ganoon pero basta masaya sila.”Pagkalipas ng ilang araw, sa Stoslo…Nagkaroon ng party ang Ministry of Foreign Affair at imbitado si Leah.Walang plano si Leah na pumunta pero pinilit siya ng mga ka-trabaho niya kaya pumayag siya.Pagkatapos ng trabaho, pumunta sila sa restaurant para sa party.Nang pumasok si Leah, napansin niya na nandoon si Dennis. Nakasuot siya ng blue sports jacket at mukhang fashionable.Umupo siya kasama ang dalawang babaeng interpreter.Pinaikot ni Dennis ang wine glass habang may kinakausap at nahagip ng mata niya si Leah. “Ms. Younge, ito ba ang unang beses mong sumama sa party?”Inasar siya ng isang babae. “Masyado mo siyang binibigyan ng atensyon. May namamagitan ba sa inyong dalawa?”Ngumiti si Dennis. “Ayos lang sa akin ‘yon.” Halata naman kung ano ang ibig niyang sabihin. Napakabukas niya tungkol doon.Kumunot si Leah at magalang na ngumiti. “Napaka prangka mo.”“Palagi naman.”Lumapit ang babae na katabi ni Leah